Clear q2 Filipino7 Module 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

7

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 1
Mga Awiting-Bayan at Bulong

1
Filipino 7 Mga Awiting-bayan at Bulong
Ikalawang Markahan
Modyul 1

Alamin:

MELCs: 1. Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang


nais iparating ng napakinggang bulong, awiting-bayan, alamat, bahagi ng akda,
at teksto tungkol sa Kabisayaan.
(F7PN-IIa-b-7)
2. Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang
nakapaloob sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Bisaya.
(F7PB-IIa-b-7)

Subukin Natin

Panuto: Suriin ang mga larawan at unawaing mabuti ang mga katanungang
nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

ROMBLON

TAMBASAKAN TUBA

1. Anong awiting-bayan ang maiuugnay mo sa mga larawan?


A. Si Pelimon
B. Magtanim ay ‘di Biro
C. Lawiswis Kawayan
D. Tong Pakitong –kitong

2. Anong kaugalian ng mga Bisaya ang iyong masasalamin sa larawan?


A. Masipag at matiisin
B. Mapagmahal sa kapwa
C. Mapagkalinga at maunawain
D. Masipag, madiskarte at masayahin

3. Ano ang yamang maipagmamalaki ng mga taga-bisaya?


A. Mayaman sa niyog.

2
B. Malawak ang kanilang karagatan.
C. Mayaman sa lamang-dagat katulad ng isda.
D. Maunlad ang kanilang negosyo sa pangingisda.

4. Anong mensahe ang nais ipahiwatig ng bulong na ito? “Tabi-tabi po,


baka po kayo mabunggo?”
A. Pasintabi upang hindi ka masaktan.
B. Pasintabi upang makaiwas ka sa sakit.
C. Pasintabi upang hindi ka makasakit.
D. Pasintabi upang malayo ka sa disgrasya.

5. Anong kaugalian ang ipinamamalas sa bahaging ito ng awiting-bayan?


“Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke
ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan
pinambili ng tuba”
A. Ang tauhan ay namimili ng tuba.
B. Ang tauhan ay nagbebenta ng tuba.
C. Ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba.
D. Ang tauhan ay nagnenegosyo sa palengke

Balikan Natin

Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng bawat salita na nasa hanay A.


Isulat ang titik ng sagot sa iyong sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Awiting -bayan A. Isang uri ng kuwentong-bayan at panitikan na
2. Bulong nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga
3. Alamat bagay-bagay sa daigdig.
4. Epiko B. Pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patuluyan
5. Akdang na nag-uugnay sa iisang tao.
Pampanitikan C. Ang matandang katawagan sa orasyon ng mga
sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas.
D. Awit ng ating mga ninuno na hanggang sa
ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.
E. Uri ng panitikang tumatalakay sa mga
kabayanihan at pakikipag-tunggali ng isang
tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos
hindi mapaniwalaan dahil may tagpuang
makababalaghan.

3
Ating Tuklasin
Mga Uri ng Akdang Pampanitikan
1. Awiting-bayan - Isa itong tulang inaawit na nagpapahayag ng
damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya,gawain o
hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.
Halimbawa:
Awiting-Bayang Sugbuwanon
Si Pilemon Si Pilemon
(Awiting-Bayang Cebuano) ( Salin sa Tagalog)

Si Pilemon, Si Pilemon Si Pilemon, si Pilemon


namasol sa kadagatan nangisda sa karagatan,
Nakakuha, nakakuha Nakahuli, nakahuli
Ug isda’ng tambasakan ng isdang tambasakan
Gibaligya, gibaligya Pinagbili, pinagbili
Sa merkado’ng guba sa isang munting palengke
Ang halin puros kura ang Ang kanyang pinagbilhan,
halin ang kanyang pinagbilhan
puros kura Pinambili ng tuba.
Igo ra i panuba.

Mahalagang kaisipan sa akda:


Mababatid sa awit ang isang pamumuhay na payak ng isang Pilipino at ang
pagiging malibangin sa mga kinagawiang bagay na nagbibigay-aliw sa araw-
araw na pamumuhay.
2. Bulong - Isa itong matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunag
tao sa kapuluan ng Pilipinas.
Halimbawa:
 Kapag ikaw ay nagawi sa isang liblib o di kaya’y masukal na lugar at habang
naglalakad ay bumubulong ng “Tabi, tabi po apo, baka po kayo
mabunggo.”

 Kung may puputuling puno ayon sa matatanda ay bumigkas ng bulong


bilang paghingi ng paumanhin gaya ng “Aming pinutol lamang, ang sa
aming napag-utusan.”

4
 May bulong din ang ating matatanda kung nabubungian ng ngipin at
humihingi ng panibago, ito’y ihahagis sabay ang bulong na “Dagang
malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at pangit.
Bigyan mo ng bagong kapalit.”

3. Alamat (bahagi ng akda) - Isa itong uri ng kuwentong-bayan na


nagasalaysay o nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.

Halimbawa:
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
(bahagi lamang ng akda)
Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda.
Baka sakaling mahabol pa niya ang kanyang mga anak. Subalit anong laking
pagtataka niya nang siya’y nasa laot na. Nakatanaw siya ng maliliit na islang
isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng
Guimaras. Sa lugar na ito siya nangisda kahapon at alam na alam niyang
walang mga islang tulad nito sa lugar nang nagdaang araw.
Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso
ang mabilis niyang paggaod papunta sa mga mumunting isla. Anong laking
panlulumo niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng
kanyang mga anak na nakalutang sa paligid. Binilang niya ang mumunting isla.
Pito?Humagulhol ang matanda.
Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng
Pitong Makasalanan.
Halaw
Pinagyamang Pluma 7
pahina 168-171

Mahalagang kaisipan sa bahagi ng akda:


Ipinakita sa bahaging ito ang labis na pagmamahal at pagpapahalaga ng ama sa
kanyang mga anak at ang mga anak naman na naging suwail ay hindi
nagtagumpay kundi pawang mga naparusahan.

Ating Suriin

1. Ano ang kaisipang isinasaad sa bahagi ng awiting-bayan- “Lawiswis


Kawayan?” Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib tumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.
A. pag-iwan ng binata sa dalaga
B. pagkagalit ng binata sa dalaga
C. pagkadismaya ng binata sa asal ng dalaga
D. pagtanggap ng kamalian at paghingi ng tawad

Anong kaisipan ang isinasaad ng sumusunod na mga linya ng awit?

5
2. “Si Pelimon, si Pelimon nangisda sa karagatan.Nakahuli, nakahuli ng isdang
tambasakan.”?
A. Ang pangingisda ay ang pangunahing kabuhayan sa Kabisayaan.
B. Libangan ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda.
C. Ang pangingisda ay nakagawian na.
D. Paligsahan ang paghuli ng isda.

3. “Pinagbili, pinagbili, sa isang munting palengke. Ang kanyang pinagbilhan,


ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba,”
A. Ang pangingisda ay hindi lang paghahanapbuhay kundi pag-aaliw rin sa
sarili.
B. Ang napagbentahan ng isda ay mainam ipambili ng tuba.
C. Maaaring mangisda habang umiinom ng tuba.
D. Mas mahalaga ang tuba kaysa isda.

4. Anong mensahe ang nakapaloob sa bulong na “Tabi, tabi po, baka po kayo
mabunggo?”
A. Pagpapaalam sa may-ari ng lugar.
B. Paghingi ng paumanhin sa natapakang nilalang.
C. Pagbibigay ng babala sa mga nilalang na hindi nakikita.
D. Ang lahat nang nabanggit.

5. Sa bahaging ito ng alamat,”Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.”


Paano mo ilalarawan ang ama sa kuwento? (Pinagyamang Pluma, pahina 168-171)
“Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda.
Baka sakaling mahabol pa niya ang kanyang mga anak.”
A. Amang matapang at mahigpit.
B. Amang sakim at palalo.
C. Amang mapagmahal.
D. Amang pabaya.

Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang lahat ng konseptong taglay ng ating pinag-
aralan; Ekis (x) naman ang ilagay sa hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel o notbuk.
(_)1.Ang awiting-bayan ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin,
kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong
naninirahan sa isang pook.
(_) 2. Ang bulong ay isang matandang katawagan sa mahika ng mga sinaunag
tao sa kapuluan ng Pilipinas.

6
(_)3.Sa bahagi ng “ Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan” ang mga anak na
suwail ay nakaranas ng kasawian dahil nawasak ang sinakyan nilang bangka.
(_)4.Ang “Lawiswis Kawayan” ay isang awiting-bayan na may himig ng pag-
iibigan.
(_)5.Ang isa sa ipinagmamalaking produkto sa kabisayaan ay ang niyog at mga
kasangkapan o pakaing mula sa niyog

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mahahalagang
kaisipan mula sa epikong “Labaw Donggon” at ipaliwanag ito ayon sa iyong
pagkakaintindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.
“Ang pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon”
(bahagi ng Epikong Hinilawod)

Nakilala si Labaw Donggon bilang isang makisig na lalaki at umibig


kay Abyang Ginbitinan. Subalit hindi nagtagal ay muli siyang umibig sa
isang dilag na si Anggoy Doronoon. Sa pangatlong pagkakataon ay nakilala
niya si Nagmalitong Yawa Sinagmaling, subalit may iniibig itong
nagngangalang Buyong Saragnayan, ang diyos ng kadiliman. Dahil sa
labis na kagustuhan ni Labaw kay Sinagmaling hinamon niya si
Saragnayan sa isang laban na ikinatalo niya at nagbunga ito ng
pagdurusa sa kulungan ng maraming taon. Nang magsilaki na ang
kanyang mga anak hinanap siya ng mga ito at tinulungan siyang lumaya.
Nakabalik si Labaw sa kanyang mga pamilya at muling nanumbalik ang
kakisigan nito.

-Panitikang Rehiyonal, pahina 150 – 151-

1. Huwag maghangad nang sobra-sobra.


Paliwanag: ___________________________________________________________.
2. Ang pagmamahal ng pamilya ay walang kapantay.
Paliwanag: _______________________________________________________.
3. Pagtutulungan sa panahon ng pangagailangan
Paliwanag: ________________________________________________________.

Isaisip

Mayaman ang ating kultura sa iba’t ibang larangan. Ipinagmamalaki


natin ang mga batikang manunulat ng mga awiting-bayan, bulong, alamat, at
epiko. Ngayon, pahalagahan mo ang iyong natutuhan tungkol sa mga akdang
pampanitikan.

7
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na mga pahayag o kataga para
makabuo ng isang konsepto hinggil sa iyong natutunan sa araling ito.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.

1. Pagkatapos ng talakayan ay napagtanto ko na ang mga awiting-


bayan, bulong ng kabisayaan ay… ____________________________
________________. _____________________________________________.
2. Kaya naman maituturing kong isang natatanging yaman at
pamana ang mga ito mula sa ating mga ninuno. Kaya naman,
pagyayamanin ko ang mga ito. Higit sa lahat, tumatak sa aking
puso at isipan na ang __________________________________________
_______________________________________________________. _______
_____________________________________________________________.

Isagawa

Ipinapakita sa epikong “Hinilawod” ang pagdadamayan sa pamilya.


Kahit nagpakita ng kahinaan at nakagawa ng pagkakamali si Labaw
Donggon ay hindi pa rin siya pinabayaan ng mga kapamilya sa oras ng
pangangailangan.
Ikaw, ano naman ang kaya mong gawin sa iyong mga kapamilya para
ipakita ang iyong pagmamahal at suporta kahit pa tulad ni Labaw Donggon
ay may mga pagkukulang o pagkakamali rin sila?
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o nutbok.
1. Para sa iyong ama: _________________________________________
________________________________________________________
2. Para sa iyong ina: __________________________________________
________________________________________________________
3. Para sa inyong kapatid o mga kapatid: __________________________
________________________________________________________
4. Para sa iba pang kapamilya tulad ng lolo o lola: ___________________
_____________________________________________________________

Ating Tayahin
Panuto A: Basahing mabuti at sagutin ang mga katanungang nasa ibaba.
Isulat ang titik ng iyong sagot sagutang papel o notbuk.
1.Kailan sinasabi ang bulong na ganito: “Tabi, tabi po apo, baka po kayo
mabunggo.”

8
A. kapag ikaw ay nasa masukal habang naglalakad
B. kapag ikaw ay nasa loob ng mall habang naglalakad
C. kapag ikaw ay nasa loob ng ospital habang naglalakd
D. kapag ikaw ay nasa loob ng bahay habang naglalakad
2. Ano ang isinasaad sa linya ng awitin: “Pinagbili, pinagbili sa isang munting
palengke; ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng
tuba” ?
A. Ang tauhan ay nagtitinda ng tuba dahil mahilig siyang uminom nito.
B. Ang tauhan ay namimili ng tuba dahil ito ang kanyang hanapbuhay.
C. Ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba at ipinambibili nito ang
pinagbentahan ng isda.
E. Ang tauhan ay negosyante sa palengke; doon niya ipinagbili ang isda.
3.Ang sumusunod ay mahahalagang detalye mula sa awiting-bayan na “Si
Pilemon” Maliban sa isa.
A. Si Pilemon ay mangindisda.
B. Ang kangyang kinita ay ipinambili niya ng tuba.
C. Si Pilemon ay nagnenegosyo ng tuba sa palengke.
D. Sa isang munting palengke niya ipinagbili ang kanyang huli.
4.Bakit nabilanggo si Labaw nang maraming taon?
A. Natalo siya ni Buyong Saragnayan sa kanilang labanan.
B. Sinugod niya ang lugar ni Saragnayan upang sakupin ito.
C. Nag-asawa siya nang higit sa limang babae sa kanilang bayan.
D. Nakipaglaban siya sa mga magigiting na mandirigma sa kabilang
bayan.

Panuto B: Suriin ang mga sumusunod na mensahe mula sa epikong


“Labaw Donggon” . Isulat ang Tama kung ito ay nagsasaad ng totoo at Mali
naman kung ang isinasaad ay hindi totoo. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel o notbuk.
1. Pantay ang pagmamahal niya sa kanyang dalawang asawa.
2. Nagtulungan ang magkakapatid upang mahanap ang ama.
3. Kinamuhian si Labaw Donggon ng mga kapatid dahil sa sobrang
paghahangad ng magagandang babae.
4. Pagkalipas ng maraming panahon saka pa natagpuan si Labaw
Donggon.
5. Mula sa pagkakakulong ni Labaw Donggon ay hindi na nanumbalik
ang kanyang dating lakas at kakisigan.

Karagdagang Gawain
Panuto: Bilang isang kabataang saksi sa pagbabago ngayon, ano-ano ang
maipapayo mo sa kapwa mo kabataan tungkol sa kahalagahan ng akdang
pampanitikan na itinuturing na pamana at yaman mula sa ating mga
ninuno? Isulat ang sagot sa sagutang papel o notbuk.

Ang aking maipapayo ay __________________________________________


___________________________________________________________.

9
Gabay sa Pagwawasto

Suriin Pagsasanay 2:
1. D Sariling sagot
Subukin Natin
1. A
2. A Isagawa
3. A
2. D 4. D Tayahin
3. C 1. A
5. C
4. C
5. C 2. C
Isaisip 3. C
4. B
Balikan
Pagyamanin: 5. A
1. D
2. C Pagsasanay 1: 6. Tama
3. A 1. / 7. Tama
4. E 2. X 8. Mali
5. Bc 3. / 9. Tama
4. /
10. Mali
5. /
6. /
Sanggunian

Aklat
 Kagawaran ng Edukasyon. Panitikang Rehiyonal-Ikapitong Baitang.
Bloombooks,Inc.,Muling Limbag 2020
PAHINA 145

 Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House


Inc, 2014.PAHINA 165

YOUTUBE
 https://www.youtube.com/watch?v=awiting bayan
 https://www.youtube.com/watch?v=visayas

WEBSITE
 https://.google.com/search?q=tuba+tambasakan+romblon

10

You might also like