SHS Komunikasyon Q1 W2 3 M2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

SHS

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG FILIPINO

MODYUL 2
MELC:
● Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan.(F11PD-lb-86)
● Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google,
at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. (F11EP-IC-86)
Pangalan:___________________________Baitang/Seksyon:__________________Petsa:___
___________________________Iskor:____________________________

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

● Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at


mga karanasan.(F11PD-lb-86)
● Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba
pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. (F11EP-IC-86)

I. Alamin Natin

KONSEPTONG PANGWIKA: MONOLINGGUWALISMO,


BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO

Ang wika ay may napakahalagang papel sa iba’t ibang bansa. Ito ang sumasalamin sa
kultura, paniniwala, karunungan at damdamin ng mga mamamayan sa isang bansa. Ang
bawat bansa ay may kanya-kanyang konseptong lingguwistikal. Lingguwistika ang
katawagan sa pag-aaral ng mga eksperto sa wika. Sa modyul na ito ay matutunghayan at
matatalakay ang monolingguwalismo, bilingguwalismo, multilingguwalismo

Ayon kay Mangahis et al (2005), ang wika ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

1. Monolingguwalismo- ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng


isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa kung saan
iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.

Monolingguwal- tawag sa taong may iisang wika lamang ang ginagamit sa pakikipag-usap
sa ibang tao. Sa anumang talastasan kailangan ang isang wika na maging tulay sa
pakikipagtalastasan, wika ng komersyo, wika ng negosyo at wika sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

2. Bilingguwalismo- Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika.


Maaaring ilapat ang konsepto sa isang buong komunidad kung saan ginagamit ng mga mamamayan
ang dalawang magkaibang wika o kaya naman ay ang politikal o institusyonal na pagkilala sa
dalawang wika.
BILINGGUWALISMO
Bi – ibig sabihin ay dalawa (2)
Lingguwal – linggwahe o wika
Bilingguwal-tawag sa taong may kakayahan na makapagsalita at makaintindi ng higit sa
isang wika.Halimbawa:Si Mica ay nakapagsasalita at nakaiintindi ng Wikang Ingles at
Wikang Espanyol.
3. Multilingguwalismo- tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o indibidwal na makaunawa
at makapagsalita ng iba't-ibang wika.
Multilingguwal- Tinatawag na multilingguwal ang isang tao dahil sa kakayahan niyang
magsalita o umintindi ng wikang Filipino, Ingles at iba pa
Para sa karagdagang kaalaman, may mga bansang Multilingguwal. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Bolivia- ayon sa pag aaral ito ay mayroong 36 na minoridad na wika
2. India- ito ay mayroong 23 na opisyal na wika na pangunahin ang Hindi, na tinatayang
apatnapung porsyento ang Malayan, Tamil, Kannada at ang Telugu.
3. Bolivia- mayroong 36 na minoridad na wika.
4. Belgium- mayroon itong tatlong opisyal na wika ang Dutch French at German.
5. Switzerland- ito ay mayroong apat na pangunahing pambansang wika ito ay ang
German,French,Italian at Roman.
6. Luxembourgh - ito ay may tatlong opisyal na wika. Ito ay ang mga Luxembourgish,
French, at German.

MONOLINGGUWALISMO BILINGGUWALISMO MULTILINGGUWALISMO


Ang monolingguwalismo ay Ang bilingguwalismo Multilingguwalismo naman
ang kakayahan ng isang tao na naman ay ang kakayahan ang tawag sa pakikipag-
gumamit ng isang wika o ng isang tao na makipag- ugnayan ng tao gamit ang
lengguwahe lamang sa ugnayan gamit ang dalawa o higit pang bilang ng
pakikipag-ugnayan pasulat dalawang pangunahing wika pasulat o pasalita man.
man o pasalita. wika pasulat man o
pasalita.

KARAGDAGANG KAALAMAN

Isa sa mga dahilan kung bakit kailangan gamitin ang wika ay para magbigay
ng impormasyon o kaalaman. Sa ibang salita, nang dahil sa wika nakapagbibigay tayo ng
mga kaalaman sa iba at nagkakaisa tayo.

Mahalagang maiugnay ang konseptong pangwika sa sariling pananaw dahil ito ay


importante sa pang-araw-araw nating buhay lalo na at ito ang gamit natin sa pagpapahayag
ng mga ideya o ginagamit natin sa komunikasyon. Dito rin natin maipapakita kung gaano
kahalaga ang wika natin sa ating buhay.

Ang konseptong pangwika ay ang nag-aangkop sa atin sa kapaligirang ating


ginagalawan, ito ang nagbubuklod-buklod sa isang pamayanan kung saan naibabahagi at
naipahahayag natin ang ating saloobin at ideya sa ibang tao. Ito ang nagkokonekta sa mga tao
at impormasyon na nagsasanhi ng pagkabuo ng sarili nating mga pananaw.

TANDAAN
Pag-uugnay ng mga Konseptong Pangwika sa Sariling Kaalaman
Sa pagsasagawa ng pag-uugnay sa mga konsepto tulad ng mga konseptong pangwika,
kailangan ang ganap na pag-unawa. Karaniwan, may dati nang alam sa anumang konsepto,
tama man ito o hindi. Habang inuunawa ang mga konsepto, unti-unti itong maiuugnay sa
sariling kaalaman. Nagiging epektibo ang pag-uugnay sa sariling kaalaman lalo na kung ito’y
nararanasan.
MGA BARAYTI NG WIKA
1. Register ay barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.Pormal na pananalita ang gagamitin
kung ang kausap ay may mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda o
hindi masyadong kakilala. Di-pormal na pananalita ang gagamitin kung ang kausap
ay kaibigan, malapit na kapamilya, mga kaklase, kasing-edad at matagal ng kakilala.
Halimbawa:
a. “Hindi ako makakasama sa lakad, wala akong datung.”
b. “Hindi ako makakasama sa lakad, wala po akong pera.”
2. Dayalek ay barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula
sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.
Halimbawa:

Tagalog sa Rizal Tagalog sa Morong, Cardona at Baras


1. Biik kulig
2. Latek kalamay hati
3. Lola inda, pupu, nanang
4. Timba sintang
5. Ate kaka
Bisaya sa Surigao Bisaya sa Oroquieta
6. Mipanaw namatay
7. Silom ugma
8. Kuman karon
9. Did-on didto
10. Gana nindot

3. Sosyolek ay barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o


dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Halimbawa:

Churchill- sosyal

Indiana Jones- nang-iindyan o hindi sumipot

Bigalou- Malaki

4. Idyolek- kahit isang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao, mayroon pa ring
pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ito ay tinatawag na Idyolek.
Lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
Halimbawa:
a. Marc Logan sa kanyang mga salitang magkatugma sa mga nakatatawang pahayag.
b. Pabebe Girls na ginaya pa ng marami sa nausong Dub Smash dahil sa kanilang
“ Pabebeng” idyolek.
c. Noli De Castro at Mike Enriquez sa idyolek nito sa radio at telebisyon.
d. Kris Aquino at Ruffa Mae Quinto kilalansa kanilang idyolek na “Aha, Ha, Ha!
Nakakaloka!” at “To the highest level na toh!”

5. Etnolek-barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Ang salitang


etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dayalek. Taglay nito ang mga salitang
nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.6.
Halimbawa:

a. Vakkul- gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init o ulan.


b. Bulanon- full moon
c. Kalipay- tuwa o ligaya
d. Palangga- mahal o minamahal
6. Pidgin at Creole

Pidgin- ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s native


language” o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang
taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.

Halimbawa:
Ang Espanyol na dumayo sa Zamboanga. Nakalikha sila ng wikang may pinaghalong
Espanyol at wikang katutubo.

Creole- ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.

Halimbawa:

Ang sinimulang wika ng mga Espanyol at wikang katutubo sa Zamboanga ay pidgin


subalit nang maging unang wika na ito ng mga batang isinilang sa lugar, nagkaroon na ng
sariling tuntuning panggramatika at tinatawag na Chavacano.

Halimbawa:

1. Vakkul- gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init o ulan.


2. Bulanon- full moon
3. Kalipay- tuwa o ligaya
4. Palangga- mahal o minamahal

KAALAMAN SA MGA KONSEPTONG PANGWIKA GAMIT ANG


MODERNONG TEKNOLOHIYA O SOCIAL MEDIA

http://memafilipino.blogspot.com/2017/09/mungkahi-sa-wikang-filipino.html

Ang wika at teknolohiya ay lubhang konektado sa isa’t-isa. Sa ating pang araw-araw na


gawain, hindi maiiwasan ang madalas nating pagdepende sa teknolohiya. Nariyan ang
cellphone, kompyuter o laptop, ipad at iba pa. Ito ang mga nagsisilbing tulay ng
komunikasyon sa isa’t-isa. Kung susuriin, napakalaki ng naitutulong ng teknolohiya sa ating
lahat na gumagamit nito. Ngunit hindi rin maikakaila ang mga pangyayari at pagbabago dahil
sa maling paggamit at ang malaking epekto nito sa wika at pamumuhay.
Karamihan sa mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon ay nagteteks at gumagamit ng
“blog” upang ipahayag ang kanilang kaisipan at damdamin. Sa paggamit ng teknolohiya,
nagagawa nilang palawakin ang kanilang bokabularyo. Subalit may mga pagkakataon ding
lumalabis at hindi nagiging makatuwiran ang pagpapahayag na nakaaapekto sa isang
indibidwal o maging sa karamihan. Sa kasalukuyan, mabilis ang impluwensiya ng
teknolohiya sa komunikasyon. Nariyan ang iba’t ibang social networking sites tulad ng
Facebook, Twitter, at iba pa na nagiging daluyan upang magpahayag, maibigay ang
damdamin, maiparating ang reaksiyon, at iba pa sa isang mahalagang paksa o isyung
panlipunan at pang-edukasyon. Nagiging daan din ang modernong teknolohiya upang
unawain ang mga paksang mahahalaga tulad ng mga konseptong pangwika. Mababasa sa
mail, social networking sites, blog, at iba ang mga impormasyon tungkol sa wikang
pambansa, wikang panturo, bilingguwalismo, multilingguwalismo, at iba pa.
II. MGA GAWAIN
GAWAIN 1: READ AND REACT
Panuto: Basahin ang usapan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong sa iyong
sagutang papel.

John: Best friend, gusto mo bang sumama sa outing? Kasama natin ang buong barkada.

Peter: Sure, bili tayo ng mga foods sa grocery store.

John: Let’s go.

1. Ano-ano ang mga wikang ginamit sa usapan?

2. Masasabi mo bang kabilang ito sa usaping bilingguwalismo? Bakit?

3. Katanggap-tanggap ba sa lipunan ang ganitong paraan ng pag-uusap? Pangatuwiranan.

4. Ano ang pinag-usapan nina John at Peter?

GAWAIN 2: TALAS-ISIPAN
Panuto: Tukuyin ang mga katawagang ginagamit sa social media.
_____1. Kakayahang makipag-ugnayan sa maraming kaibigan sa pamamagitan ng tampok na
mga pangkat sa Facebook.
A. News feed B. Group chat C. Story/My Day D. Google
_____2. Ang mga larawan at iba pang mga bagay na nai-post ay mag-eexpire sa loob ng 24
na oras.
A. News feed B. Group chat C. Story/My Day D. Google
_____3. Patuloy na pag-update ng listahan ng mga kuwento sa gitna ng iyong home page.
A. News feed B. Group chat C. Story/My Day D. Google
____4. Ano ang tawag sa pinapanood sa youtube na kung saan ay madalas isubscribe ang
mga sikat na artista?
A. News feed B. Group chat C. Story/My Day D. Vlog
_____5. Ano ang tawag sa inilalagay sa ibaba ng caption?
A. Hashtag B. Group chat C. Story/My Day D. Google
GAWAIN 3: SUREIIN
Basahin ang mga pahayag tungkol sa damdamin, reaksiyon, sariling pahayag sa ilang
konseptong pangwika na nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan.

INCA Batch 13@ Burado na ang


Filipino sa kolehiyo PERO PWEDE PANG MAIBALIK KUNG TAYO’Y
MAGGIIT

@may_santos Tagalog…
Pilipino… Filipino… Noon… Binago.. Kasalukuyan… Ahh,
pinagmulan ng wikang Pambansa natin.

@mainefanatic Bilingguwalismo?
Hindi ba Taglish o Engalog ito? Ano nga ba?

bernardo@56 Go, go, go Filipino. Wika


ng Pinoy

ttp://mo
thertong
ue-

lorna_usa Huwag alisin


sa college ang wikang Pambansa---Filipino

MGA TANONG:

1. Madali bang unawain ang mga pahayag na nasa loob ng kahon?


2. Bakit mahalaga ang paglalabas ng damdamin at reaksiyon sa social media sites?

3. Tungkol saan ang nilalaman ng mga pahayag sa kahon pumili lamang ng dalawang
ilalahad?

III. LAGUMANG PAGSUSULIT


A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag sa pamamagitan ng pag-unawa kung:
nagpapahayag ng damdamin; nagbibigay ng reaksiyon; o nagbibigay ng
karagdagang mga impormasyon. Ang bawat bilang ay may dalawang puntos.
1. Masaya ako dahil nalaman ko na ang bilingguwalismo na ginagawa sa
Pilipinas ay magkahiwalay na gamit ng Filipino at Ingles.
2. Bilingguwalismo? Paggamit lang ‘yan ng dalawang wika.
3. Sa palagay ko nararapat lamang na gumamit ng iisang wika sa isang bansa.
4. Dapat mahusay ang mga magtuturo ng wikang pambansa upang mapalaganap
ito ng tama sa ating bansa.
5. Ipinagmamalaki ko na isa akong Pilipino at ginagamit ko ang wikang Filipino!

B. Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay pinadalhan ng mensahe sa iyong social


networking site na makikita sa loob ng kahon na nasa ibaba. Suriin kung paano
ginamit ang mga salita, may konsistensi ba sa antas ng wikang ginamit? Like,
Comment o Share ba ang pipiliin mo? Isulat sa papel ang iyong kasagutan at ito ay
may limang puntos.

Ang Pilipino ay walang pagpipilian kundi ang tanggapin nang maluwag sa


kalooban ang balakid sa kapalaran ng ating wika na ang ibig sabihin, dapat tayong
mag-aral ng Filipino, ng Ingles, at ng wikang kinagisnan.

Ang pambansang polisiya ay dapat tingnan kung paano mapauunlad ang


“literacy” sa tatlong antas at maglaan ng nararapat na pondo upang magkaroon ng

C. Panuto: Panuto: Gamit ang facebook site na madalas mong gamitin sa pang-araw-
araw na buhay. Padalhan mo ng mensahe ang iyong madalas na kachat kung ano ang
naunawaan mo tungkol sa mga konseptong pangwika na monolingguwalismo,
bilingguwalismo at multilingguwalismo. Isulat sa loob sa loob ng kahon ang iyong
mensahe na ipadadala sa napiling site.
RUBRIK

Kalinawan ng mensahe 5%

Kagalingan sa paggamit ng mga konseptong 3%


pangwika

Kaangkupan ng mga salitang ginamit 2%

Kabuuan 10%

SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain I

Ang mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang sagot.

Gawain II
1. B
2. C
3. A
4. D
5. A

Gawain III

Ang mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang sagot.

SANGGUNIAN
https://philnews.ph/2020/08/18/ano-ang-bilingguwalismo-kahulugan-at-halimbawa-nito/
https://takdangaralin.ph/multilinggwalismo-kahulugan-at-halimbawa/
https://www.coursehero.com/file/33890500/Monolingguwalismo-Bilingguwalismo-
Multilingguwalismodocx/
https://brainly.ph/question/358326
https://brainly.in/question/28094057?tbs_match=3
https://www.slideshare.net/LexterIvanCortez/modyul-1-monolingguwalismo-
bilingguwalismo-multilingguwalismo-at-poliglot
https://hzlaustria.wordpress.com/
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR TEACHER.pdf
https://israelmekaniko.tumblr.com/post/16222894715
Jocson, Magdalena O., et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino (Senior High School). Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas.

You might also like