PALAUGNAYAN

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Mga pag-aaral sa

Wikang Tagalog
PALAUGNAYAN

Na, ni – nag at ay
Ang “na” ay nagbuhat sa “ga” na nanatiling sa ilang pangatnig, at
siyang ginagamit upang ang dalawang salita ay pagkatnigin:

Halimbawa:

kahoy na Mabuti

Ang na ay ginagamit na pang-angkop sa pagitan ng:


1. dalawang pangngalang pambalana,
2. Isang pangngalang pambalana at
isang pang-uri
3. Isang pangngalang pambalana at
pandiwa.
Halimbawa:

bahay na lupa
buhay na malaki
bahay na iginiba
Kapag ang na ay sumusunod sa isang salitang
nagtatapos sa patinig O o katinig na N, nawawala
ang “a” (na = n) at nagbabalik sa matandang
anyong “g”.

Halimbawa

bato na buhay = batog buhay


balo na malalim = balog malalim
Ayon sa Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos
Ang na, ng, at g

Ang paggamit sa alinmán sa tatlóng anyô ay umáalinsunod


sa kung anó ang hulíng titik ng unang salitâ sa dalawáng
magkasunód na pinag-aangkóp o pinagaagpáng.

(a) Kapág ang unang salitá’y nagtatapós sa katinig, máliban sa


n, anyóng na
ang ginagamit, at isinusulat nang hiwaláy.

Halimbawa

masipag na tao
tamád na kalabáw
pag-ibig na nabigô
sumusulat na madalás
(b) Kapág ang hulíng titik ng unang salitâ ay patinig,
anyóng ng ang ginagamit, na ikinakabít sa hulihán ng
tinurang salitâ.

Halimbawà:

masayáng mukhâ
ugaling pangit
nagsásalitáng mag-isá
tayong mga Pilipino

(k) Kapág katinig n ang hulíng titik, anyóng g ang


ikinakabit.

Halimbawa

mahinahong magsalitâ
bayang magiting
nagpápayamang totoó
ang aking kabuhayang marálitâ
Ang kani-kanyáng paraáng itó ng paggamit sa
tatlóng anyô—na, ng at g—ay “SÁPILITÁN”,
at di-maaaring iwasan o pagpalít-palitín kayâ,
nang dî masisirà ang mabuting ayos at himig
ng pananalitâ.
Ni – Nag
kung alin man sa dalawang salita ay sumasailalim
sa kahulugan ng isa, ang ganitong pangyayari ay
pinapahayaag sa pamamagitan ng “ni” kung
pangngalang pantangi ang namamaibabaw at nag kung
hindi.

Halimbawa

ang aso ni Perdo


ang aso nag hari
Kung sa isang pananalita ay ibig ipahayag ang kaugnay
o hindi kaugnay ng dalawang kaisipan o kuro-kuro, ang
ginagamit ay ang katagang ay na ikinmakabit sa
sinusundang salita kung itoy nagtatapos sa patinig o sa
n
Hal:
ag araw ay maliwanag,
ag aso’y isag hayop,
ag balo’y malalim

Ang katagang ito’y ginagamit din upang pagkatnigin


ang dalawang pangngungusap na naguugnayan kung
ang ayos ng mga salita’y hindi ang pangkaraniwan.
Hal:
bibili sana ako nag ako’y mayaman.
Kung ang pangungusap na sumasailalim ang iuuna, ang
ay ay ginagamit na pangatnig sa dalawang pangungusap
Hali:
kug ako’ymayaman, ay bibili sana ako nag bahay.

Sa mga halimbawa sa itaas ay maaaring alisin nag “ay”


maliwanag ag araw
isang hayop ag aso
malalim ag balon
Sapagkat sa kaisipan ng mga tagalog ay ito ang lalong
tumpak at maayos, ang ipahayag na una ang pangunahing
pag-iisip na nangingibabaw sa damdamin.
ay
(a) Kapág ang una sa mga pinamámagitanang salitâ, parirala o
pangungusap, ay nagtatapós sa katinig, na dî n, buô ang ay at hiwaláy
na isinusulat.

Halimbawà:

ang bulaklák ay mabangó


ang maglayág ay mapanganib
magtaním ay di-birò
habang akó’y nagagalit ay hindî siyá umiimík.

(b) Kapág sa katinig n nagtatapós ang unang salitâ, ang tinurang


katinig ay nawawalâ, gayón din ang patinig a ng ay, sakâ ikinakabít
ang nálalabíng y sa pamamagitan ng kudlít (‘).

Halimbawà:

ang panahó’y masungit (panahón ay)


ang bahay nati’y hindî nasunog (natin ay)
bago pa lamang sinísimulá’y sinisirà na (sinísimulán ay).
(k) Kapág patinig ang hulíng titik ng salitâ, ang a ng ay ay
nawawalâ, at ang nátitiráng y ay ikinakabít sa hulihán ng salitâ
sa pamamagitan ng kudlít (‘).

Halimbawà:

ang tao’y iba-ibá (tao ay)


silá’y natutulog (silá ay)
magandá’y di-mabait (magandá ay)
kung susundín mo akó’y patátawarin kitá (akó ay).

“Ang paggamit ng mga dinaglát na anyô ng katagáng at at


katagáng ay, na magkahambíng na ganáp sa mga tuntunin, ay di-
gaanong sápilitáng gaya ng paggamit sa na, ng at g. Kalooban ng
nagsásalitâ o sumusulat ang nasusunód, kung ibig niyáng
bigkasín o isulat ng buóng at at ay, o kayá’y ang mga dinaglát na
ʼt at ʼy lamang.
Ukol sa Layon ng
Pandiwa
Ang tuwiran layon ng pagganap ng pandiwa sa tinig na
tukuyan ay pinangunguhanhan ng katagang paaring ng.

halimbawa
bibili ako ng isda

Sa tinig ng kabalikan, ang simuno ay hindi siyang


tuwirang layon ng paggawa ng pandiwa; kung dalawa
ang layon ng pandiwa, ang lalong mahalaga dito ay
nasa kaukulang palagyo at ang isa naman ay
nananatiling pinangungunahan ng katagang pamanggit
o paari:

Halimbawa:
bigyan mo si Pedro ng tubig
ipagpatay mo ang maysakit ng manok
MGA PANDIWANG KABALIKÁN

Ang tawag na kabalikán ay tugón lamang sa


pagkabaligtád ng ayos ng isáng pangungusap na túkuyan;
álalaóng bagá’y nagsasaád ng pagigíng simunò ng dating
kagánapan, pagigíng kagánapan ng dating simunò, at pag-
iibáng panlapì ng pandiwà.
Gaya sa mga sumusunód na pangungusap:

túkuyan –si Luningníng ay pumitás ng bulaklák –


ang pusà ay nakáhuli ng dagâ
–huwág kang magtayô ng bahay sa tabíng ilog
–ayaw akóng magpahirap pa sa kanyá
kabalikán
–ang bulaklák ay pinitás ni Luningníng
–ang dagâ ay náhuli ng pusà
–huwág mong itayô ang bahay sa tabíng ilog
–ayaw akóng siyá’y pahirapan pa
Subalì, ang pamagát na kabalikán ay dî tumutugón nang
sapát sa buóng kaibháng nangyayari. Sukat nang nápansín
sa mga halimbawà sa itaás, na dî lamang natútumbalík ang
pagkakásunud-sunód ng mga salitâ, katagâ at panlapì,
álalaóng bagá’y ang ayos ng mga pangungusap, kundî
yaóng sa túkuya’y hamak na pagbanggit lamang sa urì at
ngalang panlahát ng bagay na nilalayon, sa kabalikán ay
nagíng pagtiyák na kung alín o kung ilán ang tinurang
bagay na di-sukat nang ipagkámalî pa sa ibá.

Sa bigláng sabi, bukód sa ayos na kabalikán ay may diwà


pa ng katiyakán. Náritó ang lalong ikinapagigindapat ng
tawag na balintiyák (hangò sa balík o baling at tiyák,
kahawig ng balík-igtád, balin-tunà, balin-tuwád, bali-kukô,
atb.) sa mga pangungusap at pandiwang saliwâ sa túkuyan.
Ayon dito’y maaarì nang gamitin kapwà ang dalawá.
Salamat sa pakikinig

Tuloy ang laban 

You might also like