AP 8 Q3 1ST Distribution 1
AP 8 Q3 1ST Distribution 1
AP 8 Q3 1ST Distribution 1
ARALING PANLIPUNAN 8
Ikatlong Markahan
Modyul 1: Paglakas ng Europe
Modyul 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe
1
Modyul 1: Paglakas ng Europe
Aralin Pag-usbong ng Bourgeoisie,
1 Merkantilismo, National Monarchy
Alamin
Sa kalagayang panlipunan ng Pilipinas, pinaniniwalaan na ang may pinakamaliit na
bilang na porsyento ng populasyon ay ang mga mayayaman na siyang nagmamay-ari ng
malaking lupain at kumpanya. Samantala, ang masa naman ang siyang halos bumubuo sa
kabuuang populasyon na kadalasang unaasa sa mga programang inilunsad ng
pamahalaan. Ngunit huwag nating kaligtaan na sa ating lipunan ay mayroong ding
tinatawag na middle class o mga propesyunal sa iba’t ibang larangan. Sa kasalukuyan ang
mga middle class na ito ay kilala bilang mga propesyunal na guro, doktor, inhinyero,
abugado at iba pa. Sino naman kaya sa naging kasaysayan ang mga middle class o
bourgeoisie sa Europa? Sila ba ay propesyunal o mangangalakal? Masasagot sa modyul na
ito ang katanungang iyan.
2
Suriin
PAG-USBONG NG BOURGEOISIE
Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa
medieval france na binubuo ng mga artisano at mangangalakal. Ang mga artisano ay ang
mga mangagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may
partikular na gamit o pandekorasyon lamang. Sa uring panlipunan, mas mataas sa kanila
ang mga landlord o panginoong maylupa. Ang terminong bourgeoisie ay ginamit upang
tukuyin ang gitnang uri ng France at ng iba pa pang mga bansa sa Europe.
Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang
bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker (nagmamay-ari o
namamahala ng bangko), mga shipowner (nagmamay-ari ng barko), mga pangunahing
mamumuhunan at mga negosyante.
Sa ika-17 at ika-18 siglo, sinuportahan ng bourgeoisie ang mga prinsipyo ng
konstitusyonalidad at likas na karapatan (natural right) laban sa banal na karapatan
(divine right). Ang likas na karapatan ay unibersal na karapatan gaya ng karapatang
mabuhay ng may kalayaan. Ang banal na karapatan ay nagtatakda na ang hari ay hindi
napapasailalim sa anumang kapangyarihan dahil ang kapangyarihan niya ay nanggagaling
sa diyos. Samantala, ang konstitusyonalidad ay isang kondisyon kung saan ang isang
tao, grupo ng tao o bansa ay kumikilos batay sa isinasaad ng konstitusyon o saligang
batas. Ang liberalismo ay paniniwalang nag-ugat sa Europe na binibigyang-diin ang
karapatan ng indibidwal.
PAG-IRAL NG MERKANTILISMO
Ang Merkatilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ang politikal.
Ang mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang
hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kanyang hukbo, at magkaroon ng
pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig. Ang doktrina ng bullionism
ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang
bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito.
Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga
nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang
tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Kaakibat ng merkantilismo
ang konsepto ng paternalismo. Isa itong sistema ng pamamahala kung saan ang
pamahalaan ay namamahala naq parang ama sa kanyang mamamayan.
Epekto ng Merkantilismo
Yumaman ang Spain dahil sa kolonya nito sa Central at South America. Humantong
sa labanan sa dagat Dinagdagan ang mga produktong galing sa ibang bansa at itinataas
din ang butaw. Umunlad ang komersyo sa France dahil ipinatupad ni Jean Baptiste
Colbert ang merkantilismo. Pinahintulutan ni Queen Elizabeth I ang East India Company
na palaganapin ang komersyo sa Asya at kalapit-bansa sa Silangan.
Ipinairal ang mga batas tulad ng Navigation Acts upang madagdagan ang salapi at
kapangyarihan ng bansa. Nililimitahan ng batas na ito ang pagbibili ng askul at tabako sa
England lamang. Mapupunta ang tubo nito sa mga mangangalakala na Ingles lamang.
3
Tuklasin
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
Malaki ang naitulong sa pagtatatag ng national monarchy o pambansang monarkiya
sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang
sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang hari ay itinuturing
lamang na pangunahing panginoong maylupa.
Subalit nagbago ang katayuan ng monarkiya sa tulong na mga bourgeoisie. Ang hari
na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag. Bilang resulta, ang
katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan
na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa
proteksiyong ito.
Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang mag-bayad ng mga
sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga
knight ng panginoong maylupa.
4
Aralin Pag-usbong ng Renaissance at
2 Simbahang Katoliko, Repormasyon
at Kontra-Repormasyon
Alamin
Gawain 1: Choose me right. Piliin sa loob ng kahon ang Pangalan na ipinapakita sa
larawan.
Galileo Galilei Johannes Kepler Mona Lisa
1. 4.
2.
5.
3.
5
Tuklasin
Gawain 2: Word Hunt. Maghanap ng mga salitang nasa loob ng puzzle box. Ito ay merong
limang (5) salita na nauugnay sa ating bagong paksa.
A N A B I A B A B A K
C B P U T Y H Y P U I
G D A M T T J T I N T
R E N A I S S A N C E
K V I N F I L K T T A
Z C T I V N R X A K L
X K I S C I U D S A I
D E K T Z N T G A S W
R I A A A G H A M A A
F O N F E K M Z O L N
Suriin
Ano ang Renaissance?
Isang salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “rebirth o revival” o muling pagsilang,
muling pag-usbong, muling pagkabuhay. Ang Renaissance ay tumutukoy sa panahon ng
kasaysyan mula 1350 hanggang 1600 AD na ang pangunahing katangian ay ang muling
pagkapukaw ng interes sa mga klasikal na kultura ng Greece at Rome.
Pag-usbong ng Renaissance
Dahil sa pag-unlad sa agrkultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at
pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon as Europe noong Middle Ages.
Humantiong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mamamayan
na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Noong ika-11 hanggang ika-12 na siglo,
umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa
mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua,
Bologna at Genoa. Ang yaman at industriya. Sa katunayan, kung nangangailangn ng pera
ang Papa, hari, o panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga mangngalakal at banker
ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya
ng mangangalakaw at banker.
6
William Shakespeare- Desiderius Erasmus-
Ang “Makata ng mga Ang “Prinsipe ng mga
Makata” Humanista”
Miguel de Cervantes-
Niccolò Machiavelli- Ang Mayakda ng
Ang Mayakda ng “The nobelang “Don
Prince” Quixote de la Mancha”
Sa Larangan ng Pinta
Leonardo da
Vinci – isang
pintor, arkitekto,
iskultor, inhinyero,
imbentor,
siyentista,
musikero, at
The Last Supper- Hindi malilimutang obra
pilosoper
maestra ni Leonardo da Vinci
Raffaello Santi or
Sanzio da Urbino-
kilala bilang “Ganap
La Belle
na Pintor’’,
Jardinière (1507)
“Perpektong Pintor”
7
Sa Larangan ng Agham
Nicolaus Copernicus-
inilahad ang teoryang
Heliocentric: “Ang pag-
ikot ng daigdig sa aksis
nito, kasabay ng ibang
planeta at umiikot din
ito sa paligid ng araw.”
Ang Repormasyon
Ang repormasyon ay kilusang ibinunsod ang malaking pagbabago ng tao tungkol sa
relihiyon. Naglalayon itong baguhin ang pamamalakad sa simbahan.Dito nagsimula ang
paghihiwalay ng mga Protestante sa Simbahang KatolikoTomano, sinimulan nila an
pagbabago sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang kanilang doktrina.
Kontre-repormasyon
Bago nagsimula ang Repormasyong Pretestante, nagsikap ang mga pinunong
Katoliko na maituwod ang mga maling pamamaraan ng Simbahan. Si Papa Gregpry VII
(1037- 1085), na lalolng kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand, ang nagpasimuno ng
tatlong pagbabago sa Simbahan.
1. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at
nang mailaan ang buong sarli sa paglilingkod sa Diyos.
2. Pag-aalis ng simony.
3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa
simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno.
Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang malakas na kilusan ang sinimulan ng
mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko. Tinawag ang kilusang ito
na Catholic Reformation o Counter Reformation.Isinagawa ito ng Konseho ng Trent,
Inquisition at ng mga Samahan ng mga Heswita (Society of Jesus).
9
Sa kadahilanang maraming mga turo ng SImbahang Katolko na iba sa aral ni Kristo,
at iba pang pagmamalabis ng mga par, marami ang humiwalay s SImbahang
KAtoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng Calvanism, Lutheranism,
Methodist, Angelican, Presbyterian, at iba;
Gumawa ng aksyion ang Simabhang Katoliko hinggil sa mga suliraning pangrelihiyon
na kanilang hinarap upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga
tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang KAtoliko. Ang ilan sa mga
repormang kanilang ginawa ay ang pagpapawalang bisa ng seremonya na tumutukoy
sa pagebebenta at pagbibili ng opisyo ng Simbahan at ang pagbabawal sa
pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno sa Simbahan;
Ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europe (Katoliko at
Protestante) ay nagbunga sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon at;
Ang pagpapanumbali ng katuruang espirituwal sa Kristiyanismo, ang pagpalaganap
ng Bibliya, at ang doktrina ng kaligtasan base sa Bibliya. Isinasaad ditto na ang
kaligtasan ay makakamit hindi sa pagsapi sa Simbahan kundi sa pagtanggap at
pagtitiwala kay Kristo.
Buod
Ang mga Europeo ay may malalaking paniniwala na ang ginto at pilak ay
makakatulong para sa kanilang adhikain maging makapangyarihan at maunlad. Ang
merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europa na
naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at
kapangyarihan ng bansa. Ang pera o salapi ay higit na naging mahalaga bilang
pinagkukunan ng kapangyarihan sa panahong iyon kaysa sa lupa.
Ang mga bansang sumunod sa sistemang merkantilismo ay higit na marami ang
iniluwas na produkto kaysa sa inangkat na produkto mula sa mga kolonya ng bansa.
Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang hari ang nagsilbing
pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal. Malaki ang
ginampanan ng salapi sa pag-unlad ng monarkiyang nasyonal sapagkat ang mga
mamamayan ay nagkaroon ng pagkakataon na bilhin ang kanilang kalayaan mula sa
kanilang panginoong maylupa.
Sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal nabago ang pamumuhay ng mga kanluranin
sa gawaing pang-ekonomiya sapagkat ang kabuhayan ay hindi lamang nakatuon sa lupa
kundi higit na naging malawak at aktibo na kinabibilangan ng iba’t ibang pangkat sa
lipunan.
Pagtatasa: (Post-Test)
Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito,
sagutin ang panimulang pagtataya. Isulay ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.
Bigyan pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang
nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito.
1. Ano ang tawag nga mga mamamayan sa medieval France na binubuo ng artisan at
mangangalakal?
a. Merkaantilismo c. Knights
b. Panginoon maylupa d. Bourgeoisie
10
2. Ang bourgeoisie ay mamamayan ng anong bayan?
a. Bayan sa England c. Bayan sa Medieval france
b. Bayan sa Spain d. Bayan sa US
9. Ano ang uri ng pamahalaan sa kanlurang europe na kung saan ito ay nasa
pamumuno ng hari?
a. Awtoritarismo c. Aristokrasya
b. National Monarchy d. Oligarya
10. Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang emperador ang namamahala sa
kapangyarihan bilang pinuno ng estado at pinuno ng pamahalaan ang kanyang
kapangyarihan ay hindi limitado sa pamamagitan ng saligang batas o batas.
a. Ganap na monarkiya c. Legal na monarkiya
b. Limitadong monarkiya d. Buo na monarkiya
11. Marami ang bahaging ginampanan ng hari sa bansa, alin dito ang hindi kasali?
a. Lumakas ang kapangyarihan ng hari
b. Napalawak ang mga teritoryo
c. Nagtatag ng sentralisadong Pamahalaan
d. Nagpabaya sa mga sundalo
11
12. Ano ang tawag sa mga Katolikong tumiwalag mula sa Simbahang Katoliko sa
Rome?
a. Knights c. Orthodox
b. Genisis d. Protestante
12
Modyul 2: Paglakas ng Europe
Yugto sa Kasaysayan ng Europa:
Panahon ng Pagtuklas at
Paglalakbay
Alamin
Matapos mong matalakay ang mga salik sa anging paglaka ng Europe, Renaissance
at Repormasyon, bibigyan diin naman sa araling ito ang naging paglawak ng
kapangyarihan ng Europe. Nais mo bang malamn kung paano ito nangyari? Gayundin
kung paano nakatulong ang paglawak ng kapanyarihan ng Europe sa transpormasyon ng
daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan? Marahil handa kana para sa mga
Gawain sa araling ito. Simulan mo na.
Tuklasin
Gawain 1: Word Hunt! Maghanap ng mga salita na nasa loob ng puzzle box at bilugan ito.
L C O M P A S S X Y D
I G K E U R O P E O E
V I C T O R I A H Z F
C H L O R S P I C E S
D I M P S P U N T A G
E E N G L A N D U B H
L I N E T I V W D C I
F E R D I N A N D V J
Suriin
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Noong ika-15 siglo nagsimula ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap
ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo.Ang eksplorasyon ay nagbibigay daan
sa KOLONYALISMO ito ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa.
13
Noong ika-15-17 siglo nagsimula ang unang yugto ng imperyalismo.Ito ay maaaring
tuwiran o di-tuwirang pananakop. Imperyalismo ay ang paghihimasok, pag-iimpluwensiya,
o pagkontrol ng isang bansa sa isang mahinang bansa.
Hindi n asana maisasakatuparan ang paglalakbay ng Europeo sa malalawak na
karagatan noong ika-15 siglo kung hindi dahil sa ilang salik tulad ng mausisa na dulot ng
mga monarkiya sa mga manlalakbay, at pagpapaunlad sa mga instrumentong
pangnabigasyon at sasakyang pandagat. Sa kanilang paglalakbay, maraming pagsubok ang
kanilang kinaharap. Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon ay nagkaroon ng matinding
epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig.
Sa kabuuan ang panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga
karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo.
14
Suriin
Ang Paghahanap ng Spices
Mula noong ika-13 na siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na
matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking
demand para sa mga Europeo ay ang mga paminta, cinnamon at nutmeg.
Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga
taga-Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay bumubili nf spices sa
mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga panindang ito sa mga
mangangalakal na taga-Venice. Malaking kita ang inaakyat ng ganitong uri ng kalakalan sa
mga mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay
naghangad ang mga Europeong mangangalakal na direktang magkaroon ng kalakalan sa
Asya ng mga spicesna kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na garantisadong
protektado dahil sa mga pananambang naginawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng
mga Europeo na gamitin ang katubigan.
Ang spices ay ginagamit nila bilang pamapalasa sa kanilang mga pagkain at upang
mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango,
kosmetiks, at medisina.
Pagyamanin
Gawain 2: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
1. Bakit ibig ng mga Europeo ang mga Spices?
2. Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa
kanilang eksplorasyon?
Tuklasin
PINANGUNAHAN NG PORTUGAL ANG PAGGAGALUGAD
Ang Portugal ang kauna-uanahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa
panggagalugad sa karagatn ng Atlantic upag makahanap ng mga spices at ginto. Sa
pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag ang mga mandaragat na
Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan
patungo sa Asya.
Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng
Africa na anging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay
nagpakilala na maaaring makarating sa SIlangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa
Africa.
Samanatlang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang naglakbat na
pinapumumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing
ekspesiyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumugil sa ilang mga trade post sa Africa
upag makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India. Dito
natagpuan ni Da Gama ang mga Hinu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na
seda, porselana at pampalasa na oangunahing kailangan ng mga Portuges sa kanilang
bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal sa kanila nguni’t di siya gaanong
nagtagumpay ditto. Sa bansang Portugal ay nakilala siyang isang bayani, Dahil din sa
kaniya kaya nalaman nga mga Portuges ang yaman na mayroon sa silangan at ganoon din
ag maunlad na kalakalan.
15
Si Prinsipe Henry, ay anak ni Hairng Juan ng Portugal, ang naging pangunahing
tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya nga mga mandaragat.
Siya ay tagagawa ng mapa, matematisyan, astrologo, at mag-aaral ng siyensia ng
nabigasyon sa bansa. Siya ang naging patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa
kaniyang pangalan ang katawagang “The Navigator.” Dahil sa kaniyang mga itinaguyod na
paglalakbay ay nakarating siya sa Azores, isla ng Madeiram, at sa mga isla ng Cape Verde.
Kolonyalismo at Imperyalismo
Alamin
Gawain 1: Choose me right. Piliin sa loob ng kahon ang Pangalan na ipinapakita sa
larawan.
1. 4.
2.
5.
16
3.
Tuklasin
Sitwasyon: Isang makulimlim na araw. Nasa isang daungan ka ng Pilipinas at nagmasid sa
karagatan. Hindi moa lam kung anong mayroon sa kabilang dako ng karaatan. Ikaw ay
inaatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakakarating, papayag ka ba? Bakit?
Suriin
Sa bahaging ito ay inaasahang matutuhan at malilinang sa iyo ang mahahalagang
kaalman ungkl sa paglawak ng kapangyraihan ng Europe; ang kahalagahan ng paglalayag
at pagtuklas, Mga Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon at Sino-sino ang ang sikat na
personalidad sa panahong ito.
Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalan paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal at
Spain humingi ang mga bansang ito ng tulong sa Papa sa Rome upang mamagitan sa
kanilang mga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa,
isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hialgang Pola hanggang
sa Timugang Pola. Kanlurang bahago ng linya ay para sa Spain at sa Kanlurang bahagi ng
linya ay para sa Spai at sa Silangan bahagi ng linya ay para naman sa Portugal.
Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papa bull na naghahati sa lupaing maaring
tuklasin ng Portugal at Spain.Nakikita nila na baka lumawak
17
Ang Repormasyon
Ang repormasyon ay kilusang ibinunsod ang malaking
pagbabago ng tao tungkol sa relihiyon. Naglalayon itong baguhin ang
pamamalakad sa simbahan.Dito nagsimula ang paghihiwalay ng mga
Protestante sa Simbahang KatolikoTomano, sinimulan nila an
pagbabago sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang kanilang
doktrina.
Martin Luther, isang mongheng Augustinian at naging Propesor
ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg ang nabagabag at
nagsimulang magduda nang mabasa niya ang kaibahan ng katuruan
ng Simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan… “Ang
pagpapawalang sala ng Diyos sa mg a tao ay nagsisimula sa
pananampalataya, at naging ganap sa pamamagian ng
pananamplataya” (Romans 1:17). Ang pag-aalinlanagn at pagdududa ni Martin Luther sa
bias at kapangyarihan ng mga relikya ay kaniyang napattunayan sa pagdalaw niya sa
Rome noong 1571.
Ang nagpasiklab n galit ni Luther ay ang kasuklam suklam na Gawain ng mga
simbahan, ang pagbibinte ng idulhensiya. Ito ay isang kapirasong papel na nagsasaad at
nagpapalabas na ang grasya ng Diyos ay maaraing ipagbili at bilhin para sa kapatawaran
at kaligtasan ng tao.
Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakran ng Simbahan tungkol sa pagkamit ng
indulhesiya, ang nagtulak sa kaniya para ipaskil sa pintuan ng simbahan, noong ika-31 ng
Oktobre,1517 an kaniyang “Siyamnapu’t limang Proposisyon” (Nintey-five these).
Ipinanganak si Luther noon NObyembre 10, 1483, sa Eisleben, Germany. Ang Kaniyang
ama, si Hans Luther ay isang magsasaka ba naging minero ng tanso, samantalang ang ina
niyang si Margareth Linderman ay mula sa isang pamilyang kabilang sa gitnang uri.
Kumalat sa iba-ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther. Noong taong 1529,
nagbigay ang mga sumusuportang estado at baying Aleman ng isang protestasyon- na
siyang pinagmulan ng salitang Protestante. Sila ay nga sumasalungat sa mamamayang
Katoliko at sa emperador ng Banal na Imperyong Romano. Pagkatapos ng ilang taong alitan
ng Protestante at Katoliko Romano na humantong sa digmaan, ito ay tinapos ni Charles V
sa pamamagitan ng paglagda sa Kapayapaang Augsburg noong 1555. Nasasaad sa
kasunduan na kilalanin ng mga hari o namumuni ang malayang pagpigil ng relihiyon ang
kanilang nasasakupan.
Kontre-repormasyon
Bago nagsimula ang Repormasyong Pretestante, nagsikap ang mga pinunong
Katoliko na maituwod ang mga maling pamamaraan ng Simbahan. Si Papa Gregpry VII
(1037- 1085), na lalolng kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand, ang nagpasimuno ng
tatlong pagbabago sa Simbahan.
1. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at
nang mailaan ang buong sarli sa paglilingkod sa Diyos.
2. Pag-aalis ng simony.
3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa
Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno.
Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang malakas na kilusan ang
sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko. Tinawag
ang kilusang ito na Catholic Reformation o Counter Reformation.Isinagawa ito ng Konseho
ng Trent, Inquisition at ng mga Samahan ng mga Heswita (Society of Jesus).
18
Epekto at Kahalagahan ng Repormasyon
Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang KAtoliko noong ika-14 hanggang 17
dabataon, kung saan maraming ga gawi at turo ng Simbahan ang tinuligsa ng mga
repormista particular sa imoralidad at pagmamalabis ng Simbahan. Naging tanyag ang
pangalangan Martin Luther bilang “Ama ng Himagsikang Protestante” na siyang namuno
sa paglaban sa ,ga depekto ng Simbahan. Ang kanilang layunin ay hindi upang sirain ang
Simbahang Katoliko kundi upang maging bukas ang Simbahan sa mga pagbabago o
reporma. Hindi nagustuhan ng Papa at ng mga kawani ng Simbahan ang pagtatagumpay
ng Luther kaya’t tinapatan nila ito ng Council of Trent, Inquisitin, at Society of Jesus na
naglalayong pagbutihin ang pananampalatayang KAtoliko.
Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang KAtoliko at Protestante, at
patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhilain ay nagdulot ng sumusunod na
epekto:
Pagyamanin
Gawain 2:
1. Ano ang naging bunga ng Kontra- Repormasyon?
2. Anu-ano ang naging epekto ng Repormasyon?
3. Anu-ano ang naging epekto ng Repormasyon?
4. Ano ang mahalagang aral na iniwan ng Repormasyon sa mga tao?
Buod
Ang mga Europeo ay may malalaking paniniwala na ang ginto at pilak ay
makakatulong para sa kanilang adhikain maging makapangyarihan at maunlad. Ang
merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europa na
naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at
19
kapangyarihan ng bansa. Ang pera o salapi ay higit na naging mahalaga bilang
pinagkukunan ng kapangyarihan sa panahong iyon kaysa sa lupa.
Ang mga bansang sumunod sa sistemang merkantilismo ay higit na marami ang
iniluwas na produkto kaysa sa inangkat na produkto mula sa mga kolonya ng bansa.
Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang hari ang nagsilbing
pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal. Malaki ang
ginampanan ng salapi sa pag-unlad ng monarkiyang nasyonal sapagkat ang mga
mamamayan ay nagkaroon ng pagkakataon na bilhin ang kanilang kalayaan mula sa
kanilang panginoong maylupa.
Sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal nabago ang pamumuhay ng mga kanluranin
sa gawaing pang-ekonomiya sapagkat ang kabuhayan ay hindi lamang nakatuon sa lupa
kundi higit na naging malawak at aktibo na kinabibilangan ng iba’t ibang pangkat sa
lipunan.
Pagtatasa: (Post-Test)
Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito,
sagutin ang panimulang pagtataya. Isulay ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.
Bigyan pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang
nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito.
1. Ano ang tawag nga mga mamamayan sa medieval France na binubuo ng artisan at
mangangalakal?
a. Merkaantilismo c. Knights
b. Panginoon maylupa d. Bourgeoisie
20
7. Dito nanggagaling ang yaman ng bourgeoisie.
a. Pamilihan c. Lupa
b. Barter d. Industriya at Kalakalan
9. Ano ang uri ng pamahalaan sa kanlurang europe na kung saan ito ay nasa pamumuno
ng hari?
a. Awtoritarismo c. Aristokrasya
b. National Monarchy d. Oligarya
10. Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang emperador ang namamahala sa
kapangyarihan bilang pinuno ng estado at pinuno ng pamahalaan ang kanyang
kapangyarihan ay hindi limitado sa pamamagitan ng saligang batas o batas.
a. Ganap na Monarkiya c. Legal na Monarkiya
b. Limitadong Monarkiya d. Buo na Monarkiya
11. Marami ang bahaging ginampanan ng hari sa bansa, alin dito ang hindi kasali?
a. Lumakas ang kapangyarihan ng hari c. Nagtatag ng sentralisadong Pamahalaan
b. Napalawak ang mga teritoryo d. Nagpabaya sa mga sundalo
12. Ano ang tawag sa mga Katolikong tumiwalag mula sa Simbahang Katoliko sa Rome?
a. Knights c. Orthodox
b. Genisis d. Protestante
21
17. Siya ang papa na nagpataw ng ekskomunikasyon kay Luther.
a. Gregory VII c. Charles V
b. Henry VII d. Papa Leo X
22