Ang Babaeng Natintahan
Ang Babaeng Natintahan
Ang Babaeng Natintahan
Poon: Ya!Ya! nariyan ka ba Taro? Taro: Ha! Poon: May magandang balita ako . Malaking lupa ang naidadag sa pag-aari ko. Taro: Binabati ko kayo Poon: Akoy bibisita sa aking kerida..Ano sa palagay mo? Taro: Mahusay ang pinaplano mo.. Taro: Binibini, dumating na ang poon niyo Kirida: Ha! Ikaw ba yan Taro? Sinabi mo nang narito na ang mahal kong Poon? Taro: Siya nga binibini Kirida: Totoo! Hindi ko inaasahan ito. Anong masuwerteng hangin ang nagtangay sa inyo rito? Poon: Natutuwa akong Makita kang mabuti ang lagay. Kirida: Kamustang mahal kong Poon? Matagal na kitang hindi nakikita Taro: Wala naman pong masama kung malaman niya Kirida: Ano Yon. Kinakabahan ako Poon: Huwag! Natagalan kami sa kabisera dahil sa kaso pero sa wakas nanalo ako. Dahil kailangan ko umuwi kaagad, nagpunta ako para magpaalam. Kirida: Totoo ba ang narinig ko? Uuwi ka na? Kung gayon ay din a kita makikita muli. Ay mahabaging langit. Poon: Kahit na uuwi na ako, ay babalik din ako kaagad. Kaya wag ka na malulungkot at hintayin mo na lang ako. Kirida: Sinasabi mo lang yan ngayon, pero pag nakauwi ka na, ay hindi mo na ako maiisip Taro: Ano itong nadiskubre ko? Akala koy totoong umiiyak pero naglalagay lang siya ng tubig sa mukha. Sandali lang Poon ko, halina muna kayo. Akala niyo bang totoong umiiyak yan? Niloloko lang kayo ng babaeng yan. Tubig lang yan galing sa mesa Poon: Anong lokohan to? Hindi mo ba nakikitang tunay ang pagiyak ng pobre sa paghihiwalay namin? Kirida: Pinakamahal kong Poon, Saan ka nagpunta? Halika sa piling ko. Poon: Ipagpaumanhin mo may sinabi lang sa akin si Taro. Taro: Imposible namang mabulagan ang amo ko sa pandaraya ng babaeng yan. Alam ko na! May binabalak akong gawin. Magaling wala siyang alam sa ginawa ko. Kirida: Hindi ko makakayanan mawalay sa inyo kahit saglit lang. Pero ngayon, ito ang huling pagtatagpo natin. Mamatay ako sa lungkot. Taro: O! Poon! Sandali po lamang! Poon: Bakit na naman? Taro: Dahil ayaw mong maniwal sa akin, pinalitan ko ng lalagyan ng tubig ng lalagyan ng tinta. Tingnan niyo ang mukha niya! Poon: Tama ka! Ano ang gagawin ko. Alam ko na. Bibigyan ko siya ng salamin. Mapapahiya siya ng husto. Makakaasa ka ng paguwi kot pagkapahinga ipapasundo kita. Pero hanggat hindi nangyayari iyon, heto tanggapin mo ang regalo ko. Kirida: Ano ito? Sinong naglagay ng tinta sa mukha ko? Mababaliw ako! Ikaw ba ang naglagay nito? Poon: Hindi ako! Wala akong kinalaman diyan. Si Tarong nagpakana niyan. Kirida: Akala mo ba labas ka sa usaping ito? Hindi ka makakatakas sa akin! Sasabuyan din kita! Poon: Huwag, Huwag mong sabuyan ang mukha ko. Patawarin moko, Patawarin moko. Kirida: Ikaw din Taro. Isa ka pa. Pangit na mukha mo. Taro: Huwag! Maawa ka! Kawawa naman ang mukha ko! Patawad, Patawad. Kirida: Hinding-hindi kita mapapatawad. Huwag ninyong hayaang makalayo ang taong yan! Hulihin yon!