Fil 413 Aralin 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

ARALIN 1

INTRODUKSIYON SA PAG-AARAL NG LITERATURA

DEPINISYON NG PANITIKAN

Iba- iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa Panitikan.


May mga nagsasabing ang panitikan ay talaan ng buhay.
Ayon kay Arrogante (1983), talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito
naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng
kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
Ayon naman kina Salazar (1995:2), ang panitikan ay siyang lakas na
nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.
 Maaalalang nagsilbing titis sa mga Amerikanong may kulay ang pagkakabasa
nila sa Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe upang kanilang
ipakipaglaban ang kanilang pantay na karapatan sa mata ng batas at
katarungan na humantong sa kanilang tagumpay sa Digmaang Sibil sa
Amerika.

 Pinukaw naman ni Jean Jacques Russeau sa kanyang Social Contract ang


isipan ng mga Pranses. Sa pamamagitan ng akda ni Russeau, nabatid nilang
sila'y biniyayaan din ng Diyos ng karapatan at katarungan at natutunan nilang
iyo'y kanilang ipakipaglaban. Nang patuloy iyong ipagkait sa mga Pranses, ang
pakikipaglaban nila sa katarungan at karapatan ay humantong sa isang
himagsikan sa Pransya.

 Dito sa Pilipinas man ay makakatukoy ng napakaraming katibayan kung paano


pinakilos ng panitikan ang lipunan.

 Nagsilbing inspirasyon sa mga katipunero ang mga akda ni Rizal upang


maglunsad ng isang himagsikan laban sa mga Kastila.

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


 Ang mga mapanghimagsik na dulang itinanghal noong panahon ng mga
Amerikano ay ikinapiit ng mga may-akda niyon at lalong nagpagalit sa
maraming Pilipino.
 Sinikil ng dating Pangulong Marcos ang laya sa pamamahayag ngunit hindi niya
napigilan ang paglaganap ng mga akdang naglalarawan sa pagmamalabis ng
kanyang administrasyon.
 lyon ang isa sa maraming dahilan ng pagwawakas ng kanyang pamumuno
noong 1986 sa EDSA.

Ayon naman kay Webster (1947), ang panitikan ay katipunan ng mga akdang
nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong
anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.
 Kung ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat, maituturing na
panitikan ang mga tula, tugmaan, kasabihan, awit at iba pang pasalin-salin sa
bibig ng tao lalo na noong panahong bago dumating ang mga Kastila sa ating
kapuluan.
 Kailangang bigyang-diin na ang kahulugan ni webster ay modernong
pagpapakahulugan sa panitikan sa panahong ang tao ay marunong nang
sumulat at sa panahong ang panitikang pasalin-dila ay nasalin na sa anyong
pasulat.
 Kung tutuusin, maging ang palabuuan ng salitang panitikan na nagbibigay-diin
sa pasulat na katangian nito.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang ugat na titik, kung gayon,
naisatitik o nasusulat. Ngunit lahat ba ng nasusulat ay panitikan? Ang sagot naman
sa tanong na ito ay hindi. . Kung babalikan natin ang kahulugang ibinigay ni Webster,
matutukoy natin ang iba pang pangangailangan upang ang isang bagay na nasusulat
ay maituturing na panitikan—malikhaing pagpapahayag aestetikong anyo,
pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.
Ang Literatura o Panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin at kaisipan ng
tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at
pamahalaan.

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


Ito ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng
sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng
isang aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan, at dahil ito ay
nasusulat, natitiyak ang kawalang-maliw nito (Villafuerte, et al. 2000). Masasabi kung
gayon na ito ang nagsisilbing patnubay upang maintindihan ng mga tao ang
katotohanan sa mundo (Calixihan, ni Asaytuno, 2008).
Ayon naman kina Lorenzo et al. (2001), na ang Literaturang Filipino ang dahilan
kung bakit nagpapatuloy ang buhay sa sandaigdigan. Ang magagandang pangyayari
na nasasalamin dito ay nagsisilbing inspirasyon, nagpapadama ng damdamin,
kaisipan at mga karanasan ng mga mamamayang may kinalaman sa pagsulong ng
kabuhayan tungo sa kaunlaran at pagiging matatag ng isang bansa.
Sinabi naman nina Arrogante, et al. (2010), na ang bawat bansa ay may sari-
sariling kultura, may sari-sariling identidad na madaling pagkakilanlan ng bawat isa.
Kung natural lamang sa bawat isa ang pagkakaroon ng sariling wika, natural lamang
din na magkaroon ang bawat isa ng sariling panitikan, panitikang magsasalamin sa
tangi at tunay na sariling pagkatao, pagkalahi at pagkabansa.
Sinabi rin ni Lepp (ni Asaytuno 2008), na ang literatura ang nagsisilbing hugis
ng kamalayan ng tao, ng katuwaan at kagandahan upang malirip ang kahalagahan ng
mga karanasan na magbibigay direksyon sa pagtatamo ng tunay na kahulugan ng
buhay at pagkakakilala sa sarili. Ang mga ito ayon sa kanya ang naghuhubog ng
konsensya at pagkatao at nagpapanday ng abilidad upang baguhin ang anumang
estruktura ng lipunan na kanyang kinagisnan.

URI NG PANITIKAN
Ang panitikan, saan mang bahagi ng daigdig, ay maaaring mauri batay sa
paraan ng pagsasalin sa ibang henerasyon at batay sa anyo.
Batay sa paraan ng pagsasalin, ang panitikan ay maaaring pasalin-dila o
pasulat. Pasalin- dila ang panitikan kung ito ay naisalin sa ibang henerasyon sa
pamamagitan ng bibig ng tao. Ito ang paraan ng pagsasalin ng panitikan noong unang
panahon nang ang pagsulat ay hindi pa natututunan ng tao. Ang mga halimbawa nito
ay ang mga epiko, awiting bayan, alamat, kasabihan, salawikain, bugtong at maging

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


mga palaisipan na isinalin ng ating mga ninuno sa mga nakababatang henerasyon sa
pasalitang paraan.
Pasulat naman ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang
matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat. Kung gayon, ang mga dating panitikang
inaawit,ikinukwento, tinutula o binibigkas lamang ay naisatitik na. Lalong yumaman
ang panitikang pasulat nang maimbento ng tao ang imprenta dahil sa pagsasalimbag
at pagsasaaklat ng mga ito.
Sa dalawang anyo ng panitikang ito, higit na mahalaga ang panitikang pasulat
dahil higit na naingatan ang mga ito. Samantala, ang panitikang pasalin-dila ay
maaaring magbago, mag-iba o di kaya'y malimutan kalaunan. Ito ang dahilan kung
bakit pinagsusumikapan ng mga nagmamalasakit sa mga panitikan sa iba't ibang
rehiyon ng bansa na mailimbag ang mga yamang panitikan ng kani- kanilang mga
pangkat- etniko upang mapangalagaan ang mga iyon sa gitna ng lumalaganap na
kawalan ng interes ng mga kabataan sa mga katutubong panitikan.
Batay naman sa anyo, ang panitikan ay maaaring mauri bilang Tuluyan/Prosa
o Patula. Tuluyan ang isang panitikan kung ito'y nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap at sa patalatang paraan. Samantala, ang panitikang patula naman ay
yaong nasusulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may
sukat at tugmaan o dili kaya'y malayang taludturan na nangangahulugang walang
sukat at tugma .

2 URI NG PANITIKAN

1. PATULA = ang mga akdang nasusulat nang may sukat at tugma, binubuo ng
mga taludtod at saknong

2. TULUYAN= nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at patalatang


paraan.

Mga Uri ng Tula

A. TULANG PASALAYSAY – mga tulang nagsasalaysay na nasusulat nang patula.

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


1. Epiko – tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan, at
pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga
pangyayaring hindi kapani-paniwala.
Halimbawa:
 Biag ni Lam-ang (Iloco)
 Indarapatra at Sulayman (Muslim)
2. Awit at Korido – patulang salaysay na paawit kung basahin.
Halimbawa:
 Florante at Laura (Awit- may 12 pantig sa bawat taludtod)
 Ibong Adarna (Korido- may 8 pantig sa bawat taludtod; binibigkas sa
saliw ng martsa)

B. TULANG LIRIKO O PAAWIT

1. awiting-bayan/ Kantahin o awitin – maiikling tula na binibigkas nang may himig.


Nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng mga
tao kaya’t hindi na matukoy kung sino ang may-akda.

Tulang inaawit sa saliw ng lira, nagpapahayag ng damdamin ng sumulat. Hal. -


mga taludtod na may sukat at tugma na inilaan para awitin.

Halika na Neneng
Kata’y manampalok
Dalhin mo ‘yang buslo
Sisidlan ng hinog.
Pagdating sa dulo’y lumamba-lambayog
Halika na neneng, baka pa mahulog.

2. soneto – tulang may labing-apat (14) na taludtod hinggil sa damdamin


at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa.
Hal.

Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon

Soneto ni Gonzalo Flores


EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU
3. elehiya – tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang
minamahal.

Magawa pa kaya ng marangyang


tumba’t bantayog na buhay
Ang papagbalikin sa katawang lupa
ang hiningang nanaw?
Ang piping alabok kaya’y magising pa
sa tawag ng dangal?
Maaliw pa kaya ng puring matabil yaong
kamatayan? (Elegy ni Thomas Gray)

4. dalit – tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.


Hal. O Mariang sakdal dilag
Dalagang lubhang mapalad
Tanging pinili sa lahat
Ng Diyos Haring Mataas.

5. pastoral – tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa bukid.

Halimbawa:

Ako’y magsasakang bayani ng bukid


Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.

Ang kaibigan ko ay si Kalakian


Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at sa paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman .

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


6. oda – tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay

C. TULANG PADULA – itinatanghal sa dulaan at tanghalan.

1. Senakulo – isang dula patungkol sa buhay, pagpapasakit, kamatayan, at


muling pagkabuhay ni Kristo.
2. Panunuluyan – paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at San
Jose sa Herusalem at pagsisilang kay Hesus sa isang sabsaban

D. TULANG PATNIGAN - mga laro o paligsahang patula na noo’y isinasagawa sa


bakuran ng namatayan
Halimbawa:
 Karagatan- isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang
dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito
ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
Halimbawa:

Karagatang ito’y oo nga’t mababaw


Mahirap lusungin nang hindi maalam
Kaya kung sakaling ako’y masawi man
Kamay mong sasagip yaong hinihintay.

 Duplo- isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay

 Tibag- isang pagtatanghal tungkol sa paghahanap ng krus na pinagpakuan kay


Kristo na ginagampanan nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino.

 Panunuluyan o Pananapatan- Isang uri ito ng prusisyong ginaganap kung


bisperas ng Pasko. Ipinakikita sa dula ang paghahanap ng bahay na
matutuluyan ng Mahal na Birhen na magsisilang kay Hesus.

 Panubong- Isang dula na kung saan ay isang mahabang tula ang binibigkas
nang paawit. Ang panubong ay kasingkahulugan ng pamutong na ang
EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU
kahulugan ay lalagyan ng putong o koronang bulaklak ang dalagang may
kaarawan ng isang binata o manunubong.

 Cenakulo- dulang nagpapakita ng buong buhay ni Hesukristo. Ang usapan ng


mga tauhan ay patula.Ito ay itinatanghal sa panahon ng Semana Santa.

 Sarswela- isang dulang musikal o melodramang may tatlong yugto na ang


paksa ay tungkol sa pag-ibig, panibugho, paghihiganti atbp.

MGA ANYO NG TULA


A. PINAGKAUGALIAN- may magkakasimbilang na pantig bawat taludtod(sukat)
at may magkakatunog na huling pantig sa mga taludtod (tugma).

B. BLANGKO-BERSO-tulang may sukat ngunit walang tugma.Si Christopher


Marlowe ang ama ng tulang Blangko-berso.

C. MALAYANG TALUDTURAN-walang sukat at walang tugma

MGA URI NG AKDANG TULUYAN

 Nobela
Isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing ng pangyayari na
nagaganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan
at nahahati sa mga kabanata.
Uri ng Nobela
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas
na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga
pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng
pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng
pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at
pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng
ating buhay o sistema

(http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/uri-ng-nobela.html?m=1fayllar.org)

 Maikling Kwento
Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
Uri ng Maikling Kuwento
1. Pangkatauhan- kung ang binibigyang-diin ay ang katauhan o prsonalidad
ng pangunahing tauhan. Hal. Kuwento ni Mabuti ni Genoveva E. Matute.
2. Makabanghay –kung ang binibigyang-diin ay ang pagkakawing-kawing ng
mga pangyayari sa katha. Hal. Bahay na Bato ni B.L Rosales
3. Pangkapaligiran- kung ang kuwento ay nakatuon sa tagpuan at atmospera
ng akda. Hal. Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva E. Matute.
4. Pangkatutubong –kulay- kung akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang
panlabas at kakanyahang pampook ng isang lugar o komunidad. Ha.
Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda.
5. Pangkaisipan- kung ang binibigyan-diin sa katha ay ang kaisipan o ang
makabuluhang diwang taglay nito. Hal. Ang Pag-uwi ni Genoveva E.
Matute
6. Sikolohikal- kung ang akda ay nakatuon sa paraan ng pag-iisip ng
pangunahing tauhan. Hal. Dugo at Utak ni Cornelio Reyes

 Dula
Isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
Uri ng Dula
1. Komedya- kung ang paksa ay katawa-tawa

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


2. Trahedya- kung tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing tauhan at
karaniwang nagtatapos sa kanyang kamatayan.
3. Melodrama- kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at paghihirap
ng mga tauhan ngunit nagwawakas sa tagumpay.

 Alamat
Mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

 Pabula
Salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman, at maging bagay na
walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na mga tao.

 Parabula
Mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan.
 Anekdota
Maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mambabasa.
Maaari ring ito’y kasangkutan ng mga hayop o ng mga bata.
 Sanaysay
Isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng isang may-akda.
 Talambuhay
Kasaysayan ng buhay ng tao. Maaaring pansarili ang isang talambuhay kung
ang may-akda mismo ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay.
Uri ng Talambuhay
1. Talambuhay na Pansarili- kung ang sumulat o may-akda ng talambuhay
ay siya mismo
2. Talamabuhay na Paiba- kung ang sumulat ng talambuhay ay ibang tao o
may-akda
 Balita
Paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan.
 Talumpati

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


Isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay may
layuning humikayat, magbigay-impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad
ng opinyon o paniniwala o lumibang.

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:

I. Isulat sa patlang kung ang anyo ng sumusunod na uri ng literatura ay kuwentong


bayan, tula, talumpati, dula, maikling katha,sanaysay, kasabihan.

1. Ang Panday Kaputol na bakal na galing sa bundok, Sa dila ng apoy, kanyang


pinalambot; Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok At pinagkahugis sa nasa ng
loob. Walang ano-ano’y naging kagamitan, Araro na pala ang bakal na iyan; Ang mga
bukiri’y payapang binungkal, Nang magtaniman na’y masayang tinamnan.
Anyo:__________________________________
2. Leron Leron Sinta Leron, leron sinta, buko ng papaya Dala-dala’y buslo,
sisidlan ng bunga Pagdating sa dulo, nabali ang sanga Kapus kapalaran, humanap ng
iba. Halika na neneng, tayo’y manampalok Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo’y lalamba-lambayog Kumapit ka, Neneng, baka ka mahulog. Anyo:
_____________________________________
3. “Ang maitim ang gilagid ay kuripot” at “ang kulot ay salot” ay mga sabi-sabi.
“Ang nagtanim ng hangin bagyo ang aanihin” at ang “nasa Diyos ang awa nasa tao
ang gawa” ay ano? ________________________________
4. “Ang araw ng katwiran na sumisikat sa Silangan, ay malinaw na itinuturo sa
ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin, ang
liwanag niya’y tanglaw sa ating mga mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay
sa atin ng mga ganid na asal”. Anyo:________________________________
5. Kung kailan ko pinatay, saka humaba ang buhay, matangkad kung nakaupo,
mababa kung nakatayo.Anyo:________________________

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


II.Tuklasin natin kung kung gaano ka na kahusay. Piliin sa Hanay B. ang nagsabi ng
sumusunod na kahulugan ng literatura.

HANAY A HANAY B
____1. Ang literatura ang nagsisilbing hugis ng a. Arrogante, Jose
kamalayan ng tao, ng katuwaan at kagandahan
upang malirip ang kahalagahan ng mga karanasan
na magbibigay direksyon sa pagtatamo ng tunay na b. Santiago, Erlinda
kahulugan ng buhay at pagkakakilala sa sarili.
____2. Ang bawat bansa ay may sari-sariling c. Lepp
kultura, may sari-sariling identidad na madaling
pagkakilanlan ng bawat isa
____3. Ang Literatura ay pagpapahayag ng d. Villafuerte, Patrocinio
kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng
sangkatauhan na nasusulat sa masining o
malikhaing paraan
____4. Ang Literatura ang nagsisilbing patnubay e. Calixihan
upang maintindihan ng mga tao ang katotohanan sa
mundo
____5. Ang Literaturang Filipino ang dahilan kung f. Lorenzo, Carmelita
bakit nagpapatuloy ang buhay sa sandaigdigan

III . Tukuyin ang mga sumusunod.

1. Ang dalawang uri ng Literaturang Filipino ayon sa paraan ay ang:

a. _______________________________________________________
b. _______________________________________________________

2. Ayon sa anyo, ang literatura ay nahahati sa tatlong uri. Ito ay ang:


___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Ang anyong patula ay mauuri sa :

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

4. Ang mga halimbawa ng tuluyan ay:

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

IV. Sagutin ang sumusunod:

1. Ang anyo ng panitikan na _____________ ay nasusulat sa karaniwang takbo ng


pangungusap at sa patalatang paraan.
2. Ang panitikang _____________ ay nasusulat sa taludturan at saknungan.
3. Ang ____________ ay isang tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal
na Birhen.
4. Ang ____________ ay tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa
kabukiran.
5. Ang senakulo ay isang halimbawa ng tulang _____________.
6. Ang balagtasan ay isang halimbawa ng tulang _____________.
7. Ang ______________ ay paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa
iba’t ibang aspeto ng ating lipunan.
8. Ang ___________ ay isang pagpapahayag na binigkas sa harap ng mga
manonood.
9. Ang ___________ ay isang uri ng tulang nagsasalaysay ng kabayanihan,
katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan.
10. Ang ___________ ay isang salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop,
halaman, at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at
nagsasalita na wari ba’y mga tunay na tao.
11. Ang mga parabola ay mga kwentong hinango sa ___________.
12. Ang ______________ ay maiikling salaysaying may layuning umaliw o
magbigay-aral sa mga mambabasa.
13. Ang editoryal ay isang mahusay na halimbawa ng ___________.
14. Ang talambuhay na sinulat ng isang may-akda at tumatalakay sa kanyang
sariling buhay ay tinatawag na _____________.

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


15. Ang isang maikling kwento ay ___________ kung ito ay nakatuon sa paligid,
kaayusang panlabas at kakanyahang pampook ng isang lugar o komunidad.
16. Ang maikling kwento ay mauuring _________ kung ito ay nakatuon sa paraan
ng pag-iisip ng pangunahing tauhan.
17. Ang dula ay _____________ kung ang paksa nito ay katawa-tawa.
18. Ang dula ay _____________ kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at
paghihirap ng mga tauhan na humahantong sa kanilang tagumpay.
19. Ang _____________ ay isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga
bagay-bagay.
20. Ang nobela ng ____________ ay nakatuon sa katauhan o personalidad ng
pangunahing tauhan.
21. Binibigyang-diin sa nobela ng _____________ ang pagkakawing-kawing ng mga
pangyayari.
22. Ang tulang pandamdamin ay tinatawag ding _____________.
23. Ang soneto ay nagtataglay ng ____________ ng taludtod.
24. Ang ____________ ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng
isang minamahal.
25. Ang mga __________ ay maiikling tulang binibigkas nang may himig

V. Hanapin at bilugan ang 25 genre ng Literaturang Pilipino na matatagpuan sa


kahon.

M A I K L I N G K W E N T O M P
I L A A D F G H T Y U I A I O A
T A W I T I N G B A Y A N E R L
O M I W E K A R A G A T A N O A
U A T R T U D U L A K L G O M I
A T S D T R O V I A W S A Y O S
L A D G E I Y R T B M B D S R I
E R O Y P D A H A I K U R A O P
W G G T I O Y R T G H G T P S A
S A W I K A I N D B N T Y K D N
R B U L O N G T H K L O L P U D
A R T Y U G A L E B O N Y D G K
S A L A W I K A I N G G I N B M
K W E N T O N G B A Y A N S D R

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU

You might also like