Pagsasanay 2
Pagsasanay 2
Pagsasanay 2
Magtala ng isang panitikan ng region 2, maaring tula, awitin, maikling kwento, mga kasabihan o nobela.
Alamat ng Lakay-Lakay
Sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan ay may dalawang batong hawig ng babae at
lalaki. Tinawag nila itong Lakay-Lakay o matandang lalake at Baket-Baket o
matandang babae. Sa di kalayuan ay may maliit na batang babae o Ubing-Ubing.
Noong unang panahon,may mag-anak na naninirahan sa tabing-dagat. Sila’y nabubuhay
sa pangingisda. Sa tuwing maraming nahuhuling isda ang lalaki ay nag-aalay sa kanilang
Diyos bilang pasasalamat. Dinagtagal,namuhay sila nang maginhawa. Isangumagang
maraming nahuli ang lalaki ay nakasalubong niya ang matandang humihingi ng tulong
ngunit ito’y kaniyang pinagtabuyan. Kinahapunan humingi ng tulong ang pulubi at ang
babae ang nakaharap nito, siya’y pinagta buyan din. Kinaumagahan ang lalaki ay
nagtungo sa dagat upang mangisda. Maghapon siyang hinintay ng kaniyang asawangunit
gabi na ay wala pa rin ito. Maagang-maaga’y tinungo ng mag-ina ang
karagatan.Naghanap sila kung saan-saan ngunit sa di-kalayuan sa dagat ay may pigura
ng isangtaong yari sa bato. Nagmadali silang lapitan ito sa pamamagitan ng bangka.