3RD Aral Pan 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BINATON INTEGRATED SCHOOL

THIRD PERIODICAL EXAMINATION


ARALING PANLIPUNAN 8

A. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Pang-gitnang uri ng mamamayan sa Europe.


A. Pari B. Bourgeoisie C. Magsasaka D. Estranghero
2. Nagmamay-ari o namamahala sa bangko.
A. Artisano B. Magsasaka C. Banker D. Pari
3. Doktrina na nagsasaad na ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng
hangganan nito.
A. Piyudalismo B. Bullionism C. Bourgeoisie D. Paternalismo
4. Isa sa mga bansa sa Europe na yumaman at naging makapangyarihan dahil sa mahahalagang metal na nanggaling sa
kolonya nito sa South at Central America.
A. Italy B. Germany C. France D. Spain
5. Sistema ng pamahalaan upang itaguyod ang kayamanan at kapangyarihan ng estado
A. Paternalismo B. National Monarchy C. Merkantilismo D. Nation-State
6. Uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng hari.
A. Republika B. Komunismo C. Diktador D. Monarkiya
7. Isang estado na pinananahanan ng mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan
A. Nation-State B. Merkantilismo C. National Monarchy D. Bullionism
8. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga naitulong ng national monarchy o pambansansang monarkiya sa paglakas ng
Europe, maliban sa isa.
A. Napalawak ang teritoryo C. Ang mga mamamayan ay nagkaroon ng tiwala sa pamahalaan
B. Nagkaroon ng sentralisadong pamahalaan D. Walang proteksiyon ang mga mamamayan.
9. Piliin sa mga sumusunod na konsepto ang nagpapaliwanag sa Renaissance.
A. Pagbabago B. Paghina C. Makaluma D. Pagkawasak
10. Ano ang dahilan ng pag-usbong ng Renaissance sa Europe?
A. Payak na pamumuhay C. Makalumang paraan ng pagsasaka
B. Pag-unlad ng produksyon at kalakal D. Pagbagsak ng mga bangko
11. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing salik ng paglakas ng Simbahang Katoliko?
A. Lokasyon C. Kawalan ng katapatan ng ordinaryong mamamayan sa panginoong maylupa.
B. Katatagang Pampulitika at Pang-ekonomiya D. Pagiging palatanong ng tao sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
12. Ang paglakas ng Simbahang Katoliko ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian maliban sa isa:
A. Paglakas ng kapangyarihan ng Papa C. Pagtiwalag sa mga tumutuligsa sa simbahan
B. Paglawak ng impluwensya ng mga mangangalakal D. Nagtakda ng pamantayan ng moralidad
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng paglakas ng Simbahang Katoliko
A. Kawalan ng katapatan ng ordinaryong mamamayan sa panginoong maylupa. C. Pagsigla ng kalakalan
B. Pagtuligsa sa pang-aabuso ng mga hari. D. Paghina ng pyudalismo
14. Ang Kilusang pangrelihiyon na naglalayong panumbalikin ang tiwala ng mga mananampalataya sa katolisismo.
A. Kontra-Repormasyon B. Renaissance C. Repormasyon D. Krusada
15. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng Repormayon?
A. Kilusang panrelihiyon na naglalayong manghingi ng reporma sa Simbahang Katoliko
B. Kilusang naglalayon ng mabawi ang Jerusalem sa kamay ng Turkong Muslim
C. Kilusang naglalayong panumbalikin ang tiwala ng mga mananampalataya sa Kristiyanismo partikular sa katolisismo
D. Wala sa nabanggit
16. Ano ang bahaging ginagampanan ng mga Borgeosie sa pag-unlad ng Europe?
A. Nagsilbi silang tagapamagitan sa mga taong hindi nagkakaunawaan.
B. Sila ay mga mayayaman na tao na bahagi ng panggitnang-iuri sa Europe.
C. Napalakas nila ang kalakalan sa Europe at sa mga karatig na bansa.
D. Ang mga Europeong mayayaman ay bahagi ng samahan ng mga Bourgeosie.
17. Ano ang naitulong ng bourgeoisie sap ag-unlad ng ekonomiya sa lipunang medieval tungo sa pandaigdigang kamalayan.
A. Umunlad ang kalakalan C. Naging matamlay ang kalakalan
B. Nalugi ang mga bangko D. Nawalan ng interes ang mamumuhunan
18. Ano ang naging epekto sa mga bansang kanluraning sumunod sa sistemang merkantilismo?
A. maraming nailuwas kaysa inangkat na kalakal C. maraming inangkat kaysa iniluwas
B. pantay ang dami ng inangkat at iniluwas na kalakal D. lahat ng nabanggit
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe?
A. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo
B. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europe
C. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa ang kanilang pangangailangan
D. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo
20. Ang pag-unlad ng kalakalan ay bunga ng sistemang merkantilismo. Ano ang naging epekto nito sa daigdig?
A. Marami ang nakapuslit na kontrabando sa iba’t ibang bansa
B. Lumago ang industriya ng turismo sa daigdig.
C. Marami ang naghangad na yumaman.
D. Naging matatag ang mga bansa dahil sa nalikom na mga buwis.
21. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagbigay-daan sa pag-unlad ng monarkiyang nasyonal?
A. Pagkakataon ng mga mangangalakal na bumili ng kalayaan sa kanilang Panginoong Maylupa.
B. Paggamit ng baril bilang sandatang pang-depensa.
C. Pagkakaroon ng isang wika.
D. Lahat ng nabanggit.
22. Paano nakatulong ang National Monarchy sa pag-unlad sa Europe?
A. Nanumbalik ang tiwala ng tao sa pakikibahagi sa pamahalaang monarkiya
B. Maayos na pamamahalaan ang mga bansa sa Europa.
C. Nagkaisa ang mga bansa na palakasin ang Europa.
D. Ang mga bansa sa Europe ng nanguna sa pagtuklas ng lupain.
23. Ang estadong pinamamahalaan ng Papa ay _________.
A. Vatican B. Florence C. Roma D. Sicily
24. Ano ang susunod na antas ng pinuno bagoo ang Santo Papa?
A. Arsobispo B. Cardinal C. Obispo D. Hari
25. Alin sa mga sumusunod na kataga ang tumutukoy sa kilos na nagnanais baguhin ang ilan sa maling paniniwala sa
Simbahang Katoliko? A. Inquisition B. Renaissance C. Repormasyon D. Dark Age
26. Alin sa ibaba ang maling praktis na higit na tinutulan ng mga protestante sa simbahang Katoliko?
A. Pagbibili ng indulhensiya C. pagpapakumpisal
B. Pagdadaos ng semana santa D. sapilitang pagpapa ayuno
27. Ang pinakamalaking simbahan sa daigdig at pinakamagandang halimbawa ng arkitekturang Renaissance
A. St. Peter’s Basilica C. Our Lady of Lourdes
B. St. Paul’s Cathedral D. St. John the Baptist
28. Lumikha ng dalawang napabantog na obra maestra sa buong mundo, ang Huling Hapunan at Mona Lisa
A. Leonardo da Vinci B. Michelangelo C. Raphael D. Donatello
29. Dahil sa patakarang Merkantilismo nais ng mga Europeo na magkaroon ng maraming bullion o ginto at pilak. Ito
ay nagpapakita lamang ng motibo ng kolonyalismo na ______.
A. Paghahangad ng katanyagan C. Paghahanap ng kayamanan
B. Pagpapalaganap ng relihiyon. D. Pananakop ng lupain
30. Piliin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa paghangad ng katanyagan at kapangyarihan bilang motibo
ng eksplorasyong Europeo
A. Upang makilala sa buong bansa bilang malakas na bansa.
B. Mangalap ng likas na yaman na kailangan ng kanilang mamamayan.
C. Makapamasyal at makita ang kagandahan ng daigdig.
D. Mamuhunan at makipagkalakalan
31. Isinunod sa kanyang pangalan ang pagkakatagpo ng Bagong Mundo o ang Amerika.
A. Amerigo Vespucci B. Hernan Cortes C. Christopher Columbus D. Pedro Cabral
32. Ang kanyang ekspedisyon ay nagpakilala na ang mundo ay bilog at nagbago sa dating pagkaalam ng mga Europeo
na ito ay patag.
A. Bartolomeu Dias B. Ferdinand Magellan C. Hernan Cortes D. Christopher Columbus
33. Ito ay ang pagbabagong naganap mula sa ekonomiyang nakabatay sa agrikultura at komersiyo tungo sa ekonomiyang
nakabatay sa industriya.
A. Enlightenment B. Rebolusyong Agrikultural C. Rebolusyong Siyentipiko D. Rebolusyong Industriyal
34. Sa Inglatera unang sumibol at nagsimula ang ___________.
A. Rebolusyong Industriyal B. Rebolusyong Agrikultural C. Rebolusyong Siyentipiko D. Enlightenment
35. Alin sa sumusunod ang maituturing bilang pangunahing dahilan ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon?
A. Ang paghahangad ng mga Europeo ng 3Gs C. Ang pagpapanatili ng mga Europeo ng kanilang katanyagan
B. Ang pagpapalaganap ng mga Europeo ng kalakalan D. Ang paghahangad ng mga Europeo ng karangyaan sa buhay
36. Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa paggalugad ng lupain. Alin sa mga
sumusunod ang maituturing na dahilan nito?
A. kayamanan C. Pagpapalaganap ng simbahan
B. karangalan at katanyagan D. Mga banasang gagawing kolonya
37. Bakit maituturing na isa sa mabuting epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon ang pagkakapukaw ng
interes ng mga Europeo na magsagawa ng imbensiyon?
A. Dahil naipakilala ang ibat ibang makabagong teknolohiya pagkatapos ng panahong ito
B. Dahil mas lalong dumami ang mga bansa na nagkainteres sa paglalayag
C. Dahil natuklasan ang ibat ibang sibilisasyon
D. Lahat ng nabanggit
38. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na di-mabuting epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon?
A. Natuklasan ang mga lupaing hindi pa nagagalugad B. Napukaw ang interes ng marami na makapaglayag
C. Nagkaroon ng pagbabago sa eco-system D. Napalakas ang ugnayan ng mga bansa sa silangan at kanluran

39. Sino ang Italyanong siyentipiko na nakapag- imbento ng telescope at naging daan sa pagpapatibay na ang araw ang nasa
gitna ng kalawakan
A. Galileo Galilei B. Thomas Hobbes C. Voltaire D. Nicolaus Copernicus
40. Isang Polish na nakatuklas na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan at di ang mundo
A. Thomas Hobbes B. Nicolaus Copernicus C. Galileo Galilei D. Francis Bacon
41. Isang makinarya na inimbento ni Eli Whitney noong 1793 upang mabilis na mahiwalay ang buto ng bulak sa fiber. A.
Spinning Jenny B. Telepono C. Telegrapo D. Cotton Gin
42. Sino ang nakaimbento ng steam boat na pinaaandar ng steam engine?
A. Richard Arkwright B. John Kay C. Samuel Crompton D. Robert Fulton
43. Sino sa mga tagapagsulong ng mga bagong kaisipan sa panahon ng Enlightenment ang nagpaliwanag at tumalakay
tungkol sa Tabularasa?
A. Thomas Hobbes B. John Locke C. Jean Jacques Rousseau D. Denis Dedirot
44. Pinagtibay niya ang kaisipan tungkol sa Social Contract.
A. Thomas Hobbes B. John Locke C. Jean Jacques Rousseau D. Denis Dedirot
45. Kung ang kolonyalismo ay paraan ng pag-angkin ng kolonya, ang imperyalismo naman ay-
A. dominasyon ng isang bansa sa politika, ekonomiya, at kultura ng isang mahinang bansa.
B. Pagpapalawak ng teritoryo
C. Pagpapayaman sa ibang bansa
D. Pagpapalakas ng puwersang militar sa mahinang bansa.
46. Bakit tinawag na taong 1870-1914 bilang Panahon ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo?
A. Dahil ito ang yugto kung saan ang malaking bahagi ng mundo ay nasa panahon ng pananakop.
B. Dahil ito ang yugto kung saan ang malaking bahagi ng mundo ay nasa kapangyarihan ng mga bansang kanluranin.
C. Dahil ito ang yugto kung saan ang malaking bahagi ng mundo ay nasa panahon ng digmaan.
D. Dahil ito ang yugto ng panggagalugad at pananakop.
47. Ang France, Great Britain,Germany Portugal, Italy, Spain, at United States ay mga bansang nanguna sa pananakop at
pagtatatag ng imperyo sa mga bansa sa mundo, maliban sa isa. Alin ito?
A. France B. Germany C. US D. Portugal
48. Ang mga sumusunod ay mga bansang Kanluranin na nanguna sa pananakop at imperyalismo noong 1870-1914, maliban
sa isa. Alin ito?
A. Spain B. United States C. Great Britain D. Germany
49. Ang Africa ay pinag-agawan at napasailalim sa control ng mga bansang Pransya, Britanya at Alemanya. Paano
tinanggap ng Africa ang kapangyarihang kolonyal ng mga nabanggit na bansa?
A. Kusa nilang niyakap ang kapangyarihan ng mga bansang imperyalista.
B. Naging pasibo ang maraming mamamayan sa kapangyarihan ng mga mananakop.
C. Maraming pinuno ang nagpahayag ng pakikidigma sa mga kanluranin.
D. Wala sa nabanggit.
50. Ang mga sumusunod ay mga larangan ng pamumuhay ng imperyong Ottoman na nabago dahil sa makabagong diwa
at kaalamang dala ng mga Europeo noong 1700 MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. Sistema ng koleksyon ng buwis C. Pagsasanay-militar
B. Sistema ng transportasyon D. kultura ng mga Turko

GOD BLESS!!!
SIR GERALD..

You might also like