Winner AP q4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 198

Aralin 1.

1 : Reporma sa Ekonomiya at
Pagtatatag ng Monopolyo sa Tabako

I. Layunin
Natatalakay ang reporma sa ekonomiya at pagtatatag ng monopolyo sa
tabako. ( 1.1 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Reporma sa Ekonomiya at Pagtatatag ng Monopolyo sa Tabako
Sanggunian : AP5PKB –IV a-b-1 ( 1. 1 )
http://int.search.myway.com/search/video.jhtml?n=781b8f6d&p2=%5EY6%5Ex
dm405%5ETTAB02%5Eph&pg=video&pn=1&ptb=C1D66178-8589-4AA4-AF6A-
B48AE433199A&qs=&searchfor=Monopolyo+sa+Tabako+sa+panahon+ng+Esp
anyol+&si=COflkdmK68YCFRQDvAodbZ0A3w&ss=sub&st=tab&tpr=sbt
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas
Pamana 5 pp. 83
Kagamitan: video clips, activity cards , tsart ng pagsasanay
strip ng kartolina , plaskard

Pagpapahalaga : Pangangalaga sa anumang uri ng pananim

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
https://www.youtube.com.watch?v=nknq5iClw
a. Pakikinig / Panonood ng balita
Pagbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo
malapit sa eskwelahan , hihigpitan .
b. Pagtalakay sa balita
* Tungkol saan ang nilalaman ng balita ?
* Saan ipagbabawal ang pagbebenta ng sigariyo ?
* Bakit kailangang malayo ang mga tindahang ito ng
sigarilyo sa mga paaralan ?

2. Balik - Aral : Saan ang lugar ko ?


* Ipasuri sa mga mag-aaral ang mabuti at di – mabuting
epekto ng pamamahala ng mga prayle .

* Ipalagay sa tamang hanay kung saan sila nabibilang.

Paglaganap ng Pagpapakilala sa isang


pananampalatayang pamahalaang saklaw ang
katolisismo buong kapuluan

Pagbabagong kultural at
Diskriminasyon
istilo ng pamumuhay
Pagmamalupit at
pagmamalabis ng mga
Espanyol sa kanilang tungkulin
at karapatan ng mga Pilipino

Mabuti Di- Mabuti

3. Pagganyak : Picture Study / Panonood ng Video Clip


a. Paggamit ng larawan
Itanong sa mga bata :
Ano ang nasa larawan ?
Ano ang nasa isip ninyo kapag nakikita ninyo ito ?

b. Panonood ng Video Presentation


https://www.youtube.com/watch?v=Xfu6XNSKTHQ
Pagtalakay sa nilalaman ng video
Ano ang nilalaman ng video na inyong napanood ?
Anong aral ang ipinababatid ng video ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 : Munting Kaalaman ( Matang Lawin - Kuya Kim )

a. Pipili ng isang bata na gaganap bilang Kuya Kim


magbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral.
b. Magkakaroon ng maikling talakayan sa kaalamang narinig :
a. Kailan sumailalim ang industriya ng tabako ?
b. Saan- sang lugar ipinatupad ang monolpolyo sa tabako ?
c. Ano ang kailangang itanim sa mga probinsiyang
nabanggit ?
d. Kanino dapat ipagbili ang mga inaning tabako?
e. Sino Ang higit na nakinabang sa monopoly ng tabako ?

Monopolyo ng Tabako

Ang industriya ng tabako ay sumailalim sa sa


pamamahala ng gobyerno sa panahon ng
panunungkulan ni Gobernador – Heneral Basco .
Ipinatupad ang monopolyo sa tabako sa Lambak ng
Cagayan , Ilocos Sur , La Union , Isabela , Abra ,
Nueva Ecija , at Marinduque noong 1781. Walang
ibang pananim sa mga probinsyang nabanggit kundi
tabako . Ang ani ay sa pamahalaan lamang ipinagbili
at sa itinakdang presyo . Hindi nakinabang ang mga
magsasaka sa monopolyo ng tabako . Walang ibang
probinsya ang ang pinayagang magtanim ng tabako
. Ang pamahalaan ay nagluwas ng tabako sa ibang
bansa at at nagbenta rin ng bahagi nito sa pagawaan
ng sigarilyo sa Maynila .
Maraming isinampang pera ang monoopolyo ng
tabako para sa pamahalaang kolonyal at ang
tabako ng Pilipinas ay sumikat sa buong Asya.
Subali’t hindi nagtagal , ito ay naging sanhi ng
katiwalian at tunggalian. Ang mga probinsiyang
sakop ng monopolyo ay dumanas ng kakulangan
sa pagkain. Ang mga magsasaka ay umangal sa
mababang presyo na ang tanging nakinabang ay
ang pamahalaan. Kung minsan hindi pa sila
nababayaran. Dahil sa pagmamalabis na ito ,
winakasan ni Haring Alfonso XII ang monopolyo
noong 1881.

Gawain 2 : Video Presentation


Reporma sa Ekonomiya at Monopolyo sa Tabako
http://int.search.myway.com/search/video.jhtml?n=781b8f6d&p2=%5EY6%5Ex
dm405%5ETTAB02%5Eph&pg=video&pn=1&ptb=C1D66178-8589-4AA4-AF6A-
B48AE433199A&qs=&searchfor=Monopolyo+sa+Tabako+sa+panahon+ng+Esp
anyol+&si=COflkdmK68YCFRQDvAodbZ0A3w&ss=sub&st=tab&tpr=sbt

a. Panonood ng Video clip


b. Pagtalakay sa Video na napanood
a. Ano ang isinasaad ng video ?
b. Ano ang inasabi tungkol sa Monopolyo ng Tabako ?
c. Bakit ipinatigil ang patakarang ito ng Hari ng Espanya ?

2. Pagsusuri
a. Ayon sa kaalamang narinig kay Kuya Kim paano mo ilalarawan ang
monopolyo sa tabako ?
b. Bakit sinasabing kaawa-awa ang mga magsasaka sa monopolyo ng
tabako ?
c. Bakit lumabag ang mga opisyales ng pamahalaan sa pagpapatupad
ng patakarang nabanggit ?
d. Kung ikaw ang gobernador heneral, paano mo ipatutupad ang
Monopolyo sa Tabako ?
e. Sang- ayon ka ba na ipatigil ng hari ng espanya ang pagpapatupad
nito ? Bakit ?
3. Paghahalaw : Jumbled Words

* Ipasagot ang tanong

Ano ang monopolyo ng tabako ?

* Ipaayos sa mga mag-aral ang mga salita upang masagot ang


tanong at mabuo ang kaisipan tungkol sa aralin ,

Monopolyo ng tabako
pagtatanim

apamahalaang
Espanyol

m
a
h
i
g
P
i
t
Ang monopolyo ng tabako ay pagtatanim lamang ng tabako at wala
ng iba pa sa mga piling lugar tulad ng Lambak ng Cagayan , Ilocos ,
Nueva Ecija at Marinduque sa ilalim ng mahigpit na pamamahala ng
pamahalaang Espanyol

4. Paglalapat : Group Dynamics


Pangkatin ang mga mag-aaral sa mas maliit na bilang upang
mas lalo nilang maunawaan ang aralin sa pamamagitan ng
pagpapakita ng iba;t-ibang gawain.

Pangkat 1 : Ikonek mo …
Gawin :
1. Pagdugtungin ang mga linya ng lugar kung saan
naatasang
magtanim ng mga tabako ang mga Pilipino .
2. Ihanda ang pangkat para sa pag-uulat .
3. Isigaw ang yell ng pangkat .

Lambak
ng
Nueva Cagayan
Ecija

Ilocos
Marinduque

Maynila
Pangkat 2 : Ipakita mo …
Gawin :

1. Ipakita ng reaksyon ng hari ng Espanya nang


malaman niya na umaabuso ang mga Espanyol sa
pagpapatupad ng Monopolyo sa Tabako.
2. Iparinig Sa klase..
3. Gamitin ang yell ng pangkat.

Pangkat 3: Iguhit mo ...

Gawin :

1. Iguhit ang masayang mukha ng mga Espanyol sa


pagpapatupad nila ng monopolyo ng tabako.
2. Ipaliwanag sa klase ang kasiyahang nararamdaman.
kung bakit sila masaya .
3. Gamitin ang yell ng pangkat.

Pangkat 4 : Ipaglaban mo …

Gawin :

1. Magkunwaring isa kang magsasaka na tila kaawa-


awa ang kalagayan sa patakarang Monopolyo sa
Tabako.
2. Ilahad ang damdamin mo sa kanilang paraan ng
pamamalakad.
3. Iparinig ito sa klase.
IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aral ang limang aytem na pagsusulit
upang mataya ang kinalabasan ng aralin. )
Panuto : Basahing mabuti ang mga sumusunod at piliin at
isulat ang titik nang tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng tungkol sa
monopolyo ng tabako .
A. Pagtatanim ng tabako sa ilang lugar na tanging
pamahalaan lamang ang may karapatang bumili sa mga
proodukto.
B. Pagtatanim ng tabako sa lahat ng lugar sa Pilipinas.
C. Paglaki ng kita ng mga magsasaka dahil sa tabako.
D. Pamimigay ng mga Espanyol sa mga magsasaka ng
gantimpala sa pagtatanim nila ng tabako
2. Anong uri ng lugar ng napiling pagtaniman ng mga tabako ?
A. angkop na lugar para sa tabako at malawak na espasyo
B. mataas at maaliwalas n alugar
C. matubig at malamig na panahon
D. tago at malayong lugar.

3. Sinasabing sa pamahalaan lamang dapat ipagbili ang mga inaning


tabako ng mga magsasaka. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap
na ito ?
A. Nais nilang sila lamang makinabang sa kita ng monopolyo sa
tabako.
B. Naaawa ang mga Espanyol sa mga Pilipino.
C. Ayaw nilang mahirapan ang mga Pilipino.
D. Walng kinikita sa monopolyo sa tabako kaaya sa pamahalaan n
lang ipagbibili.

4. Anong uri ng klima sa sa mga probinsiyang sakop ng monopolyo ?


A. Dumanas ng ng kakulangan sa pagkain
B. Lumaki ang kita ng mga magsasakang nakatira sa
probinsiya.
C. Naging masaya ang kanulang buhay .
D. Naparusahan ang lahat ng nakatira sa probinsiya.

5. Ang monopolyo ng tabako ay ang paglaki ng kita ng


pamahalaang Espanyol samantalang ang magsasaka ay
______ .
A. naging kaawa-awa sa kanilang kalagayan.
B. natutong humanap ng iba pang pagkakakitaan.
C. sumaya dahil sa pakinabang na dulot ng monopolyo.
D. nagwalang kibo na lamang sa pamahalaan
V. Takdang Aralin

Isulat ang iyong reaksyon tungkol sa pagpapatupad ng mga


Espanyol sa Monopolyo ng Tabako.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin 1.2 : Mga Pag-aalsa Sa Loob Ng
Estadong Kolonyal

I. Layunin
Naiisa – isa ang mga pag-aalsa sa loob ng estadong kolonyal .( 1.2 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Pag-aalsa sa Loob ng Estadong Kolonyal
Sanggunian : AP5PKB-IVa-b-1 (1.2 )
https://www.youtube.com/watch?v=rW86iy3JyGk
Isang Bansa , Isang Lahi 5, pp. 96-99
Pamana 5 pp.
Kagamitan: video clips, activity cards tsart ng pagsasanay
strip ng kartolina , plaskard
Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa damdamin ng isang tao

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Mock TV Patrol


Pakikinig ng balita tungkol sa isang kaganapan
tulad ng rally o demonstrasyon sa Maynila

2. Balik Aral : “ Ang Hardin ni Inay “


Ipahanap sa sa mga mag-aaral sa hardin ang mga
impormasyon na nagsasaad ng tungkol sa Monopolyo sa
Tabako .
( Nakasulat sa bulaklak ang mga impormasyon na
pipitasin sa hardin . )
Nanguna ang
Pilipinas
sa bilang tagapag-
ani ng tabako sa
buong Asia.

Tumagal ang
monopolyo
ng tabak

Lumaki ang kita ng


pamahalaan.

Itinanim ang tabako sa


Lambak ng Cagayan ,
lalawigan ng Ilocos ,
Nueva Ecija ,
at Marinduque

Sa pamahalaan lamang
kailangang ipagbili
ng mga magsasaka
ang mga produkto
3. Pagganyak : Sematic Web / Collage Making
a. Itanong sa mga bata kung ano ang alam nila sa salitang …
pag-aalsa .

pag-aalsa

b. Ipabuo sa mga mag-aaral ang larawan at talakayin ang nilalaman


nito.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 : Ang Mensahe
* Pagbasa ng Teksto
* Magkaroon ng maikling talakayan sa nabasang
teksto.
Pag-aalsa …

Ipinahayag ng mga Pilipino ang


pagsalungat sa pamahalaang kolonyal sa
pamamagitan ng pag-aalsa. Si Lakandula ,
. hari ng Tondo ang namuno sa unang pag-
aalsa laban sa Spain . Huminto siya sa pag-
aalsa nang mangako si Juan de Salcedo na
pipigilan nito ang pang-aabuso ng mga kawal
na Espanyol sa mga katutubo. . Ang pag-
aalsang ito ay umabot sa 100 ulit sa
lob ng mahigit na 300 taon ng
pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas .
Sa maraming pagkakataon , laging
ipinahahayag ng mga Pilipino ang
kanilang galit at hinanakit sa
pamumuno ng mga Espanyol. Sumiklab
sa lahat ng dako ng bansa ang
paghihimagsik laban sa pulitikal , pang
ekonomiya , panlipunan , at
panrelihiyong pamamalakad ng mga
Espanyol . Nais ng mga Pilipinong
muling matamoang kalayaang minsang
kanilang tinatamsa bago dumating ang
mga Espanyol. Ikinagalit nila ang
pagbabayad ng buwis ,at paglilingkod sa
sapilitang paggawa.

Taon Lider Lugar Dahilan Resulta


1574 Lakandula Maynila Pagtutol sa Nakumbinsi ni
pagpataw Juan de
ng buwis Salcedo SI
ng mga Lakandula na
Espanyol huwag nang
ituloy ang pag-
aalsa kapalit
ng
panunumbalik
ng pribile hiyo
na hindi
pagbabayad
ng buwis
1587- Magat Maynila Pagpapaali Nagtraydor
1588 Salamat ( s ng mga ang isang
anak ni Espanyol kasamahan na
Lakandula l sa Maynila si Antonio
Surabao kaya’t
nasugpo ng
mga Espanyol
ang pag-aalsa.
Nadakip ang
mga pinuno at
pinatay.
1596 Magalat Cagayan Pagtutol sa Pinapatay si
pagpataw Magalat
ng buwis
1621 Mga Cagayan Pagtutol sa Napigilan aang
Gaddang pagpataw pag-aalsa
ng buwis at dahil
sa namagitan si
sapilitang Padre de
pagtatrabah Santo Tomas
o na
ipinatupad
ng mga
Espanyol
1621 Bankaw Leyte Pagnanais Lumaganap
na ang pag-aalsa
manumbali sa ibang
k ang bahagi ng
katutubong Leyte.
relihiyon Nagpadala ng
mga sundalo
ang Cebu .
Napatay sa
labanan si
Bankaw
1621- Tamblot ( Bohol Pagnanais Napigilan ng
1622 katutubong na mga Espanyol
pari sa manumbali si Tamblot
Bohol ) k ang
katutubong
relihiyon
1649 Juan Ponce Samar Pagtutol sa Lumaganap
– Sumuroy pagpapadal ang pag-aalsa
1630 a ni sa ibang
Gobernador lalawigan
Diego kaya’t
Pajardo sa nagpadala ng
mga hukbo ang
mangagaw mga Espanyol
a ng .Nadakip si
Samar SA Sumuroy at
Cavite binitay .
upang
gumawa ng
barko
1660 - Francisco Pampang Pang- Nakipagkasun
1661 Maniago a aabuso ng do si Maniago
mga sa mga
opisyales Espanyol sa
na pangako na
Espanyol susundin ng
sa mga mga ito ang
Pilipino kahilingan ng
gaya ng di mga nag-alsa.
pagbabaya
d sa
pagtatrabah
o sa
pagputol ng
mga puno
1660- Andres Pangasin Pang- Pansamanta-
1661 Malong an aabuso ng lang naghari
mga si Malong
opisyales nang
na mapaslang
Espanyol ang
gobernador ,
subalit sa
huling labanan
ay nadakip si
malong at
binitay.
1663 Tapar Panay Pagnanais Nadakip at
na napaslang si
manumbali Tapar.
k ang
dating
relihiyon
1744 - Francisco Bohol, Pagtanggi Nagpadala ng
1828 Dagohoy ng padre- malakas na
( namuno kura na puwersa ang
sa bigyan ng gobernador
pinakama- Kristiyanon heneral upang
habang g libing magapi ang
pag-aalsa angkanyan puwersa ni
sa Pilipinas g kapatid dagohoy
noong 1828
1762- Diego Viga, Pagtutol sa Hinikayat ng
1765 Silang at Ilocos Sur pagbabaya mga Espanyol
Gabriela d ng buwis na paslangin si
Silang Silang ni
Miguel Vicos ,
kaibigan ni
Silang.
Ipinag-patuloy
ni Gabriela
Silang , ang
pag-aalsa .Sila
ay nadakip at
binitay

a. Tungkol saan ang nilalaman ng tekstong


nabasa ?
b. Sino-sino ang mga lider ng bawat pag-aalsa ?
c. Ano –ano ang dahilan ng pag-aalsa ng mga
katutubo ?
d. Anong kinahantungan ng kanilang ginawang
rebelyon o pag-aalsa ?

Gawain 2. : Video Clip Presentation


https://www.youtube.com/watch?v=rW86iy3JyG
* Ipapanood sa mga bata ang video clip
* Magkaroon ng maikling talakayan sa napanood
a. Ano ang inyong napanood sa video ?
b. Sino –sino ang mga katutubong nanguna sa
pag-aalsa
c. Bakit nagkaroon ng mga pag-aalsa ?
d. Naging matagumpay ba ang mga pag-aalsang
nabanggit ? Bakit ?

2. Pagsusuri
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong
a. Saan humantong ang pananakop ng mga
Espanol sa mga Pilipino ?
b. Ano ang nagbigay sa kanila ng ideya upang
labanan ang mga Espanyol gayong kilala nilang
mahigpit at malupit silang mananakop ?
c. Anong masasabi ninyo sa kinalabasan ng
bawat pag-aalsang naganap ?
d. Kung ikaw ay isang lider ng himagsikan , pag-
aalsa rin ba ang sagot mo sa mga ginawa ng
mga Espanyol sa bansa? Bakit ?
e. Kung ikaw ay isa sa mga Pilipino sa panahon
ng pananakop ng Espanyol binigyan ka ng
pagkakataong ipahayag ang iyong saloobin ano
ang sasabihin mo sa kanila at Bakit ?

3. Paghahalaw : Graphic Organizer / Off the Wall


Papunan ang tsart ng mga datos na makikita sa
paligid ng silid –aralan upang mabuo ang kaisipan .

Tanong :
Ano-ano ang mga pag-aalsang naganap sa
estadong kolonyal ?

 Iba’t –ibang pag-aalsa ang naganap dulot


ng di makatarungang pamamalakad ng mga
dayuhang Espanyol tulad ng :

Taon Lider Lugar Dahilan

4. Paglalapat : Group Dynamics


( Pangkatin ang mga mag-aaral sa maliit na grupo
upang lalong matalakay ang aralin sa mapanuring
pamamaraan . )
a. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 - Piping Palabas
Gawin :
1. Pumili ng isang kapanapanabik na
pag-aalsang naganap
2. Lumikha ng isang piping palabas.
3. Ipakita sa klase ang gawain ng
pangkat

* Isigaw ang yell ng pangkat.

Pangkat 2- Pagtalunton sa Bakas ng


kahapon
Gawin :
1. Pag-aralan ang mga pangyayaring
naganap na nakasulat sa bakas ng
paa.
2. Ayusin ito ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod
3. Idikit sa pisara ang natapos na
gawain .
4. Iulat sa klase.

* Isigaw ang yell ng pangkat .

Pangkat 3 - Maskara
Gawin :
1. Pumili ng isang mukha ng lider ng
pag-aalsa .
2. Magbigay ng ilang impormasyon
tungkol sa pag-aalsang naganap.
3. Iulat sa klase

* Isigaw ang yell ng pangkat.


Pangkat 4 - “ Salaysay ko ,pakinggan mo ! “

Gawin :
1. Pumili ng isang pag-aalsang naganap
sa panahon ng Espanyol ang bawat
kasapi ng pangkat .
2. Pag-aralan ang napiling pangyayari.
3. Ilahad ninyo sa klase ang inyong
damdamin kung karapat – dapat na
mag-alsa ang mga Pilipino.

* Isigaw ang yell ng pangkat.

b. Sitwasyon :
Sa mga pag-aalsang naganap sa
panahon ng Espanyol anong ugali ang ipina
kita ng bawat lider ng pangkat ng himagsikan.

IV. Pagtataya
Basahing mabuti ang mga sumusunod na impormasyon.Piliin
ang titik na nagsasaad ng tungkol sa mga unang pag-aalsa ng
mga katutubo sa panahon ng estadong kolonyal .
A. Pag-aalsa ni Lakandula dahil sa pagtutol sa pagpataw ng
buwis ng mga Espanyol.
B. Pagsunod ng mga polista sa sistemang Polo.
C. Pagrerebelde ni Tamblot isang katutubong pari sa Bohol
dahil sa pagnanais na maibalik ang katutubong relihiyon
D. Pagkilala sa relihiyong katoliko ng maraming Pilipino.
E. Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy dahil sa pagtanggi ng
padre-kura na bigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid .
F. Pagtutol sa pagbabayad ng buwis ang nais nina
Diego Silang at Gabriela Silang .
G. Pakikipagkaibigan ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
H. Ang mga Gaddang ay tutol sa pagpataw ng buwis at sa
sapilitang pagtatrabaho na ipinatupad ng mga Espanyol.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng clippings ng mga katutubo tungkol sa mga pag-
aalsang naganap sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

Inihanda ni :
MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin 1.3 : Kilusang Agraryo ng 1745

I. Layunin
Nailalarawan ang Kilusang Agraryo ng 1745 . (1.3)

II. Paksang Aralin


Paksa: Kilusang Agraryo ng 1745
Sanggunian : AP5PKB-IVa-b-1 (1.3 )
Kagamitan: activity cards tsart ng pagsasanay
, plaskard , larawan

Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa mga kilusan / samahan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Mock TV Patrol


Pakikinig ng balita tungkol sa Kilusang Magsasaka ng Pilipinas

2. Balik Aral : Think Fair and Share


Ibigay sa mga mag-aaral ang mga larawan at mga
impormasyon na nakasulat sa strip ng kartolina , bigyan ng illang
minuto upang hanapin nila ang kapares at ipaliwanag ito sa klase .

Lakandula
Diego Silang Magalat

Pagtutol sa pagpataw
ng buwis

Pagtutol sa pagpataw
ng buwis
Pagtanggi ng padre-
kura na bigyan ng
Kristiyanong libing ang
kanyang kapatid.

Pagnanais na
manumbalik ang
katutubong relihiyon

Pang –aabuso ng mga


opisyales na Espanol sa
mga Pilipino

Pagtutol sa
pagbabayad ng tributo

3. Pagganyak : Pic Puzzle


* Ipaayos sa mga mag-aaral ang puzzle upang mabuo ang
larawan.
* Talakayin ang nilalaman ng larawan .
Itanong :
a. Ano ang nilalaman ng larawan ?
b. Bakit kaya sila natitipon ?
c. Ano ang kanilang ipinaglalaban ?
d. Tama ba ang kanilang ginagawang pag-aalsa ? Bakit ?

Members of the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas staging a protest


action.(http://marxistleninist.files.wordpress.com/2009/12/img1055a.jpg)

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain 1 : TV Patrol
* Pipili ng mga bata na gaganap upang maghatid ng maiinit na balita
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang pagbabaliktaktakan ng mga news
caster. .

Maiinit na
isyu , ating
tututukan

Source :https://www.youtube.com/watch?v=xihY34n2BwU
Patuloy
Isyung pag-uusapan naming
at hindi iiwanan babantayan
Isang pag-aalsa ang naganap sa mga Tagalog
na Probinsiya noong 1745 . Sa mga lalawigang ito , may
malalaking lupaing pag-aari ng mga prayleng Espanyol .
Pinagbabayad nila ang mga magsasaka ng renta hindi
lamang para sa lupang sinasaka kundi pati na rin
sa lupang kinatatayuan ng kanilang bahay.

Lumaban ang mga magsasaka


ng Batangas , Cavite , Bulacan ,
Paranaque , Laguna at iba pang
probinsiyang Tagalog.

Sinunog nila ang mga bahay ng


Heswita’iba pang gusali. Kumalat ang pag-
aalsa sa ibang bayan .
.

https://www.google.com.ph/search?q=agraryo+ng+tagalog&biw=1366&bih=662&source=lnms&tb
m=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjxk7ifsJnQAhWDKZQKHU4gDvcQ_AUIBigB#imgrc=_
Sinasabing ang sanhi ng pag-
aalsa ay pagkamkam ng mga
relihiyoso ng mga lupang pag-
aari ng mga katutubo at
pagbawal sa pagkuha ng mga
yamang gubat tulad ng kahoy ,
rattan , kawayan , prutas at
yamang ilog at ang mithiing
bumalik sa relihiyon ng mga
ninuno.

Tutol rin sila sa sapilitang


paggawa . Isa ito sa mga dahilan
ng pagaalsa ng mga magsasaka.

Ang pag-aalsang ito ay hindi naging


matagumpay dahil na rin sa
paggamit ng mga Pilipino laban sa
kapwa Pilipino upang supilin ang
pag- aalsa , malakas ang armas ng
mga Espanyol laban sa armas ng
mga Pilipino , at kawalan ng
kamalayang Pilipino ; kaya hiwa-
hiwalay ang pag-aalsa at naging
madaling supilin

mga Pilipino.
2. Pagsusuri : Tanungan Portion

* Talakayin ang narinig na pag-uulat sa pamamagitang ng pagsagot sa mga


tanong .
a. Ano ang naganap sa mga Tagalog na probinsya noong 1745 ?
b. Sino ang nagmamay-ari ng malalaking lupain sa mga lalawigan ?
c. Ano ang pinababayaran ng mga prayle sa mga magsasaka ? Bakit ?
d. Ano ang naging reaksyon ng mga magsasaka tungkol
sa pagpapabayad ng renta ng mga lupang sinasaka at maging ang
kinatatayuan ng kanilang bahay ?
e. Ano –ano ang mga ginawang pag-aalsa ng mga magsasaka ?
f . Bakit nagkaroon ng pag-aalsa ?
g. Kung ikaw ay isa sa mga magsasaka noon taong 1745 , makikiisa ka
rin ba sa mga pag-aalsang naganap ? Bakit ?

3. Paghahalaw : Punuin mo !
* Ipasagot sa mga bata ang tanong sa pamamagitan ng pagpupuno ng
salita sa bawat patlang .

Paano mo mailalarawan ang kilusang Agraryo ng 1745 ?


* Ang Kilusang Agraryo ay samahan ng mga magsasaka sa
mga Tagalog na probinsiya na nakipaglaban sa mga
Espanyol upang makamit ang karapatan ng mga magsasaka.

4. Paglalapat : Group Dynamics


* Ipagawa sa mga bata ang pangkatang gawain .
* Gamit ang mukha ng mga magsasaka , ipakita sa klase kung paano
ang kanilang nadama sa pagmamalabis ng mga Espanyol sa
kanilang lupang sinasaka .
* Pagbigayin ang mga bata ng paliwanag tungkol sa ipinakitang
reaksyon ng bawat pangkat .

Pangkat 1 Pangkat 2

Pangkat 3 Pangkat 4
IV. Pagtataya
* Ipasagot sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit .

Panuto : Piliin sa mga sumusunod ang mga impormasyon na


naglalarawan sa Kilusang Agraryo ng 1745 .

A. Pagpapabayad ng mga prayle sa mga magsasaka ng lupang


sinasaka at maging ang lupang kinatatayuan ng kanilang bahay.
B. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa lahat ng probinsiya sa
Pilipinas .
C. Pagsunog sa mga bahay ng Heswita at mga gusali.
D. Pagkamkam ng mga relihiyoso ng mga lupang pag-aari ng mga
katutubo ay isang dahilan ng pag-aalsa .
E. Pagbabawal sa mga katutubo sa pagkuha ng yamang gubat tulad
ng kahoy , rattan , kawayan at prutas kung kaya’t nagalit ang mga
katutubo.
F. Pagsunod ng mga Espanyol sa kagustuhan ng mga katutubo.
G. Ang Polo o sapilitang paggawa ay isa sa mga dahilan ng kilusan
sa pakikipaglaban.
H. Pagpapatupad ng sistemang kasama.

V. Takdang Aralin
* Ipagawa sa mga mag-aaral .

Sumulat ng maikling talata na naglalarawan sa Kilusang


Agraryo ng 1745.

Gumamit ng rubrics sa pagbibigay ng puntos sa natapos na gawa


ng mga mag-aaral .

Rubrics para sa pagbibigay ng kaukulang puntos .

5 - Nakasunod sa mga pamantayan ng pagsulat ng talata at


lubos na naipaliwanag ang paksa.

3. - May ilang pamantayang hindi nasunod sa pagsulat ng talata


Naiplaiwanag ang paksa subalit kulang sa impormasyong
kailangan upang ganap itong maunawaan.
1 - Halos hindi nasunod ang mga pamantayng dapat sundin sa
pagsulat ng talata. Hindi malinaw ang nilalaman ng talatang
sinulat.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin 1.4 Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose

I. Layunin
Nailalarawan ang pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose . (1.4 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose
Sanggunian : AP5PKB-IVa-b-1 (1.4 )
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas pp. 104
Kagamitan: video clips, activity cards tsart ng pagsasanay
strip ng kartolina , plaskard , larawan

Pagpapahalaga : Pagkakabuklod – buklod ng bawat isa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Watch Balita
* Ipapanood sa mga mag-aaral ang balita tungkol sa mga
magsasaka
https://www.youtube.com/watch?v=KauXmRFWkM4

Ilang magsasaka sa Cabanatuan City, nangangamba sa


pagdating ng La Niña
* Magkaroon ng maikling talakayan sa balitang napanood
a. Tungkol saan ang video balita ?
b. Ano ang pinangangambahan ng mga magsasaka sa
Cabanatuan City ?
c. Ano ang maaaring idulot ng pagdating ng La Nina ?
d. Bakit natatakot ang mga taga Cabanatuan tuwing
magkakaroon ng malakas na ulan sa kanilang lugar ?
2. Balik Aral : Ang Mapa
* Ipagamit sa mga bata ang bakanteng mapa ng mga lugar.
Ipadikit sa tapat ng bituin ang mga lugar na kasama sa mga
pag-aalsa.
http://nmarellano.weebly.com/lesson-1.html

Bulacan Batangas

Paranaque
Laguna

Pampanga

Masbate

3. Pagganyak : AGN Tsart / Collage Study


* Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan at pasagutan
ang mga tanong ?
a. Ano ang alam ninyo sa salitang kapatiran ?
b Pag-aralan ang gitnang larawan , ano ang
ipinapahayag nito ?
c. Ano ang isinasaad ng unang larawan ? pangalawang
larawan ? pangatlong larawan ?
d. Ano ang kaugnayan ng gitnang larawan sa mga
larawang nakapaligid dito ?
e. May kabutihan bang naidudulot ang kapatiran o
samahan ? Paano ?
List of Phi Beta Sigma brothers
Pinoy Fraternity Photos
Apo Service And Fellowship Photos

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Reporter ng Bayan : Jessica Sojo
*. Tatawag ng bata na gaganap bilang isang reporter na
magbibigay ng impormasyon sa mga nakikinig .

Isang di matata warang


kasaysayan ang
ibabahagi ko na gigising
sa damdaming
makabansa ng mga
Pilipino. Kung kaya’t
samahan ninyo ako
hanggang matapos
ang programang ito .
Si Apolinario dela Cruz na nakilala rin sa
tawag na Hermano Pule ay tubong Tayabas. .
Pinangararap niyang maging pari ngunit
tinanggihan siyang mga prayle dahil isa siyang
indio.
Noong 1839, nanilbihan siya bilang utusan
sa Ospital ng San Juan d e Dios. Doon ay
nagkaroon siya ng pagkakataong magbasa ng
bibliya at iba pang relihiyosong aklat at making
sa mga sermon sa pamamagitan nito, marami
siyang natutuhan hinggil sa pananampalataya ng
katoliko.
Nang sumunod na taon , nagpasya siyang
magtatag ngng kanyang sariling banal na
kapatiran na pinangalanan niyang “Cofradia de
San Jose. “ Ang mga taga Tayabas, Laguna at
Batangas ay sumapi sa kapatiran , ngunit ang
mga Espanyol at mestizo ay hindi pinayagang
makasali. Hinangad ni Hermano Pule na opisyal
na kilalanin ang samahan ; subalit sa halip ay
inaresto ng mga espanyol ang daan –daang
kasapi nito . Ipinag-utos din nila ang pag-aresto
kay Hermano Pule , subalit ito ay nakatakas.
Noong 1841 , ang may libong natitirang
kasapi ay bumuo ng isang armadong pangkat
upang ipagtanggol ang kanilang karapatan para
sa kalayaang panrelihiyon . Subalit hindi
nagtagal at nasupil ng mga Espanyol ang
rebelyon at binitay si Hermano Pule sa liwasang
bayan noong Nobyembre 4, 1841.

*. Magkaroon ng maikling talakayan sa naiulat ng reporter


a. Sino si si Apolinario dela Cruz ?
b. Ano – ano ang kanyang natutuhan ng siya ay manilbihan
bilang utusan sa Ospital ng San Juan de Dios.
c. Ano ang kanyang itinatag nang sumunod na taon ?
d. Sino – sino ang kasapi ng kapatirang ito ?
e. Ano ang tanging hangad ni Hermano Pule sa samahang
itinatag ?
f. Ano ang mga sumunod na pangyayari ?
Gawain 2 : Interview “ Failon Ngayon “
* Kukuha ng batang gaganap bilang isang Ted Failon at
isang bata na gaganap bilang isang Professor.

Harapan kay Professor

Ted Failon : Magandang po sa inyo mga giliw kong


manonood. gabi Makakasama po natin ng
isang oras ang isag tao na talagang punong
puno ng
kaalaman kung kasaysaaan lang ang pag-
uusapan. Kilalang tao , mahusay , matalino
masaliksik, si Professor ______________.
Magandang gabi po Prof. ________.
Prof. Randy David : Magandang gabi naman Ted at sa
inyo pong lahat na nanonood ng programang “
Ted Failon Ngayon “
Ted Failon : Pag-uusapan po natin at bibigyang linaw
ngayong gabi ang tungkol sa usaping
Confradia de San Jose . Nais po ng
sambayanan na bigyang linaw kung ano po
ba itong samahang ito.
Prof. David : “ Bago ako dumako sa mas malalim na
kasayasayan nito , ipakikilala ko muna sa
inyo si Apolinario dela Cruz , kilala rin siya
sa tawag na ‘ Hermano Pule ‘ , tubong
Tayabas . Nais niyang maging pari ngunit
tinanggihan siya ng mga prayle dahil isa
siyang Indio.
Nanilbihan siya bilang utusan sa isang ospital
sa San Juan de Dios, kung saan nakapagbasa
siya ng bibliya at mga aklat pangsimbahan .
May oras rin siya na makinig sa misa ng pari .
Marami siyang natutuhan hinggil sa
pananampalatayang Katoliko
Ted Failon : “ Ayon po sa mga impormasyong nakalap ng
“ Ted Failon Ngayon “ , may naitatag po
siyang Confradia de san Jose , Ano po ba
ito ? “
Prof. David : “ Ang Cofradia de San Jose ay isang banal na
kapatiran . Karaniwang kasapi nito ay mga
taga Tayabas , Laguna at Batangas. Hindi
nila pinayagan na sumapi ang mga Espanyol
at Mestizo. “
Ted Failon : Ano po ang balak niya sa sa samahang ito ?
Prof. David :“ Una , nais niyang kilalanin ang samahang ito
ng mga Espanyol , subalit inaresto ang mga
maraming kasapi nito at ipinaresto si Hermano
Pule subalit nakatakas siya. “
Ted Failon : Doon na po ba nagtapos ang samahang ito ?
Prof. David : Ahh , hindi Ted , noong 1941 , ang
natitirang kasapi nito ay bumuo ng isang
armadong pangkat upang ipagtanggol ang
kanilang karapatan para sa kalayaang
panrelihiyon . Kaya nga lamang Ted , hindi ito
nagtagal ay natalo ang mga rebelyon . Binitay
si Hermano Pule sa liwasang bayan noong
ika - 4 ng Nobyembre 1841.
Ted Failon :Prof . bakit po kaya sa kabila ng paagiging
Indio ni Hermano Pule ay ganon na lamang
ang hangarin niyang mag-aral ng tungkol sa
relihiyong Katoliko.
Prof. David : Ted, maaaring sa kabila ng pagiging Indio
niya ay nais niyang malaman kung ano ba
ang relihiyong Katoliko at kung ano ba ang
It
kaibahan nito sa kanilang relihiyon . Maaari
ring inaalam niya kung makbubuti ba ito a
sa mga tao . Maaari rin na nais niyang alamin
ang tunay na motibo ng mga mananakop.
Ted Failon : Prof . ngayon po ay malinaw na sa giliw
naming manonood kung ano ba itong
kapatirang San Jose . Maraming salamat po
Prof. sa oras na inilaan ninyo para sa programang
ito.
Prof. David : Salamat din Ted sa pagtitiwala ninyo sa akin na
magbahagi ng kaalaman.
Ted Failon : Mabuhay po kayo Prof.
At Dito po nagtatapos ang ating programang …

Ted Failon , Ngayon

parasa
* Pagtalakay saPanayam:
a. Sino ang panauhin sa programang programang
Ted Failon ito .
, Ngayon ?
Prof. David : Salamat din Ted sa pagtitiwala
b. Ano ang paksa ng panayam ?
ninyo sa
c. Sino ang nagtatag ng kapatirang San Jose ?
akin na magbahagi ng kaalaman
d. Kilala
. rin ang samahang ito sa tawag na ____________ ?
e. Ano ang ginawa ni Hermano Pule
Ted Failon at nalaman
: Mabuhay po niya
kayoang tungkol
Prof. at dito po
sa relihiyong Katoliko. nagtatapos ang ating programang
f. Bakit nagkaroon ng pag-aalsa ang pangkat ni Hermano Pule ?
g. Ano ang nangyari matapos makatakas si Hermano Pule ?
h. Paano ninyo mailalarawan ang mga Espanyol sa ginawa nilang
pagbitay sa pinuno ng samahan ?

2. Pagsusuri : Mahiwagang Bote


Pabunutin ang mga bata ng mga tanong na nasa loob ng bote.
Ipabasa nang malakas at pasagutan ang mga tanong.
a. Sino ang kilala sa tawag na Hermano Pule ?
b. Ano ang hianhangad niya sa pagtatatag ng samahan ?
c. Ano ang masasabi mo sa pag-aalsang naganap?
d. Makatarungan ba para sa mga Pilipino ang pagmamalupit na
ginawa ng mga Espanyol ?
E. Kung ikaw si Hermano Pule at hindi kinilala ng mga Espanyol
ang samahang itinatag mo , ano ang gagawin mo ?
F. Bakit kaya sa kabila ng pagkaaresto ng daang-dang kasapi
nito ay ipinagpatuloy pa rin ni Hermano Pule ang
pakikipaglaban ?

3. Paghahalaw :
* Papunan ng angkop na salita ang kaisipang dapat matutunan sa aralin
sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong .
* Ipadugtong ang mga salita na makikita sa pisara upang mabuo ang
konsepto ng aralin.
Paano mo mailalarawan ang kapatirang San Jose ?

 Ang kapatirang San Jose ay isang banal na


kapatiran na may tapat naa layunin na
ipagtanggol ang kanilang karapatan para sa
kalayaang panrelihiyon.

4, Paglalapat : Group Dynamics


* Pangkatin ang mga mag-aaral

Pangkat 1 - Ang Samahan


Pangkat 2 – Ang Camera
Gawin : Gawin :
1. Bibigyan ko kayo ng 1. Pag-aralan ang
pagkakataong bumuo ng pangyayari kung saan
isang kapatiran o naaresto ang daa-
samahan . daang kasapi at kung
2. Bigyan ninyo ito ng paano napatay si
sariling pangalan. Hermano Pule.
3. Ilahad ang layunin ng 2. Lumikha ng isang
samahan maikling eksena
4. Isigaw ang yell ng tungkol dito
pangkat 3.. Isigaw ang yell ng
pangkat

Pangkat 3- Ang Bibliya Pangkat 4- Ang Mensahe


Gawin :
Gawin :
1. Lumikha ng maikling
1. Humanap ng
mensahe kung bakit
mahalagang
hindi kinilala ng mga
salita ng Diyos sa Bibliya
Espanyol ang samahang
na nagpapatunay na ng
Cofradia de San Jose.
tungkol sa Kristiyanismo.
2. Iulat ito sa klase.
2. Basahin at isulat ito sa
3. Ibigay ang yell ng
Klase.
pangkat
3. Isigaw ang yell ng
pangkat .
IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga bata ang pagsusulit upang mataya ang
kinalabasan ng aralin

Panuto : Basahing mabuti ang mga impormasyon . Piliin at isulat ang


titik nang tamang sagot.
1. Marami pang natitirang kasapi ng kapatirang San Jose kung
kaya’t bumuo sila ng ____________ pangkat upang ipagtanggol ang
kanilang karapatan para sa kalayaang panrelihiyon.
A. armadong pangkat C. abusadong pangkat
B. mahihirap na pangkat D. mahihinang pangkat
2. Si Hermano Pule na siyang nagtatag ng kapatirang San Jose ay
nagtataglay ng mga katangiang dapat makita sa isang pinuno .
Ano sa mga katangian sa ibaba ang taglay ni Hermano Pule.
A matapang at magiting na pinuno C. masipag at maalalahanin
B. masayahin at maluho D. mabait at matulungin
3. Paano mo mailalarawan ang pag-aalsa ng kapatiran ng San Jose .
A. May pagkaduwag at halong pagkatakot ang naganap na pag-
B. May kakayahang makipaglaban subalit kulang sa armas .
C. Marubdob ang hangaring maipakita sa mga Espanyol ang
Tunay na diwa ng ipinaglalaban.
D. Nais lamang maipakita ng mga tao na hindi sila duwag.
4. Ang kapatiran na pinangalanan niyang “ Confradia de san Jose ay
maituturing na isang _______ na kapatiran ?
A. nakatatakot B. banal C. makulay D. magarbo
5. Paano nagtapos ang pag-aalsa ng kapatiran ng san Jose ?
A. Nagkaunawaan anng dalawang pangkat at humantong sa
pagkakaisa.
B. Nagalit ang hari at pinapatay ang mga Espanyol .
C. Nasupil ng mga ESpanyol ang mga kasapi at binitay si
Hermano Pule.
D. Napatay ng pangkat ni hermano Pule ang mga Espanyol.

V. Takdang Aralin
* Ipagawa sa mga mag-aaral :

Sumulat ng talata na naglalarawan ng tungkol sa pag-aalsa ng


kapatiran ng San Jose.

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos .)


Rubrics :
5 - Malinaw ang naibigay na impormasyon o
ideya . Malinis at maayos ang sinulat ,
nakasunod sa pamantayan ng pagsulat.

3. - Hindi lubos ang ideyang ipinahahayag .


Hindi lahat ng pamantayan ay nasunod.

1 - Kulang sa ideya at hindi nakasunod sa


mga pamantaay sa pagsulat

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin 1.5 : Okupasyon ng Ingles Sa Maynila

I. Layunin
Naipaliliwanag ang okupasyon ng Ingles sa Maynila. ( 1.5 )

II. Paksang Aralin


Paksa Okupasyon ng Ingles sa Maynila
Sanggunian : AP5PKB-IVa-b-1 ( 1.5 )
Kagamitan: video clips activity cards tsart ng pagsasanay
strip ng kartoli na , plaskard

Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa makaysaysayang pangyayari sa


bansa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Balita Patrol


* Iparinig ang balita tungkol sa kaganapan sa Maynila .
* Magkaroon ng maikling talakayan hinggil sa balita
a. Tungkol saan ang balita na inyong narinig ?

2. Balik Aral: Boses ng Masa


* Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga pahayag ang
nagsasaad ng tungkol sa Pag –aalsa ng Kapatiran ng San
Jose , isigaw ang “ PAG-AALSA , WAKASAN NA “ at
Isigaw ang “ BANGON , PILIPINAS “ kung hindi .

a. Isang banal na kapatiran ang Cofradia de san Jose .


b. Mga Taga Tayabas , laguna , at batangas ang kasapi
ng samahang ito
c. Si Hermano pule ang taong nais maging pari subalit
hindi pinayagan ng mga prayle.
d. Binitay Si Hermano Pule sa liwasang bayan noong ika
– 4 ng Nobyembre 1841.
e. Ang monoolyo sa tabako ay isang patakarang
pangkabuhayan na Malaki ang naging pakinabang.
f. Nais ni Hermano Pule na matutunan ang tungkol s
relihiyong Katoliko.

3. Pagganyak : Experiencial Based


* Ipakita sa mga mag-aaral ang mapa ng Maynila .
Itanong :
a. Nakarating ka na ba sa Maynila ?
b. Anong partikular na lugar sa Maynila ang narating mo ?
c. Ano -ano ang nakita mo sa Maynila na nakaakit sa iyo ?
d. May nakita ka na bang dayuhan sa Maynila ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : May Message ka !
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto. Hayaang suriin at
unawaing mabuti ang nilalaman ng teksto.

Ang Pananakop ng mga Ingles


Unang Pagkatalo ng mga Espayol sa Pilipinas

( Karapatang-ari ng Children's Communication Center 1981 )

Nang gabing iyon, akala ng mga Espanyol ay mga barkong pang kalakal ng mga Tsino
ang pumapasok sa Look ng Maynila. Pero bigla silang nagkagulo sa nakita. "Mga
Ingles! Dumarating ang mga Ingles!" sigaw ng mga nagbabantay na mga kawal.
Kinabahan ang mga opisal na Espanyol dahil hindi sila handa sa digmaan.

Hindi tinigilan ng mga Ingles ang pagkanyon sa buong Maynila dahil ayaw sumuko ng
mga Espanyol. "Hindi tayo susuko," sabi ni Arsobispo Rojo nang magpulong ang
konsehong pangdigma. Ipinasiya ng mga Espanyol na mangalap ng maraming kawal
sa Maynila at kalapit na bayan para lumaban sa mga Ingles.

Isang pangkat ng mga tiga-Pampanga ang nakapasok sa kampo ng mga Ingles.


Kabilang sila sa mga Pilipino na nagpunta sa Maynila para tumulong. Sasaksakin na
lamang ng isang Pilipino si Draper ng dumating ang guwardiya nito. Nabigla ang mga
Ingles sa pagsalakay pero naitaboy agad nila ang mga Pilipino.

Halos madurog ang mga pader ng Intramuros sa patuloy na pagkanyon ng mga Ingles.
Nawasak ang maraming bahay, gusali, at simbahan sa tama ng mga kanyon.
Pagkaraan ng ilang araw, pinasok na ng mga kawal na Ingles ang Maynila. Di
nagtagal, itinaas ni Arsobispo Rojo ang puting bandila tanda ng pagsuko.

Pagkaraan ng labanan, pinasok ng mga kawal na Ingles ang mga bahay, eskuwelahan
at simbahan. Kinuha nila ang mga alahas at iba pang mahahalagang bagay sa bahay
ng mayayaman. Hindi rin nila pinaligtas ang mga ginto, pilak at iba pang dekorasyon
sa simbahan. Pati nitso ay sinira nila sa paghanap ng mga nakabaong kayamanan.

Hinarang ng mga Espanyol sa Ilog Pasig ang mga pagkaing dinadala sa Maynila.
Dahil dito, nilusob sila ng mga Ingles at sinakop pati bayan ng Taytay at Cainta. Dito
naiwan ang mga kawal na Sepoy. Sa India galing ang mga kawal na ito. Nang matapos
ang mga digmaan, may mga Sepoy na nagpaiwan at napangasawa ng mga Pilipino.

Nakaligtas sa mga Ingles ang isang galleon na nagtataglay ng mga salaping pilak at
napasakamay ito ni Simon de Anda. Sa Pampanga tumakas si Anda para magtatag
ng hukbong lalaban sa mga Ingles. Nanungkulan siya sa gobernador heneral ng mga
Espanyol para ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga probinsiya.

Sa tulong ng mga prayle, nagtatag si Anda ng mga hukbo sa maraming probinsiya.


Maynila lamang at mga katabing lugar ang nasasakop ng mga Ingles. Nagbigay ng
pera at nangalap ng mga kawal ang mga prayle para tulungan si Anda. Hinikayat din
ng mga prayle ang mga tao sa kanilang parokya na lumaban sa mga Ingles.

Isang malaking puwersa ng mga Ingles ang sumalakay sa Bulakan noong 1763.
Gustong sakupin ng mga Ingles ang iba pang probinsiya na hawak ng mga Espanyol.
Natalo agad nila ang ilang kawal sa Bulakan. Pero ng dumating ang mga kawal na
pinadala ni Anda mula sa Pampanga, napilitang umurong sa Maynila ang mga Ingles.

Kung may mga Pilipinong pumanig sa mga Espanyol laban sa mga Ingles, mayroon
ding nagsipag-alsa laban sa kanila. Nang sakupin ng mga Ingles ang Maynila, nakita
ng mga Pilipinong hindi gaanong kalakas ang mga Espanyol at maaari itong talunin.
Sa Ilokos at Pangasinan, nagsipag-alsa ang mga tao laban sa pananakop ng mga
Espanyol.

Nang hindi mapasuko ng mga Ingles si Anda, nag-alok pa sila ng gantimpalang


limang-libong piso sa sinumang makahuhuli sa kanya. Pero tinawanan lamang ito ni
Anda. Bilang ganti, dinoble pa niya ang gantimpalang salapi sa makahuhuli, patay
man o buhay, sa kahit na sinong opisyal ng hukbong Ingles.

Samantala, nahinto naman noon ang digmaan sa Europa ng Inglatera at Espanya.


Noong Pebrero 10, 1763, pumayag ang Inglatera na ibalik sa Espanya ang
pamamahala ng Pilipinas. Pero, nakarating lamang sa Pilipinas ang balita pagkaraan
ng mahigit na isang taon.
Punong-puno ng tao ang patyo ng Sta. Cruz, nang pumasok ang hukbo ni Anda sa
Maynila. Noon opisyal na ibinalik ng mga Ingles sa mga Espanyol ang muling
pamamahala sa Maynila. Pero kahit muling napailalim sa mga Espanyol ang mga
Pilipino, nabago na ang pagtingin sa kanila ng marami na para bang sinasabing
"Natatalo rin pala ang ating mga mananakop."

2. Pagsusuri : Tanong ko , sagutin mo !


* Tatawag ng bata na babasa ng unang tanong , tatawag
naman ng ibang bata upang sagutin ang tanong .
a. Sino ang napagkamalang Intsik ng mga Espanyol?
b. Ano ang nakaligtas sa mga Ingles?
c. Saan naiwan ang mga kawal na Sepoy?

d. Isinuko ba kaagad ni Arsobispo Rojo ang Maynila?


e May mga Pilipino bang pumanig sa mga Ingles?
f. Napasuko ba ng mga Ingles si Simon de Anda?
g. Bakit sinalakay ng mga Ingles ang Bulacan?
h. Bakit walang nakahuli kay Anda kahit na may gantimpalang inalok
ang mga Espanyol para sa kanyang pagkakahuli?
i. Bakit Maynila lang at mga katabing lugar ang nasakop ng mga
Ingles?

3. Paghahalaw : Dugtungan mo !
* Ipakita sa mga mag-aaral ang konseptong dapat nilang buuin .
* Ipaayos ito sa pamamagitan ng pagdudugtong –dugtong ng mga
salita

Paano nangyari na nasakop ng Ingles ang Maynila

 Ipinakita ng mga Ingles ang marubdob nilang


hangarin na magapi ang mga Espanyol at
masakop ang Maynila .
 Malalakas na armas at ang katapangang taglay ng
mga Ingles ang dahilan na mapasakanila ang
Maynila .

4. Paglalapat : Grupo Daynamika


* Pangkatin ang mga mag-aaral sa mas maliit na bilang upang luos
na maunawaan ang aralin.

Pangkat 1 - Artist ako !


Gawin :
Ipakita kung paano nilusob ng
mga Ingles ang mga Espanyol .
Pangkat 2 - Singer ako !
Gawin :
Lumikha ng isang apat na linya ng
awitin tungkol sa pananakop ng
Ingles.

Pangkat 3 - Makata ako !


Gawin :
Lumikha ng kasabihan na may
dalawang linya tungkol sa
pananakop ng mga Ingles.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay upang lubos na
maunawaaan ang aralin.
Panuto : Sumulat ng iyong pananaw kung paano at bakit
nasakop at natalo ng Ingles ang mga Espanyol sa
Pilipinas.

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos )

Rubrics :
5 - Malinaw ang naibigay na impormasyon o
ideya . Malinis at maayos ang sinulat ,
nakasunod sa pamantayan ng pagsulat.

3. - Hindi lubos ang ideyang ipinahahayag .


Hindi lahat ng pamantayan ay nasunod.

1 - Kulang sa ideya at hindi nakasunod sa


mga pamantaay sa pagsulat
V. Takdang Aralin
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang proyekto tungkol sa araling
natapos .

Gumawa ng collage ng mga pangyayaring naganap sa panahon


ng pananakop ng mga Ingles sa Maynila

Rubrics :

Original at maganda sa paningin ang collage at


angkop ang impormasyong ibinigay . 5

Hindi gaanong kaakit- akit subalit may wastong


datos na ibinigay. 3

Kulang sa impormasyong itinala . 1

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/ S
Aralin 2.1.1: Kahulugan ng Merkantilismo

I. Layunin
Nasasabi kung ano ang merkantilismo . ( 2.1.1 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Kahulugan ng Merkantilismo
Sanggunian : AP5PKB-IVd-2 (2.1.1 )
http://www.slideshare.net/jaredram55/paglakas-ng-
europe- merkantilismo-14911651
Kagamitan: activity cards tsart ng pagsasanay
, plaskard , larawan

Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa nagagawang tulong ng kita


ng kalakalan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
Pakikinig ng balita tungkol sa kalakalan

2. Balik Aral : Roleta ng mga Tanong


Tumawag ng mag-aaral na
sasagot sa tanong na matatapat
sa kanya ayon sa bilang na nasa roleta

a. Sino ang hindi tumigil sa pagkanyon sa buong Maynila ?


b. Ano- ano ang mga nawasak sa tama ng mga kanyon ?
c. Ano ang ibig sabihin ng itaas ni Arsobispo Rojo ang putting
bandila ?
d. Ano ang ginawa ng mga kawal na Ingles pagkalipas ng labanan ?
e. Sino si Simon de Anda ?
f. Bakit sinalakay ng mga Ingles ang Bulacan ?
g. Bakit walang nakahuli kay Anda kahit na may gantimpalang
inalok ang mga Espanyol para sa kanyang pagkakahuli?
h. Ano ang masasabi mo kay Simon de Anda bilang pinuno ng
hukbong kanyang itinatag ?
i. Kailan pumayag ang Inglatera na ibalik na sa mga Espanya ang
pamamahala ng Pilipinas ?
j. Ayon sa inyong nabasang teksto ,ano ang ibig sabihin ng “
natatalo rin pala an gating mananakop “

3. Pagganyak : Ang larawan ! / Prediksyon Tsart


* Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan at hayaang suriing
mabuti.

* Itanong :
a. Ano ang nakikita ninyo sa larawan ?
b. Ano ang salitang nasa gitna ng mga pilak ?
c. Alam ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng
merkantilismo ?
* Pagpapakita ng Prediksyon Tsart

PREDIKSYON TSART
Paksa Hula Totoong Sagot
Merkantilismo

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 : Panonood ng Slide Share ( 1 – 10 )
Ipapanood sa mga mag-aaral ang slideshare. Hayaang suriin at
unawain nila ang nilalaman ng slide.
http://www.slideshare.net/jaredram55/paglakas-ng-europe-
merkantilismo-14911651
“ Pagsilang ng Merkantilismo “
2. Pagsusuri : Talino mo ,gamitin mo …

a. Ano ang merkantilismo ? ( konsepto na ang yaman ng


bansa ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak )
b, Ano ang pinaniniwalaan ng mga tao noong panahon ng pagsilang ng
Merkantilismo ? (katumbas ng
yaman ang kapangyarihan )
c. Sino ang naniniwala na may malaking magagawa ang ginto at pilak
sa katuparan ng kanilang adhikain ? ( Europeo )

e. Saan humantong pagbabayad ng buwis , pagbibigay ng butaw at


pagpapahirap sa mga Pilipino ?
f. Bakit raw kailangang ang halaga ng kalakal ay nasa pantay-
pantay na kategorya ?
g. Ano ang pakahulugan mo sa pagluluwas ng kalakal ? pag-aangkat ?
h. . Para sa iyo ano kahalagahan ng merkantilismo ?
h. Paano kung ang isang bansa ay hindi ganoon kaunlad
pagdating sa kalakalan ?
i. Ninanais mo rin bang umunlad ang Pilipinas sa larangan ng
kalakalan ? Bakit ?

3. Paghahalaw : Punuan mo …

* Papunan sa mga mag-aaral ang puwang upang mabuo ang


konsepto ng aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong .

Ano ang merkantilismo ?

 Ang merkantilismo ay ang konsepto na ang


yaman ng bansa ay nasa dami ng ginto at pilak
.

 May maunlad na kalakalan na siyang


pagkakakitaan ng mga mamamayan at ng
buong bansa.
4. Paglalapat : Tayo na kasangga ko !
* Ipagawa samga mag-aaral ang gawaing nakatakda sa pangkat nila .

Gawin : Ipaliwanag kung ano ang Merkantilismo


. sa sarili ninyong pang –unawa . Isulat
sa tsart

Pangkat 1 Pangkat 2

Pangkat 3 Pangkat 4

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit upang mataya
ang natutuhan sa aralin.

Panuto : Piliin ang titik na nagsasaad ng tugkol sa Mernatilismo .


A. Maunlad ang kalakalan sa bansa.
B. Nakasalalay sa ginto at pilak ang katuparan ng kanilang adhikain .
C. Polista Ang tawag sa naglilingkod sa sistemang Polo .
D. Ang presyo ng kalakal ay dapat pantay-pantay ayon sa
kategorya.
E. Nagluluwas ng kalakal at hindi nag-aangkat na ang ibig sabihin
maraming kalakal sa Pilipinas.
F. Ang yaman ng bansa ay nasa dami ng ginto at pilak .
G. Paniniwalang ang katumbas ng yaman ay kapangyarihan.
H. Kapangyarihang pamahalaan ang isang lugar ng encomendero.
V. Takdang Aralin _ Graphic Organizer
* Papunan sa mga mag-aaral ang tsart ng mga datos tungkol sa
Merkantilismo.

Punan ang tsart ng mga datos tungkol sa Merkantilismo.

Kaalamang Kabutihang Di Kabutihang


Natutuhan Dulot Dulot

Merkantilismo

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin 2.1.2 : Epekto ng Merkantilismo sa
Bansa

I. Layunin
Natatalakay ang epekto ng merkantilismo sa bansa . ( 2.1.2 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Epekto ng Merkantilismo sa Bansa
Sanggunian : AP5PKB-IVd-2 (2.1.2)
http://www.slideshare.net/jaredram55/paglakas-ng-
europe-merkantilismo-14911651
Kagamitan: activity cards tsart ng pagsasanay
, plaskard , larawan

Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa nagagawang tulong ng kita


ng kalakalan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
Pakikinig ng balita tungkol sa Merkantilismo

2. Balik Aral : Puzzle


* Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga salitang may
kaugnayan sa merkantilismo . Maaari itong nakasulat ng
pahalang , pababa , at pahilis .

G S A B U W I S
I E U R O P E O
N R G M O M A
T A Y A M A N B
O I T O S I L I
E K A L A K A L
O J I L L I A N
K A R P I L A K

3. Pagganyak : Bubble
* Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan , hayaang pag-aralan ito.

Paano kaya
mabibili
paninda ko ?
Wala pa kong
benta
* Itanong :
a. Bakit kaya malungkot ang babae sa larawan ?
b. Ano ang kanyang paninda ?
c. Sa inyong palagay kung ang paninda niyang mga prutas / tela ay
hindi mabebenta araw – araw , ano kaya ang mangyayari sa
kanyang negosyo ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 : Panonood ng Slide Share ( 11-15 )
* Ipapanood sa mga mag-aaral ang tungkol sa epekto ng
Merkantilismo
http://www.slideshare.net/jaredram55/paglakas-ng-
europe-merkantilismo-14911651
“ Pagsilang ng Merkantilismo “
- Epekto ng Merkantilismo
2. Pagsusuri : Isang Tanong , Isang Sagot
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang tanong at ipabigay ang sagot sa
tanong .
a. Ano ang dahilan ng pagyaman ng bansang Espanya ?
b. Ano ang nangyari sa mga produktong galing sa ibang bansa ?
( dinagdagan ang mga produktong galing sa ibang
bansa at itinaas ang butaw )
c. Ano ang epekto ng merkantilismo sa France ?
d. Sino ang nagpahintulot na palaganapin ang komersiyo sa
Asya?
e. Anong batas ang pinairal upang madagdagan ang salapi at
kapangyarihan ng bansa.
f. Ayon sa batas na Navigation Acts , nilimitahan ang pagbibili ng
asukal at tabako sa England .
g. Kanino mapupunta ang tubo ng asukal at tabako ?
h. Mabuti ba ang epekto ng Merkanilismo sa bansa ? bakit ?

3. Paghahalaw : Jumbled words


* Ipabuo sa ,mga mag-aaral ang konsepto sa pamamagitan ng
pag-aayos ng mga salita na nakasulat sa strip ng kartolina.

Ano ang masasabi ninyo sa naging epekto ng


Merkantilismo sa bansa ?

 Malaki ang pakinabang ng Merkantilismo sa


mga dayuhang mangangalakal kumpara sa
mga Pilipinong mangangalakal..
4. Paglalapat : Grupo ko , lab ko !
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang nakatakdang gawain para sa
kanilang pangkat .

Gawin : Isulat sa tsart ang inyong sariling pananaw


sa naging epekto ng Merkantilismo sa bansa ?

Pangkat 1 Pangkat 2

Pangkat 3 Pangkat 4

IV. Pagtataya

* Ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang reaksyon hinggil sa


naging epekto ng kalakalan o Merkantilismo sa bansa.

Panuto : Sumulat ng inyong reaksyon hinggil sa naging epekto ng


Merkantilismo sa bansa .

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng puntos )

5 - Malinaw ang naibigay na impormasyon o


ideya . Malinis at maayos ang sinulat ,
nakasunod sa pamantayan ng pagsulat.

3. - Hindi lubos ang ideyang ipinahahayag .


Rubrics :
Hindi lahat ng pamantayan ay nasunod.

1 - Kulang sa ideya at hindi nakasunod sa


mga pamantayan sa pagsulat
V. Takdang Aralin

Magsaliksik ng mga bansang kilala at mauunlad pagdating


sa usaping kalakalan. Itala ito sa kaukulang hanay .

Ano – anong bansa ang kilalang maunlad pagdating sa


usaping kalakalan ?

Bansang Papaunlad Bansang Maunlad

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin 2. 2: Ang Paglitaw ng Kaisipang “ La
Ilustracion “

I. Layunin
Naipaliliwanag ang paglitaw ng kaisipang “ La Ilustracion “ . ( 2.2 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Paglitaw ng Kaisipang “ La Ilustracion “
Sanggunian : AP5PKB-IVd-2 (2.2 )
Ang Pilipinas sa Iba’t – Ibang Panahon 5 pp. 111
Isang bansa , Isang Lahi 5pp. 77
Pamana 5 pp. 110
Kagamitan: activity cards tsart ng pagsasanay
, plaskard , larawan

Pagpapahalaga : Pagbibigay halaga sa nagawa ng Pangkat


Ilustrado.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
Pakikinig ng balita tungkol sa mga matatalino at prominenteng tao na
may magandang layunin para sa bansa.

2. Balik Aral : Isang bunot , isang premyo !


* Pabunutin ang mga mag-aaral ng isang tanong sa loob ng
kahon. Ipabasa nang maalakas ang tanong at ipabigay ang
sagot. Bibigyan ng guro ng premyo ang batang
makapagbibigay ng tamang sagot.
Mga Tanong :
a. Ano ang merkatilismo ?
( konsepto na ang yaman ng bansa ay nasa dami
ng ginto at pilak )
b. Sino ang naniniwala na may malaking magagawa ang
ginto at pilak sa katuparan ng kanilang adhikaain ?
( Europeo )
c. Ano raw ang pinaniniwalaan ng mga tao noon na
katumbas ng yaman ( kapangyarihan )
d. Ano ang nagbunsod sa mga tao upang magrebelyon ?
( buwis , butaw at pagpapahirap sa mga alipin )
e. Sino ang mas dapat makinabang sa kalakalan at hindi
ang kolonya ? ( mamamayan )
3. Pagganyak : Halo Letra / AGN Tsart
* Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga titik upang mabuo ang
salita . Pumili ng angkop na titik sa mga titik na nasa bilog .

L B U

T A O

I L __ S _ R _ D _

* Itanong :
Anong alam ninyo sa salitang ILUSTRADO ?

Alam Gustong Natutuhan


Malaman

Ilustrado

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 : May nagteks !
Ipabasa sa mga mag-aaral ang nialalaman ng teksto .

Ang Paglitaw ng Pangkat ng Ilustrado


Sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa
, nagkaroon ng bagong pangkat ng mga
tao . Binuo ang pangkat na ito ng mga
nakaritiwasang magsasaka ,
mangangalakal , guro , abogado ,
manggagamot , manunulat at kawani ng
pamahalaan . Ang pangkat na ito ay
nagsimulang magbasa ng iba’t-ibang uri
ng aklat at pahayagan. Natutuhan nilang
tumalakay at magpalitang - kuro tungkol
sa pagbabago . Natutuhan nilang
magpahalaga sa edukasyon . pinag-aral
nila ang kanilang mga anak sa Maynila at
maging sa ibang bansa.
Naging maayos ang kanilang pamumuhay
subalit hindi pa rin nakaligtas ang mga
ilustrado sa pang-aapi mula sa kaklase
nilang Espanyol at maging sa kanilang
mga gurong prayle . Ang mga kabataang
ito , higit sa lahat , ang siyang mga
namulat sa bagong diwa ng kaisipang
kumalat sa Europa . Hindi nagtagal ay
naging interesante para sa kanila ang
magtanong tungkol sa mga patakarang
pinatupad ng Espanya sa ating bansa.
Ang ilustrado ay isang salitang Pilipino at
kastila na may kahulugang “ isang taong
nakabatid ng kalinawan at kaliwanagan “.
Sila ang mga panggitnang klase ng
mamamayan .Naghangad ng “ mas
makataong kasunduang pampulitika at
pang-ekonomiya “. Ikinalat nila ang ideya
ng nasyonalismo sa Pilipinas.
Sa simula , hindi ibig ni Rizal at ng
kaniyang mga kasamang ilustrado na
magkamit ng kalayaan ang Pilipinas mula
sa Espanya , sa halip ay gusto nilang
magkaroon ng pagkakapantay – pantay
ang mga Pilipino at ang mga Kastila ng
Kolonya
Sa pangkat na ito nagmula ang mga
makabansang Pilipino na sina Jose Rizal ,
Jose Burgos ., Graciano Lopez Jaena at
iba pang kilalang Pilipino.
Nagsimula ang mga Ilustrado na
2. Pagsusuri : Baliktaktakan Portionang pamahalaan , humingi ng
punahin
* Talakayin ang tekstong binasa. sa pamamagitan ng pagsagot
reporma
sa mga tanong .
a. Sino-sino ang bumubuo ng bagong pangkat ng tao ?
b. Ano ang naitawag sa bagong pangkat ng tao ?
c. Ano ang literal na kahulugan ng Ilustrado ?
d. Ano ang pinagkaabalahan nilang gawin ?
e. Bakit nila natutuhang pahalagahan ang edukasyon ?
f. Ano ang ninanais nila sa ating bansa ?
g. Bakit nagkaroon sila ng interes na magtanong tungkol sa
pamamahala ng mga Espanyol ?
h. Ano ang tunay na adhikain ng mga Ilustrado ?
i. Kung ikaw ay kabilang sa pangkat ng Ilustrado noong panahong i
yon , maglalakas loob ka rin bang alamin ang sistema ng
pamamalakad ng mga Espanyol ? Bakit ?
. j. Ano ang kabutihang dulot ng pagkakabuo ng Ilustrado ? Bakit ?

3. Paghahalaw : Dugtungan mo / Off the Wall


* Padugtungan sa mga mag-aaral ng angkop na salita upang mabuo
ang konsepto ng aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong .
Piliin sa paligid ng silid –aralan ang mga kasagutan.

Paano lumitaw ang kaisipang “ la Ilustracion ?

 Sabay La
Ang kaisipang ngIlustracion
pag-unlad ay
ngnabuo
bansa sa pamamagita
, ang kaisipang
Ilustracion ay lumitaw sa pamamagitan ng
pagsasama –sama ng mga taong mayayaman
at matatalino , nakapag-aral may hilig sa ibat-
ibang uri ng babasahin , may kakayahang
makipagpalitang kuro at may pagpapahalaga sa
edukasyon.

 Naghangad ng “ mas makataong kasunduang


pampulitika at pang-ekonomiya “. Ikinalat nila
ang ideya ng nasyonalismo sa Pilipinas.

4. Paglalapat : Group Dynamics


pampulitika
* Ipagawa sa mgaatbata
pang-ekonomiya
ang pangkatang“. Ikinalat nila ang
gawain upang ideya
lubos na
ng nasyonalismo sa
maunawaan ang aralin. Pilipinas.
Naghangad ng “ mas makataong kasunduang
pampulitika at pang-ekonomiya “. Ikinalat nila ang ideya
Pangkat 1 : Piliin mo ! Pangkat 2 : Paglaki ko ,
ng nasyonalismo sa Pilipinas. katulad niya ako !
Naghangad ng “ mas makataong kasunduang
Sa mga pangkat ng tao
pampulitika at pang-ekonomiya “. Ikinalat nila ang ideya
Piliin sa mga larawan ang
na bumubuo sa Ilustrado alin
mga ngtaonasyonalismo
na bumubuo sasa Pilipinas.
ang nais mong maging
pangkat Ilustrado. Iulatsa sa
paglaki mo
klase

Pangkat 3:Pahalagahan mo Pangkat 4 : Opinyon ko ,


! pakinggan ninyo !

Ipakita ang iyong


pagpapahalaga sa edukasyon Magkunwari kayong mga
tulad ng ginagawang Ilustrado , magpalitan kayo
pagpapahalaga ng mga ng inyong kuro-kuro ukol sa
Ilustrado. Iulat sa klase. pagbabago.
IV . Pagtataya

* Ipasagot sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit upang mataya


ang natutunan sa aralin.

Panuto : Sumulat ng talata na may tatlo hanggang limang pangungusap


na nagpapaliwang ng paglitaw ng kaisipang “ La
Ilustracion .

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos )

Angkop ang nilalaman ng talata , nakasunod sa mga


pamantayangibinigay . 5

Hindi ganap na naipaliwanag ang paksa ,nakasunod sa


mga pamantayan 3

Kulang sa impormasyon , hindi nakasunod sa ibang


pamantayan. 1

V. Takdang Aralin
Ipagawa sa mga mag-aaral ang takdang gawain .

Gumawa ng album ng pangkat ng Ilustrado.at isulat ang


mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa.

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng puntos )


Rubrics :

Hindi
5 gaanong
kaakit- akit
subalit may
wastong
datos na
ibinigay .

Kulang sa
imormasyong
itinala

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin 3.1.1 : Sanhi at Bunga ng mga Rebelyon

I. Layunin
Naiisa-isa ang sanhi at bunga ng mga rebelyon. ( 3.1 1 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Sanhi at Bunga ng mga Rebelyon

Sanggunian : AP5PKB-IVe-3 (3.1.1) CG, p.


PILIPINAS: Isang Sulyap at
Pagyakap, pp. 118-122
Sulyap sa Kasaysayan ng Pilipinas, pp. 194-196

Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards,


manila paper, pentel pen

Pagpapahalaga : Pagmamahal sa Bayan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balitaan: Balita Patrol

Maglahad ng balita tungkol sa napapanahong usapan o


isyu

2. Balik-aral : Opinyon mo , pakikinggan ko


* Magbibigay ang mga mag-aaral ng kanilang natutunan sa
pamamagitang ng pagsasot sa tanong .

Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pagtutol


sa pananakop ng mga Espanyol?

3. Pagganyak : “ Ang aming damdamin “

* Ipakikita ang pag-aalsa ng mga Pilipino. Tatalakayin


ang nilalaman ng larawan .
Anong masasabi nyo sa nasa larawan?
Ano sa palagay ninyo ang dahilan ng kanilang rebelyon?
B. Panlinang na Gawain:

1. Gawain 1 : “ Ang Mensahe “


* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto . Hayaang
pag-aralan nila ang niallaman nito .

May mga naging sanhi at bunga ang mga ginawang


rebelyon ng mga Pilipino noon

PAGTUTOL NG MGA PILIPINO SA PANANAKOP

Matatandaan na ang pakikipag-ugnayan ng


mga Pilipino sa mga Espanyol ay naging mabuti noong
panahon ni Miguel Lopez de Legazpi. Dahil dito,
naging mataas ang pagkilala ng mga Pilipino sa mga
Espanyol at itinuring na higit na sibilisado kaysa sa
kanila. Ngunit dahil ang Pilipinas ay binubuo ng mga
pulo, hindi lahat ng Pilipino ay nahimok na
makipagkaibigan sa mga Espanyol. Marami rin ang
tumutol sa pamamahala ng mga ito.
Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga
naitalang pagpoprotesta ng mga Pilipino laban sa
Spain:
1. Ninais ng mga Pilipino na magkaroon ng
pagsasarili at kalayaan.
2. Naging mapagsamantala ang mga Espanyol sa
kapangyarihan.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa naitalang paglaban
ng mga Pilipino sa mga Espanyol na nangyari sa iba’t ibang
panig ng bansa.
1. 1574. Nakipaglaban si Lakan Dula matapos maitatag ni
Legazpi ang pagkahari ng Espanyol sa Maynila. Ang
pakikipaglaban ay bunga ng pagtutol nila sa
pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol .
2. 1587-1588. Sa pangunguna nina Agustin de Legazpi,
Martin Pangan, Juan Basi, magat Salamat, Felipe
Salonga, at Juan Banal, nakipagsabwatan sila sa Datu
ng Tondo, Pampanga at Cuyo na labanan ang mga
Espanyol sa aglalayong paalisin ang mga Espanyol sa
Maynila. Sa kasawiang palad ay hindi nagtagumpay
ang pakikipaglabang ito dahil na rin sa pagtatraydor ng
isa sa mga kasama nila. Bunga nito ay ikinulong at
piñata ang mga lider na sina Agustin de legazpi at
Magat Salamat.
3. 1596. Si Magat na taga-Cagayan ay nagpakita ng
kanyang pagtutol sa buwis na ipinatutupad ng mga
Espanyol subalit hindi rin sila nagtagumpay.
4. 1621. Ang mga taga-Gaddang sa Lambak ng Cagayan
ay nag-alsa dahil sa pagmamalabis ng mga Espanyol sa
sapilitang paggawa at pagbubuwis na iniuutos sa kanila
gayundin ang pagkuha sa mg aning palay o bigas ng
walang bayad.
5. 1621-1622. Pinangunahan ni Tmblot ang
pagpapanumbbalik ng katutubong relihiyon sa Bohol.
Siya ay katutubong pari na nagturo ng sinaunang
paniniwala mula sa mga ninuno bago pa man
lumaganap ang katolisismo sa bansa. Dahil dito,
nagpadala ng ekspedisyon ang mga Espanyol galling sa
Cebu patungo sa Bohol upang pigilin si Tamblot sa
kanyang pangangaral. Nang taon ding ito, pinamunuan
naman ni Bangkaw, datu ng Limasawa ang pag-aalsa sa
Leyte upang ibalik ang katutubong relihiyon. Katulad ng
nagyari kay Tamblot, nagpadala ng ekspedisyon ang
mga Espanyol sa Leyte na nagging dahilan ng
pagkabigo ng nabanggit na pag-aalsa.
6. 1649. Ang mga taga-Samar ay nag-alsa laban sa mga
Espanyol dahil sa pagkalap ng mga manggagawa mula
sa Luzon para ilipat sa Visayas at at paglipat ng
manggagawang taga-Samar sa Cavite. Nagwakas ang
pag-aalsa nang mapatay si Sumuroy na siyang naguna
sa pag-aalsa ng ilang kasamahan niyang nagtraydor sa
kanilang simulain.
7. 1660. Ang hindi pagbabayad ng mga manggagawa na
tagaputol ng punungkahoy na gagamitin sa paggawa ng
barko ang naging dahlan ng pag-aalsa na pinamunuan
ni Maniago subalit hindi na niya naipagpatuloy ang
pakikibaka sapagkat nangako ang mga Espanyol na
magbibigay ng gantimpala kung sila’y susuko.
8. 1660-1661. Pinamunuan ni Andres Malong ang pag-
aalsa sa Pangasinan at kanilang napatay ang
gobernador-sibil ditto kaya’t siya’y naghari. Hindi
nagtagal, nabihag at bintay siya ng mga Espanyol. Ang
sumunod na pag-aalsa ay hind rin nagtagumpay.
9. 1663. Ang pag-aalsang pinamunuan ni Tapar sa Bohol
ay naglayong maibalik ang dating relihiyon subalit
nahinto ang pag-aalsa nang madakip at mapatay si
Tapar.
10. 1744-1828. Ang malawakang pag-aalsa laban sa mga
Espanyol na tumagal ng maraming taon na
pinangunahan ni Francisco Dagohoy ang maituturing na
pinakamahabang pag-aalsa na naganap sa kasaysayan
ng Pilipinas.Hindi binigyan ng huling basbas ang kapatid
ni Dagohoy na si Sagarino sa dahlang ito ay namatay sa
isang duwelo kung kaya’t hindi ito maaaring bigyan ng
huling basbas.
11. 1762-1763. Ang pagbubuwis na ipinataw ng mga
Espanyol ang humimok kina Diego Silang na mag-alsa
laban sa mga Espanyol. Nagtagumpay siya na
patalsikin ang mapagsamantalang gobernador ng Ilocos.
Napatigil rin niya ang pagpapataw ng tributo at ang pag-
iral ng palo sa Ilocos. Isang Obispo na kaibigan ni
Silang ang nahimok ng mga Espanyol na patayin siya
kaya ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela
Silang ang nagpatuloy ng pag-aalsa hanggang siya
naman ang mapatay.
12. 1762. Sa pamumuno ni Juan Palaris, nagkaroon ng
pag-aalsa sa Pangasinan. Layunin nito na patalsikin sa
Espanyol na gobernador ang lalawigan gayundin ang
pagpapaalis sa tribute. Nang umalis ang mga Ingles sa
bansa, si Palaris ay ipinahuli at ipinapatay ng mga
Espanyol.
13. 1840-1841. Ang pag-aalsang naganap ay pinamunuan
ni Aplolinario dela Cruz na kilala sa bansag na
“Hermano Pule”. Naghangad siyang maging pari ngunit
dahil siya ay isang indio, hindisiya pinayagang pumasok
sa isang ordeng relihiyoso. Nagtatag siya ng isang
samahang pangkapatiran, ang Cofradia de San Jose.
Nahikayat ang marami sa kanyang samahan na
pinangambahan ng mga Espanyol kaya’t siya’y ipinahuli
at binitay sa bayan ng Tayabas.

Mahihinuhang hindi naging matagumpay ang mga


nabanggit na pag-aalsa. Patuloy na nagbulag-bulagan
ang pamahalaan sa mga pag-aaklas na ginawa ng mga
Pilipino upang ipakita ang pagtutol nila sa mga tiwaling
pamamahala. Bungan g pagkakawatak-watak ng mga
pulo, mahirap pagbuklurin ang makabansang
pagkakakisa bagama’t may sapat na katapangan ang
mga Pilipino.
Bukod pa rito ay walang makuhang pinuno na
huhubog sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Dagdag rin ang pagiging matapat ng ilang sundalong
Pilipino sa mga Espanyol na pumapanig sa huli kung may
pag-aalsa ang mga Pilipino.

* Magkaroon ng maikling talakayan sa binasang teksto.


a. Ayon sa binasa, ano-ano ang mga nagging dahilan ng mga
rebelyon?
b. Bakit hindi naging matagumpay ang mga naganap na rebelyon?
c. Ano ang naging bunga o kinahinatnan ng mga ginawang pag-
aalsa ng mga Pilipino?
d. Sa palagay ninyo, ano ang naging kulang upang maging
matagumpay ang kanilang rebelyon?

Gawain 2: Role Playing


* Pagpapakita ng isang scenario tungkol sa ginawang
rebelyon ng mga Pilipino…

 Ano ang ipinakita sa palabas ng inyong kamag-aaral?


 Kung kayo ay isa sa mga taong nabubuhay noong panahon
ng mga Espanyol , makikilahok ba kayo sa mga pag-aalsang
ginawa nila? Bakit?
 Magiging matagumpay kaya ang mga ginawang rebelyon o
pag-aalsa kung paiiralin ng mga Pilipino ang kanilang
marubdob na pagmamahal sa bayan?

2. Pagsusuri : Tanong Ko , sagot mo !


* Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na
tanong
 Ano ang naging dahilan ng mga pag-aalsa o rebelyong ginawa
ng mga Pilipino?
 Ano naman ang naging bunga ng mga pag-aalsa na kanilang
ginawa?
 Naging matagumpay ba ang mga pag-aalsang iyon?
 Paano kaya magiging matagumpay ang pakikipaglaban ng mga
Pilipino noon o ngayon?
 Kung ikaw ay nabuhay sa panahong iyon, paano mo maipakikita
ang iyong pakikiisa sa pakikipaglaban para sa bayan?

3. Paghahalaw: Data Retrieval Chart


* Palagyan ng datos ang tsart upang mabuo ang kaisipang
natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong .
Ano – ano ang sanhi at bunga ng rebelyon ?
Punan ng mga datos ang tsart tungkol sa mga sanhi at
bunga ng mga ginawang rebelyon ng mga unang
Pilipino.
SANHI BUNGA

4. Paglalapat : Group Dynamics


* Pangkatin ang mga mag-aaral at hayaang isagawa ang
gawain .

Pangkat I – Pagbuo ng tula


Gawin:
1. Bumuo ng tula kaugnay sa rebelyong naganap.
2. Isulat sa manila paper at sabay-sabay na
bigkasin ng mga niyembro ang mabuong tula.

Pangkat II – Pagguhit
Gawin:
1. Sa isang manila paper, iguhit ang isang pangyayari na
kung saan nagpakita ng pag-aalsa o rebelyon ang mga Pilipino
laban sa mga mananakop.
Pangkat III – Pagsulat ng talata
Gawin:
1. Sa isang papel, isalaysay kung paano bumuo ng
rebelyon ang mga Pilipino upang lumaban sa mga dayuhang
mananakop. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa
bayan?

Pangkat II – Paggawa ng slogan


Gawin:
1. Gumawa ng slogan tungkol sa rebelyong
ginawa ng mga Pilipino.

Sa mga inilahad ng bawat pangkat, paano ba ninyo


maipapakita ang inyong pagka-Pilipino?

IV. Pagtataya:
* Pasagutan sa mga mga mag-aaral ang pagsusulit upang mataya ang
kinalabasan ng aralin .
Panuto : Isulat kung ang mga sumusunod ay nagpapakita ng sanhi o bunga
sa mga naganap na rebelyon.

1. Nagkaroon ng pag-aalsa dahil sa pagmamalabis ng mga


Espanyol sa sapilitang paggawa.
2. Si Palaris ay ipinahuli at ipinapatay ng mga Espanyol.
3. Nagkaroon ng pag-aalsa sa Leyte upang ibalik ang
katutubong relihiyon.
4. Pagtutol sa pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol.
5. Ipinakulong at ipnapatay ang mga namuno sa mga nabuong
pagrerebelyon.
V. Takdang-Aralin:
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang proyektong may kinalaman sa natapos na
aralin

Sa isang bond paper, gumawa ng isang collage tungkol sa mga naganap


na rebelyon ng mga Pilipino noon at ngayon.

Inihanda ni :

DULCE APAYA
Guro II , Teresa E/S
ARALIN 3.1.2 : Mga Naging Reaksyon ng mga Pilipino sa
Kristiyanismo

I. Layunin:
Natutukoy ang iba pang reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo ( 3.1.2)

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo
Sanggunian: AP5PKE-IVe-3 (3.1.2)
Ang Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon V p. 74-75
http://youtu.be/pJlJ32RCSxY
http://youtu.be/7qBDmsU3zTE
Kagamitan: jumbled letters, video clip na kaugnay sa pananampalataya,
mga larawan ng tungkol sa relihiyon, tsak card, tsart ng
pagsasanay

Pagpapahalaga : Paggalang sa relihiyon ng iba

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
Magkaroon ng balitaan na may kaugnayan sa aralin.

2. Balik – Aral :

* Ipatukoy sa mga bata kung nagpapakita ng sanhi at bunga


ang ipinahahayag ng bawat pangungusap.
1. Nagkaroon ng pag-aalsa dahil sa pagmamalabis ng mga
Espanyol sa sapilitang paggawa.
2. Si Palaris ay ipinahuli at ipinapatay ng mga Espanyol.
3. Nagkaroon ng pag-aalsa sa Leyte upang ibalik ang
katutubong relihiyon.
4. Pagtutol sa pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol.
5. Ipinakulong at ipnapatay ang mga namuno sa mga
nabuong pagrerebelyon.

3. Pagganyak - Kilalanin Ninyo Ako

Ipabasa sa mag-aaral ang komiks strip at ipalahad ang


relihiyong kinabibilangan.
Ako ay katoliko.
Naniniwala ako sa
kristiyanismo.
Sumasampalataya
ako sa relihiyong
kinabibilangan ko.

Kayo naman ang maglahad


ng tungkol sa relihiyon ninyo

Ako ay
___________________
____________________
________________________
________________________
______________________

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Video Clips
* Ipapanood ang Video na nagpapakita ng paniniwala sa
kristiyanismo at paraan ng pagsamba ng mga Muslim
* Magsagawa ng malayang talakayan gamit ang mga sumusunod na
tanong
a. Ano ang nilalaman ng unang video na iyong napanood?
ikalawang video?
b. Ilarawan ang paraan ng kanilang pagsamba?
c. Ano ano ang mga naging reaksyon ng mga katutubong Pilipino
sa Kristiyanismo?
d, Lahat ba ng mga Pilipino ay tinanggap ang Kristiyanismo?
e. Anong pagpapahalaga ang kanilang ipinakita?

Gawain 2 – “Kilala mo ba ako?”

* Ipasuri ang mga larawan sa ibaba, Ipalarawan ang mga


reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyansimo.
Pangkat Katutubo

Pangkat Kristiyanismo
Pangkat Muslim
2. Pagsusuri –
*
 Ano ang reaksyong ipinahihiwatig ng unang video na inyong
napanood? Ikalawang video?
 Bakit ganoon ang kailang reaksyon?
 Ano naman ang ipinahihiwatig ng unang pangkat ng mga larawan?
Ikalawa? Ikatlo?
 Bakit hindi sumasampalataya ang mga Muslim sa Kristiyanismo?
 Anong pagpapahalaga ang kanilang naipakita?
 Ilarawan ninyo ang mga reaksyong ito ng mga Pilipino.

3. Paghahalaw:
Gabayan ang mag-aaral sa pagbuo ng konseptong nagtutunan.

Ano-ano ang naging reaksyon ng mga sinaunang Pilipino sa


Kristiyanisasyon?

 May mga Pilipinong tumanggap sa kristiyanismo.


 May mga nanatili sa kanilang katutubong paniniwala
 Hindi sumampalataya ang mga Muslim sa relihiyong katoliko
4. Paglalapat : “ Sagutin mo”

Ipasagot ang katanungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling


opinyon?

Sitwasyon:
May iba’t – ibang relihiyon sa ating bansa na kung saan may
kanya- kanyang silang paraan kung paano nila maaakit na maniwala
ang mga tao sa kanilang relihiyon .

Mananatili ka ba sa relihiyong kinabibilangan mo ? Bakit ?

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang tsek (/) kung sumasampalataya at ekis (x) kung di
sumasampalataya sa kristiyanismo
_______1. Pagpapabinyag at paggamit ng panggalang kristiyano
_______2. Matibay na paniniwala ng mga sa relihiyong Islam
_______3. Paniniwala kay Alah bilang Panginoon.
_______4. Pagsunod sa kautusan ng relihiyong katoliko
_______5. Paniniwala sa relihiyong Islam
_______6. Paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos
_______7. Di-paniniwala sa aral ng kristiyanismo
_______8. Paglilimbag ng babasahin tungkol sa relihiyong Katoliko
_______9. M Pakikinig ng sermon ng pari
_______10. Pagtuturo ng katekismo

V. Kasunduan:
Gumawa ng grap ng bilang ng mga bata sa inyong pangkat na
sumasampalataya at di-sumasampalataya sa kristiyanismo.

Inihanda ni :

AILYN SB. SAN GABRIEL


Guro , Teresa E/S
Aralin 3.1.3 : Sanhi at Bunga ng mga Rebelyon

I. Layunin
Nasusuri / Natatalakay ang sanhi at bunga ng mga rebelyon ( 3.1.3 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Sanhi at Bunga ng mga Rebelyon
Sanggunian : AP5PKB-IVe-3 (3.1.3) CG, p.
PILIPINAS: Isang Sulyap at Pagyakap, pp. 118-122
Sulyap sa Kasaysayan ng Pilipinas, pp. 194-196
http://int.search.myway.com/search/video.jhtml?n=782b68
0b&p2=%5EBE4%5Exdm007%5ES19138%5Eph&pg=vid
eo&pn=1&ptb=13924DFA-B2B8-4FA0-9F5F-
A9B2F6DED370&qs=&searchfor=Reasons+for+the+Phili
ppine+Revolution&si=CIKUsbqvktACFUkHvAodDroDcg&s
s=sub&st=tab&tpr=sbt&trs=wtt
Kagamitan : mga larawan, plaskard, pocket chart, manila
paper, pentel pen, lapis

Pagpapahalaga : Pagmamahal sa Bayan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan: Balita Patrol
* Maglahad ng balita tungkol sa napapanahong usapan o
isyu.

2. Balik Aral : Data Retrieval Chart


* Ipalagay sa tsart sa kaukulang hanay ang metacard na may
nakasulat na sanhi at bunga .
Punan ng mga datos ang tsart tungkol sa mga sanhi at
bunga ng mga ginawang rebelyon ng mga unang
Pilipino.
SANHI BUNGA
Paano nakalaya ang mga Pilipino sa pananakop ng
mga dayuhan?

3. Pagganyak: Picture Study

* Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan . Hayaang pag-aralan ni;a


ang larawan .

Itanong :
Ano ang ipinahihiwatig ng larawan ?
Bakit kaya naitayo ang ganitong monumento sa Pilipinas ?

B. Panlinang na Gawain:

1. Gawain : Larawan ng Kaalaman


* Ipasuri sa mga mag-aaral ang larawan.

* Itanong :
a. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan ?
b. Ano kaya ang kinahinatnan ng ginawang pag-aalsa
ng mga unang Pilipino?

Gawain 2: May nagteks , basahin mo …


* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto . Bigyan ng
pagkakataong sumagot ang mga mag-aaral sa mga itatanong
ng guro .
DAHILAN MGA NAUNANG PAG-AALSA
1. Paghahangad sa kalayaan;
2. Pagnanais na isagawa ang nakagawiang
paniniwala;
3. Pagtutol sa paraan ng pamamalakad ng mga
Espanyol tulad ng sapilitang pagtatrabaho at
pagpataw ng buwis;
4. Pagmamalabis ng mga pinunong Espanyol at
mga prayle sa kapangyarihan.
Ang pag-aalsa ay paggamit ng armas at
paglaban sa mga namamahala. Ito ang nagging
tugon ng mga Pilipino laban sa mahabang panahon
ng paghihirap sa ilalim ng pamamalakad ng mga
Espanyol.

Sa kabuuan, hindi naging matagumpay ang mga


pag-aalsang inilunsad ng mga Pilipino. Narito ang
mga dahilan o salik sa pagkabigo ng mga pag-aalsa.
1. Kawalan ng pagkakaisa – Ang mga pag-aalsa ay
magkakahiwalay na inilunsad sa bansa kaya’t madali
itong nasugpo ng mga Espanyol. Hindi pa nababatid
ng mga Pilipino na dapat sila ay magsama-sama
laban sa mga Espanyol.
2. Kulang at mahinang armas – Hndi nakasasapat
ang mga armas ng mga Pilipino gaya ng mga baril.
Sa halip ang kanilang armas ay mga itak at sibat na
walang laban sa mga baril at kanyon ng mga
sundalong Espanyol.
3. Kawalan ng estratehiya – Walang pagpaplano
ang mga isinagawang pag-aalsa kaya’t karamihan sa
mga ito ay hind nagtagal o madaling masugpo.
4. Kawalan ng mahusay na lider – Walang mahusay
na lider na may kaalaman sa mga taktika ng labanan
at magbubuklod sa mga Pilipino upang sama-samang
mag-alsa laban sa mga Espanyol.

a. Ayon sa binasa, ano-ano ang mga naging dahilan ng mga


rebelyon?
b. Bakit hindi naging matagumpay ang mga naganap na rebelyon?
c. Ano ang naging bunga o kinahinatnan ng mga ginawang pag-
aalsa ng mga Pilipino?
d. Sa palagay ninyo, ano ang naging kulang upang maging
matagumpay ang kanilang rebelyon?

Gawain 3 : video clip


http://int.search.myway.com/search/video.jhtml?n=782b68
0b&p2=%5EBE4%5Exdm007%5ES19138%5Eph&pg=vid
eo&pn=1&ptb=13924DFA-B2B8-4FA0-9F5F-
A9B2F6DED370&qs=&searchfor=Reasons+for+the+Phili
ppine+Revolution&si=CIKUsbqvktACFUkHvAodDroDcg&s
s=sub&st=tab&tpr=sbt&trs=wtt

* Ipapanood ang isang video clip tungkol nangyaring rebelyon


ng mga Pilipino.
* Magkaroon ng maikling talakayan sa video na inyong
napanood.
a. Sino-sino ang mga Pilipinong nasa likod ng mga
rebelyon?
b. Naging matagumpay ba ang kanilang ginawang
pakikipaglaban? Bakit?
c. Ano raw ang dapat ginawa ng mga Pilipino upang
matagumpay ang kanilang paglaban ?

2. Pagsusuri : Mahiwagang Papel


* Pabunutin ang mga mag-aaral ng papel sa loob ng kahon.
* Ipabasa ang tanong at ipabigay ang kasagutan.
a. Ano-ano ang mga dahilan ng mga pag-aalsa o
rebelyong ginawa ng mga Pilipino?
b. Ano naman ang kinalabasan ng mga rebelyon?
c. Pag-aalsa nga ba ang sagot upang maging malaya
ang Pilipinas sa pananakop ng mga dayuhan?
d. Kung kayo ay nabuhay noong panahong iyon,
makikiisa ba kayo sa pakikipaglaban?
3. Paghahalaw: Punuin mo... / Off the Wall
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang katanungan sa
pamamagitan ng pagkuha ng tamang salita sa loob ng silid
–aralan .
Anong masasabi nyo sa naging epekto ng mga
rebelyong ginawa ng mga Pilipino?
Hindi naging matagumpay ang mga binuong
rebelyon ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol
dahil sa kakulangan sa pagkakaisa, kakulangan
sa armas, kawalan ng estratehiya at kawalan ng
isang mahusay na lider.

4. Paglalapat : Group Dynamics


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain upang
lubos na maunawaan ang aralin.

Pangkat I – Pagguhit
Gawin:
1. Iguhit ang mga kagamitang ginamit ng mga
Pilipino sa paglaban sa mga kastila.

Pangkat II – Pagbuo ng Sanaysay


Gawin:
1. Sumulat ng isang sanaysay na
nagpapahayag kung paano ipinaglaban ng
mga Pilipino ang kalayaan.

Pangkat III – Pagbuo ng Tula


Gawin:
1. Bumuo ng maikling tula tungkol sa pagmamahal
sa bayan

Pangkat IV – Pag-awit sa pamamagitan ng Rap.


Gawin:
1. Bumuo ng isang rap tungkol sa pakikibaka ng
ating mga kapwa Pilipino para sa ating bayan.
* Sa mga ipinakita ng bawat grupo, paano nyo nga ba
maipapakita ang inyong pagmamahal sa ating bayan ?

IV. Pagtataya:
Panuto : Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Ilagay sa tsart ang mga
sanhi at bunga ng mga mga rebelyon.

A. Kakulangan sa malakas na armas.


B. Hindi naging matagumpay ang mga labanan.
C. Pagtutol sa sapilitang pagtatrabaho at pagbabayad ng
buwis.
D. Kakulangan sa magaling na lider.
E. Pagkabigo sa minimithing kasarinlan.
F. Pagkagutom ng mga mamamayan.
G. Pagtutol sa pamamalakad ng mga Espanyol.

Sanhi Bunga

V. Takdang-Aralin:
Magsaliksik ng tungkol sa naging reaksyon ng mga Pilipino sa
Kristiyanismo.

Inihanda ni:
DULCE APAYA
Guro II , Teresa E/S
Aralin 3.2 : Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato

I. Layunin

Naipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato.

II. Paksang Aralin


Paksa : Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato

Sanggunian : AP5PKB-IVe-3 (3.2)


Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas, pp.33-35
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp.
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards,
manila paper, pentel pen, aklat

Pagpapahalaga : Paggalang sa pananaw at paniniwala ng mga Muslim

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balitaan: Watch Balita


Balitang may kinalaman sa mga Muslim

2. Balik-aral : Bunot Box


* Pabunutin ang mga mag-aaral ng tanong na nasa loob ng
kahon. Ibibigay nila ang sagot sa oras na binasa na ang tanong .

Anong relihiyon ang natatanging ambag ng mga Arabe


sa Pilipinas partikular na sa mga taga-Mindanao?
Sino ang naniniwala sa relihiyong Islam ?
Paano lumaganap ang relihiyong ito sa Mindanao?
Ano – ano ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato ?

( Maghahanda pa ang guro ng karagdagang tanong . )

3. Pagganyak: Semantic Web

Ang Sultanato ay sistema ng


pamahalaang pinamumunuan ng sultan. Itinatag
ito sa ka-Mindanawan at dahil dito, napag-isa ang
magkakahiwalay na grupong etniko sa Sulu at sa
Mindanao.
Ano ang salitang maiuugnay nyo sa salitang Sultanato?
Ilagay sa bawat bilog..

SULTANATO

B. Panlinang na Gawain:

1. Gawain : Panel Discussion


* Kukuha ng mag-aaral na gaganap bilang isang Noli de Castro
Magkaroon ng talakayan tungkol sa aralin

Noli: Magandang umaga po sa inyong lahat. Ngayong


araw po ay iuulat naming sa inyo ang tungkol sa mga
pananaw at paniniwala ng mga Sultanato.
Nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas,
matatag na ang Islam sa Lanao, Cotabato at
Maguindanao.
Bagama’t pansamantalang pinigil ng mga Espanyol
ang paglaganap ng Islam sa Pilipinas, ito ay
nanatiling
Ano-ano ang nag-iisang
paniniwala relihiyon
ng mga parana
Muslim sa naiiba
mga taga-Sulu
sa mga
at ibang bahagi ng Mindanao. Ang Koran, banal na
Aklat ng Islam ay binabasa at pinag-aaralan ng mga
paaralang kung tawagin ay Madrasah.
Doris: Ang relihiyon ng mga Muslim ay ikalawa sa
sinasabing pinakamalakingmrelihiyon sa daigdig.
Kakaiba ang relihiyong ito dahil ang pangalan nito ay
hindi tao, pook o iba pa. Ito’y galling sa salitang
Arabic na ang ibig sabihin ay kapayapaan ,
pagsunod at at pagsuko sa propetang si Muhammad,
ang huling propetang ipinadala ni Allah. Siya ang
nagtatag ng islam. Sinasabing mababait at
mapagkakatiwalaang Muslim ang tawag sa nilikha ni
Allah na sumusunod, sumusuko, at tumatalima sa
Kanyang mga kautusan.
Ted: Para sa mga Muslim, iisa lang ang Diyos na si Allah.
Hindi sila maaaring kumain ng baboy ay uminom ng
alak. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng apat na
asawang Muslim. Sina Abraham, Noah, Moses ,
Jesus at Muhammad ay nga propeta ni Allah. Hindi
itinuturing na anak ng Diyos si Jesus. Pinadala lang
daw siya ni Allah bilang isang propeta.
Inaasahang ang bawat Muslim ay makasusunod sa
Limang Haligi ng Islam. Una, walang Diyos kundi si
Allah at si Muhammad ang kanyang propeta.
Pangalawa, magdarasal ng limang beses sa isang
araw. Pangatlo, Magbibigay ng ilang bahagi ng
kayamanan sa nangangailangan. Ikaapat, pag-
aayuno, do pagkain, pag-inom at pagpigil sa sekswal
na relasyon ng mag-asawa at pag-aayuno sa loob ng
40 na araw. Ikalima, pagpunta sa Mecca kahit isang
beses lamang sa kanyang buhay.
2. Pagsusuri : Tanong ko , sagot mo !
 Paano itinatag ang relihiyong Islam?
 Paano nakaimpluwensya ang relihiyong Islam sa buhay at
pamumuhay ng mga tao?
 Paano mo naman pinili ang kasalukuyang relihiyong iyong
pinaniniwalaan?
 Aling aral ng inyong relihiyon ang higit na nakaaapekto sa iyong
buhay?

3. Paghahalaw: Group Relay

* Mag-uunahan ang dalawang pangkat kung sino ang


unang makabuo ng konsepto ng aralin sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga salitang
magkakahiwalay.

May iba’t ibang pananaw at paniniwala ang mga


Sultanato na kaiba sa paniniwala ng ibang relihyon.
Dapat itong igalang at sundin anuman ang ating relihiyon
dahil tayo ay pinagbuklod sa iisang bansa.

4. Paglalapat : Kasangga ko grupo ko.


* Hatiin ang mga mag-aaral sa mas mababang bilang upang
maisagawa ang pangkatang gawain .
Pangkat I – Retrieval Chart
Gawin: Punan ang tsart ng mga impormasyong
kailangan.
Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato
1
2
3
4
5
Pangkat II – Debate
Gawin: Magkaroon ng debate tungkol sa paniniwala ng
mga Sultanato na naiiba sa paniniwala mo.

Pangkat III – Pagbuo ng tula


Gawin: Bumuo ng tula tungkol sa paniniwala ng
mga Sultanato.

Pangkat IV – Paggawa ng Script


Gawin: Sumulat maikling iskript tungkol sa
paniniwala ng mga Sultanato.

IV. Pagtataya:
* Ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang repleksyon sa pananaw at
paniniwala ng Sultanato.

Reflection Log

Ang mga pananaw at paniniwala ng mga Sultanato ay


_____________________________________________
_____________________________________________
_________________________________.
Rubrics :
5 - Nakapaglahad ng maliwanag na komento at
sinuring mabuti kung ito ‘y angkop at
nararapat na ihayag .

3 - Hindi masyadong malinaw ang komento at


kulang ang basihan sa pagkakasuri sa komento.

1. - Walang linaw at walang basihan ang


komentong ibinigay.

V. Takdang-Aralin:

Ibigay ang iyong sariling opinyon tungkol sa napag- aralang


mga pananaw at paniniwala ng mga Sultanato na kakaiba sa pananaw
mo.

Rubrics :

5 - Malinaw at akma ang opinyong ibinigay .

3. - Hindi gaanong malinaw ang opinyong ibinigay .

1. - Walang kaugnayan sa aralin ang ibinigay na


opinion .

Inihanda ni :

DULCE APAYA
Guro II , Teresa E/S
Aralin 3.2.1 : Mga Pananaw at Paniniwala ng
mga Sultanato ( Katutubong Muslim ) sa
Pagpapanatili ng kanilang Kalayaan

I. Layunin
Naiisa – isa ang mga pananaw at at paniniwala ng mga sultanato
( katutubong Muslim ) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan . ( 3.2.1 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sa pagpapanatili
ng Kalayaan
Sanggunian : AP5PKB-IVe-3 ( 3.2.1 )
Kagamitan: video clips activity cards tsart ng pagsasanay
strip ng kartoli na , plaskard

Pagpapahalaga : Paggalang sa pananaw at paniniwala ng mga Muslim

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Balita Patrol


https://www.youtube.com/watch?v=Lap5KbajX
Muslim Brotherhood
* Magkaroon ng maikling talakayan hinggil sa balita
a. Tungkol saan ang balita na inyong narinig ?
b. Ano ang sinasabi tungkol sa mga Muslim ?

2. Balik Aral: Pic Puzzle


* Ipaayos ang larawan sa mga mag-aaral , ipadikit sa tsart
hayaang pag-aralan ito,, at ipaliwanag kung anong reaksyon
sa Kristiyanismo ang tinutukoy..

_________________
____________________

____________________

________________

( Magpakita pa ng ibang larawan na may kaugnayan sa natapos


na aralin . )
3. Pagganyak : Prediction Chart
* Ipagamit ang tsart. ipasagot sa mga bata ang tanong at isulat
ang sagot sa kaukulang hanay.

Tanong Hulang Sagot Tamang


Sagot
Ano alam ninyo sa mga
Muslim ?
Ano – ano ang kanilang
pananaw at paniniwala sa
pagpapanatili ng kalayaan ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Video Clip
* Ipapanood sa mga mag-aaral ang video . Ipaalala sa kanila na
kailangang unawain g mabuti ang nilalamanito.

https://www.youtube.com/watch?v=lwKa8T0AnCk
ANG PANINIWALA KAY ALLAH
* Talakayin ang video :
a. Tungkol saan ang video na napanood ?
b. Ano ang sinasabi sa mga Muslim
C. Sino kinikilala nilang Panginoon
c. Anong mga batas ng mga Muslim ang binanggit sa video ?

Gawain 2 : May nagteks , basahin mo !


* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto. Hayaang pag-aralan
nila ang nilalaman nito.

Ang Sultanato
Ang Sultanato
Ang pamahalaang Sultanato ay may kaugnayan sa
relihiyong Islam . Itinatag ito upang maging matatag at
matapat ang paniniwala ng mga kasapi sa relihiyong
ito. Sa kanilang pamamahala , sinikap ng mga pinuno
na ipatupad ang mga kaugalian , paniniwala , at batas
sa kanilang bibliya - ang Q’ran ( Koran ) . Tinatayang
taong 1450 nang itatag ang kauna-unahang kahariang
sultanato sa bansa . Itinatag ang Sultanato ng Sulu ng
isang Arabong nagngangalang Al – Sultan Sharif – Ul –
Hashim , na ang ibig sabihin ay “ Ang Kanyang
Kamahalang Sultan. “
Ang Sultanato ng Sulu ay tumagal hanggang
taong 1915. Sa panahon ng paghahari ng sultanatong
ito , nasakop nito ang mga karatig - lalawigan ng Sulu
tulad ng Zamboanga,Tawi –Tawi ,Palawan , Basilan ,
Sabah at Celebes . Dito makikita ang mabisa at
matatag na pamamahala ng mga Muslim bago pa man
dumating ang mga kanluraning dayuhan. Ang Sultanato
ay binubuo ng mga nayon at ang mga nayong ito ay
mayroong kanya-kanyang pinuno. Ang mga pinunong
ito ay nagpupulong –pulong upang pumili ng
pinakamataas na pinuno na tinatawag na Sultan.
Kadalasan , ang pinakamayaman sa mga pinunong ito
ang siyang napipiling Sultan.
Ang Sultan ay pinaniniwalaang kinatawan
ng propeta . Para sa mga kasapi , ang pagsunod sa
Sultan ay pagsunod kay Allah . Subalit sa kabila nito ,
hindi pa rin ganap na napapasakanya ang
kapangyarihan. Sa kanyang pamumuno , ang Sultan ay
tinutulungan ng mga tagapayo at iba pang mababang
pinuno sa Sultanato.

Ang Pananampalatayang Islam


Ang salitang “ islam “ ay nagmula sa
salitang Arabe na ang kahulugan ay “
Kapayapaan “ Ito ay isang relihiyong
itinatag ni Mohamed , isang kilalang
propeta. Ang mga kasapi sa relhiyong
ito ay tinaguriang mga Muslim. Allah
naman ang taguri sa kanilang
Panginoon. Para sa mga Muslim walang
iba ng Panginoon kundi si Allah at si
Mohamed ang sugo niya. Ang kanilang
banal na aklat kung saan napapaloob
ang mga batas at tuntuninng kanilang
sinusunod ay ang Q’ran . Ang mga
Muslim ay kilala bilang mga bilang mga
deboto sa kanilang relihiyon. At
itinuturing nilang sagrado ang mga aral
na nakapaloob sa Koran. Kaya gayon na
lamang ang kanilang pagsunod sa mga
aral na ito .
Ilan sa mga kautusan ni Allah ayon sa
Koran na mahigpit na sinusunod ng
mga Muslim ay ang: Mahalaga rin
sa kanila ang pagdiriwang ng
Ramadan , ang pag-aayuno mula
pagsikat hanggang paglubog ng
araw. Ito ay paraan ng pagsisisi sa
kanilang mga kasalanan.
Ipinapalagay na pinakamahalagang
pagsunod sa utos ni Allah ang
pagtupad sa “haj “ o banal na
paglalakbay sa Mecca minsan sa
buong buhay kung makakayanan.
Ginagawa ng mga Muslim ang
pagbibigay ng “ sakat “, ikasampung
bahagi ng kanilang kita , para sa
nangangailangan. Nagdarasal sila ng
limang ulit sa buong maghapon.
Mga paniniwala na nagsisilbing
gabay nila upang hindi makagawa ng
labag sa nakasaad sa Koran.

* Talakayin ang nilalaman ng teksto


a. Tungkol saan ang teksto na inyong binasa ?
b. Anong relihiyon ang kinabibilangan ng Sultanato ?
c. Sino ang kinatawan ng propeta ?
d. Ano – ano ang mga pinaniniwalaan ng mga Muslim ?
e. Ano ang kanilang paniniwala sa Imam ?
( Paniniwala sa puso , sinasang-ayunan ng dila , at
isinasabuhay ng katawan. )
f. Sinasabing pinakamahalagang pagsunod sa utos ni
Allah ay ang pagtupad sa “ haj “ o ang banal na
paglalakbay sa Mecaa minsan sa buong buhay .Bakit ?

2. Pagsusuri : Tagisan ng Talino


* Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat .
Kukuha ng tanong ang guro , babasahin ito ng malakas at
magbibigay ng hudyat upang ibigay ang kasagutan.Anu
unang pangkat na makarami ng iskor ay tatanghaling
panalo.
a. Sino ang kinikilalang kinatawan ng propeta ?
b. Ano ang bumubuo sa Sultanato ?
c. Ano ang tawag sa pinuno ng Sultanato ?
d. Ano ang paniniwala nila sa pagsunod sa Sultan ?
e. Magbigay kayo ng iba pang pananaw ng Sultanato ?
f. Ang pananaw at paniniwala ba ng Sultanato ay
katulad ng paniniwala ng mga kristiyano ? Bakit ?
g. Ikaw na isang kristiyano , naniniwala ka rin ba sa
pinaniniwalaan ng mga Muslim ?
h May pagkakatulad / pagkakaiba ba ang paniniwala o
pananaw ng mga Muslim sa paaniniwala ng mga
kristiyano .

3. Paghahalaw : Graphic Organizer


* Papunan sa mga mag-aaral ng datos ang tsart upang
mabuo ang konseptong dapat matutunan sa aralin.

Mga Pananaw at
paniniwala ng
mga Sultanato
sa Pagpapanatili
ng Kanilang
Kalayaan

4. Paglalapat : Grupo Daynamika

* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawaing nakatakda sa


kanilang pangkat .

Pangkat 1 - Iakto mo !
Gawin :
Magkunwaring kayo ay mga Muslim ,
Ipakita kung paano ipinagdiriwang
Ang “ Ramadan “ na matagal na
nilang naisasabuhay.
Pangkat 2 - May oras ka !
Gawin :
Pumili ng isang pananaw o
paniniwala ng mga Muslim .
Ipaliwanag ito sa loob ng 30
segundo

Pangkat 3 - ! Mangako ka
Gawin :
Gumawa ng pangako na bibigyang
halaga mo at igagalang ang mga
pananaw at paniniwalng mga
Muslim.

Pangkat 4 - Ihambing mo !
Gawin :
Ihambing ang paniniwala ng mga
Katutubong Muslim sa paniniwala
ng mga Kristiyano.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga bata ang maikling pagsusulit upang mataya ang
natutuhan sa aralin.

Panuto Piliin ang titik na nagsasaad ng pananaw o paniniwala ng


mga katutubong Muslim sa pagpapanatili ng kanilang
kalayaan.
A. May limang haligi o paniniwala ng Islam na nagsisilbing gabay
nila na sinusunod saanman sila manirahan.
B. Paniniwalang ang pag-aayuno ay paraan upang maalis ang
kanilang nagawang kaasalanan.
C. Matatalino ang mga Muslin .
D. Ang mga Muslim ay naniniwala iisa lamang ang kanilang
Panginoon si Allah at si Mohamed ang kanilang propeta .
E. Takot mamatay sa labanan ang mga Muslim.
F. Sagrado ang mga arala na nakapaloob sa Koran.
G. Paniniwalang kailangang makapaglakbay sa Mecca minsan sa
Buong buhay

V. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang pananaw o paniniwala ng mga Muslim at magbigay ng
inyong reaksyon tungkol dito.

RUBRICS

5 Kapuri-uri ang nialalaman . Mahusay


ang pagkakagawa, nakasunod sa
pamayanan.

3. Malinaw ang pagkakapaliwanag ,


subalit may pamantayang hindi
nasunod.

1 Hindi gaanong malinaw ang isinulat


na paksa o reaksyon Hindi
nakasunod sa pamantayan ng
pagsulat .
\

Inihanda :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III, Teresa E / S
Aralin 3.2.2 : Mga Pananaw at Paniniwala ng mga
Sultanato (Katutubong Muslim) sa
Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan

I. Layunin
Nakapagbibigay ng reaksyon tungkol sa pananaw at paniniwala ng mga
Sultanato (katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan (3.2.2 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Pagbibigay ng Reaksyon Tungkol sa mga Pananaw at Paniniwala ng
mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa Pagpapanatili ng Kanilang
Kalayaan
Sanggunian : AP5PKB-IVe-3 (3.2.2)
PILIPINAS: Isang Sulyap at Pagyakap, pp. 59-66
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp.158-159
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards, manila paper,
pentel
pen, aklat
Pagpapahalaga : Pagpapahalaga at Paggalang sa Pananaw at Paniniwala
ng mga Katutubong Muslim

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan: Balita Patrol
* Iparinig sa mga mag-aaral ang balita tungkol sa mga Muslim.

2. Balik-aral : Color Baloon

* Pakuhanin ang mag-aaral ng nais niyang kulay ng lobo , paputukin


ipabasa ang tanong sa loob ng lobo , at sagutin.
1. Paano dumating ang relihiyong Islam sa Pilipinas?
2. Paano sila sumasamba sa kanilang kinikilalang Diyos?
. 3. Ilang haligi o paniniwala ng Islam na nagsisilbing gabay
nila na sinusunod saanman sila manirahan.
4. Ano ang tawag sa paraan ng pag-aayuno upang pagsisihan
ang kanilang nagawang kasalanan.
5. Sino ang kanilang pinaniniwalaang Panginoon ?
6. Bakit sagrado ang mga aral ng na nakapaloob sa Koran ?
7 Ano ang sinasabing Mecca na pinaniniwalaang kailangang
makapaglakbay sa dito minsan sa buong buhay .

3. Pagganyak: Selfie pa more …


* Ipasuri sa mga mag-aaral ang larawan at pag-aralang itong
mabuti.

* Talakayin ang nilalaman ng larawan


Ano ang masasabi mo sa pagtatakip ng mukha ng isang
babaeng Muslim tulad ng nasa larawan?
Bakit kaya nila tinatakpan ang kanilang mukha ?

B. Panlinang na Gawain:

1. Gawain 1: Concept Map


* Ipakita sa mga bata ang mga impormasyong nakatala sa ibaba.
Hayaang pag-aralan itong mabuti,

Mayroon silang Pag-aayuno sa buwan


Kinikilala ang ama bilang sentralisadong ng Ramadan o di-
haligi ng tahanan at ang pamahalaan sa pamumuno pagkain, pag-inom o
ina ay nasa bahay lamang ng sultan paninigarilyo

Sumasamba sila Hindi sila natatakot


kay Allah, ang Mga pananaw at paniniwala ng mamatay dahil
kanilang mga Muslim sa pagpapanatili ng naniniwala silang may
kinikilalang Diyos mapuntahan sa kabilang
kanilang kalayaan
buhay, ang Bayang Banal

Madrasah ang sistema ng Gumagawa sila ng batas Itinuturo ang pagsulat at


kanilang edukasyon kung ayon sa nilalaman ng pagbasa ng salitang
saan itinuturo ang mga koran arabic
aral ng koran

* Talakayin ang tsart.


a. Paano lumaganap ang relihiyong Islam sa PIlipinas?
b. Ano-ano ang paniniwala ng mga Muslim na naiiba sa mga
Kristiyano?
c. Bakit kaya hindi napalaganap sa Mindanao ang Kristiyanismo
nang dumating ang mga Espanyol?
d. Sang-ayon ba kayo na ang mga lalaking Muslim ay maaaring
makapag-asawa hanggang apat? Ibigay ang iyong sariling opinyon
tungkol dito.
Gawain 2: Patalastas
* Ipabasa sa mga ang patalastas na hatid ng Sultanato .

May limang haligi ng Islam. Ito ay binubuo ng :

a. Shahada. Walang ibang Diyos na dapat sambahin


maliban kay Allah at si Muhammed ang kanyang
propeta. Walang tumatayong pari sa relihiyong ito
ngunit gumagawa ng sariling pagsamba kay Allah
ang bawat Muslim.
b. Salat. Limang beses magdarasal sa loob ng isang
araw na nakaharap sa Mecca. Ito ay ginagawa sa
madaling-araw, tanghali, paglubog ng araw, at sa
unang oras ng gabi .
c. Zakat. Ang pagbibigay ng tulong ng mga may-
kayang Muslim sa mga mahihirap ay para sa
ikalalaganap ng Islam.
d. Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Ito ay
tumutukoy
sa Mahal na araw ng mga Muslim na nagpapatibay
sa kanilang paniniwala at pananampalataya kay
Allah.
e. Haj. Paglalakbay at pagdalaw sa banal na lpain ng
Mecca kahit minsan sa buong buhay nila. Ang
sinumang makapaglakbay patungong Mecca
tinatawag na Hadji na ibig sabihin ay manlalakbay.

2. Pagsusuri : “ Kung may katwiran , ipaglaban mo ! “


* Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanonG , pangatwiran ang
sagot .
 Ilan ang sinasabing haligi ng Islam?
 Bakit kaya iba ang tawag nila sa kanilang Diyos
 Paano nirerespeto ng mga kristiyanong Pilipino ang pagdaraos
ng mga Muslim ng Ramadan?

3. Paghahalaw: Punuin mo !
* Papunan ng angkop na salita ang puwang sa pmamagitan ng
pagsagot sa tanong upang mabuo ang konseptong dapat
matutunan sa aralin.

Tanong :
Ano ang masasabi mo sa mga pananaw at
paniniwala ng mga katutubong Pilipino sa
pagpapanatili ng kalayaan.

 Sagrado at matibay ang pananaw at paniniwala


ng mga katutubong Muslim . May tapat at
dalisay na mamamayang bumubuo sa kanilang
Sultanato

 Malaki ang nagawa ng sariling pananaw at


paniniwala ng mga katutubong Muslim upang
mapanatili nila ang kanilang kalayaan .

4. Paglalapat : The Voice


* Ipabasa sa mga mag-aaral ang sitwasyon at ipabigay ang
kanilang saloobin ukol dito.

Malaki ang kaibahan ng relihiyong Muslim sa ibang


relihiyon, bilang isang Kristiyano, paano mo igagalang ang
kanilang relihiyon?

IV. Pagtataya:
* Pasulatin ang mga mag-aaral ng kanilang reaksyon tungkol sa pananaw
at paniniwala ng mga katutubong Muslim sa pagpapanatili ng kanilang
kalayaan.

( Gumamit ng rubrics para sa gawain . )

Tungkol sa pananaw at paniniwala ng mga Katutubong Muslim ,


naniniwala ako na __________________________________________
_________________________________________________________
___________________________________________________. _____
________________________________________.
RUBRICS

5 Kapuri-uri ang nialalaman . Mahusay


ang pagkakagawa, nakasunod sa
pamantayan.

3. Malinaw ang pagkakapaliwanag ,


subalit may pamantayang hindi
nasunod.

1 Hindi gaanong malinaw ang isinulat


na paksa o reaksyon Hindi
nakasunod sa pamantayan ng
pagsulat .
\

V. Takdang-Aralin:
Sumulat ng isang pananaw na pinaniniwalaan ng mga Muslim at magbigay ng
inyong reaksyon tungkol rito.

Inihanda ni :

DULCE APAYA
Guro II , Teresa E/S
Aralin 4.1 Partisipasyon ng Iba’t- ibang Rehiyon at Sector
( Katutubo at kababaihan ) sa Pakikibaka ng Bayan

I. Layunin
Naiisa-isa ang partisipasyon iba’t - ibang rehiyon at sector ( katutubo at
kababaihan ) sa pakikibaka ng bayan. . ( 4.1 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Partisipasyon ng Iba’t- ibang Rehiyon at Sector ( Katutubo at
kababaihan ) sa Pakikibaka ng Bayan
Sanggunian : AP5PKB-IVf-4 ( 4.1 )
Kagamitan: video clips activity cards tsart ng pagsasanay
strip ng kartolina , plaskard

Pagpapahalaga : Pagmamalaki sa mga katutubo at kababaihan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Mock TV Patrol


* Pakikinig ng balita tungkol sa samahan ng kababaihang may
ipinaglalaban

2. Balik Aral: Jumbled Words


* Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga salita na may
kinalaman sa mga pananaw at paniniwala ng mga
katutubong Muslim .

R A D A M A M R O N A K

T U S A L N C A M E C

U L U S B A R E A
3. Pagganyak : AGN Tsart
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang tsart.
Alam Gustong Natutuhan
Malaman
kababaihan

Katutubo

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Ate, may nagteks …
Ang mga Katutubo at Kababaihan atsa Lipunang Pilipino
Ang pang-aapi sa kababaihan ay nagmumula sa mga istorikal at panlipunang
kalagayan. Kayat lalaya lamang ang kababaihan sa lubusang pagbabago ng mga
kalagayang ito sa lipunan.

Ngunit magagawa lamang ito ng kababaihan kapag sumanib sila sa pakikibaka ng


buong sambayanan sa anyo ng pagsusulong ng pambansa demokratikong
rebolusyon na may sosyalistang perspektiba. Palalayain nito ang sambayanan mula
sa mga saligang suliranin ng bayan, at gayundin naman ang kababaihan. Ang mga
pwersa’t istrukturang nang-aapi sa sambayanan ang siya ring pangunahing
pwersang nagmamantini at nagpapalaganap ng pang-aapi sa kababaihan. Kayat
kailangan ang mahigpit na pakikipagkaisa sa buong sambayanan sa balangkas ng
pambansa demokratikong rebolusyon.

Bilang pagdidiin, tanging ang pambansa demokratikong rebolusyon ang


makapaglalatag ng daan tungo sa ganap na paglaya ng kababaihan.

Tungo rito, kailangan ng isang rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan na


magbibigay ng natatanging pansin sa kanilang mga karaingan, at magpapalakas ng
kanilang paglaban sa mga mithiin at karapatan. Sa gayo’y higit na sisigla ang
partisipasyon ng kababaihan sa pambansa demokratikong rebolusyon at sa susunod
na yugto ng rebolusyong sosyalista.

Sa kabilang banda, susing usapin din sa pagpapalaya ng sambayanan ang


pagpapalaya sa kababaihan. Hanggat hindi binibigyang pansin ang mga
mapagsamantala at mapang-aping relasyon na nagtatali sa kababaihan sa aba at
aping katayuan, hindi rin lubusang mapapakawalan ang kanilang lakas, sigla at
inisyatiba para sa pakikibaka. Maaaring mangyari pa nga na ang sitwasyon ng
kababaihan ay magamit para mahati ang mamamayan o lumikha ng mga sagabal sa
pagsulong ng rebolusyon.

Sa kabuua’y malaki ang mga hamon at tungkuling kinakaharap ng Makibaka sa


pagsusulong ng paglaya ng sambayanan at ng paglaya ng kababaihan.
Gawain 2 : Ang larawan !
* Pag-aralan ang larawan ng mga kababaihan na may partisipasyon sa
pakikibaka ng bayan .
Gabriela Silang -

Gawain 3 : Tsart Analisis

Kinikilalang Lider Dahilan


Lakandula Kabiguan nsa pagsasagawa ng
mga pangako ni Legazpi kay
Lakandula
Kalupitan ng mga Encomendero
Magat Salamat , Martin Mithiing kalayaan
Panga
Pagkamuhi sa Buwis
Magalat Pang-aabuso ng mga
nangungulekta ng buwis
Kalayaan sa pananampalataya
Felipe Cutabay Kahigpitan ng mga pinunong
Espanyol
Tamblot Di- pagkagusto sa relihiyong
katoliko
Bankaw Kalayaan sa Pananampalataya
Sumuroy , Pedro Pagtangging magpunta sa
Coamug Cavite para sa Polo Y Servicios
Tapar Kalayaan sa pananampalataya
Dagohoy Pagtangging bigyan ng maayos
na libing ang kanyang kapatid
Diego Silang at Pagkamuhi sa mga Espanyol
Gabriela Silang
Hermano Pule Pagtanggi ng simbahan sa
kahilingan na maging pari
Itanong :
Ano - anong partisipasyon ng mga katutubo sa pakikipaglaban ?
Bakit iilan lamang ang mga kababaihan na nakipaglaban sa
mga Espanyol ?
kasinlakas ba ng mga nbabae ang mga lalaki ?

2. Pagsusuri : Ang Paglilitis


* Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong .
a. Ano ang dapat gawin sa sitwasyon ng mga kababaihan ?
b. Bakit kailangang ang mga kababaihan ay kumilos tungo sa
pagababago ?
c. Kanino raw dapay makiagsabayan ang mga kaababaihan ?
d. Kaya kayang gawin ng mga babae ang nagagawa ng mga laalaki
lalo na sa usaping pakikibaka ng bayan .
e. Nararapat bang makipagsabayan ang mga babae sa mga lalaki
na may malaking naibabahagi sa pagtatnggol sa bayan ?

g. Papanong gaagawin kung may mga babaeng takot na ipaglaban


ang kanilang kalayaan ?
h. May ipakikita ako sa inyong imahe ng babae ? Kilala ba ninyo
siya?

j. Ano ang nabahagi ni Gabriela Silang sa panahon ng pananakop


ng Espanyol ?

3. Paghahalaw : Graphic Organizer


* Papunan sa mga mag-aaral ng datos ang tsart sa pamamagitan ng
pagpili ng kasagutan sa strip ng kartolina na naka display sa paligid ng
silid- aralan .

Ano – ano ang naging partisipasyon ng iba’t – ibang rehiyon


at sector ( katutubo at kababaihan ) sa pakikibaka ng bayan.

Mga Partisipasyon
ang Iba’t – Ibang
Rehiyon at Sector
4. Paglalapat : Ang aking pamilya …
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkaatang gawain upang lubos
na maunawaaan ang aralin .

Gawin :
1. Pumili ng isang
partisipasyon
ng mga katutubo at
kababaihan sa pakikibaka
ng bayan .
2. Lumikha ng maikling skit
At ipakita sa klase.

Pangkat 1 Pangkat 3
Pangkat 2 Pangkat 4

IV . Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit upang
mataya ang natutuhan sa aralin.
Panuto : Piliin ang titik na nagpapahayag ng partisipasyon ng mga
katutubo at kababaihan sa pakikibaka ng bayan .
A. Pag-aalsa ng mag-asawang Diego at Gabriela Silang.
B. Pagtatatag ni Hermano Pule ng Cofradia de San Jose .
C. Pakikpagkaibigan sa mga Espanyol
D. Pagkagalit ng Francisco Dagohoy dahil sa ayaw payagan na
mailibing ang kanyang kapatid .
E. Pagtutol ni Magalat sa pagpataw ng buwis
F. Pagnanais ni Bankaw na maibalik ang katutubong relihiyon ni
G. Pang-aabuso ng mga opisyales na Espanyol na ikinagalit ni
Francisco Maniago

V. Takdang Aralin
* Ipaalala sa mga mag-aaral ang kanilang proyekto na dapat gawin.

Gumawa ng album ng mga katutubo at kababaihan na may


partisipasyon sa pakikibaka ng bayan sa kasalukuyang panahon.

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos. )


Original at kaakit –akit sa paningin ang

album at angkop ang impormasyong 5


ibinigay .

33 3 3
Hindi gaanong kaakit- akit subalit may
wastong datos na ibinigay .

Kulang sa impormasyong itinala .

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin 4.2 Partisipasyon ng Iba’t- ibang Rehiyon at Sector
( Katutubo at kababaihan ) sa Pakikibaka ng Bayan

I. Layunin
Naipaliliwanag ang partisipasyon iba’t - ibang rehiyon at sector
katutubo at kababaihan ) sa pakikibaka ng bayan. . ( 4.2)

II. Paksang Aralin


Paksa: Partisipasyon ng Iba’t- ibang Rehiyon at Sector ( Katutubo at
kababaihan ) sa Pakikibaka ng Bayan
Sanggunian : AP5PKB-IVf-4 ( 4.2 )
Kagamitan: video clips activity cards tsart ng pagsasanay
strip ng kartolina , plaskard

Pagpapahalaga : Pagmamalaki sa mga katutubo at kababaihan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Mock TV Patrol


* Pakikinig ng balita tungkol sa samahan ng kababaihang may
ipinaglalaban

2. Balik Aral: Itala mo !


* Ipasulat sa strip ng kartolina ang mga katutubo o mga
kababaihan nagkaroon ng bahagi sa pakikibaka ng bayan.
3. Pagganyak : Ang aking karanasan
* Itanong sa mga mag-aaral kung nakaranas na sila
masangkot sa anumang uri ng labanan ?
Ano ang nangyari ?
Ano ang naging partisipasyon mo sa nasabing labanan ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Picture , Picture
* Ipakita sa mga mag-aaral aang mga larawan at hayaang suriin
nila ito .

Talakayin ang nilalaman ng larawan


Sino-sino ang nagkaroon ng partisipasyon sa pakikibaka ng
bayan ?
Ano - anong partisipasyon ng mga katutubo sa pakikipaglaban ?
Bakit iilan lamang ang mga kababaihan na nakipaglaban sa
mga Espanyol ?

* Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong .


a. Ano ang naiisip na paraan ng mga katutubo kapag hindi
nagustuhan ang ginagawa ng mga Espanyol ?
b. Saaan humahantong ang kanilang nararamdaman.
c. Nararapat ba na maging bahagi sila ng pakikibaka ? Bakit ?
d. Paano nila isasagawa ang nais nilang mangyari upang
maipadama ang kanilang galit na nararamdaman.
3. Paghahalaw : Jumbled Words
* Buuin ang kaisipang dapat malaman tungkol sa aralin.

Paano ipinakita ng mga katutubo at kababaihan ang


partisipasyon sa pakikibaka ng bayan ?

Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang


magapi ang mga kalaban subalit hindi sapat ang
kanilang oras , lakas at armas sa pakikipaglaban.

4. Paglalapat : Indibiduwal na Gawain


* Bigyan ng pagkakataong ipahayag ng mga mag-aral ang kanilang
saloobin hinggil sa aralin napag-aralan.

Sitwasyon :

Ang pakikibaka o pakikipaglaban ay isang gawaing


pinag-uukulan ng panahon , talino at lakas upang magapi
ang mga kalaban.
Kung ikaw ay isa sa mga katutubo o kababaihan noon
na may adhikaing baguhin at ipaglaban ang alam mong
tama , subalit hindi pa panahon at hindi ka pa lubos na
handa , gagawin mo ba ito kahit kapalit nito ang iyong
buhay ? Bakit ?

IV . Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit upang
mataya ang natutuhan sa aralin.

Panuto : Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng


talata na may tatlo hanggang limang pangungusap.

Bakit masidhi ang partisipasyon ng mga katutubo


at mga kababaihan sa pakikibaka ng bayan.

. Ano ang nais nilang patunayan ?

Masidhi ang partisipasyon ng iba’t-ibang


rehiyon at setor sa pakikibak ng bayan dahi.

_
V. Takdang Aralin

* Isulat ang inyong pananaw tungkol sa mga naganap na


pakikibaka ng bayan ng mga katutubo at mga kababaihan.

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos. )

Rubrics

5 - Malinaw ang naibigay na impormasyon o


ideya . Malinis at maayos ang sinulat ,
nakasunod sa pamantayan ng pagsulat.

3. - Hindi lubos ang ideyang ipinahahayag .


Hindi lahat ng pamantayan ay nasunod.

1 - Kulang sa ideya at hindi nakasunod sa


mga pamantaay sa pagsulat

Inihanda ni :
MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin 5.1 Ang Kalakalang Galyon

I. Layunin

Natatalakay ang kalakalang galyon . (5.1 )

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang Kalakalang Galyon


Sanggunian: AP5PKB-IVg-5 (5.1)
Ang Pilipinas s Iba’t-Ibang Panahon 5 pp. 106-107
pp.2000 pp.219-220, Magandang Pilipinas 5,pp 50-
https://www.youtube.com/watch?v=D13zsLJOaLE
Kagamitan: powerpoint, larawan, video
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kalakalang galyon

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan: Balita Patrol


Pakikinig ng balita tngkol sa pakikipagkalakalan

2. Balik-Aral : Sino ako ?


* Tatawag ng mag-aaral upang basahin ang tanong pipili siya ng
sasagot sa kanyang binasang tanong .

Sino ako ?
Ako ang may hangaring ibalik ang katutubong relhiyon ?
Sino ako ? Ikaw ay si _____________. ( Tamblot )

- Ako ay tutol sa pangungulekta ng buwis sa mga


Espanyol. ( Lakandula )
- Kami ay tutol sa pagmamalabis ng mga Espanyol sa
Sapilitang Paggawa at pagbubuwis. ( Gaddang )
- Ako ay galit dahil ayaw bigyan ng kristiyanong libing
ang kapatid ko. ( Francisco Dagohoy )

3. Pagganyak : Mapa ang Daan , Larawan Tandaan


* Ipahanap sa mapa ang kinalalagyan ng Look ng Maynila
Itanong :
a. Ano ang nakikita ninyo sa mapa ?
b. Saang lugar sa mapa matatagpuan ang look ng
Maynila ?
c. Ano-ano ang makikita sa look ng Maynila ?
d. Bakit mayroon ang Pilipinas ng look ng Maynila

* Ipakita ang larawan ng galyon

Itanong :
a. Ano ang nasa larawan ?
b. Ano –ano ang laman ng sasakyang pandagat ?
c. Saan ito ginagamit ?
d. Ano ang kaugnayan ng unang larawan sa ikalawang
larawan ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Video Clip
https://www.youtube.com/watch?v=D13zsLJOaLE
* Ipapanood sa mga mag-aaral ang video clip ng tungkol sa
kalalakalang galyon .

https://www.youtube.com/watch?v=D13zsLJOaLE
“ Ang Kalakalang Galyon “

* Magkaroon ng maikling talakayan sa napanood na video.


a. Tungkol saan ang video ?
b. Ano ang tawag sa sasakyang pandagat na may
dalang mga kalakal ?
c. Ano – anong bansa ang may hatid na kalakal sa
Pilipinas ?
d. Saan dinadala ang mga kalakal mula sa Pilipinas /
E. Nakatulong bas a kabuhayan ng bansa ang kalakalang
galyon ? Paano ?

Gawain 2 : “ May message ka …


* Ipabasa sa mga mag-aaral ang mensahe at hayaang pag-
aralan at suriin itong mabuti .

Pinatunayan nina Legazpi ang kanilang panukala tungkol


sa magandang hinaharap ng maynila sa pakikipagkalakalan.
Ipinahayag nila ang pagbubukas ng daungan ng Maynila .
Nangangahulugan ito ng malayang pagdaan sa Look ng
Maynila ng mga galyon o sasakyang pandagat na ma dalang
kalakal. Sadyang akma ang kinalalagyan ng Maynila upang
maging sentro ng kalakalang galyon. Ang mga produktong
buhat sa silangan tulad ng sutla at porselana ng Tsina ,
pabango at alpombra ng India, mga pampalasang buhat sa
Borneo , mahahalagang hiyas na rubi , topas , at sapiro ng
Ceylon ay ipinagbili sa Mehiko ngbmga mangangalakal na
Kastila na taga Maynila . Mula noon dumami at lumaki ang
dalang kalakal sa Pilipinas buhat sa Tsina , India, Cambodia
, at Ceylon . Sa daungan ng Acapulco sa Mehiko kilalang
kilala ang mga kalakal na ito.
Ipinagbibili ng mga mangangalakal na taga – Maynila mga
mangangalakal ng Mehiko ang mga produktong ito mataas
na halaga. sa pagbabalik ng galyon sa Maynila, dala naman
nito ang mga produkto ng mga bansa sa kanluran. Umunlad
ang Maynila sa ganitong pakikipagkalakalan. Naging tanyag
ang kalakalang maynila – Acapulco. Tinawag itong
kalakalang galyon dahil sa galyon ang sasakyang –dagat na
nagdadala ng mga kalakal mula sa Maynila patungong
Acapulco.
Ang kinita sa kalakalang galyon ay nakatulong nang
malaki sapangangailangan ng pamahalaan. Nakaragdag ito
sa buwis na kinukulekta sa mga Pilipino. Kailangan ng
pamahalaan ang pilak at ginto na nanggagaling sa
kalakalang galyon. Ang kinikita ng kalakalang galyon ay
kinukulekta sa Acapulco at pagkatapos ay ipinadadala sa
Pilipinas .Ibinayad ito sa sa mga
militar na nangangalaga sagalyon. Isinusuweldo ito sa mga
opisyal ng pamahalaan at simbahan. Inilaan din ito sa
paggawa ng bapor at barko upang hindi matigil ang
paglalayag ng galyon.
Sa pagpapatuloy ng kalakalang galyon , patuloy din ang
pagdaloy ng pillak ng Mehiko sa Pilipinas.
Nangamba ang mga mangangalakal na taga Cadiz at Sevilla
ng Espanya sapagkat nakaagaw ng produkto ng silangan
ang kanilang produkto. Nanawagan
sila sa hari at iminungkahing takdaan ang kalakalang
Maynila at Mehiko. Ginawa ito ng hari sa kabila ng pagtutol
ng mga mangangalakal.

* Talakayin ang nilalaman ng mensahe .


a. Ano ang nilalaman ng mensahe /
b. Ano ang ibig sabihin ng galyon ?
c. Ano-anong produkto ang dala ng galyon ?
d. Saang bansa nagbuhat ang mga prouktong sakay ng galyon ?
e. .Ano ang tawag sa pagpapalitang ito ngbprodukto ?

2. Pagsusuri: Tanong ko sagot mo


* Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong . Tatawag ng
isang bata upang basahin ang tanong at tatawag ng ibang
bata upang sagutin ang binasang tanong ng unang bata .
a. Sino-sino ang mga taong nagtaguyod ng
pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa mga bansa sa silangan?
b. Anong lugar ang naging sentro ng kalakalan sa Asya?
c. Saan-saan nagmumula ang mga kalakal na dinadala sa
Pilipinas?
d. Sino ang higit na nakikinabang sa k alakalang galyon ?
e. May pakinabang bang naidudulot ang kalakalang galyon sa
mga Pilipino ?
f. Bakit nilimitahan ng hari ang pagdadala ng produkto mula
sa ibang bansa ?
Makatarunag ba para sa mga Pilipino na ipagpatuloy ng
mga Espanyol ang palitan ng produkto ?
g. Sa iyong palagay kung hindi ipinakilala ng mga Espanyol
ang kalakalang
galyon sa Pilipinas , nasaan na kaya ang kalagayan ng
bansa sa ngayon ?
h. Bibigyan kita ng pagkakataon ngayon na bigyan ng
kaukulang puntos o marka ang kalakalan sa Pilipinas ,
anong puntos ang maaari mong ibigay ? Bakit ?

3. Paghahalaw : Semantic Web


* Ipagamit ang graphic organizer sa pagbuo ng kaisipan sa
pamamagitan ng pagsagot ng tanong .

Ano ang kalakalang galyon?

Larawan ng
Kalakalang Galyon

4. Paglalapat : “ Ang aking kapangkat …“


* Ipagawa ang pangkatang gawain sa mga mag-aaral upang
Lubos na maunawaan ang aralin.

Pangkat 1: Iguhit Mo!


Iguhit ang sasakyang ginamit sa pagkakalakalan
ng panahon ng Espanyol.

Pangkat 2: Awitin Mo!


Awitin ang kahulugan ng kalakalang galyon sa
himig ng “bahay kubo”

Pangkat 3: Itula Mo!

Bumuo ng isang saknong na tula tungkol sa


kalakalang galyon
Pangkat 4: Buuin Mo!

Ayusin ang mga salita upang mabuo ang


pangungusap tungkol sa kalakalang
galyon.
Ang galyon ay isang uri ng sasakyang-
dagat na nagdadala ng mga paninda mula
Maynila patungong Mehiko at pabalik minsan
isang taon.

IV. Pagtataya
* Pasulatin ang mga mag-aaral ng maikling talata tungkol sa
kalakalang galyon .

Panuto : Sumulat ng maikling talata tungkol sa kalakalang galyon .


Sundin ang pamantayan sa pagsulat ng talata.

Rubrics

5 - Maayos na naipaliwanag ang paksa. Sinunod ang


pamantayan sa pagsulat ng talata.

3 - Malinaw ang nilalaman ng talata. Hindi nakasunod sa


pamantayan pagsulat.

1. Kulang sa paliwanag at hindi malinaw ang paksang


Tinatalakay. Marami sa pamantayan ang hindi
nasunod.
V. Takdang Aralin
Itala kung ano-anong produkto o kalakal ang hatid ng ibang bansa
sa Pilipinas panahon ng Espanyol .

Inihanda ni:

GINA A. TEODORO
Guro I, Teresa E/S
Aralin 5.2 Ang Epekto ng Kalakalang Galyon sa Bansa

I. Layunin

Nasasabi ang epekto ng kalakalang galyon sa Bansa ( 5.2 )

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang Epekto ng Kalakalang Galyon sa Bansa


Sanggunian: AP5PKB-IVg-5 ( 5.2 )
Pamana 5, 1999 pp.83-84, Pilipinas Pilipinas Bansang
Papaunlad, 6 pp.2000 pp.219-220, Magandang Pilipinas
5,pp 51-52
https://www.youtube.com/watch?v=-h3lhb3vP3A
Kagamitan: powerpoint, larawan, tsart
Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa naidudulot na pakinabang ng
pakikipagkalakalan.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan: Balita Patrol
* Pakikinig ng balita tungkol sa pakinabang na naidudulot ng
pakikipagkalakalan

https://www.youtube.com/watch?v=-h3lhb3vP3A
“ Balitang Kalakalan: Water rate cut/ Oil price rollback/
Cooking Idol inilunsad/ OFW Remittance “

2. Balik-Aral : Off the wall


* Ipabasa sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong at
papiliin sila ng sagot sa strip ng kartolina na nasa paligid ng
silid-aralan. Ipadikit ito sa tsart na nasa pisara .
1. Isang uri ng sasakyang pandagat na may dalang kalakal.
2. Ito ay sentro ng kalakalang galyon .
3. Ang mga produktong sutla at porselana ng Tsina ay mula
sa _____.
4. Ipinagbibili ng mga mangangalakal na taga- Maynila sa
mga mangangalakal ng _____________
5. Ang kinita ng kalakalang galyon ay nakatulong ng malaki
sa pangangailangan ng ____________ .
Mehiko 4 Maynila 2

Kalakalang galyon 1 Silangan 3


Pamahalaan 5
Kanluran
lipunan
Pilak

3. Pagganyak : “ Ang larawan “

* Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan . Pasuri itong


mabuti .

Itanong ;
a. Ano ang nasa larawan ?
b. Ano ang nangyari sa agrikultura ?
c. Bakit kaya nasira ang palayan, mais at iba pang
taniman?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : “ May Nagteks … “
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto at hayaang pag-
aralan ang nilalaman nito .
“Ang Epekto ng Kalakalang Galyon sa
Pamumuhay ng mga Pilipino”

Ang pagmomonopolyo ng pamahalaan sa


kalakalang galyon ay nagkaroon ng di –
magandang epekto sa Pilipinas..Bumagal ang
pag- unlad ng kabuhayan dahilan sa walang
ginawa ang mga opisyal kundi ang
mangalakal . Napabayaan ang pamamahala
sa mga lalawigan sapagkat ang mga
Espanyol ay nagpuntahaan sa Maynila
upang sumali sa kalakalang galyon .

Sa kabilang dako , may mabuti rin naidulot ang kalakalang galyon .


Ilan dito ay ang sumusunod :
Nakatulong ang kinikita sa galyon upang matustusan aang
pangangailangan sa pagpapanatili ng Kristiyanismo at pamahalaan sa
Pilipinas . Hindi naman nagamit ang likas na yaman ng Pilipinas dahil
sa pagkaabala sa pangngalakal ng mga opisyal na kastila. Naging
tanging daan ito ng komunikasyon ng Pilipinas. Naging daan ito ng
komunikasyon ng Pilipinas , Espanya at Mehiko . Ito ang nagdala ng
makabagong pamamaraan at teknolohiya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan. Kinilala ang Pilipinas sa kasanayan at makasining na
paggawa mga barko. Sa Pilipinas lamang matatagpuan ang
pinakamatibay na punongkahoy ang molave , na ginamit sa paggawa
ng barko.
Halos kasabay ng pagtatapos ng ika-18 dantaon ang
pagtatapos ng kalakalang galyon . Dumami ang mga bapor na
nagdala ng mga kalakal sa Mehiko na buhat pa sa mga bansa sa
silangan at kanluran.

2. Pagsusuri : Tanungan Portion


a. Ano ang mabuting epekto ng kalakalang galyon?
b. Ano-ano ang di mabuting epekto ng kalakalang galyon
pamumuhay ng mga Pilipino?
c. Ano-ano ang kulturang Mehikano ang iniambag nila sa
kulturang Pilipino sa tulong ng kalakalang galyon? Paano ito
nakaapekto sa Pilipino?
d. Bakit kaya nagakaroon ng di-mabuting epekto ang kalakalang
galyon sa pamumuhay ng mga Pilipino?
3. Paghahalaw : Graphic Organizer
* Papunan ng impormasyon ang tsart sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mabuti at di- mabuting epekto ng kalakalang
galyon.

Ano – ano ang mabuti at di-mabuting epekto ng


kalakalang galyon sa bansa ?

Epekto ng Kalakalang Galyon

Larawan ng Galyon
Mabuti Di-mabuti
4. Paglalapat : Pangkat ko , Kaagapay ko
* Magsasagawa ng pangkatang gawain upang lubos na
maunawaan ang aralin

Pangkat 1: Iguhit Mo!


Gawin :
Iguhit ang mabuting epekto ng kalakalang galyon sa
pamumuhay ng mga Pilipino

Pangkat 2: Awitin Mo!


Gawin :
Awitin sa himig ng paru-parong bukid ang mabuti at di – mabuting
epekto ng kalakalang galyon sa pamumuhay ng mga Pilipino

Pangkat 3: Isulat Mo !
Gawin :
Isulat sa Venn Diagram ang mabuti at di-mabuting epekto ng
kalakalang galyon sa pamumuhay ng mga Pilipino.

E
P
E
Mabuti K Di-Mabuti
T
O
Pangkat 4: Iakto Mo !
Gawin :
Ipakita sa pamamagitan ng piping palabas ang mga naging
epekto ng kalakalang galyon sa pamumuhay ng mga Pilipino..

b. Sitwasyon : The Voice


* Bigyan ng pagkakataong makapagbigay ng kanilang saloobin ang
mga mag-aaral hinggil sa aralin .
 Kung ikaw ay isa sa Pilipino noong panahon ng mga Espanyol,
sasang-ayon ka ba sa kalakalang galyon? Bakit?

IV. Pagtataya

* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit upang mataya


ang natutuhan sa aralin.
Panuto : Isulat sa patlang ang √ kung ito ay mabuting epekto ng
kalakalang galyon at x kung hindi.
____1. Napabayaan ang agrikultura at industriya dahil halos lahat
ng panahon ng mga opisyales ng pamahalaan ay ginugol
sa kalakalan.

____2. Nagsilbing tanging komunikasyon sa pagitan ng Pilipinas


at Estados Unidos, Espanya at Mehiko.

____ 3. Kakaunti lamang ang nakinabang sa kalakalang ito gaya


ng mataas na opisyales ng pamahalaan at simbahan.

____4. Hindi lamang kalakal ang dala ng mga galyon kundi mga
makabagong kaalaman.

____5. Hindi nagamit an gating likas na yaman at napanatili ito


para sa sumusunod na henerasyon ng Pilipino.
V. Takdang Aralin
Sumulat ng iyong reaksyon sa mga naging epekto ng kalakalang
galyon sa Pilipinas.

Inihanda ni:

NORMITA A. CRUZ
Guro III , Teresa E/S
Aralin 5.3 Kaugnayan ng Kalakalang Galyon sa
Paraan ng Pangangalakal ng
Kolonyang Pilipinas

I. Layunin
Nasusuri ang kaugnayan ng kalakalang galyon sa paraan ng
pangangalakal sa kolonyang Pilipinas . (5.3 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Kaugnayan Ng Kalakang Kalakalang Galyon sa Paraan
ng Pangangalakal sa Kolonyang Pilipinas
Sanggunian: AP5PKB-IVg-5 (5.3)
Ang Pilipinas s Iba’t-Ibang Panahon 5 pp. 106-107
Magandang Pilipinas 5,pp 50-
Kagamitan: powerpoint, larawan, video
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kalakalang galyon

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan: Tapatan ni Tunying
* Pipili ng isang mag-aaral na magkukunwaring si Anthony
Taberna ng “ Tapatan ni Tunying ‘’ Iparinig sa mga
mag-aaral ang balita tungkol sa pakikipagkalakalan.

http://www.remate.ph/2011/09/kalakalan-sa-pagitan-ng- Kalakalan
sa pagitan ng Pilipinas, China palalakasin .

2. Balik-Aral : Ang Aking Bandila


* Ipagamit sa mga mag-aarala ang bandila sa
pamamagitan ng pagwagayway nito . Bandila ng Pilipinas
k kung mabuting epekto ng kalakalang galyon at ipabigkas
ang katagang “ Mabuhay Pilipinas “ at Bandila ng
Espanya kung di mabuting epekto at ipabigkas ang
“ Viva Espanyol “.

Mabuhay ! Pilipinas Viva Espanol


1. Bumagal ang pag-unlad ng
kabuhayan dahilan sa walang ginawa
ang mga opisyal kundi ang
mangalakal.
2. Kinilala ang Pilipinas sa kasanayan at
at makasining na paggawa ng mga
barko .
3. Napabayaan ang pamamahala sa mga
Lalawigan dahil ang mga opisyal ay
nagpuntahan sa Maynila upang
makipagkalakalan.
4. Naging tanging daan ito ng
komunikasyon ng Pilipinas , Espanya
at Mehiko.
5. Napabayaan ang pagsasaka na
nagbunga ng kakapusan sa pagkain.
6. Natustusan ang pangangailangan ng
pamahalaan sa Pilipinas.
7. Hindi nagamit ang likas na yaman ng
Pilipinas dahil sa pagkaabala sa
pangangalakal ng mga opisyal na
Kastila

4. Pagganyak : Picture Analysis


* Ipasuri sa mga mag-aaral ang larawan .
* Itanong :
a. Ano ang nakikita ninyo sa larawan ?
b. Tungkol saan ang nais ipabatid ng mga larawan ?
c. Saang bansa kaya galing ang mga kalakal na ito ?
d. Paano nakarating sa Pilipinas ang mga kalakal na ito kung
ito ay galing sa ibang bansa ?
e. Kung sususriing mabuti ang mga larawan gaano ang oras na
ibinibigay nila sa kanilang pakikipagkalakalan ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Ang Mensahe
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang mensahe . Hayaang pag-
aralan nila itong mabuti.

Ang kapaki- pakinabang na kalakalan sa


Maynila at sa iba pang sa Asia ang
nagpasigla sa Spain upang itatag ang
kalakalang galyon sa pagitan ng Maynila
Acapulco , Mexico. Umaalis ng Maynila ang
mga galyon na dala – dala ang mga
silanganing produkto kasama ang mga
produktong gawa sa Pilipinas.Sa pagbabalik
ng mga galyon, may dala itong pilak at iba
pang produkto mula sa Mexico.
Itinatag ang kalakalang galyon upang
mapataas ang kita ng pamahalaan . Dahil sa
malaking pakinabang dito , lubusang hinarap
ng mga Espanyol ang pakikipagkalakalan sa
halip na pag-unlad ng likas na yaman.,
napabayaan ang agrikultura , lalo na ang
pagtatanim ng mga halamang pagkain.
Nagkaroon ng kakapusan sa pagkain ang
mamamayan. . Napabayaan rin nila ng
pamamahala sa mga lalawigan. , sa halip na
manatili sila sa sa mga lalawigang dapat
nilang pamahalaan , nanatili sila sa Maynila
para sa kalakalan.
Ngunit may dulot rin naman buti ang
kalakalang galyon sa bansa,, Nagkaroon ng
tiyak na mapagkukunan ng pondo ng
pamahalaan at simbahan ang kinikita ng
kalakalang galyon, Napanatili ang likas na
yaman ng bansa dahil sa pagkaabala ng mga
Espanyol sa pangangalakal. Nabuksan ang
mga Pilipino sa makabagong teknolohiya. .
Ang kalakalan rin ang naging daan ng
pagpapalitan ng kulturang Kanluran at
Silangan. Higit sa lahat nakilala ang
kahusayan ng mga Pilipino sa paggawa ng
barko.
Nang Buksan ang Maynila sa kalakalang
pandaigdig , dumami ang mga dayuhang
mangangalakal sa bansa. Iba’t –ibang
kaisipan at ang kaalaman ang dala ng mga
dayuhang ito. .
Tunay na may pakinabang sa
kalakalang galyon na hindi maipagkakaila ng
mga Pilipino. Malinaw na malaki ang
kaugnayan ng kalakalang galyon sa paraan
ng pakikipagkalan ng mga Espanyol.

2. Pagsusuri: Pick me up

* Ipakita sa mga mag-aaral ang mga maliliit na papel na


nakabalunbon, nakasulat sa papel ang mga tanong .
papitas ito sa puno at ipabigay ang kasagutan.
Halina’t tayoy
Ang unang
sumagot .
makasagot
Pumitas tayo
panalo .
sa puno

a. Bakit naitatag ang kalakalang galyon ?


b. Saan-saan nagmumula ang mga kalakal na dinadala sa
Pilipinas?
c. Sino ang higit na nakikinabang sa k alakalang galyon ?
d. . Ano nagng epekto ng kalakalang galyon sa mga
opisyales ng pamahalaan ?
e. Ano nadama ng ng mga opisyales ng pamahalaan
nang buksan ang Maynila bilang sentro ng kalakalan.
f. May pakinabang bang naidudulot ang kalakalang galyon sa
mga Pilipino ?
g. Ano ang kaugnayan ng kalakalang galyon sa paraan ng
pangangalakal ng mga Espanyol ?
h. Sa iyong palagay kung hindi ipinakilala ng mga
Espanyol sa Pilipinas ano kaya ang kalagayan ng
kalakalan sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon ?

3. Paghahalaw : Missing Words


* Ipahanap sa mga mag-aaral ang nawawalang salita
upang mabuo ang diwa ng konsepto. Sagutin ang
tanong .
Ano ang kaugnayan ng kalakalang galyon sa
paraan ng pangangalakal ng Espanyol sa
Pilipinas.

 Nabuhos ang lahat ng oras at atensyon


ng mga opisyales ng pamahalaan sa
pakikipagkalan na naging dahilan
upang mapabayaan ang kanilang mga
tungkulin
4. Paglalapat : Pangkat ko , kaisa ko
* Magkaroon ng pangkatang gawain upang mas luos na
maunawaan ang aralin .

Pangkat 1 : Itinda mo !
Magkunwari kang isang
dayuhang mangangalakal .
Ipakita mo ang iyong
Sistema upang mabili ang
kalalal mo .

Pangkat 2 : Magsalita ka !
Ihayag sa buong klase
kung sang-ayon ka na ang
kalakalang galyon ay
dahilan upang dumami ang
mga mangangalakal sa
ating bansa.

Pangkat 3 : Ihambing mo !
Paghambingin mo ang
kalakalan sa panahon ng
kolonyalismo at sa
kasalukuyang panahon .

Pangkat 4 : Mamili ka !
Piliin mo ang mahusay
na mangangalakal , ang
pangkat ng mangangalakal
na Espanyol o ang
mangangalakal sa
kasalukuyang panahon .
IV. Pagtataya

* Ipagawa sa mga mag-aarala ng gawain na may kinalaman


sa aralin upang mataya ang kaalamang natutuhan.

Panuto : Sumulat ng inyong pananaw kung sang-ayon


kayo na may kaugnayan ang kalakalang galyon
sa paraan ng pangangalakal ng mga opisyales

( Gagamit ng rubris sa pagbibigay ng kaukulang


puntos. )

Rubrics :
5 - Malinaw ang naibigay na impormasyon o
ideya . Malinis at maayos ang sinulat ,
nakasunod sa pamantayan ng pagsulat.

3. - Hindi lubos ang ideyang ipinahahayag .


Hindi lahat ng pamantayan ay nasunod.

1 - Kulang sa ideya at hindi nakasunod sa


mga pamantaay sa pagsulat

V. Takdang Aralin
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang takdang aralin .

Magsaliksik kung paano ang sistema ng kalakalan sa


kasalukuyang panahon at alamin kung paano ang paraan
ng mga dayuhang mangangalakal sa bansa.

Inihanda ni:

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin: 5.4 Ang Kalakalang Galyon at ang Epekto nito sa Bansa.

I. Layunin
Nahihinuha ang epekto ng kalakalan ng pagbubukas ng daungan ng Maynila.
( 5.4 )

II. Paksang Aralin:


Paksa: Ang Kalakalang Galyon at ang Epekto nito sa Bansa.
Sanggunian: AP5PKB-Ivg-5 ( 5.4 )
Isang Bansa , Isang Lahi 5 pp. 68-69
Ang Pilipinas sa Iba’ t – Ibang Panahon 5 pp. 106
Kagamitan: Mga larawan,tsart
Pagpapahalaga: Pabibigay halaga sa Nagawa Daungan ng Maynila
sa Larangan ng Kalakalan
\
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan: Balita Patrol
Pakikinig ng balita tulad ng epekto ng kalakalan sa ating bansa.
2. Balik-Aral: Picture , Picture
* Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan ng mga kalakal na hatid
ng ibang bansa.
* Ipatukoy sa mga mag-aaral kung anong bansa ang naghatid nito sa
Pilipinas.
* Idikit ang meta card sa tapat ng larawan .

Tsina India Borneo


Ceylon Cambodia Mehiko Pilipinas
3. Pagganyak: Ang Larawan …
* Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan . Suriin itong mabuti .

* Pagpapakita ng mga larawan ng ibat-ibang uri ng kalakalan.

Larawan A

Larawan B
* Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa larawan .
a. Ano ang nakikita ninyo sa larawan A ?
b. Sino ang kaya taong may hawak ng telasa paligid niya ? na tila may
sinasabi sa mga taong niya ?
c. Sa inyong palagay makukumbinse ba ng taong ito na bilhin ang
kanyang kalakal ? Bakit ?
d. Kung laging tatangkilikin ang kanyang produkto ng mga tao , ano sa
palagay ninyo ang mangyayari ? Bakit ? ]
e Ano naman ang isinasaad ng larawan B /
f. Bakit kaya tila nagkakagulo sila ?
g. Kung ganoon ang sistema ng kanilang hanapbuhay , ano kaya ang
mangyayari ? Bakit ?
B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain 1 : May nagteks ...
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto at hayaang unawain ang
nilalaman nito.

Pagbubukas ng Daungan ng Maynila


Pinatunayan nina Legazpi ang kanilang panukala tungkol sa
magandang hinaharap ng Maynila sa pakikipagkalakalan. Ipinahayag
nila ang pagbubukas ng daungan ng Maynila . Nangangahulugan ito
ng malayang pagdaan sa Look ng Maynila ng mga galyon o
sasakyang pandagat na may dalang kalakal

Sa isang banda ang , ang kalakalang galyon ang nagbukas ng


panlabas na kalakalan ng bansa. Ito naman ang nagbigay –daan sa
pagbubukas ng mga daungan sa iba’t – ibang panig ng bansa. Sa
mga daungan na ito tinanggap ang pagpasok ng mga barko ng
ibaa’t-inamg dayuhan. Pinaunlad ang mga daungan sa Ilo-ilo , Sulu
, Zamboanga , Cebu , Legazpi , Tacloban at sa iba pang dako ng
bansa.
Tunay na malaki ang nagawa ng pagbubukas ng daungan ng
Maynila dahil naging matagumpay ito sa kabila ng katotohanan na
mas malaki ang naging pakinabang ng pamahalaang Espanyol .
2. Pagsusuri: Balitaktakan Portion

* Talakayin ang binasang teksto


a. Ano ang sinasabing magandang panukala ng pangkat ni Legazpi
tungkol sa kalakalan ?
b. Nagtagumpay ba sa larangan ng kalakalan ang mga Espanyol sa
pagbubukas ng daungan ng Maynila? Paano ?
c. Ano ang kabutihang dulot ng pagbubukas ng daungan ng
Maynila ?
d. Ano ang naging epekto nito sa ating bansa ?
e. Sang-ayon ba kayo sa ginawang pagbubukas ng daungan ng
Maynila ? Bakit ?
f. Kung ikaw ay isa sa mga Pilipino noong panahong iyon , papayag
ka ba na ang higit na makikinabang rito ay ang pamahalaang
Espanyol lamang ? Bakit ?

3. Paghahalaw: Jumbled Words


* Ipaayos ang mga salita upang mabuo ang konsepto ng aralin na
pinag-aralan ayon sa tanong na nasa ibaba .

Ano ang masasabi ninyo sa naging epekto ng kalakalan ng


pagbubukas ng daunagn ng Maynila ?

Malaki ang naitulong ng pagbubukas ng daungan ng


Maynila sa kalakalan sapagkat naging daan upang
kumita ng malaki ang pamahalaan at umunlad ang
Pilipinas sa kabila ng katotohanan na mayroon
ding hindi mabuting epekto na naidulot ang
pakikipagkalakalan.

4. Paglalapat: Pangkat mo , pangkat ko , magkaisa tayo !

* Magsagawa ng pangkatang gawain upang lalong maunawaan ng


mga mag-aaral ang aralin.

Pangkat 1 : Lights , Camera , Action

Gawin :
Isadula ang bahaging napabayaan ang
agrikultura at industriya dahil ang oras ng
mga opisyales ay nagugol sa
pakikipagkalakalan.
Pangkat 2 : Piping Palabas ( Pantomine )

Gawin :
Ipakita sa klase kung paano nasiyahan ang
mga tao dulot ng dala nilang makabagong
kaalaman mula sa pakikipagkalan.

Pangkat 3 : Slogan Making

Gawin :
1. Lumikha ng slogan mula sa naging epekto
na hindi paggamit ng likas na yaman dulot
ng pagiging abala sa pakikipagkalakalan.

Pangkat 4 : Damdamin ko , ilalabas ko !

Gawin :
Ipaliwanag kung bakit kokonti
lamang ang nakinabang sa pakikipagkalan at
tanging mga opisyales ng pamahalaan at
simbahan .

IV. Pagtataya:
* Bigyan ang mga bata ng maikling pagsusulit ng mataya ang natutuhan
nila sa aralin.

Panuto : Ipaliwanag kung ano ang naging epekto ng pagbubukas


ng daungan ng Maynila sa kalakalang galyon .

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos. )

Rubrics :
Puntos Pamantayan
5 Angkop ang nilalaman ng talata sa paksa .
Ginamit
ang mga pamantayan na dapat sundin sa
pagsulat
ng talata.
3 Hindi lubos na naipaliwanag ang paksa ,
nakasunod sa mga pamantaayan sa pagsulat
ng talata
1 Hindi malinaw na naipahayag ang gustong
iparating , hindi nakasunod sa pamantayan ng
pagsulat ng talata.

V. Takdang Aralin:

Gumupit ng mga larawan na nagpapatunay na naging matagumpay sila


sa larangan ng pakikipagkalalan.

Inihanda ni:

ANNIE S. DE LEON
Guro I , Teresa E/S
Aralin 6.1 : Mga Ginawang Pagkakaisa at Pagkakawatak
ng mga Unang Pilipino sa Mahalagang Pangyayari.

I. Layunin
Nasusuri ang ginawang pagkakaisa at pagkakawatak – watak ng mga
unang Pilipino sa mahalagang pangyayari . ( 6.1 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Pagsusuri sa Pagkakaisa at Pagkakawatak-watak ng
mga Unang Pilipinong Katutubo sa Mahahalagang Pangyayari
sa Bansa
Sanggunian : AP5PKB-IVe-6 (6.1.) CG, p.
Pamana 5 , pp. 102-107
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards,
manila paper,

Pagpapahalaga : Pagmamahal sa Kalayaan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan: Balita Patrol

Isyu tungkol sa pagkakaisa ng mga tao paara sa kalayaan ng bansa.

2. Balik-aral : Bakas ng Kahapon


* Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga mahahalagang pangyayari
na nakasulat sa bakas ng paa at ipadikit sa tapat ng taon kung
kailan ito nangyari.

Isa-isahin ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng


mga katutubong Pilipino sa kanilang pag-aalsa laban sa
kolonyalismong Espanyol .

1574 1587-1588
1621-1622 1649-1650 1660-1661

1745-1746 1762 -1763 1829

3. Pagganyak : Missing Letter


* Papunan ng titik ang kahon upang mabuo ang salitang tinutukoy ayon
sa isinasaad sa bawat bilang.
1. Kailangan ito upang maging matagumpay ang pag-aalsa ng mga
Katutubo.
p g k k s

2. Ang mga katutubo ay walang malinaw na kasunduan kung sino


ng tunay na pinuno ng labanan kung kaya’t natalo sila sa labanan
sanhi ng
p g k k w t k a a k

Ano ang naidudulot ng pagkakaroon ng pagkakaisa ?


pagkakawatak – watak ng isang samahan ?

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain : Ang Mensahe

* Ipabasa sa mga bata ang mensahe at hayaang pag-aralan nila itong


mabuti

1574 Nakipaglaban si Lakan Dula matapos maitatag ni Legazpi ang


pagkahari ng Espanyol sa Maynila. Ang pakikipaglaban ay bunga
ng pagtutol nila sa pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol .
1587-1588. Sa pangunguna nina Agustin de Legazpi, Martin Pangan,
Juan Basi, magat Salamat, Felipe Salonga, at Juan Banal,
nakipagsabwatan sila sa Datu ng Tondo, Pampanga at Cuyo na
labanan ang mga Espanyol sa aglalayong paalisin ang mga
Espanyol sa Maynila. Sa kasawiang palad ay hindi nagtagumpay
ang pakikipaglabang ito dahil na rin sa pagtatraydor ng isa sa mga
kasama nila. Bunga nito ay ikinulong at piñata ang mga lider na
sina Agustin de legazpi at Magat Salamat.
1596. Si Magat na taga-Cagayan ay nagpakita ng kanyang pagtutol sa
buwis na ipinatutupad ng mga Espanyol subalit hindi rin sila
nagtagumpay.
1621. Ang mga taga-Gaddang sa Lambak ng Cagayan ay nag-alsa dahil sa
pagmamalabis ng mga Espanyol sa sapilitang paggawa at
pagbubuwis na iniuutos sa kanila gayundin ang pagkuha sa mg
aning palay o bigas ng walang bayad
1621-1622. Pinangunahan ni Tmblot ang pagpapanumbbalik ng katutubong
relihiyon sa Bohol. Siya ay katutubong pari na nagturo ng sinaunang
paniniwala mula sa mga ninuno bago pa man lumaganap ang
katolisismo sa bansa. Dahil dito, nagpadala ng ekspedisyon ang mga
Espanyol galling sa Cebu patungo sa Bohol upang pigilin si Tamblot
sa kanyang pangangaral. Nang taon ding ito, pinamunuan naman ni
Bangkaw, datu ng Limasawa ang pag-aalsa sa Leyte upang ibalik ang
katutubong relihiyon. Katulad ng nagyari kay Tamblot, nagpadala ng
ekspedisyon ang mga Espanyol sa Leyte na nagging dahilan ng
pagkabigo ng nabanggit na pag-aalsa.
1649. Ang mga taga-Samar ay nag-alsa laban sa mga Espanyol dahil sa
pagkalap ng mga manggagawa mula sa Luzon para ilipat sa Visayas
at at paglipat ng manggagawang taga-Samar sa Cavite. Nagwakas
ang pag-aalsa nang mapatay si Sumuroy na siyang naguna sa pag-
aalsa ng ilang kasamahan niyang nagtraydor sa kanilang simulain.
1660. Ang hindi pagbabayad ng mga manggagawa na tagaputol ng
punungkahoy na gagamitin sa paggawa ng barko ang naging dahlan ng
pag-aalsa na pinamunuan ni Maniago subalit hindi na niya
naipagpatuloy ang pakikibaka sapagkat nangako ang mga Espanyol na
magbibigay ng gantimpala kung sila’y susuko.
1660-1661. Pinamunuan ni Andres Malong ang pag-aalsa sa Pangasinan at
kanilang napatay ang gobernador-sibil ditto kaya’t siya’y naghari. Hindi
nagtagal, nabihag at bintay siya ng mga Espanyol. Ang sumunod na
pag-aalsa ay hind rin nagtagumpay.
1663. Ang pag-aalsang pinamunuan ni Tapar sa Bohol ay naglayong maibalik
ang dating relihiyon subalit nahinto ang pag-aalsa nang madakip at
mapatay si Tapar.
1744-1828. Ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Espanyol na tumagal
ng maraming taon na pinangunahan ni Francisco Dagohoy ang
maituturing na
pinakamahabang pag-aalsa na naganap sa kasaysayan ng
Pilipinas.Hindi binigyan ng huling basbas ang kapatid ni Dagohoy na si
Sagarino sa dahlang ito ay namatay sa isang duwelo kung kaya’t hindi
ito maaaring bigyan ng huling basbas.
1762-1763. Ang pagbubuwis na ipinataw ng mga Espanyol ang humimok kina
Diego Silang na mag-alsa laban sa mga Espanyol. Nagtagumpay siya
na patalsikin ang mapagsamantalang gobernador ng Ilocos. Napatigil
rin niya ang pagpapataw ng tributo at ang pag-iral ng palo sa Ilocos.
Isang Obispo na kaibigan ni Silang ang nahimok ng mga Espanyol na
patayin siya kaya ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela Silang
ang nagpatuloy ng pag-aalsa hanggang siya naman ang mapatay.
1762. Sa pamumuno ni Juan Palaris, nagkaroon ng pag-aalsa sa Pangasinan.
Layunin nito na patalsikin sa Espanyol na gobernador ang lalawigan
gayundin ang pagpapaalis sa tribute. Nang umalis ang mga Ingles sa
bansa, si Palaris ay ipinahuli at ipinapatay ng mga Espanyol.
1840-1841. Ang pag-aalsang naganap ay pinamunuan ni Aplolinario dela Cruz
na kilala sa bansag na “Hermano Pule”. Naghangad siyang maging pari
ngunit dahil siya ay isang indio, hindisiya pinayagang pumasok sa isang
ordeng relihiyoso. Nagtatag siya ng isang samahang pangkapatiran,
ang Cofradia de San Jose. Nahikayat ang marami sa kanyang
samahan na pinangambahan ng mga Espanyol kaya’t siya’y ipinahuli at
binitay sa bayan ng Tayabas.

Mahihinuhang hindi naging matagumpay ang mga nabanggit na pag-


aalsa. Patuloy na nagbulag-bulagan ang pamahalaan sa mga pag-aaklas
na ginawa ng mga Pilipino upang ipakita ang pagtutol nila sa mga tiwaling
pamamahala. Bungan g pagkakawatak-watak ng mga pulo, mahirap
pagbuklurin ang makabansang pagkakakisa bagama’t may sapat na
katapangan ang mga Pilipino.

Bukod pa rito ay walang makuhang pinuno na huhubog sa damdaming


makabayan ng mga Pilipino. Dagdag rin ang pagiging matapat ng ilang
sundalong Pilipino sa mga Espanyol na pumapanig sa huli kung may pag-
aalsa ang mga Pilipino.

2. Pagsusuri : Salain , himayin , gisahin …

* Susuriin ng mga mag-aarala ang mga pangyayari sa naunang


paghihimagsik ng mga Espanyol .
a. Sa Tondo Maynila , 1574 bakit hindi nagustuhan ng mga katutubo
ang pamumuno nina Raha lakandla at Raha Sulayman .
b. Sa Tondo Maynila , 1587 -1588 , bakit naging isnag lihim ang
pagtatatag ng samahan nina Magat Salamat at Agustin de Legaspi
.
c. Sa Cagayan , 1596 , ano ang naging suliranin ng mga tao ? Paano
ito nilunasan ?
d. Sa mga Igorot 1601 , bakit nabigo si Padre Esteban Martin at
napatay ang mga katutubo ?
e. Sa mga Gaddang , 1621 , anong paraan ng pagkumbinsi sa mga
katutubo ang isinagawa ni Padre de Sto. Tomas sa mga katutubong
Gaddang ?
f. Kina Bangcao at Tamblot , 1621-1622 , bakit di nagtagal ang kanilang
paghihimagsik ?
g. Sa Palopoz Samar , 1649 - 1650 , bakit nag-alsa laban sa Espanyol
ang grupo ni Sumuroy ?
h. Sa Pampanga , 1660 -1661 , bakit hinarangan ang mga ilog sa base
sa Bacoor ?
i. Sa Pangasinan , 1660-1661, Sino sina Andres malong at Francisco
Sumuroy ?,
j. Sa Ota , Panay 1663, , anong masamang pangyayari ang naganap sa
taong ito ?
k. Sa Bohol , 1744 -1829 , ano ang di- kanais- nais na kaganapan sa
buhay ng mga tauhan ?
l. Noong 1745 – 1746 , ano – anong pag-aalsa ang naganap ?
m. Sa Vigan , Ilocos , 1762 -1763 , ano ang damdamin sa nangyari kay
Diego Silang ? Bakit ?
n. Ayon sa aklat , mahigit sa isang daan ang pag-aalsang ginawa ng mga
katutubong Pilipino laban sa mga Espanyol , sa iyong sariling palagay
, bakit maraming pag-aalsa ang naganap sa ating bansa ?
o. Kung nabubuhay ka na sa panahong iyon , sasapi ka ba sa ginawang
pag-aalsa ? Bakit ?

3. Paghahalaw : Halo Kard

* Ipahanap sa mga salitang nakasulat sa plaskard ang mga salitang


kailangan uang mabuo ang kaisipan tungkol sa aralin.

Maraming pag-aalsa ang isinagawa ng mga katutubong


Pilipino laban sa mga Espanyol sa pagkakamit ng
kalayaan .

4. Paglalapat : Grupo Daynamika


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain.
Pangkat 2 - Isadula mo !
Gawin :
1. Gumawa ng script
2. Isigaw ang yell.
3. Iulat sa klase.
Sitwasyon : Ipakita mo kung paano makipaglaban
ang mga katutubong Pilipino laban sa mga
dayuhang Espanyol sa pagkakamit ng kalayaan .

Pangkat 3 - Bihisan mo !
Gawin :
1 Ipakita ang kung ano ang kinalaman ng nasa
larawan sa pagkakaisa at pagkakawatak – watak ng
mga unang Pilipino
2. Isigaw ang yell
.3. Iulat sa klase.

katutubong Pilipino dayuhang Espanyol

IV . Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit upang mataya
ang kaalamang natutuhan sa aralin .
Panuto ; Suriin ang mga pangungusap . lagyan ng tsek ( / ) kung ang
pangungusap ay may kaugnayan sa pag-aalsa ng mga
katutubong Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol at
ekis ( x ) kung hindi.
______ 1. Ang pag-angkin ng mga Espanyol sa mga lupain ay
nagbunga ng labanan , pag-aalsa ng mga magsasaka
sa iba’t-ibang bayan sa bansa.
______ 2. Hindi nag-alsa ang mga katutubong Pilipino sa mga
Espanyol kung pangrelihiyon ang pag-uusapan.
______ 3. Walang paghihimagsik na nagawa ang mga
Katutubong Pilipino sa panahong sakop ng mga
Espanyol ang bansa.
_______ 4. Ang kalupitan ng mga Espanyol ang nagtulak sa mga
Pilipinong bumangon at nag-alsa laban sa kanila.

________5. Nanatiling buhay sa puso ng mga Pilipino ang pag-


aalsang naganp hanggang makamit na muli ang
kalayaang minamahal.

V. Takdang Aralin

Gumupit ng larawan na nagpapakita ng pagkakaisa at pagkakawatak-


watak ng mga Pilipino sa mahahalagang pangyayari.

Inihanda ni ;

NOEMITA P. ALBITO
Dalubguro I ,Teresa E/S
Aralin 6.2 : Pagkakaisa at Pagkakawatak-watak ng mga
Pilipino sa mga Mahahalagang Pangyayari

I. Layunin

Napaghahambing ang pagkakaisa at pagkakawatak-watak ng mga


Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari(6.2)

II. Paksang Aralin

Paksa Paghahambing ng Pagkakaisa at Pagkakawatak-watak ng mga


Pilipino sa mga Mahahalagang Pangyayari
Sanggunian : AP5PKB-IVe-3 (6.2)
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas, pp.207
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp. 324, 334
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards,
manila paper, pentel pen, aklat

Pagpapahalaga : Nasyonalismo
Nasyonalismo

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balitaan: Watch Balita


Pagbabalita ng tungkol sa mga nagaganap na rally sa bansa

2. Balik-aral : Ang boses ko , pakinggan mo …


* Pasagutin ang mga mag-aaral sa sa mga tanong na inhanda ng
guro.

Ano ang naging bunga ng panghihimasok ng mga


Espanyol sa Pilipinas?
Bakit hindi nagtagumpay ang maraming pag-aalsang
ginawa ng mga Pilipino laban sa mga dayuhan?
3. Pagganyak: Picture Dialog

“Kalimutan natin ang


pagkakaiba ng ating
mga paniniwalang
pampulitika at isaisip
na nabibilang tayo sa
iisang bansa.”

Pangulong Sergio Osmena , Sr.


Itanong :

a. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ni Pangulong Osmena sa


winika niyang ito?
b. Kung ikaw ay isa sa mga Pilipinong nabuhay noong panahon
ng digmaan, maipakikita mo kaya ang iyong pagmamahal
sa bayan?

B. Panlinang na Gawain:

1. Gawain 1: Pagbasa ng teksto


* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto.

Ang mga Unang Pag-aalsa ng mga Pilipino


Kailanma’y hindi isinuko ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan.
Ipinahayag ito sa pamamagitan ng hindi mabilang na mga pag-aalsa na
gumahis sa mga Espanyol sa buong panahon ng kanilang pananakop sa
bansa.
May tatlong pangunahing dahilan sa likod ng mga unang pag-alsang ito.
Una, hangad ng mga Pilipino na mabawi ang kanilang
Ano-ano ang paniniwala ng mga Muslim na naiiba sa mga
Kalayaan. Ikalawa, hindi na nila matagalan ang kahirapang dulot ng polo
bandala, mataas na buwis, at iba pang di makata-rungang mga
patakaran ng pamahalaang kolonyal. Ikatlo, Suklam na suklam na sila sa
mga kasakiman at masamang kaasalan ng mga Espanyol.

Ang iba’t ibang pag-aalsa ay nagpakita rin kung gaano katapang ang
mga Pilipino sa harap ng mga pang-aapi ng mga mananakop. Datapwa’t
ang hindi nila ikinapagtagumpay, marahil, ay ang kanilang kawalan ng
disiplina at pagkakaisa, gayundin ang kawalan ng isang sentralisadong
pamahalaan o liderato na dapat sana’y nakapagbuklod sa kanila. Higit
na naging matapat ang mga katutubo sa mga Kastila, lalo na yaong mga
nagpabinyag ng Kristiyanismo. Bilang mga sundalo naglingkod sila sa
pamahalaan at lumaban sa kanilang kapwa katutubo. Marahil, hindi nila
nagustuhan ang mga nangyayari subalit wala silang maisip o magawa
upang sila ay mamulat sa kanilang kalagayan.

Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng


mga ilustrado na nagtatag ng Kilusang Propaganda at ipinagpatuloy ng
mga Katipunero na nagpasimula ng Katipunan. Nabigo rin ang Kilusang
Propaganda na matamo ang mga reporma para sa Pilipinas subalit ito ay
nagtagumpay sa paggising sa kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa
kanilang kaawa-awang kalagayan sa kanilang sariling bayan.
Naging laganap ang kahirapan noon sa Pilipinas at ito’y lumala pa.
Iba’t ibang kilusan ang naitatag ng mga Pilipino ngunit ang mga ito ay
hindi nagtagumpay.
Nakamit lamang ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyo 12, 1898.
Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino
Upang matalo ang mga Espanyol. Inakala ng pamunuan ni
Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano sa Pilipinas at ipauubaya na
ang pamumuno sa Pilipino kaya idineklara ang kalayaan at nagtatag ng
demokratikong pamahalaan. Nagkaroon ng paglagda sa Treaty of Paris
na nagpahayag ng paglilipat ng pamamahala ng Pilipinas sa pananakop
ng Amrikano kaya muling nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano.
Subalit may ibang Pilipino na hindi nakiisa, walang pakialam at
nakiisa sa mga Amerikano. Dahil sa kawalan ng pagkakaisa,
nakapagtatag ang mga Amerikano ng pamahalaang kolonyal na nagsilbi
sa interes ng mga Amerikano. Pinalaganap ang edukasyong
makabanyaga. Tinugis nila ang mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan
at ipinatapon ang ibang lider-Pilipino sa ibang bansa.
Ang ibang Pilipino naman na nakiisa sa mga Amerikano ay
isinulong ang paghingi ng kalayaan sa mga Amerikano. Sa bawat
paghingi, ito ay tinutumbasan ng mas malaking kapalit tulad ng likas na
yaman at pagkontrol sa kalakalan.

Nang lusubin ng Japan ang Pilipinas, naiwan ang Pilipinas na


nagtatanggol sa sariling kalayaan. Nasakop tayo ng Japan sa loob ng
limang taon ngunit nabawi tayong muli ng Amerikano at ibinigay ang ating
kalayaan noong Hulyo 4, 1946.
Ayon kay Renato Constantino, hindi naman ganap na nakamtan ng
Pilipinas ang kalayaan dahil nanatili pa rin ang kapangyarihan at
impluwensya ng Amerikano sa Pilipinas sa larangan ng kabuhayan at
politika.

2. Pagsusuri : Tanungan Portion


 Ano-ano ang mga dahilan ng mga pag-aalsa ng mga Pilipino?
 Paano umusbong ang nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino?
 Ano ang naidulot ng [agkakawatak-watak ng mga Pilipino sa
pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa?
 Bakit mahalaga ang pakikibaka para sa ikabubuti ng kapwa at
ng bansa?

3. Paghahalaw: Fill in the ______.


* Papunan sa mga mag-aaral ng tamang salita ang mga patlang .
Punan ng tamang salita ang mga patlang upang
makabuo ng kaisipan ayon sa pinag-aralan.
Naipakita ng mga Pilipino ang nasyonalismo
sa pamamagitan ng pakikipaglaban para sa
kalayaan ng bansa. Ang kakulangan sa pagkakaisa
ng mga Pilipino ang naging dahilan upang hindi
lubos na makalaya ang mga Pilipino sa pananakop
ng mga dayuhan.

4. Paglalapat : Group Dynamics


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain.

Pangkat I –
Gawin: Punan ang tsart ng mabuti at di-mabuting dulot
ng pananakop ng mga dayuhan sa mga Pilipino.
Mabuti Di-Mabuti

Pangkat II – Paghahambing
Gawin: Ihambing ang paraan ng pagpapakita ng
nasyonalismo ng mga Pilipino noon at
Pilipino ngayon.
Pilipino Noon Pilipino Ngayon
Pangkat III – Pagsulat
Gawin: Sumulat ng sanaysay tungkol sa
ipinakitang katapangan ng mga Pilipino
noong panahon ng pakikidigma para sa
kalayaan ng bansa.

Pangkat IV – Paggawa ng Reaksyon


Gawin: Sumulat ng reaksyon kung bakit
nagkawatak-watak ang mga Pilipino sa
kanilang pakikipaglaban at ano ang
naidulot nito sa bansa.

IV. Pagtataya:
* Ipasuri sa mga mag-aaral ang sitwasyon at isagawa ang gawain .

Bagama’t malaya na ang Pilipinas, mahalaga pa rin na ipahayag


ang damdaming nasyonalismo. Mkatutulong ito sa pag- unlad ng bansa
at maayos na ugnayan ng mamamayan.

Bilang isang mag-aral, sumulat ng panata kung paano


maipamamalas ang nasyonalismo upang maisulong ang
kaunlaran at maprotektahan ang kalayaan ng Pilipinas. Gawin ito
sa isang papel.

Ang Aking Panata


Ako si _____________________________ ay
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________.
V. Takdang-Aralin:

Ibigay ang iyong sariling opinyon kung bakit matagal napasalilalim


ang mga Pilipino sa pagkaalipin sa kamay ng mga dayuhan.

Rubrics :
Puntos Pamantayan
5 Angkop ang nilalaman ng pahayag tungkol sa
paksa. Ginamit ang mga pamantayan na dapat
sundin sa pagsulat
3 Hindi lubos na naipaliwanag ang paksa ,
nakasunod sa mga pamantayan sa pagsulat .
1 Hindi malinaw na naipahayag ang gustong
iparating , hindi nakasunod sa pamantayan ng
pagsulat . \

Inihanda ni :

DULCE APAYA
Guro II , Teresa E/S
Aralin 6.3 : Mahahalagang Pangyayari at ang Epekto
Nito sa Naunang Pag-aalsa ng mga Pilipino Laban sa
Kolonyalismong Espanyol na Nagpapakita ng
Pagkakaisa at Pagkakawatak-watak ng mga ito.

I. Layunin

Natutukoy ang mahalagang pangyayari at ang epekto nito sa naunang


pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol na nagpapakita
ng pagkakaisa at pagkakawatak – watak ng mga ito . ( 6.3 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Mahahalagang Pangyayari sa Naunang Pag-aalsa ng mga
Pilipino
Sanggunian : AP5PKB-IVe-6 (6.3.) CG, p.
Pamana 5 , pp. 102-107
https://www.youtube.com/watch?v=_UY8jGhJIs0
Kagamitan : mga larawan, plaskard, tsart, activity cards,
manila paper, computer, metacard
Pagpapahalaga :
Pagmamahal at Pagtatanggol sa Bayan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan: Balita Patrol


https://www.youtube.com/watch?v=_UY8jGhJIs0

* Pakikinig ng balita na may kinalaman sa pagkakaisa at


pagkakawatak- watak ng mga Pilipino.
Mga supporter ni PRRD, nagtipon sa harap ng US
Embassy para ipanawagan ang mapayapang pagra- rally.

2. Balik – Aral : Puzzle


* Pasagutan ang puzzle sa mga mag-aaral.

Panuto : Hanapin at bilugan sa puzzle ang mga taong


nagtanggol para kalayaan.

B A E H H L Y A T A M B L O T
L D E G S K L U T I A E D B
P A L A R I S P I G N S A K U
E G E S Y W B R F S I A Q S P
O O A M A R V Q K L A X H A U
L H D H J O C A G I G S S G L
K O A M C j J M A L O N G F E
G Y V L L R T S P R I N G E L
S I L A N G F I O P V G T P Y

3. Pagganyak : Semantic Web


* Pasagutan sa mga maag-aaral ang tanong . Ipasulat ang sagot sa kahon
na nasa kanang bahagi.

Bakit may nagaganap na labanan


o digmaan ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Teks ko,Basahin !
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto at hayaang pag-aralan nila ito.

Masasabing naging matagumpay ang mga


Espanyol sa kanilang layuning masakop
ang Pilipinas .Maraming katutubo ang
nagpabinyag sa Katolisismo .nasakop nila
ang malalawak na mga lupain ng ating mga
ninuno . Nagpakumbaba ang mga Pilipino
at hinayaang pangasiwaan ng mga
dayuhan ang kanilang pamumuhay.
Ngunit ang mga Pilipino ay may taglay na
pagmamahal sa kalayaan nakita natin ito
sa pagdaong pa lamang ng mga Espanyol
sa ating kapuluan. Kung hindi nga lang
mas malakas ang sandata ng mga banyaga
ay hindi sana nasakop ang ating bansa.
Kalayaan .Ito ang tunay na kayamanan
ng mga Pilipino . kayamanang
pinangangalagaan , ipinaglaban ngunit
naagaw ngmga dayuhang maanlulupig .
Subalit nanatiling buhay sa puso ng
mga Pilipino ang kayamanang ito na
naging dahilan ng mga pag-aalsang
naganap hanggang makamit na muli
ang kalayaang minamahal

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa naitalang paglaban ng mga Pilipino sa mga
Espanyol na nagyari sa iba’t iabang panig ng bansa.
1574. Nakipaglaban si Lakan Dula matapos maitatag ni Legazpi ang pagkahari ng
Espanyol sa Maynila. Ang pakikipaglaban ay bunga ng pagtutol nila sa pagbabayad
ng buwis sa mga Espanyol .

1587-1588. Sa pangunguna nina Agustin de Legazpi, Martin Pangan, Juan Basi,


magat Salamat, Felipe Salonga, at Juan Banal, nakipagsabwatan sila sa Datu ng
Tondo, Pampanga at Cuyo na labanan ang mga Espanyol sa aglalayong paalisin
ang mga Espanyol sa Maynila. Sa kasawiang palad ay hindi nagtagumpay ang
pakikipaglabang ito dahil na rin sa pagtatraydor ng isa sa mga kasama nila. Bunga
nito ay ikinulong at piñata ang mga lider na sina Agustin de legazpi at Magat
Salamat.

1596. Si Magat na taga-Cagayan ay nagpakita ng kanyang pagtutol sa buwis na


ipinatutupad ng mga Espanyol subalit hindi rin sila nagtagumpay.
1621. Ang mga taga-Gaddang sa Lambak ng Cagayan ay nag-alsa dahil sa
pagmamalabis ng mga Espanyol sa sapilitang paggawa at pagbubuwis na iniuutos
sa kanila gayundin ang pagkuha sa mg aning palay o bigas ng walang bayad.
1621-1622. Pinangunahan ni Tamblot ang pagpapanumbbalik ng katutubong
relihiyon sa Bohol. Siya ay katutubong pari na nagturo ng sinaunang paniniwala
mula sa mga ninuno bago pa man lumaganap ang katolisismo sa bansa. Dahil dito,
nagpadala ng ekspedisyon ang mga Espanyol galling sa Cebu patungo sa Bohol
upang pigilin si Tamblot sa kanyang pangangaral. Nang taon ding ito, pinamunuan
naman ni Bangkaw, datu ng Limasawa ang pag-aalsa sa Leyte upang ibalik ang
katutubong relihiyon. Katulad ng nagyari kay Tamblot, nagpadala ng ekspedisyon
ang mga Espanyol sa Leyte na nagging dahilan ng pagkabigo ng nabanggit na pag-
aalsa.
1649. Ang mga taga-Samar ay nag-alsa laban sa mga Espanyol dahil sa
pagkalap ng mga manggagawa mula sa Luzon para ilipat sa Visayas at at
paglipat ng manggagawang taga-Samar sa Cavite. Nagwakas ang pag-aalsa
nang mapatay si Sumuroy na siyang naguna sa pag-aalsa ng ilang kasamahan
niyang nagtraydor sa kanilang simulain.
1660. Ang hindi pagbabayad ng mga manggagawa na tagaputol ng
punungkahoy na gagamitin sa paggawa ng barko ang naging dahlan ng pag-
aalsa na pinamunuan ni Maniago subalit hindi na niya naipagpatuloy ang
pakikibaka sapagkat nangako ang mga Espanyol na magbibigay ng
gantimpala kung sila’y susuko.
1660-1661. Pinamunuan ni Andres Malong ang pag-aalsa sa Pangasinan at
kanilang napatay ang gobernador-sibil ditto kaya’t siya’y naghari. Hindi
nagtagal, nabihag at bintay siya ng mga Espanyol. Ang sumunod na pag-
aalsa ay hind rin nagtagumpay.
1663. Ang pag-aalsang pinamunuan ni Tapar sa Bohol ay naglayong maibalik
ang dating relihiyon subalit nahinto ang pag-aalsa nang madakip at mapatay
si Tapar.
1744-1828. Ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Espanyol na tumagal ng
maraming taon na pinangunahan ni Francisco Dagohoy ang maituturing na
pinakamahabang pag-aalsa na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas.Hindi binigyan
ng huling basbas ang kapatid ni Dagohoy na si Sagarino sa dahlang ito ay namatay
sa isang duwelo kung kaya’t hindi ito maaaring bigyan ng huling basbas.
1762-1763. Ang pagbubuwis na ipinataw ng mga Espanyol ang humimok kina
Diego Silang na mag-alsa laban sa mga Espanyol. Nagtagumpay siya na patalsikin
ang mapagsamantalang gobernador ng Ilocos. Napatigil rin niya ang pagpapataw
ng tributo at ang pag-iral ng palo sa Ilocos. Isang Obispo na kaibigan ni Silang ang
nahimok ng mga Espanyol na patayin siya kaya ipinagpatuloy ng kanyang asawang
si Gabriela Silang ang nagpatuloy ng pag-aalsa hanggang siya naman ang mapatay.
1762. Sa pamumuno ni Juan Palaris, nagkaroon ng pag-aalsa sa Pangasinan.
Layunin nito na patalsikin sa Espanyol na gobernador ang lalawigan gayundin ang
pagpapaalis sa tribute. Nang umalis ang mga Ingles sa bansa, si Palaris ay ipinahuli
at ipinapatay ng mga Espanyol.
1840-1841. Ang pag-aalsang naganap ay pinamunuan ni Aplolinario dela Cruz na
kilala sa bansag na “Hermano Pule”. Naghangad siyang maging pari ngunit dahil
siya ay isang indio, hindisiya pinayagang pumasok sa isang ordeng relihiyoso.
Nagtatag siya ng isang samahang pangkapatiran, ang Cofradia de San Jose.
Nahikayat ang marami sa kanyang samahan na pinangambahan ng mga Espanyol
kaya’t siya’y ipinahuli at binitay sa bayan ng Tayabas.

2. Pagsusuri : Balitaktakan Portion


a. Ano ag ipinaglalaban ng pangkat ni Lakandula ?
b. Ano ang naging epekto ng kanilang pakikipaglaban ?
c. Paano nakipaglabaang kanilang pangkat /
d. May pagkakaisa ba sila upang malabanan ang mga Espanyol ?
e. Ano naming pangyayari ang naganap noong taong 1596 ?
f. may pagkakaisa ang kanilang pangkat ?
g. Ano Ang ipinaglalaban ng pangkat ni Diego Silang ? Gaddang ?
Magat Salamat ?
h. Sa inyong palagay, magagapi ba ang kalaban kung may pagkakaisa
ang bumubuo sa isang pangkat ? Bakit ?

3. Paghahalaw : Timeline
* Ipagamit ng timeline sa pagbuo ng kaisipang natutuhan .
* Idikit sa timeline ang mga pangyayari na nakasulat sa metacard ayon
sa kung kailan ito nangyari.

Ano a- ano ang ang mahalagang pangyayari ang naging dahilan ng


pag-aalsa ng mga katutubong pangyayari ?

* Maraming mahahalagang pangyayari ang naging dahilan ng pag-


aalsa ng mga katutubong Pilipino.

4. Paglalapat : Grupo Daynamika


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain upang mas lalong
maunawaan ang aralin.

Pangkat 1 - Iguhit mo !
Gawin ;
1 Gumawa ng balangkas ng
isang babaeng nakasakay sa
kabayo.mo siya.
2. Damitan mo siya .
3. Isigaw ang yell.
4. Iulat sa klase.
Pangkat 2 – Makata Ako !

1. Bumuo ng tula na nagpapahayag ng


pagiging makabayan ( pagtatanggol
sa kalayaan )
2. Isigaw ang yell.
3. Basahin sa klase.

Pangkat 3 – Awitin mo !
1. Kumatha ng awiting makabayan
namay apat na linya .lamang.
2. Isigaw ang yell.
3. Awitin sa klase.
IV . Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit upang mataya
ang natutuhan sa aralin .

Panuto : Pagtapatin ang mahahalagang pangyayari ayon sa kung


sino at kailan nangyari.
A B
1. Ito ang pag-aalsang dala ng A. Vigan , Ilocos , 1762-1763
pansariling paghihiganti ni
Francisco Dagohoy sa
pagkamatay ng kanyang kapatid.

2. Pag-aalsang ipinagpatuloy ni B. Bohol , 1744 -1829


gabriela Silang .

3. Pag-aalsang may matatag na C. Rebelyon ni Hermano Pule


paninindigan ng mga Muslim. 1840-1841

4. Ninais ni Pule na maging D. Pag-aalsa ng mga


isang lingkod ng Diyos at magsasaka
makapasok bilang isang pari.

5. pag-aangkin ng mga Espanyol E. Pakikibaka ng mga Muslim


sa lupain ng mga Pilipinong
magsasaka

F. Paglaban ni Andres
Bonifacio

V. Takdang Aralin
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain/ proyekto.

Gumawa ng album ng mga larawan ng mga unang Pilipino na


minithing makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng pakikipaglaban.
Rubrics
5 3
Original at aakit – Hindi gaanong
akit sa paningin kaakit- akit
ang album at subalit may
angkop ang wastong datos na
impormasyong ibinigay .
ibinigay .

1
Kulang sa
impormasyong
itinala .
Inihanda ni :

NOEMITA P. ALBITO
Dalubguro I

Aralin 7 : Pagbibigay Katwiran sa mga Naging Epekto ng mga


Unang Pag -aalsa ng Makabayang Pilipino sa
Pagkamit ng Kalayaan na Tinatamasa
ng mga Mamamayan sa Kasalukuyang Panahon.

I. Layunin
Nakapagbibigay katwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-
aalsa ng makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan na tinatamasa
ng mga mamamayan sa kasalukuyang panahon. ( 7 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagbibigay Katwiran sa mga Naging Epekto ng mga
Unang Pag -aalsa ng Makabayang Pilipino sa
Pagkamit ng Kalayaan na Tinatamasa
ng mga Mamamayan sa Kasalukuyang Panahon.
Sanggunian : AP5PKB-IVi-7 ( 7 )
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas
Pamana 5 pp. 83
Kagamitan: video clips, activity cards , tsart ng pagsasanay
strip ng kartolina , plaskard

Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa Saloobin at Damdamin ng Tao

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol

a. Pakikinig / Panonood ng balita


Isyung may kinalaman sa mga pag-aalsang nagaganap sa
bansa
b. Pagtalakay sa balita
* Tungkol saan ang nilalaman ng balita ?
* Bakit sila humahantong sa isang rebelyon ?
* Nagiging masaya ba sila kung naipararating nila ang
kanilang mga karaingan sa kinauukulan ? Bakit ?

2. Balik - Aral : Ipaglaban mo …


* Ipagamit sa mga mag-aaral ang kanilang boses sa
pamamagitan ng pagsigaw o pagsasabi sa malumanay na
paraan ng mga kasagutan. Isigaw ang “ Mabuhay ang mga
Katutubo “ kung ito ay epekto ng pakikipaglaban nila sa mga
Espanyol at “ Tunay na Mananakop kung hindi .
1. Nagapi si Palaris at namatay sa labanan.
2. Nadakip at binitay si Gabriela Silang.
3. Walang nagawa sa malakas na puwersa ng pangkat ni
Dagohoy .
4. Natalo ng pangkat ni Tamblot ang mga Espanyol .
5. Pinapatay si Magalat .

3. Pagganyak : Selfie pa more …

* Ipasuring mabuti sa mga mag-aaral ang mga larawan at


ipasagot ang mga tanong .
a. Ano ang nakikita ninyo sa larawan /
b. Ano ang nais makamit ng mga taong sumasali sa isang
labanan ?
c. Ano ang nararamdaman ng isang tao na nanalo sa isang
labanan o paligsahan ? natalo sa labanan ?
d. Ano – ano kaya ang dahilan at hindi siya nagtagumpay ?
B. Panlinang na Gawain

1. Gawain : Chart Analysis


* Ipabasa ang nilalaman ng tsart . Suriin itong mabuti .

Kinikilalang Lider Dahilan Kinalabasan


Lakandua Kabiguan nsa Hindi
pagsasagawa ng Nagtagumpay
mga pangako ni
Legazpi kay
Lakandula
Kalupitan ng mga Hindi
Encomendero Nagtagumpay
Magat Salamat , Martin Mithiing kalayaan
Panga
Pagkamuhi sa Buwis Hindi
Nagtagumpay
Magalat Pang-aabuso ng mga Hindi
nangungulekta ng Nagtagumpay
buwis
Kalayaan sa Hindi
pananampalataya Nagtagumpay
Felipe Cutabay Kahigpitan ng mga Hindi
pinunong Espanyol Nagtagumpay
Tamblot Di- pagkagusto sa Hindi
relihiyong katoliko Nagtagumpay
Bankaw Kalayaan sa Hindi
Pananampalataya Nagtagumpay
Sumuroy , Pedro Coamug Pagtangging Hindi
magpunta sa Cavite Nagtagumpay
para sa Polo Y
Servicios
Tapar Kalayaan sa Hindi
pananampalataya Nagtagumpay
Dagohoy Pagtangging bigyan Hindi
ng maayos na libing Nagtagumpay
ang kanyang kapatid
Diego Silang at Gabriela Pagkamuhi sa mga Hindi
Silang Espanyol Nagtagumpay
Hermano Pule Pagtanggi ng Hindi
simbahan sa Nagtagumpay
kahilingan na maging
pari

* Magkaroon ng maikling talakayan sa nilalaman ng tsart .


a. Ano ang nilalaman ng tsart .
b. Sino- sino ang mga katutubong nag-alsa ?
c. Bakit sila humantong sa pag-aalsa /
d. Ano ang naging epekto ng kanilang pag-aalsa ?

2. Pagsusuri : Tanong ko , Sagutin mo !


e. Ayon sa nilalaman ng tsart , anong nag-udyok sa mga katutubo
upang humantong sila sa pag-aalsa ?
f. Bakit kaya halos lahat ng pag-aalsa ay hindi naging matagumpay ?
g. Ano- ano kaya ang dahilan at hindi nila kayang talunin ang mga
Espanyol

3. Paghahalaw :
* Ipalagay sa mga mag-aaral ang tamang salita upang mabuo ang
konsepto ng aralin.

Bakit hindi naging matagumpay ang mga naganap na pag-


aalsa ng mga katutubo

Hindi naging matagumpay ang mga pag-aalsang


naganap dahil sa kawalan ng pagkakaisa , kulang sa
armas na gagamitin sa labanan, walang matibay na
estratehiya na maaaring makalupig sa mga Espanyol at
kawalan ng pinuno na siyang magpapatakbo upang
maging handa sa pakikipaglaban sa mga Espanyol .

4. Paglalapat : The Voice


* Bigyan ng pagkakataong magpahayag ng kanilang saloobin o
damdamin hinggil sa naging epekto ng mga unang pag-aaalsa ng
mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan

Ano ang masasabi mo sa hindi matagumpay na


pakikipaglaban ng mga makabayang Pilipino na makamit ang
kalayaang minimithi .
Sa mga pag-
aalsang
naganap
Hindi naging
________. matagumpay
ang
___________
_____.
__________.

IV . Pagtataya
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain upang mataya kunga may
natutunan sa aralin.

Sumulat ng iyong reaksyon sa naging epekto ng mga unang pag-


aalsa ng mga makabayang Pilipino upang makamit ang
kalayaan.

Rubrics :
Puntos Pamantayan
5 Angkop ang nilalaman ng talata sa paksa .
Ginamit
ang mga pamantayan na dapat sundin sa
pagsulat
ng talata.
3 Hindi lubos na naipaliwanag ang paksa ,
nakasunod sa mga pamantaayan sa pagsulat
ng talata
1 Hindi malinaw na naipahayag ang gustong
iparating , hindi nakasunod sa pamantayan ng
pagsulat ng talata.
V. Takdang Aralin

Magsaliksik ng ilang impormasyon tungkol sa kalayaang tinatamasa ng


mga mamamayan sa kasalukuyang panahon.

Inihanda ni ;

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S

Aralin 7.1 : Mga Unang Pag-aalsa ng mga


Makabayang Pilipino

I. Layunin
Natutukoy ang mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga
makabayang Pilipino. ( 7.1 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Unang Pag-aalsa ng mga Makabayang Pilipino
Sanggunian : AP5PKB-IVi-7 ( 7.1 )
Isang Bansa , Isang Lahi 5, pp. 96-99
Pamana 5 pp.
https://www.youtube.com/watch?v=bjU3B9gEHFw
Kagamitan: video clips activity cards tsart ng pagsasanay
strip ng kartolina , plaskard

Pagpapahalaga : Paggalang sa naging epekto ng mga unang pag-


aalsa ng makabayang Pilipino

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Mock TV Patrol

* Pakikinig ng balita tungkol sa isang kaganapan


tulad ng rally o demonstrasyon sa Maynila

2. Balik Aral: Jumbled Words


* Ipaayos sa mga mga-aaral ang mga titik ng salita na
may kinalaman sa pag-aalsa ng mg makabayang Pilipino.

H I K A U M P A G M A S A R

PANG - B U A S O N OI P U N

T A G I L G A P A S K A A K I

3. Pagganyak : Video Clip


https://www.youtube.com/watch?v=bjU3B9gEHFw
 Balik-Tanaw: 1986 EDSA People Power Revolution

* Ipapanood ang video clip tungkol sa pag-aalsang naganap sa


panahon ng panunungkulan ni Pang. Marcos.

* Talakayin ang nilalaman ng video


a. tungkol saan ang video na inyong napanood ?
b. Ano ang naganap na pangyayari sa EDSA ?
c. Bakit sila natipon sa EDSA ?
d. Ano ang kanilang ipinaglalaban ?
e Ano ang naging bunga ng pagtitipon ng mga Pilipino sa
EDSA ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Pag-aaral ng tsart
* Ipakita sa mga mag-aral ang tsart at pag-aralan ang
nilalaman nito
Kinikilalang Dahilan Kinalabasan
Lider
Lakandula Kabiguan nsa Hindi
pagsasagawa ng Nagtagumpay
mga pangako ni
Legazpi kay
Lakandula
Kalupitan ng mga Hindi
Encomendero Nagtagumpay
Magat Salamat , Mithiing kalayaan
Martin Panga
Pagkamuhi sa Buwis Hindi
Nagtagumpay
Magalat Pang-aabuso ng Hindi
mga nangungulekta Nagtagumpay
ng buwis
Kalayaan sa Hindi
pananampalataya Nagtagumpay
Felipe Cutabay Kahigpitan ng mga Hindi
pinunong Espanyol Nagtagumpay
Tamblot Di- pagkagusto sa Hindi
relihiyong katoliko Nagtagumpay
Bankaw Kalayaan sa Hindi
Pananampalataya Nagtagumpay
Sumuroy , Pedro Pagtangging Hindi
Coamug magpunta sa Cavite Nagtagumpay
para sa Polo Y
Servicios
Tapar Kalayaan sa Hindi
pananampalataya Nagtagumpay
Dagohoy Pagtangging bigyan Hindi
ng maayos na libing Nagtagumpay
ang kanyang kapatid
Diego Silang at Pagkamuhi sa mga Hindi
Gabriela Silang Espanyol Nagtagumpay
Hermano Pule Pagtanggi ng Hindi
simbahan sa Nagtagumpay
kahilingan na maging
pari

2. Pagsusuri : Isang Tanong , Isang Sagot


* Talakayin ang nilalaman ng tsart. sa pamamagitan ng pagtawag ng
batang sasagot sa bawat katanungan
a. Sino – sino ang mga katutubong Pilipino na may lakas ng loob
na ipaglaban ang kalayaan ?
b. Ano – ano ang kanilang ipinaglalaban ?
c. Ano ang naging resulta ng kanilang ginawang pag-aalsa ?
d. Bakit iisa ang kinahantungan ng kanilang pag-aalsa ?
e. Ano ang kaya kanilang pagkukulang at hindi sila nagtagumpay
sa kanilang ipinaglalaban ?
f. Kung ikaw ay isa sa mga makabayang Pilipino na may
ipinaglalaban , ano kaya ang mararamdaman mo sa
pangyayaring hindi ka nagtagumpay sa iyong ipinaglalaban ?

3. Paghahalaw : Punuin mo… / Off the Wall


* Papunan ang tsart ng mga datos na makikita sa
paligid ng silid –aralan upang mabuo ang konsepto
Ano ang naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng
makabayang Pilipino ?
Hindi naging
Hindi matagumpay ang mga unang pag-aalsa
ng mga makabayang Pilipino laban sa mga Espanyol
dulot ng kakulangan sa armas , kawalan ng
estratehiya , walang mahusay na lider at walang
pagkakaisa.

4. Paglalapat : Sitwasyon
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang sitwasyon. Pag-aralan itong mabuti
at sagutin ang tanong .

Sa mga pag-aalsang naganap sa pana

hon ng Espanyol anong


Sa mga pag-aalsang naganap sa panhon ng Espanyol anong
ugali ang ipinakita ng bawat lider ng pangkat ng himagsikan?
Magbigay isang ugali na maaring mo magamit upang ikaw ay
maging matagumpay na lider pagdating ng panahon.

IV. Pagtataya
Basahing mabuti ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol . Piliin ang titik na nagsasaad ng
naging epekto ng kanilang pag-aalsa.

A. Nagtagumpay B. Hindi Nagtagumpay

1. Kalayaan sa pananampalataya ni Bankaw


2. Pang-aabuso sa paniningil ng buwis ni Magalat
3. Pagtangging magkaroon ng maayos na libing ang
kapatid.ni Dagohoy
4. Di pagkagusto sa relihiyong Katoliko ni Tamblot
5. Pagkamuhi sa mga Espanyol ng mag-asawang Silang
6 Pagtanggi sa kanyang kagustuhan na magsilbi sa simbahan
ni Hermano Pule .

V. Takdang Aralin
Gumawa ng clippings ng mga katutubo tungkol sa mga pag-
aalsang naganap sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol .

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng kaukulang puntos )

Rubrics :
Maayos at makulay na nakagawa ng clippings .

Hindi gaanong maayos at makulay ang natapos


na gawain.

May malaking kulang sa isinagawang proyekto.

Inihanda ni :
NOEMI D SORIANO
Guro I , Teresa E/S

Aralin 7.2: Epekto ng mga Unang Pag-aalsa ng


mga Makabayang Pilipino.

I. Layunin:
Nasusuri ang mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga
makabayang Pilipino. (7.2 )

II. Paksang Aralin:


Paksang Aralin : Epekto nga mga Unang Pag-aalsa ng mga
Makabayang Pilipino
Sanggunian : AP5PKB-IVi-7, 7.2 Isang Bansa , Isang Lahi 5, pp.
https://www.youtube.com/watch?v=m-OS9lPzcBc
Kagamitan: tsart , bola , Musika , Larawan, Paper Strips
Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa mga Unang Pag-aalsa

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Video Balita
* Ipapanood sa mga mag-aaral ang video ng libing ni Marcos
https://www.youtube.com/watch?v=m-OS9lPzcBc

* Talakayin ang nilalaman ng video .


a. Tungkol saan ang video na inyong napanod ?
b. Bakit palihim na inilibing ang bangkay ni marcos sa puntod
ng mga bayani ?
c. Ano ang reaksyon ng mga anti- Marcos sa naganap
pangyayari ?

2. Balik-aral : Pass the Ball


* Ipapasa ng mga mag-aaral ang bola habang may naririnig na
tugtog . Kung sino ang abutan ng pagtigil ng tugtog ang siyang
sasagot sa tanong.
a. Anong dahilan ng pag-aalsa ng pangkat ni Diego Silang ?
b. Sino ang pinuno ng pangkat na nagalit dahil sa ayaw bigyan
ng maayos na libing ang kanyang kapatid ?
c. Ano ang nais na mangyari ni Bankaw nang ipakillala ng
mga Espanyol ang relihiyong katoliko ?
d. Ano ang minimithi ng pangkat ni Magat Salamat ?
e. Sino ang tinanggihan ng simbahan sakanyang kahilingan
na maging isang pari ?
( Magbigay pa ng ibang tanong tungkol sa nakaraang aralin )
3. Pagganyak : “ Larawan ko titigan mo ! “
* Talakayin ang nilalaman ng larawan
a. Ano ang nasa larawan ?
b. Bakit natitipon ang mga mamamayan sa larawan ?
c. Anong damdamin ang kanilang ipinahahayag ?
d. Bakit humantong sa pag-aalsa ang mga Pilipino
e. Ano kaya ang kanilang ipinaglalaban ?
f. Paano kaya malulutas ang suliranin sa pagitan ng
mamamayan at ng pamahalaan ?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : “ Grupo Daynamika “
* Ipagawa ang pangkatang gawain sa mga mag- aaral upang
lubos nilang matutunan ang aralin .

Pangkat 1 – Himagsikang Lakandula


Gawin :
1. Isadula ang nangyari sa pag-aalsa ng pangkat ni
Lakandula .
2. Ipakita ang mga dahilan kung bakit hindi
nagtagumpay ang himagsikang Lakandula.

Pangkat 2 - Himagsikang Dagohoy

Gawin :
1. Iguhit ang maaring nangyari noong panahong ng
paghihimgasik .
Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ang maaring dahilan kung
bakit hindi nagtagumpay ang himagsikang Dagohoy.

Pangkat 3 - Himagsikang Silang

Gawin :
1. Gamit ang graphic organizer, isulat ang mga maaring
dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang himagsikang
ito.
Pangkat 4 - Himagsikang Visayas

Gawin :

1. Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang


diwa ng talata

Ang Himagsikang Visayas ay nangyari nuong


____ hanggang 1650. Ang naging dahilan ng pag-
aalsa ng mga makabayang Pilipino ay dahil sa
ayaw nilang pumunta sa _______ para sa ______
paggawa. Ito ay ______ nagtagumapay sa
kadahilang _________________________.

2. Pagsusuri : Magic Box

* Pabunutin ang mag-aaral ng isang tanong na nasa loob ng


kahon . Ipababasa nang malakas at ibibigay ang kasagutan .
a. Ano ang dahilan ng paghihimagsik ng pangkat ni Lakandula ? *
b. Paano humantong ang lahat sa pag-aalsa ?
c. Bakit hindi nagtagumpay ang mga himagsikang ito?
d. Ano naman ang sanhi ng pag-aalsa ng pangkat ni Dagohoy ?
pangkat ni Silang ? Himagsikang Visayas ?
e. Paano humantong ang lahat sa pag-aalsa ?
f. Ano ang kinalabasan ng naturang mga pag-aalsa ?
f. Bakit hindi nagtagumpay ang mga himagsikang ito?
g. Sa iyong palagay ano ang pa ang maaaring nilang gawin noong
panahong iyon upang makamit nila ang tagumpay ?

3. Paghahalaw: Joggle Phrases


* Ipaayos ang mga parirala upang mabuo ang kaisipang dapat
matutunan sa aralin .
mas mahusay ang mga armas ng mga Espanyol
hindi naging matagumpay pag-aalsang naganap
kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino
walang mamuno na magbubuklod sa lahat

 Hindi naging matagumpay ang mga pag-aalsang


naganap dahil na rin sa mas mahusay ang mga
armas ng mga Espanyol , kulang sa pagkakaisa ang
mga Pilipino at walang mamuno na magbubuklod sa
lahat.

3. Paglalapat : Boses ng Masa


* Ipatukoy sa mga mag-aaral kung ang isinasaad ng pangungusap ay
dahilan ng hindi matagumpay na pag-aalsa sa pamamagitan ng
pagsigaw ng salitang “ MAKIBAKA WAG MATAKOT “ at sabihin
ang “ KALAYAAN IPAGLABAN “ kung ito ay hindi dahilan
nang hindi matagumpay na pag-aalsa.
a. Ang pag-aalsa ay nangyari sa iba’t ibang panig ng bansa.
b. Ang mga ibang Pilipino ay tumulong sa mga Espanyol.
c. Ang mga Amerikano ay tumulong sa Espanyol.
d. Mahuhusay ang mga armas ng Espanyol.
e. Hindi nagkakaisa ang mga Pilipino upang lumaban para sa
kalayaan.
f. Walang isang pinuno na mangunguna at magbubuklod sa
pakikipaglaban.

IV. Pagtataya
* Ipagawa sa mga mag-aaral upang mataya amg kaalamang natutunan
ng mga bata.

Gumawa ng isang ulat sa tsart ukol sa mga dahilan kung bakit hindi
nagtagumpay ang mga unang pag-aalsa .. Ipagamit ang graphic
organizer sa pagsasagot .
Rubrics :

5 - Nakapaglahad ng maliwanag na komento at


sinuring mabuti kung ito ‘y angkop at nararapat
na ihayag .

3 - Hindi masyadong malinaw ang komento at kulang


ang
basihan sa pagkakasuri sa komento.

1. - Walang linaw at walang basihan ang komentong


ibinigay.

V. Takdang Aralin
Gumupit ng picture mula sa dyaryo o mga babasahin tungkol sa pag-aalsa na
nagaganap sa kasalukuyan. Suriing mabuti ang pag-aalsa kung bakit ito
naganap .

Inihanda ni :
PAMELA ROMANO
Guro I, Teresa E/S

Aralin 7.3 : Kalayaang Tinamasa ng mga Pilipino


Matapos ang Kolonyalismo

I. Layunin
Napaghahambing ang kalayaang tinamasa ng mga Pilipino matapos ang
kolonyalismo sa kasalukuyang panahon. ( 7.3 )

II. Paksang Aralin


Paksa: Kalayaang Tinamasa ng mga Pilipino Matapos ang
Kolonyalismo
Sanggunian: AP5PKB- IVi- 7 ( 7.3 )
Kagamitan: powerpoin, tsart, mga larawan

Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa damdamin ng isang tao

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Pagbasa ng Artikulo


* Ipabasa ang balita tungkol sa mga napapanahong
isyu o pangyayari sa ating bansa.

Itanong: Ano ang naramdaman ninyo matapos mapa-


kinggan ang balita?
Tungkol saan ang balitang inyong nabasa ?

2. Balik - Aral : Mix Word


* Pakuhanin ang mag-aaral ng envelop na may nakasulat na
mga salita.
* Ipadikit ang salita sa pisara ayon sa dapat niyang kalagyan
upang mabuo ang konseptong natutuhan sa nakaraang aralin .

( Konseptong dapat mabuo )

 Hindi naging matagumpay ang mga pag-aalsang


naganap dahil na rin sa mas mahusay ang mga
armas ng mga Espanyol , kulang sa pagkakaisa ang
mga Pilipino at walang mamuno na magbubuklod sa
lahat.

3. Pagganyak : Halina’t Umawit


https://www.youtube.com/watch?v=n3tdVqGxspk
“ BAYAN KO by Freddie Aguilar “
* Iparinig ang awiting “ Bayan Ko “ sa mga mag-aaral.
Matapos marinig ang awit ito ay sasabayan ng mga mag-
aaral.

Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng Gintot bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag
At sa kaanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon man may laying lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya.

Itanong:
Ano ang isinasaad ng awitin?
Ano ang kalayaan? Bakit hinahangad ng mga Pilipino noon
na makamit ang ating kalayaan?
Masarap Bang nmabuhay ng malaya ? Bakit /
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1 : “Ang Ibon”
* Ipakita sa mga bata ang larawan ng isang ibong nakakulong
sa hawla.

Itanong:
 Ano ang nakikita ninyo sa larawan ?
 Sino kaya ang nagkulong sa kanya sa kulungan ?
 Bakit kaya siya nakakulong ?
 Kung pagmamasdan mo ang ibon habang siya ay nakakulong , ano
kaya ang kanyang nararamdaman ?
 Sa tingin ninyo, gusto ba niya na mangyari iyon sa kanya ?
 Nais kaya ng ibong ito na makakawala sa kulungan ? Bakit ?
 Kung ang kulungan ay maiwang nakabukas ng may-ari, ano kaya ang
gagawin niya? Bakit ?
 Kung ihahalintulad ko kayo sa ibon na nakakulong ano kaya ang
inyong maramdaman ?

Gawain 2. : Debate
* Tatawag ng dalawang bata na magpagpalitan ng
kuro – kuro tungkol sa isang paksa.
* Bigyang laya ang mga mag-aaral na ihayag ang kanilang
saloobin .

Tanong :

Anong panahon mas tinamasa ng mga Pilipino ang


kalayaan , panahon matapos ang kolonyalismo o
kasalukuyang panahon

2. Pagsusuri : Experiencial Based


a. Masarap bang mamuhay nang malaya ? Bakit ?
b. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol , ano ang naisip
na gawin ng mga katutubo ?
c. Ano ang kanilang mithiin / layunin noong panahong iyon ?
d. Sa kasalukuyang panahon , may mga dayuhan pa bang
sumasakop sa ting bansa ?
e. Ipagpalagay natin ngayon na tayo ay sinakop muli ng bansang
Espanya , ano kaya ang mararamdaman natin ? Bakit ?
f. Anong panahon masarap mamuhay . panahonng pananakop ng
mga Espanyol o kasalukuyang panahon ? Bakit
g. Bakit hinahangad ng lahat na maging malaya ? Ipaliwanag .

3. Paghahalaw : Venn Diagram


Ipagamit ang VennDiagram upang mabuo ang konsepto ng
Aralinsa pamamagitan ng pagsagot sa tanong .

Ano ang pagkakaiba / pagkakapareho ng kalayaang


.
tinamasa ng mga Pilipino matapos ang
Kolonyalismo sa kalayaang tinatamasa sa
kasalukuyang panahon?
Kalayaang Tinatamasa ng
mga Pilipino matapos Kasalukuyang Panahon
ang Kolonyalismo

4. Paglalapat : Ang aking kasangga


Hayaang isagawa ang pangkatang gawain upang lubos nilang
maunawaan ang aralin .

Pangkat 1 : Magtimbang ka …
Gawin :
Paghambingin ang kalayaan sa
pagpapahayag na tinatamasa
natin ngayon kaysa sa panahon
matapos ang kolonyalismo.
Pangkat 2 : Script Writer
Gawin :
Sumulat ng maikling paliwanag
kung bakit malaya ang mga
Pilipinong kumilos ngayon
kaysa sa panahon matapos ang
kolonyalismo.

Pangkat 3 : Pangako ko …
Gawin :
Gumawa ng pangako na
igagalang ang kalayaang
tinatamasa at hindi ito
aabusuhin.
Ako’y nangangako na__________
______________________________.
_____

IV. Pagtataya
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawaing inihanda ng guro.
Panuto : Paghambingin ang kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino
matapos ang kolonyalismo sa kalayaang tinatamasa sa
kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng pagsulat ng
5- 10 pangungusap .

Rubrics :
Puntos Pamantayan
5 Angkop ang nilalaman ng talata sa paksa .
Ginamit ang mga pamantayan na dapat
sundin sa pagsulat ng talata.
3 Hindi lubos na naipaliwanag ang paksa ,
nakasunod sa mga pamantaayan sa pagsulat
ng talata
1 Hindi malinaw na naipahayag ang gustong
iparating , hindi nakasunod sa pamantayan ng
pagsulat ng talata.

V. Takdang Aralin

Gumawa ng album ng mga larawan na nagpapakita ng kalayaang


tinatamasa sa kasalukuyang panahon.

Rubrics :

Original at kaakit –akit sa paningin ang album at


angkop ang impormasyong ibinigay . 5

Hindi gaanong kaakit- akit subalit may wastong


datos na ibinigay. 3

Kulang sa impormasyong itinala . 1


Inihanda ni:

JOKO D. ANTONI
Guro I Teresa E/S

Aralin 8.1 : Mga Pansariling Tungkulin sa


Pagsulong Bansa

I. Layunin
Naiisa – isa ang mga pansariling tungkulin sa pagsulong ng bansa . ( 8.1 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Pansariling Tungkulin sa Pagsulong ng Bansa
Sanggunian : AP5PKB-IVj-8 ( 8.1 )
ww.slideshare.net/ELVIEBUCAY/aralin-24-mga-tungkulin-o-
pananagutan-ng-mamamayang-pilipino?next_slideshow=1
Kagamitan: slide share , activity cards tsart ng pagsasanay
strip ng kartoli na , plaskard

Pagpapahalaga : Pagtupad ng mga Pansariling Tungkulin

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan : Balita Patrol
* Pakikinig ng balita tungkol sa mga Karapatan / Tungkulin
ng tao
* Magkaroon ng maikling talakayan hinggil sa balita
a. Tungkol saan ang balita na inyong narinig ?
b. Ano-anong karapaatan ang binaggit sa balita

2. Balik Aral: Larawan ng Kaalaman


* Ipakita sa mga bata ang mga larawan ng mga

* Itanong
Ano ang isinasaad ng larawan ?
Anong kalayaan ang kanilang tinatamasa ?
Anong kahalagahan ng kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino
ngayon ?

3. Pagganyak : Semantic Web / Selfie pa more …


* Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang alam nila sa salitang
Tungkulin.

* Hayaang magbigay sila ng mga salita .

T
U
N
G
K
U
L
I
N
* Ipakita ang mga larawan ng iba’t-ibang tungkulin ng isang tao

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Panonood ng Slideshare
* Ipapanood ang slide sa mga mag-aaral. Hayaang suriin nila nag
nilalaman nito .
http://www.slideshare.net/ELVIEBUCAY/aralin-24-mga-tungkulin-o-
pananagutan-ng-mamamayang-pilipino?next_slideshow=1

MGA TUNGKULIN O PANANAGUTAN NG MAMAMAYANG PILIPINO


2. Pagsusuri : Tanungan Portion
* Tatawag ng mga mag-aaral upang sumagot sa mga tanong na
inihanda ng guro.
a. Ano- anong pansariling tungkulin ang inyong napanood ?
b. Naktutulong ba sa pag-unlad ng bansa ang mga tungkuling
nabanggit ?
c,. Bilang isang mamamayan , ano ang nararapat gawin sa mga
tungkuling ito ?
d. Ano ang maaring idulot ng pagtupad sa mga tungkulin ito ?

3. Paghahalaw : Graphic Organizer


* Ipahanap sa dingding ng silid –aralan ang mga datos na kailangan
upang mabuo ang konsepto na dapat matutunan ng mga mag-aaral.
Mga Pansariling Tungkuling na Makatutulong sa
pagsulong Bansa

4. Paglalapat : Grupo Daynamika


* Hatiin ang mga mag-aaral sa mas mababang bilang upang
lubos nilang maunawan nag aralin.

IV. Pagtataya
* Pasagutan sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit upang mataya
ang kaalamang dapat matutunan.

Panuto : Piliin sa mga sumusunod ang titik na nagsasaad ng mga


pansariling tungkulin na makatutulong sa pagsulong bansa.
A. Pagtulong sa mga nangangailangan
B. Maayos na paggamit ng mga ari-ariang paampubliko.
C. Makatarungang paggamit ng karapatan.
D. Matapat na paglilingkod ng mga mangagawang pampubliko at
pampribado.
E. Paggalang sa karapatan ng iba.
F. Maagap na pagbabayad ng buwis.
G. Pangangalaga sa kalikasan
H. Paggalang sa batas
I. Pagpapaunlad ng sarili
J. Paggaamit ng droga
K. Matapat at matalinon pagboto..

V. Takdang Aralin
* Ipagawa sa mga mag-aaral ang proyekto na may kaugnayan sa
araling natapos.

Gumawa ng album ng mga pansariling tungkulin na makatutulong


sa pagsulong bansa.

( Gagamit ng rubrics sa paagbibigay ng kaukulang puntos. )

Rubrics :

Original at kaakit –akit sa paningin ang album at


angkop ang impormasyong ibinigay . 5

Hindi gaanong kaakit- akit subalit may wastong


datos na ibinigay. 3

Kulang sa impormasyong itinala . 1

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S
Aralin 8.2: Kahalagahan ng mga Pansariling
Tungkulin sa Pagsulong ng
Kamalayang Pambansa

I. Layunin
Natatalakay ang kahalagahan ng pansariling tungkulin sa pagsulong ng
kamalayang pambansa. ( 8.2 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Kahalagahan ng mga Pansariling Tungkulin sa Pagsulong
ng Kamalayang Pambansa

Sanggunian : AP5PKB-IVj-8 ( 8.2 )


Kagamitan: video clips activity cards tsart ng pagsasanay
strip ng kartoli na , plaskard

Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa mgaTungkulin

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Balita Patrol


Pakikinig ng balitang napapanahon
* Magkaroon ng maikling talakayan hinggil sa balita
a. Tungkol saan ang balita na inyong narinig ?

2. Balik Aral: Off the Wall


* Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga pansariling tungkulin
sa pagsulong bansa sa loob ng silid- aralan

Maagap na pagbabayad ng buwis

Paggalang sa karapatan ng Iba

Pagtulong sa mga
nangangailangan

Pangangalaga sa kalikasan
Paggalang sa batas

Matapat napaglilingkod ng mga


manggagawang pampubliko o
pampribado

Maayos na paggamit ng pag-


aaring paampubliko

Makatarungang paggamit ng
karapatan

3. Pagganyak : Larawan ng kaalaman


* Ipasuri sa mga bata ang larawan hayaang paag-aralan nila itong
mabuti .

* Itanong :
Ano ang nasa larawan ?
Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan ?
Kailangan bang gawin nila ang mga gawaing ito araw-araw ? Bakit ?
Anong kahalagahan ng pagganap sa iyong tungkulin ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain : Teks ko , basahin mo !
* Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto. Hayaang pag-aralan itong
mabuti.

Sinasabing sa isang bansa kailangan


sa pagtatayo at pagbubuo ng ligtas,
mapayapa, makatarungan, malinis at
maunlad na sambayanan ay tunay na
mahirap makamtan.
Hindi ito matatamo sa ilang taon
lamang. Bagama’t ito’y isang mahirap at
mahabang proseso ay dapat natin itong
pag-ukulan ng seryosong pansin, sapagkat
ang makikinabang dito ay mga anak at
salinlahi natin.
Upang makamtan ang ganitong uri ng
lipunan, dapat nating isipin na nasa ating
mga kamay ang pagbubuo nito.
Ang bawat mamamayan ay bahagi at
haligi ng lipunan. Ang katayuan at kaanyuan
ng lipunan ay larawan ng mga
mamamayang bumubuo nito.
Upang maging mabuting bahagi at
matibay na haligi ng lipunan, kinakailangang
magkaroon ng pagbabago sa ating sarili.
Ito’y makakamtan sa pamamagitan ng
pagkilala at pagtupad sa ating mga
Una. Tungkulin nating sumampalataya at gumalang
sa Diyos. Pangalawa. Tungkulin nating maging
responsable, kapakipakinabang at mapagkalingang
miyembro ng lipunan, nirerespeto ang sarili,
mapagmahal at aruga sa pamilya, matulungin sa
kapwa. Pangatlo. Tungkulin nating gawin ang mga
bagay na inaasahan nating gagawin sa atin ng ating
kapwa sa oras ng panganib kagipitan at
pangangailangan.

Sa pamamagitan lamang ng pagtupad sa mga


nabanggit na tungkulin makabubo tayo ng isang ligtas,
mapayapa, makatarungan, malinis at maunlad na
bansa, kung saan ang mga mamamayan ay may
seguridad, dangal at pagkakataong paunlarin ang
kanilang sarili.

Sa pagtupad ng tungkulin, makakamtan nating ang


malinis, maayos, matapat makatarungan at
mapagkalingang pamahalaan.

Gawin at tuparin natin ang mga nabanggit na


tungkulin upang makamtan natin ang pinapangarap na
lipunan. Gawin natin ito, para sa kaluwalhatian ng Diyos
at alang-alang sa ating pamilya,kapwa at Inang Bayan.
2. Pagsusuri : Ang Paglilitis
* Tatawag ng mga mag-aral na sasagot sa mga tanong
a. Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa pansariling tungkulin
sa pagsulong ng kamalayang pambansa ?
b. Bakit mahalaga ang pagganap sa mga pansariling tungkulin ?
c. Ano ang kaugnayan ng pansariling tungkulin sa
pagsulong ng kamalayang pambansa ?

3. Paghahalaw : Off the wall


* Ipaayos ang mga salita upang mabuo ang konsepto na dapat
matuthan sa aralin.

Ano ang kahalagahan ng pansariling tungkulin sa


pagsulong ng kamalayang pambansa ?

 Malaki ang kahalagahan ng pansariling


tungkulin sa pagsulong ng kamalayang
pambansa .

 Ang pag-unlad ng bansa ay na kasalalay sa


mga mamamayang may malasakit sa
kanyang tungkulin .

4. Paglalapat : Pangkat ko , kasama ko


* Ipagawa sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain .

Pangkat 1 : Ang Tula !

Lumikha ng isang saknong ng tula na nagsasaad ng


kahalagahan ng pansariling tungkulin sa paagsulong
bansa.

Pangkat 2 : Ang Slogan !

Gumawa ng slogan ng isang na nagsasaad


ng kahalagahan ng pansariling tungkulin
tungo sa pagsulong ng bansa .

Pangkat 3 - Ang Palabas !

Magpakita ng Piping Palabas na nagpapakita ng


kahalagahan ng pansariling tungkulin. .

Pangkat 4 - Ang Skit !

Magsagawa ng maikling dula-dualan na nagpapakita ng


kahalagahan ng pansariling tungkulin sa pagsulong
ng bansa.

IV . Pagtataya
Pasulatin ng talata ang mga mag-aaral . Ipaalala na dapat sundin ang mga
pamantayan sa pagsulat ng talata.

Sumulat ng maikling talata na nagpapaliwang ng kahalagahan ng pansariling


tungkulin sa pagsulong ng bansa

( Gagamit ng rubrics sa pagbibigay ng marka )

Rubrics :
5 - Malinaw ang naibigay na impormasyon o
ideya . Malinis at maayos ang sinulat ,
nakasunod sa pamantayan ng pagsulat.

3. - Hindi lubos ang ideyang ipinahahayag .


Hindi lahat ng pamantayan ay nasunod.

1 - Kulang sa ideya at hindi nakasunod sa


mga pamantaay sa pagsulat
V. Takdang Aralin

Magtipon ng mga larawan ng pagtupad ng iba’t- ibang tungkulin na


maaaring maging dahilan ng pagsulong ng bansa at lagyan ito ng
maikling mensahe .

Rubrics :
Maganda ang larawanat angkop ang
impormasyong ibinigay . 5

Hindi gaanong kaakit- akit ang larawan subalit


may wastong datos na ibinigay.

Kulang ang impormasyong itinala . 1

Inihanda ni :
MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S

Aralin 8.3: Kahalagahan ng mga Pansariling


Tungkulin sa Pagsulong ng
Kamalayang Pambansa

I. Layunin
Nakapagbibigay ng sariling reaksyon / saloobin sa kahalagahan ng pagganap
ng sariling tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa. . ( 8.3 )

II. Paksang Aralin


Paksa : Pagbibigay ng Sariling Reaksyon / Saloobin Mga Pansariling Tungkulin
sa Pagsulong ng Bansa
Sanggunian : AP5PKB-IVj-8 ( 8. 3)
w ww.slideshare.net/ELVIEBUCAY/aralin-24-mga-tungkulin-o-
pananagutan-ng-mamamayang-pilipino?next_slideshow=1
Kagamitan: slide share , activity cards tsart ng pagsasanay
strip ng kartolina , plaskard

Pagpapahalaga : Pagtupad ng Tungkulin


III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Balita Patrol


* Pakikinig ng balita tungkol sa mga Karapatan / Tungkulin
ng tao
* Magkaroon ng maikling talakayan hinggil sa balita
a. Tungkol saan ang balita na inyong narinig ?
b. Ano- ano ang mga karapatan o tungkulin ng isang tao ?

2. Balik Aral : Pop balloon


Tumawag ng mag –aaral na bubunot ng isang lobo upang
paputukin, sa loob ng lobo ay may nakasulat sa papel ng mga
tungkuling dapat gampanan mg isang tao na makatutulong sa
pagsulong bansa.
Basahin nang malakas at idikit sa pisara .

3. Pagganyak : The Voice


Tanungin ang mga mag-aaral kung nagagawa nila nang
maayos ang kanilang tungkulin bilaang isang anak at bilang mag-
aaral ?

Ano – anong tungkulin ang ginagampanan ninyo bilang isang anak ?

Pansariling Tungkulin

Pansariling Tungkulin Bilang isang Mag-


Bilang isang Anak aaral

May kaugnayan ba ang pagganap ng


tungkulin sa pag-unlad ng sarili ? sa pag-
unlad ng bansa ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain - May nagteks , basahin mo .
* Ipabasa ang nilalaman ng teksto. Ipaunawang mabuti ang
nilalaman nito.

Maraming mga tungkuling dapat gampanan ang mga


mamamayan na makatutulong sa pagsulong ng bansa. Subalit
ang tungkuling ito ay hindi maisasakatuparan kung hindi ito
gagawin sa tamang paraan.. Nararapat lamang na
pahalagahan ang mga tungkuling ito dahil ito ang simula ng
pag-angat ng katauhan ng isang tao, patungo sa pag-angat
ng isang bansa.

Mga Tungkulin at Pananagutan ng Mamamayang Pilipino

1. Paggalang sa karapatan ng iba


Di dapat abusuhin an gating sariling kaarapatan at
kalayaan .Igalang din ang karapatan at kalayan ng ibang tao
.
2. Maayos na paggamit ng mga ari-ariang pampubliko.
Tayo ay may tungkuling gamitin ng maaayos at
Pangalagaan ang mga gamit pampubliko tulad ng paaralan ,
parke o liwasan, at iba paupang may magamit din ang mga
mamamayan sa hinaharap
3. Makatarungang paggaamit ng karapatan.
Ang paghahanapbuhay na nakapipinsala ay dapatilipat sa
pook na walang mapipinsala o itigil kung kinakailangan . Hindi
natin pwedeng tirhan o ariin ang pag-aari ng iba. Nang walang
pahintulot ang mga ari opamahalaan. Hindi natin pwedeng
pilitin ang iba na sumanib sa isang isang relihiyon ito ay
kalayaan niya aayon sa kanyang relihiyon.
4. Paggalang sa batas
Tungkulin nating igalang ang baatas at ang may
Kapangyarihan. Kung wala ang alagad ng batas , maaring
mawala ang kapanatagan ng kapayapaan ng pamayanan.
Tungkulin nating tulungan sila sa pagsasakatuparan ng batas.
Tungkulin din nating ipagbigay –alam sa kinauukulan ang mga
pulis at pang lingkod – bayan na naliligaw ng landas.
5. Pangangalaga sa kalikasan
May tungkulin ang isang tao na pangangalagaan ang
kalikasan dahil ito ay pinagkukunan ng kabuhayan ng marami.
6. Paagpapaunlad sa sarili
Tungkulin nating mapaunlad an gating sarili upang maging
kapaki pakinabang sa bansa. . Dapat tayon maging yaman ng
bansa kaya’t kailangang ma-aral ng mabuti , kumain ng sapat ,
at magpahinga sa takdang oras. Ibahagi natin sa iba ang ating
mga kaalaman, kasanayan at talino.

2. Pagsusuri : Sagutin mo tanong ko …


* Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong .
a. Ano – ano ang mga pansariling tungkulin ng mamamayan ?
b. Ano ang kaugnayan ng pagtupad sa tungkulin sa paag-
unlad ng bansa ?
c. Bakit mahalaga na gampanan natin ang tungkulin ng
maayos at may pananagutan ?
d. Ano ang iyong pananaw o saloobin sa pagganap sa
kahalagahan ng pagganap sa tungkulin ?
3. Paghahalaw : Fill in the ____ .
* Papunan nang tamang salita ang patlang upang mabuo ang
kaisipang dapat matutunan.

Ano ang inyong reaksyon sa kahalagahan ng mga


pansariling tungkulin sa pagsulong ng kamalayang
pambansa.?

 Ang maayos na pagganap sa


pansariling tungkulin ay nagiging
dahilan upang madaling sumulong
ang isang bansa

4. Paglalapat : Grupo Daynamika


* Bibigyan ng gawain ang bawat pangkat upang mas maunawaan
nila ang aralin.

Sagutin ang tanong :


Ano ang inyong sariling reaksyon o
saloobin sa sinasabing mahalaga
ang pagganap ng sariling tungkulin
sa pag-unlad ng bansa.
Pangkat 1 Pangkat 2

Pangkat 3 Pangkat 4

IV. Pagtataya
* Bigyan ng maikling pagsusulit ang mga mag-aaral .

Ibigay ang inyong sariling reakyon sa kahalagahan ng


Pagganap ng tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa.

Rubrics :

Angkop ang nilalaman ng talata sa paksa .


Ginamit ang mga pamantayan na dapat sundin
sa pagsulat ng talata.

Hindi lubos na naipaliwanag ang paksa ,


nakasunod sa mga pamantaayan sa pagsulat ng
talata .

Hindi malinaw na naipahayag ang gustong


iparating , hindi nakasunod sa pamantayan ng
pagsulat ng talata.
V. Takdang Aralin

Magtala ng iba pang tungkuling dapat gampanan upang makatulong sa


pag-unlad ng bansa.

Inihanda ni :

MYRNA E. FRANCISCO
Guro III , Teresa E/S

You might also like