Modyul 6 Fil101

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

WIKA AT KULTURA

SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

KURSO
FIL101 - Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan
( Subject)

KABANATA/YUNIT
YUNIT VI
( Chapter)

PAMAGAT NG ARALIN
WIKA AT KULTURANG POPULAR
( Lesson Title)

LAYUNIN NG ARALIN Sa loob ng isang linggo (Dec. 7-14, 2020) ang mga mag-aaral ay
( Lesson Objectives) inaasahang matamo ang mga sumusunod na layunin:

1. nakauunawa sa kung ano ang wika at kulturang popular sa punto


de vista ng iba’t ibang awtor.
2. nakatutukoy sa wika ng kulturang popular sa panahon ng
pandemya mula sa napanood ng bidyu.
3. nakagagawa ng vlog tampok ang mga pick-up lines at hugot lines
hinggil sa mga napapanahong isyu o karanasan.
4. nakabubuo ng bokabularyo ng biswal na diksyunaryo gamit ang
mga salita sa panahon ng pandemiko (wika ng kulturang popular).

Sa yunit na ito ilalahad ang wika at kulturang popular sa punto de


LAGOM NG PANANAW vista ng iba’t ibang awtor. Dito’y higit na palalawakin pa ang mga
(Overview/Introduction) kaalaman sa ugnayan ng wika at kultura na natalakay na sa mga
nakaraang modyul. Matutunghayan dito ang pagiging dinamiko ng wika
na kung saan nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at/o
kung ano ang napapanahon.

PANGGANYAK Webinar Series Lektura 6: Kapangyarihan At Wika Ng Kulturang Popular


(ACTIVITY) Sa Pandemiko, Tanggol Wika.
https://www.facebook.com/watch/?v=255594598794440

PAGSUSURI Panuto: Panuorin ang panayam at sagutin ang mga sumusunod na


(Analysis)
katanungan:
1. Ano ang kulturang popular?
2. Ano ang wika sa kulturang popular?
3. Ano-ano ang mga tungkulin ng wika sa panahon ng pandemiko?
4. Ilarawan ang wika sa panahon ng pandemiko. Magbigay ng
halimbawa.
5. Paano nakaaapekto sa buhay mo at sa buhay ng bawat tao sa
buong mundo ang salitang “new normal”?

PAGLALAHAD
(ABSTRACTION) WIKA

Ang wika ay kabuhol ng kultura. Malalaman natin ang kultura ng


isang tao batay sa kanyang wikang ginagamit. Ayon kay Constantino,
isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag
ng damdamin, isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan. Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin na lengua,
na ang literal na kahulugan ay “dila”, kayat magkasintunog ang dila at
wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o
paraan ng paghahatid ng ideya, opinyon, pananaw, lohika o mga
kabatirang ginagawa sa proseso na maaaring pasulat o pasalita.
Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga
simbolo,tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan.Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng
kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
Sa paliwanag ni Ngugi Thiong(1987) isang aprikanong manunulat, ang
wika ay kultura. Isa itong konektibong kaban ng karanasan ng mga tao at
ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat
pangkasaysayan at panliteratura, nakikita ng bayan ang kanyang kultura
na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.
Ayon sa isang manunulat, “ Sa nakaraan lamang makakukuha ng mga
dakilang aspekto ng kultura”. Habang tumatagal, habang paangat nang
paangat tayo, ang ating kultura ay naiimpluwensiyahan ng mga bagay-
bagay sa ating kapaligiran.

KULTURANG POPULAR

Ito ay pinagsama-samang kultura na itinakda ng


makapangyarihang tao, kompanya at bansa maaaring teknolohiya,
pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay kadalasang nagbibigay ng
depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-
tanggap.Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang
ating media para malaman kung anong uso, anong sikat at ano ang
popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at
napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa
pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at
idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao
makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular? Ating
alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na
kilala bilang kulturang popular.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga


tao para maramdaman ang pagtanggap sa kanila ng nakararami. Ang
pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na
tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang
nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at
modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang
nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang
katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya,
pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-
samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at
bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang
kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang
kanilang sarili.

Ang kulturang popular ay kasangkapan sa pagpapahayag ng


damdamin at kaisipang popular. Ngunit ang pagpapahayag na ito ay
hindi payak lamang sa paglilipat ng nilalaman ng isang isipan sa isipan
ng iba. May radikal na intensyon ang komunikasyon sapagkat ito ay
kasangkapan ng kapangyarihan dahil bukal ang wika sa pagnanasa ng
taong abutin at manipulahin ang kanyang lugar.
May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang
popular at ito ang mga:

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante


Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng
isang pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangan maging
maputi, maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at
iba pa para matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng
mga negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao na hindi
na sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at
iba pa. Dahil dito, napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong
ginagawa ng mga negosyante para lang matugunan ang
pangangailangan na ito. Ang produktong ito ay siya namang nagiging
sikat at napapasama sa kulturang popular kinalaunan.

2. Latak
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak.
Panghalili sa mahal at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang
masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin kaya
sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura
hanggang sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.

3. Pangmasa o komersyal na kultura


Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga
gamit, ang mga mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim sa
maramihang produksyon o mass production. Ang kulturang popular
ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ng
mga tao sa murang halaga.

4. Ginagawa ng tao
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa
ng tao --maaaring ng isang sikat na personalidad na nais tularan ng
marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa
mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring
ginagawang pang hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-libangan
lamang.
5. Larangan ng gahum
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya
ng mataas na tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano ang mga
gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa kanilang bansa ay
ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para
sa ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa ating sariling
bansa dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya dahil
walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto. Dahil dito,
sinasabing mas napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan
ng iba kaysa sa sarili nating kultura.
6. Pagkalusaw ng mga hangganan
Sa tumitinding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga
kultura at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang
distansya ng mga bansa para magkaroon ng iisang kulturang popular.
Nawawalan na ng distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang
sariling kultura, comersyal at popular na kultura. Lahat ng kultura ay
nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging isa.

Ang Kulturang Popular o “popular culture”, ay ang paglawak ng


impluwensiya ng teknolohiya, matinding komersiyalisasyon at madaliang
reproduksiyon ng mga manipestasyon ng kultura. Impluwensiya ng
Kanluran (Highbrow at Lowbrow). Pananaw ng kanluran lehitimong
ekspresyon ng kultural na sitwasyong pangwika sa iba pang anyo ng
kulturang popular.

Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na


paglago ng wika ay umuusbong ang iba`t ibang paraan ng malikhaing
paggamit nito dala na rin sa impluwensya ng mga pagbabagong
pinanalaganap ng media.
Mga Halimbawa:
• Flip-Top- Ito ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap .
Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay
magkakatugma. Ang Flip-Top ay hindi nalalahad o walang
malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang angpaksang
sinimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang
katunggali.
• Pick-up Lines- May mga nagsasabing ang Pick-up lines ay
makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng
isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang
aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga
binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig,
magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang nililigawan.
• Hugot Lines- Ang hugot lines, kaiba sa pick-up lines ay tinatawag
dig love lines o love quotes. Ito ay isa pang patunay na ang wika
ay malikhain. hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na
nakakakilig, nakatutuwa, o minsa`y nakaiinis. Karaniwang
nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o
telebisyongnagmarka sa puso`t isipan ng manonood subalit
madalas nakagagawa rin ng sarilinilang hugot lines ang mga tao
depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan.

“Popular and Culture”


nasa Keywords
ni Raymond Williams (1976)
Kultura at Lipunan
kahalagahan sa pampublikong isyu ng
lipunan at pagkontrol ng 'komunikasyon.'
Ipinahayag ng libro ang
pangako ni Williams na kilalanin ang aktibidad
ng kultura bilang isang pangunahin at produktibo sa buong
proseso ng lipunan, na hindi lang makikita bilang salamin
ng matibay na paghahangad sa ekonomiya at politika.

▪ ang kultura sa kulturang popular ay panandaliang


nagkakaroon ng saysay dahil sa tao, mula sa tiyak
niyang pag-iral sa lokasyon/espasyong kinalalagyan
niya (tao: mrt, tao: kompyuter, tao: media, tao: pelikula,
etc. etc.)
▪ Samantala, ang salitang popular naman ay isang pang-
uri na nangangahulugang “kinagigiliwan, nagugustuhan
ng nakararaming tao.”

Kulturang Popular,Imperyalistang Globalisasyon


at Gawaing Kultural
ni Rolando Tolentino

ni Rolando Tolentino

ni Rolando Tolentino

Ang kulturang popular ay



realidad ng tao, inaangkin ito bago ang lahat
at pinapalaganap mula sa sensibilidad ng tao
dahil sa kanyang pagnanasa sa buhay patungo sa
kamalayang naghahari ang makabago, mapusok,
marangya at makapangyarihan.

▪ Ang kulturang popular ay pagsasabuhay ng bagay, imahe,


simbulo, pananda, paninda at komoditi sa karanasan ng
tao na namulat
sa mabilisang pagbabago sa isang sibilisasyon.

“Makikilala lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay


naipapalaganap. Kinakailangan ng mga teknolohiya para maipaabot ito sa mga
tao. Ang teknolohiyang ito ay maaaring media—print, broadcast, film, computer
at iba pa. Ito ay maaaring domestikong teknolohiya tulad ng telebisyon…Ito ay
maaaring kultural na teknolohiya—tulad ng edukasyon at sining (2001: 7).”
“Ginagawa nating tao (anthropomorphize)
ang objek, kabahagi ng ating pagkatao.”

ANO ANG GLOBALISASYON?


▪ Pandaigdigang ekonomiya ng
malayang kalakalan at liberalisasyong pangkalakalan
▪ Pinaka malaking pangyayari sa ekonomiya sa ating kapanahunan
dahil nagbibigay ito ng walang kapares na oportunidad sa bilyun-
bilyong tao sa buong mundo” –Martin Wolf, Kolumnista ng
Pinansyal
▪ Mabilis na proseso dahil sa pagsulong ng TEKNOLOHIYA.

MGA MABUBUTING DULOT NG GLOBALISASYON


Partkular sa BISNES, MGA PRODUKTO AT TULONG KAPAG MAY
KALAMIDAD O GERA
1. Pagpapayaman sa larang ng siyensya at kultura na malaki ang
pakinabang sa KABUHAYAN.
2. “Malalaking posibilidad na maalis ang karukhaan sa ika-21 siglo:
(Human Development 1999)3x na mas malaki ang kita ng karaniwang
pamilya kaysa sa lumipas na 50 taon
3. Maging mas bantulot ang mga bansa na makipagdigma
4. Teknolohiya (Internet): Pagpapalawig ng adhikain ng
mgaorganisasyon
5. Nawala ang hadlang sa kalakalan
6. Nagsama-sama ang mga pangunahing stock market sa daigdig
7. Mas mura at madali ang paglalakbay

MGA DI MABUBUTING DULOT NG GLOBALISASYON


1. Agwat ng mayayaman at mahihirap
2. Impluwensya ng pamilihan na mas
interesado sa kita kaysa sa kapaligiran
3. Trabaho at kita na di-tiyak
4. Pagpapautang ng pandaigdigang namumuhunan sa mga papaunlad
na bansa at pagkuha muli sa huli kapag lumala ang sitwasyon ng
ekonomiya
5. Pagpatay sa lokal na industriya dahil sa pagpasok ng mas murang
mga produkto mula sa ibang bansa

Language Ideology in the Discourse of Popular Culture


ni Andrew Moody
https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1002/978140519843
1.wbeal0626
Ayon kay Moody (2010), Kahit na mayroong
maraming iba't ibang mga paraan upang i-
define ang popular na kultura, ang mga tala na
may tatlong katangian na lilitaw na
pangkaraniwan sa karamihan ng mga pagtatalo:
ni Rolando Tolentino
Ang popular na kultura ay karaniwang
nauugnay sa mass media (at lalo na ang "libreng" media tulad ng
radyo o telebisyon); Ang popular na kultura ay ang consumer-
oriented sa likas na katangian at madalas na naghihikayat ang mga
consumer na maging "mga tagahanga" ng mga performer, mga
produkto, o mga genre; at popular na kultura-tulad ng karamihan sa
mga expression ng kultura ng mamimili-ay lalong nailalarawan sa
pamamagitan ng globalisasyon. Bawat isa ng mga katangiang ito ng
kultura ng pop na ginagawang isang perpektong lugar upang tuklasin
ang mga ideolohiya ng wika, na kung saan ay karaniwang
naiintindihan na "anumang mga hanay ng mga paniniwala tungkol sa
articulated wika
Paano ba naging popular ang isang kultura? O bakit ba may popular
na kultura?
ANG PUNO’T DULO NG KULTURANG POPULAR
•  Impluwensiya ng teknolohiya Kulturang Popular
•  Kanluran (Highbrow at Lowbrow)
•  “ Sa nakaraan lamang makakakuha ng mga dakilang aspekto ng
kultura.”
•  Pananaw ng Kanluran Ilehitimong ekspresyon ng kultura “-ang mga
ekspresyong ito…. ay mga instrumento lamang sa pagtakas mula sa
katotohanan”
•  Moralistiko/Didaktikong Oryentasyon -sinusukat ang kultura sa
moralidad at kamalayan ng manonood/mambabasa
•  Ang pananaw na mga ito ay nakasaalang-alang lamang sa mga
nagawa na ng Kanluran (ang mga Klasiko)
Sa Pilipinas
•  Oryentasyon ng Kanluran “…itinuturing ang sariling manipestasyon ng
kultura bilang ‘bakya, baduy at basura’”
•  Sa pagsusuri, ang kultura sa iilan ay pareho lang ng kultura ng
nakararami. “… ang namamayaning kultura …ay ang kulturang
nauunawaan ng nakararaming mamamayan.”
“…nararapat na marahil nating itiwalag ang sarili sa mga isteryutipo…”
“…panahon na upang pagtuunan natin ng pansin ang
makapangyarihang impluwensiya ng mga artipak o mga nilikha o ginawa
ng kapwa-Pilipinong manlilikgha/manunulat…”

Mga Nakaugnay sa Konsepto ng Kultura


•  Pagpasok ng teknolohiya
•  Ugnayan ng bumibili at ng may-akda
•  Pag-unawa sa karanasan “ Sa madaling salita, anumang
pagsusuri ang gagawin sa kultura ay kinakailangang nakasandig
sa malawakang pag-unawa sa konteksto ng kongkretong
manipestasyon sa mga pelikula, radyo, komiks, atbp.”

KONTEKSTO NG KULTURANG POPULAR


•  Madaling sabihin na basura ngunit mahirap patunayan. Mas
mahalaga ang papel ng kultura sa lipunan
Nagmula sa kanluran:
1.  pelikula
2.  radyo
3.  telebisyon
4.  komiks
•  Hango ito sa katutubong tradisyon Nagbabago lamang ito sa
paraan sarsuwela, dula, bodabil → pelikula, radyo, telebisyon alamat,
awit, korido, epiko → komiks

PAPEL SA LIPUNAN:
1.  ekspresyon / pagpapahayag ng saloobin
2.  simplipikasyon
3.  mekanismo upang kayanin ng tao na batahin ang
komplikadong buhay
4.  aral / leksiyon sa buhay
5.  aliw
“...may partikular na ugat sa ating buhay ang mga komiks at
pelikula, at iba pang bagay sa kultura.”

SANGGUNIAN:

Wiley Online Library. Language Ideology in the Discourse of Popular Culture


by Andrew Moody. Retrieved 11/30/2020
https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1002/9781405198431.wbeal0626
Agustin, Christelle (NOBYEMBRE,2012) PERSPECTIVE
http://christelleagustin.blogspot.co m/2012/11/ano-ang-kulturang-popular.html

Georemy Laggui. KAHULUGAN NG WIKA .


https://www.scribd.com/doc/76568616

Kritikasatabitabi (Disyembre 2009) TUNGKOL SA “KULTURANG POPULAR” AT


“KOLONYALISMO”
https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/kulturan g-popular/
https://www.scribd.com/doc/306010326/popular-docx
Lia San Mateo (June 2014) KULTURANG POPULAR, IMPERYALISTANG
GLOBALISASYON retrieved 11/30/2020
https://prezi.com/o9ogw6d1r6hu/kulturang-popular-imperyalistang-globalisasyon/

Mreiafrica (March2014)AngPuno'tDulongKulturangPopular
https://www.slideshare.net/mreiafrica/ang-punot-dulo-ng-kulturang-popular

Mark Lowell Lorejas. Depinisyon ng Wikang Ayon sa Iba't-Ibang Manunulat


https://www.academia.edu/26333272/Depinisyon_ng_Wikang_Ayon_sa _Ibat-
Ibang_Manunulat
https://www.coursehero.com/file/48406768/Depinisyon-ng-Wikang-Ayon-sa-
Ibadocx/

Tolentino, Roland. 2007.Kulturang Popular, Imperyalistang Globalisasyon at


Gawaing Kultural. Usapang Kultura Balikan ang Kasaysayan, Pag-aralan ang
Lipunan. Retrieved 11/30/2020
http://avhrc-kultura.blogspot.com/2007/02/kulturang-popular-imperyalistang.html

YukinoTokisaki. SitwasyongPangwikasaibaPangAnyongKulturangPopular
https://www.academia.edu/31108191/Sitwasyong_Pangwika_sa_iba_
Pang_Anyo_ng_Kulturang_Popular?auto=download

https://www.coursehero.com/file/p1s4oh2li/RUBRICS-SA-PAGGAWA-NG-VLOG-
Pamantayan-1-2-3-4-Punto-s-Nilalaman-Maling/

https://www.rcampus.com/rubricshowc.cfm?code=V57833&sp=true

PANUTO: Grupong Gawain: Gumawa ng limang (5) Pick-up at limang (5)


Hugot Lines hinggil sa mga napapanahong isyu o karanasan.
MODIFIED RUBRIC SA PAGGAWA NG PICK-UP AT HUGOT LINES
PAGLALAPAT Halaw mula sa www.coursehero.com/file/RUBRICS
PAMANTAYAN 1 2 4 5 PUNTOS
(Application)
Maling May iilang maling Mayroong Marami ang
impormasyon impormasyon ang mga tamang tamang mga
NILALAMAN ang inilahad inilahad impormasyon impormasyong
ngunit hindi inilahad
sapat. 5
Walang Hindi maayos ang Lohikal ang Mahusay ang 5
nakitang organisasyon ng organisasyon organisasyon
maayos na mga ideya ngunit hindi ng
organisasyon masyadong pagkakasunod
ng mga ideya mabisa ang -sunod ng
ideya mga ideya.
ORGANISASYON

Masyado nang May kaunting Mahusay dahil Naaayon sa


gasgas at pagkakatulad sa hindi makabago at
ORIHINALIDAD karaniwan ang mga karaniwang masyadong natatanging 5
konsepto konsepto karaniwan o paksa. Hindi
madalas gasgas ang
mangyari ang konsepto.
konsepto

Gumagamit ng Gumamit ng mga Angkop ang Angkop na


mga salitang kaunting salitang mga salitang angkop ang
hindi napapanahon ginamit at mga salitang 5
napapanahon halos lahat ay ginamit at
WIKANG GAMIT napapanahon lahat ay
napapanahon

TOTAL 20X2= 40

Panuto: Grupong Gawain: Mula sa napanood na “Webinar Series


PAGTATAYA
Lektura 6: Kapangyarihan at Wika ng Kulturang Popular Sa Pandemiko”,
(Evaluation)
gumawa ng bokabularyo ng biswal na diksyunaryo gamit ang mga salita
sa panahon ng pandemiko (wika ng kulturang popular). Sa
diksyunaryong ito dapat maibigay ang kahulugan ng salita, bahagi ng
pananalita, biswal na larawan o drowing ng salita at ang paggamit nang
wasto ng salita sa pangungusap.

RUBRIC SA BOKABULARYO NG BISWAL NA DIKSYUNARYO

Pamantayan 10 8 5
Sinunod ang ibinigay Sinunod ang ibinigay May mga
Wastong na pormat sa kabuuan na pormat ngunit hindi bahaging nasunod
pormat ng diksyunaryo sa kabuuan ng ang pormat subalit
diksyunaryo maraming
pagkakamali
Nakapagtala ng 10-15 Nakapagtala ng 9-14 Nakapagtala ng 5
Pagtukoy ng ng tamang salita, may na tamang salita, may -8 na tamang
mga salita tamang baybay at tamang baybay at salita, may
wasto ang ibinigay na wasto ang ibinigay na tamang baybay at
kahulugan. kahulugan wasto ang ibinigay
na kahulugan

Lahat ng tamang Hindi lahat ng tamang Kaunit lang sa


Paglalagay ng salitang itinala ay may salita ay may angkop mag tamang salita
larawan/ angkop na na larawan/drowing ang may angkop
drowing larawan/drowing na
larawan/drowing

Lahat ng salitang Lahat ng salitang


Paggamit ng Lahat ng salitang itinala ay ginamit sa itinala ay ginamit
salita sa itinala ay ginamit sa pangngusap subalit sa pangngusap
pangungusap pangngusap nang may hindi lahat ng mga ay subalit maraming
wastong kayariang may wastong mali sa kayariang
pambalarila kayariang pambalarila pambalarila

You might also like