Filipino 7 - Q2 - M1 - v1 (Final) Edited

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

7

Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 1
Mga Mahahalagang Detalye, Mensahe at
Kaisipang Nais Iparating ng
Napakinggang Awiting-bayan, Bulong,
Bahagi ng Akda, Teksto Tungkol sa
Epiko ng Kabisayaan

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public schools. We encourage teachers and other
education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education – Region 10 at
[email protected].
Your feedback and recommendations are highly valued.
Ang modyul na ito ay kinapalolooban ng mga gawaing pangkwarter 2
para sa mag-aaral sa ikapitong baitang. Dito matutunghayan mo ang mga piling
akda mula sa kabisayaan tulad ng awiting-bayan, bulong, alamat, bahagi ng
akda at epiko. Sa panahon ng ating mga ninuno, kung saan hindi pa uso ang
mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, kompyuter, ipad at iba pa
ang pagpapalaganap ng iba’t ibang akdang pampanitikan ay nagsimula sa
pasalindila na kung saan ang panitikang ito ay nagpalipat-lipat sa iba’t ibang
henerasyon upang makabuo ng mga bugtong, awiting-bayan, alamat, bulong
at epiko na nagsisilbing yaman ng Kabisayaan.

Layunin:

1. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais


iparating ng napakinggang awiting-bayan, bulong, bahagi ng akda,
teksto tungkol sa epiko ng Kabisayaan. F7PN-Ia-b-7
a.1 Nasusuri ang mahahalagang detalye sa akdang pampanitikan
na binasa
a.2 Napahahalagahan ang kaisipang natutuhan hinggil sa binasang
akda

1
Oo, nakapunta na ako sa Samar
na kung saan ang kanilang
diyalektong ginagamit ay Waray at
ang naging karanasan ko ay ang
Nakapunta ka na ba sa pakikinig sa kanilang awit ing-
Visayas? Ano ba ang lugar na bayan at hindi lang iyon, marami
napasyalan mo sa pa silang mga akdang
Kabisayaan? Ano ang pampanitikan tulad ng alamat,
diyalektong kanilang bulong at epiko na tiyak kung
ginagamit? Ano-ano ang iyong magugustuhan mo dahil ito ay
mga naging karanasan? sumasalamin sa kanilang kultura
at syempre kapupulutan din ng
aral.

Halika, sabay nating


alamin ang iba’t
ibang akdang
pampanitikan ng
Kabisayaan.

Sanggunian:https://www.dreamstine.com/colorful-scene-half-body-couple-students-
talking-dialog-boxes-cororful-scene-half-body-couple-students-talking-dialogimage127641509

Sa pagpapatuloy ng modyul na ito, kinakailangan ang mahabang pasensya sa


pag-uunawa at pag-aanalisa sa iyong babasahin. Sundin ang mga panuto o
direksyon sa mga gawain. Sagutin nang maayos ang buong

pasulit o gawain sa itinakdang oras o panahon.

2
Sa bahaging ito ay masusukat ang iyong nakatagong kaalaman
batay sa bagong aralin.

Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungang nasa ibaba.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel o notbuk.

1. Saan ipinagbili ni Pilemon ang kanyang huling isda?


a. sa kapitbahay c. sa palengke
b. sa kaibigan d. sa daan
2. Anong uri ng isda ang nahuli ni Pilemon?
a. Bangus b. Tilapya c. Lapu-lapu d. Tambasakan
3. Ano ang ginawa ni Pilemon sa kanyang huling isda?
a. Ibinigay b. ipinagbili c. inulam d. itiinapon
4. Ano ang pinakaangkop na kaisipan ang ipinahihiwatig sa mga linya ng
awiting-bayan batay sa kanilang pangkabuhayan?

“Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan


Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan”
a. masaya si Pilemon nang nakahuli ng isda
b. maraming isdang tambasakan sa Kabisayaan
c. pangingisda ang libangan ng mga taga-Bisaya
d. pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga-Bisay

5. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke ang kanyang


pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba” ano ang
isinasaad sa linya ng awitin:
a. ang tauhan ay nagtitinda ng tuba
b. ang tauhan ay namimili ng tuba
c. ang tauhan ay nagbinta ng isda
d. ang tauhan ay nagnegosyante sa palengke
3
6. Ano ang natanaw ng matanda sa gitna ng laot?
a. maliit na bangka c. maliit na isda
b. maliit na isla d. maliit na lamabat
7. Ano ang naramdaman ng ama nang makita ang nagkalat na bahagi ng
bangkang sinakyan ng mga anak?
a. nanlulumo c. nanghihinayang
b. nanghihina d. natutuwa
8. Batay sa akdang “Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan,” paano
nagkahiwalay ang magkakapatid?
a. nabangga ang sinasakyan ng malaking bangka
b. nabangga ang sinasakyan ng malaking barko
c. sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan
d. sumadsad sa mga malalaking bato
9. Ano ang tawag sa munting isla na lumitaw sa gitna ng laot?
a. Isla ng Pitong Makasalanan
b. Lupain ng Pitong Makasalanan
c. Pugad ng Pitong Makasalanan
d. Kuta ng Pitong Makasalanan
10. Anong pangunahing kaisipan ang nangingibabaw sa akdang “Ang
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan?”
a. mapagkunwaring anak
b. pagiging matiisin ng magulang
c. pagiging suwail na anak
d. pagmamahal ng isang ama

Gawain B

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mahahalagang


kaisipan mula sa epikong “Labaw Donggon” at ipaliwanag ito ayon sa iyong
pagkakaintindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.

4
1. Huwag maghangad nang sobra-sobra

Paliwanag:_______________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______.

Ang pagmamahal ng pamilya ay walang


2. kapantay.

Paliwang:________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______.

Pagtutulungan sa panahon ng
3. pangagailangan

Paliwang:________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______.

5
Mga Mahahalagang Detalye,
Aralin Mensahe at Kaisipang Nais
Iparating ng Napakinggang
Awiting-bayan, Bulong, Bahagi
1 ng Akda, Teksto Tungkol sa
Epiko ng Kabisayaan
Sa araling ito mahahasa ang iyong kakayahan sa pagtukoy sa
mahahalagang detalye, mensahe, at kaisipang mula sa mga tanyag na awiting-
bayan, bulong, alamat, bahagi ng akda, at epiko ng Kabisayaang sumasalamin
sa kani-kanilang tradisyon.

Bago natin simulan ang ating talakayan, ay may inihanda muna akong
maikling gawain. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at hanapin
sa loob ng kahon ang tamang sagot at titik lamang ang isulat sa iyong sagutang
papel o notbuk

A. ay pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patuluyan na nag-uugnay sa isang tao.


B. mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o
inaawit pa rin.
C. ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa
kapuluan ng Pilipinas
D. isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig
E. ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan
dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.

6
1. Awiting-bayan
2. Bulong
3. Alamat
4. Epiko
5. Akdang Pampanitikan

Halina’t basahin at alamin natin ang mga mahahalagang kaisipan


tungkol sa araling ito.

Awiting-Bayang Sugbuwanon
Si Pilemon Si Pilemon
(Awiting-Bayang Cebuano) ( Salin sa Tagalog)

Si Pilemon, Si Pilemon Si Pilemon, si Pilemon


namasol sa kadagatan nangisda sa karagatan,
Nakakuha, nakakuha Nakahuli, nakahuli ng
Ug isda’ng tambasakan isdang tambasakan
Gibaligya, gibaligya Pinagbili, pinagbili sa

Sa merkado’ng guba isang munting palengke

Ang halin puros kura ang halin Ang kanyang pinagbilhan, ang
kanyang pinagbilhan
puros kura Pinambili ng tuba.
Igo ra i panuba.

Naintindihan mo na ba ang awiting-bayan na iyong binasa o inawit?


Kung hindi ay basahin o awitin mo ito na paulit-ulit hanggang sa maintindihan
mo ang mensahe nais iparating nito. Alam ko kaya mo iyan, ikaw pa! Ngayon
ay may iilang katanungan akong inihanda para sayo upang subukin ka kung
talagang naintindihan mo ang iyong binasa o inawit. Handa ka na ba?

7
Gawain
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel o notbuk.

Si Pilemon

1. Sino ang 2. Anong uri ng 3. Saan niya ito 4. Bakit niya ito
pangunahing isda ang ipinagbili? ipinagbili?
tauhan sa kanyang nahuli?
awitin?

Mga Bulong
1. Kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad bumubulong ng
ganito: “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
2. Kung nangangahoy sa gub at upang hindi mamatanda ay
bumibigkas n g bulong bilang paghingi n g paumanhin gaya ng
“Aming pinutol lamang, ang sa aming napag-utusan.”
3. May bulong rin ang ating matatanda kung nabubungian ng ngipin at
humihingi ng panibagong ngipin at ito’y ihahagis sabay ang bulong
na “Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong
sira at pangit. Bigyan mo ng bagong kapalit.

Ngayon naman, ang pagtutuunan mo ng pansin ay ang mga bulong na


iyong binasa para sukatin kung talagang na intindihan mo ang mga ito ay may
inihanda naman akong tanong para sa iyo.

Gawain
Panuto: Tukuyin ang kaisipang nais iparating sa bulong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at ipaliwanag ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o
notbuk.

8
1. “Tabi-tabi po, baka po kayo mabunggo”
Isanasaad ng mga linyang ito na…
a. tumabi para hindi masagasaan
b. tumabi para hindi mabunggo
Ito ang kaisipang napili ko dahil__________________________

Dito ay lalo pang hahasain ang iyong karunungan sa panibagong


akdang pampanitikan na alamat na “Alamat ng Isla ng Pitong
Makasalanan” mula sa Bisaya.

Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan

Araw-araw makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng mga


gawaing-bahay o kaya nama’y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o
masayang lumalangoy, naghahabulan, at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang
kay gaganda habang nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin. Ang
kagadahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan kundi
maging sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang
tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha ang
kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan.

Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang labis niyang ikinatatakot ay ang
makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking
maaaring maglayo sa kanya. “Sana, kung makahahanap man ng
mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming isla upang
hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili habang
pinagmamasdan ang kanyang mga anak na abala sa mga gawaing-bahay.
Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang
dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang
kagandahan ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang

9
para sa kanilang mga kalakal kundi para makilala rin nila ang mga dalaga.
Sakay sila ng magagara at mabibilis na bangka.
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa mga dalaga. Naging mabilis
ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang estranghero.
Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na agad
namang nagsipayag.
Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama.
“Hindi ako papayag.” Ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang
kanyang mga anak na sumama sa mga binata.
Isang araw, habang nasa dagat at nangingisda ang ama ay gumawa ng isang
mapangahas na pasya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa
ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay. “Ako man, ako
man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga.
Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda. Bitbit
ang kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na anak
sa tatlong bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan.
Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda
ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero
lulan ang kanyang pitong anak na dalaga.
Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang kanyang
pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang kanyang maliit na
bangka kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi na
niya nahabol ang mga anak.
Buong pait lumuha at nagmamakaawa ang ama sa kanyang mga anak.
“Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang
katapusang pagsigaw at pagmamakaawa na ama habang patuloy siya sa
paggaod subalit hindi siya pinakinggan ng walang turing niyang mga anak. Laylay
ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at sa labis na kalungkutan sa
paglisan ng kanyang mga anak, walang nagawa ang matanda kundi lumuha nang
buong kapaitan.
Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at sa labis na
kalungkutan sa paglisan ng kanyang mga anak, walang nagawa ang matanda
kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakidalamhati rin sa kanya maging

10
ang kalangitan sapagkat ang maliwanag na sikat ng araw ay biglang naparam
at sa halip ay napalitan ng nagdilim na himpapawid.
Gumuhit ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malakas na dagundong ng
kulog. Biglang pumatak ang malakas na ulan kaya’t walang nagawa ang
matanda kundi umuwi na lamang.
Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang
kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang
masagana. Wari’y sinasabayan din ng malakas na patak ng ulan sa bubungan
ng kanyang ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha ng kaawa-awang
matanda. Labis-labis ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang
mga anak.
Sa kabila ng ginawa ng mga suwail na anak ay ang kanila pa ring kaligtasan
ang inaalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang nasalubong sa
paglalakbay.
Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda.
Inisip niyang maaaring sumilong ang bangka ng mga estranghero dahil sa
sama ng panahon nang nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol niya pa ang
kanyang mga anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y nasa laot
na.
Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng
kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na ito siya nangisda
kahapon at alam niyang walang islang tulad nito sa lugar nang nagdaang araw.
Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso
ang mabilis na paggaod papunta sa mga mumunting isla. Anong laking
panlulumo niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng
kanyang mga anak na nakalutang sa paligid. Binilang niya ang mumunting isla.
Pito! Pito rin ang kanyang mga anak na dalaga. Humagulgol ang matanda.
Parang nahulaan niya ang nangyari. Nalunod ang kanyang mga anank nang
ang sinakyan nilang mga bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng
biglang pagsama ng panahon kahapon at sumadsad sa mga korales at
matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga ito.
Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla
ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at kasalanang
nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.

11
halaw sa Pinagyamang Pluma 7

Ngayong tapos mo nang basahin ang alamat batid kong marami kang aral na
napulot na mababaon sa pang-araw-araw na buhay.

Gawain
Panuto: Piliin at lagyan ng tsek (√) ang lahat ng mensaheng taglay nang
binasa, Ekis (x) naman ang ilagay sa hindi. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel o notbuk.Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kanyang
mga anak.
1. Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kanyang mga anak
2. Ipinagbili ng ama ang lahat ng mayroon siya para lang maitaguyod ang pag-
aaral ng kanyang mga anak.
3. Sumuway ang mga anak sa kagustuhan ng kanilang ama.
4. Ang kapakanan pa rin ng mga anak ang nasa isipan ng ama kahit pa naging
suwail ang mga ito sa kanya
5. Kapahamakan ang kinasadlakan ng mga anak na hindi sumunod sa
kanilang magulang.
6. Ikinamatay ng ina ng pitong dalaga ang hirap sap ag-aalaga sa kanila.
7. Nagsisi at muling nagbalik sa naghihintay na ama ang kanyang mga anak.

8. Iniwanan ng pitong dalaga ang mga estranghero ay bumalik sa piling ng


ama.
9. Sa kabila ng kalapastanganan ng kangyang mga anak hindi pa rin
nagbabago ang pagmamahal niya dito.
10. Naging mabuti at magpagmahal na anak ang pitong dalaga sa kanila ama.

12
Kung umabot ka na sa bahaging ito, ibig sabihin ay natotonan
mo na ang mga dapat mong matutunan at ngayon ay ating
pagtitibayin ang iyong kaalaman sa araling ito.

Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon


Epiko ng mga Bisaya
(bahagi ng Epikong Hinilawod)

Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng interes


sa magagandang babae. Nang marinig niyang may isang magandang babaeng
nagngangalang Angoy Ginbitinan mula sa bayan ng Handug ay nagpaalam
agad siya sa ina upang hanapin ang dalaga. Pagkalipas ng ilang araw na
paglalakbay sa mga kapatagan, kabundukan, at mga lambak ay narating din
niya ang Handug. Kinausap niya ang ama ng dalaga upang hingin ang kamay
ng anak. Sinabi ng ama na papayag lamang siyang ikasal ang anak na si Angoy
Ginbitinan kay Labaw Donggon kung mapapatay niya ang halimaw na si
Manalintad. Agad pinuntahan ni Labaw Donggon ang halimaw at nakipaglaban
siya rito. Napatay niya ang halimaw at ibinigay ang pinutol na buntot nito sa
ama ni Angoy Ginbitinan bilang patunay ng kanyang tagumpay.Ikinatuwa ito ng
ama kaya’t pumayag siyang ipakasal ang anak kay Labaw Donggon.
Pagkatapos ng kasal ay naglakbay ang dalawa pabalik sa tahanan nina Labaw
Donggon.
Sa kanilang paglalakbay ay may nasalubong silang mga binata na
naguusap-usap tungkol sa isang napakagandang dalagang nagngangalang
Abyang Durunuun na nakatira sa Tarambang Burok. Narinig niya mula sa
usapan ang mga binata na sila’y papunta sa tirahan ng dalaga upang manligaw
sa kanya. Naging interesado sa narinig si Labaw Donggon kaya naman
pagkalipas lang ng ilang linggong pagsasama ay inihabilin niya ang bagong
asawa sa inang si Alunsina at siya’y naglakbay na patungo sa Tarambang

13
Burok upang suyuin si Abyang Durunuun. Nagtagumpay si Labaw Donggon na
mapaibig ang napakagandang si Abyang Durunuun.
Subalit hindi pa roon nagtapos ang kanyang paghahanap ng
mapapangasawa sapagkat paglipas ng ilang panahon nabalitaan na naman
niyang may isa pang napakagandang babae, si Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan, ang diyos ng kadiliman.
Nais din niyang mapangasawa ito. Sinabi ni Donggon ang kanyang balak sa
dalawang asawa. Ayaw man nila, wala naman silang nagawa.
Sumakay si Labaw Donggon sa isang inagta o itim na Bangka at naglayag
sa malalawak na karagatan patungong Gadlum. Naglakbay rin siya sa
malalayong kaulapan at sa mga batuhan hanggang sa marating niya ang
Tulogmatian, ang tahanan ni Buyong Saragnayan. Agad siyang hinarap ni
Saragnayan at tinanong kung ano ang kanyang kailangan. Sinabi niyang gusto
niyang mapangasawa si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.
Pinagtawanan ng diyos ng kadiliman si Labaw Donggon at sinabing imposible
ang hinahangad nito Dahil asawa na niya ang diwata.
Subalit hindi basta sumuko si Labaw Donggon. Hinamon niya sa isang
labanan si Saragnayan at sila’y naglaban sa loob ng maraming taon. Inilubog
ni Labaw Donggon ang ulo ni Saragnayan sa tubig sa loob ng pitong taon
subalit hindi niya pa rin napatay ang diyos ng kadiliman. Binayo niya ng binayo
subalit hindi rin niya ito nagapi. Sa pamamagitan ng pamlang o antinganting ni
Saragnayan ay natalo niya ang noo’y nanghihina at pagod na pagod nang si
Labaw Donggon.

Ibinilanggo niya si Labaw Donggon sa isang kulungan sa ilalim ng kanyang


tahanan.
Samantala, kapwa nanganak ang dalawang asawa ni Labaw Donggon.
Parehong lalaki ang naging anak nila. Ang anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag
niyang Asu Mangga samantalang ang anak ni Abyang Durunuun ay
pinangalanang Abyang Baranugon. Nakapagsalita at nakatindig agad ang mga
bata. Hinanap nila kapwa ang kanilang ama.
Sa kanilang paghahanap ay nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan.
Naglalakad sa ibabaw ng tubig si Baranugon at lulan naman ng Bangka si Asu
Mangga. Napag-alaman nilang kapwa nila hinahanap ang amang mahilig sa
14
magagandang babae. Naglakbay sila patungong Tulogmatian kung saan nila
nalaman ang ginawa ni Saragnayan sa kanilang ama. Sinabihan nila itong
pakawalan ang kanilang ama. Pinagtawanan lamang ni Saragnayan ang sinabi
ng mga anak ni Labaw Donggon kaya’t hinamon siya ng mga ito sa isang
labanan. Buong tapang na nakipaglaban ang magkapatid kay
Saragnayan.Ngunit napakahusay ni Saragnayan kaya’t hindi nila ito matalo-
talo. Bumalik si Baranugon sa kanilang lolang si Abyang Alunsina upang
sumangguni. Dito niya nalamang ang kapangyarihan pala ni Saragnayan ay
nakatago sa isang baboy ramo. Mapapatay lamang daw si Saragnayan kapag
napatay ang baboy-ramong kinatataguan ng kanyang hininga. Sa tulong ng
taglay nilang anting-anting ay natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-
ramo. Sa pagkamatay ng baboy-ramo ay nanghina si
Saragnayan kaya’t madali na siyang napatay ng palaso ni Baranugon.
Gayunma’y hindi rin nila nakita ang ama sa bilangguan nito. Maging ang mga
tiyo nilang sina Humadapnon at Dumalapdap ay tumulong na rin sa
paghahanap kay Labaw Donggon. Pagkalipas ng mahabang panahon ng
paghahanap, natagpuan din nila ang ama sa loob ng isang lambat na nasa may
pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan.
Subalit wala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Labaw Donggon.
Nawala ito dahil sa matagal na pagkakakulong nang dahil sa labis na
paghahangad sa magaganda, kahit na may asawa nang babae. Naibalik ng
magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon

subalit hindi pa rin nawala ang pagnanais nitong makahanap pang muli ng
magandang mapapangasawa. Ikinagalit ito ng kanyang dalawang asawa
subalit ipinaliwanag niyang pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal
sa kanyang mga asawa. Ipinagdasal ng dalawang babaeng nagmamahal sa
kanya na muling lumakas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay muling nagbalik
ang kakisigan at lakas ni Labaw Donggon.

15
Gawain
Panuto: Suriin ang mahahalagang kaisipan, detalye o mensahing nais
ipahiwatig sa mga larawang nasa ibaba at ipaliwanag ito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel/notbuk.

1.

Sanggunian:htt://m.facebook.com/govph/photo/?tab=album&album_id=12154
1848183

Paliwanag:_________________________________________________________
_________________________________________________________________

2.

Sanggunian:htt://m.facebook.com/govph/photo/?tab=album&album_id=1215418
481835746

Paliwanag:_________________________________________________________
_________________________________________________________________

16
3.

Sanggunian:htt://m.facebook.com/govph/photo/?tab=album&album_id=1215418
481835746

Paliwanag:_______________________________________________________
________________________________________________________________
____

Pagkatapos na sagutan ang mga gawain ay marapat lamang


na iyong matutunan ang mahahalagang kaisipan sa araling ito.
Ngayon ay buksan mo ang iyong isipan at tanggapin ang
katotohanan.

Tayo ay mayaman sa mga iba’t ibang aspeto at isa na rito ay ang mga batikang
manunulat ng mga awiting-bayan, bulong, alamat, at epiko. Ngayon nais kung
malaman mula sa’yo kung paano mo pahahalagahan ang mga akdang
pampanitikan.

Gawain
Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag o kataga para makabuo
ng isang pahayag hinggil sa iyong natutunan sa araling ito. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel o notbuk.
Pagkatapos ng talakayan ay napagtanto ko na ang mga awiting-bayan, bulong,
alamat, at epiko ay…
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___.
Kaya naman maituturing kong isang natatanging yaman at pamana ang mga
ito mula sa ating mga ninuno. Upang mapagyaman ang mga akdang
pampanitikan ay…
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___.
Higit sa lahat ang natutunan ko na tumatak sa aking puso at isipan ay
ang___________________________________________________________
______________________________________________________________
___.

Marahil ay natutunan mo na ang mga kasanayan sa araling ito.


Handa ka nang gamitin ang iyong kaalaman para sa iba’t ibang
pagsubok.

Ipinapakita sa epikong “Hinilawod” ang pagdadamayan sa pamilya.


Kahit nagpakita ng kahinaan at nakagawa ng pagkakamali si Labaw Donggon
ay hindi pa rin siya pinabayaan ng mga kapamilya sa oras ng pangangailangan.

Ikaw, ano naman ang kaya mong gawin sa iyong mga kapamilya para
ipakita ang iyong pagmamahal at suporta kahit pa tulad ni Labaw Donggon ay
may mga pagkukulang o pagkakamali rin sila?

Punan lang ang patlang depende sa kasapi ng sarili mong pamilya. Kung
kulang ay maaari kang magdagdag ng patlang. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel o nutbok.
1. Para sa iyong ama _________________________________________
________________________________________________________
2. Para sa iyong ina __________________________________________
________________________________________________________
3. Para sa inyong kapatid o mga kapatid __________________________
________________________________________________________

4. Para sa iba pang kapamilya tulad ng lolo o lola ___________________

______________________________________________________________

Gawain A
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat akda. Pagkatapos, sagutin ang
mga katanungang nakasaad sa ibaba. Isulat ang titik at ang paliwanag sa iyong
sagutang papel o notbuk.

1. Kailan sinasabi ang bulong na ganito: “Tabi, tabi po apo, baka po kayo
mabunggo.”
a. kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad
b. kapag ikaw ay nasa loob ng bahay habang naglalakad
c. kapag ikaw ay nasa kalye habang naglalakad
d. kapag ikaw ay nasa loob ng mall habang naglalakad
2. Ano bulong ang bibigkasin kung nangangahoy sa gubat upang hindi mamatanda
bilang paghingi ng paumanhin?
a. Tabi,tabi po, nuno sa punso.”
b. “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
c. “Aming pinutol lamang, ang sa aming napag-utusan.”
d. “Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at pangit.
Bigyan mo ng bagong kapalit.
3. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke ang kanyang pinagbilhan,
ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba” ano ang isinasaad sa linya ng
awitin:
a. Ang persona ay nagtitinda ng tuba dahil mahilig siya uminom ng tuba
b. Ang persona ay namimili ng tuba dahil ito ang kanyang hanapbuhay
c. Ang persona ay mahilig uminom ng tuba dahil ipinambili nito ang
pinagbilhan ng huli
d. Ang persona ay isang negosyante sa palengke dahil doon niya pinagbili
ang huli nito
4. Ano ang kaisipang ipinahihiwatig sa ilang linya ng awiting-bayan na ito?

“Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan Nakahuli, nakahuli ng


isdang tambasakan”

a. Dahil Malawak ang karagatan sa Kabisayaan


b. Dahil maraming isdang tambasakan sa kabisayaan
c. Dahil pangingisda ang libangan ng mga Taga-Bisaya
d. Dahil pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga TagaBisaya
5. Ang mga sumusunod ay mahahalagang detalye mula sa awiting-bayan na “Si
Pilemon” Maliban sa isa.
a. Si Pilemon ay mangindisda
b. Ang kangyang kinita ay pinambili niya ng tuba
c. Si Pilemon ay nagnenegosyo ng tuba sa palengke
d. Sa isang munting palengke niya ipinagbili ang kanyang huli

(Bilang 6-10: Mga tanong mula sa “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”)

6. Ano ang nagpabantog sa pitong dalaga?


a. Kabaitan kaya dinadagsa ito ng mga tao
b. Kagandahan kaya dinarayo ang kanilang tahanan
c. Kakinisan kaya maraming dalaga ana humuhingi ng payo
d. Katalinuhan kaya maramin kabataan ang nagpapaturo
7. Ano ang ikinatatakot ng ama para sa kanyang pitong dalaga?
a. magutom ito sa katatampisaw sa dalampasigan
b. makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking
maaaring maglayo sa kanya.
c. matangay ito ng mga binatang may masamang balak sa kanila
d. kaiinggitan ito ng mga dalaga sa kanilang bayan
8. Bakit buong lakas na sumagwan ang ama ng pitong dalaga sa karagatan?
a. Para makahuli ng maraming isda
b. Para maihabol ang mga damit ng anak na naiwan
c. Para mahabol ang kanyang pinakamamahal na anak
d. Para magpasalamat sa mga binate na nagbigay ng mamahaling regalo
9. Ano ang hinahangad ng mga binatang dumarayo sa tahanan ng pitong dalaga?
a. malaman ang kanilang pinag-aabalahan para mas makilala
b. makuha ang kanilang hiyas para magamit sa kanilang negosyo
c. makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan
d. masuri ang kanilang kalagayan para matulungan
10. Ano ang kaisipang nangingibabaw sa binasang akda?
a. Walang magulang ang naghahangad ng masama sa kanilang anak
b. Kagandahan ay alagaan para buhay ay umanggat
c. Pagmamahal ng magulang ay makasarili
d. Mga anak na suwail ay nagtatagumpay

Gawain B
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na mensahe mula sa epikong “Labaw
Donggon” kung ito ba ay totoo o hindi. Isulat ang Tama kung ito ay nagsasaad
ng totoo at Mali naman kung ang sinasaad ay hindi totoo. Isulat ang tamang
sagot sa iyong sagutang papel o notbuk.
1. Pantay ang pagmamahal niya sa kanyang dalawang asawa.
2. Nagtulungan ang magkakapatid upang mahanap ang ama.
3. Kinamuhian si Labaw Donggon ng mga kapatid dahil sa sobrang paghahangad
ng magagandang babae.
4. Pagkalipas ng maraming panahon saka pa natagpuan si Labaw Donngon.
5. Mula sa pagkakulung ni Labaw Donggon ay hindi na nanumbalik ang kanyang
dating lakas at kakisigan.
Tapos na! Tapos na! Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman ay
huwag kaligtaang sagutin ang karagdagang gawain.

Gawain
Bilang isang kabataang saksi sa pagbabago ngayon, ano-ano ang
maipapayo mo sa kapwa mo kabataan tungkol sa kahalagahan ng akdang
pampanitikan na itinuturing na pamana at yaman mula sa ating mga ninuno.
Isulat ang sagot sa sagutang papel o notbuk.

Ang aking maipapayo ay


_______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

You might also like