Mga Kuwento Sa Bawat Rehiyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Palo, Hanifa L.

FIL 067

FIL3 – 01 1/31/24

MGA KUWENTONG BAYAN SA BAWAT REHIYON

KUWENTONG BAYAN SA REHIYON 1

Pamagat: Si Juan Tamad

May-akda: Manuel E. Arguilla

Buod: Kadalasang inilalarawan si Juan Tamad sa kanyang katamaran at katangahan.


Sa kanyang paglaki, naging mas tamad pa siya at hindi na nag-aral o naghanap ng
trabaho. Ang kanyang paboritong gawin ay humiga sa ilalim ng puno ng bayabas at
hintayin na mahulog ang mga bunga sa kanyang bibig. Isang araw, nakita niya si
Mariang Masipag, isang dalagang masipag at matalino, na pumitas ng bayabas sa
puno. Na-inlove si Juan kay Maria at naisipan niyang ligawan siya. Ngunit hindi siya
tanggap ng mga magulang ni Maria dahil sa kanyang katamaran. Sinabi nila kay Juan
na kailangan niyang patunayan ang kanyang sarili at magbago ng ugali. Tinanggap ni
Juan ang hamon at nagsimulang magsikap sa paggawa ng mga gawain. Nag-aral siya,
nagtrabaho, at naging masinop sa mga bagay. Nang makita ng mga magulang ni Maria
ang pagbabago ni Juan, pumayag na silang magpakasal ang dalawa. Naging masaya
ang buhay nila at nagkaroon ng mga anak na masipag at matalino.

Aral o Mensahe: Hindi maganda at ang pagsisikap ay nagbubunga ng tagumpay.


Dapat tayong maging masipag at matalino sa lahat ng ating ginagawa. Dapat din nating
magkaroon ng ambisyon at pangarap sa buhay. Hindi tayo dapat maging kontento sa
kung ano ang meron tayo kundi dapat tayong maghanap ng mga paraan upang
mapabuti ang ating sarili at ang ating kapaligiran.

KUWENTONG BAYAN SA REHIYON 2

Pamagat: Alamat ng Lakay-lakay

May-akda: Zander John Alpuerto


Buod: May dalawang mag-asawa na pangingisda ang pamumuhay. Isang araw may
lumapit na isang matanda sa lalaki upang manghingi ng pagkain ngunit itinaboy lang ito
ng lalaki. Kinabukasan may lumapit na isang matanda rin sa babae upang manghingi sa
kanila ng isda ngunit hindi ito pinansin ng babae. Hindi alam ng dalawang mag-asawa
na sila ay Diyos at Dyosa kung kaya’t pinarusahan sila nito at naging dalawang bato
ang mag-asawa.

Aral o Mensahe: Maging mabait sa kapwa kahit ano o sino man ito. Matutong maging
mapagbigay upang biyayaan ka ng Diyos.

KUWENTONG BAYAN SA REHIYON 3

Pamagat: Alamat ng Bundok Pinatubo

May-akda: Cuasay, Pablo M.

Buod: Sa kaharian ng Masinlok naging usap-usapan ang suliranin ng Datu doon


sapagkat ninanais nito na magawa ang mga dati nitong gawain ang mangaso sa
kabundukan kanyang dating pinupuntahan. Ngunit dahil sa kanyang katandaan hindi na
niya ito magagawa kung kaya siya ay naging malungkutin. Nakarating iyon sa kaalaman
ng isang matandang salamangkero. Pagkalipas ng mga araw may tumubong bundok sa
pinagtaniman ng bato ng salamangkero. Unti-unti itong tumataas at lumalaki kung kaya
lubhang nalungkot si Prinsesa Alindaya na naging dahilan ng kanyang pagkakasakit.
Nang bumalik ang salamangkero sa kaharian hindi ibinigay ng datu ang prinsesa sa
kanya sa kadahilanang ito nga ay mayroong malubhang karamdaman. Kung kaya
umuwing masamang masama ang loob ng salamangkero. Sa sama ng loob
nakalimutan ng salamangkero ang bundok na kanyang pinatubo kung kaya ito ay
patuloy na tumaas at lumaki. Lubhang nabahala ang kaharian sa nangyayari kung kaya
ipinag-utos niya na hulihin ang salamangkero at ito ay pugutan ng ulo. Ngunit ang
bundok ay patuloy pa din sa paglaki at pagtaas.Na lubhang nagpabahala sa kanilang
kaharian. Ang balitang ito ay nakarating sa kay Prinsepe Malakas kung kaya siya ay
pumunta sa kaharian ng Masinlok. Sinabi niya sa Datu ang kanyang pakay at dagli
niyang isinagawa ang pagbunot sa bundok at hinagis sa malayo. Kung kaya ng bumalik
ang Datu at Prinsepe Malakas sa kaharian nagbunyi ang kaharian at nagsagawa ng
kasiyahan. Doon nakita ni Prinsipe Malakas si Prinsesa Alindaya. At di nagtagal
nasaksihan ng lahat sa kaharian ng Masinlok ang marangyang kasalan sa pagitan ni
Prinsipe Malakas at Prinsesa Alindaya. Ang lupang pinag-alisan ng bundok ay naging
lawa at tinawag itong “Lawa ni Alindaya”. Na nagpapagunita ng kagandahan ni Prinsesa
Alindaya at ng pag-ibig nito. Na siyang naging dahilan ng pagkakaroon ng Bundok ng
Pinatubo.

Aral o Mensahe: Huwag maging masama at magtanim ng sama ng loob. Matutong


magbigay ng patawad. Kapag lalong nagkikimkim ng sama ng loob, ito ay mas lalong
nagiging malala/malaki. Minsan, ang pag-ibig ang nagiging daan upang maging
maayos at gumanda ang lahat. Dahil kapag nagmamahal tayo ay gumaganda ang ating
pakiramdam at naiimpluwensiyahan natin ang iba.

KUWENTONG BAYAN SA REHIYON 4

Pamagat: Sa Aking Kababata

May-akda: Jose Rizal

Buod: Ito ay isang tula na isinulat sa wikang Filipino tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa
kanyang katutubong wika at bayan na si Jose Rizal. Binigyan niya ng importansya ang
pagmamahal sa sariling wika at bayan. Nakatuon ito sa halaga ng pamilya, edukasyon,
paggalang, at pagmamahal at hinihimok ang lahat ng Pilipino na maging makabayan at
ipaglaban ang kanilang kalayaan

Aral o Mensahe: Matutong mahalin ang sariling bayan at tumayo sa sariling mga paa.
Hindi tayo kailanman tatapakan ng mga tao at kakawawahin kung tayo ay marunong
tumayo sa sarili nating mga paa, at hindi kailanman maagaw at makakawawa ang
Pilipinas kung tayong mga Pilipino ay ipaglalaban ang ating sariling bayan.
KUWENTONG BAYAN SA REHIYON 5

Pamagat: Ibalon

May-akda: Padre Bernardino de Melendreras y dela Trinidad

Buod: Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang


malaking baboy-ramo. Siya’y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang
lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging
maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao,
isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay
namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan
siya ng kanyang kaibigang si Handiong. Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng
Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw
at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga
ito maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may
matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga
masasamang hayop sa Ibalon. Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad.
Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni
Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming
bagay. Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay
gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay.
Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang
sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang
bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa
kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog
niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay kay Rabut. Nalaman ni Bantong na
sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang natutulog. Nagalit ang
Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si Rabut,
dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos
ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha. Nasira ang mga bahay at
pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa
taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon.
Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.

Aral o Mensahe: Kahit anong mangyari, ang pagpatay ay hindi kailanman solusyon.
Kahit anong galit o sama pa ng tao ang ginawa sayo o gusto mo lamang ipaglaban ang
iyong sarili, ang pagpatay ay hindi magandang opsyon para rito. Mapaparusahan ka ng
malaki kung ikaw ay papatay ng kahit ano dahil ang pagpatay ay isang kasalanan.

KUWENTONG BAYAN SA REHIYON 6

Pamagat: Labaw Dunggon

May-akda: Graciano Lopez Jaena

Buod: Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay


napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng maraming
regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag
lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong bayan sa kanilang kasal. At
hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang magandang babae na nagngangalang
Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal. At muli ay umibig
si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya na
may kapangyarihan din

Aral o Mensahe: Ang lakas at kapangyarihan ay laging may hangganan. Gamitin


lamang ang kapangyarihan sa magandang bagay at huwag sa masasama. Makuntento
sa kung ano ang meron lalo na sa relasyon. Matutong huwag sumuko sa kahit
anumang pagsubok ang dumaan sa iyong buhay, dahil walang pagsubok ang walang
solusyon. Ang bawat pagsubok ay nagiiwan saatin ng aral at tinuturuan tayo kung
paano maging matatag.

You might also like