Gr5 Agri Notes Wk8 10

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GRADE 5 – EPP (Agriculture) Notes Wk 8 - 10

WASTONG PAMAMARAAN SA PAG-AALAGA NG HAYOP NA NAPILING


ALAGAAN
Wastong Pamamaraan sa Pag-aalaga ng Hayop.
1. Bigyan ng sapat na liwanag at hangin ang kulungan upang makalanghap ng
sapat na oxygen.
2. Iwasan ang pagsiksikan sa kulungan upang maiwasan ang pagkamatay ng
hayop.
3. Bigyan ng sapat at tamang pagkain at inumin ang mga hayop.
4. Panatilihing malinis at tuyo ang kulungan upang maiwasan ang sakit.
5. Pabakunahan ang mga alagang hayop.
6. Ihiwalay ang mga alagang may sakit upang hindi mahawa ang mga malulusog.
7. Huwag saktan ang mga alagang hayop.

PAGSUNOD SA MGA TUNTUNING PANGKALIGTASAN AT PANGKALUSUGAN SA


PAG-AALAGA

Narito ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop.


 Mahalagang tuyo at malinis ang tirahan ng hayop.
 Huwag bigyan ng sariling medikasyon ang mga alagang hayop lalo na kung may
malubhang kalagayan.
 Isangguni sa beterinaryo ang mga alagang hayop lalo na kung may masamang
kalagayan.
 Ihiwalay kaagad ang mga hayop na may sakit.
 Ibaon agad sa lupa ang mga gamot kung hindi na maaaring gamitin upang maiwasan
ang aksidente.
 Sunugin ang mga hayop na namatay sa sakit upang hindi na kumalat at mahawa pa ng
sakit ang ibang hayop.
 Gumamit ng bota, guwantes, mask o plastic na damit sa paglilinis ng kulungan at sa
pag-aasikaso ng alagang hayop na may sakit.
 Maglinis ng katawan pagkatapos gampanan ang gawain.

PAGSUBAYBAY SA PAGLAKI NG MGA ALAGANG HAYOP/ISDA GAMIT ANG ISANG TALAAN

Hindi nagtatapos sa pagkakaroon ng alagang hayop at pagpapakain nito ang iyong


gawain bilang tagapag-alaga. Kailangan ding maitala mo ang araw-araw na pagbabagong
pisikal sa mga ito. Ang talaan ay makakatulong upang masubaybayan ang paglaki ng mga
alagang hayop.
Tingnan ang halimbawa ng tsart ng alagang isda.
Alagang Isda: Tilapia
Buwan Laki / Bigat (g) Pagkain (feeds)
1 25 g 4 x bawat araw
2 50 g 3 x bawat araw
3 100 g 3 x bawat araw
4 150 g 2 x bawat araw
PALATANDAAN NG ALAGANG MAAARI NANG IPAGBIBILI
Ang mga hayop na inaalagaan ay inaani rin tulad ng gulay. Tulad ng isdang tilapya na maaari nang
anihin pagkaraan ng tatlo hanggang apat na buwan. Mabilis lumaki at dumami ang tilapya kaya iwasan ang
magsiksikan ito sa fish pond. Maging maingat lamang sa paghawak o paglilipat ng mga ito upang hindi
mamatay agad.

Narito ang ilang palatandaan na maaari nang anihin at ipagbili ang mga alagang isda.
Uri ng Isda Panahon ng Pag-aani
1. Tilapia 3 - 4 na buwan
2. Bangus 6 na buwan
3. Karpa 1 taon

PAGGAWA NG ISTRATEHIYA SA PAGSSAPAMILIHAN


Ang lakas ng benta ay nakadepende sa diskarte ng nagbebenta. Ang tradisyonal
na istratehiya ay ang pagtitinda sa pwesto sa mga palengke. Hanggang ngayon ay ito pa rin
ang ginagamit ng karamihan.
Sa panahon ngayon na makabago na ang teknolohiya, may mga bagong paraan o
istratehiya rin ng pagbebenta kung saan madali lang maubos ang paninda na hindi
masyadong nakakapagod.
Maaaring gumawa ng:
a. anunsiyo gamit ang megaphone
b. anunsiyo sa radyo
c. flyers na ibibigay sa mga kakilala at kapitbahay
d. online selling para sa mas malawak na sakop
Assessment in EPP 5 – Agriculture

Name: ____________________________________________ Score: ______________


Basahin ang mga pahayag. Isulat sa loob ng bilog ang TG kung tama ang gawain ang HT kung hindi tama.
1. Hinayaan ni Jeny na kainin ng pusa ang alaga niyang sisiw.
2. Pinapaliguan ni Roy ang alaga niyang aso.
2. Gumawa ng kulungan si Mang Ernesto para sa kanyang mga pugo.
3. Pinapakain at pinapainom ni Grace ang alaga niyang manok.
4. Itinapon ni Arman ang kanyang alagang pusa sa ilog.

Isulat ang TP sa puwang kung tama ang pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop at


HT kung hindi.
________ 1. Paiinumin ko ng tubig ang aking alagang manok.
________ 2. Lilinisin ko ang pond ng alaga kong tilapya.
________ 3. Bigyan ko ng pagkain ang aking alagang pato.
________ 4. Pinukol ko ng bato ang alaga kong inahin dahil kinain ang tanim kong mais.
________ 5. Binigyan ko ng feeds ang alaga kong Broiler na manok.

Hanapin ang salita sa loob ng kahon at isulat ito sa puwang na dapat kalalagyan
sa bawat pangungusap.
gwantes beterinaryo mask maglinis
gamot bota mahawa sunugin

1. _________________________ ng katawan pagkatapos mag-asikaso sa kulungan ng hayop


na may sakit.
2. Ibaon agad sa lupa ang mga ___________________ na hind na maaaring gamitin.
3. Dapat isangguni sa _____________________ ang hayop na may malubhang sakit.
4. Kailangang gumamit ng ____________, _______________ at _____________ kapag
nag-asikaso ng may sakit na hayop.
5. ___________________ ang mga hayop na namatay sa sakit upang hindi ______________
ang ibang hayop.

Isulat sa puwang ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.


_____ 1. May kaakibat na mga responsibilidad ang pag-aalaga ng hayop.
_____ 2. Bigyan ng sapat na pagkain at inumin ang mga alaga.
_____ 3. Pabayaan sa labas ng kulungan ang may sakit na hayop.
_____ 4. Ang tilapia ay maaari nang anihin pagkatapos nga isang taon.
_____ 5. Habang papalaki ang mga isda ay papaunti din ang ibibigay na pagkain.

You might also like