Panitikan NG Mongolia (Sample Article)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panitikan ng Mongolia

Paano nagiging mabisa ang mga akdang pampanitikan ng Mongolia sa pagpapakilala ng kanilang
kultura at kaugalian?

Isang mabisa at episyenteng behikulo o midyum sa isang bansa ang panitikan para sa
pagpapahayag at pagkakakilanlan ng kakanyahan o identidad nito. Pasalita o pasulat man ang
kaanyuan nito, malinaw na makikita at mailalarawan sa panitikan ang mga saloobin o
damdamin, mga mithiin, pangarap, layunin, adhikain, paniniwala, pag-uugali, mga karanasan, at
mga gawain sa pang-araw-araw na buhay.

Malawak ang saklaw ng panitikang ng isang bansa. Naaaninag nito ang kapaligiran at mga
pangyayaring naganap o nagaganap sa naturang kapaligiran. Maaaring sinasalamin ng panitikan
ang mga karanasan ng indibidwal at ng kaniyang lipunan.

Ang Mongolia katulad ng ibang bansa ay may sariling panitikan. Ito ang tinatawag na Panitikang
Mongolia. Kailangan mabatid ng bawat Mongol ang panitikan ng kaniyang bansa dahil dito niya
makikilala at masusuri ang kaniyang pagkatao at sariling pagkakakilanlan,

Katulad ng mga Pilipino, likas sa mga Mongol o mga naninirahan sa bansang Mongolia ang
pagpapahalaga sa mga kabiguan at mga naunsiyaming pangarapin, at ang silahis ng pag-asa ay
matutunghayan sa pagbabasa ng mararangal na akdang pampanitikan ng mga ito.

Ang Mongolia ay nasa border ng Tsina at Russia. Bahagi ito ng pinakamalaking kontinente sa
buong mundo, walang iba kundi ang Asya o Asia sa wikang Ingles. Ang mga nakatira dito ay
medyo singkit ang mga mata. Maraming isport ang makikita at matatagpuan sa bansang ito. Ang
ilan sa kanila ay lumalaban sa mga internasyonal na mga paglisahan sa iba’t ibang bansa. Ang
pamumuhay sa bansang Mongolia ay natatangi sanhi ng lokasyon nito. Ito’y nakapagitan sa
bansang Siberia at Tsina at napalilibutan ng mga disyerto at mga ilog. Ang Mongolia ay binubuo
ng iba’t ibang tribo at karaniwang namumuhay silang mga lagalag. Ang kalagayang ito ay
masisilayan sa kanilang Panitikan.

Ang ilan sa mga akdang pampanitikan na nailimbag ay ang ‘Short History of How the Mongol
People’s National Revolution Began and Evolved’ isang naratibong prosa na isinulat ng mga
rebolusyonaryong lider na sina Darijawin Losol, Gelegdorjiin Demid, at Khorloghiyin
Choibalsan noong 1934. Ito ay naglalarawan at nagpapakita ng pagbuo ng mga Mongol ng
kanilang pag-aklas at paglaban sa mga taga-Tsina at taga-Russia para sa kanilang Kalayaan
noong 1921.

Sa kalagitnaan ng ika-20 siglo, ang mga Mongol ay gumamit ng ‘Mongol Script’ sa pagbuo at
pagsulat ng wikang tinawag na Klasikal, Literari, o Mongolians. Ang Kalmyks ay nagsimulang
gumamit ng ‘Cyrillic Alphabet’ para isulat ang kanilang wika noong 1925. Pagkatapos ng
eksperimento ng ‘ephemeral’ sa romanisasyon, hiwalay na ortograpiyng ‘Cyrillic’ ang
ipinakilala sa Buryatiya (1938) at Mongolia (1946). Ang mga taga-silangang Mongol sa Tsina ay
nagpatuloy sa paggamit ng klasikal na tradisyon, kabilang ang ‘Oirat’ ng Dzungaria bilang
pagpapanatili ng ‘Clear Script’ na may kaunting modipikasyon.
Si Dashdorijiin Natsagdorj, isa sa mga tagapagtatag ng modernong panitikan ng Mongolia, ay
nagpakilala ng bagong uri o anyo at iba’t ibang paksa, halimbawa, ang kaniyang makabayang
tula na ‘Minii Nutag’ o ‘My Motherland’, at ‘Tuukhiin Shuleg o ‘Verses on History’, na
parehong tumatalakay sa rebolusyon at tradisyon ng mga Mongol, pati na rin ang ‘Erkh Cholo
Khusekhuii’ o ‘Longing for Freedom’, tulang kaniyang isinulat noong 1932 habang nasa loob ng
kulungan. Ang ‘Uchirtai Gurwan Tolgoi’ o ‘Three Fateful Hills’ noong 1934, ‘Lambugain
Nulims’ o ‘The Lama’s Tears’. Isang nobelang tungkol sa isang monghe kinutya ng kaniyang
maybahay na isang ‘courtesan’, at ang ‘Shuwuun Saaral’ o ‘The Bird-Swift Ash-Grey Horse’.
Isang mapayapa’t maligayang prosang tula tungkol sa isang lalaking naglakbay patungo sa
kaniyang kasintahang babae.

Sa buong kalagitnaan ng ika-20 siglo, ang mga awtoridad sa Mongolia ang kumontrol sa lahat ng
kalipunan o saklaw ng kultura at ng panitikan. Ngunit hindi nagtagal ay nawala ang politikal na
represyon at sensorsyip at napalitan ng kalayaan sa pagpapahayag.

Makikita sa panitikan ng Mongolia katulad sa ating panitikan na ang pinakalayunin nito ay


yaong pagpapahayag ng damdamin ng mga tao bilang ganti niya sa reaksiyon sa kaniyang pang-
araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran. Lumipas man
ang mga araw, taon o dekada, patuloy at buhay pa rin ang panitikan dahil hindi ito maiwawaksi
sa kulturang umiiral sa lipunang kinabibilangan. Ang bawat pangyayari o danas at yugto ng
buhay ay saksi rin at dahilan para isaalang-alang at pahalagahan ang panitikan.

Referens: https:/www.britainnica.com/art/Mongolian-literature/The-20th-century-and-beyond

You might also like