Grade 11 Module 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

St.

Paul University Philippines


Tuguegarao City, Cagayan 3500

BASIC EDUCATION UNIT


PAASCU LEVEL III ACCREDITED
ISO CERTIFIED

DYNAMIC LEARNING PLAN


FILIPINO 11
IKALAWANG MARKAHAN

LEARNING PLAN 2: KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO

INTRODUCTION (PANIMULA)

Sa araling ito ang pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan ay bahagi ng pang araw-araw na


gawain sa buhay ng iisang tao. Kailanman, ay ay hindi ito mahihiwalay sa sangatauhan sapagkat ang tao ay
ipinanganak upang ang kanyang ideya ay maipahayag sa pamamagitan man ng pasalita o pasulat na kaparaanan.
Ang paggamit ng wika ng wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon,
maipahatid ang tamang mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong nag-uusap. Kaya naman sa
sistemang pang-edukasyon ay nililinang ng mga mag-aaral ang kakayahang komunikatibo.

OBJECTIVES (LAYUNIN):

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nakapaglalahad ng sariling ideya o opinyon sa bawat katanungan tungkol sa kakayahang
pangkomunikatibo;
2. natutukoy kung sino, paano, kailan, saan at bakit nangyari ang sitwasyong pangkomunikatibo
3. nakabubuo ng pagsusuri ng sitwasyong pangkomunikatibo batay sa modelo ni Hymes.

LESSON PROPER/DISCUSSION (TALAKAYAN)

Sa modyul na ito malalaman ang tungkol sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga Pilipino ngunit bago tayo
tumungo sa ating talakayan ay magkakaroon muna tayo ng isang pagganyak.

Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng salitang


nakasulat sa loob ng kahon.

KOMUNIKATIBO

This study source was downloaded by 100000809479662 from CourseHero.com on 01-08-2022 02:52:14 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/80066392/GRADE-11-MODULE-2doc/
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO O COMMUNICATIVE COMPETENCE

 Ito ay ang kakayahan o abilidad ng isang tao na makipag-ugnayan o maghatid ng impormasyon sa


tagatanggap nito na maging malinaw, tama at tamang impormasyon ayun sa nilalayon nito.

 Ito ay ang kakayahan ng isang tao na magsalita na nakakahikayat ng ibang tao.

 Maari ding pagsulat o iba pang paraan ang pakikipagkominkasyon maliban sa pagsalita.

 Ito ay ang pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi lamang sapat na alam ang tuntuning pang gramatika.

 Sinasaklaw nito ang kasanayan sa pagiging tama sa pagbuo ng mga pangungusap kabilang dito ang
angkop na gamit depende sa sitwasyon.

 Sa pagtatamo ng kakayahang pangkomunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa


mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto

 Ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral na natutuhan ang
wika upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan ng
lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.

 Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto sa lipunan at kultura.


Ito’y ang wika kung paanong ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga tuntunin nito.

Sino nga ba si Dell Hathaway Hymes?


 Sociologist, anthropologist linguist
 Mula sa Portland, Oregon noong Hunyo 7, 1927
 Nagtapos ng Bachelor’s Degree in Literature and Anthropology sa Reed Colleg – 1950
 Nagturo sa University of Virginia ( 1987-1998); Harvard University; University of California, Berkeley
at sa University of Pennsylvania.
 Namatay noong 13Nobyembre2009 sa edad na 82 dahil sa komplikasyong dala ng sakit na Alzheimer’s
 Naging interesado sa simpleng tanong na “Paano ba nakikipagtalastasan ang isang tao?”
 Sakanya nagmula ang konsepto ng kakayang pangkomunikatibo o Communicative Competence.
Ayon kina Canale at Swain, ang kakayahang gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang ortopograpiya.

SILID-ARALAN ANG DAAN TUNGO SA PAGLINANG NG KAKAYAHANG


PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO

 Dito nangyari ang pormal na pagkatuto ng wika


 Dito lamang nagkakaroon ng kahulugan at kabuluhan ang mga araling pangwika dahil nakita at nagamit
ng mga mag-aaral sa awtentikong sitwasyon
 Dito nasusukat ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa kanilang tatas sa pagsasalita ng
wika
 Ditto nabibigyan ng inter-aksiyon ang mga estudyante sa kapwa estudyante at mabigyan sila ng pantay
na pagkakataong makilahok sa ibat’t ibang gawain upang malinang ang kani-kanilang kakayahan.

 Ito ay naaayon sa mga tuntunin ng wika o balarilang kayarian na alam


ng taong nagsasalita ng wikang ito.

 Ito ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura sa wika


na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O
GRAMATIKAL  Isinulong ni Noam Chomsky (1965)
 Ang component na ito ay magbibigay kakayahan sa taong nagsasalita
upang magamit ang kaalaman at kasanayan sap ag-unawa at
pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita.
This study source was downloaded by 100000809479662 from CourseHero.com on 01-08-2022 02:52:14 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/80066392/GRADE-11-MODULE-2doc/
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON

 Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes, maging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ay isasaayos,
at pagsasaayos ng komunikasyon, mga bagay na dapat isaalang-alang ito ay ang salitang SPEAKING.

S- (setting) - pakikipag-usap ng maayos sa lugar at sitwasyon. Pook o lugar kung saan nag-uusap o
nakikipagtalastasan ang mga tao. (Saan ginaganap ang pag-uusap?)

P- (participant) – mga kalahok sa pag-uusap. Isaalang-alang taong pinagsasabihan o kinakausap. (Sino-


sino ang mga kalahok sa sitwasyon?)

E- (ends) – pakay/layunin at inaasahang banga ng pangungusap. (Ano ang pakay/ layunin ng pag-
uusap?)

A- (act sequence) – ang daloy o takbo ng usapan. Ang isang mahusay na komunikeytor ay nararapat
lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan. (Paano ang naging takbo ng usapan?)

K- (keys) – tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding isaalang-alang ang
sitwasyon ng usapan. Kung ito ba ay pormal o di pormal. (Ano ang tono ng pag-uusap?)

I- (instrumentalities) – tsanel o midyum ng pakikipag-usap. Iniaangkop natin ang tsanel na isa-isip ang
medium ng pakikipagtalastasan. (Anong tsanel/midyum ang ginagamit sa pag-uusap?

N- (norms) – paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan. May mga sensitibong
bagay na kung minsan ay limitado lamang an gating kaalamaan. (Tungkol saan ang pinag-uusapan?)

G- (genre) – diskursong ginagamit kung nagsasalaysay, nakikipagtalo/ nangangatwiran. Dapat iangkop


ang uri ng diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan. (Anong uri ng diskurso ang ginagamit?)

 Ito ay kakayahang gamitin ang wika ng may naaangkop na


panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon

 Ito ay pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga


KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
kausap, ang mga impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng
kanilang pinag-uusapan

 Isinaalang-alang dito ang kontekstong sosyal ng isang wika.

SUBUKIN NATIN 1

Panuto: Basahin ang tungkol kay Dr. Hymes magpahayag ng pananaw na kahawig ng katangian ng
tauhan sa binasa

Naging matibay ang paninindigan ni Dr. Hymes ukol sa konsepto na kakayahang


pangkomunikatibo. Hindi siya nagpatinag sa kanyang paniniwalang ang mga tao’y gumagamit
nang higit pa sa salita sa kanilang pagpapahayag kahit pa hindi ito ang pinaniniwalaan ng
nakararaming lingguwista sa panahong iyon. Sa kasalukuyan ang pananaw na ito ay tanggap at
ginagamit na sa pag-aaral ng wika sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na an gating bansa.
Isang pagpupugay para sa dakilang lingguwistang sumalungat sa nakasanayan at nagbigay nang
higit na kahulugan sa paraan natin ng pagkatuto ng wika.

Anong katangian ng Dr. Hymes ang makikita sa tekstong ito?

Ang katangian ni Dr. Hymes ay may matibay na paninindigan


This study source was downloaded by 100000809479662 from CourseHero.com on 01-08-2022 02:52:14 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/80066392/GRADE-11-MODULE-2doc/
Masasabi bang kahanga-hanga siya hindi lang dahil sa taglay niyang galing kundi dahil sa
kanyang paninindigan? Ipaliwanang

Oo masasabi nating siya ang kahanga-hanga hindi lang dahil sa taglay niyang galing kundi dahil
sa kanyang matinding paninindigan dahil hindi lahat ng tao mayroong matatag na paninindigan
lalo na’t maraming hindi maniniwalang linguista sa panahong iyon.

Ano-anong sitwasyon o pangyayari sa buhay ng isang kabataang tulad moa ng sumusubok din sa
iyong paninindigan?

Sa panahon ngayon ng pandemiya, ito ay isang sitwasyon o pangyayari sa buhay ng isang


kabataang tulad kong sumusubok sa aming paninindigan na dapat muna naming tiisin ang
pagoonline class para makamit naming ang nais naming maging o matupad ang mga gusting
naming mangyari sa aming buhay.

Paano mo naipapakita ang iyong matibay na paninindiga sa harap ng mga sitwasyong tulad nito?

Maipapakita ko ang aking matibay na paninindigan sa sitwasyong ito sa pamamagitan ng


pagiging positibo sa mga bagay-bagay at araw-araw nagawain.

SUBUKIN NATIN 2
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga sitwasyong pangwika.Tukuyin kung sino, paano, kailan,
saan at bakit nangyari ang sitwasyong pangkomunikatibo.

1. Sa isang shopping center sa Cebu sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Sinulog, may dalawang turistang
tila naliligaw. Magalang na nagtanong ang dalawang turista sa isang mamimili kung saan sila
makakukuha ng taxi papuntang basilica Del Santo Nino.

Sino: Ang dalawang turista


Paano: Magalang silang nagtatanong sa isang mamimili
Saan: Sa shopping center sa Cebu
Bakit: Dahil naghahanap sila ng taxi

2. May magkasintahang nagbabalak na magpakasal at nais nilang malaman ang mga dapat nilang ihanda
kung saka-sakaling sila ay lalagay na sa tahimik. Nagpunta sila sa wedding planner na nakilala nila sa
online site ng mga event organizer. Napagkasunduan nilang magkita sa isang restoran.

Sino: Ang magkasintahan at ang wedding planner


Paano: Maayos ang takbo ng kanilang pag-uusap
Saan: Sa isang restoran
Bakit: Pagpaplano sa kasal ng magkasintahan

3. May usap-usapang tanggalin na sa pwesto ang nakaluklok na department head ng isang opisina.
Nakarating ito sa kinauukulan at ito ay ikinagalit niya. Ikinasama niya ng loob ang pagkalat ng
impomasyon habang siya ay walang kaalam-alam. Sa halip na magmukmok lamang ay pumunta siya sa
opisina ng pangulo ng kompanya upang alamin ang katotohanan.

Sino: Ang isang department head ng isang opisina


Paano: Ikinagalit niya. Ikinasama niya ng loob ang pagkalat ng impomasyon habang siya ay walang
kaalam-alam
Saan: Sa opisina
Bakit: Dahil may usap-usapang tanggalin na sa pwesto ang nakaluklok na department head ng isang
opisina.

4. Bago pa lamang si Rajid at ang kanyang asawa sa Iloilo. Nadestino siya rito dahil sa kanyang trabaho
bilang medical representative. Kahit ilang buwan pa lamang siya rito ay napagtanto na niyang dito niya
nais palakihin ang kanyang mga anak. Sinisikap niyang unawain ang kanyang mga kapitbahay at
nakikita naman niyang buong tiyaga rin siyang kinakausap ng mga ito upang matutuhan niya ang
kanilang wika.
Sino:
This study source wasSi Rajid atby ang
downloaded kanyang from
100000809479662 asawa
CourseHero.com on 01-08-2022 02:52:14 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/80066392/GRADE-11-MODULE-2doc/
Paano: Sinisikap niyang unawain ang kanyang mga kapitbahay at buong tiyaga rin siyang kinakausap
ng mga ito upang matutuhan niya ang kanilang wika.
Saan:Sa Iloilo
Bakit: Nadestino siya rito dahil sa kanyang trabaho bilang medical representative.

SUBUKIN NATIN 3
Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa bawat katanungan. Ilagay ang sagot sa nakalaang espasyo.

__ Setting 1. Ito ay pook o lugar kung saan nangyari ang usapan o pakikipagtalastasan.
_Act sequence_ 2. Ito ang tawag sa takbo ng usapan.
Instrumentalities 3. Ito ay tsanel o midyum na ginamit, pasalita man o pasulat.
____ Norms___ 4. Ito ay kumakatawan sa paksa ng usapan.
_____Keys____ 5. Ito ay may kinalaman sat ono ng pakikipag-usap
__ Savignon ___6. Sino ang nagsabi na ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa
wika samantalang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika
_ Dell Hymes __7. Siya ay isa sa mga mahuhusay na lingguwista na nag-iwan ng malaking ambag sa larangan
ng sosyolingguwistika.
__Speaking____8. Ito ay tinatawag na isang anyo ng komunikasyon ng tao
__Genre______9. Ito ang diskurso na ginagamit sa pagsasalita.
___Ends______10. Ito ay ang mga layunin o pkay sa pakikipagtalastasan

SINTESIS (In a NUTSHELL)


 Ang kakayahang pangkomunikatibo ay ginagamit ng wasto sa angkop na sitwasyon
 Naihahatid ang tamang impormasyon sa tatanggap ng mensahe
 Nakakatulong upang lubos na magka-unawaan ang dalawang taong nag-uusap
 Upang maging bihasa ang mga tao sa paggamit ng kakayahang gramatikal
 Ito ay nagbibigay kasanayan sa taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at kasanayan sap ag-
unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng salita

LISTAHAN NG PORMATIBONG PAGTATAYA

Tiyaking nasagot mo ang lahat ng mga pormatibong pagtataya sa modyul na ito bago magpatuloy sa
sumatibong pagtataya. Narito ang listahan ng lahat ng mgagawain sa paksang ito. Mangyaring suriin ang
mga parisukat kung natapos mo ang mga ito.

Subukin Natin 1 Subukin Natin 2 Subukin Natin 3

SUMMATIVE ASSESSMENT (SUMATIBONG PAGTATAYA)

A. Panuto: Bumuo ng pagsusuri ng sitwasyong pangkomunikatibo batay sa modelo ni Hymes.

Pumili ng transcript ng isang interbyu o kahit na anong sitwasyong pangwika. I print o gupitin ito mula
sa diyaryo at idikit ito sa kahon sa ibaba. Suriin ito gamit ang modelo ni Hymes.

This study source was downloaded by 100000809479662 from CourseHero.com on 01-08-2022 02:52:14 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/80066392/GRADE-11-MODULE-2doc/
Setting Saan ginanap ang pag-
uusap?

Participant Sino-sino ang kalahok sa


sitwasyon?

End Ano ang pakay o layunin sa


pag-uusap?

Act Sequence Paano ang naging takbo ng


usapan?

Keys Ano ang tono ng pag-uusap?

Instrumentalities Anong tsanel o midyum ang


ginamit sa pag-uusap?

Norms Ano ang paksa ng usapan?

Genre Anong uri ng diskurso ang


ginagamit?

VALUES INTEGRATION (INTEGRASYONG PAGPAPAHALAGA)

Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di-pasalitang
impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. Isang mahalagang kasanayan sa komunikasyon ang kakayahan na
magbigay ng tuon sa iniisip at sa nadarama ng kapwa. Mahalaga rin ang pakikinig sa sinasabi ng kausap at ang
pag-unawa sa kaniyang mga hindi sinasabi. Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipahahayag ng mga kasapi
ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais, at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t isa, nagagawa
ng mga kasapi ng pamilya na malutas ang mga suliraning dumarating. Ang bukas at tapat na komunikasyon ay
daan upang maipahayag ng bawat kasapi ang pagkakaiba ng pananaw o di-pagsang-ayon gayon din ang
kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa.

CHRIST-CENTEREDNESS (CONSCIOUS)

I am mindful, self-directed learner and role model consciously expressing my Christ-centeredness.

COMMISSION (COMPETENT)
I am a conscientious, adept performer and achiever competently sharing Christ’s mission.

CHARITY (COMPASSIONATE)
I am a compassionate, committed advocate for peace and universal well-being through charity for all.

REFERENCES (SANGGUNIAN)

Alma M. Dayag- Mary Grace Del Rosario (2019). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House , Inc.
Dynamic Instructional Plan- Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
This study source was downloaded by 100000809479662 from CourseHero.com on 01-08-2022 02:52:14 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/80066392/GRADE-11-MODULE-2doc/
Answer Key sa Pormatibong Pagtataya
Subukin 1 Subukin 2 Subukin 3
Ang guro ang siyang magwawasto Ang guro ang siyang magwawasto 1. Setting
at magbibigay ng iskor at magbibigay ng iskor 2. Act sequence
3. Instrumentalities
4. Norms
5. Keys
6. Savignon
7. Dell Hymes
8. Speaking
9. Genre
10. Ends

This study source was downloaded by 100000809479662 from CourseHero.com on 01-08-2022 02:52:14 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/80066392/GRADE-11-MODULE-2doc/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like