Ikalawang Lagumang Pagsusulit
Ikalawang Lagumang Pagsusulit
Ikalawang Lagumang Pagsusulit
I. Maramihang Pagpili
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
13. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa isla ng Crete. Alin sa mga pahayag ang
nagpapakita ng ugnayang heograpikal sa pag-unlad ng kanilang kabihasnan?
a. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong lupa ng Crete bilang pananggalang sa
mga mananakop.
b. Naging daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at Asia ang isla ng
Crete.
c. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito
sa Europe.
d. Naimpluwensyahan ng mga sinaunang kabihasnang Africa ang kabihasnang Minoan.
14. Ano ang gagawin ng mga sundalong Spartan sa mga bagong silang na sanggol na may
malulusog na pangangatawan?
a. itatapon sa gilid ng bundok at hahayaang mamatay
b. ihuhulog sa dagat
15. Anong taong gulang sisimulang sanayin ang mga batang Spartan sa serbisyo-militar?
a. 7 b. 8 c. 9 d. 10
16. Ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng ________ sa Athens, kung saan
nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang
pamahalaan.
a. demokrasya b. ologarkiya c. diktadurya d. oligarkiya
18. Sa pamumuno ni Darius I, unang nagkasagupa ang pwersa ng Persia at pwersa ng Athens
sa labanan sa _____________.
a. Melitus b. Thermopylae c. Marathon d. Salamis
29. Ang __________ ay isang gobyerno kung saan ang mga mamamayan ay may karapatang
bumoto at maghalal ng mga opisyal.
a. republika b. patrician c. A at B d. wala sa nabanggit
30. “Our Constitution is called a democracy because power is in the hands not of a minority
but of the whole people. When it is a question of settling private disputes everyone is
equal before the law…” Ano ang mensahe ng pahayag?
a. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya.
b. Ang kaunlaran ng bansa ay nakasalalay sa kagustuhan ng mayorya.
c. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang
demokrasya.
d. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin sa pamahalaan.
32. Ang taguri na “The Glory that was Greece” ay nangangahulugang ____________.
a. nakalinang ito ng mataas na kultura
b. tinalo nila ang Persia
c. nanahan sa Olympus ang kanilang sinasambang Diyos
d. marami silang nagawang palamuti at disenyo
33. Sa bayan ng Gordium, sinubukan ni Alexander the Great na tanggalin ang Gordian Knot.
Subalit siya ay nainip sa pagtanggal ng pagkakabuhol kung kaya’t ginamitan niya ito ng
espada at nasira ang buhol. Ipinahihiwatig nito na ___________.
a. madali ang paglutas ng mga suliranin
b. maging agresibo at marahas sa paglutas ng suliranin
c. maging mapagmasid sa lugar ng labanan
d. kailangang sumuway sa batas para makaalis sa suliranin
34. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t-ibang lungsod estado na ang bawat isa ay
malaya at may sariling pamahalaan. Bakit hiwa-hiwalay ang mga lungsod estado?
a. Iba-iba ang pinagmulan ng mga unang mamamayan ng Greece.
b. Ang Grece ay nasa timog na bahagi ng Balkan Peninsula sa silangan ng
Europe na isang mabundok na lupain.
c. Mahaba at maganda ang daungan ng Greece kaya maraming mangangalakal
sa bawat lungsod estado ay makikita rito.
d. Iba’t-iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t-iba nag kabihasnang
umusbong dito.
36. Ang sumusunod ay salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano. Alin ang hindi
maituturing na kabilang?
a. Kakulangan sa matapat at may kakayahang pinuno
b. Paglubha ng krisis pangkabuhayan
c. Paghina at korupsiyon sa hukbong Romano
d. Mabilis na paglaki ng populasyong Romano
37. Sumasamba ang mga Aztec sa kalikasan. Ang Diyos na araw-araw ay tinawag nilang
___________.
a. Tlatoc b. Huitzilopochtli c. Quetzalcoatl d. Huaca
41. Ang nakilala bilang masisipag na panday at negosyante na nagmula sa Ghana ay ang mga
___________.
a. Kush b. Maya c. Inca d. Soninke
42. Ito ang sentro para sa mga caravan na tumatawid sa Sahara. Sentro rin ito ng edukasyon
at kalakalan sa Ghana. Ito ay ang pangunahing lungsod ng __________.
a. Djenne b. Kumbi c. Kush d. Timbuktu
43. Isang kumplikadong kabihasnan ang binuo ng mga Maya. Alin sa mga sumusunod ang
hindi sumusuporta sa pahayag?
a. Nabuo ang sistema ng panulat at kalendaryo.
b. Nahubog ang kultura sa may kabundukan ng Andes.
c. May ilang lungsod ang naging sentro ng kaalaman.
d. Pinamunuan ng pari ang lungsod-estado.
45. Sa kabihasnang Maya, sentro ang isang piramide na ang itaas na bahagi ay dambana para
sa Diyos. Ano ang mensahe nito?
a. Ang kabihasnang Maya ay binubuo ng iba’t-ibang lungsod-estado.
b. Maayos ang lipunan ng kabihasnang Maya.
50. Labis na naapektuhan ng krusada ang Europe. Isa sa nagging epekto nito ay
___________________.
a. pagsigla ng kalakalan
b. mas maraming kolonya para sa Europe
c. pagpapalakas sa Katolikong pananampalataya
d. pinasikat ang mga hari sa kanilang pagsali sa krusada
II. Pagtutukoy
Panuto: Punan ang patlang ng tamang kasagutan.
51. Ang kinilalang Santo Papa ay si ______________.
52. Ang kalipunan na kumikilala sa posisyon ng Papa bilang pinakamataas sa estadong Papal
ay ang __________________.
53. Kpangyarihan nila ang maghalal ng Papa. Ito ay ang ________________.
54. Ang kalipunan ng batas tungkol sa mga aral ng Kristiyanismo ay ang
________________.
55. Ang pag-aalis sa mga karapatan at pribilehiyo sa isang kasapi ng Simbahan ay tinawag na
________________.
56. Ang karapatan ng mga hari na pumili ng mga Obispo ng Simbahan ay ang
________________.
57. Ang emperador na sumuway sa kagustuhan ni Papa Gregory VII ay si
________________.
58. Ang Papa na nagpahayag na ang Santo Papa ang pinakamataas sa lahat ng pinuno sa
Europe ay si ________________.
59. Ang hari na pinarusahan dahil sa pagsuway kay Papa Innocent III ay si ______________.
60. Ang misyonaryo na nangtungo sa Ireland upang mapanumbalik ang mga Celtic ay si
________________.