Filipino 9 L9
Filipino 9 L9
Filipino 9 L9
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento.
2. Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring gamitin sa isang pagsasalaysay.
3. Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang
kuwento.
Panimula at Pagganyak:
Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa sa kuwento ng katutubong- kulay mula
sa Tsina na pinamagatang “Niyebeng Itim” sa tulong ng mga panuring bilang pampalawak ng pangungusap at
tekstong naglalarawan.
Mahalagang tanong:
May kaugnayan ba ang mga pangyayari sa maikling kuwento sa pang-araw-araw na buhay ng tao?
Talakayin at Unawain
TAMPOK NA TEKSTO:
“Niyebeng-itim”
ni Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
Paparating na ang bisperas ng Bagong Taon. Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo Studio,
isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin, dahil pakiramdam niya, lalo pa siyang pinapapangit ng kamera. Sinabihan na
siya ni Tiya Luo na sapat na ang apat na piraso, ngunit nagorder siya ng labinlima. Nagulat ang klerk.
“Kinse?”
“Kinse nga.”
“Hindi kami siguradong maganda pa rin ang litrato kapag ganoon karami.
Nang bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa nang kunin niya ang mga abo ng kanyang ina sa
crematorium. Tumalikod siya at lumakad papalayo dala ang balutang papel nang hindi pa muna sinusuri ang litrato, at nang
nag-iisa na lamang, dinukot niya ang laman . Labinlimang magkakatulad na litrato ang hawak niya, bawat isa ay nakatitig sa
kanya nang may pare-parehong hitsura. Sa kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa kanyang inaasahan. Parang
mas manipis ang kaniyang labi dahil nakatikom, nakatitig ang mga mata niya. Hindi mo masasabing pangit. Sa katunayan,
mas guwapo siya kaysa sa maraming tao. Wala siyang reklamo.
Dinala siya ni Tiya Luo sa komite sa kalye kung saan pinagpasapasahan sila. Nakipag-usap sila sa iba’t ibang tao
hanggang sa isang may katandaang opisyal ang nagbigay rin sa kanya ng lisensya para sa kariton. Hindi naaprobahan ang
kanyang aplikasyon para sa lisensya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota. Ang mga kontak ni Tiya Luo ay hindi
makatulong o ayaw nang tumulong. Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala
nang pakialam si Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa. Nabalitaan niyang
mas madali ang pagtitinda ng prutas, mas mabilis ang kita; mas mabagal naman sa damit, at mas mababa pa ang tubo.
Nabalitaan din niyang kailangan niya ng maayos na tindahan o koneksiyong blackmarket para talaga mapatakbo ito. Ngunit
handa siyang sumubok. Kailangang palakasin niya ang kanyang utak, at di matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat.
Kahit maliit ang kikitain niya, hindi naman liliit pa iyon sa natatanggap niya bilang ulila, hindi ba? Bahala na.
Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang isang matabang mama na tinawag ni Tiya Luo
na Hepeng Li. Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na tawagin itong Tiyo Li. Walang ideya si Huiquan kung hepe ito ng ano at
kaninong tiyo ito, ngunit naaalala niya rito ang matatabang sumo wrestler ng Hapon.
“Hindi ka ba magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?” Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling
natutunan niya sa kampo.Kailangang yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardya, inspektor, at tagamasid na
nakikipag-usap sa kanila o nakatingin man lang sa kanila- iyon ang pagsasanay. Ginagawa na niya iyon dahil nakasanayan
na.
Ngunit halos di siya napansin ng mama -- tila ito isang lalaking tumitingin ng kung anong paninda. Pakiramdam ni
Huiquan ay isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas.
“Mabait siyang bata, tulad ng sabi ko. Tingnan mo’t namumula na siya.” Napatawa ang mama habang itinuon ang tingin kay
Huiquan.
“Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensya gayong maraming retirado at walang trabaho ang di-makakuha?” “Dahil
… dahil kailangan ko ng trabaho?”
“Kinakalinga ka ng pamahalaan; tiyak kong alam mo iyan. Huwag kang manggugulo at huwag kang sakim… nagkamali ka
na. Kalimutan mo na iyon, dahil kapag umulit ka, wala nang tutulong sa iyo.”
“Gagawin ko anuman ang ipag-utos ng pamahalaan.”
Isa na naman sa maraming islogan sa kampo. Nakabilanggo pa rin ang kaniyang isip at damdamin kahit pinalaya na siya
sa kampo. Kahit si Tiya Luo ay tumangu-tango. Saanman siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang
dapat at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kanya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili. Namalagi siya sa bilangguan.
Sila ay hindi at nararamdaman niya na ang mga babala, panlalait, at paalala ay para lang sa kaniya; gamitin ang ihian,
walang dudura, bawal pumasok, limang yuan na multa - lahat ay patungkol sa kaniya at tanging sa kanya lamang.
Habampanahon na may magpapahirap sa kaniyang buhay, magtuturo sa kaibahan niya at ng ibang tao, hihila sa kanya
paibaba. Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya magpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid
at nagmamatyag, Maraming taon na naman niyang ginagawa ito.
Masayang naglakad si Tiya Luo, di-pansin ang tamlay sa mukha ni Huiquan habang nakasunod ito na parang bilanggo.
“Halos Bagong Taon na. Pwede kang manatili ngayong bagong taon sa amin.”
“Sa palagay ko’y matutuwa na ang ina mo. Kung buhay siya, ipapangalandakan niya -- negosyante na ang anak ko;
maganda ang kinabukasan niya; hindi na siya katulad nang dati. Gusto kong pasalamatan mo ang nanay mo.”
“Sige po.”
“Bahala ka kung gusto mong mag-isa ngayong Bagong Taon pero hindi ibig sabihin na pwede kang uminom.”
“Hindi na maaga para mamili para sa Bagong Taon. Isda, manok – kung ano-ano pa. Kung hindi ka marunong magluto,
pumunta ka rito at tuturuan kita. Dapat lang na maayos ang Bagong Taon mo. Pagkatapos, dapat magtrabaho na. Ayusin
mo at hahanapan kita ng nobya. Ano sa palagay mo, bata?”
“Kayo ang masusunod.” Ngumiti siya ngunit matamlay. Ang isang yari sa kahoy at canvass na ambi ay aabot ng sandaan o
mahigit pa; kung may tatlong gulong, dagdag na tatlong daan pa mahigit. Wala nang matitira para sa paninda. Hindi pa nga
nagsisimula’y kailangan na niyang humugot sa naipon ng kaniyang ina. Kinabahan siya dahil wala na itong atrasan.
Isa o dalawang araw bago ang Bagong Taon, nakakita siya ng kakarag-karag at lumang tatluhang gulong na
sasaksyan sa East Tsina Gate Consignment Store na 230 yuan ang halaga. Ayos ang presyo pero napakasama ng
kondisyon at di-masasakyan. Mukhang maayos ang balangkas- kahit paano’y napanatili ang hugis; walang gulong, pero
mapakikinabangan pa rin ang gilid at rayos ng gulong; walang kuliling , walang kadena, at walang tapakan, ngunit may
preno at pedal. Hindi siya makapagpasya at pinag-isipan niya sa lahat ng anggulo. Nalibot na niya ang buong bayan. Ang
mga bagong sasakyan ay nagsisimula sa apat na raan, wala namang ipinagbibiling umaandar pang segunda mano. Sa
isang groseri, nakakita siya ng isang sasakyang yari sa kawayan na mukha namang matibay, ngunit parang may mali rito.
Kung magtitinda siya ng damit, kakailanganin niya ang tatluhang gulong – para naman presentable.
“Tamang-tama. Hindi ka magsisisi. Kung poste ng telepono, o kongkreto. O iba pang katulad, hindi ko ‘to irerekomenda.
Pero para lamang pala sa ilang tumpok ng damit. Di ka gagastos ng higit sa sandaan sa pagaayos nito, at pwedeng
tumagal pa ng lima, anim na taon.”
“Bakit di-gumagalaw?”
“Matigas ang preno. Aayusin ko.”
Ibinigay ni Huiquan ang pera, at kinaladkad ang walang gulong na sasakyan mula East Tsina Gate patungong
Dongsi, at mula roon, papuntang Chaoyong Gate. Dahil sa kanyang natatanging sasakyan, naging sentro siya ng atensyon,
bagaman hindi naman nakapipinsala ang mga tingin sa kanya. Matapos bumili ng ilang parte sa pagawaan ng bisikleta sa
labasan ng Chaoyong Gate Boulevard, tinulak niya ang kanyang sasakyan patungong East Lane ng Kalyeng Spirit Run
papasok sa gate ng bilang 18. Ang berdeng bayong na nakasabit sa kalawanging hawakan ng sasakyan ay napuno ng
tinimplang baka, dalawang pinakuluang manok, may yelong isda, apat na paa ng manok at isang bote ng alak – hapunan
para sa Bagong Taon. Binili niya at madaling nakuha dahil ayaw na ayaw niyang nakapila at wala naman siya talagang
hinahanap para sa kanyang hapunan. Mas iniintindi niya ang kaniyang sasakyan, ang kanyang bagong kaibigan, ang
kaniyang tahimik na kasama.
Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan, bisperas ng Bagong Taon. Dumaan ito habang naglalagare siya ng
kahoy, nakalambitin sa kaniyang bibig ang isang pirasong manok. Tumanggi na muna siya. May naamoy ang Tiya at
inangat nito ang takip ng palayok. Pinalalambot ang paa ng manok sa kumukulong sabaw. Walang makikitang berde – hindi
balanseng pagkain. Sira na ang manggas ng kaniyang panlamig; puno ng kusot ang kaniyang sapatos at laylayan ng
pantalon; marumi at mahaba ang kaniyang buhok. Naawa si Tiya Luo sa kaniya, ngunit tumanggi pa rin si Huiquan.
Ginagamit pa rin niya ang kahoy na iniwan ni Hobo, desididong gumawa ng magandang patungan para sa kaniyang
sasakyan.
Bumalik si Tiya Luo para imbitahan siyang manood ng TV - nakatatawang palabas at iba pang kawili-wiling
programa. Hindi dapat palampasin. Ngunit umiling siya, hindi man lang tuminag sa kaniyang paglalagare.
“Marami namang panahon. Huwag mong tapusin agad lahat. Di ka dapat magpagod, Bagong Taon pa naman.”
Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y
sasabog na ang mundo. Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak. Matagal na pinalambutan ang paa ng manok
kaya halos matanggal na sa buto ang mga laman nito. Tama naman ang pagkaluto, medyo matabang, marahil, kaya
nilagyan niya ng kaunting toyo ang plato at isinawsaw niya ang laman dito, at kumain at uminom siya hanggang sa
mamanhid ang kanyang panlasa. Maaaninag sa kaniyang bintana sa kaniyang likod ang pula at berdeng ilaw
paminsanminsan. Karangyaan kahit saan ka lumingon, mula sa mga taong kuntento sa kanilang buhay. Ano ang balak ng
milyong taong ito ? Ano ang ipinagsasaya nila?
Siguradong hindi siya kabilang sa kanila. Kung buhay si Ina, panahon iyon ng pagbabalot ng dumpling, iyong
maliliit na pagkaing pumuputok sa bibig na parang kendi. Gustung-gusto niya iyon. Sa unang Bagong Taon niya sa kampo,
pitumpu’t anim ang nakain niya sa isang upuan, hanggang sa mabusog siya nang sobra’t hindi na siya halos makaupo, at
ginugol niya ang buong hapon sa paglalakad sa laruan. Gayunman, kahit ang alaalang ito ay hindi nakapagpasaya sa
kaniya. Malagkit ang mga kamay niya dahil sa pinalambutang paa ng manok at sapin ng malagkit na baboy, at nahihilo na
siya dahil sa alak.
Lumabas siya at tumayo sandali sa bakuran. Walang lamig, walang hangin. Makulay ang langit; maraming paputok
sa lahat ng dako. Ang bakuran, na may mahigit sa pito o walong talampakan ang luwang, ay tulad ng balon sa ilalim ng
kumikinang na bughaw na langit. Isang stereo ang bumubuga ng awit, iyong tunog na di-maintindihan. Naiisip niyang
mataba at pangit ang mang-aawit. Nakapanood na siya ng ganito sa TV – magagandang boses at ngiti ngunit pangit ang
hitsura nila. Kumikisay sila sa iskrin, ang mga kilos ay nagpapatingkad lamang sa kanilang kapangitan at ang mga awit nila
ay ginagawang mga sigaw at halinghing. Magagandang babae lamang dapat ang ipinakikita sa TV, subalit maaaring
nagkukulang na ng suplay. Bagaman lumalayo na si Huiquan sa mga babae, sumasagi pa rin sa isip niya ang imahen ng
magagandang dalaga. Wala sa mga ito ang kilala niya dahil labo-labo na ang mga ito sa kanyang utak – malalabong
imahen na ang intensyon ay malinaw at tiyak. May mga panahon, natatanging panahon, kung kailan pinapangarap niyang
mapasasayaw niya sa kaniyang isip ang mga imahen. Ngunit sa totoong mundo man o sa mundo ng ilusyon ay hindi niya
mapasunod ang mga ito. Walang magawa, napilitan siyang tanggapin ang kaniyang kahinaan.
Ang isip ni Huiquan ay nabaling sa malalaswang dingding -- dingding ng banyo na ang mga sugat ay hindi mabura,
ginulping dingding na halos iguho ng malalaswang pag-atake. Kakaiba, malaswang isip at dumi ay kakatuwang
napapagsama nang maayos doon, pinupuwersa siyang harapin ang maruming katawan na pinipilit niyang itago. Mag-isa sa
bisperas ng Bagong Taon, idinagdag niya ang sarili niyang mga pantasya sa mga naroon sa maruruming dingding. Hindi
pala ang mga babae kundi marahil sa sarili pala niya siya naririmarim.
Sa sarili niyang paraan, inalagaan niya ang kaniyang sarili. Magulo, siyempre pa, ngunit gusto niya ang gayon,
lihim, ligtas, at di-komplikado. Mas maraming mapagtataguan sa kampo kaysa kaya nilang bilangin – taniman, maisan,
daluyan ng irigasyon, di pa nabubungkal na bukid – na ang tanging nagmamasid sa kaniya ay ang langit sa itaas at ang
lupa sa ibaba. Nang naroon na siya, wala na siyang pagtingin kay Xiaofen, kaya wala nang direksyon ang kaniyang
pagkahumaling. Bahala na. Alam niyang pinaglalaruan siya ng mga demonyo at wala siyang lakas para labanan ito.
Pagod na siya. Paubos na ang mga pagputok. Ang madalang nang pagputok ay nagpatingkad sa kalaliman ng
gabi. Puno na ang mg tao ng kasiyahan, pagkain, at laro, at oras ba para matulog ang lungsod, bago magbukang-liwayway.
Wala siyang kasama, at pakiramdam niya’y nawawala siya. Labas sa kaniyang mga pantasya, wala siyang makitang babae
na karapat-dapat sa kaniyang pagmamahal.
Si Luo Xiaofen, wala na sa kanyang isip, ay hinding-hindi ang babaeng iyon. Hindi pa niya nakikita ito simula nang
lumabas siya. Nagbabakasyon ito sa Harbin kasama ng kaniyang nobyo, isang assistant sa kolehiyong normal, at isang
gradwadong mag-aaral sa matematika si Luo – isang tambalang itinadhana ng langit. Ibinalita ni Tiya Luo, masaya at
nagmamalaki, na magpapakasal na ang dalawa sa Mayo. Si Luo Xiaofen – kababata ni Hiuquan, sabay silang nag-
elementarya hanggang gitnang paaralan, ngunit ngayon, wala na siyang pagkakatulad. Nasa Harbin si Luo, samantalang
siya, nasa kalyeng Spirit Run, sa isang madilim na sulok, gumagawa ng hamak na bagay. Ngunit ito ang tadhana.
Hinahamak siyang lagi ng tadhana.
Sa unang araw ng bagong taon, pinagkaabalahan niya ang kaniyang sasakyan, sa ikalawang araw, inilabas iyon
para paandarin. Tuwang-tuwang siya sa mga sisidlang ginawa niya. Nagbisekleta siya para tingnan ang mga pakyawan,
para pag-aralan ang mga lokasyon nito. Sa ikalima pa ang takdang pagbubukas ng mga ito, tila pinagkaisahan siya.
Walang magagawa hanggang sa araw na ito.
Matapos sumulat sa Instruktor Politikal Xue at ipadala ang liham, dumaan si Huiquan sa isang tindahan ng libro at
bumili ng mga kopya ng “Mga Multo sa Isang Lumang Sementeryo at Mga Babaeng Ahas”. Pagbalik sa bahay, humilata
siya’t nagbasa habang kinaing-isa-isa ang saging. Nitong mga nagdaang araw, nakaubos siya ng isang piling hanggang sa
naging madulas ang kanyang bituka at napapapunta sa inodoro buong araw. Maayos naman ang mga libro; hindi lang siya
makaalala ng istorya. Kaya’t binabasa niyang muli, at parang bago at kawili-wili pa rin sa ikalawang pagbasa. Matapos
niyang basahing muli ang mga libro, itinabi niya ito at ang mga pader ay tila blangko at maputla. Saging pa. Itinuturing na
niyang mga gago ang mga awtor. Nakababato. Gayon pa rin bukas, at may pakialam ba siya? Ano ang pagkakaiba ng
malaki at maliit na daga? Parehong pangit; parehong patagu-tago.
Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may daanan sa timog ng Silangang tulay. Dito ang mga numero ay nakapinta
nang puti sa mga ladrilyo na nasa isang mahabang hanay ng tigdadalawang kwadrado-yardang pwesto; ang iba ay
okupado, ang iba ay hindi. Matapos niyang ayusin ang kaniyang tindahan, tinakpan niya iyon ng ambi at inayos ang
kaniyang sasakyan para magsilbing harap ng tindahan. Sa bandang kaliwa niya ay ang daanang silangan-kanluran, sa
bandang kanan, ang katapat nitong hilaga-timog. Nasa tapat mismo ng paradahan para sa Eastbridge Department Store.
Nasa gilid siya ng alimpuyo ng mga tao, parang di humihinto.
Wala isa man lang na tumingin sa kaniyang paninda. Pagod pa sa nagdaang okasyon, ang mga dumaraan ay
palaiwas o bugnutin. Ang kaniyang designasyong ay Timog 025. Hindi magandang puwesto. Siya ang ika-25 tindero ng
damit sa isang mahabang yardang lugar. Ang mga tindahan ng pagkain ay nasa hilagang bahagi ng kalye, na may di
kulang sa anim na nagtitinda ng inihaw na kamote at ilan pang matatandang naglalako ng malamig na dalandan at halos
bulok nang saging.
Napuno ng kulay berde sa kaniyang tindahan – isang bunton ng walong kulay-olibang kasuotang pang-army.
Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa. Niloko siya ng matandang lalaki sa pakyawan. Hindi maitinda
ang mga kasuotan, panlamig na angora, at sapatos na gawa sa canvass. Ang naitinda lamang niya nang araw na iyon ay
mga angora, madaling naubos ang dalawampung piraso. Mangyari pa, iyon ang pain para sa iba pang paninda. Ang
pakyawan ay tres-diyes. Ibinenta niya ang una ng apat na yuan at ang huli, sais-beinte. Walang kinailangang magturo sa
kaniya. Natuto siya nang iabot sa kaniya ng unang kostumer ang pera ; huwag kang matataranta sa pera at kalimutan mo
na ang pagiging magalang. Sumigla siya, sa kung anumang dahilan; kumislap ang mata niya, at napanatag siya. Sa wakas,
isang bagay itong may kontrol siya.
Gusto sana niyang magtago ng isang gora para sa sarili. Para itong Ku Klux Klan na talukbong – mga mata lamang
ang makikita – at iyon ang kailangan ng nagtitinda. Pakiramdam ni Huiquan ay makapangyarihan siya, tulad ng
misteryosong matanda na naglalako ng minatamisan na nakatayo sa harap ng Eastbridge Department Store, sa dinaraanan
mismo ng hangin, ilang oras na walang imik, walang kibot. May mga kostumer siya – hindi marami, kaunti – ngunit hindi na
matagalan ni Huiquan na panoorin siya, alam niyang maaari siyang sigawan nito kapag nagpatuloy pa siya.
“Sapatos na tatak-Perfection mula sa Shenzhen free economic zone. Sapatos, tatak-Perfection, gawa sa Shenzen…”
Nagulat ang mga naglalakad sa sigaw niyang ito. Narinig na niya ang ganitong pagtawag sa Gate ng Silangang
Tsina at sa Bukanang Gate, ngunit hindi niya alam kung kaya niya ang ganito. Mahirap, sa isip niya; hindi niya kaya.
Ngayon, alam na niyang mali siya sa pagtantya sa sarili.
Sa pagkakataong ito, napakasama ng tunog, ngunit tila walang nagulat. Ilan pang segundo, nasanay na ang mga
mamimili sa kaniyang kakaibang sigaw. Maipagkakamaling galing sa aso o sa kotse, at hindi pa rin papansinin ng mga
namimili.
Kung makasisigaw lang talaga siya ng kung anong malaswa para mapansin. Buong araw, binantayan niya ang
kaniyang tindahan, mula umaga hanggang oras ng hapunan, ngunit wala siyang nabenta, isa man lang panlamig na angora
o isang pares ng sapatos kaya -- wala maliban sa dalawampung angora. Kahit iyon lang, ang may katandaang babae sa
kaniyang kanan ay naiingit, dahil gayong mas matagal na ito rito, naibenta lamang nito ay pares ng medyas at dalawang
panyo. Ang tindahan sa kaliwa ay binabantayan ng isang lalaking dadalawampuin na muntik nang mapaaway sa isang
kostumer dahil sa isang jaket na balat. Ang sabi ng kostumer, iyon ay imitasyon; ipinilit ng tindero na tunay iyong balat.
Kinusot iyon ng kostumer at iginiit na imitasyon iyon mula sa ibang bansa. Naubos na ang pasensya ng tindero. Alam ni
Huiquan na tunay iyong balat, ngunit hindi siya nakihalo sa gulo. Walang dahilan para sumangkot. Nang ang lalaki ay nag-
alok sa kanya ng sigarilyo, tumanggi siya. At siya naman ang nagsindi, di niya pinansin ang lalaki. Wala siyang balak na
mapalapit kaninuman. Kailangang mag-ingat kapag sangkot ang ibang tao.
Siya ang huli sa hanay ng mga tindahan na nagsara ng araw na iyon. Alas nuwebe na, kalahating oras matapos
magsara ang department store. Madilim ang paradahan, halos walang nagawa ang mga ilaw sa kalye; wala nang kostumer
sa gabi. Nagsasara na rin ang tindahan sa tapat, na binabantayan ng dalawang lalaki, ngunit kahit gabing-gabi pa, parang
ayaw pa nilang tapusin ang araw; may lungkot at panghihinayang sa kanilang tinig.
“Medyas na nylon, pasara na ! Otsenta sentimos ang isang pares … otsenta sentimos isang pares ! Paubos na ang
medyas na nylon. Huling tawag ! Medyas na nylon …
Dumaan ang kanilang sasakyan sa gilid ng kalye patungo sa daan, sa direksyon ng tore ng pamilyang Hu. Pumedal
ang isang tindero samantalang ang isa ay nakaluhod sa sasakyan at iwinawagayway ang isang pares ng medyas na nylon.
Sandali lang ang kanilang lungkot na mabilis na pinalitan ng pambihirang tuwa. Ang kanilang mga tinig – isang mataas,
isang mahina – ay iginala ng hangin sa gabi. Sa sumunod na araw, nakabenta siya ng muffler.
Sa ikaapat na araw, wala pang kalahating oras pagkabukas niya ng tindahan, nakapagbenta siya ng kasuotang
pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Pagkagaling sa Estasyon ng Beijing,
tumungo sila sa hardware sa tore ng pamilyang Hu, at nang marating nila ang Silangang-tulay, nagkulay talong ang
kanilang labi dahil sa lamig. Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan, at ang kanilang pera ay
mabilis niyang isinilid sa kaniyang bulsa. Bago siya nakapagtinda, matamlay niyang hinarap ang negosyo, ngunit nagbigay
ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero. Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang
panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang
makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad, Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ? Nag-iisip si
Huiquan.
- Mula sa Raya : Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan sa Filipino ni Aurelio S. Agcaoli,2005
Para sa karagdagang kaalaman. Panoorin ang pre-recorded lecture video na matatagpuan sa google drive o sa Facebook social group ng inyong klase.
. Unawa at Ugnayan
2. Ilarawan ang tagpuan ng kuwento. Sa iyong palagay, anong panahon naganap ito? Patunayan.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
Pag-aralan at Suriin mo
Bawat manunulat ay may kaniya-kaniyang paraan sa pagbuo ng maikling kuwento. Maraming paraan kung paanp
ito isasagawa subalit nakasalaylay pa rin sa manunulat kung saan siya hiyang sa pagbuo niya ng kuwento. Narito ang ilang
mga mungkahing pahayag sa pagsisimula, pagpaapdaloy, at pagtatapos ng kuwneto:
1) Pagsisimula
Karaniwang panimula sa mga pabul, alamat, kuwentong-bayan, epiko at iba pa:
Noong unang panahon sa malayong bayan ng San Roque ay may nakatirang salamangkero.
Naglalarawan sa tagpuan:
Malamig ang simoy ng hangin noong nagpasiyahan naming mamasyal sa lawa.
Tiyak na binabanggit ang oras:
Ala-una ng madaling-araw nang nagising kami sa napakalakas na sigaw.
Naglalarawan sa pangyayari:
Sunog1 Takbo! Bilis! Alalayan ninyo ang matatanda at mga bata.
Ipinakikilala ang tauhan:
Si Rosa ay pinangingilagan sa kanilang nayon dahil sa kaniyang pambihirang lakas.
Paggamit ng pagbabalik-tanaw:
Nagunita niya ang kanilang masasayang sandali habang pinagmamasdan ang kanilang mga larawan.
2) Pagpapadaloy. Maging malikhain sa pagpapadaloy ng iyong kuwento dahil nakasalalay kung ano ang iyong napili
sa pagsisimula upang maipagpatuloy ang daloy nito:
Halimbawa:
“Hindi ko inakalang sa loob ng sampung taon ay makakaya ko siyang haraping muli.”
Sinundan niya ang mga malungkot na yapak ng kanilang paghihiwaaly ng landas.”
Mabilis na tumakbo ang binat at sinagip ang dalagang muntik nang mahagip ng sasakyan na nawaln ng
preno.”
3) Pagtatapos
Hinahayaang ang mga mababasa ang siyang magbigay ng wakas:
Marahang tumango ang dalaga matapos marinig ang katotohanan.
Malinaw na nakalahad ang wakas:
Masayang namuhay ang mag-anak sa kabila ng matinding trahedyang naranasan.
Nagbibigay ng aral na kapupulutan ng mga mambabasa:
Kaya pakatatandaan na ang pagsisisi ay palaging nasa huli kaya pahalagahan ang mga taong
nagmamahal at palaging nariyan sa iyong tabi.
Jean Lopez-Roya, Diana Gracia L. Lacano, Maida Limosnero-Ipong, Sinag sa Ika-21 na Siglo, Valenzuela City, Jo-Es
Publishing, Inc. p.159-175
Abad, Marietta A. Retorika III. Pasig City: National Book Store, 2003.
Aganan, Fernanda P. et.al Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino. Sentro ng Wikang Filipino. Quezon City, 1983
Agcaoili, Aurelio S. Raya : Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan sa Filipino IV. C & E Publishing, Inc., 2005.
Andrada, Lolita M. Sandigan I : Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino. Arrogante, Jose A. et.al.
Panitikang Filipino Antolohiya. Mandaluyong City: National Bookstore, 2004
Inihanda ni:
JETHRO G. OREJUELA
09267374628/09701467712
[email protected]
Pangalan: ____________________________________________________ Antas/Seksyon:
__________________
Guro: ________________________________________________ Asignatura: Filipino 9 Sinag sa Ika-21 na Siglo
Uri ng Pagtataya: Formativ na Pagtataya/Linggo 9 Araw ng Pagpasa: __________________________________
May kaugnayan ba ang mga pangyayari sa maikling kuwento sa pang-araw-araw na buhay ng tao?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagmamarka:
Mga Krayterya Bahagdan
Nilalaman (5 puntos)
a. Kaugnayan sa Paksa
b. Katumpakan ng Talakay
c. Mensahe
Kaayusan (5 puntos)
a. Kaisahan
b. Organisasyon
Kawastuhan (5 puntos)
a. Balarila
b. Angkop na Pagkakagamit sa mga Salita
Kasanayang Pampagkatuto: Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa
nabasang kuwento.
Panuto: Iugnay ang sariling karanasan mula sa binasang kuwento. Banggitin ang pangyayaring nagpapakita ng
kultura sa akda at ang kaugnayan nito sa sarili.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
Kasanayang Pampagkatuto: Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring gamitin sa isang
pagsasalaysay.
Panuto: Bilang isang Pilipino ay mahalagang kilala mo ang iyong sariloing kultura. Upang mapatunayan mong
ipinagmamalaki mo ang iyong lahit at pinagmulan. Ilarawan mo an gating kultura sa pamamagitang ng isang
sanaysay.
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at
pagtatapos ng isang kuwento
Panuto: Pumili ng isang bansa mula sa Silangang Asyat at pag-aralan ang kultura nito. Pagkatapos ay bumuo ng
isang maikling kuwento na sasalamin sa kulturang iyon. Gamitn ang iyong natutuhan sa pagsisimula pagpapadaloy,
at pagtatapos ng kuwento.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Mga Krayterya Bahagdan
Nilalaman (5 puntos)
a. Kaugnayan sa Paksa
b. Katumpakan ng Talakay
c. Mensahe
Kaayusan (5 puntos)
a. Kaisahan
b. Organisasyon
Kawastuhan (5 puntos)
a. Balarila
b. Angkop na Pagkakagamit sa mga Salita