Binhi Masining Na Pagkukuwento Entry01

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Nakakasilaw ang araw habang alikabok ay aking natatanaw.

Sa aking kanang kamay, hawak ko ang


maleta ni Nanay na limang taon sa akin binigay. Napatingin ako sa aking sapatos nasilaw ako sa biton at
nakaliston kong pantalon nakakatuwang puting puti. Mag sisimula na akong lumakad sa kalyeng aking
pinagkalakihan. Isa, dalawa, tatlo, hanggang sa maging sampu at bente. Pag dating sa dulo, Ako ay
napahinto. Nag dadalawang isip, kung ako ay aapak o mag hahanap ng ibang daan, dahil sa wala pa rin
pagbabagong nakita ko “ah wala pa din palang pagbabago ang daan na ito” ang sagi sa aking isipan. Sa
hindi kalayuan, tanaw ko ang isang lumang tindahan na may bilyaran. Si Mang Nestor na Ama ng kaklase
ko na si Tino. Wala pa rin pag babago. Luma pa din ang katre ng bilyaran, ngunit ito ay inaalikabok na,
dahil sa walang taong gustong maglaro. Sa aking pag tanaw at pag hinto sinubukan ko tanggalin ang
aking sapatos. At maisipan nalang na mag yapak at maglakad, upang hindi ito maputikan.

Sa tapat ng bilyaran ni Mang Nestor ako ay nag tao po “tao po, tao po bibili po!” at may isang babaeng
lumabas na sa pag kakakilala ko, Ito ang asawa ni Mang Nestor. si Aling Bebang “ano ho ba ang inyong
bibilhin?” ang sagot sa akin “isa hong malamig na pop cola” “ay pasensya na iho, sira ang aming
reprigiraydor. Wala kaming malamig na inumin” ngunit napatgil si Aling Bebang ng sipatin niya, kung
sino ang kanyang kausap “ikaw ba ‘iyan buboy, yung anak ni Mang Ador?” “ako nga po Aling Bebang
kamusta na kayo?“ “aba! hindi kita nakilala ha! napaka kisig ng iyong katawan at napakaganda ng iyong
kasuotan” “sinwerte lamang sa maynila aling bebang” “Mabuti naman at napadalaw ka sa ating bayan.
ikaw ba ay uuwi sa iyong Ama’t Ina?” Ako ay natigil panandalian at bumalik sa akin ang alaala sampung
taon, simula ngayon.

“Halika na Buboy pumusta ka na rito samin” habang kami ay nasa bilyaran ni Mang Nestor na kanyang
tatay. “Tino sandali lang tayo dito ha at makita tayo ni tatay na tumakas tayo sa ating aralin” “hindi
‘iyan! makakalaban natin ngayon ang isa pinakamagaling sa ating baryo. Kaya pumusta ka na sa akin,
tiyak tayo na mananalo” ang sabi sakin ni Tino. Wala akong nagawa at naupo nalang at panoorin siyang
maglaro.

“chick, chak, chok” lahat ng tira ni Tino ay pasok. Siguradong mananalo na kami, isang bola nalang. Hindi
ko napansin ang isang malaking mamang na nasa aking likuran. At isa nalang ang aking naramdaman.
“paaak” sabay hampas ng tako sa aking likuran. Napangiwi ako sa sakit, ngunit hindi ko nagawang mag
salita, dahil ang aking bibig ay nautal sa takot ng makita ko ang tatay ko. At nag sabing “uwi!” wala
akong nagawa kun’di napahiya. Nakayuko habang tiim ang mga labi sa sakit ng hampas ng aking Tatay.
At sa araw din na ‘iyon, Mas masakit na nakita ako ni Nena sa kahihiyang pangyayaring ‘iyon. “Hindi ba
sabi ko sayo, pag tuonan mo ang ‘iyong eskwela? Ano at nandoon ka at bumabarkada?” sasagot sana
ako, ngunit isang sampal, sa aking mukha ang nagpatigil sa akin. Tinignan ko si Inay, kung pipigilan niya
ang Tatay, ngunit ang nakita ko ay ang pagpunta niya sa aming kusina, upang ihanda ang aming
hapunan.

Araw nang bukas, nakasalubong ko si Tino “Buboy, kamusta ka naman?” “Ito ayos lang” ngunit sa aking
kalooban, nag simula ng sumibol ang galit sa aking Ama. Hindi ko siya maintindihan, kung saan
nanggaling ang kanyang paghihigpit at hindi makatuwirang pamamalakad sa loob ng bahay, Gayong isa
ako sa pinakamahusay sa aming klase at masunirin sa aking Nanay. “Buboy! Buboy!” si Nena naku!
anong mukha ang ihaharap ko, Gayong nakita niya ako na tumatakbo sa isang sigaw ng aking Ama.
“Buboy, Buboy antayin niyo ko!” “oh Nena, ikaw pala” “sabay na tayo na tayo pumasok nila Tino”
nawala ang aking pagkahiya, dahil alam ko sa aking sarili na may mga taong, nag titiwala pa sa akin.

Biyernes ng gabi, pag katapos maligpit ang hapagkainan, tinanaw ko ang aking Ama. Habang tinatali niya
si Burnok, na aming kalabaw, sa puno ng manga. Naghihintay ako ng pagkakataon, upang makapag
paalam. Habang papalapit si Ama at naririnig ko ang yapak ng paa, siya rin namang pintig at kaba ng
aking puso. Hanggang siya ay nasa harapan na ng tarangkahan ng aming bahay “Itay maari po ba kitang
makausap sandali?” ang aking sabi “sige ano ‘iyon” matigas, malaki na boses ng aking Ama “may
gaganapin po kaming pag eensayo sa isang kurikulum at ito po ay nangangailangan ng higit na oras. Ipag
paaalam ko po sana, ang araw ng bukas hanggang ala sais ng hapon” “hindi maari” matigas na sagot ng
aking Ama. Sasagot sana ako, kung bakit, ngunit nauna ang aking Ama sa pag papaliwanag “ang araw ng
Sabado ay araw ng pagtulong mo sa ating bukirin. Agahan mo ang gising ng umaga at igapas mo si
burnok sa ilog” sabay talikod sa akin ng aking Ama. Ang binhing sumibol sa aking puso ay lumaki nang
lumaki. Hanggang sa dumating ang araw ng pagtatapos edukasyong sekondarya. At ako ang tinanghal na
valedictorian, sa aming Eskwela. Nang araw din na ‘iyon aakyat ang aking Ama’ Ina, para sabitan ako ng
medalya ng pagkakakilanlan, na ako ang pinakamahusay sa aming eskwelahan. Tumunog ang
panimulang musika. Hanggang sa pag tatapos ay tahimik ang aking Ama. Ang aking Ina, ay bakas ang
saya at pag mamalaki. Binagtas namin ang daan pauwi sa aming tahanan. At ng malapit na kami sa
maputik na daan ay nagulat ako, sa aking Ama. “Tanggalin mo ang iyong sapatos at kumalong ka sa akin
upang hindi maputikan, ang iyong mga paa” Ako ay binuhat ng aking Ama, pauwi sa aming tahanan.

Hapagkainan, napakasaya, nanakakainip ang limang araw ng pag katapos ng panghuling klase. Hindi ako
sanay na walang ginagawang takdang aralin o leksyon. Pumanaog na aking Ama’t Ina. Kanina pa sila nag
uusap sa itaas, ngunit hindi ko maintindihan ang kanilang pinaguusapan “Buboy, anak, halika at lumapit
ka sa amin ng iyong Ama. Meron kaming itatanong sayo. Anong karera ang iyong tatakbuhin?” Hindi ako
naka sagot ng mga oras na iyon, ngunit alam ko kung ano ang gusto ko. Ang makawala sa kapangyarihan
ng aking matigas na Ama “kayo po ang bahala” napatingin ang aking Ama sa aking mukha, gayon din
naman akong naaninag ang kanyang mukha. Matipuno pa rin ang aking Ama, matigas ang katawan,
ngunit ang kanyang mukha ay balot ng kalungkutan. Sa aking pag sasabi na ako ay sa maynila ay kukuha
ng kursong medical. Sa gabing iyon, natapos ang aming usapan. At napagkasunduan, na ako ay mag
aaral ng kursong pagiging Doktor. Sampung taon simula ngayon, tanaw ko ang nakakasilaw at
maalikabok na daan. Bigla kong narinig sa aking likuran “Buboy, ikaw na ba iyan? “Ikaw pala yan, ikaw
nga iyan” si Tino na aking kababata. Sa katuwaan, napangisi ako ng kaunti at napayakap sa sa aking
kababata “uy! wag na, marumi ako!” Hindi ko namalayan na ang kanyang kasuotan ay manggas na pang
bukid at maputik, ngunit ang kanyang katawan ay batak sa sunog ng araw at araro ng kalabaw “Ikaw
naman wala sa akin iyan” “kakamayan nalang kita” ang sabi ni Tino. Dali-dali ko naman itinaas ang aking
kamay, upang makipag kamayan. “buti naman mabalik ka sa ating Bayan. Oo nga pala, malamang sa
malamang, dadalawin mo ang iyong Ama’t Ina. Walang nagbago sa ating bayan ano? maalikabok at
maputik, at bako-bako pa rin ang daan. Buti na nga lang, ikaw ay isang Doktor na. Narating mo ang ang
gustong mo na marating” Hindi ko alam kung ako ay matutuwa o malulungkot sa salita ni Tino, dahil
kahit ako ay Doktor na, ay sampung taon akong hindi nakauwi o dumalaw man lamang, sa aking
magulang. Tiniis ko sa maynila, ang lungkot ng aruga ng aking Nanay at habang patuloy naman ang pag
usbong ng binhing na iniwan ng aking Ama sa aking puso. Ito ang araw, ng kung saan, ang bunga nang
pag mamalupit at kawalan ng pagmamahal ng aking Ama ay ipapakita ko sa kanya. Ang kanyang hindi
pagmamalasakit sa aking nararamdaman “Sige, Tino. mauna na ako sayo. Aling Bebang, mauna na po
ako!” “Sige, anak. Mag iingat ka at balitaan mo kami sa iyong Ama’t Ina” Ang tugon ni Aling Bebang.
Hinatid ako ni Tino, hanggang sa dulo ng aming tarangkahang bahay “oh paano, magkita nalang tayo ulit
sa araw ng bukas” “oo, sige! magpapahanda ako ng masarap na tanghalian kay Inay”

Sa harap ng aming tahanan, sarado ang bintana, ngunit may usok sa may bandang kusina. Hudyat na ang
aking Ina ay maagang nagluto para pananghalian. Dahan-dahan akong humakbang at nag kumatok “tao
po, tao po nay?”sumingaw ang isang babaeng puting-puti ang buhok, maugat ang kanyang mga kamay,
at naniningkit ang kanyang mga mata, para lang makita ako sa sa silaw ng araw“ “sino ‘ga ire? Buboy?”
“ako nga ho, Inay!” Ang pananabik kong salita. Dagli-dagli kong nilapitan at niyakap ang aking Nanay at
unti-unting pumatak ang luha naming dalawa “kamusta ka na Anak? matagal kang nawalay samin ni
wala kang sulat” “pasensya na po kayo nanay, kailangan ko po kasi na lumipat ng ibang unibersidad,
para mas malinang ang aking kakayanan” “halika’t pumasok ka sa loob ng sala at makainom ka ng
malamig na tubig” Walang nagbago sa apat na sulok ng aming tahanan, ngunit napansin ko ang pang
suyod ng aming bukirin ay marami ng sapot ng gagamba. Hindi ko na din napansin ang aming kalabaw na
si Burnok, marahil sa katandaan, siya ay pumanaw na. Binuksan ko ang bintana na yari sa Kapis. Tinanaw
ko ang aming hardin, mayabong parin ang aming mga halaman, marami parin ang aming mga manok at
kambing, hitik parin sa bunga ang aming mangga’t santol. Maalaga talaga ang aking Nanay. “Buboy, ito
ang malamig na tubig anak” habang nanginging ang kamay na inabot sa akin. Unti-unti kong ininom ang
malamig na tubig na dala ng aking Ina, ang lasa nito ay sing tamis ng aking unang pag sinta, si Nena. “Nay
kamusta na dito sa ating Bayan? napansin kong walang nagbago, tila walang kaunlaran” ngunit nabakas
ko sa aking Ina, na wala siyang alalahanin. Mukhang kuntento siya kanilang paumumuhay. “Masaya
na’ko dito anak, masaya ang Bayan na ito” sa gitna ng aming pangangamusta, isang ubo ang aking
narinig, nasundan ng dalawa, at tatlo. Sabay tawag sa aking Ina “Linda” mahina at kapos sa hininga. Ang
aking Ama muli kong narinig, ngunit wala na ang dating alingawngaw na boses ng aking Ama. Dali-dali
kaming umakyat sa taas. At nakita ko, ang aking Ama na nakahiga at patuloy sa pag ubo. Wala na ang
kanyang tikas at lakas, napalitan na ng payat at mahinang pangangatawan. Sandali ko silang tinignan ng
aking Ina, habang inaabot ang gamot at baso “Sino ba ang iyong bisita Linda?” “ang iyong anak, Ador”
Nakita ko ang pag impit ng bibig ng aking Ama, ngunit bakas sa kanyang mga mukha ang pag kabigla. Ito
na ang aking hinahintay. Ito na ang pag kakataon na maparamdam ko sa aking Ama, ang sakit at pag
daramdam ng aking puso na naitanim niya sa aking puso. Magsasalita pa sana ako, ngunit walang
lumabas sa aking bibig, dahil nakita ko ang aking Ama na tumulo ang luha. Luhang mababanaag ang
kaligayahan ng isang taong malapit ng mawala. Unti-unting nadurog ang aking puso. Ang binhi na
sumibol at nag nag bunga ng pag kamuhi, sa aking Ama ay biglang nag laho. Napansin kong wala na rin
pala siiyang kakayanan na matanaw pa ang aking kalagayan na nakamit, bagkus masaya na siyang
naramdaman na ako ay nasa aming nang tahanan. Sampung taon, simula ngayon maalikabok, maputik
na daanan na aking babalikan.

You might also like