Hinilaod
Hinilaod
Hinilaod
HINILAWOD
Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng mga diyos at diyosa, na ang magandang diwatang si Alunsina
ay ikasal pagsapit niya sa edad ng pagdadalaga. Maraming makikisig na diyos sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig ang naghangad sa kaniyang kamay subalit silang lahat ay nabigo dahil si
Alunsina ay umibig at nagpakasal sa isang mortal na si Datu Paubari, ang pinuno ng
Halawod.Dahil dito’y nagalit ang mga manliligaw ni Alunsina at nagkaisa silang gantihan ang
bagong kasal. Binalak nilang sirain ang Halawod sa pamamagitan ng isang malaking baha. Mabuti
na lamang at nalaman ni Suklang Malayon, kapatid ni Alunsina ang maitim na balak ng mga
nabigong manliligaw kaya’t ang magkabiyak ay nakatakas patungo sa isang mataas na lugar
kaya’t sila’y nakaligtas sa baha. Bumalik lang sila nang napawi na ang baha. Tahimik silang
nanirahan sa bukana ng Ilog Halawod.
Subalit hindi basta sumuko si Labaw Donggon. Hinamon niya sa isang labanan si Saragnayan at
sila’y naglaban sa loob ng maraming taon. Inilubog ni Labaw Donggon ang ulo ni Saragnayan sa
tubig sa loob ng pitong taon subalit hindi niya pa rin napatay ang diyos ng kadiliman. Binayo niya
nang binayo subalit hindi rin niya ito nagapi. Sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting ni
Saragnayan ay natalo niya ang noo’y nanghihina at pagod na pagod nang si Labaw Donggon.
Ibinilanggo niya si Labaw Donggon sa isang kulungan sa ilalim ng kanyang tahanan.
Samantala, kapwa nanganak ang dalawang asawa ni Labaw Donggon. Parehong lalaki ang naging
anak nila. Ang anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag niyang Asu Mangga samantalang ang anak ni
Abyang Durunuun ay pinangalanang Abyang Baranugon. Nakapagsalita at nakatindig agad ang
mga bata. Hinanap nila kapwa ang kanilang ama.
Subalit wala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Labaw Donggon. Nawala ito dahil sa
matagal na pagkakakulong nang dahil sa labis na paghahangad sa Magaganda, kahit na may
asawa nang babae. Naibalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon subalit hindi pa rin
nawala ang pagnanais nitong makahanap pang muli ng magandang mapapangasawa. Ikinagalit
ito ng kanyang dalawang asawa subalit ipinaliwanag niyang pantay-pantay ang gagawin niyang
pagmamahal sa kanyang mga asawa. Ipinagdasal ng dalawang babaeng nagmamahal sa kanya na
muling lumikas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay muling nagbalik ang kakisigan at lakas ni Labaw
Donggon.