Edited Filipino 8 Jhs q1 Modyul 5 Mpnhs

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

8 Filipino

Unang Markahan – Modyul 5:


Panitikan: Epiko
F8PB-Ig-h-24 / F8PS-Ig-h-22
Aralin
Epiko: Bidasari (Epiko ng Mindanao)
5

“Ang tunay na pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob,


ito’y hindi nananaghili o nagmamapuri”

Sa nagdaang aralin ay tinalakay ang banghay na isa sa mahalagang elemento ng


mga akdang tuluyan tulad ng kuwentong-bayan. Bilang pagbabaliktanaw, bumuo
ng balangkas ng kuwentong-bayan na “Naging Asawa ng Sultan ang babaeng Pipi’t
Bingi” sa pamamagitan ng pagtukoy sa mahahalagang elemento nito. Gamitin ang
tsart.

Pamagat ng kuwentong-bayan

Mga Pangunahing Tauhan

Tagpuan

Galaw ng Pangyayari

- Simula

- Gitna

- Wakas

Anong gintong aral ang iyong natutunan mula


sa akda?
Kilala mo ba ang iyong sarili? Tukuyin ang magaganda mong katangian, pisikal
man o panloob na sa palagay mo’y nakabibighani o nagiging dahilan upang
magustuhan ka ng mga tao sa iyong paligid. Isulat sa loob ng ulap ang iyong sagot.
Basahin nang may pag-unawa ang akda.

Bidasari
Bago pa lamang nalaman ng Sultan ng Kembayat na ang Sultana ay
nagdadalang-tao at siya'y maligaya. Ngunit ang salot na Ibong Garuda ay lumusob sa
kanyang kaharian at namuksa ng mga tao. Ang buong kaharian ay napilitang umalis
at nagtago sa namumuksang ibon. Napahiwalay sa mga kasama ang Sultana at ang
Sultan at sa kanilang paglalakad ay inabot ng panganganak ang Sultana sa tabi ng
ilog. Sa malaking takot sa Ibong Garuda, iniwan nila ang sanggol sa isang bangkang
nakita sa tabing-ilog at nagpatuloy ang dalawa sa pagtatago. Bagama't halos madurog
ang puso ng Sultana, napilitan nilang iwan ang sanggol.

Nang ang pinakamayaman na mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura


na si Diyuhara ay nagpapasyal sa tabing ilog na kasama niya ang kanyang asawa,
nakarinig siya ng iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa sanggol na babaing
pagkaganda-ganda, dinala nila agad ito sa bahay at binigyan ng apat na
tagapagalaga at higaang may kalupkop ng tunay na ginto. Bidasari ang kanilang
ibinigay na pangalan. Habang lumalaki, si Bidasari ay lalong gumaganda.

Ang Sultan Mogindra ng Indrapura ay dalawang taon ng kasal kay Lila Sari
ngunit natatakot ang babae na baka ang sinabi sa kanya ng Sultan na siya ay
mahal na mahal at hindi nya nais na mapahiwalay ay hindi mangyayari. Natatakot
si Lila Sari na ang kanyang asawa ay makakita ng isang higit na maganda kaysa
sa kanya at siya ay iwanan. ''Kung may makita kang lalong maganda kaysa sa
akin, malimutan mo kaya ako?'' At pabirong isinagot ng Sultan, ''kung may lalong
maganda kaysa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat!'' Kaya,
kinabukasan, ang Sultana ay nagdala sa lahat ng dako ng mga batyaw upang
alamin kung may makikitang higit na maganda kaysa sa kanya. At nakita ng mga
batyaw si Bidasari.
Sa pagkukunwaring gagawing dama ng Sultana, si Bidasari ay nadala sa
palasyo at ipinakulong ni Lila Sari. Pinapasok ni Lila Sari si Bidasari sa kulungan nito
sa tuwing aalis ang Sultan at doon ay pinapalo, sinasampal at minumura hanggang sa
hindi na nakatiis si Bidasari. Sinabi ni Bidasari, ''kung ibig ninyo akong

5
mamatay, Kunin ninyo ang isdang ginto sa hardin ng aking ama. Kapag araw, ito'y
kwintasin ninyo at kapag gabi ay ibalik ninyo sa tubig, sa gayo'y hindi maglalaon
at ako ay mamamatay.'' Ipinakuha ni Lila Sari ang isda at pinahintulutang
makabalik si Bidasari sa kanyang mga magulang.

Nangyari ang mga sinabi ni Bidasari. Sa


araw, kapag ikinukwintas ng Sultana ang isda,
si Bidasari ay nakaburol sa kanilang bahay at sa
gabi lamang nabubuhay siyang muli. Sa takot ni
Diyuhara na baka tuluyang patayin ng Sultana
si Bidasari, nagpatayo siya ng isang magandang
palasyo sa isang gubat na malayo sa Indrapura
at doon itinirang mag-isa si Bidasari. Laging
sarado ang palasyo.

Palagay ang kalooban ng Sultana sa paniniwalang si Bidasari ay namatay.


Nguni't isang araw, nang walang maraming ginagawa ang Sultan, naisipan nitong
mangaso sa gubat. Sa paghahanap niya ng usa, nakasapit ito sa palasyo ni
Bidasari. Saradong-sarado ang palasyo. Kaya lalong pinagnasaan niyang mapasok
ito. Natagpuan niyang walang katao-tao. Pinasok nya ang lahat ng silid at sa
wakas ay nakita niya ang kwartong kinabuburulan ni Bidasari. Nagtaka siya.
Ngunit hindi niya ginising si Bidasari. Kinabukasan ay nagbalik siya't naghintay
hanggang sumapit ang gabi. Nabuhay na muli si Bidasari na lubhang hinangaan
ng Sultan ang kagandahan nito. Sinabi ni Bidasari ang katotohanan. Galit na galit
ang Sultan. Pinakasalan agad nito si Bidasari at siyang pinaupo sa trono na katabi
niya samantalang si Lila Sari ay natirang nag-iisa sa kanyang palasyo.

Pagkalipas ng maraming taon, ang mga tao sa Kembayat ay nagbalikan


na. Ang mga magulang ni Bidasari ay nagkaroon pa ng isang anak na
pinangalanang Sinapati. Sa Kembayat ay dumating ang isang anak na lalaki ni
Diyuhara, na inaakala ni Bidasari na tunay na kapatid. Nang makita niya si
Sinapati ay nagulat siya sapagkat kamukhang-kamukha ito ni Bidasari.
Kinaibigan niya si Sinapati at ibinalita na siya'y may kapatid na kamukhang-
kamukha ni Sinapati. Dahil dito'y itinanong ni Sinapati sa mga magulang kung
siya'y may nawawalang kapatid. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura sa
pagbabakasakaling si Bidasari ang nawawalang anak. Gayon na lamang ang
pagtataka ng lahat dahil sa pagiging magkamukha ng dalawa. Nang sabihin ni
Sinapati na siya'y naghahanap ng kapatid na naiwan sa bangka ay nabatid na
niyang si Bidasari ay tunay niyang kapatid dahil sa pagtatapat ni Diyuhara.

Si Sinapati'y iniharap kay Sultan Mogindra at naging maligaya ang lahat nang
magkakilala ang magkapatid sapagkat si Bidasari pala'y isang tunay na prinsesa.

Mga Tala para sa Guro


Ang Edukasyon ang pinakamahalagang kayaman ng isang
indibidwal, kaya hindi kailanman matitinag ang bawat isa.
Ang pag-aaral ay ihahatid ng walang takot at pangamba.

6
Alam mo ba?

Ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na maaaring


lapatan ng himig o tono. Nagpasalin-salin lamang ito sa mga bibig ng tao kung
kaya walang tiyak na may akda nito. Nagsasalaysay ito ng mga kabayanihang
halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Ito rin ay
nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga
panganib at kagipitan.

Ang epiko ay nagpapahalaga sa mga paniniwala, kaugalian, at layunin sa


buhay ng mga tao. Pinapaksa dito ang mga kabayanihan at kabutihan ng isang
tao, at maging ang kalagayan ng mga tribo o katutubo.
Ang Bidasari na halimbawa ng epikong iyong mababasa ay maromansang
epiko ng Mindanao. Tungkol ito sa matandang paniniwalang ang buhay ay
napatata gal kung ang kaluluwa ng isang tao ay ipaloloob o paiingatan sa isang
hayop, isda, punong-kahoy o bato. Ang Bidasari ay laganap sa pook ng mga
Muslim subalit ito ay hindi kathang Muslim kundi hiram lamang dahil ang ori
hinal na katha nito ay nasusulat sa Malay. Itinuturing itong kawili-wiling tula sa
buong panitikang Malay.

Pagyamanin

Upang matukoy ang mga kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga


piling salita sa epikong binasa, sagutin ang sumusunod na mga gawain.

Pang-isahang Gawain Blg. 1:


Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na
kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong.

( kawal ) 1. Ang Sultana ay nagpadala sa lahat ng dako ng mga batyaw, upang


malaman kung may babaeng nakahihigit ng ganda sa kanya.

( pinag-interesan ) 2. Pinagnasahang pasukin ng sultan ang palasyong nakatayo sa


loob ng kagubatan.

( nagtagal ) 3. Hindi naglaon, ang madilim na balak ng asawa ay natukla- san ng


sultan.

( layunin ) 4. Ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pakay sa mahal


na hari.

( kinamulatan ) 5. Ang bata ay lubos na minahal at inaruga ng kanyang mga


kinagisnang magulang.

7
Pang-isahang Pagsusulit Blg. 1:

Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap ang salita na nasa loob ng panaklong


mula sa naunang gawain.

1. _______________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. _______________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

5. _______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pang-isahang Gawain Blg. 2:


Panuto: Piliin ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang nakasulat ng pahilig
ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Lubhang hinangaan ng sultan ang kagandahan at kabutihang-loob ng dalaga.

a. binalewala c. pinag-ukulan ng pansin

b. pinahalagahan d. pinuri

2. Natalos ng dalaga na ang paninibugho ay walang mabuting maidudulot sa


isang samahan.
a. nabatid c. nalaman

b. nakalimutan d. naiintindihan

3. Ang kawangis ng dalaga ay isang nimpang marikit.

a. kaakit-akit c. maganda

b. kahanga-hanga d. pangit

4. Ang masamang ugali ay itinuturing na salot sa isang masayang samahan.

a. hadlang c. sumpa

b. malas d. suwerte

5. Maituturing na isang pambihirang katangian ang pagkakaroon ng pusong


mapagkumbaba.

a. di-pangkaraniwan c. kamangha-mangha

b. kahanga-hanga d. pangkaraniwan
Panuto: Bumuo ng paghihinuha na maaaring kahinatnan ng mga pangyayari sa
kuwento kung naganap ang mga sumusunod na pagbabago sa akda. 3 puntos sa
bawat katanungan.

1. Kung nakaligtas ang sultan at sultana sa pamumuksa ng higanteng ibong si


Garuda kasama ang kanilang bagong silang na anak.
Hinuha sa Maaaring Kinahinatnan: ______________________________________________
_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

2. Kung nakita at inalagaan ng mahirap na mag-asawang mangingisda ang


sanggol na anak ng sultan at sultana sa tabing-ilog.
Hinuha sa Maaaring Kinahinatnan: ______________________________________________
_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Kung naging mabait si Lila Sari kay Bidasari at inatasan niya itong maging
dama sa kanyang kaharian.
Hinuha sa Maaaring Kinahinatnan: ______________________________________________
________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

4. Kung natakot si Bidasari na ipagtapat kay Sultan Mogindra ang pang-aapi


at pagmamaltratong ginagawa sa kanya ni Lila Sari.
Hinuha sa Maaaring Kinahinatnan: ______________________________________________
_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

5. Kung hindi nakilala ng anak ni Diyuhara si Sinapati na anak ng sultan at


sultana ng Kembayat.
Hinuha sa Maaaring Kinahinatnan: _____________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Karagdagang Gawain

Dagdag Kaalaman!

Mahahalagang Elemento ng Epiko


Tagpuan: Mahalagang bigyang-pansin ang tagpuan sa epiko
sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa paksa, sa
banghay, at maging sa mga tauhan. Halos bawat rehiyon o
pangkat na mayroon sa Pilipinas ay may isang natatanging
epikong kasasalaminan ng kultura at paniniwalang mayroon sa
isang lugar. Dahil sa tagpuan ay higit na nagiging malinaw kung
bakit naging ganito mag-isip at kumilos ang tauhan at kung
bakit ganito ang naging takbo ng pangyayari.

Tauhan: Isa sa mga pangunahing kaibahan ng epiko sa iba pang
akda ay ang mga tauhang binibigyang buhay rito. Mapapansing
halos karamihan ng pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay
ng supernatural o di pangkaraniwang kapangyarihan. Bagama’t
may ilang pamumuno ng isang kapulungan, ang tungkulin
niyang ipagtanggol ito ay kadakilaan, at ang kanyang
pagtatagumpay laban sa sinumang kaaway ay kabayanihan at
siya’y bayaning tatanghalin at kikilalanin. Samakatuwid ang
pangunahing tauhan sa epiko ay itinuturing na bayaning may
kakayahang kalabanin ang mga hamon sa buhay para sa patuloy
na pag-unlad ng komunidad ng kanilang kinabibilangan.

Narito ang ilan sa mga Epiko sa Pilipinas


Ibalon - epiko ng mga Bikolano
Dagoy at Sudsud - epiko ng mga Tagbanua
Tuwaang - epiko ng ng mga Bagobo
Parang Sabir – epiko ng mga Moro
Lagda – epiko ng mga Bisaya
Haraya – epiko ng mga Bisaya
Maragtas – epiko ng mga Bisaya
Kumintang – epiko ng mga Tgagalog
Biag ni Lam-ang – epiko ng mga Iloko
Ang pagpapalawak ng paksa ay isang gawaing nagpapakita ng malawak na
kaalaman tungkol sa isang tiyak na bagay. Ngayong marami ka nang alam
tungkol sa epiko ay ipakita mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman
tungkol dito batay sa teknik na makikita mo sa dayagram.

Pa gbibigay ng Sariling Depenisyon sa Epi ko

Paghahambi ng o Pagtutulad ng Epiko sa Kuwentong -Bayan

Pagsusuri sa Iba pang Katangian at Elemento ng Epiko

You might also like