Kabanata 11-15 (El Filibusterismo)
Kabanata 11-15 (El Filibusterismo)
Kabanata 11-15 (El Filibusterismo)
EXTRA – ngunit Ginoong Simoun, ano ang mapapala ninyo sa panalo ng kabaitan, mga
pagpapatapon at mga
pagpatay?
Simoun – Bakit? Kailangan linisin ang bayan at lipunan ang lahat ng may masasamang budhi.
EXTRA – at hanggang ngayon ba ay galit pa kayo sa mga tulisan, gayong maaaring hiningan
kayo ng mas
malaking tubos. Huwag naman kayong mawalan ng utang ng loob.
Simoun- ipinagtatapat ko na binihag ako ng mga tulisan ngunit matapos akong magising ay
pinabayaan nila
akong maglakad ng walang hinihinging tubos maliban sa 2 kong rebolber at 2 punyo. At
kinakamusta pa nila
ang Kap. Hen(titingin sa Kap Hen.)
Kap.Hen – Dahil diyan ay lalagdaan ko ang kautusan ukol sa mga sandata upang maiwasan ang
pagkakaroon
ng armas ang mga tulisan.
Simoun – Huwag! Huwag! Para sa akin, ang mga tulisan ang mas may karangalan sa lupaing ito.
( tututol dapat si Don Custodio)
Simoun – Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok kundi nasa mga tulisan sa loob ng
bayan at
lungsod.
Padre Irene – Gaya niyo?
Simoun – Tunay nga, gaya ko at gaya nating lahat. Magtapatan na tayo total ay wala naman
nakakarinig na
Indiyo ditto! Kapag sa gubat tayo nanirahan ay lalabas ang bagong lipunan at ang tao mismo ang
mag-aayos
ng sarili niyang buhay.
( kalihim- naghihikab at nag-uunat tapos ang iba ay nagtatawanan)
Kap.Hen ( bibitawan ang baraha) – Siya tama na ang biruan at sugalan, magtrabaho na tayo at
marami pa
akong dapat lutasin.
Narration – Sa araw na iyon ay pag-uusapan ang tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila kaya’t
naroon sina
P. Irene at P. Sibyla
(papasok ang isang kalihim at may sasabihin sa Kap. Hen)
Kap.Hen- Ano ba? Ano ba?
Kalihim – Ang panukala tungkol sa pagbabawal sa paggamit ng mga armas
Kap.Hen – ipagbawal ngayon din
Mataa na Kawani – Ipagpatawad po ninyong sabihin ko na alinmang bansa ay pinahihintulutan
ang paggamit
ng armas de salon.
Kap.Hen- Hindi tayo tutulad sa kanila
Kalihim – may apat na buwan pa lamang ngayon nang pagtibayin ang hindi pagbabawal sa
paggamit ng
armas ditto
Simoun – magagwan yan ng paraan
Kwani – Paano?
Simoun – madali yan! Ipagbili lamang ang mga armas de salon ng wala pa sa anim ni milimetro
ang kalibre.
MK – (bubulong) – hindi ako sang-ayon sa panukala niya
Kalihim ( may hawak na papel at biglang papasok) – Ang guro sa Tiani ay humihingi ng
malaking bahay
upang..
Padre Camorra (agad na sasabat) – Ano pang malaking bahay? Mayroon na siyang sariling
kamalig
Kap.Hen – wala akong kinalaman sa bagay na iyan! Sa namamahala sa pangasiwaan siya dapat
humingi.
Padre Camorra – ang guro na iyan ang isang Pilibustero!
Padre Sibyla – ang totoo ay ang sinuman ang ibig na magturo ay maaaring magturo saanman.
Kap.Hen – maraming karaingan ang naririnig ko sa guro na iyan, mabuti pa’y alisin siya!
Kalihim – Alisin!
Kap.Hen – ang mga guro ditto ay umaabuso. Kalabisan ang paghingi ng higit pa sa inang bayan.
PILIBUSTERISMO!
Ben Zayb – inang bayan muna, bago ang lahat, an gating pagka-Kastila
KapHen – sa susunod ang lahat ng dumaing ay tanggalin sa tungkulin.
( ipapahayag ni Don Custodio ang panukala niya sa lahat)
Don Custodio – napakadali lang ang solusyon diyan kamahalan. Gawing paaralan ang mga
sabungan kahit sa
loob ng sanlinggong araw.
KapHen – mainam na panukala. Nadaig tayong lahat!
Padre Camorra – Ngunit ang totoo ay may sabong sa buong linggo at yamang ang pasabong ang
nagbabayad
sa pamahalaan ay hindi nararapat na..
KapHen (biglang sasagot)– Kung gayon ay huwag magpaaral sa mga araw na iyon! Lalong
kasalaulaan ang
magkaroon ng mabubuting gusali para sa mga bisyo at para sa karunungan ay wala.
Padre Irene- ngunit alalahanin ninyong nagbibigay sa pamahalaan iyang mga sabungan na iyan.
KapHen – tama na yan! May iba akong balak para sa usapin na iyan. May iba pa bang dapat pag-
usapan?
Kalihim- Ang kahilingan ng mga estudyante na makapagbukas ng Akademya ng Wikang Kastila
Narration – May mga anim na buwan na naghihintay ng pasiya ang mga estudyante ukol sa
usaping ito.
Naging kakatwa naman ang namayaning katahimikan kaya’t nagtanong ang kapHen.
KapHen – ano naman ang kuro-kuro niyo?
Padre Sibyla – isa yang matahimik na pag-aalsang may tatak at slyo
MK – pag-aalsa?
Padre Sib – kinabibilangan ito ng mga kabataang tinatawag na kawal ng masidhing pagbabago.
Kabilang ditto
ay si Isagani
Padre Irene – mayroon pang isa. Makaragui o MAcaraig, mayaman , mapitagan at kalugog-
lugod.
Padre Sib – at mayroon pang isang nagngangalang Basilio.
KApHen – Aha! Aha! Ganoon pala! Itala ang mga pangalang iyan
Pelaez – Mabuting-mabuti. Isipin mo, naimbitahan ako ng kura ng Tiani, si Padre Camorra.
Napakaraming dalaga roon at walang bahay na hindi kami napuntuhan. Alam mo din ba kung
sino ang nobya ni Basilio.? Isang katulong, walang pera at hindi pa marunong mag-Kastila.
Pinaghahampas nga ni Padre Camorra ang mga nanghaharana sa kanya e.. hay naku, ang laking
hangal ni Basilio.
(
tatawa ng malakas si pelaez at titingin naman ng masama si Placido sa ka
nya)
Pelaez – maiba ako. Ano nga pala ang itinuro ng ating propesor kahapon?
Placido – walang tinalakay sa klase kahapon
Pelaez – eh, noong makalawa?
Placido – itong tao na ito! Huwebes kaya kahapon. Alam mo namang tuwing linggo at huwebes
ay walang klase.
Pelaez – oo nga pla, hangal talaga ako, e noong Miyerkules?
Placido – umambon non!
Pelaez – mabuti! E noong martes?
Placido – Noong martes ay kaarawan ng ating propesor at nagpunta kami sa kanya upang siya’y
batiin!
Pelaez – Caramba! Nakalimutan ko. Talagang hangal ako! Tinanonh niya ba ako?
(
magkikibit-balikat si Placido
)
Placido – hindi ko alam. Ngunit binigyan siya ng talaan ng mga andun.
Pelaez – Caramba?! E anong nangyari noong Lunes?
Placido – (bubuklatin ang libro at may ituturo) binasa niya ang talaan at nagturo ng leksyon sa
salamin. Tignan mo ito…
( tatabigin ni Pelaez si placido at titilapon ang mga libro)
Pelaez – Bayaan mo na ang leksyon at tayo’y mag dia-pichido!
Narration – dia-pichido ang tawag sa mga estudyante sa Maynila sa mga araw na
napagigitnaan ng dalawang araw ng pista kaya’t kinatatamaran nang pasukan ng mga mag-
aaral.
( titingin ng masama si placido kay pealez)
Placido – Alam mo talagang hangal ka talaga
Pelaez (mang-aasr at tatawa) halina tayo mag dia-pichido!
Placido – alam mo ba na kapag dalawa lamang ang liban sa klase ay hindi titigil ang klase na
binubuo ng 150 na mag-aaral. At ayokong mawalan ng halaga ang paghihirap ng aking ina
upang ako ay makapag-aral lamang ng medisina.
( hihinto sandali si pelaeaz at may maaalala)
Pelaez – Oo nga pala! Alam mo ba na ako ang inatasan na magkolekta ng kontribusyon?
Placido – anong kontribusyon?
Pelaez – Para sa monumento!
Placido – anong monumento?
Pelaez – ikaw talaga, para kay Padre Baltazar, hindi mo ba alam?
Placido – at sino si Padre baltazae?
Pelaez – Isa siyang Dominiko. Sige na magbigay ka na para masabi nila na tayo’y galante.
Ipinapangako ko na hindi masasayang ang ibibigay mong pera!
(papikit-pikit pa ng mata si Pelaez)
Narration – Samantala naalala naman ni Placido ang isang estudyanteng nakapasa dahil sa
pagbibigay ng kanaryo at tatlong piso
( Ipapakita ni Pelaez ang pangalan ni placido na isinulqt niya)
Pelaez – tignan mo, napakalaki ng pagkasulat ko sa pangalan mo. P-L-A-C-……,, tatlong piso!
Narration – Humingi ulit si Pelaez ng karagdagang kontribusyon para naman sa kaarawan ng
kanilang propesor at pinadagdagan pa ang mga ito na makita niyang naglabas ng pera si Placido.
(
kukulitin si Placido ni Pelaez
)
Pelaez – makinig ka, magbigay ka ng apat na piso at isasauli ka ulit mamaya.
Placido – isasauli mo rin naman pla e bakit ko pa ibibigay sayo?
Pelaez – oo nga pala. Napakalaki ko talagang hangal.
Narration – Pagdating nila sa kanilang unibersidad ay nakita nila ang mga estudyante na
hinihintay ang kanilang mga propesor. Ilang sandali lamang ay may humintong karwahe na lulan
sina Doña Victorina at ang pamangkin nitong si paulita Gomez
(
bababa ng karwahe ng hindi ipapakita ang paa ni paulita..mamumutla si isagani habang
tinitignan ni paulita
.)
Isagani – kamusta ka na?
Paulita – Ayos lang naman (
parang nahihiya
)
(
bababa si dona victorina at makikita si Pelaez
)
Dona Victorina – Magandang umaga Juanito
(Si Juanito ngingiti at yuyuko lang & mapapatitig si tadeo kay paulita
)
Tadeo – anong ganda! Pakisabi sa propesor may sakit ako.
Narration – Si Tadeo ay isang magp-aaral na pumapasok sa unibersidad araw-araw para
itanong kung mayroon silang klase. Ngunit sa di malamang dahilan ay kinagigiliwan siya ng
mga
propesor at may magandang kinabukasan.
(
may extra na tatawag kay Placido sa likod, sumisigaw
)
Extra – Penitente, Penitente, lagdaan mo ito?!
Placido – ano yan?
Extra – huwag mong intindihin basta lumagda ka na!
Narration – Naalala ni Placido ang tungkol sa sinapit ng isang kabesa sa kanilang bayan na
umagda ng dokumento na hindi man lang binabasa kaaya nabilanggo at napatapon
Placido – kaibigan patawarin mo ako, pero hindi ako lalagda hangga’t hindi ko naiintindihan
yan!
Extra – tungkol ito sa pagtutol sa kahilingan nila Macaraig at nang iba pa tungkol sa
pagkakaroon ng AKW.
Placido – Sige sige kaibigan mamaya na. nagsisimula na ang aking klase
Extra – Ngunit hindi naman ngtsetsek ng talaa ang inyong propesor!
Placido – Nagtsetsek siya minsan. Mamaya na! at ayokong kalabanin si macaraig
(
papaalis na at naghahabol sa klase
)
Extra – ngunit hindi ito pagsalungat kay macaraig
Placido – Binabasa na ang talaan!
(
tatakbo papunta sa kanyang klase
)
Narration – May marka na ang pangalan ni Placido at sa tingin niya ay wala na siyang
magagawa. Ngunit naisip niya na amalapit na ang kanilang pagsusulit kaya’t pumasok siya sa
kanilang klase.
(
papasok si placido ng maingay ang paa at maingay ang takong)
( titignan siya ng propesor at kumunot ang ulo)
Propesor – walang galang. Magbabayad ka rin!
(insert kabanata 13 here)
KABANATA XIV
Narration: Malaki at malawak ang tahanan ni macaraig kung saan matatagpuan dito ang mga
kabataang naglalaro at nag-uusap usap, ( naglalaro ang mga estudyante at may inaasar na
intsik).
Intsik: ah! Hindi na to ganda! Kayo masama, masamang klistyano! Kayo demonyo!
Narration: Natigil ang ingay ng unting-unting mag sidatingan ang mga kilalang mag-aaral
kasama si Macaraig gayun din si Sandoval, na isang espanyol (nagkakagulo at nagtatanong sila
kay sandoval kung ano ang kinalabasan ng AWK)
Pelaez: SINUSIGUrado ko na magtatagumpay ang ating panukala dahil isa akosa nagtatag ng
samahan na ito.
Pecson: Wag ka ng umasa! Magiging positibo ang resulta ng petisyon.
Pelaez: Aba! Aba! Kuung sakiling hindi magtagumpay ang petisyon, huwag ninyo akong
isangkot diyan
Señor Pasta: Tama! Walang hihigit sa pagmamahal ko sa bayan, ngunit hindi ako maaaring
mangako. Hindi ko alam kung nauunawaan ninyo ang napakaselan kong posisyon. Marami
akong
iniintindi kaya dapat akong kumilos nang maingat.
Isagani: Hindi po namin nais na ilagay kayo sa alanganing posisyon. Iligtas nawa kami ng Diyos
sa paglalagay sa kapahamakan sa isang taong mahalaga sa mga Pilipino. Kahit hindi ganoon
karami ang naiintindihan ko sa mga batas, mga kautusan ng Hari at mga kapasiyahang umiiral sa
ating bayan alam ko na hindi masama ang magbigay ng ibang paraan para sa pag-unlad ng
gobyerno. Pareho lang ang ating layunin, magkaiba lang ang mga paraan.
Señor Pasta: Talagang kapuri-puri ang pagtulong sa pamahalaan lalo na kung ang pagtulong
ay may kalakip na pagsunod at walang halong pagtutol o pagsalungat. Kaya nga’t ang ganitong
mga pagkilos ay itinuturing na kasalanan at dapat na parusahan, kahit na masasabing mas
makakabuti pa ito sa pamahalaan. Hindi pa rin ito matatanggap dahil nakadudungis sa
karangalan na siyang batayan ng España sa pananakop.
[
ayos ng upo si Señor Pasta
]
Isagani: Naniniwala akong ang pamahalaan ay humahanap ng mas matibay na batayan kapag
ito ay sinusubukan. Sa kaso ng pamahalaang mananakop ay hindi matibay na batayan ang
karangalang hindi lubos na kanya kundi sa nasasakupan at maaari lamang magtagal hangga’s
ito’y kinikilala. Naniniwala ako na ang katarungan at katwiran ay mas matibay na batayan.
Señor Pasta: [
biglang tingin kay Isagani
] Binata, `wag mo nang isipin ang mga ganyang bagay
dahil mapanganib iyan. Hayaan mo na ang pamahalaan sa kanilang trabaho.
Isagani: Ang pamahalaan ay binuo para dinggin ang hinaing ng mga mamamayan nito.
Kailangang makinig sila sa mga panawagan ng mga tao dahil ang mga ito ang lubos na
nakaaalam sa kanilang mga pangangailangan.
Señor Pasta: Ang mga nangangasiwa sa pamahalaan ay mga mamamayan din at di hamak na
marunong.
Isagani: Dahil ang tao ay nagkakamali rin, hindi dapat balewalain ang kuru-kuro ng iba.
Señor Pasta: Kailangang magtiwala ka sa kanila, sila ang umaasikaso sa lahat.
Isagani: May kasabihan sa Kastila na ang hindi umiiyak na sanggol ay hindi bibigyan ng gatas;
kapag hindi ka nanghingi, hindi ka bibigyan.
Señor Pasta: Taliwas sa inyong sinabi, sa pamahalaan ay kabaligtaran ang nagyayari.
Ibinibigay naman sa atin ng pamahalaan ang hindi natin hinihingi at di natin kayang hingin, dahil
kapag tayo’y nanghinigi ay lumilitaw ang nakalilimot ang pamahalaan sa kanyang mga
tungkulin.
Ang pagbibigay ng kuru-kuro ay hindi rin dapat gawin sapagkat ipinahihiwatig nito na maaaring
nagkakamali ang pamahalaan. Ang mga mamamayan, lalo na ang mga mapupusok na kabataan,
ay hindi naiintindihan na ang mga ganyang aksiyon ay nangangahulugan ng pagtutol, isang
mapanghimagsik na kaisipan.
Isagani: [
Mejo galit
] Ipagpaumanhin po ninyo, subalit kapag nanghingi ang mga tao sa
pamahalaan nang mahinahon ay dahil iniisip nila na makabubuti ito at handa nang ibigay. Ang
mga ganitong hakbang ay hindi dapat ikagalit at sa halip ay ikarangal. Ang anak ay humihingi sa
ina at hindi sa ina-inahan. Sa aking palagay ay hindi nakikita ng pamahalaan ang lahat at king
mangyari mang nakikita niya ito ay hindi siya dapat magtampo. Nariyan ang mga prayle na dasal
ng dasal at hingi ng hingi sa Diyos na nakakakita sa lahat, at kayo rin mismo ay maraming
hinihingi sa hukuman ng pamahalaan na ito. Nagdaramdam ba ang Diyos o ang hukuman?
Batid nating naitayo ang pamahalaan dahil sa mga tao kaya karapat-dapat lamang na
ibigay sa kanila ang katotohanan ng mga bagay. Kayo man ay walang pananalig sa inyong
sariling katwiran. Alam din ninyo na ang pamahalaang mananakop ay nais lamang ipagyabang
ang kanyang lakas at ipinagkakait nito ang mga hinihiling dahil sa takot at hinala. At ang mga
tao
sa ganitong pamahalaan ay walang dapat hingin kundi ang magbitiw sa tungkulin ang
namumuno.
Señor Pasta: `Yan ay maling paniniwala! Maliwanag na bata kayo at wala pang alam tungkol
sa buhay. Tingnan ninyo ang nangyayari sa mga binata sa Madrid. Kung anu-anong mga
reporma ang kanilang hinihingi, tuloy ay nabansagan silang pilibustero at ngayo’y hindi na
makauwi ng Pilipinas Ngunit ano ba ang hinihingi nila? Mga bagay na banal at hindi
mapanganib,
ngunit komplikado ang mga bagay at hindi ko ito maipaliwanag. Inaamin ko naman na may iba
pang rason kung bakit tumatanggi ang isang pamahalaan sa mga hiling ng mga tao. Maaaring
makakita tayo ng pinunong palalo pero palaging may ibang katwiran. Magkakaiba ang palakad
ng
mga namumuno sa pamahalaan.
[
hinto si Señor Pasta at galawin ang mga kamay na para nais magpali
wag.]
Isagani: [nakangiti pero malungkot ang tinig] Nahuhulaan ko ang gusto ninyong sabihin. Gusto
ninyong sabihin na ang isang pamahalaan ay hindi perpekto at nakabatay lamang sa kuru-kuro…
Señor Pasta: [mariin na nagtututol habang may hinahanap] Hindi, hindi iyon! Ang gusto kong
sabihin ay....nasaan na ba ang salamin ko?
Isagani: Hayan po.
[
Isinuot ni Señor Pasta ang salamin at kunwaring nagbabasa ng papeles at nakita niyang
naghihintay ang binata]
Señor Pasta: May gusto sana akong sabihin kaya lang nalimutan ko, nwala ito sa isipan ko dahil
sa inyong paghadlang. Kung alam ninyo lamang kung gaano kagulo ang aking isip, marami kasi
akong gagawin.
Isagani: Kung gayon, ako po’y…
Señor Pasta: A...kung gayon ay hayaan na ninyo ang pamahalaan sa kanilang trabaho.
Nabanggit ninyo na tutol ang Bise-Rektor sa pagtuturo ng wikang Kastila, marahil ay hindi sa
simulain kundi sa paraan. Napag-alaman ko na darating ang Bise-Rektor na may dalang proyekto
para sa reporma ng edukasyon. Maghintay-hintay kayo, mag-aral kayo, hindi ba’t malapit na ang
pagsusulit? Napakagaling na ninyong magsalita ng Kastila, ano pang hinihiling ninyo? Ano pa
ba
ang gusto ninyong paraan ng pagtuturo rito? Alam ko na pareho kami ng paniniwala ni Padre
Florentino. Ikumusta ninyo ako sa kanya.
Isagani : Ang tiyuhin ko, palagi niyang sinasabi sa akin na isipin ko ang iba gaya ng pag-iisip ko
sa aking sarili. Hindi ako pumunta rito para sa aking kapakanan, ngunit para sa mga sawimpalad
kong kababayan.
Señor Pasta : Ano ? Bakit hindi mo iparanas sa kanila ang inyong ginawa, ang magsunog ng
kilay sa pag-aaral o tulad kong makalbo sa pagkakabisado sa mahahabang talata. Naniniwala
akong marunong kayong magsalita ng Kastila dahil sa pinag-aralan ninyo iyon. Hindi naman
kayo
taga-Maynila at lalong hindi kayo anak ng Kastila. Hayaan ninyo silang matutong mag-isa gaya
natin. Naging alila ako ng mga prayle noon, nagtitimpla ako ng tsokolate gamit ang kanang
kamay at may tangan naman akong aklat ng gramatika sa kaliwa. Salamat sa Diyos dahil natuto
ako nang wlaang tulong mula sa guro, akademya, o permiso mula sa pamahalaan. Maniwala
kayo, ang taong gusto matuto ay matututo at tatalino.
Isagani: Ngunit gaano karami sa gustong matuto ang nagiging ninyo? Isa sa sampung libo o
mas malaki pa.
Señor Pasta: Puwes, para saan pa? [sabay kibit-balikat] Marami nang mga abogado ngayon,
ang iba ay nagiging eskribyente na lang. Gayundin ang mga doktor, nakikipagtalo ang mga ito sa
isa’t isa para lamang sa isang pasyente. Mga manggagawa ang kailangan natin para sa
agrikultura.
Isagani : Walang duda, maraming ngang doktor at abogado, ngunit hindi ganoon karami dahil
may mga bayan pa tayong walang manananggol o manggagamot, kung mayroon man ay hindi
pa kagalinagn. Napipilitan lamang siguro ang mga binatang mag-aaral dahil ito lamang ang
dalawang kurso na maaari nilang pagpilian. Bakit namin natin sasayangin ang pagkakataon
nilang maging doktor o abogado kung magkakaroon tayo ng maraming kagaya nila at yamang
kailangan din lamang ay bakit hindi pa pagbutihan ? At sa lahat ng ito, kahit na maging isang
bansang magsasaka tayo, dahil sa tamang edukasyon, ay magagawa ng mga itong maging
perpekto ang kanilangmga trabaho.
Señor Pasta : Ba, ba, ba! Para maging isang magsasaka ay hindi na kailangan pa ang retorika.
Pangarap at paniniwala, walang kuwenta! Ang kailangan lamang nilang malaman ay ang
sumunod sa mga utos.[
tayo si Señor Pasta at lagay ang kamay sa balikat ni Isagani
]
Bibigyan ko kayo ng isang magandang payo, dahil nakikia ko na matalino kayo at hindi
masasayang ang sasabihin ko sa inyo. Mag-aaral kayo ng Medisina, hindi ba? Pag-aralan ninyo
ang pagkakabit ng emplasto o paggamit ng linta sa mga pasyente. `Wag ninyong gagamutin o
palalalain ang sitwasyon ng ibang manggagamot. Kapag isa na kayong ganap na doktor,
magpakasal kayo sa isang mayaman at mabait na asawa. Manggamot kayo at singilin ninyo nang
mahal ang mga nagamot ninyo. ‘Wag kayong makikialam sa problema ng pamahalaan, sa halip
ay magsimba kayo palagi, mangumpisal at mangumunyon. Kapag ginawa ninyo ang mga ito ay
tiyak na pasasalamatan ninyo ako pagdating ng panahon, kung ako’y buhay pa. Tandaan ninyo
na ang kawanggawa ay nagsisimula sa sarili at ‘wag kayong maghanap ng kasiyahan na sobra
para sa inyo, ayon nga kay Bentham. Huwag kayong sasali sa mga kahibangan dahil hindi kayo
kailanman magkakaasawa at itatakwil pa kayo ng inyong bayan. Maniwala kayo sa akin,
sasabihin ninyong tama ako kapag matanda na kayong tulad ko.
[
Malungkot na ngumiti si Señor Pasta at hinimas ang ulo
]
Isagani: [malungkot na tinig] Kapag may puting buhok narin ako Señor, at kapag ginunita ko
ang nakaraan na puro pansarili lamang ang aking ginawa at hindi para sa bayang nagbigay sa
akin ng lahat ng aking kailangan at sa mga taong tumulong sa aking mabuhay, lahat ng puting
buhok na iyon ay magsisilbing tinik na hindi ko kayang pagmalaki at sa halip ay ikakahiya ko.
[
yumukod si Isagani at nagpaalam
]
[
Si Señor Pasta naman ay nanatiling nakatayo na gulat na gulat at umupo lang nang marinig na
niya ang hakbang ng binata na palay
o]
Señor Pasta : Kaawa-awang binata! Ang mga ganoong diwa ay pumasok sin sa aking isipan
noong ako’y bata pa. Ano pa nga ba ang gusto nila kundi ang masabing: Ginawa ko ang lahat
para sa aking Inang Bayan at inilaan ko ang buhay ko para sa iba. Koronang gawa sa laurel, mga
pinatuyong dahong tigmak sa mga tinik at uod. Hindi ‘yan ang buhay na gusto ko, hindi ‘yan
makapagbibigay ng pagkain sa araw-araw o ng karangalan kaya; hindi ‘yan makapagpapanalo ng
mga argumento sa hukuman. Ang katotohanan, ang bawat bansa ay may iba’t ibang ugali,
panahon o kaya’y sakit.
Kaawa-awang binata! Kung mas maraming tao lamang ang kagaya niya, hindi na sana
ako tumanggi. Kaawa-awang Florentino!
Kaawa-awang binata! Kung mas maraming tao lamang ang kagaya niya, hindi na sana
ako tumanggi. Kaawa-awang Florentino!