LeaP AP G5 Week7 Q3
LeaP AP G5 Week7 Q3
LeaP AP G5 Week7 Q3
Sa araling ito ay dadalhin ka sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Dito matutunan mo ang pagpapahalaga ng
mga katutubong Pilipino upang mapanatili ang kasarinlan.
Sa aralin ding ito malalaman mo kung sino ang mga katutubong nakipaglaban para sa kalayaan at ang dahilan
kung bakit hindi nagtagumpay ang mga kolonyalistang kastila na sakupin ang mga katutubong Igorot.
Bilang isang mag-aaral ikaw ay inaasahan:
a. natutukoy ang mga katutubong Pilipino na lumaban sa mga Espanyol upang mapanatili ang kanilang
Kalayaan;
b. naibibigay ang mga dahilan ng pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong Igorot; at
c. napahahalagahan ang mga katutubong Pilipinong lumaban upang mapanatili ang kasarinlan.
Ngayon ay ating alamin kung paano nakipaglaban ang katutubong Pilipino sa mga Espanyol.
Hindi naging madali sa mga Espanyol na sakupin ang Pilipinas. Kinailangan nilang magkaroon ng isang magandang
taktika upang mahimok ang mga katutubong Pilipino na tanggapin ang kolonyalismo at masupil ang mga ito. Ang
Hilagang Luzon at Mindanao ay iilan sa mga lugar na nais sakupin ng mga Espanyol dahil sa mga likas na yaman na
mayroon ang mga lugar na ito at baguhin ang kanilang paniniwala na may kinalaman sa relihiyon.
Idinaan ng mga Espanyol sa marahas na pamamaraan ang pagsupil sa mga Igorot at Muslim. Gamit ang iba’t
ibang armas, ang pamahalaang kolonyal ay nagpadala ng ekspedisyong militar sa Cordillera at Mindanao upang
matiyak ang pagkatalo ng puwersa ng mga katutubo.
Ipinatupad din nila ang divide and rule policy upang pagwatak-watakin ang mga katutubo at upang humina
ang pwersa ng mga ito sa pakikipaglaban. Nagpadala rin sila ng mga mersenaryo upang labanan ang kapwa
katutubo. Sa kabila nito, buong giting na nakipaglaban ang mga ito upang mapanatili ang kanilang mapayapang
pamumuhay sa kanilang lupain.
5. Ang mga gabay na tanong ay maaaring magamit ng mga magulang upang maproseso at maunawaan ng
mag-aaral ang teksto na binasa.
Sa tulong ng mga prosesong tanong ay nagkaroon ka ng kaalaman sa mga pagpapahalaga ng mga katutubong
Pilipinong lumaban upang mapanatili ang kasarinlan. Upang lubos na maunawaan ang aralin gawin ang mga
sumusunod na gawain:
Pangunahing dahilan ng (1) ng mga Espanyol sa (2) Pilipino ay upang makuha ang deposito ng (3)
. Higit na umigting ang kanilang pagnanasa ng sumiklab ang (4) sa Europa. Subalit hindi nagtagumpay ang mga
(5) _ na matatagpuan ito.
Dahilan Bunga