Filipino 10 L10
Filipino 10 L10
Filipino 10 L10
YUNIT II: Mga Akdang Pampanitikan ng mga Bansa sa Kanluran Ikasampung linggo
ARALIN V: Mga Sanaysay sa Kanluranin
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na balita, komentaryo, talumpati,
at iba pa
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng word association.
3. Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu.
Panimula at Pagganyak:
Ang talumpati ay isang uri ng sanaysay, ito ay kabuoan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang
mananalumpati sa harap ng publiko. May paksang pinagtutuunan ng pansin at isinasaalang-alang din ang
tagapakinig o bumabasa, pook, pagdiriwang at iba pa. Maaaring isaulo ng bumibigkas nito ang nilalaman ng
talumpati at maaari rin na biglaan na kung tawagin sa Ingles ay extemporaneous.
Mahalagang tanong:
Ano ang kaugnayan ng mga sanysay sa pagkilala ng isang bansa?
Talakayin at Unawain
Pagkakaiba Talumpati sa iba pang uri ng Sanaysay
May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na nakasulat sa
pahayagan. Halimbawa nito ay ang editoryal at lathalain–ito ay isang mapanuring
pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang
magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa. Ang lathalain
naman ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga
pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng sumulat.
Hindi ito kathang-isip lamang. Bilang isang karaniwang sanaysay, nagtataglay ito ng madamdamin, personal o
mapagpatawang ideya o mga pananaw. Pangunahing layunin nito na manlibang kahit maaari ring magpabatid o
makipagtalo. Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editoryal, at lathalain ay naglalayon na magbigay-kaalaman sa mga
mambabasa. Ang tanging pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri. Tandaan lamang na ang talumpati ay isinulat
upang bigkasin ng mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling masundan, at maunawaan ng mga
tagapakinig.
Hindi nakapagtataka na ang bawat administrasyon ay nagsisikap na pagandahin ang larawan ng bansa sa kabila ng
matitinding suliranin, pero kung minsan ay tila nakakainsulto dahil sa kalabisan.
Isang halimbawa ang mga ginawang pagbabago sa paraan ng pagtaya sa lawak ng kahirapan.
Isa sa mga binago ay ang pinakamababang komposisyon ng pagkain ng mga nasa Metro Manila upang ang isang pamilya
ay hindi mabilang na dukha.
Sa dating panukat, ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, sinangag, kape para sa matatanda at gatas para sa
bata.
Sa bagong panukat, ang dapat ihain sa almusal ay pritong itlog, kape na may gatas at
kanin. Wala na ang gatas para sa mga bata. Marami ring nawala sa bagong panukat para sa tanghalian, meryenda at
hapunan.
Dahil sa mga pagbabagong ito, bumaba ang katumbas na sustansiya mula sa kinakain ng mga Pilipino para hindi mabilang
na dukha.
Ibinaba rin ang poverty income threshold o ang halagang dapat kitain ng isang pamilyang may limang miyembro para hindi
mabilang na mahirap, mula sa dating P7,953.00 hanggang P7,017.00.
Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay bumaba mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon, at
ang bilang ng mamamayang dukha ay bumaba ng isang milyon – mula sa 24.1 milyon hanggang 23.1 milyon. Sa aking
pananaw, hindi malulutas ng anumang pagbabago sa panukat ang kahirapan.
Kahit ang 23.1 milyong lugmok sa kahirapan ay napakalaking bilang pa rin. Tinatalakay ko ang paksang ito hindi para
tuligsain ang pamahalaan kundi para ipakita na ang kahirapan ay isang hamon na dapat harapin ng lahat ng mga Pilipino.
Ang unang hakbang para malutas ang kahirapan ay ang pagtanggap na ito ay suliranin ng bansa. Sa isang maysakit,
walang magagawa ang sinumang manggagamot hangga’t hindi tinatanggap ng isang pasyente na siya ay maysakit.
Sa halip na pagandahin ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga panukat ay dapat
pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga proyektong makakalikha ng hanapbuhay, na magtataas ng antas sa
pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino at sa bandang huli ay tunay na magpapababa sa bilang ng mahihirap.
Unawa at Ugnayan
Tandaan…
Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri
1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o
pang-abay
2. Komplemento/Kaganapan – Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o
ikalulubos ng kilos ng pandiwa. Sangkap ito sa pagpapalawak ng pangungusap.
3. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pangabay. Batayang Pangungusap : Nagtalumpati ang
pangulo. Pagpapalawak: Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang lahat.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bibliyograpiya at/o Sanggunian:
Jean Lopez-Roya, Diana Gracia L. Lacano, Maida Limosnero-Ipong, Sinag sa Ika-21 na Siglo, Valenzuela City, Jo-Es
Publishing, Inc. p.217-232
Santos, Bernie C. at Corazon L. Santos. 2002. Kawil II-Aklat sa Paglinang ng Kasanayan sa Wika at Literatura. Quezon
City: Rex Bookstrore Inc. Santos, Vito C. at Luningning E. Santos. 1995. New Vicasian’s English-Pilipino Dictionary. Pasig:
Anvil Pub., Inc. Boookstore.
Inihanda ni:
JETHRO G. OREJUELA
09267374628
[email protected]
Pangalan: ____________________________________________________ Antas/Seksyon:
__________________
Guro: _______________________________________________ Asignatura: Filipino 10 Sinag sa Ika-21 na Siglo
Uri ng Pagtataya: Formativ na Pagtataya/Linggo 10 Araw ng Pagpasa:
_________________________________
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
Sa aking palagay, ang pinakamabisang paraan upang malutas ang isyu ng kahirapan sa ating bansa ay…
____________________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka:
Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na
balita, komentaryo, talumpati, at iba pa.
Panuto: Mula sa iyong nabasa o napakinggan sipi ng talumpati, suriin ang iyong naramdaman maging ang iyong
saloobin hinggil sa mga puntong kaniyang binaggit o tinalakay. Puli lamang ng dalawang mahalagang punto o
ideya at ibigay ang iyong kaukulan opinyon at damdamin hinggil dito.
SP 10.1.
Punto o Ideya:
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Sariling Saloobin:_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
SP 10.2.

Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng word
association.
Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salitang di-lantad ang kahulugan na sinalungguhitan sa bawat pangungusap.
Sa pamamagitan ng word association, hanapin sa loob ng pangungusap ang salita o mga salitang makatutulong sa
pagpapakahulugan sa mga ito.
______________________ SP 10.3. Ito ang oras na mapaghulo natin ang kasarian sa isang spectrum, sa halip ng
dalawang naglalabanang pananaw.
______________________ SP 10.4. Tayo ay nagsusumikap para sa isang nagkakaisang salita, ngunit ang
magandang balita ay mayroon natayong isang nagkakaisang kilusan.
Kasanayang Pampagkatuto: Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu.
Panuto: Magsaliksik ng mga napapanahong isyu na nangyayari sa ating lipunan. Sumulat ng isang payak na
talumpati hinggil sa napiling paksa. Tiyakin na ang mga impormasyong gagamitin o babanggitin sa talumpati ay
naaayon sa mga datos na nasaliksik. Mahalagang malinaw ang pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan o ideya.
Huwag kalimutang ilakip ang mga pinagkunan ng impormasyon sa pananaliksik.
*Para sa Pamantayan sa Pagmamarka, sumangguni sa Rubrik na matatagpuan sa Formativ na Pagtataya.
KING THOMAS LEARNING ACADEMY, INC. | Lagda ng Magulang: ____________________
DEPARTAMENTO NG JUNIOR HIGH SCHOOL | Araw ng Pagpasa: ______________________
T/P 2021-2022