Q4 MELCs 1 5 WEEK 1
Q4 MELCs 1 5 WEEK 1
Q4 MELCs 1 5 WEEK 1
1
Weekly Home Learning Plan in Filipino
Kuwarter 4- Unang Linggo- MELC’s 1-5
Markahan: Ikaapat Integrating Competency Mga Petsang
F10PN-IIIa-b-83 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napaking- Itinakda sa
gan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo Pagtatapos ng
F10PB-Iva-b-86 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamama- Modyul:
gitan ng pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinusulat ang akda,
pagpapatunay ng pag-iiral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi April 11-16, 2022
ng akda at pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
F10PT-Iva-b-86 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang
pangkasaysayan nito
F10PS-IVa-b-85 Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa
pagkakasulat ng El Filibusrerisno
F10PS-IVa-b-85 Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo batay sa ginawang timeline
Bahagi ng Mga Inaasahang Maipakita na Patunay ng Pagganap Inaasahang Araw
Pagkatuturo- o Petsa ng
Pagkatuto Pagganap
I. Pagkuha ng Pagkuha ng mga magulang/tagapag-alaga ng modyul sa paaralan para sa Unang (Lunes)
modyul sa paaralan Linggo ng Ikaapat na Markahan. April 11, 2022
II. Mga Gawain MELC 1
1. Pagbabalik–aral sa nobelang Noli Me Tangere sa pamamagitan ng pagsagot (Lunes)
sa Gawain 1-A April 11, 2022
2. Pagsagot sa mga tanong sa Gawain 1-B
3. Pagbabasa sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo sa Gawain 1-C
4. Pagsagot sa mga Batayang Tanong sa Gawain 2
5. Paglalahad ng napiling pangyayari sa panahong isinusulat ang nobela sa Gawain 3
III. LTE Pagkakataon na makapagtanong sa guro kung may bahaging nais maliwanagan o (Martes)
hindi lubusang naunawaan sa Ikalawang Linggo, MELC’s 1-5 April 12, 2022
IV. Mga Gawain MELC 2
1. Pagtukoy sa layunin at kondisyon sa panahon na isinusulat ang nobela sa Gawain 1
2. Pagbibigay patunay na umiiral ang mga kondisyon sa panahon na isinusulat ni (Miyerkules- Biyernes)
Rizal ang nobela sa Gawain 2
3. Pagsasagot sa tanong sa Gawain 3 April 13-15, 2022
4. Pagsusulat ng isang paglalarawan ng sitwasyong naranasan ng mga Pilipino sa
panahon na isinusulat ang nobela sa Gawain 4
MELC 3
1. Pagbibigay ng mga kasingkahulugan ng mga salita batay sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng El Filibusterismo sa Gawain 1
2. Pagkikilala sa mga salitang magkasingkahulugan sa pangungusap sa Gawain 2
3. Pag-uugnay ng mga salita na magkakasingkahulugan sa Gawain 3.
MELC 4
1. Pagbasa sa Susing Konsepto tungkol sa mga karanasan ng pamilya ni Rizal
na naging inspirasyon niya sa pagsulat ng akda.
2. Pagbibigay ng mga suliraning kinakaharap ni Rizal habang isinusulat ang
nobela sa Gawain 1
3. Pagtukoy sa mga pangyayari na buhay ni Rizal na kaugnay sa ilang bahagi ng
nobela sa Gawain 2
4. Pagsagot sa Gawain 3
5. Paglalahad ng mga magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng nobela
sa Gawain 4
MELC 5
1. Pagbibigay ng mahahalagang pangyayari ayon sa mga mahahalagang petsa
sa panahong isinusulat ang nobela sa Gawain 1
2. Pagsulat nang patalata sa mga pangyayari batay sa mga petsa at lugar na
nabanggit sa Gawain 2
3. Pagsusulat ng buod ng kaligirang pangkasaysayan batay sa inilahad na
Timeline sa Gawain 3
4. Repleksiyon
Lagumang Pagsusulit 1 Pagsagot sa Lagumang Pagsusulit 1 (Sabado) April 16,
2022
Awtput 1 Pagsagawa ng Awtput 1 (Sabado) April 16,
2022
Pagpasa ng modyul at Pagpasa ng modyul at sagutang papel, Lagumang pagsusulit 1 at Awtput 1 (Lunes)
mga sagutang papel MDL-Digital na mag-aaral April 18, 2022
MDL-Print na mag-aaral April 25, 2022
2
FILIPINO 10
Learning Activity Sheet (LAS) Week 1
Unang Edisyon, 2021
Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City
Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga
Paaralan sa Dibisyon ng Negros Occidental.
Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang walang
pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Occidental, Rehiyon 6- Kanlurang
Visayas.
3
MABUHAY!
Ang Filipino 10 Learning Activity Sheets (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-
samang pagtutulungan ng Sangay ng Negros Occidental sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas at sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning
Management Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan
ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan nilang masagot
ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay
naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na
literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.
Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang
pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center
sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga gawaing
iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga
mag-aaral (learner’s progress).
Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang
iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan.
4
Kuwarter 4, Linggo 1
II. Panimula
Ang El Filibusterismo ni Dr Jose Rizal ay isang akdang pampanitikan na bunga ng
kanyang pagpupunyaging gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
panulat. Nauukol ang mga kabanata sa kalagayang politikal at panlipunang pangyayari na
maiuugnay sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan. Nakatutulong ang nobelang ito upang
malinaw na maunawaan ang ating kasaysayan maging kung paano harapin ang mga suliraning
panlipunan at bigyang solusyon.
Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang
nobelang isinulat at buong pusong iniaalay ng may-akda sa tatlong paring martir na lalong kilala sa
bansag na Gomburza o Gomez, Burgos at Zamora. Ito ang karugtong o sequel ng Noli Me Tangere
at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang isinusulat niya ito at tulad din nito, nakasulat din
sa Kastila.
Gawain 1-B
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Paano nakatulong sa paglinang ng iyong diwang makabayan ang pag-aaral ng Noli Me
Tangere?______________________________________________________________________
Gawain 1-C
6
kaalaman na ang kanyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay ipinakasal ng mga magulang nito sa
ibang lalaki. Ipinagpalagay na mababakas ang pighati niya sa pangyayaring ito sa nobela sa
bahaging nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito. Nabatid din
niyang ang kanyang magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang
Espanyol dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang. Labis siyang nag-alala sa mga mahal niya
sa buhay sa Calamba, Laguna. Maiuugnay ito sa kuwento ni Kabesang Tales na may
ipinaglalabang usapin hinggil sa pangangamkam ng lupa ng mga prayle kahit wala silang katibayan
ng pag-aari at nakuha pang maningil ng buwis sa nasabing kabesa na siyang may –ari ng lupa. Sa
pagpapatuloy ng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay nagkaroon siya ng iba’t ibang pangitain. Ganito
rin ang pangyayri sa buhay ni Simoun nang nag-uurong –sulong siyang isagawa ang katuparan ng
kanyang plano. Nakita niya ang nagdusang ama at Elias sa kanyang pangitain. Lumayo rin kay
Rizal ang mga kasama niya sa La Solidaridad. Ikinalungkot din niya ang nakitang kawalan ng
pagkakaisa ng mga Pilipino Ilustrado sa Espanya na sila sanang pag-asa ng nakalugmok na
mamamayan ng Pilipinas. Dahil sa samo’t saring suliraning naranasan, naisip ni Rizal na sunugin
na lamang ang kanyang mga isinulat. Sinasabing may bahagi sa nobela ang hindi niya napigilang
ihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kanyang mga alalahanin.
Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino
laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang Espanyol ay pinagtibay niya ang kanyang
kalooban upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit kulang sa panustos mula sa pamilya. Nang
matapos ito noong Marso 29,1891 at makahanap ng murang palimbagan, ang palimbagang
F.Meyer-van Loo sa Ghent,Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose
Alejandrino. Sa kasamaang palad hindi natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isandaang
pahina pa lamang ito nang maipahinto na dahil naubos na ang kanyang pambayad mula sa salaping
kanyang natipid at nang hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya sa
Pilipinas. Nilimot din ng ilang mayayamang kaibigang Pilipino ang kanilang pangakong tulong sa
paglilimbag ng nobela.
Sa oras ng pangangailangang ito ay himalang dumating ang saklolo ng mayamang kaibigan
si Valentin Ventura. Siya ang gumastos upang maituloy ang nahintong paglilimbag ng nobela
noong Setyembre 1891. Dahil mabuting kaibigan si Rizal ay inalay niya ang isang panulat at ang
orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat
at pagtanaw ng malaking utang na loob sa kaibigang si Valentin Ventura. Ipinadala ni Rizal sa
Hongkong ang karamihan ng mga aklat at ang ibang bahagi ng mga ito ay sa Pilipinas napunta
pagkatapos niyang mabigyan ng kopya ang mga kaibigang sina Juan Luna, Marcelo H. del Pilar,
Graciano Lopez Jaena at Dr Ferdinand Blumentritt.Sa kasamaang palad,nasamsam sa Hongkong
ang mga aklat na ipinadala ni Rizal gayundin ang mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas.
Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela subalit may ilang nakalusot at nagbigay
ng malaking inspirasyon sa mga naghihimagsik. Patuloy nitong naantig at nagising ang damdamin
ng mga Pilipino. Kung ang Noli ang gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin ng mga Pilipino
ukol sa mga karapatan, nakatulong naman nang malaki ang El Fili kay Andres Bonifacio at sa
katipunan upang iwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896.
Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa
bagumbayan noong Pebrero1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre
Jacinto Zamora dahil lamang sa maling hinala ng mga Espanyol. Bilang paggalang at pag-aalala sa
kanilang sakit at hinagpis, inihandog niya ang nobela. Wika niya:
“ Sa di pagsang-ayon ng relihiyon na alisan kayo ng karangalan sa pagkapari ay inilagay sa
alinlangan ang kasalanang ibinibintang sa inyo; sa pagbabalot ng pagkakamaling nagawa sa isang
masamang sandal at ang buong Pilipinas ,sa paggalang sa inyong alaala at pagtawag na kayo’y
mga pinagpala, ay hindi lubos nakilala ang inyong pagkakasala.
Samantala ngang hindi maliwanag na naipakilalang ang inyong pagkakasangkot sa
pagkakagulo sa Kabite,maging bayani man o hindi ng hilig sa kalayaan ay may karapatan akong
ihandog sa inyo,bilang ginahis ng kasamaang ibig kong bakahin, ang aking akda. At habang
hinhintay namin na kilalanin ng Espanya balang araw ang inyong kabutihan at hindi makipanagot sa
pagkakapatay sa inyo, ay maging putong na dahong tuyo man lamang ang inyong liblib na libingan
ang mga dahon ng aklat, at lahat nang walang katunayang maliwanag na umapasala sa inyong
alaala ay mabahiran nawa ang kanilang kamay ng inyong dugo.”
7
Ayon sa pag-aaral, hindi napatunayan ang pagkakasangkot ng tatlong paring martir sa
pag-alsa sa Cavite. Hindi rin pinayagan muli ng mga Espanyol na mabuksan ang kanilang kaso
upang hindi lumabas pa ang katotohanan.Inihambing naman ni ginoong Ambeth Ocampo ang Noli
sa El Fili. May halos apatnapu’t pitong (47) pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura at
binago.Samantalang sa Noli Me Tangere ay ang kabanata lamang tungkol kina Elias at Salome ang
hindi niya naisama sa pag-imprenta subalit buo ito at maaaring isalin at pag-aralan din. Ayon din sa
kanya noong 1925 binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela mula kay Valentin Ventura.
Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang adhikain
subalit siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang
El Filibusterismo na nagsilbi at patuloy na nagsisilbing inspirasyon ng lahat ng Pilipino sa bansa at
maging sa mga Pilipinong nasa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nawa’y isapuso nating lahat ang
mensaheng taglay nito.
4.Bakit nagmuntik-muntikan nang hindi malimbag ang nobela? Ano ang naging papel ni Valentin
Ventura sa pagkakalimbag nito?
5.Ano-ano kaya ang damdaming naghari kay Rizal nang dumating ang kaibigang si Valentin
Ventura sa panahong napakatindi ng kanyang pangangailangan? Kung hindi sa kanyang
napapanahong pagdating ano kaya ang nangyari sa obra maestro ni Rizal? Maghinuha.
Kabuoan (10
puntos)
Iskala Deskripsyon
8-10 Napakagaling
5-7 Magaling
2-4 Nangangailangan ng pagpapaunlad
8
VI. Susi sa Pagwawasto
9
10
Learning Activity Sheet in
FILIPINO 10
Kuwarter 4 – MELC 2
Pagtitiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda
sa Pamamagitan ng:
Pagtukoy sa mga Kondisyon sa Panahong Isinulat
ang Akda, Pagpapatunay ng Pag-iiral ng mga
Kondisyong ito sa Kabuuan o ilang bahagi ng Akda, at
Pagtukoy sa Layunin ng May-akda sa Pagsulat ng Akda
10
Kuwarter 4, Linggo 1
II. Panimula
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre,1887, marami nang
kasawiang dinanas ang kanyang kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng kanyang nobela.
Dumaan sa maraming pagsubok at paghihirap si Rizal para lang matapos at mailimbag ang nobela subalit
hindi siya sumuko dahil sa matinding layunin niya sa pagsusulat na ito.
Gawain 2- Panuto: Bigyang patunay na umiiral ang mga sumusunod na kondisyong ito sa panahon na
isinusulat ni Rizal ang akda sa kabuuan o ilang bahagi ng akda.
1. Kinulang siya sa pananalapi nang isulat niya ang Noli at higit siyang kinapos nang isinulat niya ang El Fili.
2. Nabatid din niyang ang kanyang magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng
11
pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang.
3. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso.
VI.Susi sa Pagwawasto
12
10
Learning Activity Sheet in
FILIPINO 10
Kuwarter 4 – MELC 3
Pag-uugnay ng Kahulugan ng Salita
batay sa Kaligirang Pangkasaysayan
nito
13
Kuwarter 4, Linggo 1
II. Panimula
May ilang salitang ginagamit sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela na mababasa mo rin sa
ibang bahagi ng nobela. Ang mga salitang ito ay nagtataglay ng kasingkahulugang madaling maunawaan ng
mga mambabasa. Maari ding maunawaan ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa kaligirang
pangkasaysayan ng nobela sa mga diksyonaryo o halawin ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap kung saan ito ginamit.
IV.Mga Gawain
Gawain 1-
Panuto : Basahing muli ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo at magbigay ng mga salitang sa
palagay mo mahirap unawain at ibigay ang kahulugan nito.
Halimbawa
1. obra-maestra ng may-akda 4. lumiban sa pagkain
2. mga kabuktutan ng mga Espanyol 5. pagkakasangkot sa pagkakagulo
3. palihim na tumalilis
Gawain 2
Panuto: Kilalanin ang mga salitang magkasingkahulugan sa pangungusap. Isulat ang mga ito sa sagutang
papel.
3. Hindi lamang kawalan ng pondo ang naging suliran ni Rizal kulang din ang perang pambayad sa
paglilimbag ng nobela.
4. Naging usapin din ang pangangamkam ng mga Espanyol sa lupain ng mga magulang ni Rizal, pilit na
inangkin ang lupang kanilang sinasaka.
5. Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan ng mga Pilipino naging layunin din niya sa pagsulat ang
gisingin ang damdamin ng mga Pilipino.
14
Gawain 3: Pagbatayan sa Pagbibigay ng Iskor
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa Hanay
A.Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Nasamsam na mga kopya A. kopya
2. Balakid sa pagsusulat B. mawala,maalis
3. Sipi ng nobela C. sagabal ,hadlang
4. Hinimok na umalis D. kinausap upang mapapayag
5. Maiwaksi sa isip E. nakuha
V. Susi sa pagwawasto
15
10
Learning Activity Sheet in
FILIPINO 10
Kuwarter 4 – MELC 4
Pagsasalaysay ng Magkakaunay na
mga Pangyayari sa Pagkakasulat ng El
Filibusterismo
16
Kuwarter 4, Linggo 1
II. Panimula
Maging si Jose Rizal at ang kanyang mga pamilya ay naging biktima ng pang-aapi at pagmamalupit
ng mga Kastila. Ito ang mga dahilan kung bakit naging paksa na rin ng kanyang obra-maestra ang ganoong
mga karanasan niya na naging inspirasyon niya sa pagsusulat ng akda. Sa pamamagitan ng paglalarawan
niya at pagbibigay buhay ng mga tauhan sa akda naging matagumpay si Rizal sa kanyang layunin sa
pagsulat ng nobela na gumising sa puso at isipan ng mga Pilipino sa pang-aapi ng mga Kastila.
Gawain 2-
Panuto:Tukuyin ang mga kaugnay na pangyayari sa mga naging suliranin ni Rizal sa ilang bahagi ng
kanyang nobela.
1.
2.
3.
Gawain 3 –
Panuto: Ano-ano ang naisipang gawin ni Rizal sa kanyang nobelang isinusulat?
1
2.
17
Gawain 4: Pagbatayan sa Pagbibigay ng Iskor
Panuto: Isulat o ilahad ang magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo batay sa
sumusunod na mga sitwasyon:
A.
Mga Balakid na Naranasan ni Rizal sa Pagsulat ng El Filibusterismo
1._____________________________________________________________________.
2._____________________________________________________________________.
B.
Mga Naging Pangyayari Upang Matagumpay na Matapos ang Nobela
1.______________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________
C.
Mga Hakbang na ginawa ng mga Espanyol Upang Mapigilan ang
Pagsulat,Paglathala at Pagdating ng Nobela sa Kamay ng mga Pilipino.
1._______________________________________________________________________
2._______________________________________________________________________
VI.Susi sa pagwawasto
18
10
Learning Activity Sheet in
FILIPINO 10
Kuwarter 4 – MELC 5
Pagsusulat ng Buod ng Kaligirang
Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Batay sa Ginawang Timeline
19
Kuwarter 4, Linggo 1
II.Panimula
Totoong binagtas ni Dr Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang adhikain subalit
siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang El
Filibusterismonna nagsilbi at patuloy na nagsisilbing inspirasyon ng lahat ng Pilipino sa bansa at
maging sa mga Pilipinong nasa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nawa’y isapuso nating lahat ang
mensaheng taglay nito. Mahalaga ang mga petsa at lugar na kung saan may malaking ambag sa
katuparan ng mga pangarap ni Rizal na maisulat at malimbag ang kanyang nobela na nagsilbing
ilaw nating mga Pilipino upang maunawaan ang kanyang pinagdadaanan.
IV.Mga Gawain
Gawain 1-
Panuto : Basahing muli ang kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo at ibigay ang mga pangyayari sa
sumusunod na petsa at lugar.
1. Marso 1887 –
2. Agosto 1887
3. Pebrero 1888
Gawain 2-
Panuto:Batay sa nabasang kasaysayan ng El Filibusterismo, isulat nang patalata ang mga pangyayari sa
lugar at petsa na nabanggit sa kaligirang pangkasaysayan ng nobelang El Filibusterismo.
1. Europa-huling buwan 1884 at unang buwan ng 1885
2. London noong 1890
3. Ghent ,Belgium Marso 1891-Setyembre 1891
20
Gawain 3: Pagbatayan sa Pagbibigay ng Iskor
Panuto: Pagkatapos mong mapag-aralan ang kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo, gawan mo
ito ng buod batay sa timeline na makikita mo sa ibaba. Isulat ito nang patalata.
_______________________________________________________________
1890-London, Setyembre
England,sinimu 1891-Ghent ,Be
lan ang lgium,nailimba
pagsulat ng El g ang
Filibusterismo sulat-kamay na
nobelang El
Filibusterismo
V. Repleksiyon
21
Kung ikaw sa katayuan ni Rizal at naranasan mo ang ganoong mga suliranin, ipagpapatuloy mo pa ba ang
pagsusulat ng nobela? Bakit? Anong aral ang natutunan mo sa katapangan ni Rizal sa pagsusulat ng nobela?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
VI.Susi sa pagwawasto
Gawain 1
1.Iba-iba ang sagot
Gawain 2
Iba-iba ang sagot
Gawain 3
Iba-iba ang sagot
Gawain 4
Iba-iba ang sagot
22