Ang Pinagmulan NG Tatlumput Dalawang Kuwento NG Trono

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono

Noong unang panahon sa isang isang lugar na nangangalang Bharat,


na ngayon ay India, ay naninirahan ang isang binatang kasama ang
kanyang ina. Kasama sila sa hanay ng mga Brahman at sila'y salat sa
salapi. Gustuhin man ng binata na mag-asawa ngunit wala siyang
maiaaalay na salapi sa pamilya ng kanyang mapapangasawa.

Ngunit sa tulong ng kanyang ina'y nakapag-asawa ang binata ng


dalagang nagngangalang Mela. Si Mela ay isang mapagmahal, maganda
at masipag na asawa.

Isang araw, naubos ang perang nalikom ng lalake kaya't napag-


isipan niyang lumuwas ng lungsod. Sinubukan ni Mela na pigilan ang
asawa ngunit siya'y nagbigo. Sa hindi inaasaha'y may isang espiritung
nakarinig ng usapan ng mag-asawa tungkol sa pag-alis ng lalaki. Kaya't
nagplano ang espiritu na agawin ang pamilya ng lalaki. At nang dumating
ang araw na umalis ang lalaki'y nagpanggap ang espiritu; naging
magkamukha sila ng lalaking umalis papunta sa lungsod. Hindi naman
nahalata ni Mela at ng ina ng lalaking hindi pala siya ito.

Nagtrabaho nang mabuti ang lalaki upang magkaroon ng maraming


salapi habang ang espiritu'y inaagaw ang pinakamamahal niyang pamilya.
Pagkalipas ng isang taon ay naisipang umuwi ng lalaki sa kanyang pamilya
at nabigla siya sa kanyang nakita: ang kanyang ina, asawa at isang
lalaking kahawig na kahawig nya. Pinalayas ng espiritung impostor ang
lalaki at dahil sa hindi nito mapatunayang nagsasabi siya ng toto ay lumapit
siya sa kanilang Raja.

Agad pinulong ng Raja ang lahat upang suriin kung sino sa Brahman
at sa lalaki ang impostor. Ngunit nabigo ang Rajang tukuyin ang kanilang
pagkakaiba dahil pareho nilang alam ang lahat ng itinanong sa kanila.
Bigong bigo ang binatang makauwi pa sa kanyang pamilya.

Habang siya'y naglalakad, may isang batang nagrekomenda sa


kanyang magtanong sa Raja. Ngunit wika nya'y nanggaling na siya roon.
Ibang Raja ang tinutukoy ng mga bata kaya't madali nila siyang dinala sa
isang batang nakatayo sa harap ng bunton ng lupa, Hindi agad naniwala
ang binata sa tinutukoy na raja ng mga bata kaya't binalak niyang umalis
ngunit pinilit siya ng mga batang sabihin ang kanyang problema. Agad
naman itong ikinuwento ng Brahman dahil sa seryosong pananalita ng
Batang Raja. Dali-daling sinabi ng Batang Rajang malulutas niya ang
problema nito sa isang kondisyon at ito ay dapat niyang dalhin ang lahat ng
tao at ang kanilang Raja sa pagdeklara ng Batang Raja kung sino nga ba
ang totoong asawa ni Mela.

Ang pagsubok na magsasabi kung sino nga ang tunay na asawa ni


Mela'y kailangan nilang pumasok sa loob ng isang bote na may maliit ng
butas at mahabang leeg. Talagang inamin ng Brahman na hindi niya kaya
ang pagsubok na ito sapagkat sadyang napakalaki niya para sa butas ng
bote. Agad siyang napanghinaan ng loob dahil hindi niya nagawa ang
pagsubok. Samantala ay tinanong ng Batang Raja kung magagawa ng
espiritung lalaki ang pagsubok kaya nagmadali ito at naging hangin na
pumasok sa loob ng bote. Agad namang isinara ng Batang Raja ang bote!.

"Siya ang tunay na Brahman!” turo niya sa binata.


“Pinagsamantalahan ng espiritu ang iyong hangarin sa yaman kaya't
nagbalat-kayo siya bilang ikaw."

"Ang tunay ko pa lang kayamanan ay ang aking pamilya," nagsisising


sinabi ng binata.

Agad tinanong ng Raja kung saan nakuha ng bata ang ganoong


katalinuhan at agad namang sinabi ng bata na tuwing nakatayo siya sa
bunton ng lupa ay nagiging matalino siya.

Mabilisang pinahukay ng Raja ang lupang iyon at natagpuan ang


isang tronong may tatlumpu't-dalawang anghel na nakaukit dito. Agad
umupo ang Raja sa trono upang maging tanyag din sya dahil sa
katalinuhan katulad ng Batang Raja.

Habang nakaupo ang masayang Raja'y may narinig siyang isang


tinig na nanggaling sa pigurang anghel at nagabing, "Hinto! Ang tronong ito
ay pagmamay-ari ni Raja Vikramaditya. Bago ka maupo rito'y kailangan mo
siyang mapantayan sa katapangan at karunungan kaya't makinig ka sa
aming mga kuwento tungkol sa kanya."

Agad-agad namang nagkuwento isa-isa ang tatlumpu't dalawang


anghel at pagkatapos ng huling istorya'y napag-isipan ng Rajang hindi pa
siya karapat-dapat sa trono sapagkat ang mga kuwento'y tungkol sa
kabutihan, lubos na katapatan, walang kinikilingan at pagiging
makatarungan ni Raja Vikramaditya.

You might also like