Epp5 Agri Slem Q1-Week6 Validated

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Department of Education

NATIONAL CAPITAL REGION

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan

Baitang Lima

PAMANTAYAN NG PAGKATUTO:

1. Nakikilala ang mga katangian ng alagang hayop/isda na


maaari nang ipagbili.
2. Natatalakay ang iba’t ibang salik upang makatulong sa
pagkakaroon ng magandang palatandaan ng hayop na
maaari nang ipagbili .
3. Napapaliwanag ang palatandaan ng alagang hayop/isda
maaari nang ipagbili.
EPP5AG0j-18

1
PAANO GAMITIN ANG SLeM

Bago simulang gamitin ang modyul,nais kong itabui mom una ang
iba mo pang mga mga Gawain na makakasagabal sa iyo habang
masaya mong ginagawa ang mga aralin.Basahin ang simpleng
panuto sa ibaba upang matagumpay mong maisakatuparan ang
mga layunin ng kit na ito.
Gawin mo ito ng may galak!

1. Sunding maigi ang mga nilalaman at mga panuto na


nakalagay sa bawat pahina ng modyul.
2. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga konsepto tungkol sa
aralin. Ang pagsusulat ay pagpapahusay ng pagkatuto na
napakahalagang malinang at maitanim sa isipan.
3. Isagawa ang lahat ng mga Gawain sa modyul.
4. Hayaang ang iyong tagapagdaloy/tagapangalaga ang
tumingin o magtasa ng mga kasagutan mo gamit ang kard
ng susing sagot.
5. Suriin ayon sa konsepto ang pangwakas na pagsusulit at
gamitin ang natutuhan mo.
6. Enjoy ka lang sa pag-aaral!!

Inaasahan
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo na:

1. makakilala ng mga katangian ng alagang hayop/isda na maaari nang


ipagbili.
2. makatalakay ng iba't ibang salik upang makatulong sa pagkakaroon ng
magandang palatandaan ng hayop na maari nang ipagbili.

Simulan natin ang iyong paglalakbay sa pagtuto ng (pamagat ng aralin)


Sigurado akong handa at nasasabik kang sagutan ang Panimulang Pagtataya.
Ngumiti ka at magsaya.

2
Unang Pagsubok

Subukin Natin:
Panuto: Itala kung anong kagamitan o kasangkapan ang binabanggit na
kailangan ihanda bago magsimula ng pagmamanukan. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon sa ibaba.

1. Tinitipon dito ang mga dumi ng manok upang matuyo at hindi mangamoy.
_______________________________________________________________________
2. Ginagamit ito sa mga panahon na may sakit o napepeste ang mga manok.
_______________________________________________________________________
3. Ang tirahan ng mga manok upang ligtas sila sa sobrang init o lamig ng
panahon.
_______________________________________________________________________
4. Ito ay maaaring walis, dustpan at hose ng tubig.
_______________________________________________________________________
5. Ito kinakailngan sa arw-araw ng mga manok upang matiyak ang pag-
unlad ng kanilang kalagayan.
_______________________________________________________________________

Malinis na lugar at malayo sa mga bahayan.


Sapat , angkop at masustansyang pagkain.
Lugar na tapunan ng dumi ng manok
Gamit sa paglilinis ng kulungan.
Nararapat na gamot at bitamina.
Pakainan at painuman.
Maayos na kulungan.

3
Balik-Tanaw

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang letrang bubuo sa salitang tinutukoy ng


bawat pahayag.
3

4 5

Pahalang:
2. walang kaliskis
4. may dalawang paa

Pababa:
1. may pakpak, mabagal pakindingkinding kung lumakad
3. ito ay may apat na paa at nagbibigay sa atinn ng karne.
5. ito ay nagbibigay ng gatas.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

MGA DAPAT ISAALANG-ALANGSA PAGBEBENTA NG ISDA


1. Alamin ang lugar na may mataas na pangangailangan ng isda (fish
demand).
2. Alamin ang tamang sistema ng pagdadala ng isda (fish transport) para
mapanatili ang magandang kalidad.
3. Dapat ay tama at pare-parehas ang laki ng mga isda.
4. Dapat ay walang masamang lasa (off flavor) ang mga isdaang ibebenta.

4
5. Dapat ay sariwa o buhay ang mga isda at hindi bilasa.
6. Dapat maganda at maayos ang pagkahuli para hindi mawalan ng
kaliskis at hindi magasgasan.
7. Dapat hindi busog o pinakain ang mga isda bago hulihin para hindi
madaling mamatay o mabilasa.
8. Dapat maayos ang kulay at mapula ang hasang.

PORMULA PARA SA MATAGUMPAY NA PAGAALAGA NG ISDA

Maganda ang klase ng semilya na aalagaan


+
Tama at maayos ang lagay ng palaisdaan
+
Mahusay na kalidad ng tubig
+
Tahimik at maayos ang kapaligiran
+
Mayroong pagbebentahan ng mga aning isda at mataas ang presyo

Maaaring isaalang-alang ang mga sumusunod na palatandaan sa


pagbebenta ng mga alagang hayop:

1. Manok – 30 or 35days; ang timbang dapat ng manok sa loob ng


35 days ay aabot sa 1.6 kg

2. Itik – Maaaring ibenta ang halos lahat ng bahagi ng itik at mga


produkto mula dito. Ang mga itik na pang-karne ay maaaring
ibenta ng linis na o buhay pa. Ang mga itik na hindi na
nangingitlog o mahina nang mangitlog ay maaari ring ibenta sa
mga nagtitinda sa palengke. Ipagbili ang mga itlog nito habang
sariwa pa.

5
3.Pugo – ang pugo ay isang ibon na karaniwang inaalagaan
para mangitlog. Karaniwang nangingitlog na ang mga inahin
pagkaraan ng 45 araw. Ipagbili ang mga itlog nito habang
sariwa pa. 115

4. Tilapia – kapag ang tilapia ay tatlo hanggang apat na buwan na


o kaya’y 80-100 gramo handa na itong anihin. Maaari din naman
gawing batayan kung ito ay labinglimang sentimetro na ang haba,
puwede na ring ipagbili ang alagang isda

Gawain

Panuto: Isulat sa patlang ang iyong kasagutan batay sa mga katanungan na


nasa ibaba.

Mga Tanong sa Kritikal na Pag- iisip

1. Paano mo masasabi na ang alagang hayop ay puwede ng isapamilihan?


________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

6
2. Sa pagbebenta ng inaning isda,anu-anong magandang katangian ang
dapat ipamalas sa kapwa?
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Tandaan

Dapat isaalang-alang ang mga palatandaan sa pagbebenta ng mga


alagang hayop. Isa-isahin ang mga ito.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Ang mga alagang hayop ay nakapagdudulot ng iba’t ibang pagkain na


maaaring ihain sa hapag kainan ng mag-anak sa araw-araw.
Panuto: Gumawa ng talaan ng mga ulam, putahe o kakanin na ginagamitan
ng mga produktong nagmula sa mga alagang hayop. Isulat sa loob ng kahon sa
tapat ng bawat hayop ang sagot .
Manok Itik Pugo Tilapia
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.

7
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung ang pahayag ay tama at


( X ) kung mali.
_______ 1. Mahirap maipagbili sa magandang presyo ang mga alagang
hayop kung mapananatili ang mataas na uri nito.
2. Ang mga alagang hayop ay nakapagdudulot ng iba’t ibang
pagkain na maaaring ihain sa hapag kainan ng mag-anak sa
araw-araw .
_______3. Dapat maayos ang kulay at mapula ang hasang ng manok.
_______4. Ang itlog ng manok at pugo ay hindi maaaring ibenta.
_______5. Kung kailangan ,ang mga hayop na ipagbibili ay dinadala sa
pamilihan nang buhay o bilang karne

Sanggunian

Peralta, Gloria A., Arsenue, Ruth A., Ipolan, Catalina R., Quimbao, Yolanda L.,
de Guzman, Jeffrey D., Kaalaman at kasanayan tungo sa kaunlaran 5 (2016)
ph. 83 - 90
Vibal Group, Inc. Quezon City

Deliarte, Evelyn D., Ventura, Ana B., Emen, Randy R., Makabuluhang gawaing
pantahanan at pangkabuhayan 5 (2015) ph.87-101
ADRIANA PUBLISHING CO. INC. Quezon City

8
Inihanda ni:

MANUNULAT:
Roqueta C.Mirasol
Guro III
Paaralang Elementarya ng Nicanor C. Ibuna
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod-Lungsod ng San Juan

TAGAGUHIT:
Allan E.De Paz:
Guro II
Paaralang Elementarya ng Marcelo H. Del Pilar
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod-Lungsod ng: Caloocan

TAGASURI ng WIKA: MARIA GINA B. CARBOS


Guro II
Paaralang Elementarya Santiago A. De Guzman (SPECIAL SCIENCE CLASS)
Sangay ng mga Paaralang Panlunsod-Lungsod ng: Valenzuela

SUSI NG PAGWAWASTO
Unang Pagsubok:
1.Lugar na tapunan ng dumu ng manok
2.Nararapat na gamut at bitamina
3.Malinis na lugar,at malayo sa mga kabahayan
4.Gamit sa paglilinis ng kulungan.
5.Maayas na kulungan

Balik Tanaw:
1. Bibe
2. itik
3. baboy
4. manok
5. kambing

9
Gawain:
1.may sapat na timbang
2.Ang isda ay sariwa.

Pag-alam sa mga Natutunan

Manok Itik Pugo Tilapia


Prito/kaldereta Adobo/Prito adobo Paksiw/prito

Pangwakas na Pagsusulit:
1. X
2. /
3. /
4. X
5. /

10

You might also like