FILIPINO 9 Ikalawang Markahan (Week 1) 2021-2022

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO 9 UNANG LINGGO

IKALAWANG MARKAHAN-UNANG MODYUL

Subukin

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat aytem. Isulat ang TAMA
kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno/notbuk.

1. Nilikha ang tanka noong ika-10 siglo.

2.Samantala ng haiku naman ay noong ika-15 siglo.
3. Ang tanka sa wikang Hapones ay maikling awit ay isang tula na may limang (5)
taludtod, may ayos na 5-7-5-7-7 ang anyo at binubuo ng tatlumpu’t isang pantig.
4. Ang haiku ay pinaikling anyo ng tula na may labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong linya o taludtod at may ayos na 5-7-5 ang anyo.
5. Ang karaniwang paksa sa tanka ay pagbabago, pag-ibig at pag-iisa .
6. Ang sa haiku ay tungkol sa pagmamahal sa bayan.
7. Ang haiku ay nangangahulugang maiikling awitin.
8. Maaaring magkakapalit-palit ang bilang ng bawat taludtod sa tanka basta
tatlumpu’t isa pa rin ang kabuuang bilang nito.
9. Subalit hindi maaaring magkakapalit ang bilang na 5-7-5 sa haiku.
10. Kailangang magkakatugma ang huling pantig sa bawat taludtod ng tanka at
haiku.

II.Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. . Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno/notbuk.

_______1. Ito ay maikling awitin na puno ng damdamin.

a. Soneto b. Tanka c. Haiku d. Nobela
_______2. Ang haiku ay tinatawag ding ________.
a. Mas pinagandang tanka b. Mas pinahabang tanka
c. Mas pinaikling tanka d. Wala sa nabanggit
_______3. Ang dalawang madalas na mga paksa ng haiku ay ang ________.
a. kalikasan at pag-ibig b. kamatayan at pag-ibig
c. kaibigan at pag-iibigan d. kaligayahan at pag-ibig
_______4. Anong damdamin ang namamayani sa tanka ni Ki No Tomonori?
a. pagmamahal b. galit c. pagtitimpi d. wala sa
nabanggit
_______5. Ang layunin ng makata sa pagsulat ng kanyang mga tula ay ________.
a. maliwanagan ang mambabasa b. matutong sumulat
c. maaliw ang mambabasa d. lahat ng nabanggit
Pagkakatulad at Pagkakaiba
ng Estilo sa Pagbuo
Aralin ng Tanka at Haiku
1
Mga Layunin
1. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka
at haiku.(F9PB-IIa-b-45)
2. Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat.
( F9PU-IIa-b-47)

Tuklasin

Basahin ang mga tula sa ibaba at isulat sa kanang bahagi ang bilang ng pantig
sa bawat taludtod o linya.Isulat sa kuwaderno/notbuk ang iyong sagot.

Tanka ni Ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Hapon Ingles Filipino

Hisakatano This perfectly still Payapa at tahimik __

Hikari nodokeki Spring day bathed in soft light Ang araw ng tagsibol __
Haru no hiri From the spread-out sky Maaliwalas ___
Shizu kokoro naku Why do the cherry blossoms Bakit ang Cherry Blossoms ___
Hana no chiruramu So restlessly scatter down? Naging mabuway? ___

Haiku ni Basho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Hapon Ingles Filipino

Hatsu shigure An old silent pond Matandang sapa ___

Saru mo kominowo A frog jumps into the pond Ang palaka’y tumalon ___
Hoshige nari Splash! Silence again. Lumalagaslas ___

Suriin
Ano ang napansin mo sa dalawang tula? Ilang pantig ang bawat linya? Isulat sa
kuwaderno/notbuk ang iyong sagot.

Tanka Haiku
LINANGIN

Land of the Rising Sun ang bansang Hapon na nasa Silangang Asya
na tinaguriang isa sa pinakamaunlad na bansa pagdating sa ekonomiya at
teknolohiya. Ipinapakilala ng mga Hapones ang mga salitang samurai,
animè, manga at marami pang iba. Tunay ngang malikhain ang mga
Hapones hindi lamang sa teknolohiya kundi pati na rin sa panitikan tulad na
lamang ng kanilang tanka at haiku.
Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng
panitikang Hapon. Ginawa ang tanka noong ikawalong siglo at ang haiku
noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga
ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang. Maiikling
awitin ang kahulugan ng tanka na may limang (5) taludtod, may ayos na 5-
7-5-7-7 at binubuo ng tatlumpu’t isang pantig. Bawat tanka ay
nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa nito ay
pagbabago, pag-iisa o pag-ibig. Samantala, ang haiku naman ay mas
pinaikli pa sa tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong
taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring
magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin. Ang
paksang ginagamit sa haiku ay tungkol sa kalikasan at sa pag-ibig. Kapwa
nagpapahayag ng masidhing damdamin ang tanka at haiku.

Pagyamanin

Punan ang talahanayan ayon sa hinihinging katangian ng tanka at haiku.Isulat sa

kuwaderno/notbuk ang iyong sagot.
Pamantayan Tanka Haiku
1.) Panahon na nabuo

2.) Paksa

3.) Sukat at Bilang

Susi sa Pagwawasto sa Filipino 9-Unang Linggo

IKALAWANG MARKAHAN-UNANG MODYUL
Subukin
I
1. MALI 2. TAMA 3. TAMA 4. TAMA 5. MALI
6. MALI 7. MALI 8. TAMA 9. MALI 10. MALI
II.
1. C
2. C
3. A
4. A
5.D
FILIPINO 9 UNANG LINGGO ( 1st Performance Task)
IKALAWANG MARKAHAN-UNANG MODYUL
Pangalan:__________________________ Petsa:_______________
Baitang/Pangkat:____________________ Marka:_______________

Panuto: Bumuo ng isang tula tungkol sa naging karanasan o napansin mo sa panahon ng

paglaganap ng COVID 19 sa buong mundo. Pumili lamang ng alinman sa tanka o haiku.
Binubuo ng tatlo hanggang apat na saknong, ang bawat saknong ay binubuo ng apat na
taludturan o linya.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Kaugnayan sa paksa 8 puntos
Masining na pahpapahayag ng damdamin 8 puntos
Orihinalidad 6 puntos
Kalinisan 3 puntos
KABUOAN 25 puntos

Pamagat
_____________________________

______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

You might also like