Ang Misa NG Sambayanan
Ang Misa NG Sambayanan
Ang Misa NG Sambayanan
IKALABIMPITONG LINGGO
sa karaniwang panahon
PASIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa dambana
samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.
Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan.
Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw. Pagkatapos, iinsensuhan
niya ito at ang krus. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa kanyang upuan.
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay magkukrus.
Ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:
Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:
At sumaiyo rin.
Ang pari o ang diyakono o sinumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng maikling paliwanag
tungkol sa buod ng Misang ipagdiriwang.
PAUNANG SALITA
2 KARANIWANG PANAHON
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
3 KARANIWANG PANAHON
Ipapahayag ng pari:
Amen.
KYRIE
Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.
Pari: Kristo, kaawaan mo kami.
Bayan: Kristo, kaawaan mo kami.
Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
PANALANGING PAMBUNGAD
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang kamay na ipahahayag ng pari:
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat
6 KARANIWANG PANAHON
Sa pangungusap na “Nagkatawang tao siya” hanggang “Mariang Birhen,” ang lahat ay yuyuko.
Para kay Francisco na aming Papa, mga obispo, pari, at diyakono: masalamin nawa
sa kanila ang pag-ibig mo, Ama, sa pamamagitan ng kanilang paglilingkod sa
kapwa. Manalangin tayo. (T)
Para sa mga pinuno ng aming bayan: lturing nawa nila ang kanilang sarili bilang
mga tagapangalaga at tagapagtanggol ng mga dukha, mahihina, at walang tinig sa
lipunan. Manalangin tayo. (T)
Para sa mga yumao: yakapin mo nawa silang mahigpit sa kanilang pagsapit sa iyong
kaharian upang madama nilang ganap ang iyong pag-ibig at pagpapatawad.
Manalangin tayo. (T)
Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod
ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng
dambana.
Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang
bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng pari
at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong.
Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong
niyang dinarasal:
Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muli niyang
pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:
PAGBUBUNYI O PREPASYO
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.
Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.
Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.
IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag ng malinaw at nauunawaan
ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.
Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:
Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak,
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.
Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
15 KARANIWANG PANAHON
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag:
Amen
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga kamay:
Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan,
18 KARANIWANG PANAHON
Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
Amen.
At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o pari:
19 KARANIWANG PANAHON
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya
ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:
Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo,
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o ipahahayag ang pagluhog na ito:
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:
20 KARANIWANG PANAHON
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang, bahagyang itataas
ang ostiya at sasabihin ng malakas sa buong kapulungan:
Katawan ni Kristo.
Para sa pakikinabang sa Dugo ni Kristo, gaganapin ang nasasaad sa ika-240 hanggang sa ika-252 talata ng
Pagkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma.
Pagkapakinabang at pagkalinis ng pinggan at kalis, makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng
ilang saglit na katahimikan o makaaawit ng papuri o salmo.
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga nagsisimbang
magpapahayag:
21 KARANIWANG PANAHON
PANALANGING PAGKAPAKINABANG
Pari: Manalangin tayo
Bayan:
Ama naming mapagmahal,
pinagsaluhan namin sa banal na pakikinabang
ang alaalang walang kupas ng iyong Anak na nag-alay
ng sarili niyang buhay para sa aming kaligtasan.
Ipagkaloob mong ito ay magdulot ng pag-unlad
sa ipinamana niya sa aming pagliligtas
bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
MARINGAL NA PAGBABASBAS
Sumainyo ang Panginoon
Pari: S
Bayan: At Sumaiyo rin A
PAGBABASBAS
Mahal na Poong Jesus Nazareno,
inihayag mo sa pamamagitan ng Krus
ang walang maliw na pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan
pakinggan mo ang kahilingan ng iyong Angkan
na nagsusumamo sa iyo,
makamtan nawa nila ang iyong katugunan
at tanggapin ang kasagutan
na may utang na loob na tinatanaw.
(Basbasan rin po ninyo
22 KARANIWANG PANAHON