7F-Judges - Agudo, Kaye - Module-1 FILIPINO

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Module in FILIPINO for Grade 7 (Genesis, Judges, & Wisdom)

(4th Quarter)

Module (1)
Power Competencies:
1. Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan
ng Ibong Adarna (F7PU-IVa-b-18)
2. Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” (F7PT-IVa-b-18)
3. Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna (F7PS-IVa-b-18)
4. Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng napakinggang bahagi ng akda (F7PN-IVa-b-18)

Lesson 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna


Objectives:
1. Naitatala ang mahahalagang detalye sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng korido
3. Naibabahagi ang sariling pananaw tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna
Lesson Proper:
I. Concept
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
 buong pamagat: Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac
nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy kung sino talaga ang sumulat ng koridong Ibong
Adarna. Ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring hinango lamang sa kuwentong-bayan mula sa mga
bansa sa Europa tulad ng Romania, Denmark, Australya, Alemanya, at Finland. Kaya naman maraming
kritiko ang nagsasabing ang Ibong Adarna ay hindi ganap na maituturing na bahagi ng Panitikang Pilipino
sa dahilang hiram lamang sa ibang bansa ang kasaysayan nito.

Tulang Romansa (metrical romance)


- kathang-isip na tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan
- karaniwang kinasasangkutan ng mga prinsipe, prinsesa, at mga maharlika kung saan ang pangunahing
tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kanyang taimtim na pananalig at matiyagang pagtawag sa Diyos
- Sa pananakop ng mga Espanyol, ang tulang romansa ay nakarating sa Mexico at di naglaon ay
nakaabot sa Pilipinas noong 1601.
- Ginamit itong instrumento ng mga Espanyol upang mahimok ang mga katutubo na yakapin ang
Katolisismo.
- May dalawang anyo ang tulang romansa: ang awit at ang korido
Pagkakaiba ng Awit at Korido
Awit Korido
binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang taludturan, binubuo ng 8 pantig sa loob ng isang taludtod at
apat na taludtod sa isang taludturan apat na taludtod sa isang taludturan
sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon sadyang para basahin, hindi awitin
Kapag inawit, ang himig ay mabagal o banayad, Ang himig ay mabilis o allegro, ito ay dahil maikli
tinatawag na andante. ang mga taludtod, wawaluhing pantig lamang.
tungkol sa bayani, mandirigma, at larawan ng buhay tungkol sa pananampalataya, alamat, at
kababalaghan
Ang mga tauhan ay walang taglay na Ang mga tauhan ay may taglay na kapangyarihang
kapangyarihang supernatural ngunit sila ay supernatural o kakayahang magsagawa ng
nahaharap din sa pakikipagsapalaran. Higit na kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang
makatotohanan o hango sa buhay. tao.
halimbawa: Florante at Laura halimbawa: Ibong Adarna
- Ang salitang korido ay galing sa binalbal na salitang Mehikanong “corridor” na nangangahulugang
“kasalukuyang pangyayari”
1 | Pahina Inihanda ni: Bb. Janine Alice A.
Langato
- Ang Mehikanong salitang “corridor” ay mula naman sa Kastilang “occurido”

Sa maraming koridong nailimbag sa Pilipinas, ang Ibong Adarna ang higit na kilala sapagkat bukod sa ang
mga sipi nito ay ipinagbibili sa perya na karaniwang isinasagawa tuwing kapisthan ng mga bayan-bayan,
ito rin ay itinatanghal sa entablado. Bukod sa mga gintong aral na makukuha sa akda, ito ay tinangkilik ng
ating mga ninuno sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sapagkat ito ay nagdulot noon ng kasiyahan o
kaaliwan sa kanila.

Dahil na rin sa pasalin-saling pagsipi, ang mga sulat-kamay at maging ang mga nakalimbag na kopya ng
Ibong Adarna ay nagkaroon ng pagkakaiba sa gamit at baybay ng mga salita. Noong 1949, sa
pamamagitan ng matiyaga at masusing pag-aaral ni Marcelo P. Garcia ng iba’t ibang sipi ng Ibong Adarna
ay isinaayos niya ang kabuoan ng akda, partikular ang mga sukat at tugma ng bawat saknong. Sa
kasalukuyan, ang kanyang isinaayos na sipi ang karaniwang ginagamit sa mga paaralan at palimbagan.

II. Exercises or enhancement activities (Refer to acitivity “A”, “B”, and “C”.)

III. Summary
Bagama’t itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang Ibong Adarna, umaangkop naman sa
kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman nito. Masasalamin sa akda ang mga natatanging
kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa
Poong Maykapal, mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya, mataas na pagtingin o paggalang ng
anak sa magulang, paggalang sa mga nakatatanda, pagtulong sa mga nangangailangan, pagtanaw ng utang
na loob, mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng mga kababaihan, pagkakaroon ng tibay at lakas ng
loob sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay, at marami pang iba.

Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-aaralan ito bilang bahagi ng kurikulum sa
ikapitong taon upang mapalaganap hanggang sa susunod pang henerasyon ang kalinangan ng Kulturang
Pilipino na taglay ng koridong Ibong Adarna.

Lesson 2: Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna


Objectives:
1. Nakikilala ang mga mahahalagang tauhan sa Ibong Adarna
2. Natutukoy ang mga gampanin ng bawat tauhan sa akda
Lesson Proper:
I. Concept Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna
Ibong Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas na makikita sa Bundok
Adarna Tabor. Ang tanging magandang tinig ng ibong ito ang makapagpapagaling sa mahiwagang
sakit ni Haring Fernando ng kahariang Berbanya.
Haring Ang butihing hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.
Fernando
Reyna Ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro, at Don Diego
Valeriana
Don Pedro Ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang unang umalis
at nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor.
Don Diego Ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Nang hindi makabalik si
Don Pedro, siya naman ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibon.
Don Juan Ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Makisig, matapang, at may
buong kalooban. Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor.
Matandang Ang mahiwagang matandang leproso o ketongin na humingi ng tulong at ng huling
sugatan o tinapay ni Don Juan habang patungo siya sa Bundok Tabor. Siya ang nagsabi ng mga
Leproso dapat gawin ni Don Juan sa pagdating niya sa Bundok Tabor.
Ermitanyo Ang mahiwagang matandang lalaking naninirahan sa Bundok Tabor. Siya ang tumulong
kay Don Juan upang mahuli ang mailap na Ibong Adarna.
Matandang Ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nintong lakas matapos
Lalaking siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego
2 | Pahina Inihanda ni: Bb. Janine Alice A.
Langato
Uugod-ugod
Higante Mabagsik, malakas, at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana.
Donya Ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan. Isang higante ang nagbabantay sa
Juana prinsesa na kailangang talunin ni Don Juan upang makalaya ang dalaga.
Donya Ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag naman ng isang serpiyente. Nang
Leonora makilala siya ni Don Juan ay nahulog din ang loob ng binata sa kagandahang taglay niya.
Lobo Ang alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang siya’y mahulog sa balon.
Serpiyent Isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora. Nakalaya
e ang prinsesa nang matalo ni Don Juan ang serpiyente.
Donya Ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming taglay na kapangyarihan ang
Maria dalagang ito. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don Juan, tinulungan niya ang binata
Blanca upang malagpasan ang maraming pagsubok na inihain ng ama niyang si Haring Salermo.
Haring Ama ni Donya Maria Blanca na naghain ng napakaraming pagsubok na kinailangang
Salermo malagpasan ni Don Juan upang mahingi ang kamay ng dalaga.

I. Exercises or enhancement activities (Refer to acitivity “C”.)


II. Summary
Lubos na makatutulong sa pag-unawa ng mambabasa ang pagkilala muna sa mga tauhan at ang papel na
ginagampanan ng bawat isa sa walang kamatayang korido ng bayan. Naging mahusay at kapana-panabik
ang akda hindi lamang sa maayos na pagkakahabi ng mga pangyayari kundi dahil na rin sa mga tauhang
nagbigay-buhay sa makulay na mundo ng Ibong Adarna.

Lesson 3: Unang Bahagi ng Ibong Adarna


Objectives:
1. Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng nabasang bahagi ng akda
Lesson Proper:
I. Concept BUOD NG BAWAT KABANATA

Kabanata 1: Ang Berbanya (Saknong 1 – 29)


Ang kaharian ng Berbanya ay tanyag bilang isang sagana at may payapang pamumuhay. Ang mga piging
at pagdiriwang ay madalas na idinaraos sa kaharian ng Berbanya dahil masayahin ang hari’t reyna na
namumuno dito na sila Don Fernando at Donya Valeriana. Sila ay may tatlong lalaking mga anak na sina
Don Pedro, Don Diego, at si Don Juan. Ang tatlong prisipe na ito ay likas na magagaling at matatalino
higit kanino pa man sa buong kaharian. Nagsanay ang tatlo sa paghawak ng mga sandata at patalim sa
pakikipaglaban ngunit isa lang sa kanila ang maaaring mahirang bilang tagapagmana ng kaharian. Hindi
maikakaila na paborito ni Don Fernando ang bunsong anak na si Don Juan kaya namayani ang inggit ng
panganay na si Don Pedro sa kapatid.
 Talasalitaan: *tanyag – sikat *piging – handaan *likas – natural *mahirang – mailagay sa posisyon

Kabanata 2: Ang Karamdaman ni Don Fernando (Saknong 30 – 45)


Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Don Fernando buhat sa isang bangungot. Sa kaniyang
panaginip ay nakita niya ang bunsong anak na si Don Juan na pinaslang ng dalawang buhong at inihulog
sa malalim na balon. Dahil sa pag-aalala ay hindi na nakatulog at nakakain ng maayos ang hari magmula
noon hanggang sa ito’y maging buto’t-balat na. Maging ang asawa at mga anak ng Don ay nabahala na din
dahil walang sinuman ang makapagbigay ng lunas sa sakit ng hari. Isang medikong paham ang dumating
sa kaharian na naghayag na ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang awit ng isang ibon na makikita sa
bundok ng Tabor sa may kumikinang na puno ng Piedras Platas. Ang ibon na ito ay matatagpuan lamang
tuwing gabi dahil ito ay nasa burol tuwing araw. Nang malaman ang tungkol sa lunas ay agad nag-utos
ang pinuno ng monarka sa panganay na si Don Pedro upang hanapin at hulihin ang Ibong Adarna.
 Talasalitaan: *pinaslang – pinatay *buhong – kriminal *lunas – gamot *monarka – kaharian

Kabanata 3: Ang Paglalakbay ni Don Pedro (Saknong 46 – 80)


Inabot ng tatlong buwan ang paglalakbay ni Don Pedro bago tuluyang matunton ang daan paakyat sa
Bundok ng Tabor. Hindi naglaon ay natagpuan din ni Don Pedro ang Piedras Platas. Dumating ang laksa-
3 | Pahina Inihanda ni: Bb. Janine Alice A.
Langato
laksang ibon ngunit wala sa mga ito ang dumapo sa kumikinang na puno. Nakatulog si Don Rafael habang
nag-iintay sa pagdating ng Ibong Adarna. Di nito namalayan ang pagdating ng ibon. Pitong ulit na
umaawit ang Ibong Adarna at pitong ulit rin nagpapalit ng kulay ang kaniyang balahibo Nakasanayan na
ng ibon ang dumumi bago matulog. Pumatak ang dumi ng ibon sa noo’y natutulog na si Don Pedro. Sa
isang iglap ay naging isang bato ang prinsipe ng Berbanya.
 Talasalitaan: *matunton – marating *laksa-laksa – marami, dagsa

Kabanata 4: Ang Kabiguan ni Don Diego (Saknong 81 – 109)


Dahil sa nangyari ay hindi na nakabalik ng kaharian ng Berbanya si Don Pedro. Inatasan ni Don
Fernando ang ikalawang anak na si Don Diego na hanapin ang nawawalang kapatid at hulihin ang Ibong
Adarna.
Naglakbay si Don Diego ng mahigit limang buwan bago nito tuluyang marating ang Piedras Platas.
Nagpapahinga ito sa isang bato doon nang biglang dumating ang Ibong Adarna. Nasaksihan ng kaniyang
mga mata ang pitong beses na pag-awit at pagpapalit ng kulay ng balahibo ng ibon. Hindi nito naiwasang
makatulog dahil sa lamyos ng tinig ng mahiwagang ibon. Napatakan muli ng dumi ng ibon si Don Diego
dahilan kung bakit naging bato rin ito. Parang isang libingan ang ilalaim ng puno ng Piedras Platas dahil
sa dalawang prinsipe na kapwa naging bato.
 Talasalitaan: *inatasan – inutusan *nasaksihan – nakita *lamyos – lambing

Kabanata 5: Ang Paglalakbay ni Don Juan (Saknong 110 – 140)


Tatlong taon na ang lumipas ay hindi pa rin nakakabalik ang magkapatid na prinsipe samantalang lalong
lumubha naman ang sakit ng hari. Atubiling inutusan ni Don Fernando si Don Juan na hanapin ang mga
kapatid nito at hulihin ang Ibong Adarna. Humingi ng bendisyon si Don Juan upang payagan ito na
umalis para hanapin ang mga kapatid at ang natatanging lunas sa ama.
Di katulad ng naunang magkapatid, hindi gumamit si Don Juan ng kabayo sa halip ay naglakad lang ito.
Naniniwala ang prinsipe na kusang dadating ang biyaya sa kanya kung mabuti ang kaniyang hangarin.
Nagbaon siya ng limang tinapay at kumakain lamang tuwing makaisang buwan. Panay ang usal niya ng
panalangin upang makayanan ang hirap. Apat na buwan na siyang naglalakbay at tumigas na ang
natitirang baon na tinapay. Paglao’y narating ni Don Juan ang kapatagang bahagi ng bundok Tabor.
Doon ay natagpuan niya ang isang leprosong matandang lalaki.
 Talasalitaan: *lumubha – lumala *atubili – madali *hangarin – nais, gusto
*usal – sambit, sabi *leproso – taong may sakit sa balat

Kabanata 6: Ang Leprosong Ermitanyo (Saknong 141 – 198)


Humingi ng limos ang ermitanyo kay Don Juan. Ibinigay ng prinsipe ang natitirang tinapay sa matanda.
Nagbilin ang ermitanyo kay Don Juan nang malaman nito ang pakay ng binata. Hinabilin ng matanda na
huwag masisilaw sa kinang ng puno sa halip ay tumingin sa ibaba upang makita ang isang dampa. Doon ay
matatanaw ni Don Juan ang isang pang ermitanyo na siyang makakatulong sa paghahanap ng lunas sa
may sakit.
Nang marating ni Don Juan ang Piedras Platas ay muntik nang malimutan nito ang bilin ng leprosong
ermitanyo dahil sa pagkamangha sa kaniyang nasaksihan. Muli lang nagbalik ang kanyang diwa nang
makita niya ang dampa. Narating ni Don Juan ang dampa at nakita ang tinapay na ibinigay niya sa
leprosong ermitanyo. Dito ay nalaman ng prinsipe na isang engkantado ang Ibong Adarna. Ito ay
masisilayan lamang tuwing gabi, pitong beses na umaawit at pitong beses din kung magpalit ng kulay ng
balahibo.
Bilin ng ermitanyo na sa oras na umawit ang Ibong Adarna ay kailangan niyang hiwain ang palad at
pigaan ng dayap upang mapaglabanan ang antok. Binigyan din nito ang binata ng sintas na ginto upang
gamiting panghuli at panggapos sa ibon.
 Talasalitaan: *ermitanyo – taong nabubuhay mag-isa *dampa – bahay kubo *diwa – isip
*masisilayan – makikita *dayap – uri ng sitrus (parang kalamansi) *panggapos – pangtali

I. Exercises or enhancement activities (Refer to acitivity “D”.)

4 | Pahina Inihanda ni: Bb. Janine Alice A.


Langato
II. Summary
Ang mga buod ng bawat kabanatang iyong binasa ay unang bahagi pa lamang ng Ibong Adarna. Nakilala
mo na ang ilan sa mga pangunahing tauhan at nagkaroon ka na rin ng ideya sa kapana-panabik na daloy
ng mga pangyayari sa korido. May mga gintong-aral ding nakapaloob sa bahaging ito na sana ay napulot
mo at gawing baon sa iyong sariling paglalakbay sa buhay.

5 | Pahina Inihanda ni: Bb. Janine Alice A.


Langato
FILIPINO 7 (Module 1)

Pangalan:Kaye Sharmele C. Agudo Seksiyon:7F-Judges

Activity A. Itala ang ilang mahahalagang detalye sa nabasang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna
sa pamamagitan ng pagkompleto sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Ang buong pamagat ng Ibong Adarna ay Corrido at buhay na pinagdaanan nang Tatlong Principeng
magkakapatid na anac ni Haring Fernando at Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.
2. Ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring hinango lamang sa kwentong bayan mula sa mga bansa
sa Europa.
3. Sinabi ng mga kritikong ang Ibong Adarna ay hindi ganap na maituturing na bahagi ng Panitikang Pilipino
dahil hiram lamang sa ibang mga kasaysayang ito.
4. Ang tulang romansa ay dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas noong 1601.
5. Ang dalawang anyo ng tulang romansa ay ang awit at ang korido.
6. Ang salitang Mehikanong “corridor” na pinagmulan ng salitang korido ay nangangahulugang
Kasalukuyang pangyayari.
7. Dahil sa pasalin-saling pagsipi, ang mga kopya ng Ibong Adarna ay nagkaroon ng pagkakaiba sa
Gamit at baybay ng mga salita.
8. Ang karaniwang kaanyuan ng Ibong Adarna na siya ngayong pinag-aaralan sa paaralan ay siping isinaayos
ni Marcelo P. Garcia noong 1949
9. Kahit itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang Ibong Adarna, sinasabi ng maraming kritikong
umaangkop naman sa kalinangan at kultura ng mga Pilipino.
10. Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-aaralan ito bilang bahagi ng kurikulum sa ikapitong taon
upang mapalaganap hanggang sa susunod pang henerasyon ang kalinangan ng Kulturang Pilipino na
taglay ng koridong Ibong Adarna.

Activity B. Ibigay ang kahulugan at mga katangian ng korido. Kilalanin ang mga ito mula sa mga pagpipilian
sa ibaba. Lagyan ng tsek () ang patlang kung ang sumusunod ay tumutukoy sa kahulugan at katangian ng
korido. Ekis (X) naman ang sa hindi.
Ang korido ay...
1. binubuo ng 8 pantig sa isang taludtod at apat na taludtod sa isang saknong.
X 2. binubuo ng 12 pantig sa isang taludtod at apat na taludtod sa isang saknong.
X 3. andante o mabagal ang himig.
4. allegro o mabilis ang himig.
X 5. pumapaksa tungkol sa mga bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
6. pumapaksa tungkol sa pananampalataya, alamat, at kababalaghan.
7. may taglay na kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghang hindi
magagawa ng karaniwang tao ang mga tauhan.
X8. walang taglay na kapangyarihang supernatural ang mga tauhan ngunit sila ay nahaharap din sa
pakikipagsapalarang higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay.
X9. may halimbawang tulad ng Florante at Laura
10. may halimbawang tulad ng Ibong Adarna

Activity C. Sagutin nang malinaw at may saysay ang mga sumusunod na tanong sa loob ng 3 – 5
pangungusap.
1. Bakit mahalagang basahin at pag-aralan pa rin ang Ibong Adarna maging ng mga kabataang tulad mo sa
kasalukuyang panahon?

Mahalagang basahin at pag-aralan ang ibong adarna maging ng mga kabataan para matutu silang

magbasa, matutunan din nila ang ibat-ibang pangyayari magaganap, nagaganap at na ganap. At para

din matutunan nilanng magbasa, alamin din nila ang gintong aral na iyong matututunan sa kwentong

binabasa nila.

2. Kung maitatanghal ang Ibong Adarna at ikaw ay papipiliin ng isang tauhang nanaisin mong gampanan,
6 | Pahina Inihanda ni: Bb. Janine Alice A.
Langato
sino ang tauhang pipiliin mo at bakit?

Kung maitatanghal ang ibong adarna at ako ay pinapili ng isang tauhan ang pipiliin ko ay si Principeng
Juan. Dahil siya ay magalang, mapagkumba, matulongin, masipag, makatotohanan at mabait. Siya ay
mabait dahil hindi siya nagagalit. Matulongin dahil tinulongan niya ang gutom na leprosong ermitanyo.

Activity D. Tukuyin ang mga mahahalagang detalye ng mga bahagi ng akdang nabasa. Isulat sa patlang ang
letra ng tamang sagot.

B1. Ang tawag sa kaharian nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.


A. Albanya B. Berbanya C. Crotona

C2. Ang punong tinitirhan ng mahiwagang ibong adarna.


A. Piedras Blanca B. Piedro de Oro C. Piedras Platas

C3. Ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon


A. namamatay B. nakatutulog C. nagiging bato

B4. Ang sakit ng matandang nasalubong ni Don Juan sa kanyang paglalakbay.


A. kanser B. ketong o leprosi C. Hika

B5. Ang bagay na hiningi ni Don Juan sa ama bago siya umalis sa kaharian.
A. salapi o yaman B. bendisyon C. pagkain at tubig

C6. Ang bagay na ibinigay ni Don Juan matandang nasalubong.


A. tubig B. kanin C. tinapay

C7. Ang bilang ng taon simula nang umalis at hindi na nagbalik ang mga kapatid ni Don Juan.
A. isang taon B. dalawang taon C. tatlong taon

A8. Ang mensaheng taglay ng pagharap ng magkakapatid sa panganib para sa ama.


A. Wagas ang kanilang pagmamahal sa kanilang magulang.
B. Naghahangad sila ng korona at salaping mamanahin sa kanilang magulang
C. Ikahihiya ng pamilya kung hindi sila kikilos para sa ama

C9. Ang mensaheng taglay ng pananalangin ni Don Juan bago siya nakipagsapalaran.
A. Mahina si Don Juan at takot sa susuungin niya.
B. Malakas si Don Juan ngunit nanghihina rin ang loob niya.
C. Nais ni Don Juan na magabayan siya ng Diyos sa misyon niya.

A10. Ang mensaheng taglay ng pagtulong ni Don Juan sa matanda.


A. likas na maawain at mapagkawanggawa si Don Juan
B. alam ni Don Juan na may maitutulong ang matanda kaya tinulungan niya
C. hindi na kailangan ni Don Juan ang bagay na hiningi niya kaya ibinigay na lang niya

7 | Pahina Inihanda ni: Bb. Janine Alice A.


Langato

You might also like