Filipino 9 Test and Answer Key

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


Taong Panuruan 2022-2023

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ________________


Baitang at Pangkat _________________________________________ Petsa: ________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Tukuyin at bilugan
ang katumbas na letra ng pinakatamang sagot.

Para sa bilang 1-9. Tanka at Haiku.

1. 2.
Anyaya Katapusan ng Aking Paglalakbay
ni Gonzalo K. Flores ni Oshikochi Mitsune
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

Ulilang damo Napakalayo pa nga


sa tahimik na ilog Wakas ng paglalakbay
halika, sinta. Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.

1. Lahat ay may pagkakatulad ng estilo sa pagkakabuo ng tanka at haiku maliban sa _________.


a. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang tanka at haiku.
b. Parehong anyong patula ang tanka at haiku.
c. Pareho ang sukat at tugma ng tanka at haiku
d. Karaniwan na ang paksa ng tanka at haiku ay tungkol sa pag-ibig.

2. Ang tamang pahayag tungkol sa kaibahan ng tanka at haiku ay ___?


a. Ang tanka ay binubuo ng 31 pantig na 5 taludtud samantalang ang haiku ay 17 na pantig
na 3 taludtud.
b. Ang haiku ay binubuo ng 31 pantig na 5 taludtud samantalang ang tanka ay 17 na pantig
na 3 taludtud.
c. Ang tanka ay binubuo ng 5 pantig na 31 taludtud samantalang ang haiku ay 3 na pantig
na 17 taludtud.
d. Ang haiku ay binubuo ng 5 pantig na 31 taludtud samantalang ang tanka ay 3 na pantig
na 17 taludtud.

3. Ang karaniwang hati ng pantig sa mga taludtud ng tanka ay ___?


a. 5,7,5 at 5,5,7
b. 7,7,7,5,5 at 5,7,5,7,7
c. 7,5,7,5,5 at 5,5,7,7,7
d. 7,5,5 at 5,7,5

4. Batay sa karaniwang estilo ng pagkakasulat ng tanka at haiku, alin sa mga nakakahon sa itaas ang
maituturing na haiku?
a. Anyaya b. Katapusan ng Aking Paglalakbay c. a at b d. b at c

5. Maituturing na haiku ang tamang sagot sa bilang 4 sapagkat ito ay ______________.


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA
a. binubuo ng 5,7,5 na pantig na 3 taludtud c. 7,7,7,5,5 na 5 taludtud
b. binubuo ng 5,7,5 na pantig na 3 saknong d. 7,7,7,5,5 na 5 saknong

6. Sa tulang “Anyaya”, ano ang kahulugan ng mga salitang nasalungguhitan?


a. Marami ang natirang damo. c. Iisa ang natirang damo.
b. Kakaunti ang damo. d. Walang natirang damo.

7. Batay sa pagkakabuo ng pangalawang tula sa itaas, ano ang kahulugan ng “wakas ng paglalakbay”?
a. hangganan ng paglalakbay c. dulo ng paglalakbay
b. katapusan ng paglalakbay d. patapos na paglalakbay

8. Ang tamang pagbigkas ng salitang “puno” sa ikalawang tula ay may kahulugang _________.
a. lider b. punongkahoy c. inabot ang hangganan d. wala sa nabanggit
9. Nais mong ipakita sa iyong minamahal ang ulilang damo sa ilog. Ano ang tamang antala nito?
a. Ulilang, damo sa tahimik na ilog halika sinta.
b. Ulilang damo, sa tahimik na ilog halika sinta.
c. Ulilang damo sa tahimik na ilog halika sinta.
d. Ulilang damo sa tahimik na ilog, halika, sinta.

10. Napakalayo pa nga, wakas ng paglalakbay. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito batay sa antala
nito?
a. Pinatotohanan ng nagsasalita sa kausap na malayo pa ang wakas ng paglalakbay.
b. Sinasabi ng nagsasalita sa kausap na malayo pa ang wakas ng paglalakbay.
c. Itinatanggi ng nagsasalita sa kausap na malayo pa ang wakas ng paglalakbay.
d. Nagdadalawang isip ang nagsasalita na napakalayo pa ang wakas ng paghihintay.

Para sa bilang 11-12


Hindi ko Masasabi
Isinalin sa Filipino ni Filipino ni M.O. Jocson

Hindi ko masasabi
Iniisip mo
O aking kaibigan
Sa dating lugar
Bakas pa ang ligaya

11. Ang wastong intonasyon ng “dating” sa ikaapat na taludtud ay _________________.


a. 2 – 2 b. 1 – 2 c. 3 – 2 d. 3 – 1

12. Nangangahulugan ang salitang “dating” na ________________.


a. angas b. nangyari na noon c. pinangyarihan d. noong araw
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA

Para sa bilang 13-16

“Ano kaya ang gagawin ko sa batang iyon?” bulong niya sa kanyang sarili.

“Bakit hindi siya maging tulad ng ibang mga batang laging sumusunod sa mga ipinag-uutos
sa kanila. Sila ay mabubuti at magagalang. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanya,
kapag magpapatuloy siyang ganito. Kailangan kong maituwid ang mga baluktot niyang pag-
uugali.” Buntong hininga ng nanay na palaka.

“Ha! ha! ha!” halakhak ng batang palaka. “Ssssshh! Sermon...sermon. hindi ninyo
kailangang mag-alala para sa akin. Ayos lang ako nang ganito.

“Ganoon ba?” wika ni inang palaka. “Bakit hindi ka makakokak nang wasto? Ni hindi mo
alam lumikha ng tunog na tulad ng isang palaka.
 
Hayaan mong turuan kita. “huminga ng malalim si inang palaka nang may ngiti sa kanyang
mga labi at buong lakas na bumigkas ng kokak! Kokak! “Sige, subukin mo.”

Ngumisi nang todo ang batang palaka at huminga rin nang malalim. Buong lakas niyang
isinigaw ang kakok! Kakok!

“Pasaway! Sutil kang bata ka! Papatayin mo talaga ako!” sigaw ni inang palaka. Makinig
ka sa akin kung upang alam mo kung ano ang makabubuti sa iyo. Ngayon...”

Hango sa: Ang Pasaway na Palaka

13. Mahihinuha sa diyalogo na ang damdamin ni inang palaka sa ikinikilos ng kanyang anak ay________.
a. nagagalit b. nalulungkot c. natutuwa d. nangangamba

14. Sa iyong palagay, nararapat ba ang ikinilos ng anak tungo sa kanyang ina?
a. Oo, dahil dapat lang na malaman ng ina ang damdamin ng kanyang anak.
b. Hindi, dahil hindi tamang magpakita ng anumang pananakit sa damdamin ng isang ina.
c. Oo, dahil mas mainam ang anak na nagpapakita ng ganoong pagkilos kaysa hindi
nagsasalita.
d. Hindi, dahil walang karapatan ang anak na sumagot sa magulang.

15. “Huminga ng malalim si inang palaka nang may ngiti sa kanyang mga labi at buong lakas na
bumigkas ng kokak! Kokak! “Sige, subukin mo.” Ang pakiramdam ng nagsasalita sa kabuuan ng
pahayag ay nagpapakita na siya ay __________________.
a. may sama ng loob sa kanyang anak
b. natutuwa sa pagsagot ng kanyang anak
c. hangad na maitatama ang kanyang anak
d. puno ng pagsubok ngunit umaasang mapagbabago ang anak

16. Sa talata 6, ano ang mahihinuha na nasa kalooban ng tauhan?


a. pagkainis b. pagkadismaya c. pagkagalit d. panunutil

Para sa aytem bilang 17 - 24


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA

Lumipas ang ilang araw namatay na si inang palaka. Umiyak nang


umiyak ang batang palaka. “O, kawawang ina ko. Labis siyang nag-alala sa
pagiging pasaway ko. Bakit hindi ko siya pinakinggan” sumbat niya sa kanyang
sarili. “Ngayon, wala na siya. Pinatay ko siya. Pinatay ko.”

17. Ang namayaning emosyon na dapat iwasan sa mga salitang may salungguhit ay ____?
a. pag-iyak nang pag-iyak b. pag-aalala c. paninisi sa sarili d. pagkaawa sa ina

18. Bakit ganoon na lamang ang pagkalungkot ni anak na palaka sa pagkawala ng kanyang ina?
a. dahil naaawa siya sa pagkamatay nito
b. dahil hindi na mabubuhay pa ang kanyang ina
c. dahil namatay ang kanyang ina
d. dahil hindi niya napahalagahan ang kanyang ina nang nabubuhay pa ito

19. Ang katangian sa pagsasalita at pagkilos ni anak na palaka na dapat tularan ng isang kabataang tulad
mo ay ____?
a. Maglahad ng katuwiran sa lahat ng pagkakataon.
b. Magsisi sa bandang huli.
c. Maawa sa ina.
d. Tanggapin ang pagkakamali at itama ito.

20. Mabisang gamitin ang hayop bilang tauhan sa pabula dahil _______________________.
a. Madikit ang mga tao sa mga hayop.
b. May likas na katangian ito na madaling isalarawan na katulad ng isang tao.
c. Nakatutuwang basahin ang akda kapag hayop ang tauhan.
d. Napagbubuklod nito ang watak-watak na relasyon ng mga tao.

21. Ang tamang ayos ng salita batay sa tindi ng emosyon at damdamin ni anak na palaka ay _____?
a. iyak, hikbi, nguyngoy, hagulgol c. nguyngoy, hagulgol, iyak, hikbi
b. hikbi, nguyngoy, iyak, hagulgol d. hagulgol, iyak, hikbi, nguyngoy

22. Ang tamang antas ng mga sumusunod na salita batay sa tindi ng damdaming ipinapahayag nito?
1. galit 2. poot 3. inis 4. suklam
a. 3, 2, 1, 4 c. 3,1,2,4
b. 3, 1, 4, 2 d. 3,1,4,2

23. Ang emosyonal na transpormasyong naganap sa tauhan sa pabulang binasa ay _____?


a. Mula sa pagiging sutil, siya ay naging mabait.
b. Naging maingat siya sa pakikitungo sa iba.
c. Ang pagiging masasayahin ng palaka ay napalitan ng kalungkutan.
d. Tumanda ang palaka sa paglipas ng mga taon.

24. Sa bandang huli ng binasang pabula, nalaman ng tauhan ang kahalagahan ng ina kung kaya dapat
silang igalang, sundin at mahalin. Ang transpormasyong naganap sa sitwastong ito ay _____?
a. pisikal b. intelektuwal c. emosyonal d. lahat ng nabanggit
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA
Para sa bilang 25 - 28
I. Ang pag-ibig ay bugso ng damdaming nagmumula sa puso ng isang umiibig. Ito ay
makapangyarihan sapagkat kaya nitong hamakin ang iba pang uri ng kapangyarihan sa daigdig-
yaman, ganda, talino at lakas.
II. Kusang sumisibol ang pag-ibig sa puso ng bawat nilikha, bagamat may mga nagsasabing ito
ay napag-aralan. Sa pag-ibig, matututuhan ang tunay na saloobin ng tao.
III. Maihahambing ang pag-ibig sa musika. Ang bawat himig nito’y nakapagpapaligaya sa
pusong nalulumbay, tulad din ng pusong umiibig na taglay ang di maipaliwanag na kaligayahan!
IV. Sadyang wagas ang pag-ibig kung larawan ito ng kalinisan ng puso at katapatan ng
pangako. Ngunit ang pag-ibig na di kinakikitaan ng kawagasan, dulot nito’y saklap at siphayo.
V. ‘Yan ang pag-ibig na gadaigdig ang kahulugan.
Pahiyas II Yaman ng Diwa,Badayos atbp.,pp 191-192

25. Ang pangunahing pananaw ng binasa ay ____?


a. Ang pag-ibig ay isang makapangyarihang damdamin ng tao.
b. Maging tapat sa taong pinag-uukulan ng pag-ibig.
c. Ang pag-ibig ay para sa mga magsing-irog.
d. Malinis ang puso ng mga taong umiibig.

26. Ang pangunahing ideya na mahihinuha sa talata II ay ____?


a. Ang pag-ibig ay isang napakagandang biyaya sa mga tao.
b. Ang pag-ibig ay isang misteryo na kinasasabikan.
c. Ang pag-ibig ay nakapagpapabago ng ugali ng tao.
d. Ang pag-ibig ay maaaring matutunan sa tamang panahon.

27. Lahat ay katangian ng binasa maliban sa ________________.


a. Naglahad ito ng kaisipan na may maayos na balangkas.
b. Binigyang diin nito ang katotohanan at tuwirang pagpapahayag tungkol sa isang paksa.
c. Iba- ibang paksa ang tinalakay nito.
d. Naglarawan ng buhay sa makatotohan at masining na paraan

28. Sa talata IV ng akdang binasa, alin ang nagsasaad ng pag-ayon?


a. kung b. ngunit c. dulot d. sadyang

Para sa bilang 29 – 30

"Huwag na natin tingnan 'yung nagdaan. Maaring kayo ay nalulugmok, maaring kayo
ay nalulungkot, maaring kayo ay natapakan ng mga iilang indibidwal. Wala na pong
mangyayaring ganyan, wala. Lahat kayo mahalaga, lahat kayo importante sa bagong
administrasyon na ito, mga kasama ko sa paglilingkod sa bayan," wika ni Moreno, Alkalde ng
Lungsod ng Maynila.

29. Ang bahaging ito ng talumpati ay nagsasaad ng paninindigan sa ______________.


a. Hindi patas na pagtingin ng lingkod-bayan sa kanilang nasasakupan.
b. May galit ang nagsasalita sa kanyang naging katunggali sa politika.
c. Pagbangon sa mga maling pamamalakad nang nagdaang administrasyon.
d. Pagtatama sa natukoy na pagkukulang at pagbibigay pag-aasa na maiayos ang mga ito sa
kasalukuyan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA
30. Sa iyong palagay, nararapat ba ang ganitong pananaw ng isang lingkod-bayan?
a. Oo, dahil makababangon lamang ang bayan sa pamamagitan ng pagnanais ng positibong
pagbabago.
b. Hindi, dahil aabuso ang mga mamamayang kanyang matutulungan.
c. Oo, dahil bilang politiko dapat mapangakuan nang maayos na pananalita ang mga tao.
d. Hindi, dahil sa pamamahala, dapat hindi ipinaaalam ang pamamalakad na gagawin.

31. Tinatalakay sa inyong klase ang tungkol sa pinapaigting na pagpapatupad ng road clearing sa ating
bansa sa kasalukuyan. Nais mong magbigay ng iyong positibong opinyon. Paano mo ito sasabihin?
a. Mabuti naman, ngunit marami ang maaapektuhan diyan.
b. Maari rin naming ipatupad subalit napakalaking problema sa mga ilang maaapektuhan nito.
c. Talagang makabubuti iyan, upang maiwasan ang anumang sagabal sa daan.
d. Ganyan din ang palagay ko, ngunit paano ang apektadong mamamayan.

32. “Lubos ang ang aking mungkahi, na ang mga kapitan, kasama na ang mga kapulisan ay maging
mapanagutan sa kanilang nasasakupan.” Ano ang inilalahad ng pahayag?
a. opinyon b. naninindigan c. suhestiyon d. paglilinaw

Para sa bilang 33 - 36
Sa gilid ng isang tindahang sarado kami nahiga ni Tatay. Di makatulog kahit anong gawin
ko. Inisip ko ang aming bahay, ang aming mga gamit; pinggan at baso, kutsara’t platito, kaldero’t
takure, kahon ng aming damit, boteng makulay at pati ang aming piktyur.
Sa buong maghapon, nagkakargador si Tatay. Kaya ‘pag hapon na, hapung-hapo siya.
Ako, naiwan muna sa harap ng simbahan. Tapos ganun uli kinabukasan.
“Huwag kang lalayo, pag-uwi ko, masarap na tuknenenng ang pasalubong ko sa ‘yo,” ang
bilin lagi sa akin ni Tatay. Pero iniisip ko pa rin ang aming may gulong na bahay. Mababawi pa
kaya namin ni Tatay ang aming may gulong na bahay?
At isang hapon, laking gulat ko nang iparada ni Tatay ang aming may gulong na bahay.
Nabawi na rin namin ang aming bahay. Isa-isa kong tiningnan ang aming mga gamit.
At habang nakahiga at natatanaw ang malawak na langit, sinabi ni Tatay, ‘’Ngayon aking
Bunso, hinding–hindi na mahihiwalay sa atin ang ating munting bahay, ang ating mabango at
may gulong na bahay.”
Hango sa May Gulong ang Bahay ni G.R. Gojo Cruz
33. Batay sa binasa, ano ang kasukdulan ng kuwento?
a. Nang matulog ang mag-ama sa gilid ng isang tindahang sarado.
b. Nang magkargador ang ama upang makaipon ng pambawi ng kanilang bahay.
c. Nang mawala ang bahay na kariton ng mag-ama.
d. Nang iparada na ng ama ang kanilang may gulong na bahay sa harapan ng bata.

34. Paano mo wawakasan ang kuwentong binasa?


a. Walang mababago sa kanilang buhay.
b. Magkakaroon ng katulong na kargador ang ama.
c. Patuloy na magpupunyagi ang ama.
d. Pangangakuan ng ama ang anak ng marangyang bahay.

35. Ang kaisipan ang mabubuo kaugnay ng pangyayari sa kanilang buhay ay ____?
a. Ang kaligayahan ay mailap at hindi natatamo ng madalian.
b. Hindi dapat mawalan ng pag-asa sa buhay.
c. Lahat ng problema ay may kaakibat na solusyon.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA
d. Tanggapin ng may dangal at ligaya ang kalagayan sa buhay.

36. Paano sinimulan ang binasang kuwento?


a. Isinalaysay ang tagpuan at suliraning kahaharapin.
b. Inilahad ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang sangkot sa suliranin.
c. Binanggit ang madulang tagpo ng mga pangyayari.
d. Ipinakita ang maigting na pangyayari ng madulang bahagi.

Para sa bilang 37 -38


  Alas kuwatro treynta ng umaga ay nagigising na ang mag-asawang Lena at Teodoro.
Humihikab pa si Lena bago tumungo sa kusina at sumunod naman si Teodoro para magtimpla ng
kape. Ipinagtimpla rin niya ang pinakamamahal niyang asawa. Si Lena naman ay nagsisimula ng
magsaing. Kinuha niya ang kaldero at nilagyan ng tubig para pakuluin sa nagliliyab na apoy.
Pagkatapos, iniabot ng kanyang asawa ang isang tasa ng kape. Masaya silang nagkukwentuhan at
binabalikan ang kanilang buhay noong sila pa ay magkasintahan. Sa edad na kwarenta, kinikilig
pa rin si Lena ng naaalala niya noong panahon na niligawan siya ni Teodoro. Lagi siya nitong
binibisita sa kanilang kubo na may dalang mga prutas at gulay.
Hango sa Pag-aararo sa Bukid

37. Mahihinuhang ang kultura ng mga tauhan kaugnay sa pagganap ng kanilang hanapbuhay ang ____?
a. Obligasyon ng asawang babae na ipagtimpla ng kape ang asawang lalaki.
b. Magaan ang pagtanggap sa uri ng pamumuhay na meron sila.
c. Maagang gumigising para sa mga gampanin ng buong araw.
d. Pagbibigay oras para sa minamahal.

38. Batay sa binasa, ang kaugalian sa panliligaw ang kanilang nakasanayan ay ____?
a. Pagtitimpla ng kape ng babae para sa lalaki.
b. Pagbisita ng lalaki sa tahanan ng babae.
c. Paglilingkod ng lalaki sa pamilya ng babae.
d. Pagharana sa bahay ng babae.

Para sa bilang 39 - 40
Nang mawala na sa paningin ang kanilang haligi ng tahanan, pumasok ulit sila sa loob ng
bahay. Nagbihis si Lena ng bistida na lagpas sa kanyang tuhod at itinali ang buhok kaya
maaliwalas ang kanyang mukha. Habang sina Teona at Leo ay nag-aagawan pa sa isang walis
kaya’t inawat ito ng kanilang ina. Sinabihan nito si Leo na maghugas na lang ng pinagkainan at
ang kanyang nakatatandang kapatid na lang ang magwawalis ng bakuran. Si Lena naman ay
pinapakain ang alaga na dalawang baka, tatlong kambing, dalawang aso, at mga manok.
39. Ang pag-uugali ng mga bata na huwaran bilang bahagi ng isang pamilya ay ____?
a. Masayahin, kasama ang mga kapatid. c. Nag-aagawan sa responsibilidad.
b. Matulungin sa gawaing bahay. d. Maalagain sa mga hayop.

40. Gustong ilarawan ng pahayag na may salungguhit sa akdang binasa na ____?


a. Si Lena ay mahirap lamang. c. Si Lena ay simple at maayos.
b. Si Lena ay losyang na asawa. d. Si Lena ay matanda na
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA

Para sa bilang 41- 44

“Tay, lumilipad na siya! Ang galing niyo po,” sigaw ni Amboy habang mangha-mangha
sa paglipad ng saranggola niya.
Napaiyak si Mang Pedro sa narinig mula sa anak niya. Nakita niya kung gaano kasaya si
Amboy. Doon siya nakaramdam ng awa sa bunso niya na parang lahat sila ay wala nang oras
para sa kanya.
Simula noon, umuuwi na ng maaga sina Mang Pedro at Aling Susan. Habang nagha-
handa ng hapunan nila si Aling Susan, ang asawa at bunso niyang anak ay magkasama sa pag-
papalipad ng saranggola.
“Salamat tay, kung ‘di dahil sa iyo, hanggang ngayon ‘di lumilipad ang saranggola ko.
Salamat at palagi na rin kayong umuuwi ng maaga ni Nanay,” sabi ni Amboy sa ama niya ha-
bang naglalakad sila pauwi.
Hango sa Si Amboy at Ang Saranggola Na ‘Di Marunong Lumipad

41. Mauunawaan sa binasa na ang saranggola ay sumisimbolo sa _______________.


a. tatay b. nanay c. bata d. buhay

42. Nais ipahiwatig ng pahayag na may salungguhit sa binasang akda na ____?


a. Iba pa rin kapag inaalalayan ng mga magulang ang anak.
b. Kailangang umuwi ng maaga ang nanay.
c. Lumipad ang saranggola dahil sa tulong ng tatay.
d. Laging magpasalamat sa paggabay ng magulang.

43. Batay sa simbolismo ng saranggola na isinasaad ng akda, ano ang katangian nito na maaring tularan?
a. Huwag susuko at abutin ang mga pangarap na ninanais. .
b. Maging matatag sa lahat ng pagkakataon.
c. Palagiang humingi ng tulong at gabay sa magulang.
d. Huwag magdadalawang isip na sumubok muli.

44. Ang asawa at bunso niyang anak ay magkasama sa pagpapalipad ng saranggola. Ano ang
ipinahihiiwatig ng pahayag?
a. Ang bunso ay nakapagpalipad na ng saranggola.
b. Nakaalalay ang ama sa kanyang anak.
c. Ang pagpapalipad ng saranggola ay ginagawa ng mag-ama.
d. Umaasa ang anak sa tulong ng kanyang ama.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA

Para sa bilang 45 - 46

LIGHTS ON
(Nakatayo si Ka Ugong sa likuran ng mesa habang nakaupo naman si Ka Maldang sa kaliwang
bahagi nito)
Ka Ugong: hindi na ako maghuhugas ng mga pinggan!
Ka Maldang: at sino?!
Ka Ugong: wag mong sabihing ako? Aba! buong umaga na nga akong nag-aararo sa bukid tapos ako
pa ang maghuhugas ng pinggan, hindi na ako maghuhugas ng kahit isang pinggan.
(tumayo si Ka Maldang, namaywang at hinarap si Ka ugong habang natatakot sa dulo ng mesa)
Ka Ugong: ikaw (mahina niyang sagot) ikaw ang babae, ikaw ang dapat matrabaho sa bahay.
Ka Maldang: cge nga!!anong gagawin mo?! matapos mong itali yang kalabaw mo sa bukid ay
mahihiga ka na lamang, mahirap ba yon?! (malungkot na parang naglalambing naming sasabihin ni
Ka Maldang) ako na nga ang nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga damit, pati
pagbubunot ng sahig, ultimo pag-aayos ng kisame ako ang gumagawa. Lahat ng trabaho ng alila,
inaako ko na. (mangingilid ang luha sabay sigaw kay Ka Ugong) tapos ngayon, ayaw mo pang
maghugas ...
Hango sa Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan

45. Bakit masasabi na mabisa ang iskrip ng dulang nabasa?


a. Malinaw na nakalahad ang ikikilos ng tauhan at paglagay ng ilaw dito.
b. Piling-pili ang mga salitang inilagay sa diyalogo ng mga tauhan.
c. Nakalagay ang kaugnay sa pag-iilaw, pagkilos at maiksing palitan ng diyalogo ng mga tauhan.
d. Nakalagay ang payak na takbo ng mga pangyayari.
46. Sang-ayon ka ba sa palitan ng diyalogo ng mga tauhan?
a. Oo, dahil nangyayari naman talaga ang ganitong usapan sa reyalidad na buhay.
b. Hindi, dahil hindi magandang matutunan ng mga manonood ang pagsisigawan.
c. Oo, dahil bahagi na ng palabas ang palitan ng diyalogong magbibigay buhay sa mga eksena.
d. Hindi, dahil masyadong maiksi ang usapan.

Para sa bilang 47 – 50.


Temüjin:  Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa matatanda
lamang.
Yesügei:  Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na nakapili kana ng babaing
pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang simpleng pamimili lamang ng babae ang
gagawin mo at pangakong siya’y iyong pakakasalan.
Temüjin:  Ganoon po ba iyon?
Yesügei:  Oo, anak. Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t ikaw ay pipili ng babaing
mapapangasawa sa Tribong Merit.
Temüjin:  Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon ang ating tribo.
Yesügei:  Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong paraan ako’y makababawi sa kanila.
Halaw sa akdang: “Munting Pagsinta” ni Mary Grace A. Tabora
47. Ginamit ang salitang pamimili sa akda bilang ____________________.
a. pagbili ng bilihin sa palengke c. a at b
b. pagpili ng karapat-dapat d. banidoso

48. Ang may salungguhit na salita ay nangangahulugang?


a. paslit c. murang edad
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA
b. dumanas ng hirap d. maraming karanasan
49. Ang ginamit na pang-ugnay sa akda na nagbibigay ng paglilinaw ay ____?
a. iyan b. para c. kapag d. kaya
50. Ang dapat na pang-ugnay sa patlang sa unang linya ni Yesugei ay ____?
a. kapag b. datapuwat c. bago d. at

Inihanda ni: Iniwasto ni:

EVELYN S.P. CRUZ ANGELINA S. BERNARDINO


Master Teacher I Head Teacher IV

Sinuri ni:

EDITHA P. MENDOZA, Ed. D.


School Principal IV
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA

SUSI NG MGA SAGOT


IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
Taong Panuruan 2022-2023

1. C 26. C
2. A 27. C
3. B 28. D
4. A 29. D
5. A 30. A
6. C 31. C
7. B 32. C
8. B 33. D
9. D 34. C
10. A 35. C
11. D 36. A
12. D 37. C
13. D 38. B
14. B 39. B
15. D 40. C
16. D 41. C
17. C 42. A
18. D 43. A
19. D 44. B
20. B 45. C
21. B 46. C
22. C 47. B
23. C 48. C
24. B 49. D
25. A 50. A

Inihanda ni: Iniwasto ni:

EVELYN S.P. CRUZ ANGELINA S. BERNARDINO


Master Teacher I Head Teacher IV

Sinuri ni:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
JUAN BASANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL)
BASANGAN ST., SAN FRANCISCO, SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA
EDITHA P. MENDOZA, Ed. D.
School Principal IV

You might also like