Edukasyon Sa Pagpapakatao 9: Ikatlong Markahan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9: IKATLONG MARKAHAN

(Una at Ikalawang Linggo)

Pangalan: __________________________________ Guro: _____________________


Baitang@Seksyon: ___________________________

KATARUNGANG PANLIPUNAN

A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?


Ayon sa isang kasabihan, “Hindi mo alam kung ano ang nariyan hangga’t hindi ito nawawala sa ‘yo.”
(You don’t know what you have until it’s gone.) Mula pinakamumunti at mababaw na bagay tulad ng isang
kamiseta o payong hanggang sa pinakamalalim at malapit-sa-puso gaya ng kaibigan o magulang, madalas
binabalewala lamang sila hanggang sa maging huli na ang lahat. Ganito rin ang katarungan. Hindi napapag-
usapan, hindi nga rin siguro talaga naiintindihan, ngunit kapag binawi na, saka nagngingitngit sa galit o
nagmamakaawang nagsusumamo ng “katarungan!” ang nakararanas ng kawalan nito. Inaasahan sa modyul na ito na
maipamamalas mo ang pag-unawa sa katarungang panlipunan. Ito nga ba ay tungkol sa batas ng pagpaparusa at
pagh ihiganti? Ito ba ay tungkol sa transaks iyonal na ugnayan ng pamahalaan at mamamayan? Gagabayan ka ng
modyul na ito upang makita mo ang hindi pagkahiwalay ng konseptong ito sa iyong pansariling buhay, nang sa
gayon, maghikayat ka na itaguyod at ipaglaban ang pagpapahalagang ito.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
9.1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan
9.2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan
9.3. Napatutunayan ang Batayang Konsepto
9.4. Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon

B. PAGPAPALALIM

KATARUNGANG PANLIPUNAN
"Katarungan para kay Ka Dencio!" ang sikat na linya sa 80s ng pelikulang Sister Stella L (1984) na
pinagbidahan ni Vilma Santos. Tungkol ito sa isang madre na nakiisa sa pagpipiket ng mga manggagawa laban sa
mapaniil na pamamalalakad ng pabrika.

Katarungan. Madalas mong naririnig ito sa mga rally kapag ipinaglalaban ang karapatan sa lupa o kaya
sa balita tulad ng iyak ng isang inang pinagnakawan ng buhay ng anak. Katarungan ang sigaw kapag may inapi.
Katarungan ang hinihingi kapag hindi patas ang turing sa tao. Kung titingnan nang maigi, ang paggamit sa salitang
"katarungan" sa mga nabanggit na halimbawa ay negatibo. Sa totoo, mas angkop yatang sabihin na tungkol sa
pagkawala ng katarungan o "kawalang-k atarungan" ang pinag-uusapan sa itaas. May sinasabi ito sa atin: (1) ang
usaping "katarunga n" ay lumalabas lamang sa diskursyo kapag nawawala na ito o kapag umiiral ang inhustisya
(kawalang-katarungan), at (2) sa maraming panahon na hindi nawawala ang katarungan, ang ibig sabihin nito ay
umiiral ang katarungan.

Ano ang katarungan kung gayon? Saan mararanasan o makikita ang


katarungan? Baka makatulong sa ating pagmumuni ang pagbaliktad ng mga
naunang halimbawa tungkol sa kawalangkatarungan. Kung kawalang-katarungan
ang pagpatay, ang buhay ay katarungan. Kung kawalang-katarungan ang pang-
aagaw ng lupa, katarungan ang gumalang sa pagmamay-ari (ng lupa). Kung
kawalang-kat arungan ang pang-aapi, katarungan ang pagkalinga at paggalang sa
dignidad ng tao. Mula sa tatlong halimbawang ito, masasabi nating ang
katarungan ay umiikot sa dalawang nibel: ang nibel ng pagkilala sa tao bilang tao;
at ang nibel ng pagkilala sa karapatan ng tao. Ang una ay tungkol sa taong
tumatayo bilang isang indibidwal na may sariling pagka-siya at ang pangalawa
naman ay tungkol sa ginagalawang ugnayan ng tao sa kapwa at lipunan.
Tao bilang Tao
Ang tao bilang binubuo ng katawan, pagnanasa, kasaysayan, mga layunin, at pangarap ay tinatawag ng
sarili na ipunin ang mga naghahatakang puwersang ito upang manatiling isa at buo. Kung magpapabaya ang tao
sa kaniyang sarili – halimbawa ay hindi siya kakain nang husto at wasto – manghihina ang kaniyang katawan at
hindi na niya magagawa ang mga gusto niyang gawin. Kung magpapadala lamang siya sa mga pagnanasa ng
katawan--magpapakasasa sa pag-inom o uubusin ang oras sa bigay-hilig na paglalaro ng DOTA, mawawalan siya
ng oras para sa iba pang importanteng bagay tulad ng paglalaba ng damit, paglalaro ng sports, pag-aaral o
pamamasyal kasama ng pamilya. Kung puro prinsipyo lamang ang paninindigan ng tao, baka makalimutan niya
ang iba pang mahahalagang relasyon na kaniya ring kinapapalooban. Baka dahil sa pagpipilit halimbawa ni
Stephen na maabot ang pinakamataas na grado sa klase, makalimutan niya ang pagkain at/o ang pakikihalubilo
sa mga kaibigan.

Ang katarungan sa sarili ay ang paglalagay sa ayos ng sarili. Iniipon at binubuo


ng tao ang iba’t ibang salik at puwersang nagtutunggalian at humahatak sa
kaniya na tumungo sa iba-ibang direksiyon. Nariyan ang inay na inuutusan
akong maglinis ng bahay habang sinisikap kong intindihin ang takdang-aralin
para bukas dahil nag aalanganin akong bumagsak sa klase. Nariyan pa ang hatak ng mga barkada na gumimik na
lang at ang sigaw naman ng loob na disiplinahin ang sarili. May tukso din na iwan na muna si inay na kanina
pa nagagalit at tumakbo na lang papunta sa kasintahan na nakakaintindi sa pinagdadaanan ko.

Sa ganitong pag-unawa sa katarungang panlipunan, inaaako ng sarili ang malaking tungkulin na maging
makatarungan sa sarili. Dahil kung hindi magiging maayos ang tao, ang komunidad na kaniyang gagalawan ay
mawawasak din. At sa isang katwang balik-ikot ng ugnayang tao at komunidad, kung wala ring katarungan sa
lipunan, pati ang tao sa loob nito ay hindi magagawang mabuo ang sarili. Mahalaga ang papel ng pamahalaan
dito. Kung hindi matuwid ang pamahalaan, kung hindi ginagawa nang maayos ang kaniyang ekonomiko at
pampolitikang tungkulin, mahihirapan ang mga tao na pag-ukulan pa ng panahon ang mga ugnayan sa
komunidad. Kanikaniyang pagsisikap at pagtatrabaho para sa sariling buhay ang iiral—kalat at walang direksyon—
na, ayon sa nakita natin batay sa siklongugnayan ng tao sa kapwa at tao sa sarili, mauuwi lamang sa wala
kundi pagkawasak lamang ng lahat. Kaya't alang-alang sa lipunan at alang-alang din sa sarili, utang na loob ng bawat
isa na magkaroon ng katarungan sa sarili at sa komunidad dahil ang ikaaayos ng bawat isa ay nasa kamay ng
bawat isa. Mabubuo lamang ng pamahalaan ang mga mabibisang prinsipyong ekonomiko at pampolitika kung ang
mga namumuno sa loob niya ay makatarungan din sa kani-kanilang mga sarili. Halimbawa na ang Punong
Barangay at Alkalde ay maayos na tao – hindi pinangungunahan ng kanilang sariling mga hilig at pagnanasa sa
kapangyarihan lamang. Na ang mamamayan ay makatarungang tao din na hindi inaasa pa sa pamahalaan ang
sarili niyang pag-aayos ng kaniyang bakuran, pamilya, at sarili. Ngunit lahat ng ito ay kaila ngang umpi sahan ng
makatarun gang tao sa sarili niya.

Ang katarungan ay hindi hinihingi o inaasahan mula sa labas. Bagaman iginagawad din ng panlabas na
estruktura tulad ng pamahalaan, ang katarungan ay kailangang Makita bilang isang kilos na nagmumula sa loob
ng bawat isa. Hindi bilang karapatan ko lamang bilang miyembro ng lipunan kundi bilang kilos ng pagpapahalaga
ng sarili dahil ako ay may halaga sa sarili at sa komunidad.
Ang katarungan, ang paghahangad at pagpap atupad nito, ay hindi hinihin tay dumating sa akin. Ginagawa ito
n gayon. Sabi nga ni Si ster Ste lla L , "Kun g hin di a ko, sin o? Kung hindi ngayon, kailan?"
Nakahanda ka na bang tumugon katulad niya? Ngayon na!

Gawain 1. Tayain ang Iyong Pag-unawa (5 puntos sa bawat bilang.)


1. Ano ang ugnayan ng katarungan sa sarili at katarungang panlipunan?

2. Bakit kailangang pagtibayin at itaguyod ang katarungan ngayon?

3. Ano-ano ang ginagawa mo upang maitaguyod ang katarungan sa ating bansa?


4. Saan mo nakikita sa iyong paligid ang katarungan? Ano ang ginagawa mo para mapagtibay ito? Saan mo
nasasaksiha n ang kawalang-ka tarungan? Ano ang ginagawa mo para mapuksa ito?
Gawain 2. Paghinuha ng Batayang Konsepto
1. Kumuha ng isang malinis na papel. Isulat dito ang lahat ng mga mahahalagang konsepto na iyong natutuhan mula
sa mga gawain at sa babasahin.
2. Gumawa ng isang concept web upang mapag-ugnay-ugnay ang mga konseptong naisulat.
3. Matapos gawin ito ay subuking sumulat ng isang malaking konse pto mula sa mga maliliit na konseptong
naisulat.
4. Makatutulong sa iyo ang gabay na tanong na: Ano ang katarungang panlipunan? Ano ang maitutulong nito
tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao at sa tunay na layunin ng lipunan?
5. Maaaring gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba:

Katarungang

Panlipunan

Batayang Konsepto:

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at
isulat ang titik nito sa sagutang papel.
1. Ano ang katarungan?
a. Paggalang sa sarili.
b. Pagsunod sa batas.
c. Pagtrato sa tao bilang kapwa.
d. Lahat ng nabanggit.
2. Ano ang tamang pagpapatupad sa katarungan?
a. Ikulong ang lumabag sa batas.
b. Patawarin ang humingi ng tawad.
c. Tumawid sa tamang tawiran.
d. Bigyan ng limos ang namamalimos.
3. Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?
a. mamamayan b. pamahalaan c. pulis d. Lahat ng nabanggit.
4. Bakit kailangan ng mga batas?
a. Upang matakot ang mga tao at magtino sila.
b. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos.
c. Upang parusahan ang mga nagkakamali.
d. Lahat ng nabanggi t.
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?
a. Ang pagbibigay ng bagsak ng grado sa hindi nakakatupad sa mga
kakailanganin sa klase.
b. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
c. Ang pagbigay ng limos sa namamalimos sa kalye
d. Wala sa nabanggit.
6. Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?
a. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya.
b. Pagpapauta ng ng 5-6.
c. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay.
d. Wala sa nabanggit.
7. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:
a. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.”
b. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.”
c. “Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala.”
d. “Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.”
8. Ang katarungang panlipunan ay:
a. ideyal lamang at hindi mangyayari sa talaga.
b. ukol sa parehong komunidad at sarili.
c. pinatutupad ng pamahalaan .
d. Wala sa nabanggit.
9. Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:
a. sarili b. pamahalaan. c. lipunan. d. Diyos.
10. Nakapaloob sa katarungang panlipunan ang mga sumusunod:
a. batas, kapwa, sarili.
b. Diyos, pamahalaa n, komunidad.
c. baril, kapangyar ihan, rehas.
d. batas, konsensya, parusa.

You might also like