Buod NG Uhaw Na Tigang Na Lupa Final

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan:__________________________ Oras:______________________

Barangay:_________________________ Numero:__________________

Buod ng Uhaw na Tigang na lupa


ni Liwayway Arceo

Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang
hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at
paminsan minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang
siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang
batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya,
ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-
iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang
labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga
mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.
Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang
dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina.
Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya
ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang
lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May
nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan
ng kanyang ama at tanggapan nito. 
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na
nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng
puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang
ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at
patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal
ay maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang
wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang
maysakit at nagkatitigan sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay
“Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”.Mariing kinagat ng
ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.Hinagkan ng ina ang
asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang
dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.
MGA TANONG: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano Uhaw sa tigang na lupa ay nangangahulugang?


A.Sabik na sabik na makita ang kanyang pamilya.
B. Anak na uhaw sa pagmamahal ng kanyang mga magulang.
C. Umiiyak dahil hindi niya mayakap ang kanyang ama.
D. Malungkot sa pagkawala ng kanyang ama.

2. Ang kasiglahan ay ang paglalarawan sa pananabik niya na magkaroon ng magandang


pamilya at magkaroon ng kapatid.
A. Panimula
B. Saglit na kasiglahan
C. Kasukdulan
D. Suliraning inihahanap ng lunas
3. Ano ang kasukdulan ng kwento?
A. Nung naglasing ang ama.
B. May nabasang liham ang ina at bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot.
C. Malungkot at umiiyak ang dalagita.
D. Nung nalaman niyang may ibang pamilya ang kanyang ama.

4. Sa bahaging ito ng kawilihan ng kwento makikita sa pangungulila ng anak sa pagmamahal


ng kanyang mga magulang.
A. Saglit na kasiglahan
B. Panimula
C. Tema
D. kasukdulan
5. Ano ang ginamit ng may akda na simbolismo?
A. Liham
B. Lengwahe
C. Larawan
D. Laruan
6. Paano ipinaramdam ng magulang ang pagmamahal sa kanyang anak?
A. Pinapalayas C. pinapagalitan
B. Pinagsasabihan D. wala sa nabanggit
7. Paano mo maipapakita sa iyong anak ang tamang pag-aruga?
A. Bigyan siya ng kalayaang mabuhay, oras at pagmamahal
B. Parusahan
C. Wag ipakita na may halaga siya bilang anak
D. Lahat ng nabanggit
8. Ipinapakita sa kuwento kung anong klaseng tao ang ama?
A. Lasingero C. mapagmahal
B. Sabungero D. mabisyo
9. Anong katangian ng ina ang inyong nakita?
A. Maalaga C. maingay
B. mabunganga D. walang trabaho
10. Anong katangian ng dalagita ang iyong mailalarawan sa kanya?
A. Masayahin C. malungkot
B. Parati ng galit D. maldita

You might also like