Jms Doc1
Jms Doc1
Jms Doc1
Bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila sa Pilipinas ay may isang sultan na ubod ng
lupit at hindi kumikilala ng katarungan. Siya si Sultan Barabas. Lubha siyang kinatatakutan ng mag
nasasakupan dahil sa kanyang kalupitan.
Ang salita ni Sultan Barabas ay batas. Wala siyang iginagalang sa kanyang pagpaparusa.
Matanda at bata, lalaki at babae ay pinarurusahan niya. Mabigat ang parusang ipinapataw niya sa
mga nakagagawa ng kahit maliit na kasalanan.
Mabibigat na parusa agad ang kanyang iginagawad. Iyon ay upang magkaroon daw ng kadalaan
at hindi na umulit pa ang mga taong nagkasala.
Saganang-sagana din siya sa masasarap na pagkain. Gayunman ay ubod naman siya ng damot.
Walang pulubi ang nakahihingi sa kanya ng tulong o kahit konting pagkain. Hindi katakataka na
ang kanyang malawak na hardin na may tanim ng iba’t-ibang punong namumunga ay hindi niya
hinahayaang mapasok ninuman.
Siya lamang at ang mag aliping tagapitas ng mga bungangkahoy ang nakakapasok doon. Mas
mabuti pa sa kanya ang mabulok ang mga bunga ng puno kaysa ipakain sa iba.
Isang araw ay may isang mangingisda ang ipinadakip ng sultan sa kanyang mga tauhan. Ang
dahilan ay masyado itong ginabi sa pangingisda. Walang awa niyang ipinakulong ang pobreng
mangingisda. Iniutos pa niyang pahirapan ito upang magtanda.
Nakarating sa asawa ng mangingisda ang nangyari. Agad nagtungo ang babae sa kaharian ng
sultan kahit malalim na ang gabi. Ang asawang ito ng mangingisda ay mahusay gumawa ng
isdang daing. Ito ang nagdadaing ng mga isdang nahuhuli ng asawa.
Walang takot na nagtuloy sa palasyo ang magdadaing. Kinatok nito ang natutulog na sultan. Dahil
naabala sa tulog ay galit na galit na bumangon ang sultan. Nang malaman nito kung sino ang
umabala sa pagtulog at kung ano ang sadya nito ay lalo siyang nagalit.
2
Sa halip na maawa sa babae ay ipinakulong niya ito. Naisip niyang makakain na ang masarap na
daing dahil pahuhulihin niya ng isda ang asawa nito at ipadadaing naman niya sa babae.
Masaya na rin sana ang mag- asawa kahit pareho silang nakakulong. Magkasama naman silang
dalawa. Kaya lang ay nag-aalala sila para sa anak na binatilyo na naiwang mag-isa sa bahay nila.
Alam nilang walang mag-aasikaso sa mga pangangailangan nito kung wala silang dalawa.
Ang hindi nila alam ay inaalagaan ng mga diwata sa gubat ang kanilang anak. Ang mga ito ang
nagbibigay ng pagkain sa binatilyo sa araw-araw.
Isang araw, naisipan ng binatilyo na puntahan si Sultan Barabas. Ibig niyang hilingin dito na
palayain na ang ina at ama. Sinamahan siya ng mga diwata sa pagtungo sa palasyo.
Nang magkaharap ang dalawa ay tahasang nagsalita ang binatilyo. Sinabi nito na dapat siyang
bigyan ng sultan ng pagkain dahil ang kinakain nito ay ang isdang pinaghirapang hulihin ng
kanyang ama at idinaing ng kanyang ina.
Hindi pumayag si Sultan Barabas. Sa halip ay nagtawa lang ito. Sa galit ng binatilyo ay bigla
nitong inagaw ang suot na korona ng sultan at saka nagtatakbo. Humabol sa lalaki ang sultan.
Nakarating sila sa malawak nitong hardin. Hindi maabutan ng sultan ang binatilyo dahil higit itong
mabilis tumakbo.
Napagod ng husto ang sultan. Humihingal itong huminto sa tapat ng isang malaking puno. Habol
nito ang paghinga at dakot ang dibdib na naninikip.
Sa sumunod na saglit ay bigla na lamang itong natumba. Noon din ay agad itong binawian ng
buhay.
Nagkaroon ng bagong sultan. Ito ay higit na mabait at makatarungan kaysa kay Sultan Barabas.
Binuksan nito sa lahat ang malawak na hardin upang makakain ng bungangkahoy ang sinumang
may nais.
Isang bagong halaman ang napansin ng mga tao na tumubo sa pinaglibingan kay Sultan Barabas.
Hinayaan ng mga tao na lumaki at mamunga ang nasabing puno.
Nang tikman nila ang bubot pang bunga ay napangiwi silang lahat.
3
“Ang pait!” sabi ng isa. “Simpait ng ugali ni Sultan Barabas!”
Nang magsilaki na ang mga bunga at muli nilang tikman ay nasabi ng ilan: “Ang asim. Sing-
asimng mukha ni Sultan Barabas!”
Nang mahinog ang mga bunga ay nasarapan ang lahat dahil matatamis ang mga iyon. Mula noon
ay nakagiliwan ang bunga ng puno at nang lumaon ay tinawag na Bayabas
ARAL NG KWENTO:
Huwag maging malupit sa kapwa. Sikaping maging magiliw kanino man upang hindi ka kainisan.
Iwasan ang pagiging makasarili. Ang pagiging sakim at madamot sa kapwa ay walang mabuting
maidudulot sa iyo.
4
“KUNG BAKIT MAY KALISKIS ANG ISDA”
Ang isang mag sasaka at ang kanyang ay pinagpala ng isang magandang babae hindi nila
hinayaang gumawa ng ano mang gawain pinaliguan nila iyo ng sobrang attention at
pagmamahal,lumaking isang magandang dalaga na babae at yun ang dahilan kung bakit madalas
siyang pumunta sa malinis na sapa upang humanga sa kanyang sariling kagandahan,isang araw
ay nakita siya ng mga hari ng alimango sa tabi ng sapa at nilatan siya ng mga hari ng alimango
uoang makipag kaibigan sa kanya natagpuan niya na ang pangit ng hari ng mga alimango at
sinabi niya sa hari ng mga alimango na hindi niya nais na makipag kaibigan sa tulad ng isang
kakilakilabot na nilalang nagalit ang alimango at tumalon ito sa kanyang mukha at nagkaroon sita
ng maraming gasgas at hinampad ng mga alon ang kanyang sugat sa mukha ngunit ang mga ito
ay tumigas at naging mga kaliskis at dahil sa galit ng alimangonag iwan ito ng isang mahiwagang
salita na naging sanhi ng kanyang pagiging isang isdang may
kaliskis at simula noon duon na nag simula ang alamat na
kung bakit ang isda ay mayroong kaliskis
Bakit nga ba may kaliskis ang isda?Ito ay maihahanlintulad ko siya sa atin.Tayong mga tao
kailangan natin ng damit na pansuot sa ating mga katawan.Ganun din ang isda kailangan din nila
magkaroon ng saplot sa katawan pra proteksyon sa kanilang katawan at ito ay tinatawag na
kaliskis.
5
“AKING INANG BAYAN”
Hindi ko maitatago
Ating pahalagahan
6
BUGTONG-BUGTONG
●Bumili ako ng alipin,mataas pa sa akin.
Answer:
Answer:
Answer:
Answer:
Answer:
Answer:
Answer:
Answer:
7
Si Pusa at munting Daga.
Sa isang maliit na tahanan ay may nakatira na Pusa at araw-araw niyang isinisigaw na siya lang ang may ari ng bahay at wala ng iba, kanyang ipinagmamayabang
na walang ng ibang mas makapangyarihan sa kanya at siya lang ang nagha-hari ng bahay na kanyang tinitirhan.
Ngunit hindi naging totoo ang Pusa sa mga sinasabi niya ni hindi niya nababangit na siya ay takot na takot sa mga pulang langgam at ayaw niya ito ipaalam sa iba
dahil siya ay pag kakatuwaan lamang.
Nanduon din si munting daga na sobrang tahimik at mahinhin, ni hindi man lang nagma-mayabang si munting daga, hindi niya ibinilang na siya ay malas o kung
ano man, at dahil duon lagi itong nakikita ng pusa at sinasabihan siya ng “Sobrang tahimik mong daga ka sobrang hina mo at wala kang imik at takot na takot
dapat ay maging katulad mo ako”.
At hindi sumagot si munting daga sa mga sinasabi ni pusa sa kanya at umalis ito at bumalik sa kanyang mga ginagawa at sinabi sa sarili na marahil ako nga ay
tahimik pero marami naman akong mga kaibigan at hindi ko ginugugol ang oras ko sa pag mamayabang at pag husga sa iba.
Isang araw habang nag lalakad ang daga sa kusina meron siyang narinig na sumisigaw at humingi ng tulong at nag madali ang munting daga at pinuntahan agad
niya ito upang tulungan at duon niya nakita na si pusa ay nasa taas ng kanyang kulungan at humihingi ng tulong kay munting daga;
At sabay itong tinanong ni munting daga “Ano ang problema at bakit nandiyan ka at nag sisigaw ng tulong?”
Pulang langgam!! Sigaw ng pusa at itinuro ang mga pulang langgan na nakapalibot sa kanya
At nakiusap si munting daga na humanap nalang muna ng ibang lugar na mapag-kukunan ng pagkain dahil tinatakot ninyo ang pusa, at agad namang umalis ang
mga pulang langgam at nag patuloy mag hanap ng kanilang makakain.
At bago bumaba ang pusa sinigurado muna niyang wala ng natirang langgan sa lapag at sa kanyang pag lapag, kayabangan parin ang kanyang nasa isip at para
bang walang nangyari ngunit hindi dito namangha si munting daga.
“Dahil kung saan saan sila sumusuot at ang dudumi nila” sagot ni pusa.
“Hindi yan totoo” inilaban ni munting daga, ”Paano mo nalaman na ganon sila ni hindi mo pa sila nakakausap”
Pinag isipan ito ng pusa at tinanggap na hindi nga talaga sila madumi sadyang takot lang siya sa mga langgam, siguro nga tama ka munting daga hinusgahan ko
agad sila na madumi at kung saan saan sumusuot at akala ko rin na mahina ka at walang imik sa totoo lang ang galing galing mo at ang lakas mo, matapang pa.
At pinasalamatan ito ng munting daga sa mga sinabi nito sa kanya ngunit tinanggihan ito ng munting daga at mas piniling maging mapag kumbaba, at sabay silang
dalawang tumawa at sinabi ng munting daga na nakakatawa na makita si pusa na nasa taas ng kanyang kulungan at takot na takot.
At simula noon, si munting daga at pusa ay naging mag kaibigan at natuto ang pusa kay munting daga.
Mapupulot na aral: Huwag husgahan ang iyong kapwa at maging mapag kumbaba sa kahit ano pa man ang mangyari.