F8 Q2 Modyul 7

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 38

8

Filipino
Kwarter 2 – Modyul 7
Tula ng Buhay

i
Filipino – Baitang 8
Kwarter 2 – Modyul 7: Tula ng Buhay

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Ronelo Al K. Firmo

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Mailene B. Banel


Mary Grace A. Bombales,
Linda C. Bruto
Editor: Zita Bogñalbal, Roger Bañal
Tagasuri: Emilia B. Boboyo

Tagaguhit: Jefferson B. Besmonte


Tagalapat: Melodie Bueno; Brian Navarro

i
Paunang Salita
Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng
modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay. Ang modyul na ito ay may dalawang aralin. Nakapaloob dito
ang lahat ng mga aralin na inyong pag-aaralan at mga pagsasanay na kailangang
sagutan.
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang mas maging kapaki-pakinabang ang modyul na ito , bibigyan ng
pansin ang pagbibigay impormasyon sa mga mag-aaral at miyembro ng
pamilya tungkol sa paano gagamitin at iingatan nang mabuti ang modyul na
ito. Nang sa gayon ito ay mas kagigiliwan gamitin at pag-aralan ng mga mag-
aaral.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Ang mga
gawaing nakapaloob rito at kailangan mong saguting mag-
isa. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak
kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan at iwasang masira ang modyul na ito.
Huwag mong susulatan at iwasang mapunit ang mga
pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Aralin 1: Interpretasyon sa Tula

Panimula

Magandang Araw.
Kumusta ka?
Umupo at maghanda sa gawain na magbibigay
sa’yo ng kaligayahan at bagong kaalaman na
nakapaloob sa modyul na ito.
Tara, umpisahan na natin.
Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay
nakaliliimot na sa panitikan kasabay ang pagkalimot ng
pagbabasa ng mga panulaan Filipino dahil sa
impluwesiya ng K-Pop at mga makabagong palabas.Sa
modyul na ito ikaw ay hahasain na magbigay ng
sariling pananaw sa tulang iyong pakikinggan.

Layunin
Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inasahan na

Nabibigyan mo ng interpretasyon ang tulang napakinggan.

Ano ba ang alam mo


na sa ating aralin, subukin
mo nga?

1
Panimulang Pagsubok

Panuto: Sa pamamagitan ng pagpili ng Emoji faces ay mailalahad mo ang


sarili mong interpretasyon sa mga tulang nasa kahon. Ipaliwanag kung bakit iyon
ang napili mong emoji.

A.
Ako
Ni: Mailene B. Banel

Ako’y may talento makatang totoo


Isip at puso ay kabilang sainyo
Manunulat talagang tinitingala
Sana’y maging katulad ko rin kayo

B.
Naghihintay sa`yo
Ni: Prinsesa Nakuda Ni: Gonzalo K. Flores
Isinalin ni: M.O. Jocson
Naghintay ako,oo Ulilang damo
Nanabik ako sayo. Sa tahimik na ilog
Piit-mata nga ako Halika, sinta
Gulo sa dampi
Nitong taglagas

D. E. Na napapaasam sa aking pag-ibig


Sa lunday na puting kabigin-itulak
SONETO NG BUHAY
Pati paningin ko’y naglalakbay
Ni: Fernando B. Monleon langit.

Sa abot-tanaw ko’y sultanang


liwanag

2
CHIT CHIRIT CHIT
Ang babae sa lansangan
Chitchiritchit alibangbang
Kung gumiri’y parang tandang
Salaginto salagubang

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 6 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAHUSAY/MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

Mga Gawain sa Pagkatuto

Alam mo ba?

Interpretasyon
-Nangangailanagan ng mas mataas na antas ng pag-iisip.
-Ang mga sagot sa mga tanong sa kategoryang ito ay hindi tuwirang
nakalahad sa teksto ngunit nagpapahiwatig lamang.
-Upang masagot ang mga tanong kailangan taglay ng mambabasa ang
kakayahan sa paglutas ng mga suliranin.
-Tumutukoy sa pinakamababaw na kahulugan ng isang salita o alinmang
pahayag.
-Bagamat nangangailangan lamang ito ng mababaw na antas ng pag-
ipapakahulugan mahalaga ito bilang pundasyon ng malalim na antas ng
pag-iisip.

3
Pagsasanay 1

Panuto: Ipabasa sa iyong kaibigan o kapamilya ang tulang ito. Pakinggang


mabuti at gawin ang mga ipinagagawa.

Magandang Pasilyo O Kanto


Ni: Mailene B. Banel
I
Mag-aaral ka ba? O Tambay ?
Alin ang pipiliin mo?
Makikita ang sarili mo sa kanto
O Makita ka sa magandang pasilyo?
II
Pag-asa ka nga ba ng bayan
O pahirap sa lipunan?
Mga katanungang hindi masasagutan
At minsa’y di napapatunayan.
III
Bata..bata!!! matutong magsunog ng kilay
Nang kinaumagahan ay may pakinabang
Talikdan na ang pakikitsismisan
Maging ang kalokohang pinagkakaabalahan
IV
Ang chat at FB mo ay bawasan
Magbasa ka ng akdang pampanitikan
Na magdadala sa alapaap ng tagumpay
Nang may masulat man lang na ambag sa bayan.

TULA

Magandang Pasilyo o Kanto

Ipaliwanag ang iyong Iguhit ang iyong


interpretasyon interpretasyon sa tula

Dahil madali mong nakuha ang unang pagsasanay, narito pa ang isang
gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

4
Pagsasanay 2
PANUTO: Gumawa ng islogan ayon sa iyong interpretasyon sa tula.

Bahagi ng tulang may pamagat na Magandang Pasilyo o Kanto

V
Si Nanay at Tatay,
Nangarap na ika’y makapag-aral
Na balang araw sila’y giginhawa sa buhay
Kahit maghapong bumilad sa araw
VI
Handang matugunan ang pangangailangan
Kaya di patitinag sa kahirapan
Sa laban ng buhay di baling maputikan
Kung ang kapalit ay magandang kinabukasan
VII
Huwag lagging barkada
Di sila ang kapamilya
Isipin ang kapakanan
Huwag ang kapritsot kagustuhan
Alin pipiliin mo makikita sa kanto o tambay o mskits sa magandang pasilyo?

Pagsasanay 3

Panuto: Ipabasa sa iyong kaibigan o kapamilya ang tula. Unawain ito at gawin
ang gawain na nasa ibaba.

Karanasan Na Nagdulot ng Para sa mga iniwan at ipinagpalit sa


Tagumpay iba
Huwag kayong mag-alala
Ni: Mailz May paglalagyan din sila
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Anim, pito, walo, siyam, sampo
5
Ang sakit na hindi mo maitago Di ko makuha ang X dahil ayaw kitang
Ang kanyang paglisang patago maging ex
Sumpang huwad na pangako
Pero hindi ko maintindihan ngayon
Pangakong hindi niya iiwan Itong imahinasyong
Na sasamahan sa walang hanggan Walang valid reason
Na nasa paligid kapag kailangan Iyong bigla ka lang naglaho na parang
Pero lumisan nang walang dahilan bula

Ang kalimutan at mahirap tanggapin! Sinagot mo ako


Pero wa’g mo ng pilitin Pero ikaw rin pala ang magpapaluha
Masasaktan nang paulit-ulit Sa pusong mukha mo ang nakahulma
Kung binabalikan ang sakit Pero salamat ha! May natutunan
akong kakaiba
Kapag alam mo nang talo ka, tigalan
na Mag-sisipag ako hanggang sa masabi
Lalo’t kung may mahal na siyang iba mo
Iniwan ka na, babalikan mo pa? Sayang ako, dahil sinayang mo
Aba, huwag kang T- A- N- G- A sabi At kapag nakita mo ako
sa kanta Ngingiti ako at magpapasalamat sayo

Dahil sa kasawian ko sayo


Natuto akong mahalin ang sarili ko
Naalala mo pa ba? Tuparin ang pangarap ko
Ang relasyon niyo parang matematika Na dati’y pangarap mo
Ang hirap, kasi may problem solving
pa

Paksa ng tula Mga pinagdaanan ng may- Interpretasyon mo sa binasang


akda? tula?ipaliwanag

Binabati kita. Natapos mo ang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 6 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa

6
Panapos na Pagsubok

Panuto: Ipabasa sa kaibigan o kapamilya ang tula. Makinig ng mabuti at


unawain ang tula.

Paglisan Tungo Sa Tagumpay


Mailene B. Banel
I
Mahigit labing -isang buwan ang IIV
samahan Ginugol ang oras sa pagdaramdam
puno ng ibat ibang timpla ng buhay Nakahanap ng kakalinga na di na
Maasim,matamis,mapait,matabang asam
peo may tamang timpla nman mnsan Akala'y panghabangbuhay na,
Ang kasiyahan, lungkot ay dala
II Ngunit nag kamali't pang kasiyahan
Nang minsang naligaw lng pala
Nagpadala sa impluwensiya ng iba
Nilimot ang pangrap para lang sumaya
at lumaya V
Pag-aakalang Nag-iisa at walang Dumating ang panahon
kakalinga Muling niyakap pamilyang nilisan
Pagkakadapa mo'y pinatibay
Upang mas maunawaan
pamilya mo'y di ka iiwan.
III
Parang ibong nakalaya sa hawla
Tinangay ng ulap at ngpakasaya
Tumingala at tumingin sa kawalan VI
Naging dagat di alam ang hangganan Sa bagong kabanata ng inyong buhay
Kung kailan ititigil upang matuldukan Sanay ako ay huwag kalimutan
Tagumpay ninyo ay aking kaligayahan

At karangalang hindi makalilimutan

Matapos mong mapakinggan ang tula bigyan ito ng iyong sariling


interpretasyon.

Aking Interpretasyon sa Tula

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

7
KARAGDAGANG GAWAIN

Bago mo iwanan ang modyul na ito, halika gawin mo muna ang


karagdagang gawain.

Makinig ng isang tula sa youtube at


bigyan ng sariling interpretasyon ito.

8
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:
-Panitikang Asyano 9
http://arkongbatopanitikantula.blogspot.com/2017/02/uri-ng-tula.html
Lunes, Pebrero 6, 2017

https://www.google.com/search?q=isang+guro&sxsrf=ALeKk02p50udkmcl0XMvOsHUbqq2OOe7fg:1
594981597048&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiTo4-8idTqAhVXxYsBH

9
Aralin 2: Tula ng Buhay
Panimula:

Isang pagbati!

Nakakagalak ang muli nating pagsasama. isa nanamang makabuluhang


pagkakataong ito para sa atin na matuto at makapaglibang na rin sa panahon na ating
pinagdadaanan sa pamamagitan ng mga gawaing kapaki-pakinabang na inihanda para
sa iyo.
Hangad ko na tulad ng dati ay matapos mo ang modyul na ito at madala ang mga
kaalamang makukuha mula rito sa pagharap mo sa pang araw-araw na buhay lalo na sa
panahon ngayon.
Lubhang kasaya-saya ang pagbabasa at pag-aaral sa mga tula, sapagkat sinasabing
ang tula ay salamin ng ating kultura at pagkatao. Inaasahan kong mag-e-enjoy ka sa pagtuklas
sa mga damdamin sa mga tulang iyong matutunghayan sa pag-usad ng modyul na ito. Mas
lalo mo ring makikilala ang mga elemento ng tula na nagbibigay pa lalo ng kariktan sa mga
ito.
Tayo na at sabay-sabay nating tuklasinang mga butil ng karunungan sa mga tulang
inihanda para sa iyo at tahakin na rin ang tula ng iyong buhay sa paghahambing sa mga
elemento nito.

Layunin
Sa modyul na ito, inaasahan na
naihahambing mo ang anyo at mga elemento ng tulang
binasa sa iba pang anyo ng tula.

Simulan mo muna sa ating TALASALITAAN


Basahin mo.

Tula- isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,


pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-
iw.
Guryon- malaking saranggola
Pandemya- isang epedemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan
ng mga populasyon sa isang malawak na rehiyon; isang lupalop o kahit pandaigdigan.
Pag-uyam- paghahamak, pagtutuya at pangungutya sa kapwa.
lipi- lahi
nangabulid - bumagsak o nahandusay
mapapabuyong- mapapasabak

Balikan natin ang iyong dating kaalaman,


ano ba ang alam mo na sa aralin natin?

10
Panimulang Gawain
PANUTO: Basahin at suriin ang sumusunod na tula sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad
ng tama tungkol sa mga tula at salitang MALI kung ang pahayag ay mali.

1. PANALANGIN 2. SALOT
ni ABB ni Mam G.
Diyaryo at babasahin akin nang binuklat Pandemya’y nararanasan
Ngunit isip ko’y tuliro at naguguluhan Panganib sa kalusugan
Ano nga ba ang iaalay sa mahal kong nanay Laganap na kahirapan
Sa kanyang espesyal na araw ng kanyang buhay Kamatayan ang hantungan

1. Ang unang tula ay may damdaming kakikitaan ng pag-asa ng bagong buhay


samantalang ang ikalawang tula ay kawalan naman ng pag-asa sa buhay.
2. Ang unang tula ay may sukat at tugma samantalang ang ikalawa ay walang sukat at
tugma.
3. Ang ikalawang tula ay nagtataglay ng tugmang ganap.
4. Ang unang halimbawa ay isang malayang tula .
5. Ang ikalawang tula ay nasa wawalauhing (8) pantig.
Mahusay! Madali lang di ba? Unang gawain pa lang yan.
Alamin natin sa pahina 20 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN
Binabati kita!
Sige, ipagpatuloy mo pa.

Mga Gawain sa Pagkatuto:


Basahin mo.
Alam mo ba?

ELEMENTO NG TULA
1. SUKAT- ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Pinakagamitin ang
wawaluhin, lalabindalawahin at lalabing animing pantig sa mga tulang Filipino.
Pan/ dem/ ya’y na/ ra/ ra/ na/ san
1 2 3 4 5 6 7 8
2. TUGMA- ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga
panghuling salita ng taludtod.

Dalawang Uri ng Tugma


1. Tugmang ganap- ang mga taludtod ay nagtatapos sa patinig o impit na
tunog at sa gayon ay mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling
pantig ng mga taludtod ng tula.
Pandemya’y nararanasan
Panganib sa kalusugan
Laganap na kahirapan
Kamatayan ang hantungan

11
2. Tugmang di-ganap- ang mga taludtod ay nagtatapos sa katinig bagamat may
iisang uri ng pantig ang huli namang titik ay magkakaiba.

May isang lupain sa dakong Silangan


Na nag-aalaga ay sikat ng araw
Kaya napatanyag sa kagandahan
At napabalita sa magandang asal.

3. TALINGHAGA- (paggamit ng tayutay) magandang basahin ang tulang di


tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito’y isang sangkap ng tula na may
kinalaman sa kahulugan ng tula.
nag-agaw buhay
nagbabanat ng buto

4. LARAWANG-DIWA- ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at


tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
puno- buhay
ilaw- pag-asa
tinik- pagsubok o problema

ANYO ng TULA
1. MALAYANG TALUDTURAN- isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran
kungg hindi ang anumang naisin ng sumusulat
2. TRADISYONAL NA TULA- ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang
may malalim na kahulugan.
3. MAY SUKAT NA WALANG TUGMA
4. WALANG SUKAT NA MAY TUGMA

https://www.slideshare.net/mobile/KairaGo/elemento-ng-tula-8743182
https://www.tagaloglang.com/uri-ng-tugma/

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at gawin ang mga gawain.

.
Gawain 1
Basahin at suriin ang sumusunod na tula. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.
Letra na lamang ang isulat.

ABS-CBN
Jhansen Belga
Kinagiliwan at sinuportahan
Teleserye ninyo’y laging inaabangan
Kayo ang tinututukan pagdating sa
balitaan
Ngunit kami ay nalungkot nang biglaan
Nang ang Pambansang awit ang isinalang
Isa sa halimbawa ng ipinaglaban pero
biglang binitawan.

12
Mga Una sa Tahanan
Jhansen Belga
Sa tahanan nagsimula
Kung paano ka nagsalita
Dito unang natutunan
Dahil dito unang naging mag-aaral
Unang naramdaman
Ang tunay na pagmamahal
Pagmamahal ng pamilya
Pagmamahal na walang hanggan
Sa tahanan ika’y unang umiyak
Dahil sa masamang nagawa
Dito ka nanimula
Sa munting tahanan
Na kung saan nagsimula ang mga una.

1. Suriin ang mga tula. May sukat ba ang mga tula?


A. Mayroon B. Wala
2. Panisinin ang huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod ng taludturan. May tugma ba ang
mga ito?
A. Mayroon B. Wala
3. Anong elemento ng tula ang ginamit sa taludtod “Nang ang Pambansang awit ang isinalang”
mula sa tulang “ABS-CBN?
A. sukat B. tugma C. talinghaga
4. Mula sa tulang Mga Una sa Tahanan, ano sa palagay ninyo ang sinisimbolo ng salitang tahanan?
A. bahay B. pamilya C. mag-aaral

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Mahal ka mula pagkabata


sa pagkadalisay at pagkadakila Hanggang sa iyong pagtanda
gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Ika’y sinubaybayan pa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Ilaw ng tahanan, ikaw Ina.
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” “Ina”
Andres Bonifacio Jhansen Belga

5. Suriin ang dalawang tula. Anong anyo ito ng tula?


A. tradisyonal na tula
B. malayang taludturan
C. may sukat, walang tugma
6. Ilan ang sukat ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio?
A. wawaluhing pantig
B. pipituhing pantig
C. lalabindalawahing pantig
7. Anong uri ng tugma ang ginamit?
A. tugmang ganap
B. tugmang di-ganap
C. tugmang ganap at di-ganap
8. Ano ang sinisimbolo ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
A. pag-ibig sa Diyos
B. pag-ibig sa pamilya
C. pag-ibig sa bayan
9. Ano ang sinisimbolo ng ilaw ng tahanan sa tula ni Jhansen Belga?
A. ama
B. ina
C. anak
10. Anong elemento ng tula ang ginamit sa salitang Ilaw ng tahanan?
A. tugma
B. talinghaga
C. larawang-diwa

13
Mahusay! Isang pagbati sa matagumpay mong pag-abot
sa unang hakbang ng modyul na ito.

Ipagpatuloy mo.

Anong mahahalagang impormasyon ang iyong natutunan?


Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?
Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubosnanaunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Halina’t magsimula.

Pagsasanay1

PANUTO:Suriin ang mga tula at paghambingin ang mga elemento


nito. Sundin ang format. (10 puntos)

Pagpupugay Frontliners
Mam G. Mam G.
Salamat, pag-alala’t pag-aaruga Maputi at dalisay
Salamat, pagmamahal at sa alaga hangarin na matibay
Salamat, sa handog na taos sa puso nagbibigay ng buhay
Salamat, natatanging alay ko sa’yo. Doktor

Kayo, sa ami’y gumabay, umalalay Maalaga’t masayahin


Kayo, na sa ami’y nagdugtong ng buhay Lubos na mapagmahal rin
Kayo, na sa ami’y naghandog ng kamay Nagbigay ngiti sa atin
Kayo, bayani, salamat nang walang humpay Nars

Elemento ng TULA “PAGPUPUGAY” “FRONTLINERS”


A.
B. anyo
C. sukat
D. tugma
E. talinghaga
F. larawang -diwa

14
Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa pahina 20.
Nakuhamo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo na’ng lahat, binabati kita!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababasa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at
pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang


pagsasanay, narito pa ang isa pang gawaing
Pagsasanay
magpapatibay ng iyong kaalaman.

Panuto:Suriin ang tula at paghambingin ang mga elemento nito

Tinig Bayan
Mam G. Mam G.

Minsan pang pakinggan, pagsusumamong tunay Pandemya ay lumaganap


Boses ma’y di marinig, hinaing may saysay sa bayan na umuunlad
Pilit ilalaban, at ipagsisigawan, biglang nawalan ng saysay
Minsan pang dinggin, hangad na kalayaan. nanganib, tigil ang buhay. Pagsasanay 2

Kami’y pakinggan at sana’y muling pagbigyan Taggutom at kahirapan


Muling magsilbi at magbalita sa bayan sa minamahal kong bayan
May pagkakamali man pilit aayusin tunay na pagmamahalan
Minsan pang bigyan, pagkakataong baguhin. ang sagot sa kamalasan.
_____________ anyo __________________

_________________ tugma __________________

_________________ sukat __________________

_________________ talinghaga __________________

_________________ larawang diwa ______________

Bilib na talaga ako sa iyo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman, binabati kita.

15
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na pagsasanay

PANUTO: Paghambingin ang mga elemento ng tula sa ss. na Pagsasanay


tula. Sundin ang format na ibinigay. Pagsasanay 3

3 Tulang Pambayan
Iňigo Ed. Regalado

I- Sa Sariling Bayan
Ang simoy ng hangin sa sariling bayan,
halik ng pag-asa’t kundiman ng buhay
waring nagsasabing ang kaligayahan
sa nagisnang pugad tanging makakamtan.

Sangmundo mang tuwa kung sa iba galing,


sa sariling puso’y di tumitiim;
ngunit mabigat man ang dalang hilahil
nagiging magaan sa sariling atin.

II. Tugmang di-ganap- ang mga taludtod ay nagtatapos sa katinig bagamat


Samay
sariling lupa,uri
iisang lahat ay pag-ibig
ng pantig ang huli namang titik ay magkakaiba.
lahat ay pag-asa, at lahat ay tamis;
ang lahat ng dusa’y
Maypawang matitiis
isang lupain sa dakong Silangan
kung nalililiman ng sariling langit. ay sikat ng araw
Na nag-aalaga
Kaya napatanyag sa kagandahan
II- At napabalita sa magandang asal.
III-
III. TALINGHAGA-
IV- (paggamit ng tayutay) magandang basahin ang tulang di tiyakang
Sa Dalampasigan
tumutukoy sa bagay na ng
Sa dalampasigan binabanggit.
bayan kongIto’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa
irog
kahulugan ng tula.
ay may nakatanin na tuwa’t himutok,
nag-agaw buhay
sa talsik
nagbabanat ng alon buhat sa may laot
ng buto
kung minsa’y lumago’t kung minsa’y mabansot
IV. Tayo baga kaya’y di na sasawaan
sa pagkakahilig
Ang sa ligayang
tubo hiram
ng tanim ay nakikiayon
kung saka-sakali’y laking kapalaran!
sa takbo at lakad ng ating panahon
Subalit kungkung
hindi’y
sa hidwang
pagkaligaw tayo ay magtutuloy,
kamatayan! ang kabubuliran ay pagkaparool.

V- Alalahanin…
Sa ngalan ng ating minumutyang lahi
at sa karangalan nitong ating lipi, kasayaha’y nating limiting sandal
at alalahanin ang mga nasawi.

Yaong nangabulid sa dilim ng gabi


kahit ilang saglit ay alalahanin
mga araw itong dapat gunitai’t
pag-ukulan sila ng mga dalangin.

Ang di raw lumingon sa pinaggalingan


ay hindi darating sa patutunguhan;
ang nangakidigma kung kalilimutan
ay parang hinamak ang dangal ng bayan.

16
I- Sa Sariling Bayan II- Sa Dalampasigan
1. Sukat:_____________________ 1. Sukat:_____________________
2. Tugma:____________________ 2. Tugma:____________________
3. larawang- diwa:______________ 3. larawang- diwa:______________

III- Alalahanin…
1. Sukat:_____________________
2. Tugma:____________________
3. larawang- diwa:______________

Pangarap Kaya natin Ito


Jhansen Belga Jhansen Belga
“Gusto kong maging isang magaling na guro” Pagkakaisa at pagtutulungan
“Gusto kong maging mahusay na arkitekto” Ang kailangan sa kasalukuyan
Mga pangarap nanagsimula sa gusto Covid-19 ay kayang labanan
At nagtapos sa pag-abot sa mga ito. Malalagpasan sa pagmamahalan.
Mga pangarap na nagsimula sa pagkabata
Na hanggang pagtanda ay dala-dala Kagawaran ng Kalusugan ay sundin
Pangarap na nagbigay inspirasyon Mga plano ng pamahalaan ay alalahanin
Pangarap na naging motibasyon “Panatilihing malinis ang katawan”
Walang masama ang mangarap ng mataas “Huwag lumabas kung hindi kinakailangan.”
Pagkat ito ang magdadala sa iyo sa taas
Kaya huwag sanang kalimutan Kaya tayo na’t magkaisa
Minsa’y ika’y naging bata Covid-19 ay puksain
Batang nangarap tapusin na ang pandemya
na matupad ang pangarap. Tayo na’t, kaya natin.

IV- Pangarap V- Kaya natin Ito


1. Sukat:_____________________ 1. Sukat:_____________________
2. Tugma:____________________ 2. Tugma:____________________
3. larawang diwa:______________ 3. larawang diwa:_____________

Bilib na talaga ako saiyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Iwasto


mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 20.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

☺
17
Panapos na Pagsubok

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob


ng aralin.. Kayang-kaya mo ito, kaunting tiyaga pa at huling pagsubok na ito.
Panuto: Paghambingin ang mga elemento ng tula na nasa ibaba. Sundin ang format na ibinigay.

Ang Guryon Tinig ng “Teen-Ager”


Ildefonso Santos Teo S. Baylen
Tanggapin mo anak, itong munting guryon Naglalagos sa silid ko ang pag-uyam
Na yari sa patpat at papel de Hapon Ng tahanan, ng simbaha’t paaralan
Magandang laruang pula, puti, asul Buti nga raw, pagka’t ako’y kahihiyan
Na may pangalan mong sa gitna naroon. At pasanin ng lipuna’t sambayanan.

Ang hiling ko lamang bago paliparin At sa aking kamusmusa’y ibinunton


Ang guryon mong ito ay pakatimbangin Ang knailang kamaliang dugtong-dugtong:
Ang solo’t paulo’y sukating magaling Kahihiyang ibig nilang maikanlong
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling Sa dilim ng parusahang akin ngayon.

Ang Guryon… Tinig ng “Teen-Ager”…

Saka, pag umuhip ang hangin, ilabas Datapuwa, O tahanang nanunumpa,


At sa papawiri’y bayaang lumipad Saan galing nag hiling kong masasama?
Datapuwa’t ang pisi’y tibayan mo anak, Nagisnan ko’y anong uri ng aruga
At baka lagutin ng hanging malakas. sa bubong mong maligaliog at pabaya?

Ibigin ma’t hindi, balang-araw, ikaw Di ka salat, ngunit ako’y nagpalimos,


Ay mapapabuyong makipagdagitan, Ito’y bunga ng buhya mong walnag-tuos:
Makipaglaban ka, subalit tandaan Nadayukdok pati niring pagkamusmos
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal. at maanong naturuna ni magkurus.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig, Ikaw naman tambakan ng mga aklat
Matangay ng iba o kaya’y mapatid; Na ang bunga’y pawang hilaw kung mapitas,
Kung saka-sakaling di na mapabalik Sa pinto mo’y nanaw akong diwa’y hubad
Maawaing kamay nawa ang mgakamit! Datapuwat may putong din kahit tunggak!

Ang buhay ng guryon: marupok, malikot, Sana ikaw, O’ pulpit na abala


Dagiti’t dumagit saan man sumuot… Sa awitin at sa sermon magaganda,
O paliparin mo’t ihalik sa Diyos, Sa bungad lang ng pinto mo’y nakatinda
Bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob! Ang kabaong ng buhay ko’t kaluluwa

O lipunan na kaybuting magpamuri


At sa aking lagay ngayo’y umaapi,
Anong damit ang suot mo pagkagabi?
Saan kita natatagpong tabi-tabi?

Anong uri ng panoorin ang handog mo?


Anong babasahing libangan ko?
Bakit ako sisisihin kung mabuyo
Sa dulot mong kamunduhang pampalango?

A, tahana’t paaralang pumapansin,


A, simbahan at lipunang umiiring,
Kayo, kayo ang marapat panagutin
Sa sanlaksang kamusmusang nasa bangin.

18
Ang Guryon Pamagat ng Tula Tinig ng “Teen-Ager”
Sukat
Tugma
Talinghaga
Larawang- diwa
Anyo ng tula

Binabati kita!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 21.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

Ang saya ng aralin. Kay laking tulong sa


akin lalo na at mahilig ako sa tula.

Naaliw rin ako sa mga gawain.


Tara at subukan pa natin ang
karagdagang gawain.

Karagdagang Gawain Tara magtulungan tayo!

Panuto: Magsaliksik ng dalawang maikling tula sa internet, aklat at iba pang mapagkukunang materyal
at pagkatapos ay paghambingin ang mga elemento ng tula na tinalakay: sukat, tugma, talinghaga,
larawang- diwa. Sundin ang format.
Pamagat ng Tula
Sukat
Tugma
Talinghaga
Larawang diwa

Talagang hindi maitatanggi ang galing mo. Kahanga-hanga ang ipinamalas


mong tiyaga at pagsisikap na marating ang bahaging ito.

Ang husay mo! Binabati kita.

Sa wakas nagawa
ko!

Yaho!!! Ibabalita
ko ito ki Nanay.

19
Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1
Elemento ng TULA “PAGPUPUGAY” “FRONTLINERS”
A. anyo tradisyonal Malayang tula
B. sukat Lalabindalawahing pantig(12) Walang sukat

C. tugma Tugmang ganap Tugmang ganap


D. talinghaga nagdugtong ng buhay- Maputi at dalisay na
nagbigay ng pangalawang hangarin- paggamit ng
buhay metapora

E. larawang- diwa Mga makabagong bayani Mga makabagong bayani

Gawain 1

1. B 6. C
2. B 7. A
3. C 8. C
4. B 9. B
5. A 10.B

20
21
Sanggunian
Nakpil, Lolita R. Gintong Pamana Wika at Panitikan, SD Publications, Inc, 2000

https://www.slideshare.net/mobile/KairaGo/elemento-ng-tula-8743182

https://www.google.com/search?q=reading%20cartoons&tbm=isch&hl=fil&hl=fil&tbs=rimg%3ACaR
3zZNM5GM4YWj1L8fG91Kk&client=ms-android-oppo-
rev1&prmd=imvn&ved=0CBIQuIIBahcKEwi4tJPY7tHqAhUAAAAAHQAAAAAQFQ&biw=360&bih=672

https://www.google.com/search?q=writing%20cartoon%20images&tbm=isch&hl=fil&hl=fil&tbs=rim
g%3ACQYQ9ai6cBRwYYA9jxpGpJL9&client=ms-android-oppo-
rev1&prmd=ivbn&ved=0CBgQuIIBahcKEwiYm5HS8NHqAhUAAAAAHQAAAAAQOA&biw=360&bih=67
2#imgrc=TjoOZ8tv4yZpFM&imgdii=9BmNgfKiwklIcM

https://www.google.com/search?q=writing%20poems%20cartoon&tbm=isch&tbs=rimg%3ACfzoEC8
-ug1XYVa3USVjdSU2&client=ms-android-oppo-
rev1&prmd=ivn&hl=fil&ved=0CBMQuIIBahcKEwio4uqtm9TqAhUAAAAAHQAAAAAQEQ&biw=360&bi
h=672

https://www.tagaloglang.com/uri-ng-tugma/

https://www.google.com/search?q=pag-uyam+kahulugan+at+halimbawa&oq=pag-
uyam&aqs=chrome.2.69i57j0l3.7990j1j9&client=ms-android-oppo-rev1&sourceid=chrome-
mobile&ie=UTF-8

canva app.com

22
Aralin 3: Tula Ko Para Sa’yo
Panimula:

Hello, magandang araw!


Nakuntento ka ba sa resulta ng mga ginawa mo sa mga
naunang aralin?
Mabuti naman at nakuha mo ang tamang kasagutan sa mga
iyon.
Handa ka na ba sa susunodna aralin?
Sige, magsimula na tayo.
Sa araling ito, inaasahang makasusulat ka ng isang orihinal na tulang may masining
na antas ng wika at may apat o higit pang saknong sa alinman sa anyong tinalakay, gamit ang
paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan.
O, ano kayang-kaya ba?

Sa modyul na ito, inaasahan na nakasusulat


ka ng isang orihinal na tulang may masining na
antas ng wika at may apat o higit pang saknong
sa alinman sa anyong tinalakay, gamit ang
paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan.

Ito ang mga bagong salita na dapat mong pag-aralan para maunawaan
mo ang ating paksa.
Basahin Mo.
Talasalitaan

Ang sumusunod ay mga bagong salita na magbibigay saiyo ng kalinawan sa paksang pag-

aaralan mo:

❖ Tula - isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay

at malayang paggamit ng mga salita sa iaba’t ibang istilo.Kung minsan, ito ay maikli o

mahaba. Ito ay binubuo ng saknong at taludtod na karaniwang wawaluhin,

lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabingwaluhing pantig.

23
❖ Orihinal- nangangahulugan na nilikha nang direkta at personal na sinulat ng may-akda;

hindi isang kopya o imitasyon.

❖ Masining- tumutukoy sa maayos na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at kaaya-ayang

pananalita sa tula.

❖ Antas ng wika- ang lebel ng wikang ginagamit ng tao sa kanyang pakikipag-ugnayan

sa iba.

❖ Anyo ng tula-tumutukoy sa uri ng tula ayon sa paksa at pagkakabuo nito.

❖ Paksa- ang tema ng tula.

❖ Sukat- bilang ng pantig sa bawat taludtod.

❖ Saknong- bilang ng mga linya ng salita o taludtod.

❖ Tugma- ang pagkakapareho o pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng salita sa

bawat taludtod ng tula.

❖ Kariktan- ang kagandahan ng tula.

Ano ba ang alam mo na sa


ating aralin?
Subukin mo nga.

Basahin mo ang tula sa ibaba.Pagkatapos sagutin mo ang


Panimulang
mga tanong kaugnay nito sa susunod na gawain.
Gawain

Ikaw kasi eh?


( dhacbruto)
Umuulan noon, uwian….
Payong ko pala’y naiwan,
Wala akong masilungan,
Ika’y biglang napadaan,
Kamay ko iyong hinawakan,
Sabi mo’y “Miss, sukob na, kawawa ka naman”.

Dibdib ko’y pumintig nang napakabilis,


Di ko alam kung ito ba’y pagkainis,
Sumulpot kasi itong lagi sa aki’y nang-iinis,
Nakangiti at tila’y di naman ako matitiis,
Kahit sa loob ko’y ramdam ko ang inis,
Ako’y napatango lalo nang sabihin niyang, “ Please…”

24
Kinabukasan langit ay maaliwalas,
Salamat sa Diyos at araw ay di malas,
Baka makita ko na naman itong si Kulas,
Sa katatakbo at iwas, baka ako’y madulas,
At bigla na naman siyang lumabas,
Ayoko nga….ako’y talagang tatakas.

Nguni’t anino niya’y di ko maaninag,


Sa buong kampus nama’y napakaliwanag,
Kaluluwa niya’y, ano ba at aking hinahanap-hanap?
Saan mang dako ako tumingin, di ko siya mahagilap,
Nagtanong ako nang pahapyaw,
Tila ang iba’y wala namang pakialam.

Dumaan ang isang linggo,


Pag-asam na makita siya’y bigo,
Sa loob ko’y baka siya’y nagtatago?
O dili kaya’y may iba na namang dinidiskarterhan,
Palibhasa’y mukhang salawahan,
Kaya mahirap ding mapagkatiwalaan.

Sunod na araw ng pasukan,


Kami ng mga kaibigan ko’y maraming pinagkakaabalahan,
Nagdedekorasyon para sa Kapaskuhan,
Nang bigla kaming makarinig ng halakhakan,
Grupo ata ‘yon ng mga kalalakihan,
Aba’y tila ang tungo sa aming kinaroroonan.

Di lang namin pinansin,


Ano ba naman pakialam namin,
Pero biglang mula sa likuran ko’y may kumalabit sa akin,
Nang lingunin ko’y may hawak na rosas, mata’y titig sa akin.
Kumabog dibdib ko,Totoo ba itong nasa harapan ko?
Namalayan ko na lang,hawak na n’ya kamay ko,
Sabay sabing ” Mahal mo ba ako?”

Ayan, natapos mo nang


basahin ang tula. Ngayon
tingnan natin kung
masasagot mo ang
susunod na gawain.
Handa ka na ba?

25
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Panuto: Batay sa iyong binasang tula,sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1.Tungkol saan ang paksa ng tula?________________________.
2. Ilang saknong ang bumubuo nito?_____________.
3. Sa bawat saknong ng tula ay may _______ na taludtod.
4. Ano ang ibig sabihin ng anino niya’y di ko maaninag?____________________.
5. Anong anyo ng tula ito?_________________.

Wow, nakuha mo ang mga tamang sagot! Magaling!


Ngayon natapos mo na ang unang pagsubok.

Alamin natin sa pahina 33 ang wastong sagot sa mga tanong.


Saang antas ka kaya nabibilang?

5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY


3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

O, di ba alam na alam mo ang mga


sagot sa mga tanong na ibinigay. Galing mo,
anak!

Halika, may inihanda pa akong babasahin para


sa iyo.

BASAHIN MO.
Sa naunang gawain ay nabasa mo ang isang tula. Alam mo ba ang mga anyo ng
tula? Narito ang mga kaalamang tiyak mapupulutan mo ng maraming
impormasyon ukol sa tula.

MGA ANYO NG TULA

1. Malayang Taludturan- isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung
hindi ang anumang naisin ng sumusulat. Ayon kay Ginoong Alejandro G. Abadilla,maaaring
makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma ngunit dapat manatili ang kariktan nito.

2. Tradisyonal na Tula- ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang
may malalim na kahulugan.

3. May Sukat na Walang Tugma- anyo ng tula na may sukat ang bawat taludtod ngunit wala
itong tugma sa hulihan.

4. May Tugma na Walang Sukat - anyo ng tula na may tugma ang bawat taludtod subalit
walang sinusunod na sukat o bilang ang bawat linya nito.

26
Nakuha mo bang mabuti ang ating pinag-
uusapan? Malinaw na ba saiyo ang iba’t ibang
anyo ng tula?

Kung gayon, handa ka na sa susunod


nating gawain. Keri mo pa kaya?

GAWAIN I
Basahin at suriin ang susunod na tula. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Nasaan na?……
( dhacbruto)
Nang mamulat mata ko,
Paligid ko’y kay bango-bango,
Paruparo’y may iba’t ibang kulay,
Inspirasyon ng bawat buhay.

Karagatan at ilog ay tila salamin,


Maaaninag mo mga bato’t isda sa ilalim,
Lulunurin ka sa ganda ng paligid,
Na tunay na kaakit-akit at kaibig-ibig.

Tao’y naging matalino paglipas ng panahon,


Kapaligiranay nabihisan, mga gusali ay umahon,
Taniman ng palay at kakahuyan,
Tinayuan ng pabrika’t kabahayan.

Ngayon, may nakikita ka pa bang luntian?


Naaamoy mo pa ba ang mababangong bulaklak sa taniman?
Malinis pa ba ang mga ilog at karagatan?
May kaaya-aya pa bang palayan?

Nasaan na?
Nasaan na?
Unti-unting naglalaho na di ba?
Sino ang may gawa, tao ba kaya?

Mga Tanong:

1. Ang paksa ng tula ay ______________.


A. tao C. kalikasan
B.lugar D. disiplina ng tao
2. Ilang saknong mayroon ang tulang binasa mo?
A.5 C. 6
B.7 D. 8
3. Ilan ang taludtod ng bawat saknong?
A. 3 C. 4
B. 5 D.6

27
4. Ano ang sinasabi sa tulang ito?
A. Ang tao ay naging pabaya sa kanyang kapaligiran.
B.Nasira ang mga likas na yaman dahil sa mga tao.
C.Wala nang daratnang maayos na kalikasan ang susunod na henerasyon.
D. Ang tao’y magsisisi ngunit ito’y huli na.

5. Sa aling anyo nabibilang ang tula?


A. Malayang Taludturan
B. Tradisyonal na Tula
C. May Tugma na Walang Sukat
D. May Sukat na Walang Tugma

Wow, ang galing mong sumuri ng


tula ayon sa anyo nito!
Sapagkat nakuha mo ang tamang
sagot sa Gawain 1, maaari mo nang gawin
ang sumusunod na mga pagsasanay.

Narito na ang iba’t ibang gawaing


susukat sa iyong kaalaman ukol sa
paksang pinag-uusapan natin.
Handa ka na ba?

PAGSASANAY 1

Panuto: Batay sa iba’t ibang anyo ng tula, sumulat ng isang orihinal na tulang may malayang taludturan
na binubuo ng lima o higit pang saknong. Gamitan ito ng mga salitang may masining na antas o tayutay.
Ang mga paksa sa ibaba ay maaaring gabay sa paksang nais piliin o maaaring mag-isip ng sariling
pamagat :

Paksang Gabay:

◆ Tiktok, pantanggal sa sariling kalungkutan at pagkainip sa panahon ng pandemya

◆ Paghahalaman ng mga Green Thumb Mahirap din palang gumawa ng orihinal


na tula, ano? Pero, pag pinagsikapan
◆ Tula para sa Frontliners mo, makagagawa ka rin pala. Marami
akong natutuhan ngayon. Iba naman ito
Pamantayan sa Pagsulat ng Tulang Orihinal: sa mga naunang aralin natin.

Daloy ng Kaisipan - 30%


Balarila/ Gamit ng mga Salita-30%
Orihinalidad-30%
Kabuuang Dating-10%
Oo nga. Ako rin
Kabuoan- 100% nagandahan sa
mga gawain!

28
Galing! Simula palang iyan ng iyong pagiging makata o manunulat ng tula.
May mga susunod ka pang gawain na susukat sa iyong kagalingan sa pagsulat
ng orihinal na tula.
Gusto mo pa bang ipagpatuloy?
Sige maghanda ka na.

PAGSASANAY 2

Panuto: Sa Gawain 1 ay sumulat ka ng isang tulang may malayang taludturan. Sa pagsasanay na ito
ay tingnan naman natin ang iyong kakayahan sa pagbuo ng tradisyonal na tula- tulang may sukat, may
tugma at may mga salitang may malalim na kahulugan. May mga paksa sa ibaba na maaaring maging
gabay mo sa pagbuo ng iyong pamagat. Tandaan, ang tula ay dapat orihinal at ang paksa ay ukol sa
pag-ibig, kalikasan at sa bayan. Dapat ito ay may apat o higit pang saknong at gamitan ng mga masining
na salita.

Mga Paksang Gabay:

⚫ Ama’t Ina, Aming Karamay


⚫ Pilipinas, Bayan ni Juan
⚫ Isla ng Pag-asa

Oo naman! Pag gusto mo


Ang sarap pala sa ang ginagawa mo, kayang-kayang
pakiramdam na makapagsulat o tapusin.
makabuo ka ng isang orihinal na tula, Magandahan kaya si Ma’am
ano? Ikaw, natapos mo bang sa mga ginawa natin?
maisulatang tula mo?

Rubrics Sa Pagsulat ng Orihinal na Tula:

15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang salitang Malayo ang
ang mga salitang ginamit na hindi kaugnayan sa paksa
ginamit sa pagbubuo angkop at wasto, may at hindi wasto ang
ng tula. May kakulangan sa sukat mga salitang ginamit.
sukat,may tugma at at tugma at kulang Hindi magkakatugma
nauukol sa pag- ang pokus sa paksa. ang salita at sukat na
ibig,kalikasan at sa ginamit sa bawat
bayan ang paksa. saknong.
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag nang nang mabisa ang
mensahe ng tula, ito’y mabisa ang mensahe nilalaman ng tula.
nakasentro sa paksa ng tula. Kulang sa
ukol sa pag-ibig, sa nilalaman.
bayan at kalikasan.

29
Ayan, talagang pinapangatawanan mo na ang pagiging makata.
Batay sa binuo o isinulat mong tula, ilan kayang puntos ang
nakuha mo?

Tingnan mo ang iyong puntos sa ibinigay na rubriks sa itaas.

May gawain ka pang susunod. Kaya mo pa ba?

Sa gawaing ito masusubok natin ang kagalingan mo


sa pagsulat ng dalawang tula. Subalit papipiliin kita sa dalawa.
Alin ba gusto mong isulat? Tulang may sukat, walang tugma o
tulang may tugma, walang sukat?

PAGSASANAY 3

Panuto: Nasubukan mo nang sumulat ng tulang may sukat at may tugma. Ngayon subukin mong
sumulat o bumuo ng tulang may sukat ngunit walang tugmao kaya’y may tugma, walang sukat. Alinman
sa dalawa ay maaari mong pagpilian. Tandaan pa rin ang saknong ay dapat binubuo ng apat o higit pa,
masining ang gamit ng mga salita at ito’y ayon sa paksang pag-ibig, kalikasan o sa bayan at ito’y orihinal
na gawa. Nasa ibaba ang mga paksang maaari mong maging gabay.Subalit, malaya ka pa ring mamili
ng gusto mong pamagat.

Mga Paksang Gabay:

❖ Ang Chatmate Ko
❖ Kaligtasan Ko’y Mahalaga
❖ ABS- CBN, Station Ko ‘Yan

Pamantayan Sa Pagsulat ng Tulang Orihinal:


Daloy ng Kaisipan - 30%
Balarila/ Gamit ng mga Salita-30%
Orihinalidad-30%
Kariktan-10%
Kabuoan- 100%

Bilib na talaga ako saiyo! Makata ka nang totoo!


Dahil nakapagsulat ka ng mga tula ayon sa iba’t
ibang anyo, binabati kita.
Napakahusay mo! Pinahanga mo, ako. Ngunit
bago tayo magtungo sa huling gawain, ano ba ang
naramdaman mo habang nagsusulat ka ng tula?
Masaya ka ba?

Wow, ang galing


ko na pala!

Yaho!!! Ibabalita
ko ito ki Nanay.

30
Tama ka, ipaabot mo ang iyong tagumpay sa iyong mga
magulang! Para sila’y masiyahan dahil marami kang natutuhan
kahit nasa panahon tayo ng pandemya.

Upang mapatunayan natin ang tunay mong kagalingan, tingnan


natin sa huling pagsubok na susunod.

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa


loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo
ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Batay sa apat na anyo ng tula na natutuhan mo, sumulat ng isang tulang orihinal para sa
Mahal Mong Magulang. Gamitan ito ng masining na antas ng wika, may sukat,may tugma at binubuo
ng apat o higit pang saknong. Ang tema ng iyong tula ay tungkol sa pag-ibig.Pagkatapos, bigkasin ito
sa harap nila.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Tulang Orihinal


Daloy ng Kaisipan - 30%
Balarila/ Gamit ng mga Salita-30%
Orihinalidad-30%
Kariktan-10%
Kabuoan- 100%
Wala pala talagang
imposible sa isang tao
kapag siya’y
nagpursige. Tingnan
mo, natuto tayong
gumawa ng orihinal na
Totoo iyan. Sabi nga, kapag may tiyaga, may tula.
magandang resulta, di ba?

31
Binabati kita dahil naisakatuparan mo ang
lahat ng gawain nang walang halong
pangamba.

Ngayon bilang pagtatapos, nasa ibaba ang


iyong karagdagang gawain.

Karagdagang Gawain

Panuto: Kaugnay ng malawakang pandemya, sumulat ng tula ng pasasalamat sa ating mga


kababayang nagbuwis ng kanilang pawis at dugo para lamang malabanan natin ang krisis na
kasalukuyan nating kinakaharap. Ang anyo ng tula na gagamitin mo ay nasa pagdedesisyon mo na
batay sa natutuhan mo sa ating aralin.Pakatandaan pa rin na dapat ito’y binubuo ng apat o higit pang
saknong at gumagamit ng mga masining na antas ng salita. Sundin ang pamantayan sa ibaba:

Pamantayan Sa Pagsulat ng Tulang Orihinal:

Daloy ng Kaisipan - 30%


Balarila/ Gamit ng mga Salita-30%
Orihinalidad-30%
Kariktan -10
Kabuoan- 100%

Sa wakas ay natapos mo na rin ang lahat ng


gawain. Binabati kita sa iyong tagumpay.

Tunay kang makata ka ng iyong


henerasyon!!!

32
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsusulit Gawain 1

1. Tungkol sa Pag-ibig 1. C
2. Pito 2. B
3. Anim 3. C
4. Di makita 4. A
5. May tugma walang sukat 5. B

Pagsasanay 1,2,3 at Panapos na Pagsusulit at Karagdagang Gawain

( Bahala na po ang Guro sa Pagwawasto batay sa mga pamantayang ibinigay)

33
Sanggunian

https://pinoycollection.com
i-com.cdn.ampproject.org
https://brainly.ph
https://www.gograph.com

34
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: [email protected]

You might also like