Ikatlong Lagumang Pagsusulit
Ikatlong Lagumang Pagsusulit
Ikatlong Lagumang Pagsusulit
I. Maramihang Pagpili
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
2. Hangad ng Europeo na marating ang Moluccas dahil sa taglay nitong mga _________.
a. ginto b. seda c. pampalasa d. alipin
5. Aling kontinente ang unang nilakbay ng mga Europeo noong taong 1400 CE?
a. Africa b. Asia c. America d. Australia
12. Nang mabuksan ni Vasco de Gama ang ruta ng kalakalan sa Silangan, napagtagumpayan
ng mga Portuges na putulin ang dating ruta ng pangkalakalan sa Silangan ng
Mediterranean Sea at Kanlurang Asya sa pagitan ng mga Italyano at Muslim. Ngunit ang
pangyayaring ito ay _________________.
a. Nagpasimula ng mahigit na pag-aagawan ng mga bansang Europeo sa
pagpapatayo ng himpilang pangkalakalan sa Asya
b. Nagpasimula ng pagsakop ng mga Europeo sa mga bansa sa Asya
c. Nagpasimula ng kalakalang Europeo at Asyano
d. Nagpasimula ng mahigpit na labanan sa pagitan ng mga Europeo at Asyano
18. Ang spinning jenny, water frame, at spinning mule ay pawang ______________.
a. nagpaunlad ng paraan ng paghabi ng tela
b. nagdagdag sa dami ng sinulid na nagagawa
c. nagbawas sa presyo ng mga makina
d. nagdagdag sa presyo ng telang bulak
19. Inatake ni Luther ang __________________.
a. pagbebenta ng indulhensiya
b. paggawad ng indulhensiya
c. paghahabol para sa indulhensiya
d. pagputol sa karapatan sa indulhensiya
20. Kapag ang isang tao ay naakusahan ng pagiging erehe, siya ay pinaniniwalaang
_________________.
a. nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa Simbahan
b. humihiwalay na sa Simbahan
c. tumatanggap ng mga aral ng ibang relihiyon
d. nagtatatwa ng katotohanan ng mga paniniwala ng Simbahan
24. Ang mga siyentista noong ika-16 at ika-17 dantaon ay nagpaunlad ng mga paraan ng
pangangatwiran na gumamit ng _________.
a. pagtatanong
b. pag-uusap
c. pag-aaral na experiential o pagsasagawa ng aktuwal na pagbibigay ng pamana
d. wala sa nabanggit
25. Nang lumaganap ang balita s akampo ng mga Sepoy na ang karutso o ang bunganga ng
ripple ng kanilang gamit ay sinelyuhan ng taba ng baka at baboy, ito ay ikinagalit ng mga
Sepoy na itinuring na sagrado ang baka, at ng mga Sepoy na Muslim ay hindi kumakain
ng baboy. Ang pangyayaring ito ay ____________.
a. Nagbunsod ng pag-aalsa na nagsimula sa mga Sepoy
b. Nagbunsod ng pag-aalsa na pinasimulan ng mga Hindu
c. Nagbunsod ng pag-aalsa na pinasimulan ng mga Muslim
d. Nagbunsod ng pagsapi ng ibang Briton sa mga Sepoy laban sa pamahalaan ng
Britain
28. Ang malaking pagbabago sa kabuhayan noong ika-16 na siglo dahil sa pagbangon sa
kapangyarihan ng Europe na nagpasikat sa isang doktrinang merkantilismo ay ang
_____________.
a. malawakang paggamit ng salaping ginto at pilak
b. paramihin ang mga sandatang nukleyar
c. pag-alab ng damdaming nasyonalismo
d. pagsakop sa mga mahihinang bansa
31. Alin sa mga sumusunod ang salik sa paglakas ng mga hari sa Europe?
a. Ang malawakang paggamit ng salapi ay nagpalakas sa kapangyarihan ng hari.
b. Ang ekonomiya ang isang dahilan sa paglakas ng mga hari.
c. Ang pagtatampok sa Kristiyanismo ay nagpalakas sa kapangyarihan ng mga hari.
d. Naging daan ang krusada upang lumakas ang kapanyarihan ng mga hari.
43. Ilan sa mga obra maestro niya ay ang “The Last Supper” at “Mona Lisa”.
a. Thomas More c. Leonardo De Vinci
b. Desiderus Erasmus d. William Shakespeare