Gramatikang Pedagohikal NG Wikang Filipino

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino

Mary Ann C. Macaranas

LAYUNIN:
1. Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa pagtuturo at ang iba
pang makabagong paraan sa pagtuturo ng wika;
2. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika;
3. Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pedagohikal na gramatika at pamaraang
komunikatib sa pagtuturo ng wika, at;
4. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang
komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo.
MGA KONSEPTO
Metodo - Ito and tawag isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng
wika at at epektibong pagtuturo ng isang aralin batay sa isang dulog. May tiyak na hakbang na
sinusunod and bawat metodo o pamaraan.
Estratehiya - Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang
ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika.
Teknik - Ang tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga
kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin ng
isang aralin.
Dulog – isang set ng pagpapahalaga hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo.
Metodolohiya – ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang mga
paniniwalang teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito’y tumutugon din sa anumang
konsiderasyon kaugnay ng tanong na “paano ang pagtuturo”.
MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA
1. Simulaing nakapokus sa mga mag-aaral
Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay ang kanilang iba’t-ibang katangian:
kognitib, pandamdamin, at kagulangang sosyal, kaalaman sa wika; motibasyon, kakayahan sa
pagkatuto ng wika, istilo sa pagkatuto, mga mithiin at mga pangangailangang subhetibo. Sa
simulaing ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na may taglay na sariling pangangailangan at
interes.
2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral
Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng maraming pagkakataon
upang makilahok sa iba’t-ibang uri ng gawaing komunikatibo.
3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika
Binibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-aaral ng mga
input na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at makabuluhan para sa sarili nilang
pangangaailangan at interes. Magagawa lamang ito ng isang guro kung lilikha siya ng isang
sitwasyon kung saan mararamdaman ng mag-aaral na nagagamit niya ang target na wika ng
natural at hindi pilit.

1
4. Simulaing Nakapokus sa Ilang anyo ng Wika
Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob ng
maikling panahon, kailangang ng guro ang mga mag-aaral sa ilang anyo at gamit ng wika, mga
kasanayan at stratehiya na makatutulong upang magamit ang wika sa isang kalagayan na
limitado ang panahon.
5. Simulaing Sosyo-kultural
Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Mahalagang
magkaroon ng mga kaalamang Kultural upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang sinasabi
ng kausap. Tungkuling ng guro na ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga
karanasang pang-kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapag-yaman ito sa kultura ng mga
taong gumagamit ng target na wika.
6. Simulain ng kamalayan
Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos na maunawaan ang
ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang mag-aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa
wika at kultura ng ibang tao. Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay nagiging daan upang
madama ang lakas ng wika upang mapaglapit ang diwa at isipan ng iba’t-ibang taong gumagamit
ng target na wika.
7. Simulain ng Pagtataya
Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging pampasigla para sa
ibayo pang pagkatuto. Kaya’t mahalaga na palagiang may pidbak ang mag-aaral hinggil sa
kanilang pagsulong sa pagkatuto at kailangan itong maging realistiko.
8. Simulain ng Pananagutan
Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling pananagutan anuman
ang maging bunga nito at malinang ang pagkatuto sa sariling sikap.
Teorya ng Kakayahang Pangwika (Language Competence)
Ang mga teoryang ito ay maaaring magbigay ng linaw sa kaugnayan ng unang wika sa
pagtatamo ng pangalawang wika at pag-unawa sa mga kamalian sa paggamit ng pangalawang
wika.
Estrukturalismo
Ang paglalarawan ng kayarian ng wika ang binibigyan-pansin. Pinaniniwalaan na ang wika
ay isa lamang code na binubuo ng istruktura. Dahil ang diin ay ang kawastuan ng istruktura o
linguistic accuracy, iginigiit nila na ang kakayahang panlingguwistik ay ang pagkabihasa at
masteri sa paggamit ng wika - ng kanyang ponolohiya, morpolohiya at sintaks. Ayon kay Hufana
(1982) ang kompetent sa pangalawang wika ay ang kawalan o halos kawalan ng kamalian sa
balarila, talasalitaan, kagalingan at kadalian sa pagsasalita at pagbasa.
Subalit mayroon ding binanggit ang ilang mga linggwista na hindi sumasang-ayon sa unang
nabanggit. Sina Campbell at Wales (1970) ay nagpahayag ng mga sumusunod na kaisipan:
“Knowing a language involves not only the ability to compose correct sentences but also the
ability to use them appropriately in acts of communication”

2
Nangangahulugang ang pag-alam ng wika ay hindi lamang ang kakayahang bumuo ng
wastong pangungusap na siyang diin ng istrukturalismo kundi pati na rin ang kakayahang
gamitin ang mga pangungusap na ito sa iba’t ibang pagkakataon.
Binanggit ni Hamada (2001) na mapapansing isinusulong ng lingguwista ng 1970 ang
kaisipan ukol sa mas malalim na pag-unawa sa mag-aaral ng pangalawang wika. Nagtulak ito ng
mas marami pang pag-aaral.
Ang Generative Transformational Linguistics ni Chomsky (1965)
Ang Generative Transformational Linguistics ni Chomsky (1965) ay nagsusulong sa
kaisipang ang pagkatuto ng wika ay hindi lamang sa pamamagitan ng “habit”, “imitation”,
conditioning o stimulus-response” kundi ito ay malikhaing proseso. Ipinakilala niyang ang taglay
na kaalaman sa wika ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang bumuo ng mga pangungusap na
katanggap-tanggap sa nagmamay-ari ng wika at ang kakayahang kumilala nang tama sa maling
pangungusap (Hamada,2001).
Subalit napansin ni Oller (1971) na nabigong isama ni Chomsky sa kanyang teorya ang
kakayahan ng isang taong gamitin ang wika sa pagbibigay at pagtanggap ng impormasyon gaya
ng enkoding at dekoding ng mensahe. Hindi niya nabigyang kasagutan ang katanungan kung
paano nabubuo ng nagsasalita ang isang bagong pahayag sa isang sitwasyon at paano naman ito
natatanggap ng nakikinig.
Ang pananaw na ito ni Oller (1971) ay sinusugan ni Bollinger (1971) nang kanyang
ipahayag na may mga tuntuning sinusunod para sa pag-unawa at pagpapahayag at sinasabing ang
nag-uusap ay nagkakaintindihan ayon sa konteksto. Napakahalaga ng konteksto sapagkat marami
ang maaaring ipakahulugan sa isang pahayag sa iba’t ibang konteksto, at dagdag pang suliranin
ang kung aling konteksto ang naangkop.
Komunikatibo
Si Savignon (1972) ay nagpahayag naman ng kanyang pananaw ukol sa kakayahang
komunikatibo. Ayon sa kanya ang binabanggit ng mga istrukturalista na kakayahan sa tamang
pagbigkas, bokabularyo at gramatika ay isa lamang sa mga pangunahing salik na bumubuo sa
pakikipagtalastasan.
....the ability to function in a truly communicative setting- that is an a dynamic exchange in
which linguistic competence must adapt itself to the total information input, both linguistic and
paralinguististic, of one of more interlocutors”
Batay sa mga naunang nabanggit, malinaw na pinagkakaisahan nina Campbell at Wales
(1970), Savignon (1972), Oller (1971) at Bollinger (1971) na ang komunikasyon ay hindi lamang
sumasaklaw sa lingguwistika o kaalaman sa istruktura kundi maging ang iba pang salik ng
pakikipagtalastasan tulad ng kakayahang gamitin ang pangungusap sa iba’t ibang pagkakataon.
Sosyolingguwistika
Ginamit ni Holmes (1978) ang salitang kakayahang sosyolinggwistika sa kakayahang umunawa
ng wika at ng kaugnayan nito sa lipunan. Sa larangang ito, ang isang tao ay hindi lang
nagtataglay ng kakayahang linggwistika kundi nakauunawa ng kontekstong sosyal ng isang
wika. Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1967) ukol sa kakayahang komunikatibo binanggit niya ang
mga sumusunod na kaisipan;

3
“We have then to account for the fact that a normal child acquires knowledge of sentences not
only as grammatical, but also as appropriate. He or she acquires competence as to when to
speak, when not, and as to what to talk about with whom, when, where, in what manner. In
short, a child becomes able to accomplish a repertoire of speech acts, to take part in speech
events, and to evaluate thier accomplishments by others. This competence, moreover, is integral
with attitudes, values, and motivations concerning language, its features and uses, and integral
with competence for, and attitude towards the interrelation of language with the other code of
communicative conduct”.
Ang nabanggit na pananaw ni Hymes ay nagpapaliwanag na hindi lang ang gramatikang aspeto
ng wika ang natatamo ng bata sa kaniyang pag-aaral ng wika. Binanggit niyang maging ang
konteksto o ang sitwasyon o ang kalagayan kung saan magaganap ang pakikipagtalastasan ay
isinasaalang-alang. Lalong malinaw ang kaisipan niyang ito sa kanyang akronim na SPEAKING:
S – etting
(Saan – lugar kung saan nag-uusap)
P – articipants
(Sinu-sino ang mga kausap o nag-uusap)
E – nds
(Ano ang layunin sa pag-uusap)
A – ct Sequences
(Paano ang takbo ng usapan)
K – eys
(Pormal ba o di-pormal ang pag-uusap)
I – nstrumentalities
(Pasalita ba o di-pasalita)
N – orms
(Ano ang paksang pinag-uusapan?)
G – enre
(Nagsasalaysay, nakikipagtalo ba o
nagmamatwid)

Ang mga nabanggit sa itaas ay mga salik ng sosyokultural na pinaniniwalaan niyang dapat
isaalang-alang sa pakikipagtalastasan. Mapapansing sa pag-aaral ng wika ay may paglilipat ng
tuon, mula sa kakayahang lingguwistika tungo sa kakayahang komunikatibo.
Malinaw na may kaugnayan ng kakayahang lingguwistika at kakayahang komunikatibo.
Kung ang pagtutuunan ng pansin sa pagtuturo ng wika ay ang kakayahang linggwistika lamang,
may malaking bahagi ng kakayahang komunikatibo ang hindi mapapasama. Gayundin naman
kung ang pagtutuunan ng pansin ay ang kakayahang komunikatibo, mayroon ding bahagi ng

4
kakayahang linggwistika ang hindi masasaling. Subalit, iminungkahi ni Allwright (1977) na
yamang komunikasyon ang tuon ng pagtuturo at pag-aaral ng wika, marapat lamang na ang
kakayahang komunikatibo ang ipagpauna sa proseso. Ipinaliwanag din niyang ang kakayahang
komunikatibo ay proseso sa pagitan ng mga tao. Hindi lang mensahe ang sangkot dito kundi
kinasasangkutan din ng mga salik-sosyolinggwistika tulad ng mga kasangkot sa komunikasyon
(tagahatid-tagatanggap), ang sitwasyon at ang mensahe.
Sa kabuuan ang pagtalakay ng kakayahang komunikatibo, mahihinuha natin na walang
isang tuntunin para dito yamang marami ang dapat isaalang-alang dito. Ayon nga kay
Finochiarro (1979) isaalang-alang din ang sosyal na tungkulin at sikolohikal na aspeto ng mga
kasangkot sa komunikasyon.

Saykolingguwistika
Si Skinner (1957) ay kilalang behaviorist na naniniwalang ang pagkatuto ng wika ay
depende sa kaniyang kapaligiran. Naniniwala si Skinner na kailangang alagaan ang intelektuwal
na pag-unlad sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang
kilos o gawi.
Tinukoy niya na maaaring isagawa ng bata ang anumang gawain kung tuturuan at bibigyan
siya ng tamang direksyon. Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro
ng set ng simulain at mga pamaraang madaling isagawa at ituro. Natututo ang bata sa mga
panutong ibinibigay sa kanya at naniniwala siyang mapapaunlad ang intelek sa pamamagitan ng
pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting gawi o kilos.
Taliwas naman ito sa pagkakilala ni Chomsky (1965) dahil ipinaliwanag niyang
pagkapanganak pa lamang ng bata ay mayroon na siyang kakayahang pangwika na nalilinang na
lamang sa kanyang pakikisalamuha sa kanyang kapaligiran habang siya ay lumalaki.
Pinaniniwalaan ni Chomsky na dahil sa Language Acquisition Device (LAD)
nagkakaroon ng sariling pag-aanalisa ang bata sa mga pahayag na naririnig niya. Nabubuo sa
kanyang isipan ang mga tuntunin ng wika na kanya namang ginagamit sa pagpapahayag.
Ayon naman sa pananaw ni Krashen(1985), ang akuwisasyon ng wika ay nagaganap nang
hindi namamalayan ng mag-aaral tulad ng kung paano niya natututuhan ang kanyang unang
wika. Ito ay nagaganap sa isang sitwasyong ang mag-aaral ay nahaharap sa maraming
pagkakataon na natural na ginagamit ang wika. Napupulot ng mag-aaral ang wikang naririnig na
sa palagay niya’y kailangan sa komunikasyon.
Ayon naman kay Stern (1983), sa labas ng klasrum, ang isang mag-aaral ng pangalawang
wika ay natututo nang natural. Dito ay wala pang pormal na pagtuturo, inilarawan na impormal,
malaya, hindi pinatnubayan at natural na pagkatuto. Nabanggit ito ni Stern sa kanyang
sumusunod na pahayag;
“The distinction between learning from exposure to the second language in the target
language environment and learning from a teacher is not right. The conditions can be visualized
as a continuum. At one extreme, we may find learners learning without external help and
direction purely from exposure to the second language environment, and at the other, we find
learners learning a second language exclusively in a language teaching setting. In the main,
however, we are likely to find that L2 learners receive input to varying degrees both from
exposure and from educational treatment”.

Interlanguage
Isa sa mga pagbabatayan ng pag-aaral na ito ay ang Interlanguage Theory ni Selinker (1972)
na mula terminolohiyang “interlingual” ni Weinrich (1953). Ang konsepto ng interlanguage ay
nagpapalagay na ang mag-aaral ay nakabubuo ng sariling pamamaraan ng pagkatuto ng
pangalawang wika. Sa proseso ng pag-aaral ay nakabubuo ng isang bagong wika na kaiba sa

5
unang wika at pinag-aaralang wika ng mag-aaral. Ang wikang ito ay tinawag ni Selinker (1972)
na “interlanguage”.
Ang nabuong wika ay nagtataglay ng mga istruktura na matatagpuan sa unang wika at
mayroon din naman sa pangalawang wika subalit mayroon din itong elemento na wala sa
parehong wika. Ang panukalang interlanguage ay nagsasaad ng mga sumusunod:

“Second language speech rarely conforms to what one expects native speakers of the
target language to produce, that it is not an exact translation of the nativelanguage, that it
differs from the target language in systematic ways and that forms of utterances produced in the
second language by a learner are not random. This interlanguage hypothesis proposes that the
relevant data of a theory of a second language learning must be the speech forms which result
from attempted expression of meaning in a second language. (Selinker, Swain and Dumas,
1975)”
Ang interlanguage ay isang sistema ng pag-aaral ng pangalawang wika na sa
pagtatangkang matuto ng pangalawang wika ay nakabubuo ang mag-aaral ng pangalawang wika
ng mga pahayag na maaaring hawig sa mga pahayag ng ibang mag-aaral subalit iba sa mga
pahayag ng taal na tagapagsalita ng pinag-aaralang wika.
Ipinahayag ni James (1971) na ang pag-aaral ng wika ay proseso ng pagpapalawak ng
diyalekto at ipinakilala ang “phenomenang interlingual”. Ito ay nagbibigay diin sa intermedyang
kalagayan ng wikang nabuo ng mag-aaral kung ihahambing sa kanyang unang wika at
pangalawang wika. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi pareho ng pagpapahayag ang isang
natuto lamang ng wika at ng isang taal na nagsasalita ng wika. Inilarawan niyang ang
interlanguage ay pag-unlad ng mag-aaral ng pangalawang wika mula sa walang kamuwangan
(zero competence) hanggang sa malapit sa taal na tagapagsalita ng wika (near-native
competence).
Ang ganitong pangyayari ay tinawag ni Selinker (1972) na “interlanguage”. Ito rin ang
tinutukoy ni Nemser (1971) na “approximative systems” at ni Corder (1971) na “idiosyncratic
dialects” and “transitional competence”. Tinawag ni Corder (1978) ang pangyayaring ito na
learner-language.
Ginamit ni Nemser (1971) ang katawagang “approximative system” dahil pinaniniwalaan
niyang ang pagkatuto ng wika ay debelopmental. Ito ay nangangahulugang patuloy na nililinang
ang pangalawang wika habang natututo siya mula sa kanyang kamalian sa proseso ng pag-aaral
ng wika.
Tinawag naman itong “transitional competence” ni Corder (1971) dahil pinaniniwalaan
niyang ang isang mag-aaral ng pangalawang wika ay mayroong kakayahang pansamantala
(transitional competence). Ito’y tumutukoy sa kamalayang panggramatika na kanyang nagagamit
sa anumang panahon. Sa pakikipagtalastasan, ang mag-aaral ng pangalawang wika ay bumubuo
ng natatanging sistematikong wika. Anumang pagkakamali sa kanyang pakikipagtalastasan ay
hindi kababakasan ng kanyang unang wika maging ng kanyang pangalawang wika kundi ng
ibang wika.
Ipinahayag din ni Corder (1971) na may mga hakbang sa pagkakabuo ng interlanguage.
Ito ang random error o “presystematic”, “emergent”, ang “systematic stage” at “stabilization”.
Sa “presystematic”, hinuhulaan lamang ng mag-aaral ang kaniyang sinasabi dahil hindi
pa niya alam ang sistematikong pagkakaayos ng mga salita sa pangungusap.
Sa “emergent”, mayroon na siyang kaalaman sa tuntuning pangwika ngunit
pinagdududahan pa niya.
Sa “systematic stage”, lubos nang nauunawan at naiintindihan ang
mga tuntunin.
Sa “stabilization”, buo na ang sistema ng interlanguage. Bilang na lang ang nagagawang
pagkakamali ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng wika.

6
Kung pagbabatayan ang haypotesis ni Selinker (1972), ang mga Pilipinong mag-aaral ay
nakabubuo ng sistematikong set ng mga tuntunin ng wikang Ingles - pangalawang wika ng mga
Pilipino, sa kanilang pagtatangkang gamitin ito sa komunikasyon.
Sa paggamit ng mag-aaral ng pangalawang wika ng interlanguage, natural lamang na
makagagawa siya ng kamalian. Ang mga kamaliang nagagawa ay naglalahad ng hangganan ng
kanyang kagalingan o kaya’y kahinaan sa pangalawang wika.
Ipinahayag ni Corder (1971) na ang mga nagagawang pagkakamali o mga deviant
utterances ay mahalaga sa kaalaman sa pagtatamo ng wika.
Sumasang-ayon ito sa naunang ipinahayag ni Strevens (1969) na naniniwalang ang mga
pagkakamaling nagagawa ng isang mag-aaral ng pangalawang wika ay hindi dapat ituring na
sagabal sa pagkatuto manapa’y ituring itong normal at hindi maiiwasan. Ang mga kamaliang ito
ay nagpapakita hindi ng kabiguan ng pag-aaral kundi tagumpay sa proseso ng pag-aaral ng wika.
Itinuturing ni Richards (1974) na ang interlanguage ay ginagamit ng mga mag-aaral ng
pangalawa at banyagang wika. Ito ay binubuo ng mga korpus ng mga pangungusap at
mabibigyan ng kahulugan sa kalikasan ng pag-aaral ang pangalawang wika. Sa lahat ng
katawagang ito, iisa ang ipinapahayag: na ang mag-aaral ay nakalilikha ng ibang wika at
tinatawag nating kamalian. Nakalilikha siya ng pansamantalang wikang nagpapatunay ng
transisyon tungo sa kakayahan sa pangalawang wika. Ito rin ang tinawag ni Corder (1971) na
“Transitional Dialects”.

MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO


Pamamaraang Grammar Translation (Pamaraang Klasiko)
Mithiin (Goals)
1. Mabasa ang literatura ng target na wika.
2. Maisaulo ang mga tuntuning balarila at talasalitaan ng target na wika.
Mga Katangian.
1. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na wika.
2. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.
3. Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat halos hindi nalilinang ang pakikinig at pagsasalita.
4. Pabuod na tinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan at pagkatapos ay
magkakaroon mg maraming pagsasanay sa pagsasalin.
5. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang ang
kahandaan ng mga mag-aaral.
6. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa pagsasalin ang mga mag-
aaral mula sa target na wika.
Ang Series Method
Ito ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo nang tuwiran
(walang pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa isang
kosepto na madaling maunawaan ng mag-aaral.
Walang pagpapaliwanag sa tuntuning balarila bagamat maaaring mayroong kayaring balarila na
napapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin.

7
Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang transpormasyon ng
mga pananaw sa wika at isang konsepto na madaling maintindihan.
Ang Pamaraang Direct
Mga katangian:
1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin.
2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagayak, pagsasaulo ng mga parilala, at
paulit-ulit na pagsasanay.
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga tuntuning balarila ay
itinuturo ng mga modelo.
5. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.
6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa language labs at
mga pagsasanay na pares minimal.
7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase.
8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay.
Ang Community Language Learning (CLL)
Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin.
Ang pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni Charles A. Curran na
nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang isang
komunidad na binibigyan ng kaukulang pagpapayo.
Ang Suggestopedia
Ang pamaraang ito’y halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y isinasagawa ang
mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang kalooban ng bawat mag-aaral at
relaks ang kanilang isipan.
Mga katangian:
a) Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging
panatag ang kalooban
b) Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuot at may maririnig na
mahinang tugtugin.
c) Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang
komprehensibo.
d) Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.
e) Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan (conscious) kung saan
nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang kawalang-kamalayang (sub-conscious) kung saan
ang musikang naririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.
f) Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama.

8
g) Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na pagsubok ang
ibinibigay.
Ang Silent Way
Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinapaubaya sa mga mag-
aaral ang kanilang pagkatuto.
Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng
mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan nanatiling tahimik ang guro
kaya ang katawagan Silent Way.
Ang Total Physical Response (TPR)
Ang pamamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsasabi na
ang pakatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aralan.
Mga Katangian:
a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mg autos mula sa titser na isinasagawa ng
mga mag-aaral.
b) May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita ang guro, tumutugon
ang mga ma-aaral sa pamamatnubay ng guro.
c) Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang kultura ng mga
katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.
d) Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang sa pamamagitan ng mga kilos.
e) Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga kamaliang
global lamang ang iniwawasto.
Ang Natural Approach
Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto kung
saan mahalaga ang mga “comprehensive input” upang mapasigla ang pagtatamo ng wika.
Nilalayon ng Natural approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang
pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya ng
pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radyo at iba pa.
Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t-iba at mga kawili-wiling gawaing
pangklasrum gaya ng laro, maikling dula-dulaan at pangkatang gawain.
Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching)
Ang katawagang ito’y gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa pagatuturo.
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
a) Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral;
b) Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral.
(Hal. Pangkalahatang gawain o pagsasanay)
c) Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;

9
d) At kurikulum na may kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi
itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
Ang Pagkatuto na Tulong-tulong (Cooperative Learning)
Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan ng mga impormasyon na
laging naroon ang pagtulungan sa isa’t-isa.
Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang
(collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.
Ang Pagkatutong Interaktib (Interactive Learning)
Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin
s ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na
lagging may nauunawaan sa isang konteksto.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:
a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.
c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang komunikasyon
d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktuwal na paggamit
ng wika sa “labas”
e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens
Ang Whole Language Education
Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyan-diin:
a) Ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw ng pagbabahagi ng wika sa maliliit nitong elemento
gaya ng ponema, morpema at sintaks.
b) Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at
wikang pagsulat (pagbasa at pagsulat); at
c) Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas na umuunlad, na katulad din ng
alituntuning pasalita.
Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon. Ang whole language ay isang lebel na
ginagamit upang mailarawan ang:
a) Tulong-tulong na pagkatuto
b) Pagkatutong partisipasyon
c) Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
d) Integrasyon ng “apat na kasanayan”
e) Paggamit ng awtentiko ant natural na wika
Content-Centered Education

10
Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education ay ang integrasyon
ng mga pagkatuto ng mga nilalalman sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y ang
magkasabay na pag-aaral ng wika at paksang-aralin, na ang anyo at pagkakasunod-sunod ng
paglalahad ng wika ay idinidikta ng nilalaman ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo
na ang mga kasanayan sa wika ang itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggamitan
nito
Ang Pagkatutong Task-Based
Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na
may tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo nga mga magsasagawa ng
task. Ang task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit man “malaki” ang saklaw nit kaysa sa
teknik. Ang pagkatutong task-based ay bagong pamaraan. Binibigyang pokus lamang nito ang
tasksa pagtuturo. Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang komunikatib task na
tuwirang nakaugnay sa mga layuning pangkagawian at ang mga hangaring nito’y lagpas na
nakagawiang pagsasanay ng wika.
Gramatikang Pedagohikal – isang modelo ng gramatika ng wikang Filipino na pedagohikal
ang lapit.
Layunin:
1. Pagnanais niya na maging mas makahulugan, pragmatik, at kawili-wili ang pag-aaral ng
estrukturang panggramatika ng wikang pambansa.
2. Upang magkaroon ng isang panggramatikang aklat na tatantiya sa tunay na lingguwistikong
kalikasan ng wikang Filipino at walang atubiling matatanggap at magagamit ng lahat ng guro at
estudyanteng Pilipino anuman ang kanilang katutubong wika.
Tatlong Malalaking Hakbang sa Pagbubuo ng Gramatikang Pedagohikal
1. Pag-aralan ang konsepto ng wikang Filipino.
Matibay ang paniniwala ni Resuma sa pagiging buhay at dinamiko ng wikang Filipino, ang
itinakda ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas na pambansang wika. May batayan itong
multilingguwal sapagkat nabuo ito sa loob ng mahabang panahon mula sa aktibong interaksiyon
ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang katutubong wika ng Pilipinas na may magkakatulad
na tunog, leksikon, at estrukturang sintaktikal, gayundin ng mga wikang banyaga (Kastila,
Ingles, Tsino, at iba pa) na naging bahagi na ng kulturang Pilipino ng mahabang panahon. May
varyasyon din ang wikang ito sa iba't ibang rehiyon ng Pilipinas dahil ito’y malawakang
naaapektuhan ng mga katutubong wikang ginagamit sa bawat rehiyon. (Deliberation Language
Policy 1986; Constantino 1990; Paz 1977).
2. Isaalang-alang ang mga lingguwistiko at sosyo-lingguwistikong konsiderasyon.
Dapat isa-isahin ang mga katangiang lingguwistikong unibersal, o halos magkakatulad sa mga
pangunahin at menor na wika ng Pilipinas.
Sa antas ng ponolohiya ay nakita ng mga pag-aaral na komon sa lahat ng wika ng bansa ang
labingwalong (18) ponemang segmental (15 katinig at 3 patinig), ang ponemik na diin (Hal:
/bakal/'buy’ at /ba:kal/’iron’), at ang paggamit ng magkakaparehong kombinasyon ng mga
ponema sa pagbuo ng mga pantig o silabol (KPK- KPK, KP-KP, at iba pa.

11
Napatunayan din sa antas ng morpolohiya ang pagiging angglutinative (maaaring lagyan ng
panlapi ang salitang-ugat upang makahango ng ibang salita at ibang kahulugan) ng lahat ng mga
wika ng Pilipinas, ang magkakatulad na paraan ng pagbuo ng mga morpema (paglalapi, pag-
uulit, pagtatambal), at ang katotohanang mahigit sa limampung porsiyento (50%) ng mga
kogneyt sa mga wika ng bansa ay halos magkakasintunog at magkakasingkahulugan (Hal: adwa,
duwa, duwe, chuwa, dadwa, duha, daywa para.sa “dalawa”; at arung, elong, irong, ngilong, at
agong para sa “ilong”).
Sa antas ng sintaks, malinaw na nakitang komon sa mga wika ng Pilipinas ang ayos ng
pangungusap na Panaguri + Paksa o Simuno, ang mga marker o pananda ng pangngalan, ang
pluralayser o pamparami, ang pagbabago ng panlapi batay sa pokus o sintaktik na relasyon ng
pandiwa sa paksa ng pangungusap, ang mga kataga na nagpapakita ng relasyon, at marami pang
iba.(Constantino 1965, 1967; Lopez 1967; Makarenko 1973; Paz 1977, 1990; Resuma 1990,
1991).
Bukod sa mga unibersal na katangiang ito ng nakararaming wika ng bansa, isinaalang-
alang din sa nabuong gramatika ang ilang lingguwistika at sosyo-lingguwistikong katangiang
nakita o napatunayang taglay ng ilang etnolingguwistikong grupo.
Halimbawa nito ang kawalan ng reduplikasyon o pag-uulit sa mga wika ng Kabisayaan,
gayon din ang madalas na paggamit ng mag- sa halip ng -um sa paglalapi ng mga pandiwa. Hindi
rin katutubo sa maraming rehiyong di-Tagalog ang paggamit ng po at opo bilang hudyat ng
paggalang, bagamat may iba silang paraan upang maipakita ang respeto sa nakatatanda o di-
kilalang tao. Isama pa rito ang mga tinatawag na deceptive cognate na nangangahulugang ang
isang salita sa isang wika ng Pilipinas ay maaaring may ibang kahulugan sa ibang wika ng bansa.
Halimbawa, sa Tagalog, "mag-aliw" ang kahulugan ng maglibang, samantalang sa Bisaya,
nangangahulugan ito ng "dumumi."
3. Pag-aralan ang konsepto ng gramatikang pedagohikal, gayundin ang mga
konsiderasyong komunikatibo.
Kaiba, ngunit hindi kahiwalay ng deskriptibong gramatika ang gramatikang pedagohikal.
Nangangahulugan itong nakabatay ang isang gramatikang pedagohikal sa mga siyentipiko,
obhetibo, at detalyadong deskripsiyon ng wika na maingat na isinagawa ng deskriptibong
gramatika, habang nagbibigay-pansin at umaangkop din sa mga mismong tagagamit ng
inilalarawang wika.
Tinutulungan nito ang mga estudyante tungo sa mas makahulugan at higit na pragmatikong
pagkatuto ng wika na ang mga pormal na lingguwistikang katangian ay tiniyak at maingat na
inilarawan ng mga dalubhasang lingguwista.
Natukoy ang komunikatibong deskripsyon bilang pinakaangkop na modelo sa binuong
gramatikang pedagohikal. Sa komunikatibong deskripsiyon napakahalagang pag-aralan ang mga
gramatikal na elemento ng wika dahil nakabase sa tama at mahusay na paggamit ng code (wika)
ng enkoder (tagapagsalita o manunulat) ang reaksiyon ng dekoder (tagapakinig o mambabasa).
Dapat ding pag-aralan ang sistema at estruktura ng code kaugnay ng mga gamit nito sa iba't
ibang kahulugan, layunin, at sitwasyon upang maging higit na epektibo at makabuluhan ang
pagkatuto at paggamit ng naturang wika (Hymes 1972; Candlin 1973; Brumfit, 1984; Stern
1987; Dirven 1990).

12
Naging komunikatibo sa kabuuan ang nabuong modelo pagkat sistematikong iniugnay ang
deskripsyong estruktural ng mga kategoryang gramatikal ng Filipino sa iba’t ibang kahulugan,
gamit, at layunin. Isinaalang-alang din sa pagbuo ng gramatikang pedagohikal ang mga kriterya
ng pagpapahayag na may kalinawan, kabisaan, pagtanggap, at katipiran nang hindi isinakripisyo
ang paggamit ng isang wikang angkop sa akademikong rehistro at hindi masakit pakinggan o
kaya’y basahin.

PAGTALAKAY SA GRAMATIKANG PEDAGOHIKAL


Ponolohiya ng Wikang Filipino

Kabilang sa mga ponemang segmental ang ponemang katinig, patinig, diptonggo at


klaster, at sa mga ponemang suprasegmental ang diin, punto, tono, intonasyon, at hinto.
Tinawag din niyang konsonant ang mga ponemang katinig sa wikang Filipino. Inilarawan
niya ang mga ponemang ito batay sa paraan at punto ng artikulasyon Mapapansin sa tsart (d.1)
na may aprikatibo para sa paraan ng artikulasyon ng /j/ at kumakatawan naman ang /N/ para sa
katinig na Ng subalit sa ibang aklat ay ginamit ang /ᶇ/.
Kung ihahambing sa ibang aklat-gramatika ang tsart ng mga katinig, kapansin-pansin na
bukod sa dalawampung (20) ponemang katinig na naririnig sa wikang Filipino, isinama ni
Resuma ang ang mga tunog ng /f/, /j /, /v / at / z/ na kontribusyon sa Filipino ng iba’t ibang
katutubong wika sa Pilipinas, pati na ng mga banyagang wika (Ingles, Kastila, Intsik, Pranses,
atbp.) na naging bahagi na ng kulturang Pilipino. Halimbawa dito ang; /f/ Ibanag:/ ?afa fuh/
‘shower’; /j/ Yakan: /jamba.Nari/'plant’; /v/ Pranses: /suv.n.ir/‘souvenir’; at /z/ Maranaw:
/zo.rat/ ‘to write’.
Tulad ng ibang aklat hindi rin isinama ni Resuma sa tsart ng mga ponemang katinig ang
mga tunog na /c/, /x/, /q/, at /n᷈ / sa paniniwala niyang sa wikang Filipino, may ibang katumbas
na tunog ang mga ponemang ito.
Sa kanyang gramatika, may limang pangunahing patinig ang wikang Filipino, ang
/a/, /e/, /i/, /o/, at /u/. Mapapansing isinama sa tsart (d.4) ang ponemang /ᵊ/ (schwa) na gamitin sa
Pangasinan, ilang pook sa Ilokos, Maranaw, at iba pang lugar sa Pilipinas. Naniniwala rin si
Resuma na sa maraming katutubong wika ng Pilipinas at maging sa wikang Filipino, mga
alofon, o maaaring mapagpalit-palit, ang mga tunog ng /e/ at /i/ gayon din ang mga tunog ng /o/
at /u.
Kung ihahambing sa ibang aklat ang tsart ng diptonggo (d.5) ni Resuma, naiiba ito dahil sa
pagdaragdag niya ng diptonggong ow na makikita sa mga salitang /?ow/ at /nowt/.
Tulad ng ibang may akda, tinawag din ni Resuma na kambal-katinig ang mga klaster ng
wikang Filipino. Sinabi niyang karaniwang ginagamit ang klaster sa mga salitang hiram,

13
bagama't may mga katutubong wika rin ng Pilipinas na gumagamit ng ganitong tunog. Makikita
sa dd.6-8 ang mga klaster ng wikang Filipino.
Kabilang sa tinukoy ni Resuma na mga ponemang suprasegmental ang diin, punto, tono,
intonasyon, at hinto. Sa ibang aklat ay magkasamang ginagamit ang haba at diin bilang
ponemang suprasegmental kumpara kay Resuma na gumamit lamang ng salitang diin. Marahil
para sa kanya ito’y sapat na dahil tinukoy niya ang diin bilang pagpapahaba ng pantig na laging
may kasamang patinig.
Ginagamit sa gramatikang ito ang dalawang magkahiwalay na bar (//) upang maglaman ng
notasyong ponemik na sisimbolo sa paraan ng pagbigkas ng isang salita. Ginagamit din ang
tuldok /. / upang matukoy ang pantig o silabol ng isang salita na may diin o "stress". Binigyang-
diin ni Resuma na sa notasyong ponemik ay walang salitang nagsisimula o nagtatapos sa mga
tunog na /a/, /e/, /i/, /o/, at /u/ kaya ganito ang notasyon kung ang salita ay nagsisimula o
nagtatapos sa tunog ng patinig:

/?abalah/ 'busy' (may impit sa unahan, may hangin sa hulihan,walang pantig na


pinahahaba kaya tuluy-tuloy ang pagbigkas ng salita)

/?ala.ga?/ 'well-kept' (kapwa may impit sa unahan at hulihan;


pinahahaba :ang gitnang pantig)

Binanggit din niya na sa ibang wika ng Pilipinas tulad sa Sugbuanon (Cebuano) at Ilokano,
ang impit ay maaaring nasa gitna ng salita tulad ng mga salitang /bu?ang/ ‘crazy’ (Sug) /dung?
aw/ 'song of praise for the dead' (Ilk). At para kay Resuma, may tinatawag na punto (o "regional
twang" o "accent”) ang mga etnolinggwistikong grupo ng mga Pilipino na nasa iba't ibang panig
ng bansa.

Komunikatibong Gramatika ng Wikang Filipino


Dahil komunikatibo, nakatuon ito sa gramatikang ginagamit o sa gramatikang
makatutulong sa mas madali at mabilis na pag- unawa ng mga konsepto at sa mismong paggamit
nang wasto ng wikang Filipino sa pasalita at pasulat na gawain.
May apat na seksiyon ang bahaging ito:

1. Pagkilala ng mga konsepto sa iba’t ibang anyong lingguwistiko. Nauukol ito sa


komunikasyon ng kahulugang konseptwal ng labing-apat (14) na pangunahing kategorya ng
kahulugan sa gramatika. Kabilang dito ang 1) konsepto ng mga konkretong bagay; 2 )konsepto
ng mga abstraktong ideya na pawang iniuugnay sa pangngalan (noun); 3) konsepto ng bilang,
dami, at halaga o , presyo at 4) konsepto ng modipikasyon o atribusyon na iniuugnay sa pang-

14
uri (adjective); 5) konsepto ng degree o kaantasan at pagkakatulad (sa deskriptibong
gramatika ay itinuturing na pang-uri); 6) konsepto ng aksiyon, pangyayari, at karanasan,
aspekto at pagpopokus na iniuugnay sa pandiwa (verb); 7) konsepto ng panahon,tagal, dalas,
oras at petsa (pang-abay na pamanahon); 8) konsepto ng lunan, posisyon, direksiyon at
distansiya (pang-abay na panlunan); 9) konsepto ng paraan (pang-abay na pamaraan); 10)
konsepto ng adisyon (ekspresyon ng pagdaragdag- sa ibang gramatika ay pangatnig ito) ),
eksepsyon (ekspresyon ng pagbabawas- tinatawag din itong pangatnig sa ibang aklat) at
restriksyon (ekspresyon ng limitasyon, halaga at degri, at panahon- tinatawag din itong
pang-abay na pamilang sa ibang aklat); 11) konseptong may kaugnayang lohikal (pangatnig
na pananhi); 12) konseptong may retorikal na kaugnayan (pangatnig na panalungat, panang-
ayon at panlinaw); 13) konsepto ng paksa (pang-ukol); at 14) konsepto ng pananaw (pang-
ukol).
Sa pagbubuo ng pangngalan, maaaring ito ay salitang-ugat lamang, maylapi, inuulit at
pinagtatambal. Kapuna-puna na sa mga ibinigay niyang mga salitang hiram na nilapian ang ilang
panlaping ginamit tulad ng) -idad: unibersidad, pasilidad, -o/a: abogado, abogada (taliwas sa
sinasabi ng iba na ponema ang a/o), -ante: komersyante, komedyante, -aryo; kumperyonaryo,
-ista: makinista, komentarista, -iko: paralitiko, -syon: fermentasyon, -ika: matematika at -iya/-
hiya : pedagohiya, meteorolohiya. Idinagdag pa niya na karaniwang hindi nag-uulit ng pantig
sa Kabisayaan at maliban sa Tagalog, bihira sa mga wika ng Pilipinas ang pangngalang
tambalan. Ipinakita rin niya na ginagamitan ng mga pananda o marker ang mga pangngalan
kung ginagamit ang mga ito sa pangungusap. Kabilarig dito ang ang, ng, si/sina, ni/nina at
kay /kina tulad ng pangungusap na “Binili ng ate ang kaniyang malong sa supermarket”.
Binanggit din niya na may rehiyon sa Pilipinas, tulad ng Katagalugan, na gumagamit ng ang
bilang tanda o hudyat ng paggalang sa taong nakatatanda o may katungkulan tulad ng
pangungusap na “Ang Pangulong Quezon ang naging presidente ng Komonwelt ng Pilipinas.”
Sa paglalapi ng pang-uri ay ginamit ni Resuma ang mga panlaping -uwal/-wal:
aktuwal/aktwal, -ante:bastante, -iko: dinamiko, -ibo: konserbatibo, -able: responsable, -o/a :
Amerikano/Amerikana, -es/esa: Hapones/Haponesa, -ano/a: Ilokano/a, -ense: Pangasinense, at
enyo/enya: Batangenyo/a. Para sa pagpapakita ng degri ng pang-uri, isang paraan ang parsyal o
buong pag-uulit ng salitang-ugat. Sang-ayon ako sa halimbawang Norang-Nora (kamukhang-
kamukha ni Nora), pero ang Nora-Nora (medyo kamukha ni Nora) ay hindi ko naririnig na
ginagamit o nababasa man lang.
Kung karamihan sa mga aklat-gramatika ay nagbigay-kahulugan sa pandiwa bilang “salita o
lipon ng mga salita na nagsasaad ng kilos”, kay Resuma, ang pandiwa ay nangangahulugan ng

15
aksiyon, proseso o panngyayari at karanasan. Kinilala niya ang papel ng mga panlapi sa
pagbubuo ng pandiwa, pagpapakita ng aspekto at ang gamit ng mga panlapi at marker o pananda
sa pagpopokus. Ayon pa sa kanya, may mga wika sa Pilipinas na hindi katutubo ang panlaping
um-, tulad ng mga wika sa Kabisayaan. Mas gamitin nila ang panlaping mag- gaya ng mag-awit,
magkuha, mag-uli (umuwi), at iba pa.
Para kay Resuma, karaniwang ginagamit sa mga impormal na komunikasyon ang alas o
ala- para sa oras, at ang a- para sa petsa na hiram sa wikang Kastila. Ang halimbawa nito ay ala-
una ng hapon, a-dose ng Marso at alas otso ng gabi. Ginagamit naman sa higit na pormal na
sitwasyon (pang-klasrum at iba pa) ang ganito upang ihayag ang konsepto ng oras at petsa:
ikaanim ng umaga ika-16 ng Hunyo, 2002. Kapuna-puna rin ang paggamit ni Resuma ng sa.
Bukod sa ito ay ginamit niya bilang marker sa pang-abay na panlunan, ginamit din ito bilang
hudyat sa paraang ginamit upang makamit ang resulta sa isang pahayag. Pansinin ang
pangungusap na “Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kanyang kurso”. Walang ginamit
na pang-ugnay sa relasyong ito. Maaari sanang gamitin ang dahil sa pero ang sa ay sapat na
upang ipakita ang relasyon.
Sinabi rin niya na maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ang pangungusap dahil sa
paggamit ng lamang/lang, pati na ng din/rin bilang mga ekspresyon ng adisyon, eksepsyon at
restrikiyon na nagbibigay-diin sa isang bahagi ng pangungusap. Pansinin ang mga pangungusap:

Ipinahiram ko lamang sa kanya ang bolpen.


(hindi ko iyon ibinigay.sa kanya.)

Bolpen lamang ang ipinahiram ko sa kanya..


(hindi pati lapis)

Sa kanya ko lamang ipinahiram ang bolpen.


(hindi sa iba pa)

(Hindi lamang siya mabuting abogado).


Manunulat din siya.

(Hindi lamang siya sikat na abogado),


Mayaman din siya.

Gamit ang Transformasyunal na Gramar ni Chomsky, ipinakita ni Resuma kung paano


nagkaroon ng semantic, sintaktik at ponolohikal na pagbabago sa loob ng pangungusap.
2. Paglalahad ng mga impormasyon at realidad na nauukol sa komunikasyoh ng lohikal na
kahulugan. Ginamit dito ang mga kategorya ng mga konseptong natalakay na sa unang seksiyon
kaugnay ng pagbibigay- kahulugan upang maisagawa ang tinutukoy ni Halliday (1973) na
representational at heuristic na mga gamit ng wika. Ang bahaging ito ang magpapaunawa kung

16
paano gagamitin ang wikang Filipino bilang instrumento ng pagkatuto at pagpapahayag ng
mga kaalaman. Gamit ang pangungusap bilang pangunahing pormal na gramatikal na yunit sa
pagbibigay-kahulugan, matututuhang mag-ulat, humatol, magbigay ng sariling opinyon ng mga
mag-aaral.
Naiiba ang pagtalakay niya sa pangungusap. Maaaring ito raw ay nasa anyo ng isteytment o
tanong na maaari ring magkaroon ng iba’t ibang layunin at gamit. Tinawag ni Resuma ang
isteytment sa gramatikang ito na proposisyon o pangungusap na hindi nagtatanong. Inisa-isa
niya ang iba’t ibang paraan pagbuo ng mga pangungusap na nasa anyong isteytment.
Kabilang dito ang paggamit ng karaniwang ayos ng pangungusap na tinukoy niyang
nagsisilbing batayang pangungusap sa Filipino na maaaring mapalawak, mapaikli o
mabago. Ganito raw ang ayos ng batayang pangungusap sa Filipino:

Pangungusap = Panaguri + Paksa

Halimbawa: Sinulat ni Balagtas ang Florante at Laura.

Gamit ang iba’t ibang kategoryang gramatikal, ipinakita niya ang mga maaaring maging
anyo ng panaguri tulad ng pariralang nominal, pariralang pang-uri, pariralang, pandiwa
pariralang pang-abay, pariralang eksistensyal, pariralang preposisyonal, at pariralang modal.
(Ang pariralang eksistensyal at modal ay di nababanggit sa ibang aklat.)
Inilagay naman niya sa anyo ng pariralang nominal ang lahat ng paksa ng pangungusap.
Nangangahulugan ito na laging may pananda o marker na ang o si/sina ang paksa, kahit pa
ginagamit ang isang pandiwa, pang-uri, pang-abay, at iba pa. Pansinin ang pangungusap na
“Hinahangaan natin ang matatalino”.
Ang paggamit ng di-karaniwang ayos ng parigungusap o imbersyong ay ang isa pang
paraan ng pagbuo ng mga pangungusap na nasa anyong isteytment. Malimit daw itong ginagamit
upang makapagbigay ng impormasyon sa mga pormal na pagpapahayag partikular sa pagsulat ng
mga akademikong aklat, sa mga kumperensiya at mga diskusyong pansilid-aralan. (Sang-ayon
naman ako sa pahayag ni Resuma dahil mas gamitin nga ang karaniwang ayos ng
pangungusap.) Ganito ang di-karaniwang ayos ng pangungusap na nasa anyo ng isteytment sa
wikang Filipino:

Pangungusap = Paksa + ay (‘y) + Panaguri

Ang mundo ay bilog.

Isa pang anyo ng isteytment ang paggamit ng mga pangungusap na kapwa tiniyak (o
definite) ang panaguri at paksa. Parehong ginagamitan ng pananda ang dalawang bahagi ng

17
pangungusap dahil kapwa binibigyang diin o empasis ang panaguri at impormasyong sinasabi
tungkol sa paksa tulad ng pangungusap na “Ang lalaking iyan ang nakita ko kanina.”
Kabilang rin sa anyo ng isteytment ang paggamit ng mga pangungusap na walang tiyak
na paksang pinag-uusapan. Bukod sa mga uri nito na mababasa rin sa ibang aklat, idinagdag ni
Resuma ang isteytment na Mga Ka-Pandiwa na naghahayag ng katatapos na aksiyon o proseso
(o pangyayari) at karaniwan may kasunod na lamang/lang tulad ng “Kakakain lang.” Ang
Panawag na isteytment ay tinawag din niyang Bokatibo.
Sa paggamit ng mga negatibong ekspresyon bilang isteytment, maihahayag sa wikang
Filipino ang mga impormasyon at reaksiyong negatibo sa tulong ng mga salitang hindi/di,
huwag, wala, aywan/ewan, ayaw at ni...o, at iba pang salita. Kapansin-pansin ang naganap na
contraction transformation sa mga pangungusap na ito:

Wa(la) akong say.

Hindi/Di makapagsalita ang bata.

Pangit 'yan! (iyan)

Sana’y hindi ka na aalis.

Paki(alam) ko!

Tinalakay rin ni Resuma ang mga isteytment na naghahayag ng Positibong Ekspresyon sa


tulong ng mga apirmatibong salita tulad ng totoong/sadyang/tunay, walang
pasubaling/dudang/alinlangang, tiyak/siguradong at iba pa. Sa pagpapatunay o pagpapatotoo
naman sa narinig o nabasa, karaniwang sinasamahan ito ng ebidensiya gaya ng ganito:
“Totoong/Sadyang/Talagang/Tunay ngang mahirap ang buhay ngayon, gaya/tulad ng makikita
sa mga lugar ng mga iskwater.” Sa pagbibigay ng pagsang-ayon o pagpapatunay sa sinabi ng
kausap, karaniwang pinaiikli na lamang ang positibong sagot. Gaya nito:
Pahayag ng Kausap: Nakawiwili ang librong ito.

Mga Sagot: A, totoo iyan.


Talaga.
Sinabi mo.
Sa pagbibigay-diin sa positibong kahulugan, ipinakita ni Resuma ang papel ng ponolohikal
na komponent ng struktura ng pangungusap. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglakas o
pagtaas ng tinig, o kaya'y bahagyang pagbagal ng pagbigkas, na naghuhudyat ng pagbibigay-

18
empasis sa ekspresyong nagpapatotoo o nagpapatunay sa sinasabi. Sa mga ibinigay na
halimbawa, mapapansin ang diin sa mga salitang talaga at totoo.

O, talaga bang naligo ka na? Aba, talagang naligo na ako!


Hindi pala mahusay magsalita si Toto. Pero totoong magaling siyang magsulat ng kuwento.
Sang-ayon din ako sa pahayag ni Resuma na nagkakaroon ng pag-aalis/omisyon ng
impormasyon ang ilang isteytment. Katanggap-tanggap sa komunikasyon ang ganitong
gramatikal na konstruksiyon ano man ang yunit o elemento ng lingguwistika na nawala o “inalis”
dahil na rin sa hinihingi ng pagkakataon at nagkaintindihan ang mga nag-uusap. Halimbawa nito
ang maiikling pahayag na naririnig sa iba’t ibang gamit o layunin tulad ng:

Dali (ka)! (Um)alis (ka) na diyan.

(Nasu)sunog (ang bahay namin)!

Hoy (pumunta kayo rito)!


Isa pang anyo ng pangungusap ang Tanong. Maaari rin itong manghikayat ng reaksiyon ng
kausap tulad ng isang isteytment. Pinakanatural na reaksiyon arig pagsagot sa tanong sa tulong
ng mga hinihinging impormasyon. Pinatunayan ni Resuma na karaniwan na sa iba’t ibang uri ng
tanong ang gamit ng mga ponemang suprasegmental. Ang mga tanong na humihingi ng
limitadong sagot na oo o hindi ay karaniwang ginagamitan ng ba at maaaring tumaas o bumaba
ang intonasyon sa katapusan ng tanong tulad ng “Aalis ka na ba? Mahuhulaan naman ang
damdaming inihahayag ng mga tanong na nagsisimula sa mga interogatibong panghalip sa tulong
ng tono ng pagsasalita. Gaya ng mga sumusunod na nakadepende ang pagbigkas sa damdaming
nais ihayag ng tagapagsalita.

Bakit ka pa umuwi?

(Gabing-gabi na/Halos umaga na. Napagod ako sa kahihintay!)

(At) sino ka (para magtanong sa akin ng ganyan)?

(Parang kung sino ka, a!)

Malalaman din sa tono o intonasyon ang inihahayag na damdamin ng mga tanong na


masasagot ng mayroon, wala, oo, hindi-, ayaw ko/ ayoko, ewan/aywan, siguro/marahil at iba pa
na may tonong naiinis, naiinip, natutuwa, walang gana at iba pa tulad nito.

May tumawag ba sa akin (sa telepono) kagabi?

19
(Ba), ewan. (Malay ko).
Tinalakay rin ni Resuma ang gamit ng mga isteytment at tanong sa Pag-uulat Tinukoy niya
ang gamit sa pag-uulat ang mga gramatikal na konstruksiyon ng pangungusap. Sinabi niyang
makukuha lamang ng tagapakinig (o mambabasa) ang mga tamang impormasyon kapag mahusay
gumamit ng wika ang nag-uulat.Sa pasulat na komunikasyon, ginagamit sa pag-uulat ang panipi
para sa mga tuwirang pahayag, gayon din ang verbal o nominal na sugnay (o clause) para sa
di-tuwirang pahayag. Tulad nito:

Tuwirang pahayag: Wika /Winika/Sabi /Sinabi niya, “Dapat tayong magtulungan


lalo na’t naghihirap ang bayan."

Di-tuwirang pahayag: Winika/Sinabi niyang dapat tayong magtulungan


lalo na’t naghihirap ang bayan.
Sa halimbawang ito, tinatawag niyang “nag-uulat na sugnay” ang wika/ winika/sabi/sinabi
niya samantalang “iniuulat na sugnay” ang iba pang bahagi ng isteytment. (Di niya ginamit ang
katawagang sugnay na makapag-iisa at di-makapag-iisa.) Ang naililipat na posisyon ng nag-
uulat na sugnay ay isa pa ring patunay na may transformasyun na naganap tulad nito:

“Isasama kita,” (ang) pangako ni Nene, “kung magpapakabait ka.” (Gitna)

(Ang) pangako ni Nene, “Isasama kita kung magpapakabait ka.” (Unahan)

“Isasama kita kung magpapakabait ka,” (ang) pangako ni Nene. (Hulihan)

May linker o pang-angkop na na o -ng ang mga sugnay na nag-uulat at iniuulat sa di-
tuwirang pahayag gaya ng pangungusap na:
Sinabi niyang kailangan tayong magtulungan.
Ipinahayag ng matandang iyon na kailangang magtulungan ang lahat.
Maging sa paghatol o pagbibigay ng sariling opinyon ay ipinakita ni Resuma ang gamit ng
tono at intonasyon. Sa pagsang-ayon sa mga isteytment na naghahayag ng mga opinyong
“malupit o matindi,” makagagamit ng mga ekspresyong pinababa ang tono o hindi binibigkas
nang may matinding damdamin uparig hindi nia lumubha pa ang negatibong saloobin ng kausap.
Sinasabi ito sa malumanay o normal na tono tulad nito:
Nakakainip talagang magturo si Mr. Cruz! Oo nga/Mukha nga./Siyanga.
Palagay ko rin.
Pareho tayo ng iniisip.Totoo (iyan).
Sinabi mo!

20
Kapag naipahayag naman ito nang may matinding damdamin ng pagsang-ayon, binibigkas
ito sa mataas at madamdaming tono gaya nito:
Nakakainip talagang magturo si Mr. Cruz. Ay, talaga!

Totoo! Mag-aabsent na nga ako.

Sa paghahayag ng mga Degri ng Probabilidad o Posibilidad o “maaaring mangyari,


magagamit ang mga ekspresyong maaari, puwede, siguro, posible at marahil. Sinabi niya na
laging nauuna sa pandiwa ang maaari, puwede, at posible(+-ng) samantalang maaaring mahuli o
mauna sa pandiwa ang siguro at marahil. Tinawag niyang ekspresyon ng kakayahan at
posibilidad ang mga panlaping ma-, maka-, makapag- + dupl + su sa wikang Filipino tulad ng
pangungusap na “Masusundo rno ba kami bukas?”
Binanggit rin niya na sa pagpapakita ng "matibay na paninindigan” at “tigas ng kalooban”,
napapansin ang kasiguraduhan o katiyakan ng ekspresyon ng probabilidad sa verbal pasalitang
komunikasyon sa tulong ng pagtaas ng tono o paglakas ng boses. Gaya nito:

Dahil sa kalokohan ninyo, maaaring malugi ang ating negosyo!


(Tiyak na malulugi tayo!)
Pagpapahayag ng mga Emosyon at Saloobin
3. Pagpapahayag ng mga Emosyon at Saloobin
Nagbigay-diin sa aspektong interaksiyonal ng komunikasyon. Nakapokus sa kung paano
makokontrol ng wika ang aksiyon at saloobin ng enkoder upang magkaroon ng maayos at
epektibong komunikasyon. Ginamit dito ang mga konseptwal at lohikal na kahulugang
detalyadong tinalakay, pinalawak at binago- bago upang makaganap ng iba’t ibang gamit,
layunin, at tungkulin ng wikang Filipino. Sa tulong ng mga angkop na pangungusap, ilang
idyomang Filipino at intonasyon, naipaliwanag ang kahalagahan ng wasto at tamang
pagbibigay-kahulugan, pagpapahayag ng sariling emosyon sa pakikiusap, pagbabawal, pag-
uutos, pagmumungkahi, pagbati, pag-aanyaya, pagbabala, pagpapaalala at marami pang iba.
Maraming tinukoy si Resuma na paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa
wikang Filipino tulad paggamit ng padamdam na pangungusap na may natatanging gamit:
ang paghahayag ng matinding damdamin. Hindi lang daw ang bantas na pandamdam (!) ang
hudyat ng matinding damdamin, kundi pati na ang pananong (?) tulad ng “Ow?, Siyanga?, at
Talaga?
Sang-ayon din ako sa nabanggit niyang naihahayag ang gusto at ayaw sa paraang
pagpapahiwatig o hindi tuwirang inihahayag ang damdamin o gustong mangyari. Tulad nito:

Pahayag: Ma, ang ganda noon, a! Ma, bagay siguro sa akin iyon.’

Ipinahihiwatig na kahulugan: Ma, ibili mo ako

21
Ipinakita rin niya ang gamit ng mga konstruksiyong gramatikal tulad ng paggamit ng mga
padamdam na karaniwang binubuo ng pariralang nominal o adjectival tulad nito:

Ang ganda ng batang iyan! modifayer + ng/ni+N


Nakakapanggigil talaga si Nene! niya/mo
Ang likot ni Toto! nila, at iba pa.
Ginagamit din ang negatibong ekspresyon na binibigyang-diin kapag binibigkas,
kasama ang ano man, sino man, saan man, at iba pa tulad nito:

Wala kang maaasahang ano man sa akin.

Hindi matatalo ng sino man ang taong iyan.


Sa emotibong paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang layunin, magkasama ang mga
ekspresyong may konstruksiyong gramatikal at ang emotibo o pandamdaming empasis na
maaaring madama sa bawat ekspresyon. Sang-ayon ako sa binanggit niya sa aklat na ang
pagbabawal bagamat may negatibong implikasyon ay maaari pa ring nasa positibong pahayag
upang maiwasan ang negatibong reaksiyon. Basahin ang mga halimbawa:

Itapon lamang sa basurahan ang mga basura.

(Sa halip na “Huwag inagtapon rig basura kahit saan.”)

Mangyari lamang na iwasan ang masyadong pag-iingay.

(Sa halip na “Huwag kayong maingay diyan!”)


Ipinakita rin niya ang iba’t ibang pardon ng pag-uutos depende sa paraan ng pagsasalita kaya
may tonong tiyak na nagagalit o naiinis at malambing na tono. Nagagamit din ang
intonasyon sa pagbabala na may kasamang pananakot tulad nito: “Titigil ka ba o hindi?
Sasapakin na kita riyan, makita mo!”
Sa komunikasyon sa pakikipagkapwa upang makapagsimula at/o makapagpanatili ng
relasyong panlipunan o sosyal ang mga tao, may mga tinukoy na gawi si Resuma. Nabanggit
niya na ang pagtatanong ng “Saan ka pupunta?/Saan ang punta?” ay nangangahulugan sa
kulturang Pilipino, na hindi naman talaga interesado ang bumabati na malaman kung saan
pupunta ang binati. Ito ay kaswal na pagbati sa isang kakilala na masasagot ng impersonal na
“D’yan lang.” Dito pumapasok ang pilosopiya ng behaviourist. Naniniwala ako na nakagawian
na natin ito dahil nasa kultura nating mga Pilipino ang pagiging palabati.

22
Kapani-paniwala rin ang nabanggit niya sa aklat na may mga oral na pahayag na iisa ang
konstruksiyong gramatikal ngunit maaaring makaimpluwensya sa emosyon at saloobin ng
tagapakinig sa magkakaibang paraan dahil sa epekto ng tono at intonasyon gaya nito:

Bakit hindi ka sumama sa akin?


Maaari itong mangahulugang—
*isang ordinaryong tanong, faktuwal at walang tiyak na damdaming inihahayag;
*isang mungkaht, binibigkas sa paraang marahan;
*pagalit o naiihis:sa kausap dahil sa isang kadahilanan (matigas marahil ang ulo
ng kausap, o kaya’y naiinip na ang nagsasalita);
*sapilitang nag-uutos ng pagsama ng kausap;
*naglalambing, o nanghihikayat na sumama ang kausap.
4. Pagbuo ng konektadong diskurso
Naniniwala si Resuma sa malaking pangangailangan ng pagkakaroon ng mabisa at
makahulugang pag-unawa at paggamit ng wikang Filipino. Ang bahaging ito ang magpapalinaw
kung paano mapagsasama at mailalahad sa isang buong teksto ang mga tinalakay na kahulugan
sa tatlong naunang seksiyon. Itinuro ang pagbubuo ng diskurso: isarig set o kombinasyon ng
mga pangungusap may pagkakaugnay (o cohesion) at may kaisahan (o coherence). Binigyang-
diin sa bahaging ito ang mga hudyat ng pag-uugnay ng mga ideya, ang pagsusunod-sunod ng
mga impormasyon at pagbibigay empasis sa mga natatanging ideya sa isang teksto.
Sa pag-uugnay ng mga ideya sa diskurso, tinukoy niya ang paggamit ng mga salitang
nagsasama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na ideya o ang tinatawag sa Ingles na
cohesive devices at tinawag naman sa komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino na
pang-ugnay. Bukod sa paggamit ng mga pangatnig, tinukoy rin niya ang paggamit ng pang-
angkop o linker na -ng at na. Ginamit din niya ang substitusyon o pagpapalit ng mga bahagi
ng diskurso at pinaniniwalaan niyang napapadali ang pag-unawa sa mga koneksiyon o
kaugnayan ng mga kahulugan. Ang substitusyon sa wikang Filipino ay nagaganap sa
pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip bilang pamalit sa mga nominal, paggamit ng mga
panghalip na demonstratibo bilang pamalit sa buong parirala at sugnay, paggamit ng ilang
kuantifayer bilang pamalit sa mga pariralang pangngalan, at paggamit ng mga panghalip na
indefinite o hindi tiyak na bilang ang tinutukoy. Ginamit rin niya ang omisyon o pagtatanggal ng
ilang bahagi ng proposisyon upang mapaikli ang mensahe ng diskurso at mapadali ang pag-
unawa sa pagkakaugnay ng mga kahulugan na tinawag din niyang elipsis. Nangyayari ito sa
pagsagot sa mga interogatibong tanong at pagsagot sa tanong na masasagot ng oo, hindi, ewan,
siguro at iba pang maikling panagot sa tanong tulad nito:
“Saan ka pupunta?"
“Sa probinsya (ako pupunta). Sa Quezon (na siyang probinsya namin).
“O, nilinis mo na bang ang kotse(-ng sasakyang natin)?
“Oo. kanina (ko) pa (nilinis ang kotse). Pinakintab ko pa (nga.e).”

23
(Nasa loob ng panaklong ang inaalis o hindi na binabanggit pang bahagi ng proposisyon.)
Upang maunawaang mabuti ang kabuuang mensahe ng isang diskurso, binanggit ni Resuma
ang pangangailangan sa pagtukoy at paghahati ng mga indibidwal na bahagi ng
impormasyon. Sa pasulat na komunikasyon, ang indibidwal na bahagi ng impormasyon sa
bahagi ng diskurso ay pinaghihiwa-hiwalay ng mga bantas at yunit ng tono o yunit ng
intonasyon na may hinto (o juncture), panandalian man o matagalan sa pasalitang
komunikasyon. Nagmungkahi siya mga pangkalahatang gabay upang matukoy ang mga
indibidwal na bahagi ng impormasyon sa pasalita at pasulat na komunikasyon.
Sa maiikli at simpleng pangungusap o proposisyon, makagagamit ng isang yunit ng tono, tulad
nito:
Kakanta at sasayaw si Nora.//
Kapag nagsisimula ang proposisyon sa isang parirala o kaya sugnay na adverbial, mabibigyan ng
yunit ng tono ang elementong adverbial gaya nito:
Noong isang Linggo/ namasyal kami sa Luneta.//
Kapag nagtataglay ng isang restriktibong modifayer ang proposisyon, mabibigyan ng
kahiwalay na yunit ng tono ang modifayer tulad nito:
Si Nene/ na pinakamatalik na kaibigan ng ate ko/ ang napiling Miss Novaliches.//
Mabibigyan ng kahiwalay na yunit ng tono ang anumang panggitnang parirala o sugnay.
Halimbawa:
Iyan/ sa madaling salita/ ang dapat mong isaisip.//
Karaniwang may sariling yunit ng tono ang mga pantawag o bokatibo gaya nito: Roxanne/
halika rito.//
Mabibigyan ng kahiwalay na yunit ng tono ang isang sugnay na binubuo ng mahabang
pariralang pangngalan tulad nito:
Mga disiplinado at responsableng mamamayan/ ang kailangan ng bansa natin
ngayon.//
Kapag pinag-uugnay ang dalawa o higit pang sugnay, mabibigyan ng magkahiwalay na yunit ng
tono ang bawat isa gaya nito:
Nang bumagsak ang napakalakas na ulan/ biglang bumaha/ naging mahirap ang pagsakay/ at
maraming ginabi ng uwi.//
Binigyang-diin ni Resuma ang pag-aayos o pagsusunod-sunod ng mga elementong
gramatikal sa mga pangungusap na pinahaba o pinalawak upang makabuo ng mga makahulugang
diskurso. Sang-ayon ako sa sinabi ni Resuma na may “bagong kahulugang” hatid ang bawat
ingklitik sa batayang pangungusap tulad nito:
Dumating na pala si Noli. ( hindi inaasahan ang pagdating ni Noli ngayon)
Si Nena raw naman ang maglilinis. (ipinasasabing papalitan ni Nena
ang dating naglilinis)
Siya na muna pala lamang ang isasama ni Inay (sa ngayon, napag-alamang iisa

24
ang isasama ng nanay; mahuhulaang may iba pang isasama)
Mapapansing bahagi ng panaguri ang lahat ng ingklitik sa mga halimbawang pangungusap.
Kasunod ang mga ito ng mga pariralang pandiwa, pangngalan, panghalip, pang-uri at iba pa nasa
unahan ng mas mahahabang ingklitik ang maiikli o maliliit.
Ipinakita rin ni Resuma ang paggamit ng mga komplemento sa pagpapalawak ng
pangungusap upang magkaroon ito ng karagdagang kahulugan. Halimbawa, maaaring dagdagan
ng mga komplemento ang panaguri ng batayang pangungusap na “Namili ang nanay” tulad nito:
Namili ng isda ang nanay sa palengke para kay Ate Tess.
Sa pangungusap na ito, komplementong goal o layon ang “ng isda", komplementong
lokatibo o ganapan ang “sa palengke”, at komplementong benepisyari o tagatanggap ang “para
kay Ate Tess”.
Mahalaga raw ang tamang pagkakasunod ng mga komplemento para hindi maging katawa-
tawa ang pangungusap tulad nito:
Namili ang nanay ng isda sa palengke para kay Ate Tess. (Ang isda ba’y
may nanay?”)
Binigyang-diin din ni Resuma ang kahalagahan ng pagpopokus o pagbibigay ng tamang
emphasis sa bahagi ng pangungusap na dapat bigyang-diin. Kung sa pasalita raw ay naisasagawa
ito sa pamamagitan ng pagtaas o pagbaba ng tono o paglakas ng boses, naiiba raw sa pasulat na
komunikasyon. Ginagamit daw sa wikang Filipino ang iba’t ibang ayos o anyo ng pangungusap
tulad ng pangungusap na parehong tiniyak ang panaguri at paksa, kontrastibong imbersyon,
imbersyong empatik, at imbersyong hindi empatik,
Sa mga pasalitang komunikasyon, ay mahanaihahayag ang pagpopokus sa pamamagitan
ng mga ponemang suprasegmental. Maaaring tumaas o bahagyang lumakas ang boses kapag
nagpa-pahiwatig ng kontrast o tumbasan ang proposisyon. Tataas o lalakas ang boses ng isang
nagsasalita sa Filipino kapag ginamit niya ang anyong pasukdol ng isang modifayer tulad ng
pangungusap na “Ubod ng tamad nga ng batang iyan! Bibigkasin din sa mataas at malakas na
boses ang maiikling ekspresyong naghahayag ng damdamin at magagamit din ang lamang/lang
at din sa pagpopokus.
At sa pagpopokus ng impormasyon sa pagsulat ng diskurso, tama naman si Resuma nang
sinabi niyang hindi makagagamit ng intonasyon sa pagsulat ng mahahabang pangungusap o
isang talatang binubuo ng maraming pangungusap. Nakabatay ang pagtukoy ng mga
importariteng impormasyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga sugnay sa mahabang
pangungusap at sa isang talata at sa paggamit ng mga nasusulat o nakalimbag na hudyat ng
pagbibigay-diin tulad ng salungguhit, maiitim na titik, malalaking letra at italics. May punto
siya nang imungkahi niyang ilalagay sa unang bahagi ng proposisyon ang pinakaimportanteng
impormasyon o pangunahing ideya upang mabigyang-diin ang punto o kaya’y sa huling bahagi
ng proposisyon ang pinakaimportanteng impormasyon upang magtapos nang may bahagyang
climax ang proposisyon.

KONGKLUSYON
Sa pagbuo ni Resuma ng pedagohikal na gramatika ay maingat niyang isinaalang-alang ang
mga mahahalagang teoryang pangwika at pag-aaral na isinagawa ng mga ibang lingguwista.
Naging gabay niya ang konsepto ng Universal Grammar (UG). Nakita niya sa kanyang pagbubuo

25
ng gramatika na bagama’t may maraming pagkakatulad ang maraming wika sa Pilipinas, meron
pa ring pagkakaiba ang mga ito tulad ng hindi pag-uulit ng pantig sa Kabisayaan at di paggamit
ng tambalang pangngalan ng ibang lugar sa bansa.
Binigyang-diin niya ang kalikasan ng wikang Filipino bilang isang wikang pambansa.
Ipinakita niyang hindi lang mga dayuhang wika ang nakaimpluwensiya dito kundi maging ang
maraming katutubong wika sa Pilipinas tulad ng pagkakaroon ng parehong tunog o kombinasyon
ng mga tunog.
Kinakitaan ng impluwensiya ng Struktural Gramar at Transformasyunal Gramar ang
kanyang gramatika. Ipinakita niya ang mga pagbabagong maaaring maganap sa morpema,
pangungusap at diskurso dahil sa mga panlapi,parirala, kwantifayer, modifayer at iba pa.
Hindi naging purista ang wika ng gramatika. Gumamit siya ng mga terminong totoong
sinasalita, naririnig, at naiintindihan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Makakatulong ito upang
madaling maunawaan ng mga mag-aaral.
Sa paggamit ng komunikatibong modelo, napagaan ang sinasabing mahirap at nakababagot
na pag-aaral ng gramatika nang hindi isinasakripisyo ang akademikong gamit nito. Nakapokus
ito sa gramatikang ginagamit upang maging madali ang pag- unawa ng mga konsepto at magamit
nang wasto ang wikang Filipino sa mga pasalita at pasulat na Gawain sa pamamagitan ng mga
kasanayang pangkomunikasyon.

IMPLIKASYON NITO SA PAGTUTURO NG FILIPINO


Sa puntong pedagohikal, malaki ang implikasyon nito sa pagtuturo ng Filipino sa loob ng
klasrum. Magagamit ito para mamulat ang mga estudyante sa papel nila sa pagdevelop ng wika.
Daan din ito para maging interaktibo ang pag-aaral ng wika sa loob ng klasrum. Ngayo’y
hindi na guro lamang ang nagbabahagi ng kaalaman sa klase. Ang bawat isa ay makakapagbahagi
ng datos mula sa kanilang etnolingguwistiko, sosyal at okupasyonal na grupo o komunidad na
kinabibilangan nila. Magagamit na paraan o estratehiya ang student-centered at komunikatibong
lapit. Aktibo, hindi pasibong miyembro ng klase ang estudyante. Hindi lang siya tagatanggap
kundi tagapagbahagi rin ng kaalaman. Buhay ang loob ng klase at mabibigyang-halaga pa niya
ang sariling wika at kultura bilang bahagi at kaisa ng pambansang wika at kultural.
Makikita nila na bawat tao, grupo, komunidad, rehiyon, na gumagamit ng wikang pambansa
ay hindi iba/kakaiba/naiiba/kundi kasali/ kasama/kabilang/kabahagi. Magkakaroon din sila ng
kamalayang hindi pampubliko/pampribado, pamburgis o pang-cono/pangmasa ang isang
pambansang wika kundi pambansa, pang-atin, panlahat.

26
KAMALIAN
Ang mga kamalian sa wika ay hindi dapat ituring ng isang mag-aaral, ng isang guro at ng isang
mananaliksik na kahinaan ng mag-aaral manapa’y ituring itong paraan ng pagkatuto.
Ipinahayag ito ni Selinker (1972) na sinang-ayunan naman ni George (1972) na dapat
intindihin ng guro ang kamalian ng kaniyang mag-aaral sa paggamit ng wika.
Pinagkakaisahan ng maraming linggwista tulad nina Corder, Corbert, Dulay at Krashen,
Selinger at Hendrickson na dapat intindihin ng mga guro ang mga pagkakamaling nagagawa ng
mga mag-aaral na gumagamit ng isang pangalawang wika dahil ang pagkakamaling ito ay
normal sa hindi taal (non native speaker) na gumagamit ng wikang yaon. Sinabi nina Burt at
Kiparsky (1972) na ang mga mag-aaral ay hayaang magkamali at magpahayag gamit ang pinag-
aaralang wika upang magkaroon sila ng tiwala sa sarili sa paggamit nito.
Sa isang sarbey na isinagawa ni Walker (1973) sa 1200 mag-aaral sa unibersidad ng
banyagang wika ay inilahad nito na mas pinipili ng mga mag-aaral na huwag itala ang kanilang
pagkakamali pasulat man o pasalita. Lumalabas sa sarbey na nawawalan ng tiwala sa sarili ang
mga mag-aaral kung laging napupuna ang pagkakamali.
Idinagdag din ni George (1972) na nakakakain ng oras kung bawat pagkakamali ng mag-
aaral ay pagtutuunan ng pansin. Iminungkahi ni Lange (1977) na gawin ang pagwawasto ng
kamalian paminsan-minsan. Gawin lamang ito sa pagkakataong bibigyanna ng ulat ang mag-
aaral gaano na kalawak ang natutunan at gaano pa kadami ang dapat matutunan.
Para naman kay Streven (1978), ang pagkakaroon ng kamalian ay normal at di-maiiwasang
aspeto ng pagkatuto. Para sa kanya ang kamalian ay dapat tingnan bilang patunay na may
nagaganap na pagkatuto at hindi isang pagkukulang sa panig ng mga mag-aaral. Kailangang
matutunang tanggapin ng mga guro na ang kamalian sa paggamit ng pangalawang wika ay
natural at likas sa pagkatututo ng wikang ito.
Ganunpaman, hindi naman makabubuting hahayaan na lamang ang mga kamaliang ito dahil
kung hindi ito maiwawasto ay mananatiling kamalian ito sa paggamit ng pangalawang wika.
Ayon kay Richards (1974) na binanggit ni Cortez (2000), may tatlong kahalagahan ang
pagsusuri ng kamalian. Una, ang guro ay nabibigyan ng kaalaman kung ano ang dapat pang pag-
aralan ng mga mag-aaral. Pangalawa, ang mananaliksik ay nabibigyan ng katibayan kung paano
napag-aaralan o natututunan ang wika. Pangatlo, mahalagaang mga kamalian sa mismong mag-
aaral dahil ang pagkakaroon ng kamalian ay isang paraan upang matuto ang mga mag-aaral.
Bilang suporta nito sinabi ni Corder (1971) na ang kalikasan at kalidad ng mga kamalian ng
mag-aaral ay mahalagang pinagmumulan ng impormasyon tungkol sa kalikasan ng kaalaman
niya sa pinag-aaralang wika. Sa aklat pa rin ni Cortez (2000) ay binanggit ang pahayag ni Corder
(1974) na may mga praktikal na gamit ang kamalian.

27
Una, ang mga kamalian ay nagbibigay ng fidbak sa kabisaan ng teknik sa pagtuturo at
nailalahad kung anong bahagi ng sinusundang silabus ang di-gaanong napag-aralan o naituro.
Pangalawa, ang kamalian ay
nakatutulong sa pagpapasiya kung maaari nang tumungo sa susunod na
bahagi ng silabus. Ang mga kamalian kung ganun ay nakatutulong sa
pagtataya ng silabus at batayan sa pagsasama ng mga aytem na
idaragdag sa silabus.
Para kay Brown (1987), may mga kahinaan naman ang pagsusuri
ng mga kamalian. Una, labis na pagbibigay pansin sa mga kamalian ng
mag-aaral. Ang guro ng mga pangalawang wika ay maaaring nakapokus
lamang sa pagpansin sa mga kamalian at nakakaligtaan ang mga
wastong pahayag ng mag-aaral. Totoong ang pagkabawas sa kamalian
ay isang kriteryon para sa kahusayan ngunit ang pangunahing layunin ng
pag-aaral ng pangalawang wika ay upang makamit ang kahusayang
pangkomunikatibo. Pangalawa, labis na pagbibigay-diin sa mga datong
pamproduksyon. Ang wika ay sinasalita, pinakikinggan, sinusulat at
binabasa at ang pag-unawa sa wika ay singhalaga ng produksyon.
Ipinapakita ng mga mananaliksik na ang pagsusuri ng kamalian ay
nabigong bigyan-pansin ang pag-iwas o avoidance strategy na
karaniwang nakapokus sa tiyak na aspekto ng wika kaysa sa unibersal na
aspekto ng wika. Pagtuunan dapat ng pansin ng mananaliksik ang mga
salik panlinggwistika na karaniwan sa lahat ng wika. Ang sistemang
interlanguage ng mga mag-aaral ay maaaring nagtataglay ng mga
elementong hindi repleksyon ng una o pangalawang wika kundi unibersal
na anyo.
Sa pag-aaral ni Chaudron (1986) tungkol sa reaksyon ng mga guro
sa mga kamalian ng mga bata sa wikang Prances sa Canada na
binanggit ni Cortez (2000), ipinahayag niyang ang kamalian ay maaaring;
una, mga anyo o nilalamang panlinggwistikang naiiba sa mga tuntuning
panlinggwistika ng mga kabutubong tagapagsalita, pangalawa, ang mga
gawing panlinggwistikang sa pagkakaalam ng guro ay mga ponolohikal,
leksikal, morpolohikal, sintaks, diskorse at kamaliang pangnilalaman. Sa
kabuuan, binanggit niya ang mga suliraning kinakaharap ng mga
mananaliksik at guro sa pagkilala ng mga kamalian ng mga mag-aaral sa
pangalawang wika.
“The determination of errors is clearly a difficult
process that depends on the immediate context of the
utterance in question as well as on the understanding of the
content of the lesson so with the intent of the teacher or
student at times, the prior learning of students”.

Pinagmumulan ng Kamalian. Mula sa aklat ni Abisamra (2003),


pinamagatang “An Analysis of Errors in Arabic Speaker’s English
Writings”, kinilala ni Selinker (1972) ang limang pinagmumulan ng
kamalian. Ang mga ito ay ang paglilipat-wika (language transfer),
paglilipat ng pagsasanay (transfer training), mga istratehiya sa pagkatuto
ng pangalawang wika (strategies of second language learning),
istratehiya ng komunikasyon sa pangalawang wika (strategies of second
language communication) at labis na paghihinuha ng pangalawang wika
(overgeneralization of second language linguistic material).

28
Mula pa rin sa nasabing aklat ni Abisamra (2003), nagpahayag si
James (1998) ng tatlong pangunahing kategorya ng pinagmumulan ng
kamalian ng wika. Ang mga ito ay ang “interlingual”, “intralingual” at
“induced errors”.

Sa “interlingual”, sinabi ni James (1998) na nagkakaroon ng


pagkabalam sa pag-aaral kapag ang isang aytem o istruktura ng
pangalawang wika ay may pagkakaiba at pagkakahawig sa aytem o
istruktura ng unang wika ng mag-aaral. Dahil dito, nagkakaroon ng
pagkalito ang mag-aaral.

Sa “intralingual” ay nahahati sa dalawang kategorya: ang mga


pagkakamali habang pinag-aaralan ang wika (learning strategy-based
errors) at mga pagkakamali sa komunikasyon (communication strategy-
based errors). Sa learning strategy -based errors kasama ang maling
Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete
ng Philippine Military Academy / Bendalan, Nilda B. 2006
________________________________________

31
paghahambing, maling pagsusuri, hindi ganap na pagsunod ng tuntunin,
pag-uulit, hindi pagpansin sa mga limitasyon ng tuntunin, labis na
pagwawasto at labis na paghihinuha. Ang communication strategy-based
errors naman ay sumasaklaw sa mga kamalian sa pangkalahatang
istratehiya (holistic strategy), pagtataya, kamalian sa analitik na
istratehiya at maligoy na pagpapahayag.

Sa “Induced Errors” ang mga pagkakamali ay bunga ng mga iba


pang salik na hindi kasama sa nabanggit na dalawa katulad ng klasrum.
Kasama sa uring ito ang mga pagkakamaling dulot ng mga kagamitan
(material induced errors), mga pagsasanay (exercise-based errors),
pananalita ng guro (teacher-talk induced errors), pamamaraan ng
pagtuturo (errors enduced by pedagogical priorities) at iba pang maaaring
sanhi ng pagkakamali na wala sa nabanggit (look-up errors).

May pag-uuri si Brown (1987) sa mga pinagmumulan ng kamalian


na kahawig ng pag-uuring ginawa ni James; ang transfer of

interlanguage o impluwensya ng unang wika, interlingual transfer o


impluwensya ng pinag-aaralang wika, at konteksto ng pag-aaral.

Tumutukoy ang konteksto sa lugar, guro, silid-aralan, mga material o at


iba pang katulad nito na kalagayang sosyal ng pag-aaral.
Sa aklat nina Richards at Simpson, (1974) “The Study of Learner
English”, nagpalabas sila ng pitong pinagmumulan ng kamalian. Ito ay
ang mga sumusunod: paglilipat-wika (language transfer), impluwensya ng
intralingual (intralingual interference), kalagayang sosyolinggwistik
(sociolinguistic situation), kaparaanan ng pagkatuto ng wika (modality),
gulang (age), sistema ng akwisasyon (successions of approximate
systems) at unibersal na kahirapan (universal hierarchy of difficulty). Sa
intralingual errors ay nahati sa apat na kategorya (batay sa modelo ni

29
Richards, 1970): labis na paglalahat (overgeneralization), kasalatan ng
kaalaman sa tuntunin (ignorance of rule restrictions), di lubos na
paggamit ng tuntunin (incomplete application of rules) at kamalian sa
pagpapakahulugan (semantic errors).

ktwal at pagkamalikhain.

30

You might also like