Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3
QUIZ # 3
PANUTO: Piliin ang pinakatamang sagot. Isulat ang titik ng iyong sagot.
1. Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang
paggawa ang nagbibigay katuturan dito. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang sumusunod maliban sa ____________. A. nabibigyang-dangal ang kanyang pagkatao B. nagagampanan niya ang kanyang tungkulin sa Diyos C. nakakayanan niyang suportahan ang kanyang mga pangangailangan D. napagyayaman ang pagiging makasarili
2. Ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa mga palatandaan ng pag-unlad ng
ekonomiya ng isang bansa ngunit unti-unti rin nitong nailalayo ang tao sa kanyang tunay na esensiya sa mundo. Alin sa sumusunod ang nagpapatibay sa pahayag na ito? A. pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakakilanlan at kakayahan B. pagkamit ng kaganapang pansarili C. pagtulong sa kapuwa upang makamit ang kanyang kaganapan D. lahat ng nabanggit
3. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas
kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa? a. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga c. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.
4. Sa paanong paraan nagiging hindi makabuluhan ang paggawa?
A. Kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa pagkamit ng tunguhin B. Kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos C. Kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang kaniyang matamasa ang bunga ng kanyang pinagpaguran D. Kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang kahulugan ng kaniyang paggawa
5. Ano ang mabuting naidudulot ng pag-unlad ng Agham at Teknolohiya sa
pagiging produktibo ng tao sa paggawa ____________. A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao. C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto D. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
6. Tunay ngang naiaangat ang antas ng pagpapahalaga sa paglilingkod kung
_____________. a. May hinihintay na kapalit b. Ito ay pagpapalipas lamang ng oras c. Naglilingkod upang makilala ang sarili d. Nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural at moral ng lipunan.
7. Paano mo maisasagawa ang bolunterismo at pakikilahok nang bukal sa iyong kalooban?
a. Tumulong nang may kapalit b. Gawin ito upang ipakita sa iba na ikaw ay nakikilahok c. Tumulong sa iba upang maging sikat d. Tumulong nang taos-puso 8. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis-tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico? a. impormasyon C. sama-samang pagkilos b. konsultasyon D. pagsuporta 9. Alin ang taglay ng tao kaya siya ay karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa? a. bolunterismo C. pakikilahok b. dignidad D. pananagutan 10. Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag ay ____________. a. tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong. b. mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo. c. tama, sapagkat maaari kang mabagabag ng iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling yaon. d. mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.