Activity Sheet

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 46

LESSON 1 SECOND QUARTER

DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapamalas sa kakayahan sa mapanuring pakikinig at


pag-unawa sa napakinggan

COMPETENCY: Naisasakilos ang bahagi ng kuwento na nagustuhan

CODE: F4PN-IIa-5

I. Bilugan ang mga salitang may kilos sa sumusunod na pangungusap:

1. Naglalaba ang kaniyang ina sa ilog. 4. Sumasayaw ang mga dalaga at binata.

2. Ang mga mag-aaral ay nagbabasa ng aklat. 5. Kumukulo na ang tubig.

3. Si Rodel ay umaakyat sa puno ng mangga.

II. Isulat ang O kung ang salitang ito’y nagsasaad ng kilos at H kung hindi:

6. umiinom 8. bumili 9. damit

7. aklat 10. naglalaro

III. Punuan ng wastong kilos ang patlang. Piliin ang sagot sa looob ng panaklong:

11. Sabay-sabay na ang mga magkakaibigan kinabukasan.

(umalis, umaalis, aalis)

12. Ikaw ba ay sa kaniyang paglalaro mamayang gabi?

(sumali, sumasali, sasali)

13. Si Tita Rose ay kaninang umaga sa mga batang naglalaro.

(makikiusap, nakiusap, makikiusap)

14. Si John ay ng kanyang kamay na naglalaro.

(madadatnan, dadatnan, dinatnan)

15. Hindi ng Tiyo Miguel ang nakita niya. (magugustuhan,


nagustuhan, magustuhan)
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapamalas ng kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

COMPETENCY: Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t-ibang sitwasyon sa


paghingi ng pahintulot.

CODE: F4PS-IIa-12.10

I. Punan ng angkop na salita o mga magagalang na salita ang patlang:

1. Nasagi mo ang inumin sa tabi mo at nabasa ang palda ng kaklase mo

di ko sinasadya.

2. Hinahanap mo ang iyong nawawalang aklat may nakita po ba


kayong aklat na kulay asul ang balat.

3. Nasa banyo ka na. Nakalimutan mo ang bimpo. ang bimpo.

4. Magbabayad ka ng pasahe sa dyip. ang bayad ko.

5. Lumiban ka sa klase. Nais mong magtanong ng takdang-aralin sa iyong


kamag-aral. malaman ang takdang-aralin?

II. Ano ang iyong isasagot sa sumusunod na mga sitwasyon?

6. Nakasalubong mo ang punung guro.

7. Tumunog ang telepono.

8. May nag-uusap sa iyong daraanan.

9. May kumakatok sa pintuan.


10. Dumating ang iyong Lolo at Lola.

III. Piliin ang magagalang na pananalita ayon sa sitwasyon.

Bilugan ang titik ng tamang sagot:

11. Pumunta ka sa bahay ng iyong kaklase. Nakita mong sarado ang pinto.

Ano ang sasabihin mo?

a. Tao po! c. Tuloy po kayo

b. Maupo po kayo d. Sino po ba ang hinahanap nila?

12. Nasa bahay ka ng iyong kaklase upang gumawa ng inyong proyekto. Tapos
na ito kaya uuwi ka na. Naroon ang kanyang ina. Ano ang sasabihin mo?

a. Aalis na po ako c. Narito po ba si Ana?

b. Maupo po kayo d. Sino po ba ang hinahanap nila?

13. Binigyan ka ng lapis ng iyong kamag-aral. Ano ang sasabihin mo?

a. Salamat c. Maaari bang gamitin ko ito?

b. Walang anuman d. Akin na ito

14. Nakita mo ang iyong guro na nahulog ang dala niyang libro. Ano ang
sasabihin mo?

a. Salamat po c. Akin nalang ang libro mo

b. Maam, tutulungan ko na po kayo d. Sa uulitin

15. May mga bisita ang iyong tatay dahil kanyang kaarawan. Kumatok sila at
binuksan mo ang pinto. Ano ang sasabihin mo?

a. Sino kayo? c. Pasok po kayo

b. Bakit? d. Wala po si Tatay


DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapamalas ng kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar,


bagay, at pangyayari sa sarili sa ibang tao na katulong sa pamayanan

CODE: F4WG-IIa-c-4

I. Salungguhitan ang mga pang-uri sa sumusunod na mga pangungusap:

1. Ang aming pamayanan ay tahimik.

2. Maraming malalagong punong-kahoy sa aming lugar.

3. Ang mga bulaklak dito ay mabango at maganda.

4. Malulusog ang mga bata dito sa aming pamayanan.

5. Kaakit-akit ang aming pook.

II. Bilugan ang titik ng wastong pang-uri sa pangungusap:

6. Maraming na hayop sa kagubatan.

a. Maamo c. Malungkot

b. Mabait d. Mapanganib

7. Kilala ang Boracay dahil sa kanyang na buhangin.

a. malambot c. kulay-gatas

b. malinaw d. maputi at mapinong

8. Malusog ang mga pangangatawan ng mga mag-aaral sapagkat kumakain sila


ng pagkain.

a. maraming c. madahong

b. maberdeng d. masustansiyang
9. Maagang dumating ang panauhin kaya bumati ang mga
mag-aaral.

a. maayos c. malugod

b. maingay d. masayang

10. Maraming kalamidad ang nangyayari sapagkat na nakakalbo


ang mga kagubatan.

a. mabagal c. mahina

b. mabilis d. dahan-dahan

III. Punan ng angkop na pang-uri ang sumusunod na parirala.

Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon:

magandang mayamang

mahina makisig

matapang

11. na mandirigma

12. na binata

13. lupain

14. pa si Bantugan

15. babae
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapamalas ng iba’t-ibang kasanayan sa pag-unawa ng


iba’t-ibang teksto

COMPETENCY: Nakakagamit ng pangkalahatang sanggunian ayon sa


pangangailangan tulad ng diksyonaryo

CODE: F4EP-IIa-C-6

I. Hanapin sa diksyonaryo ang kahulugan ng sumusunod na mga salita at gamitin


ito sa makabuluhang pangungusap:

1. Komunikasyon

2. Kapakinabangan

3. Ekonomiya

4. Kalasin
5. Tinagin

II. Isulat ang T kung ang salita ay mahahanap sa ibinigay na pamatnubay na salita.
Isulat ang H kung hindi.

resiprokal- retirado

6. resistensya 9. responsable

7. resolusyon 10. retorika

8. reyna

III. Piliin ang titik ng tamang pamatnubay na salita. Isulat ang tamang sagot sa mga
nakalaang patlang.

a. Alas – bayan d. Entablado - graba


b. Belo – coach e. Hapon – iniksyon
c. Dagat – ensayo

11. bigas

12. direktor

13. asukal

14. impeksyon

15. hipon
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng


sulatin

COMPETENCY: Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan

CODE: F4PU-IIa-j-1

I. Bilugan ang tamang baybay sa sumusunod ng mga salita:

1. buhok bohok buhu

2. gobat gubat gobut

3. malenis malenes malinis

4. maputi mapote mapute

5. panget pangit pangot

II. Punan ang puwang at bilugan ang titik ng salitang may tamang baybay

6. Pagyamanin ang mabuting gawa upang yumabong at

a. Magbunga b. Magbonga c. magbenga

7. nang malakas si Rod upang upang pagbuksan kaagad siya.

a. Komakatok b. Kumakatok c. Kumakatuk

8. Tanggalin ang makapit na mantsa gamit ang .

a. Chlorox b. chlurox c. clorux

9. Ang mga sa panaderya ay tanghali nang nagsibangon kaya


napagalitan.

a. tindira b. tendira c. tindera

10. Talagang mahimbing ang mga batang napagod sa paglalaro.

a. matulog b. matolog c. matolug


III. Lagyan ng (√)tsek kung tama ang pagkakabaybay ng salitang may salungguhit at
palitan ang salitang mali ang baybay.

11. Si Jose Rizal ang sumulat ng tulang Huleng Paalam.

12. Ang Diwang Ginto ang aklat namin sa panitikan.

13. Paborito kong awet ang Bayan ko.

14. Nabasa ko ang alamat ng Pinya.

15. Pahalagahan ang binitiwang saleta.


LESSON 2: SECOND QUARTER

DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapamalas ng kakayahan sa mapanuring pakikinig at


pag-unawa sa napakinggan

COMPETENCY: Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa


napakinggan na teksto

CODE: F4PN-IIb-12

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot ng mga pangyayari sa bawat sitwasyon:

1. Nagsasaing ng kanin si Allan. Bigla siyang tinawag ng kanyang kalaro. Ano ang
mangyayari sa kanyang sinaing?

a. maluluto b. masusunog c.mahihilaw

2. Nagtimpla ng gatas si Nene para kay Caloy. Hinayaan niya ang natapong
asukal sa mesa. Ano ang maaaring mangyari sa mesa?

a. Iipisin b. lalamukin c. lalanggamin

3. Nagtapon ng balat ng saging sa sahig si Totoy. Natapakan ito ni Mang Oka.


Ano ang mangyayari kay Mang Oka?

a. Madadapa b. madudulas c. matitihaya

4. Naglilinis ng bahay si Ana. Natabig niya ang plorera. Ang plorera ay

a. mababasag b. tatalbog c. magkakalamat

5. Kumain ng maraming bayabas si Karen. Ano ang mangyayari kay Karen?

a. Sasakit ang tiyan b. mabubusog c. magugutom


II. Pag-ugnayin ang maaaring kalabasan ng mga sumusunod na pangyayari sa mga
lipon ng mga salita sa ikalawang kolum.

A B

6. Madalas lumiban sa klase si a. nakatanggap ng mataas na


Mary marka

7. Nagpapartisipa palagi sa b. mababa ang natanggap na marka


mga gawain sa talakayan ni Rey

8. Hindi nag-aaral ng leksyon c. iniiwasan ng mga kaklase

si Rey

9. Si Ed ay maharot sa klase d. sinuspinde sa klase

10. Malimit makipag-away si e. walang maisagot sa mga aralin

Rey

III. 11-15. Magbigay ng hinuha ukol sa kalalabasan ng pangyayaring ito. Mahalaga sa


tao ang Inang kalikasan. Saan maninirahan ang mga ibon at hayop kung ito ay
masisira? Paano na magiging masagana ang ating kabuhayan kung ito’y ating
pababayaan?
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapamalas ng kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

COMPETENCY: Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang


isyu o usapan

CODE: F4PS-IIb-c-1

I. Isulat ang Tama o Mali:

1. Ang mga plano ay isinagawa ng dalawang tao lamang.

2. Hindi apektado ang mga tao sa magaganap na pagpapasabog.

3. Ang mga tao ay dapat makiisa sa kampanya ng pamahalaan sa


kaligtasan ng bawat isa.

4. Ang mga mamamayan ay di pinag-iingat ng pamahalaan.

5. Patuloy na hinahanap ng pamahalaan ang mga taong nag-iisip


gumawa ng masama sa bansa.

II. Isulat ang iyong opinyon o reaksyon sa patlang:

6. Magdadagdag ng isang taon sa elementarya.

7. Kahirapan, sagabal pa rin sa edukasyon.


8. Muling binuhay ang Ilog Pasig.

9. Tuberculosis, pumapatay ng 17 Pinoy araw-araw.

10. Malaki pa rin ang problema sa basura ng bansa.

III. 11-15. Sumulat ng isang opinyon o reaksyon tungkol sa isang natatanging


gawain, pangyayari o ng isang mamamayang marangal at may malasakit sa
bayan.
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapamalas ng kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar,


bagay at pangyayari sa sarili, sa ibang tao na katulong sa pamayanan

CODE: F4WG-IIa-c-4

I. Piliin ang mga pang-uri sa pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot:

1. Malusog ang batang si Jena.

2. Ang masipag ay si Sol.

3. Matapang na sundalo si Adolfo.

4. Si Patpat ay mahinhin.

5. Maunawain ang kanyang ina.

II. Pangkatin ang mga pang-uri at isulat sa angkop na hanay na nasa ibaba.

maalat malinaw mabilis madulas

malabo maasim mapakla

malakas mahina magalaw

6. 11.

7. 12.

8. 13.

9. 14.

10. 15.
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagsasagawa ng mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng


teksto at napapalawak ang talasalitaan

COMPETENCY: Nabibigyang kahulugan ang salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba
ang diin

CODE: F4PT-IIb-g-4.1

I. Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong:

1. Ginagawang ng mga manok ang mga sanga ng punong mangga


sa aming bakuran (hapunan, hapunán)

2. Marami pang ang darating kaya may pag-asa pang umunlad


ang iyong buhay. (bukas, bukás)

3. Kahit ng tubo ay kaya ng ngipin niyang pangusin (buko, bukó)

4. Kitang-kita sa bakuran ang mga ng paa ng mga magnanakaw


(bakas, bakás)

5. Ang gusaling pinaglalagakan ng pera ay sa (bangko, bangkó)

II. Salungguhitan mula sa panaklong ang kasingkahulugan ng salita sa bawat bilang

1.kilala o bantog (sikat, sikát)

2.Tataas (lalaki, lalakí)

3.Siksik sa laman o tigib (punó, puno)

4. Nangangasiwa ng isang pangkat (puno, punó)

5.Espesyal na pagkain sa kapaskuhan (hamon, hamón)

III. Ipabigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang iisa ang baybay ngunit
magkaiba ang diin at ipagamit ito sa pangungusap:

11. basa- basá 14. Suka - suká

12. Sama – samá 15. Paso - paśo

13. Puno - punó


DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagsasagawa ng mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng


teksto at napapalawak ang talasalitaan

COMPETENCY: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa


pamamagitan ng pamatnubay na tanong

CODE: F4PB-IIb-5.2

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot:

1. Alin ang unang pangyayari sa kuwento?

a. naliligo si kalabaw sa ilog.

b. iniligtas ni langaw si kalabaw.

c. tinulungan ni kalabaw si langaw.

d. nabasa ang pakpak ni langaw kaya hindi siya makalipad.

2. Alin ang hindi kabilang sa kuwento?

a. iniligtas ni langaw si kalabaw

b. tinulungan ni kalabaw si langaw

c. nabaril ng mangangaso si langaw

d. masayang naliligo sa ilog si kalabaw

3. Alin ang huling pangyayari sa kuwento?

a. nabasa ang pakpak ni langaw

b. nailigtas ni langaw si kalabaw

c. tinulungan ni kalabaw si langaw

d. masayang naliligo sa ilog si kalabaw


4. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

1. Iniligtas ni langaw si kalabaw

2. Tinulungan ni kalabaw si langaw

3. Masayang naliligo si kalabaw sa ilog

4. Nabasa ang pakpak ni langaw kaya hindi siya makalipad

a. 1-2-3-4 c. 3-4-2-1

b. 3-1-2-4 d. 4-2-1-3

5. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

1. Pagbibihis ng mag-aaral

2. Pagdaan kina Rico

3. Paghahanda ng bagong pagkain

4. Pagdaan kina Mang Alex

5. Pagsakay papuntang EDSA

a. 1,3,2,4,5 c. 2,4,3,1,5

b. 5,4,2,1,3 d. 3,2,1,5,4

II. Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pangyayari sa kuwentong


binasa. Pagsunud-sunurin ito. Ipasulat ang 1-5 sa patlang.

6. Napatay ni Lapu-Lapu si Magellan.

7. Isang misa ang ginawa sa pulo ng Limasawa.

8. Nakipagsanduguan si Magellan kay Raha Kulambo.

9. Narating nina Magellan ang Homonhon.

10. Sina Raha Kulambo at kanyang mga tauhan ay nagpabinyag.

III. 11-15 Ipasulat sa kalahating papel na pahalang ang lahat ng inyong ginagawang
paghahanda kung may pasok. Pagsunud-sunurin mula pagkagising hanggang
pagpasok sa paaralan.
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng


sulatin

COMPETENCY: Nakasusulat ng liham paanyaya

CODE: F4PU-IIb-2.3

I. Isulat nang wasto sa iyong papel ang sumusunod na bahagi ng liham.

1. ang iyong pinsan

2. ibig kong anyayahan ka sa pista sa aming bayan na gaganapin sa ikalawang


linggo ng oktubre, isama mo ang iyong mga kapatid para makita nila ang
malaking pagbabago rito sa aming lugar. Sana makarating kayo at nang
makapanood pati kayo na karakol.

3. kalye biak-na-bato 4. herman

rosario, cavite 5. mahal kong rene

Oktubre 1, 2010

II. Anong bahagi ng liham ang sumusunod?

6. Ang inyong mag-aaral,

7. 23 Anubing St.

San Antonio Village

Pebrero 20, 2010

8. Mahal kong Bb. Reyes,

9. Lourdes Ruiz

10. Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na hindi ako makadadalo sa


pulong sa Linggo ng hapon.

III. 11-15 Sumulat ng liham paanyaya sa inyong punung-guro na maging hurado sa


munting timpalak ng inyong organisasyon.
LESSON 3

DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Naipamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin.

COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar,


bagay, at pangyayari sa sarili sa ibang tao na katulong sa pamayanan

CODE: F4WG-IIa-c-4

I. Salungguhitan ang mga pang-uri sa pangungusap:

1. Matalino ang batang si Riza.

2. Ang kanyang ama ay isang masipag na empleyado.

3. Mapagmahal ang kanyang ina.

4. Si Chona ay matampuhin kaya mahirap pakisamahan.

5. Tamad ang kamag-anak niyang ito.

II. Isulat ang pang-uri sa puwang:

6. Ang aming pamayanan ay tahimik.

7. Maraming malalagong punungkahoy sa aming lugar.

8. Ang mga bulaklak dito ay mabango.

9. Kaakit-akit ang aming pook.

10. Masasaya ang mga mag-anak sa aming lugar.

III. 11-15 Gumawa ng limang pangungusap gamit ang pang-uri.


DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagsasagawa ng mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng


teksto at napapalawak ang talasalitaan

COMPETENCY: Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na


depinisyon

CODE: F4PT-IIc-1.10

I. Hanapin mula sa Hanay B ang mga salitang kasingkahulugan ng mga nasa Hanay
A. Isulat sa patlang ang wastong titik:

A B

1. dalisay a. nagsikap

2. mapagkawang-gawa b. kalapit

3. mariwasa c. kalungkutan

4. sawimpalad d. mayaman

5. napatili e. pagluha

6. sinugo f. maglingkod sa kapwa

7. hinagpis g. mahirap

8. karatig h. malinis

9. panangis i. pinadala

10. nangahas j. napasigaw


II. Punan ang mga kahon ng nawawalang titik upang mabuo ang kasingkahulugan
ng salitang nasasalungguhitan.

11. Napabantog sa buong mundo ang mabuting pagtanggap ng bisita ng mga


Pilipino.

N P B L TA

12. Matulungin sa maralita si Jacinta.

M IR P

13. Si Inta ay naging sagisag ng kaligtasan ng mga sawimpalad.

S MB L

14. Nakita nila ang nakahanay na mga aginaldo.

WAK H LE A

15. Madaling kumalat sa buong bayan ang pangyayari.

N P BA IT
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanayan sa pag-unawa sa


iba’t-ibang teksto

COMPETENCY: Nakagagamit ng pangkalahatang sanggunian tulad ng diksyunaryo


ayon sa pangangailangan

CODE: F4EP-IIa-c-6

I. Pagtapat-tapatin ang tamang salita sa angkop na mga pamatnubay na salita.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang:

A B

1. isda a. sisid-suka

2.plato b. ilaw-iwanan

3. bubong c. pakialam-palagi

4. walis d. bibi-bulak

5. sili e. wari-wisik

II. Sumulat ng isang salita sa pagitan ng sumusunod na mga pamatnubay na salita:

6. kibo kilay

7. malamig minuto

8. yabang yelo

9. hakbang hukay

10. agiw away

III. Hanapin ang kahulugan nito. Gamitin ang diksyunaryo

11. Karangalan 14. Banyaga


12. Mistula 15. Dakila
13. Henerasyon
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng


iba’t-ibang uri ng media.

COMPETENCY: Nasasabi ang paksa ng napanood na patalastas

CODE: F4PD-II-C-5.1

I. Sumulat ng babala o patalastas para sa sumusunod na mga pagkakataon:

1. May mga murang aklat na ipinagbibili sa bookstore.

2. May napapanood na dula-dulaan tungkol sa wastong pagkain.

3. Madulas ang basang hagdan ng paaralan.

4. May pinatutuyong pintura sa mga bangko sa paaralan.

5. May pagpupulong ang mga batang scout, babae at lalaki.

II. Gawin ang sumusunod na mga babala o patalastas:

6. Bawal manigarilyo

7. Mag-ingat sa aso

8. Bawal pumasok

9. Bawal pumarada

10. Mag-ingat: Ginagawa ang daan

III. 11-15 Gumawa ng patalastas. Gawin itong malinaw at kaakit-akit. Tandaang


isulat ang mahahalagang detalye nito.
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapamalas ng kakayahan sa mapanuring pakikinig at


pag-unawa sa napakinggan

COMPETENCY: Nakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang maulit at


mabigyang-kahulugan ang mga pahayag

CODE: F4PN-IId-15

I. Ang mga salitang sinalungguhitan sa bawat pangungusap ay napakinggan sa mga


pahayag ng guro.Ibigay ang kasalungat ng bawat isa upang matukoy ang
kahulugan nito:

1. Maalaga si Bryan sa kaniyang mga halaman kaya maganda ang


sibol ng mga ito.

2. Mataas ang lagnat ni Roselle kaya mainit ang kaniyang


pakiramdam.

3. Magagara at mamahalin ang mga laruang pasalubong ng ninang


ni Kamille buhat sa ibang bansa.

4. Payabungin natin ang mga puno sa hardin sa pamamagitan ng


pag aalaga nito.

5. Dahil sa patuloy na pagpuputol ng mga puno sa bundok ang lupa


nito ay nauka.

II. Ang mga salitang may salungguhit ay narinig sa sinasabi ng tagapagturo.Ibigay


ang kahulugan at ilagay ang sagot sa loob ng blocks.

6. Humusay ang kanyang pagguhit dahil sa pag eensayo.


7. Ang batang makulit ay napagalitan.

8. Walang humpay ang pag iyak ng bata.

9. Kahanga-hanga ang pamilyang nagbubuklod.

10. Huwag mag- atubili sa pag abot ng iyong mga pangarap.

III. Isulat sa organizer ang mga pahayag na iyong narinig sa tagapagsalita:

11. Tingnan

mo ako

12. Natutuhan ko na 14. dahil dito….

13. matapos ang

aralin,

naramdaman ko na…

15. kaya….
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Naipamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin.

COMPETENCY: Nagagamit ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng


nasaksihang pangyayari

CODE: F4WG-IId-g-5

I. Lagyan ng angkop na pandiwa ang mga sumusunod na pangungusap:

1. Si Aling Naty ay ng sitaw sa kanyang gulayan kanina. (pitas)

2. ang mga bata bukas. (tanim)

3. Ang Nanay ay ng gulay kahapon. (luto)

4. Ako ay nang mabuti (aral)

5. Ang mga magsasaka ay ng mais bukas. (tanim)

II. Bilugan ang titik ng tamang sagot:

6. Tuwing linggo ako ay .

a. nagsisimba b. nagsimba c. magsisimba

7. Kami ay araw-araw.

a. nag-aral b. nag-aaral c. mag-aaral

8. Si Puring ay ng mga halaman.

a. nagdilig b. nagdidilig c. magdidilig

9. Ang mga paruparo ay sa mga bulaklak

a. dumadapo b. dadapo c. dumapo

10. Ang mag-anak ay ng mga halaman.

a. nagtanim b. nagtatanim c. magtanim


III. Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap:

11. Sumisirena ang trak ng bumbero kapag may sunog.

12. Ang tandang ay tumitilaok sa madaling araw.

13. Ang kampana ay kumakalembang bago magmisa.

14. Bumili siya ng bagong payong.

15. Mabilis lumakad si Fely.


DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng


teksto at napapalawak ang talasalitaan

COMPETENCY: Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto

CODE: F4PB-IIdi-6.1

I. Bilugan ang sanhi at ikahon ang bunga sa sumusunod na pangungusap:

1. Bawat pangkat-etniko ay may sariling paniniwala at kaugalian kaya kung


minsan ay hindi maiwasan ang mga hidwaan.

2. Ang mga kabataan ay nagsisikap kaya tiyak na aangat ang ating kabuhayan.

3. Nagpapamalas ng magandang halimbawa ang mga magulang dahil sila ang


huwaran sa mga anak.

4. Sinisikap ng pamahalaan na lalong magamit ang mga likas na yaman ng bansa


upang mapaunlad ang bansa.

5. May magandang patubig ang bukirin kaya hindi mahihirapan ang mga
magsasaka.

II. Piliin mula sa Hanay B ang maaaring maging bunga ng mga pangyayari sa Hanay
A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot:

A B

6. Walang pinapanigang a. Napaunlad ang kanilang


pangkat ang pamahalaan kabuhayan

7. Libre ang pag-aaral sa b.Naibibigay ang mga

mga pampublikong paaralan sa pangunahing pangangailangan


elementarya at highschool ng mamamayan
8. Tinutulungan ng pamahalaan c. Naiiwasan ang pag-iingatan ng
ang mamamayan sa pamamagitan ng mamamayan

iba’t-ibang proyekto sa kalusugan,

edukasyon at ekonomiya

9. May mga proyekto ang d. Naiiba ang Pilipinas kung


pamahalaan ukol sa pabahay at ihahambing sa ibang mga

paghahanapbuhay bansa

10. Ang Pilipinas ay binubuo ng e. Nakatutulong ito sa mahihirap


humigit-kumulang sa 7,100 na mamamayan

III. Isulat ang S sa patlang kung ito ay sanhi at B kung ito ay bunga

11. Maraming isda ang nahuhuli ng mga mamamayan ng barangay


Mandaragat.

12. Maunlad ang buhay ng mga mamamayan.

13. Sinimulan ang pagtatambak ng lupa sa dagat.

14. Unti-unting nabawasan ang mga isda sa dagat.

15. Natakot ang sirena kaya lumangoy sa ilalim ng dagat.


LESSON 5:

DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapamalas ng kakayahan sa mapanuring pakikinig at


pag-unawa sa napakinggan

COMPETENCY: Nailalarawan ang tagpuan, tauhan, pangyayari sa kuwentong


napakinggan

CODE: F4PN-IIe-12.1

I. Basahin ang kuwento at sagutin ang tanong.

Ang Rizal Park

Ang Rizal Park o Luneta ay isang magandang pasyalan sa Pilipinas. Ito ay nasa
Lungsod ng Maynila. Dito matatagpuan ang bantayog ni Dr. Jose Rizal, ang ating
pambansang bayani. Kung nasa tabing dagat ka, makikita ang maganda at makulay
na paglubog ng sikat ng araw.

Maraming tao ang namamasyal dito upang magpiknik at makalanghap ng


sariwang hangin. Maraming halaman at malalagong punong kahoy ang nakatanim sa
buong parke na nakakapagpaganda sa paligid nito.

1. Sino ang ating pambansang bayani?

a. Andres Bonifacio

b. Jose Rizal

c. Apolinario Mabini

d. Manuel Quezon

2. Saan matatagpuan ang Rizal Park?

a. Lungsod ng Quezon

b. Lungsod ng Maynila

c. Lungsod ng Lucena

d. Lungsod ng Pasay
3. Ano ang magandang tanawin ang makikita sa Rizal Park?

a. Bantayog ni Jose Rizal c. Taong naglalaro

b. Taong namamasyal d. Taong kumakain

4. Ano ang kaakibat na pangalan ng Rizal Park?

a. Luneta c. Roxas Boulevard

b. Araneta d. Mall of Asia

5. Bakit maraming tao ang namamasyal sa Luneta?

a. maganda ito c. mabait ang guwardiya

b. maraming magnanakaw d. magulo ang lugar

II. Tukuyin kung ito’y tagpuan, tauhan o pangyayari sa kuwentong napakinggan.

6. sa tabing ilog 9. sa plaza

7. pagmamalasakit sa iba 10. tumatawa

8. Tonton ang bunso

III. 11-15. Humanap at kumopya ng isang kuwento kung saan mamamayani ang
pagmamahalan sa pamilya o sa kapwa man. Isulat ang tagpuan, tauhan at mga
pangyayari sa kuwentong binasa.
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.

COMPETENCY: Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging


damdamin

CODE: F4PS-IIe-12.1

I. Itapat ang mga pahayag sa angkop na katangian ng tauhan. Isulat lamang ang
titik sa patlang:

A B

1. Magandang umaga po. Kayo a. masungit

po ba si Gng. Reyes?

2. Huwag kayong mag-alala, darating b. malungkutin

din yun.

3. Ano ba yan? Sunog na naman c. maawain

ang kanin.

4. Ano pa pong gagawin ko? d. masayahin

Natapos ko na po ang paglalaba.

5. Ha! Ha! Ha! Hindi ka na mabiro! e. mainipin

6. Naku! Ang dilim naman dito, f. magalang

nakakatakot.
7. Linisan mo na, gutom na gutom g. matatakutin

na yan

8. Ang dami ng ipon ko. h. matipid

9. Ang tagal naman ng bus. i. masipag

10. Kawawa naman si Tope, hindi j. pag-alo

dumating Tatay niya.

II. Isulat sa patlang ang katangian ng tauhang nagsasalita.

11.” Halikayo at maupo”, sabi ni Ellen sa dumating na panauhin.

12. Paano ako makapaglilingkod sa kanila? Tanong ni Cesar.

13. Ha! Ha! Ha! Wala ka palang ibubuga sa paglalaro ng chess. Ang
hina mo! panunudyo ni Dianne kay Alfred.

14. Inay, ang dilim na pala. Maaari ninyo po ba akong samahan kina
kuya Gil? tanong ni Julie kay Aling Etang.

15. Tayo na sa silid aklatan, tiyak na doon makapagbabasa tayo nang


mabuti.
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng


teksto at napapalawak ang talasalitaan.

COMPETENCY: Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng


kasingkahulugan.

CODE: F4PT-IIe-1.4

I. Piliin mula sa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga salitang may


salungguhit:

1. Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay may krisis sa mga trabaho o pagkakakitaan

(kakulangan, peligro, panganib, pagdarahop)

2. Pambibihag ng dayuhan ang ginagamit na taktika ng mga rebeldeng Iraq.

(paraan, kaukulan, kalinangan, takasan)

3. Nasangkot lamang ang Pilipinas sa digmaang ito ng Amerika at Iraq.

(nadali, nadamay, naiwan, nawili)

4. Lubhang mabagsik pa rin ang naging epekto ng digmaan sa Iraq.

(masungit, malupit, matapang, mahigpit)

5. Mapanganib ang terorismo.

(maaaring magdulot ng kapinsalaan, ligtas, mapaloob, mapabilang)

II. Bilugan ang titik ng tamang sagot:

6. Malinamnam ang nilutong barbeque ni Inay. Ang sinigang ay:

a. maasin b. masarap c. matamis d.maalat

7. Matarik ang inakyat na bundok ni Edward at Itay. Ang bundok ay

a. mataas b. mababa c. malapad d. malawak


8. Inaksaya ni Loleng ang tubig na inumin.

a. iniipon b. tinatapon c. sinasayang d. iniinom

9. Matuling tumakbo ang mga aso.

a. mabilis b. mabagal c. batugan d. gumagapang

10. Maginaw kung buwan ng Disyembre.

a. masaya b. bigayan c. malamig d. mainit

III. Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang salitang kasingkahulugan ng


salitang may bilog.

madiskubre dumarami

magbanat malusutan

kulang

11. Sa palagay mo sa anu-anong bagay pa salat

ang ating bansa?

12. Patuloy na lumalaganap ang iba’t-ibang suliranin.

13. Sana lahat ng kabataan ay matutong magbatak ng buto.

14. Ibig ng ating mga magulang na malampasan natin ang mga


pagsubok.

15. Kailangang matuklasan ang maraming bagay ukol sa kabataan.


DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng


teksto at napapalawak ang talasalitaan.

COMPETENCY: Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa isang alamat

CODE: F4PB-IIe-3.2.1

I. Basahin ang alamat. Sagutin ang mga tanong ukol dito. Bilugan ang titik ng
tamang sagot:

Ang Alamat ng Sampalok

Noong unang panahon ay may isang matandang babae na naninirahan sa tabi ng


ilog. Wala siyang ginagawa kundi ang maglinis ng kanyang bakuran at diligin ang
kanyang mga pananim. Isang araw, may nanghingi ng kanyang ilang pananim.
Ang matanda ay nagalit at pinalayas ang bata.

Madamot ang matanda tuwing may pupunta sa kanyang tahanan upang humingi
ng tulong, agad niyang pinalalayas ang mga ito.

Minsan ay isang diwata ang nagpanggap na isang babaeng madungis. Humingi


siya ng makakain. Nagalit ang matanda at pinalayas ang babaeng madungis.
Nagalit ang diwata sa ginawa ng madamot na matanda.

Dahil sa iyong pagiging labis na madamot, kahit na marami ka namang pananim


na maaaring ibahagi sa iyong kapwa, ikaw ay aking paparusahan.

Sa ilang saglit ang matandang babae ay naglaho at ang lugar na dating


kinatitirikan ng kanyang bahay ay naging lawa.

Sa katagalan ng panahon ang lawa ay natuyo at may tumubong isang puno. Ang
lahat ng taong napapadaan sa nasabing puno’y napapahinto dahil sa dami ng
bungang nakasabit sa mga sanga. Ngunit natatakot silang pumitas dahil hindi
nila alam kung maaaring kainin ito. Isang binata ang napadaan at tinangkang
kumain ng bunga ng puno. Itinapon nito agad ang nasabing bunga pagkatikim
dahil sa sobrang asim. Nasabi ng binata na ang bunga ay katulad ng matandang
madamot na dating nakatira sa lugar na iyon. Punung-puno ng bunga ang puno,
ngunit sobrang asim naman ng lama.
1. Ano ang pamagat ng Alamat?

a. Alamat ng Pinya c. Alamat ng Sampalok

b. Alamat ng Mangga d. Alamat ng Langka

2. Bakit nagalit at pinalayas ng matandang babae ang bata?

a. dahil nanghihingi ng kanyang pananim c. dahil nagnakaw

b. dahil minura siya d. dahil binato siya ng bata

3. Anong katangian mayroon ang matanda?

a. mapagmahal c. maawain

b. madamot d. mapagbigay

4. Bakit nagalit ang diwata?

a. dahil sa ginawang pagpapalayas ng matanda sa babaeng madungis

b. dahil hindi

5. Paano mo pahahalagahan ang pagmamahal sa kapwa-tao?

a. tulungan kung nangangailangan c. iwanan

b. huwag pansinin d. huwag kausapin

II. Lagyan ng (√) tsek ang mga katangiang dapat tularan sa alamat na binasa, (×)
ekis kung hindi

6. Mapagkawanggawa sa kapwa 9. May dalisay na puso

7. Masunurin sa mga magulang 10. Pagtaboy sa mga pulubi

8. Takot at pangamba sa kinabukasan

III. Sagutin ang sumusunod na tanong:

11. Paano maaaring maglingkod sa kapwa?

12. Paano naiiba si Jacinta sa kapwa niya mariwasa?

13. Paano ninyo siya maihahambing sa mga bayaning naglilingkod sa bayan?

14. Sino ang ibig ninyong paglingkuran? Bakit?

15. Alin sa mga nagawa ni Jacinta ang ibig mong ipagpatuloy at gayahin? Bakit?
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Naipapamalas ang iba’t-ibang kasanayan sa pag-unawa ng


iba’t-ibang teksto

COMPETENCY: Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng


nakalarawang balangkas

CODE: F4EP-IIe-g-8

I. Basahing mabuti ang kuwento at punan ng tamang impormasyon ang balangkas:

1-2 Pangunahing Pangyayari

3-4 Papataas na Aksyon

5-6 Kasukdulan

7-8 Pababang Aksyon

9-10 Wakas ng kuwento

II. 11-15 Isaisip at isulat ang mahahalagang pangyayari sa inyong buhay. Ibalangkas
ito ayon sa tamang pagkakasunud-sunod ng plot ng iyong buhay.
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Napaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng


sulatin

COMPETENCY: Nakasusulat ng talatang naglalarawan

CODE: F4Pu-IIe-g-2.1

I. Basahin ang talata at isulat ang 1-5 na mga salitang naglalarawan:


Ang platypus o duckbill ay isang hayop na may kakatwang anyo. Palapad
ang katawan nito na nababalot ng maiikli at pinong balahibong kulay kape.
Tila sagwan ang buntot nitong maikli, malapad at nababalutan ng
magaspang na buhok. Maikli ang apat nitong mga paa na may magkadikit na
mga daliri. Wala itong leeg. May maliit itong mata at tenga na maisasara
kapag nasa ilalim ng tubig.

1.

2.

3.

4.

5.

II. Isulat ang mga bagay na aangkop sa paglalarawan.

Piliin ang sagot sa kahon:

Kuweba banga

Baro at saya itak

vinta
6. Sagisag ng ating pagkamakabayan.

7. Mapanganib, ginagamit ng mga ninuno sa pakikipaglaban,


maaaring ikamatay kung labis ang katalasan.

8. Tawag sa makulay ngunit maliit na sasakyang pandagat.

9. Madilim at mapanganib din kung minsan. Masyadong tahimik na


lugar subalit pinakaligtas para sa mga sinaunang taong takot sa
kabihasnan.

10. Kagaya ng tubig noon. Matigas at pulido, yari sa putik.


Mamahalin at antigo na ang mga ito sa kasalukuyan.

III. Sumulat ng isang talatang naglalarawan sa kagandahan ng biyaya ng ating


kalikasan, kopyahin ng isang panimulang pangungusap para sa isusulat na
talata.

11. Ako ay kakaibang bulaklak.


12. Ako ay ligaw na damo.
13. Maraming kakaibang bulaklak sa paligid.
14. Malamig ang tubig sa sapa.
15. Masarap maglangoy sa batis.
LESSON 4

DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapamalas ng kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling idea,kaisipan,karanasan at damdamin

COMPETENCY:Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t-ibang


sitwasyon (pagpapahayag ng pasasalamat)

CODE: F4PS-II-12d-12.11

I. Palitan ng may magagalang na pananalita ang bawat pangungusap. Isulat ang


sagot sa bawat patlang:

1. kumain ka na ba?

2. Saan ba rito ang munisipyo?

3. Hindi ko makita ang gunting, tulungan mo ako.

4. Maraming salamat sa ibinigay mong regalo.

5. Heto, tikman mo ang niluto kong pansit.

II. Isulat ang tama kung nagpapakita ito ng paggalang at mali kung hindi.

6. pagsasabi ng salamat po pag binibilhan ka ng damit ng mga magulang


mo.

7. paggamit ng po at opo kapag kausap mo ang nakatatanda sa iyo.


8. paglabas ng bahay nang hindi nagpapaalam.

9. kinukuha ang gamit ng kapatid kahit walang pahintulot.

10. pagsasauli ng sukli kapag sobra.

III. Gumawa ng maikling usapan sa sitwasyong nasa itaas. Gamitin ang magagalang
na pananalita na angkop sa mga sumusunod na pagkakataon:

11. Dumating ang isang kamag-aral mo sa iyong bahay.

12. Aalis ka na sa bahay ng iyong kaklase at ibig mong magpaalam sa kanyang


nanay.

13. Dinalaw ka ng isang kaibigan mo sa inyong bahay dahil maysakit ka.

14. Gusto mong lumabas sa silid-aralan at gusto mong magsabi sa iyong guro.

15. Nag-uusap ang Nanay mo at kanyang bisita sa may pintuan at gusto mong
pumasok sa loob ng bahay.
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagsasagawa ng mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng


teksto at napapalawak ang talasalitaan

COMPETENCY: Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating


karanasan/kaalaman

CODE: F4PB-IIa-17

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot:

1. Naghugas ng pinggan si Jose. Sa kagustuhan niyang makatapos agad siya


pinagpatung-patung niya ang mga pinggan. Sabay-sabay rin niyang binuhat para
ilagay sa lalagyan. Ngunit natisod siya. Ano kaya ang mangyayari?

a. Napilay si Jose . b. gumulong ang mga pinggan

c. Nabasag ang mga pinggan

2. Panahon ng tag-init. Naglilibot sa baryo ang ilang barangay-tanod isang gabi.


Biglang may sumiklab na kawad ng kuryente sa isang bahay. Gumapang ang
apoy at lumikha ito ng sunog. Ano kaya ang mangyayari?

a. nasunog ang bahay b. napuksa agad ang sunog

c. Walang nagawa ang mga barangay-tanod

3. Naglalaba sa dulo ng bakuran si Aling Pilar. Naglalaro naman sa gitnang


bakuran si Bebot. Nasa likod ng halamang malapit kay Bebot si Tagpi. Isang
kidnaper ang pumasok at dinampot si Bebot. Malapit na sa pintuan ang kidnaper
nabitiwan si Bebot at nagpagulong-gulong habang sumisigaw. Ano kaya ang
mangyayari?

a. Natisod sa bakod ang kidnaper b. kinagat ni Tagpi ang kidnaper

c. Pinukpok ni Aling Pilar ang kidnaper

4. Si Aling Desta ay masungit at magagalitin. Malaki ang bahay niya at malaki rin
ang loobang may pader. Kahit kailan ay hindi siya tumutulong o nakikiramay sa
mga kapitbahay. Minsan may sumiklab na kawad ng kuryente sa kanyang bahay.
Nagtatakbo ang katulong niya at humingi ng tulong. Ano kaya ang mangyayari?

a. Nasunog ang bahay ni Aling Desta

b. mga bumbero ang dumating at sumaklolo sa kanya

c. Naghinanakit si Aling Desta sa mga kapitbahay

5. Naglalaro ng bahay-bahayan sa kanilang bakuran sina Liza at ng palayuk-


palayukan ni Mona. Lumapit si Nene sa dalawa. Kumuha ng bigas si Liza at palayuk-
palayukan si Mona. Nang umalis sila, nakita ni Nene ang posporo. Sinindihan niya
ito. Umiyak si Nene at hawak ang kaliwang kamay nito ang . Ano kaya ang
mangyayari?

a. Nasunog ang bahay-bahayan

b. Napaso ang kamay ni Nene

c. Nabasag ang palayuk-palayukan

II. Isulat ang maaaring mangyari sa mga sumusunod na sitwasyon

6. Umuwi si Eddie habang malakas ang buhos ng ulan.

7. Nakagat ng lamok na may mikrobyong dengue si Eva.

8. Kumain maraming bayabas si Karen.

9. Hindi nakapag-aral si Ruel para sa eksam nila.

10. Madalas mahuli sa klase si Roy.

III. 11-15. Magpasulat ng limang sitwasyon at ipasulat ang maaaring maging hinuha
sa inilalahad na pangyayari.
DIVISION: Borongan City

SUBJECT AREA: Filipino

GRADE LEVEL: IV

LEARNING CONTENT: Pagpapamalas ng kakayahan sa mapanuring panonood ng


iba’t-ibang media

COMPETENCY: Naisasadula ang nagustuhang bahagi ng panonood

CODE: F4PD-II-6-4

I. Tukuyin ang madamdaming bahagi sa napanood nila. Lagyan ito ng (√)tsek at


(x)ekis kung hindi.

1. Pakiusap ng matandang lalaki sa matandang babae sa paghingi ng


bunga ng sampalok.

2. Pasigaw na pagtataboy ng matandang babae sa matandang lalaki


upang umalis.

3. Pagmamakaawa ng matandang lalaki sa matandang babae na bigyan


siya ng sampalok.

4. Pagpapakawala ng matandang babae sa mga aso.

5. Paghampas ng matandang lalaki sa kanyang tungkod at pagkain ng lupa


sa matandang babae, aso at puno.

II. 6-10. Isadula ang pagdarasal ng mag-asawa para lumusog si Monica at ang sagot
ng Diyos sa kanila.

11-15. Isadula ang bahaging nagpipilit si Monica na maabot sa lupa ang


nahulog na bola ng sinulid.

You might also like