HEALTH 5 QUARTER 1-Module 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Health – Grade 5

Quarter 1 – Module 2: Mga Paraan ng Pagpapanatili ng Kalusugang Mental, Emosyonal


at Sosyal

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office
may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to
locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin
Schools Division Superintendent: Norma B. Samantela, Ceso VI
Assistant Schools Division Superintendents: Fatima D. Buen, Ceso VI
Wilfredo J. Gavarra
Chief Education Program Supervisor, CID: Sancita B. Peñarubia

MODULE DEVELOPMENT TEAM

MINVILUZ P. SAMPAL
Education Program Supervisor, MAPEH
Content and Technical Consultant and Reviewer

EDERLYN I. MORALES
Principal I, Buenavista ES, Pioduran East District
Writer

VILMA C. NIDUA
Teacher III, Polangui General Comprehensive High School
Content Editor

SHERYL JOY J. BURCE


Teacher III Polangui General Comprehensive High School
Language Editor

ALAN L. LLANZANA
Teacher I, Marcial O. Raňola Memorial School
Illustrator

MARY ROSE C. CRUZADA


Teacher II, Tiwi Agro-Industrial School
Lay-out Artist
Mga Paraan ng Pagpapanatili ng Kalusugang
Mental, Emosyonal at Sosyal

I. Introduction

Ikaw ba ay nakaranas na ng sobrang kalungkutan?


Ano ang naging dahilan ng iyong pagiging malungkot?
Ano-ano ang iyong mga ginawa para malampasan ito?

II. Objective

• Suggests ways to develop and maintain one’s mental and emotional health
(H5PH-Ic-11)

III. Vocabulary List

• Kalusugang Mental - kakayahan ng isang tao na maging masaya sa buhay, may


kakayahang harapin ang mga pasanin at malampasan ang mga pang-araw-araw na
pamumuhay
• Kalusugang Emosyonal- pagkakaroon ng positibong emosyon at pag-uugali
• Kalusugang Sosyal - kakayahang makihalubilo at makisama sa iba’t-ibang uri at
ugali ng tao
• Paraan - hakbang na dapat gawin o isagawa

IV. Pre-test

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat kung ano ang nararapat mong gawin
sa bawat sitwasyon na nagpapakita ng kalusugang mental, emosyonal at sosyal.

1. May bago kayong kaklase galing sa ibang lugar. Paano mo siya pakikitunguhan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3
2. Masaya kayong naglalaro na magkakaklase ng bigla umayaw ang isa ninyong kalaro
dahil sa pagkatalo. Ano ang dapat mong gawin bilang kalaro?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Naglilinis kayo ng silid-aralan ng biglang hindi mo sinasadyang maitapon ang tubig


sa may lababo. Nagalit ang iyong kamag-aral dahil uulitin na naman ninyo ang
paglilinis na dapat ay patapos na. Ano ang iyong gagawin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. May pangkatang proyekto na ipinapagawa ang inyong guro. May isa kang kang
kaklase na hindi kasama sa mga pangkat na nabuo. Ano ang nararapat mong gawin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. May kaklase ka na laging nag-iisa, walang kaibigan at hindi palakibo. Ano ang iyong
gagawin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

V. Learning Activities

Tingnan ang larawan ng pamilya sa ibaba. Suriin ang mga ito at sagutin ang mga tanong
sa ibaba.

1. Ano ang ipinapakitang damdamin ng pamilyang nasa larawan?


________________________________________________________________________

4
2. Kung ikaw ay kabilang sa pamilyang nasa larawan, ano kaya ang magiging epekto nito
sa iyo sa pag-unlad ng iyong kalusugang emosyonal?
________________________________________________________________________

3. Paano mo mapapanatili ang pagiging masayahing bata?


________________________________________________________________________

May iba’t-ibang paraan upang malinang at mapangalagaan ang mental, emosyonal at


sosyal na kalusugan ng isang tao. Mahalagang malaman mo ito upang maging gabay
sa pagpapanatili ng iyong pangkalahatang pangkalusugan.

A. Mga Paraan Upang Mapanatili ang Kalusugang Mental


Paano mo malilinang at mapapangalagaan ang kalusugang mental?

Maari mong linangin at alagaan ang iyong kalusugang mental sa pamamagitan ng mga
sumusunod na paraan.
❖ Magkaroon ng regular na ehersisyo.
❖ Gamitin ang oras sa kapaki-pakinabang na gawain.
❖ Magkaroon ng sapat na tulog, hindi labis o kulang.
❖ Kumain ng masustansiyang pagkain.
❖ Iwasan ang alak at sigarilyo o anumang masamang bisyo.

Ang mga magulang at guro ay malaki ding maitutulong upang malinang at


mapangalagaan ang kalusugang mental ng isang batang tulad mo. Nariyan sila upang gumabay
sa mg gawaing pampaaralan, pantahanan at maging kinagigiliwang libangan kasama ang iyong
mga kaibigan at kamag-aral. Nariyan din ang iyong mga magulang na nagpapapakita at
nagpaparamdam ng kanilang walang humpay na suporta at pagmamahal sa iyo.

B. Mga Paraan Upang Mapanatili ang Kalusugang Emosyonal


Ilan sa mga paraan ng pagpapanatili ng kalusugang emosyonal ay ang mga sumusunod:
❖ Kumain ng tama at mag-ehersisyo.
❖ Gumawa ng tamang desisyon.
❖ Iwasan ang alkohol at droga.
❖ Makinig ng kaaya-ayang musika at manood ng kapaki-pakinabang na palabas.
❖ Maging magiliw sa kaibigan, kamag-aral o kamag-anak.
❖ Gawin ang makapagpapasaya sa sarili.
❖ Itakda ang layunin sa sarili at sikaping makamtan ito.
❖ Iwasan ang pag-iisip ng negatibo.
❖ Panatilihin ang pagpapahalaga sa sarili.
❖ Isipin ang kapakanan ng kapwa.

Napakahalaga sa buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng positibong emosyon sapagkat


magiging madali at maaayos ang lahat ng pangyayari o sitwasyon. Maiiwasan din ang

5
kalimitang pagtatalo o di pagkaka-unawaan ng magkaibigan, magkaklase, magkakamag-anak
at magkakapatid.

C. Mga Paraan sa Pagpapanatili ng Kalusugang Sosyal


Narito ang ilang mga hakbang sa pagpapanatili ng iyong kalusugang sosyal:
❖ Maging maganda sa pakikitungo sa ibang tao.
❖ Magkaroon ng tiwala sa sarili.
❖ Makipagkaibigan
❖ Makipag-usap ng maayos sa mga taong nakakasalamuha

Masaya sa pakiramdam kapag maraming tao ang nagmamahal at handang mag-alaga


sa iyo. Magkakaroon ka ng magandang relasyon sa mga tao kung marunong kang makitungo
sa kanila. Kung kaya’t panatilihin ang pagkakaroon ng magandang realsyon sa iyong
magulang, kapatid, kaibigan, mag-aaral at sa lahat ng taong iyong nakakahalubilo.

VI. Practice Tasks

Activity 1

Panuto: Basahin at unawain ang dayalogo. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang problemang kinakaharap ng dalawang bata sa usapan?

6
________________________________________________________________________

2. Dapat ba nilang panatilihin ang ganitong pag-uugali? Bakit?


________________________________________________________________________

3. Ano sa palagay mo ang iyong maipapayo na maaari nilang gawin upang mabawasan
ang kanilang pagiging mahiyain at kawalan ng tiwala sa sarili?
________________________________________________________________________

Activity 2

Panuto: Basahin ang liham ni Donna at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba.

Ika -11 ng Setyembre, 2019


22-23Elias Street,
Sta. Cruz, Manila

Mahal Kong Bb. David,

Ako po si Donna S. Felipe, isa sa inyong mag-aaral sa ikalimang baitang.


Nilakasan ko po ang loob ko na sulatan kayo para humingi ng payo sa inyo tungkol
sa aking problema na kinakaharap ngayon. Palagi po akong tinutukso ng kaklase
kong si Donato na sarat daw ang aking ilong at inaagawan po niya ako ng pagkain
tuwing rises. Wala po akong lakas ng loob na sabihin po sa inyo sa harap ng aking
mga kaklase dahil baka awayin ako ni Donato. Bb. David, ano po kaya ang maaari
kong gawin upang tigilan na po ako ni Donato sa kanyang panliligalig at panunukso
sa akin?

Hihintayin ko po ang inyong payo na alam kong makatutulong sa akin upang


tigilan na po ako ni Donato. Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Donna

1. Bakit sumulat si Donna sa kaniyang guro?


________________________________________________________________________

2. Kung ikaw si Donna, susulat ka rin ba sa iyong guro? Bakit?


________________________________________________________________________

3. Tama ba ang naging hakbang ni Donna sa paglutas ng kaniyang problema? Bakit?

7
________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ay kaibigan o kaklase ni Donna, paano mo siya tutulungan?


________________________________________________________________________

5. Sa palagay mo, anong katangian mayroon si Donna para maipahayag niya sa kanyang
guro ang sitwasyon na kinakaharap?
________________________________________________________________________

Activity 3

Panuto: Isulat kung ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon na magpapakita ng
pagpapanatili ng kalusugang mental, emosyonal at sosyal.

1. Anim kayong magkakapatid at ikaw ang panganay. Medyo malubha ang sakit ng
inyong nanay at kailangan na siyang dalhin sa ospital. Ang tatay mo naman ay gabi na
kung umuwi sa bahay. Ano ang iyong gagawin bilang nakatatandang anak?
________________________________________________________________________

2. May bagong-lipat kayong kapitbahay. Nakita mong marami pang gamit ang hahakutin
sa loob ng kanilang bahay na nakalagay pa sa labas ng gate. Ano ang iyong gagawin?
________________________________________________________________________

3. Nasa labas ka ng inyong bahay nang biglang may tumigil na isang sasakyan. Lumabas
dito ang isang ginang at nagtanong sa iyo ng bahay ng inyong kapitan. Ano ang iyong
gagawin? _____________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Pauwi ka na galing paaralan nang bigla kang niyaya ng iyong kaklase na maglaro sa
computer shop. Inaasahan ka ng iyong nanay na uuwi ng maaga sapagkat mayroon
kayong pupuntahan na maysakit na kamag-anak. Ano ang iyong gagawin?
________________________________________________________________________

5. Nasunugan ang iyong matalik na kaibigan na nakatira malapit sa inyong tahanan. Ano
ang maaari mong gawin para maibsan ang bigat ng kaniyang pinagdadaanan?
________________________________________________________________________

VII. Post Test


Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat kung ano ang nararapat mong gawin
sa bawat sitwasyon na nagpapakita ng pagpapanatili ng kalusugang mental, emosyonal at
sosyal.

8
1. May nanghihikayat sa iyo na manigarilyo.
________________________________________________________________________

2. May mga batang nang-aasar sa iyo kapag hindi nakatingin ang iyong guro.
________________________________________________________________________

3. Nagkaroon ka ng mabigat na problema sa tahanan.


________________________________________________________________________

4. Napagsabihan ka ng iyong guro dahil sa mali mong ginawa sa iyong kaklase.


________________________________________________________________________

5. Napili ka sa klase mo na sumali sa Science Quiz Bee ngunit nagdadalawang isip ka na


lumahok. _____________________________________________________________
________________________________________________________________________

VIII. Assignment
Gumawa ng collage ng mga larawan na nagpapakita ng pagpapanatili ng kalusugang
mental, emosyonal at sosyal.

IX. Answer Key


Pre-Test:
(Mga Posibleng Sagot)
1. Makikipagkilala ako sa kanya at magiging magiliw sa pakikitungo sa kaniya.
2. Hindi ko siya pipilitin kong ayaw niya nang maglaro. Ipapaliwanag ko sa kanya na manalo o
matalo dapat isport lang kapag naglalaro.
3. Sasabihin ko sa kanila na hindi ko sinasadya at hihingi ako nang tawad sa kanila. Lilinisan ko
ang sahig na natapunan ng tubig.
4. Yayayain ko ang aking kaklase na walang kagrupo na sumali sa pangkay namin.
5. Lalapitan ko ang kaklase ko na hindi palakibo at kakaibiganin ko siya.

9
Practice Tasks
Activity 1 (Mga Posibleng Sagot)
1. Nahihiyang humarap sa maraming tao. Kulang ng tiwala sa sarili.
2. Hindi, dahil kailangan din nilang matutong humarap sa maraming tao na may tiwala sa sarili.
Dapat na labanan nila ang kanilang takot para mawala din ang tensiyon na kanilang
nararamdaman.
3. Kailangan nilang makihalubilo sa tao, makipag-usap, makipagkaibigan upang unti-unti silang
masanay na humarap sa tao. Maaari din silang sumali sa iba’t-ibang organisasyon, makilahok
sa mga simpleng programa o dumalo sa iba’t -ibang okasyon.

Activity 2 (Mga Posibleng Sagot)


1. Sumulat si Donna sa kaniyang guro dahil nais niyang humingi ng payo sa problema niya kay
Donato na lagi siyang tinutukso.
2. Opo, dahil mas malulutas ang problema kung mayroong tao na makapagbibigay ng payo at sa
paaralan ang guro ang pinakamainam na hingan nito
3. Opo, dahil lumapit mismo siya sa kanyang guro tungkol sa problema niya sa ginagawang
panunukso ng kanyang kaklase na si Donato
4. Sasabihan ko siya na isangguni niya ang kanyang problema sa aming guro.
5. Marunong humarap sa problema. May lakas ng loob na makipag-usap sa mga taong maaaring
hingan ng tulong.

Activity 3 (Mga Posibleng Sagot)


1. Hihingi ako ng tulong sa aming kapitbahay para madala sa ospital ang aking ina
2. Lalapitan ko sila at hihingin ko ang kanilang permiso para tulungan sila.
3. Magalang na ituturo ko sa kaniya ang bahay ng aming kapitan.
4. Hindi ako sasama sa aking mga kaklase. Diretso akong uuwi ng bahay.
5. Magbibigay ako ng konting tulong tulad ng pagbibigay ng damit ko na hindi ko naman
ginagamit. Kakausapin ko din siya para mabawasan ang lungkot na kanyang nararamdaman.

Post Test (Mga Posibleng Sagot)


1. Tatanggihan ko sila. Hindi ako maninigarilyo.
2. Pagkatapos ng klase, sasabihin ko sa aming guro ang ginagawa nila sa akin.
3. Sasabihin ko ang aking nararamdaman sa aking mga magulang.
4. Tatanggapin ko ng bukal sa aking kalooban dahil para iyon sa kabutihan ko.
5. Lalahok ako sa Science Quiz Bee at magsasanay ako para sa paligsahan.

10
References
1. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-health-
q1q4
2. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batayang Aklat pp.126-127
3. Masigla at Malusog na Ktawan at Isipan 5 Manwal ng Guro pp. 59-60

11

You might also like