Alamat
Alamat
Alamat
Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay may
iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming
kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa
pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.
Noong mga unang panahon may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Wala itong pinatatawad.
Ang ulupong na ito ay may pitong ulo at ang labing-apat na butas ng ilong ay nagbubuga ng usok.
Wari bang wala nang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang
napapatay dahil sa pagbubuga niya ng apoy kapag siya ay nagagalit.
Kumunsulta si Haring Ma-ao sa mga pantas at isang manggagamot ang nagmungkahi na kailangang
mag-alay sa ulupong ng isang magandang dalaga upang ito ay mapatigil sa pamiminsala.
Ipinaabot naman ng pari sa mamamayan ang utos na iyon. Sa takot nilang sila ang ialay, nagpinta ng
mukha ang mga dalaga. Lahat sila ay pawang pumangit na.
Makalipas ang ilang buwan, bigong bumalikang pari at "Wala na pong magandang dalaga. Nasunog
na ang kanilang balat at mukha nang abutin sila ng apoy na ibinubuga ng ulupong. Tanging si
Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito," pagbabalita ng pari kay Haring
Ma-ao.
Nalungkot ang Hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari.
Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Ipinahayag niya sa
Hari ang kanyang nasang pagtulong na puksain ang ulupong. Napangiti si Prinsesa Talisay at nawika
niya sa sariling, "Salamat, ipagdarasal ko ang kanyang tagumpay at kaligtasan. Napakakisig niya."
"Matapang ka magiting na binata. "Kung mapapatay mo ang ulupong ay magiging iyo ang kalahati
ng aking kayamanan at ang aking kaisa-isang anak na si Prinsesa Talisay ay ma papasaiyo," may pag
hangang wika ng Hari.
Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa kanyang paglalakbay patungong bundok ay nasalubong
niya ang Langgam. "Hoy, langgam, ako si Laon. Sabihin mo kay Haring Langgam na may utos ang
panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok at papatayin
natin ang namiminsalang ulupong. Ito ay para rin sa inyong kapayapaan."
Gannon din ang sinabi ni Laon kay Haring Buboyog. Haring Lawin naman ay nag wikang. "Handa
kaming tumulong, Haring Khan Laon. Sabihin lamang ninyo ang aming gagawin."
Nagsisugod silang lahat sa bundok. Doon nagahap ang isang umaatikabong bakbakan. Halos
matabunan na ang ulupong sa dami ng langgam. Kinakagat nila ang mga pagitan ng kaliskis, singit at
leeg ng halimaw. Tinutusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng ulupong. Hindi nilapansin ang
ibinubugang apoy ng kalaban. Patuloy sila sa kanilang pakikipaglaban.
Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya
ng tulong sa kanyang amaing si Datu Sagay. Nagpasiya si Datu Sagay na sundan si Khan Laon upang
pigilan na ito sa iba pa niyang binabalak na gawin. Ipinagsisigawan naman ng taong bayan na si
Prinsesa Talisay ang ialay sa ulupong kapag nabigo si Khan Laon sa labanan.
Si Datu Sagay at ang kanyang mga kawal ay nakarating sa bundok. Inabutan nilang dinudukot ng
mga lawin ang mga mata ng halimaw. Lumapit si Laon at tinagpas ang mga ulo ng ulupong.
Nasaksihang lahat ni Sagay ang mga ito. Nakabalik sa kaharian sina Khan Laon, mga langgam, mga
bubuyog. Tuwang-tuwang ibinalita ni Datu Sagay ang kagitingan ni Khan Laon.
"Haring Ma-ao ang lahat po ng ito ay hindi ko magagawa kung wala ang mga kaibigan kung langgam,
buboyog at lawin. Sila ay ating pangalagaan sapagkat sila, tulad natin ay nilikha rin ng Diyos.
Maraming salamat sa inyong lahat mga kaibigan ko ang sabi ni Laon.
Noon din ay ibinigay ni Haring Ma-ao ang kalahating bahagi ng kanyang kayamanan at si Prinsesa
Talisay ay naging asawa ni Khan Laon. Naging maligaya ang dalawa. At magmula nga noon, ang
bundok na pinangyarihan ng kamatayan ng ulupong ay tinawag na Bundok Kanlaon upang bigyang
karangalan ang kabayanihan ni Haring Khan Laon.
Ang Alamat ng Mindanao
Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi
dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang
lalaki at may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang
prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan ang
kagandahang niyang taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan ni
Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook. Marami ang nanliligaw: mga
mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito,
walang tulak siyangkabigin. Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok
upang malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na si Prinsesa
Minda.
Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa layuning makuha ang kamay ni Minda.
Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit
may isang prinsipe ang nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing sultan. Ngunit,
bago siya sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa una ay sigurado
siyang magtatagumpay, ang ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kaya't muling nag-iisip .
Napagpasyahan niyang humiram ng mga kaing-kaing na ang mga ginto mula sa kanyang mga
kaibigang mayayaman at prinsipe upang makabuo ng labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang
ikalawang pagsubok ay kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan.
Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag nagkakatinginan sila ng
prinsesa ay para na ri siyang humahanga sa kanya. DAhil di kaila ang kagandahang lalaki ng prinsipe
at kakisigan. Nabatid ng prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa.
Sinimulan n a ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay niya sa kanyang mga
ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa
unang pagsubok sa dahilang hindi totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito ay may halong
imbento lamang.
Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung gaano karami ang kanyang
dalang ginto. Agad siyang sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang tagumpay ni Prinsipe
Lanao sa ikalawang pagsubok dahil may pito lamang tiklis nag into mayroon ang Sultan.
Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang dapat na sumunod niayang
gagawin pang ganap nang mapasakamay ang mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang
ikatlong pagsubok. Pagtulay sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay
sigurado ang iyong kamatayan .
Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang binata. Subali't lingid sa
kaalaman ng binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay upang mapaghandaan din ng Sultan ang
gagawing patibong upang ang Prinsipe ay hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe Lanao
upang makapagpahinga at mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na pagsubok
kinabukasan.
Subali't si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay ang mga tauhan ng Sultan
upang mahulog ang Prinsipe.Agad na pinasiyast ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na
patibong. Napag-alaman ng katulong na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng Pinsipe na
siyang magiging dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng Prinsipe.
Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong ang patibong upang walang
maging balakid sa pagtawid ng butihing Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang
pagsubok na siya namng pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi tuparin
ang pangakong kasalan. Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami ang
nasiyahan sa pamamalakad ng mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng Mindanao
na hango sa pangalang Minda at Lanao.
Noong unang panahon, isang binata ang nanirahan sa isang malaking pulo. Nabubuhay siya sa mga
sariwang gulay at prutas. Taga ilog ang tawag sa kanya. Minsan, isang matandang lalaki ang gustong
makituloy sa bahay niya. Napangiti ang binata dahil magkakaroon na siya ng makakasama. May
pagkakataong rin siyang makapaglingkod sa kapwa. Pinagsilbihan niyang mabuti ang matanda na
labis na humanga sa kanya.
"Salamat, napakabait mo," anang matanda. "Siyanga pala, napansin kong maraming ibon at isda sa
lugar na ito. Manghuli tayo para masarap ang ulam natin mamaya. "
"Naku, huwag po. Sila po ang mga kaibigan ko rito," magalang na tanggol ng binata.
Nalaman din ng matanda na bigay ng mga tagabukid ang nga damit ng binata dahil tinutulungan
niya sa pagtatanim at pag-aani ang mga ito. Lalong tumibay ang paghanga ng matanda sa kanya.
Marami namang natutunan ang binata sa mga pangaral ng matanda, tulad ng:
Mula noon ay naging malikhain ang binata. Dahil mabait at magiliwin sa mga nilalang ng Diyos, ang
binata ay tinawag na Irog. Napakinabangan ni Irog ang lahat ng tinuro ng natanda. Nagawa niyang
panali ang mga baging. Nakagawa din siya ng isang bahay-kubo sa gitna ng ilog. Nagawa rin niyang
higaan ang bunton ng mga water lily. Isang gabi ay mahimbing ang tulog ni Irog. Hindi niya
namalayang unti-unting umuusad ang kubo na parang itinulak ng mga isda. Nakapaligid naman sa
kanya ang nga ibon na nag-aawitan. Mataas na ang araw nang magising siya kinabukasan. May mga
gulay at mga prutas nang nakahain na dulot ng mga ibon. Malayo na ang kanyang narating.
Napadpad siya sa isang napakagandang batis. Ang batis ay kaakit-akit na tila isang paraiso.
Isang umaga, may nakitang isang grupo ng mga dilag si Irog. May pakpak ang mga ito. Kasalukuyang
naliligo sa batis ang mga dilag. Naakit siyang damputin ang isang pares ng mga pakpak na nakalapag
sa batuhan. Matapos maligo ang mga dilag ay malungkot na naiwan ang isa. Wala kasi itong maisuot
na pakpak. Hindi ito makalilipad. Iyak nang iyak ang dilag dahil iniwan na ito ng mga kasamahan.
Nagulat ito nang makita si Irog.
"Patawad po sa aking karahasan. Natuwa po ako sa mga pakpak ninyo kaya hiniram ko ng walang
paalam, " hinging paumanhin ng binata. "Ako nga pala si Irog. Ulila na ako at walang kasama sa
buhay. Kung mamarapatin mong mahalin kita ay pagsisilbihan kita habang buhay."
Hindi na nag-isip ng matagal ang dilag. Pumayag agad ito sa kanyang pagsamo. Tinawag itong Giliw
ni Irog.
"Sige, mamahalin kita sa isang kondisyon. Huwag kang mag-uuwi ng mga hayop na mabilis lumipad.
Kapag ginawa mo iyon ay mawawala ako sa iyong buhay."
Tuwang-tuwa naman si Irog dahil mapagmahal din ang dilag sa mga hayop. Nagkasundo sila ni Giliw
at tuluyan nang nagsama. Biniyayaan sila ng dalawang anak makaraan ang ilang taon. Pinangalanan
nila ang mga ito ng Tagumpay at Ligaya. Si Ligaya ay lumaking mabait at masunurin sa mga
magulang. Si Tagumpay naman ay masipag at mabait din. Minsan ay masaya silang nag-uusap nang
magtanong si Ligaya.
"Bakit kaya bihirang magsalita si Inay? Hindi naman siya pipi. Matalino naman siya at maraming
alam."
Sumagot si Irog. "Huwag kang magtaka, anak. Lagi ninyong tatandaan na kapag ang dagat ay
mababaw, ito ay maingay. Subalit kapag ang dagat ay malalim, ito ay tahimik. Makinig kayo sa payo
ng mga nakatatanda at lagi ninyo iyong tandaan: Ang maganda ay pulutin ninyo. Itapon naman
ninyo ang masamang gawain lalo na kung makasasakit ng damdamin ng inyong kapwa."
Minsan ay nagpahinga si Tagumpay sa lilim ng isang puno. Nagulat siya ng may ibong dumapo sa
balikat niya. Palibhasa ay magiliwin sa mga hayop kaya hinuli ni Tagumpay ang ibon at iniuwi sa
kanilang bahay. Tuwang-tuwa naman si Ligaya dahil sa iba-ibang kulay ng ibon. Agad nila itong
ipinakita sa ina.
At mabilis na nagtungo sa silid ang babae. Dagli nitong isinuot ang mga pakpak at dagli ring lumipad
palayo. Malungkot na ibinalita ng magkapatid ang paglisan ng kanilang ina. Mula noon ay naging
malungkutin na si Irog. Palagi siyang nagpupunta sa batis, nagbabakasakali siyang bumalik si Giliw.
Ang batis na ito ang pinagmulan ng isang magandang kasaysayan ng pag-ibig. Dito nagmula ang
pangalang Panay o Iloilo.
Ngayon, ang Panay o Iloilo ay isang malaking pulo sa Kabisayaan.
Sa isang bayan sa Mindanao ay may matandang babae na lalong kilala sa tawag na Tandang During.
Nakatira siya sa paanan ng bundok. Ang maliit niyang kubo ay nakatayo sa gitna ng malawak niyang
bakuran na naliligid ng mga puno.
Si Tandang During ay karaniwan nang ginagawang katatakutan ng mga ina sa kanilang malilikot na
mga anak. Sabi nila ay lahi ito ng mangkukulam kung kaya dapat iwasan.
Si Tandang During ay nasanay nang mamuhay na nag-iisa. Mula nang mamatay ang asawa at mga
anak ay hindi na siya umalis sa paanan ng bundok. Tahimik siyang tao at dahil matanda na ay mas
ibig pa niyang asikasuhin na lang ang mga tanim na halaman.
Masungit si Tandang During kaya iniiwasan ng mga tao. Noong kamamatay palang ng mga mahal
niya sa buhay ay marami ang nag-alok ng tulong ngunit tinanggihan niya. Sa gayon ay unti-unti na
ring lumayo sa kanya ang mga tao hanggang maging panakot na lamang siya sa makukulit na mga
bata.
Ilang taon ang nagdaan. Ang dati ay makukulit na mga bata ay malalaki na ngunit si Tandang During
ay gayon parin. Nag-iisa sa kubo sa paanan ng bundok at hindi naki-salamuha sa mga tao.
Isang gabi ay itinaboy ng hanging amihan ang isang kakaibang amoy sa komunidad. Hindi nila alam
kung ano ang amoy na iyon at kung saan galing. Nanatili ang amoy nang sumunod pang mga araw at
patindi nang patindi. Nagpasya ang mga tao na hanapin ang pinanggalingan ng amoy.
Nagkaisa silang puntahan ang kubo ni Tandang During nang ma tiyak na doon nanggagaling ang
amoy. Hinanap nila ang matanda ngunit hindi nila ito nakita. Sa halip ay nabaling ang pansin ila sa
isang puno na ang mga bunga ay may matitigas na balat at matatalim na tinik. Dahil sobrang hinoy
ay nagsisimula nang bumuka ang mga prutas. Isang lalaki ang umakyat ng puno para kumuha ng
bunga. Nagtakip sila ng ilong nang buksan ang prutas pero pare-pareho ring nasarapan sa lasa ng
prutas na iyon. Nagsipitas sila ng mga bunga at iniuwi sa kani-kanilang bahay.
Nang may makasalubong silang isang matanda na tagaibang lugar at itinanong kung ano ang dala
nilang prutas ay iisa ang sagot nila. "Bunga ng tanim ni Tandang During 'yan", sabi nila.
During yan ang pagkakaintindi sa kanila ng matanda. Kaya nang bigyan nila ito ng bunga at itanong
ng mga kakilala kung ano iyon ay sinabi nitong ang pangalan ng prutas ay during yan. Kalaunan ay
naging durian.
Ang Alamat ng Talon ng Maria Cristina
Si Datu Talim ay tanyag sa buong Magindanao hanggang sa Sulu dahil sa kagandahan ng kanyang
anak na si Maria Cristina. Ngunit hindi si Datu Talim ang tunay na ama ni Maria Cristina.
Isang araw ang kanilang bayan ay sinalakay ng mga tauhan ni Datu Talim. Tumakas ang mga tao
papuntang bundok. Bata pa noon si Maria Cristina at hindi pansin ang kaguluhang nangyayari.
Patuloy siya sa paglalaro nang damputin siya ng mga tauhan ni Datum Talim. Nanlaban ang ama ni
Maria Cristina ngunit siya-ay napatay din.
Ang batang si Cristina ay inialay kay Datu Talim na labis namang kinagiliwan nito dahil sa
kagandahang taglay. Minahal ng labis ng datu si Cristina at tinoring parang isang tunay na anak.
Lumaking napakaganda ni Cristina kaya lalong nakilala si Datu Talim. Marami ang nagkagusto sa
dalaga.
Isang binata na nagngangalang Prinsipe San-i ang sa mga masugid na manliligaw ni Maria Cristina.
ito ay makisig may matipunong pangangatawan at tunay na dugong maharlika. Sa madaling sabi ang
binatang ito ang nakabihag ng puso ni Maria Cristina. Namanhikan ang ama ni Prinsipe San-i na
isang Sultan ng Sulu at itinakda ang isang malaking kasalan.
Habang abala sa pagtatakda ng kasal ang magkabilang partido ang dalawang magkasintahan ay
nagkikita sa batis na may malalaking bato. Nagbabalak sila ng magagandang bagay para sa kanilang
kinabukasan.
Ngunit lingid sa kanila ay may isang dalagang mangkukulam na naninibugho kay Maria Cristina.
Isiniumpa niyang hindi-hindi matutuloy ang kasal ng dalawa.
Dalawang gabi bago pa ang itinakdang kasal naalaala ni Maria ang kanyan ina na matagal na niyang
hindi nakikita. Nagtungo siya sa batuhan sa may batis sa tagpuan nila ni San-i. Doon nag-iiyak si
Maria sa labis na pag-aalala sa kanyang ina. May pangako sa kanya si San-i na tutungo sila sa
Romblon para dalawin ang kanyang ina sa oras na matapos lamang ang kasal. Ipinikit niya ang
kanyang mata at pinaglaro sa kanyang diwa ang mga ala-alang kapiling pa niya ang kanyang ama at
ina noong siya ay isang musmos pa lamang.
Nasa ganitong kalagayan si Maria nang dumating ang pangit na dalagang mangkukulam buhat sa
kanyang likuran. Akala ni Maria ay ito na ang kanyang kasintahan ngunit laking gulat niya nang
isang pangit na babae ang kanyang namulatan.
"Alam mo, si San-i ay akin. Hindi matutuloy ang inyong kasal. Sige ipagpatuloy mo ang pagluha mo,"
sabi ng mangkukulam.
Lalo lamang lumuha si Cristina dahil sa kabila pala kanyang kaligayahan sapiling ni San-i ay may
isang pusong nagngingitngit. "Sa araw ng inyong kasal, si San-i ay hindi mo na makikita. Siya ay
inagaw mo lamang sa akin. Sige...ipagpatuloy mo ang pagluha, bago sumapit ang kasal mo, ikaw ay
magiging isang bundok. Ang luha mo ay dadaloy sa bayan patungo sa dagat," galit na pagbabanta ng
mangkukulam.
Sumapit ang araw ng kasal at labis na pagtataka ng lahat ay hindi sumipot si Maria Cristina. At lalo
pasilang namangha nang isang bundok na lumuluha ang kanilang nakita. Umilig ito sa bayan at
nagkaroon ng ilog. "Nasaan si Cristina, paano na ang kanilang kasal?" tanong ng mga tao.
"Ha ha ha! Ang natatanaw ninyong lumuluhang bundok ay walang iba't si Maria Cristina. Ang daloy
na kanyang luha ay magpapatuloy sa bayan at magiging ilog na daluyan sa Iligan," ang sabi ng
mangkukulam.
Mula noon ay hindi na nakita pa ang pangit na mangkukulam. Ang bundok na lumuluha ay tinawag
na Maria Cristina sa bayan ng Iligan.
Ang mga tao noon ay naninirahan sa kabila ng ulap. Isang araw, ang kaisa-isang anak na babae ng
datu ay nagkasakit. Hindi mapalagay ang datu.
“Tanod, may sakit ang anak ko. Humayo ka, papuntahin mo rito ang manggagamot. Ngayon din!
“Magagawa ng matandang lalaki ang anuman na makagagaling sa kanya!” ang sabi ng datu.
Sinuring mabuti ng matandang manggagamot ang maysakit. Pagkatapos ng pagsusuri, nag-usap ang
manggagamot at ang Datu sa labas ng kubo. Tumawag ng pulong noon din ang datu.
“Mga kalalakihang nasasakupan ng aking barangay. Makinig kayo sa akin. Maysakit ang aking anak
na babae at ang tanging hinihiling ko ay ang inyong tulong. Sundin ninyong lahat ang mga tagubilin
ng manggagamot. . . . upang magbalik ang dating lakas ng aking anak.
“Mga lalaki, dalhin ninyo ang maysakit sa malaking puno ng balite. Hukayin ninyo ang lupang
nakapaligid sa mga ugat”, ang utos ng manggagamot.
“Gagawin naman ang iyong ipinag-uutos alang-alang sa pagmamahal namin sa datu at sa kaniyang
kaisa-isang anak na babae!
Nagsimulang kumilos ang mga tauhan ng datu. Pinuntahan nila ang lugar na kinatatayuan ng puno
ng balite. Ang maysakit na anak ng datu ay isinakay sa duyan.
Hinukay ng ilang lalaki ang lupa sa paligid ng mga ugat ng puno ng balite. Nang ito’y matapos.
“Dalhin ang maysakit sa kanal! Ang tanging makagagaling sa kanya ay ang mga ugat ng malaking
puno ng balite.” Buong ingat na inilagay sa kanal ang maysakit.
“O, Diyos ko. Ang aking anak. Ibalik ninyo siya sa akin. . . O, hindi! Ang aking anak!
Sa ilalim ng ulap ay may malaking daluyan ng tubig. Gumulong sa hangin ang maysakit bago
tuluyang bumagsak ang kanyang katawan sa malaking daluyan ng tubig. Nakita ng dalawang bibe
ang pagkahulog ng babae.
Nagmamadaling lumangoy ang dalawang bibe at mabilis na bumagsak sa likod nila ang katawan ng
babae. Sa kanilang mga likod namahinga ang may sakit.
Ang babaeng kababagsak lamang mula sa ulap ay labis na nangangailangan ng tulong. Kailangang
tulungan natin siya.
“Lumundag ka, palaka, at dalhin mo ang dumi ng puno sa ibaba,” ang utos ng pagong.
Sumunod ang palaka ngunit hindi siya nagtagumpay. I nutusan naman ng malaking pagong ang
daga. Siya man ay sumunod ngunit nabigo.
Hanggang sa. . .
Huminga nang malalim ang matandang palaka at nanaog. . . nanaog. . Sa wakas, ang samyo ng
hangin ay dumating at sumunod ang matandang palaka. Sa kanyang bibig, nagdala siya ng ilang butil
ng buhangin na kanyang isinabog sa paligid malaking pagong. At isang pulo ang lumitaw. Ito ang
naging pulo ng Bohol. (Kung susuriin ang likod ng pagong, mapapansin ang pagkakatulad nito sa
hugis at anyo ng Bohol). At dito nanirahan ang babae. Nanlamig ang babae kayat muling nagdaos ng
pulong. . .
“Kung makaaakyat ako sa ulap, makukuha ko ang kidlat at makagagawa ako ng liwanag,” ang sabi ng
maliit na pagong.
Isang araw, nang hindi pa gaanong dumidilim, uminog ang ulap at tinangay ang pagong nang
papaitaas.
“Uww-ssss ! Brahos !
Nabuo ang araw at ang buwan na nagbigay ng liwanag at init sa babae. Mula noon, naninirahan ang
babae sa piling ng matandang lalaking nakita niya sa pulo. At nanganak siya ng kambal. Sa kanilang
paglaki, ang isa’y naging mabuti at ang isa’y naging masama.
Ang mabuting anak ay gumawa ng mga kapatagan, mga kagubatan, mga ilog at maraming hayop.
Lumikha rin siya ng mga isdang walang kaliskis. Ngunit ang ilan sa mga ito’y sinira ng masamang
anak. Tinakpan niya ng makakapal na kaliskis ang mga isda kaya’t mahirap kaliskisan ang mga ito.
“Walang halaga?
“Dito, dito’y wala tayong kinabukasan. Samantalang sa ibang lugar ay hindi ka kailangang gumawa.
Isa kang baliw!
Kaya’t naglakbay sa kaunlaran ang masamang anak. Dito siya namatay. Samantalang ang mabuting
anak ay nagpatuloy ng pagpapaunlad ng Bohol at inalis ang mga masasamang ispiritung dala ng
kanyang kapatid. Hinulma ang mabuting anak ang mga Boholano sa pamamagitan ng pagkuha ang
dalawang lupa sa daigdig at hinugis ang mga ito ng katulad ng tao. Dinuran niya ang mga ito. Sila’y
nabuhay.
“Ngayong kayo’y naging lalaki at babae, iniiwan ko sa inyo ang mga magagandang katangiang ito:
kasipagan, mabuting pakikitungo, katapatang kabutihang-loob, at mapagmahal sa kapayapaan.
Ikinasal ang dalawa at nagsama. Isang araw, kinausap sila ng mabuting anak.
“Narito ang iba’t ibang uri ng buto. Ibig kong itanim ninyo ang mga butong ito para kayo
matulungan. Gawin ninyong laging sariwa at magandang tirahan ang lugar na ito.
Nang malaunan, ang mabuting anak ay lumikha ng igat at ahas katulad ng isda sa ilog. Lumikha rin
siya ng malaking alimango. “Humayo kayo, dakilang igat at dakilang alimango saan mang lugar na
ibig ninyong pumunta.”
Sinipit ng malaking alimango ang malaking igat. Nagkislutan ang dalawa at ang kanilang paggalaw
ang lumikha ng lindol.
Ito ang dahilan kung bakit maraming alimango sa Bohol, maging sa lupa o sa dagat, at ang igat na
kaunaunahang nilikha ng mabuting anak. Gustong-gusto kainin ito ng mga Boholanos. Hindi sila
kumakain ng palaka dahil iginagalang nila ang mga ito. Hindi rin nila kinakain ang mga pagong
katulad ng ibang mga Bisaya kahit maaaring ihain ang mga ito sa handaan.
Noong unang panahon ay may tatlong dalagang magkakapatid na pawang nag-gagandahan. Ang
kanilang mga kanayon ay lubhang nagtataka kung bakit mamula-mula ang kutis nga magkakapatid
at manilaw-nilaw naman ang mahahaba nilang buhok, gayong mula pagkabata ay katulong na sila sa
mga gawaing bukid ng kanilang ama na si Ramon.
Hindi iniinda ng magkakapatid na Lala, Dada at Sasa ang nakapapasong init ng araw sapagkat ito ay
nagpapakinis pa nga ng kanilang kutis.
Kung mababatid lang ng mga tagaroon ang katotohanan, marahil hindi na sila magtataka kung bakit
namumukod-tangi ang kagandahan nina Lala, Dada at Sasa. Lingid sa lahat, si Tarcila ay isang
diwata. Nang umibig siya sa taga-lupang si Ramon, ang kanyang pagka-diwata’y tinalikdan niyang
lubos upang mamuhay bilang ganap na tao. Bagama’t nawalan ng kapangyarihan ay naging maligaya
naman ito sa piling ni Ramon at ng kanilang mga anak.
Tanging si Tarcila lang ang walang imik ngunit malalim ang iniisip. Bagama’t walang kapangyarihan
ay nagsikap pa rin itong makipag-ugnayan sa dati niyang daigdig… sukdulang hininga niya ay
mapatid, mailigtas lamang ang mga mahal na anak gayundin ang nayon na kanya ngayong tahanan!
Hindi naman nabigo ang dating diwata sapagkat ang nawalang kapangyarihan ay muling ibinalik sa
kanya.
Sa pamamagitan ng isip ay pinaglagablab ni Tarcila ang barko ng mga pirata. Sa bilis ng pangyayari,
ang mga tulisan naman ngayon ang nasindak at sa pagsabog ng mga bala na nakasabit sa kanilang
katawan, sila ay naubos nang wala namang kalaban. Ngunit isang sugatang pirata ang nagkaroon pa
ng pagkakataong mamaril bago ito binawian ng buhay. Sa kasawiang-palad ay tinamaan ang
magkakapatid at agaw-buhay na bumagsak sa tubig.
Napasigaw ang naghihnagpis na ina! Hindi nito maatim ang nakikitang paghihingalo ng mga anak.
Bilang diwata ay wala siyang kapangyarihang magdugtong ng buhay, datapuwa ang magbigay ng
panibagong buhay sa bagong anyo ay kanyang magagawa. Tumingin muna si Tarcila sa asawa at…
Nabigkas ni Tarcila ang mahiwagang kataga bago nalagutan ng hininga sina Lala, Dada at Sasa kaya
sa isang kisapmata ang tatlong dalaga ay naging ISDA!
Matapos masaksihan ang kababalaghang iyon ay saka pa lang nalaman ng mga kanayon ang
pagiging “diwata” ni Tarcila. Lahat ay nagpasalamat sa nagawang tulong ni Tarcila at nakiramay rin
sila sa sinapit ng mga anak nito. Nagilalas ang lahat at napatingin sa mga isda, sa kahanga-hanga
nitong kulay na wari’y mamula-mula kaya sa halip na malungkot ay kagalakan ang kanilang nadama.
“INA, AMA, HUWAG KAYONG MALULUNGKOT, NARIRITO LAMANG KAMI SA DAGAT. AMING INA,
IPINAGMAMALAKI KA NAMIN. IKAW PALA AY ISANG DIWATA. MAHAL NAMIN KAYO NI AMA…”
“Paalam na sa inyong lahat, mga kanayon,” ang sabay na wika nina Lala, Dada at Sasa – at marahan
silang lumangoy patungong laot.
“Paalam na rin sa inyo mga dalagang-bukid…!” ang sagot ng kanilang mga kanayon habang
kumakaway.
Ito ang dahilan kung bakit nasa dagat ang mga “dalagang-bukid”.
Ang Alamat ng Luya
Panahon noon ng mga Kastila ng maging mang-aawit sa simbahan ang dalagang si Meluya. Maganda
at kaaya-ayang pakinggan ang boses ni Meluya kaya naman kayrami niyang tagahanga.
Maganda si Meluya kaya maraming kababaryo ang nanliligaw sa kanya. Pero ang lahat ay binigo
niya.
"Ang pangarap ko ay maka-pagsilbi sa Diyos," madalas ay sina-sabi niya sa mga kaibigan. "Binigyan
niya ako ng magandang tinig kaya naman iaalay ko ito sa kanya."
Dahil sa magandang tinig ay hindi na gaanong pinansin ang kapintasan ni Meluya. Mayroon kasi
siyang mabibilog na mga paa na bukul-bukol pa.
Araw-araw ay nasa simbahan ang dalaga. Nang lumaon ay hindi na siya kumakanta lang sa banal na
misa kung di nagtuturo narin ng mga batang aawit kasama niya.
Marami ang natuwa kay Meluya dahil karamihan sa mga dalaga ng panahong iyon ay mas
nakapokus ang atensiyon na makapag-asawa ng Kastila.
Nagtaka ang mga tao ng ilang araw na ay hindi pa rin nagpapakita si Meluya sa simbahan. Nag-alala
sila kaya pinuntahan ang dalaga sa bahay nito. Dinatnan nilang nagdi-deliryo na ang dalaga. Walang
naka-batid sa pagkakasakit ni Meluya kaya lahat ay nalungkot nang puma-naw ang dalaga.
Lumipas ang mga araw na damang-dama ng mga tao ang pagkawala ng kanilang cantora o mang-
aawit.
Minsan ay dinalaw ang puntod ni Meluya ng mga batang tinuruan niyang umawit. Napansin agad ng
mga bata ang kakaibang halamang tumubo sa tabi ng puntod ni Meluya.
"Ano kaya ang halamang iyan? Ngayon lang ako nakakita ng ganyan," anang isang bata.
Ikinwento ng mga bata sa kani-lang mga ama't ina ang tungkol sa halaman.
Nang ganap nang magulang ang halaman ay hinukay nila ito at namangha sila sa bunga nitong nasa
ilalim ng lupa.
Natuklasan din ng mga tao na nakapagpapaluwag ng lalamunan ang sabaw ng bunga kapag inilaga.
Lumaon ay natuklasan pa nilang maganda sa boses ang pag-inom sa sabaw ng bunga.
Dahil doon ay tinawag na meluya ang bunga para sa alaala ni Meluya. Nang lumipas ang maraming
mga taon ay naging luya na ang pangalan nito.
Ngunit may isang bata ang may bulate kaya lagi siyang walang gana. Habang lumolobo ang mga binti
ng ate nya at nagkakagilit-gilit ang leeg ng kuya niya, siya ay lumaking seksi. Ang pangalan niya ay
Ipong.
Maganda si Ipong. Huwag lang haharap. Dahil kung anong ganda ng katawan ay siya namang
pagkaimpakto ng mukha. Ang labi niya ay isang dipang kapal. Ang ilong nya ay matangos naman
ngunit bukaka ang mga butas. Ang mga mata niyang banlag ay animo'y laging gulat.
Isang araw naglalakad si Ipong papuntang piging ng may bigla siyang nakasalubong na babaeng
humihingi ng limos. Ito na yata ang pinakamatabang babae na nakilala niya. Dahil sa pandidiri ay
nilayuan niya ito pero ang pulubi ay humabol at nagmakaawa.
"Aba'y lintek na babaeng ito! Ang langis mo! Paano na ako magugustuhan ni Pedro nyan!" ani ni
Ipong sabay hawi ng buhok.
Nang biglang lumindol at nawala ang matabang babae, isang diwatang ubod ng ganda ang lumitaw
sa harap niya.
"Ako si Minervie! Ang dyosa ng dagat! Dahil sa kasamaan mo, parurusahan kita! Simula ngayon,
hindi ka na maglalakad sa lupa. Ikaw ay magiging isang nilalang sa karagatan.."
Biglang lumiwanag ang paligid at si Ipong ay naging hipon. Hanggang ngayon, makikita sa likod ng
hipon ang bulate na nagmistulang sumpa nung hibi pa si Ipong.
Noong unang panahon sagana sa lahat ng bagay ang bayan ng Tungaw. Mataba ang lupang taniman
dito. Masasaya ang mga tao. Ngunit marumi sila sa kanilang kapaligiran. Madalas na naglulusak sa
dumi ang mga bakuran. Nagkalat ang mga balat ng prutas kahit saan. Nanlilimahid ang mga bata sa
daan.
Isang araw, nahintakutan ang lahat sa biglang pagkawala ng ilang mga tao. Walang nakakaalam
kung saan sila napupunta. Padalas nang padalas ang mga nawawala kaya't lumapit ang taong bayan
sa kanilang makisig na hari upang humingi ng tulong.
"Wala tayong laban sa higante," panlulumo ng isang binatang nangungutib ang kamiseta.
"Mabuti sigurong umalis na lamang tayo sa Tungaw," mungkahi ng mga matatandang kutuhin.
"Hindi natin maaaring iwan ang ating bayan. Dapat natin itong ipagtanggol," mahigpit na sabi ng
hari.
"Nasasarapan ang higanteng Amok sa ating karumihan. Kailangan nating maglinis upang iwanan
tayo ng higante," utos ng hari.
Nagwalis ang kababaihan. Naligo ang mga bata. Naglaba ang kalalakihan. Saka sila naghandang muli
upang ipagtanggol ang kanilang bayan. Nang muling lumusob ang higante, pinaulanan nila ito ng
pana sa dibdib. Ngunit parang walang puso ang higante. Hindi ito nasasaktan. Nilulon ng higante
ang ibang kawal at dinakip ng buhay ang ilang taumbayan.
"Wala sa dibdib ang puso ng higante kaya't hindi siya mapatay," paalala ng isang matanda.
Nag-isip nang paraan ang hari upang matuklasan kung paano mapapatay ang higante. Nang
minsang mabusog ito, nagkunyaring nahimatay ang hari. Napasama siya sa mga dinakip ng buhay.
Nang makarating sa kuweba, isang batang higante ang sumalubong kay higanteng Amok.
"Narito ang pagkain mo. Matuto kang magtipid. Marunong nang maglinis at magtago ang mga taong
marurumi," saka muling umalis ang higante.
Biglang bumangon ang hari at hinugot ang espada. Natakot ang batang higante.
"Hindi ko na po kayo kakainin, huwag ninyo akong patayin," pagmamakaawa nito sa hari.
"Nasa ilong ang puso ng aking ama kaya't nasasarapan siya sa inyong kabahuan at karumihan,"
nangangatog na sagot ng batang higante.
Itinali ng hari ang batang higante at pinakawalan ang mga taong nakakulong sa kuweba. Hinanap ng
makisig na hari ang higanteng Amok. Naabutan niya ito sa bayan. Umakyat sa puno ang hari at
tinaga sa ilong ang higante. Namilipit ito sa sakit. Pinagtulungan nilang itali kasama ng batang
higante. Sinunog ng taong bayan ang mag-amang higante sa gitna ng tambak nilang basura.
"Hindi n'yo kami mapapatay. Hangga't marumi ang inyong paligid, babalik kami at sisipsipin ang
inyong mga dugo!," sigaw ng higanteng Amok bago siya matupok ng apoy.
Tumahimik na muli sa bayan ng Tungaw. Ngunit nagulat ang lahat sapagkat mula sa maruming ilog
ay may maliliit na insektong lumulusob sa bayan tuwing gabi. Naninipsip sila ng dugo ng mga tao.
Naalala ng mga matatanda ang sabi ng higanteng Amok bago masunog kasama ng anak. Nilinis ng
mga taga- Tungaw ang kanilang maruming ilog. Dumalang ang maliliit na insektong naninipsip ng
dugo. Kinalaunan, tinawag ng mga taumbayan ang mga insektong, Lamok.
Sa gitna ng kaharian ng Renaia, isang dalaga ang nakatira sa munting palasyo. Siya si Helena, nag-
iisang anak siya nina Haring Bernardo at Reyna Lorena. Pinagmamalaki ng mag-asawa ang kanilang
anak dahil hindi lang maganda si Lorena kundi ay matalino at may mabuting kalooban din. Tuwing
umaga ay hindi sumasablay si Helena sa pagbati sa lahat ng taong makakasalubong niya ng
“Magandang umaga po sa iyo, nawa po ay maging maganda ang iyong araw”. Hindi rin siya
pumapaliya sa pagpunta sa kanilang hardin tuwing umaga at gabi sa kadahilanang meron siyang
binibisitang mga alaga, ang kanyang mga palaka. Tuwang tuwa siya sa mga palaka, para sa kanya ay
nakakaakit ang mga malalaki at bilugang mata ng mga ito.
Isang umaga habang siya ay naglalakad patungo sa kanilang hardin ay may nakasalubong niya ang
isang binata. Binati niya ito ng “Magandang umaga sa iyo”. Natuwa ang binata sa kanya at nagwikang
“Magandang umaga din sa iyo. Mukang masaya ka ata, saan ka ba patungo at maaari ko bang
malaman ang iyong pangalan?” “ako nga pala si Helena, ikaw? papunta ako sa aming hardin” tugon
ng dalaga. “ako nga pala si Nicolas, kinagagalak kitang makilala. Ano naman ang gagawin mo sa
inyong hardin?" wika ng binata. “Dadalawin ko ang aking mga alagang palaka” sagot ng dalaga.
“Palaka?” nagtatakang tanong ng binata. “Paborito ko kasi ang mga iyon. Tara! Sumama ka sa akin
para makita mo kung gaano sila kaganda.” Nakangiting sagot ni Helena sa binata. Namangha si
Nicolas sa kanyang narinig sapagkat unang beses lang siyang nakarinig ng dalagang natutuwa sa
mga palaka. Napangiti na lang ang binata at sumama sa dalaga , simula ng araw na iyon ay lagi na
silang nagkikita.
Sa araw araw na pagkikita ng dalawa ay nahulog na ang loob nila sa isat’isa. Hindi tumutol ang mga
magulang ni Helena sa pag-iibigan nila ni Nicolas sa kadahilanang kampante na ang loob nila sa
binata dahil nga sa halos araw araw na pagpunta ng binata sa palasyo, nakakatiyak na sina Haring
Bernardo na mabuti ang intensiyon ng binata sa kanilang anak. Laging pinapasaya ni Nicolas si
Helena kaya tuwang tuwa ang mga magulang nito sa kanya, itinuring na siyang kapamilya ng mga
ito.
Dumating na ang araw ng pasukan. Nakatanggap si Nicolas ng sulat galing sa ninanais niyang
paaralan, siya ay nakapasa dito. Ang problema niya nga lang ay sadyang malayo ang paaralan sa
palasyo kaya kinausap niya si Helena tungkol sa bagay na iyon. “Natutuwa ako sa balitang iyan
mahal ko. Naiintindihan kita, alam kong gustong gusto mong pumasok doon kaya’t sige humayo ka
at tuparin mo mga pangarap mo basta’t ipangako mo lang sa akin na hindi mawawala ang
komunikasyon sa pagitan nating dalawa, lagi kang susulat at dadalaw” sabi ng dalaga sa kanya.
Umalis na si Nicolas patungo sa paaralan. Nang simula ay hindi napuputol ang komunikasyon ng
magkasintahan, araw araw na sumusulat ang binata sa dalaga at ganoon din naman ang dalaga.
Tuwing sabado ay pumupunta si Nicolas sa palasyo para dalawin si Helena. Biglang dumating ang
araw ng kanyang pagsusulit, naging abala si Nicolas sa kanyang pag-aaral kaya hindi siya
nakakasulat at nakakadalaw sa dalaga. Nagtampo ang dalaga. Nang natapos ang araw ng pagsusulit,
gumawa ng paraan ang binata para makabawi sa dalaga. Tulad ng dati ay araw araw siyang
sumusulat kay Helena ngunit bihira ng sumagot ang dalaga sa mga sulat niya. Hindi rin niya
inaabutan ang dalaga sa palasyo sa tuwing dadalawin niya ito.
Isang araw, naabutan ni Nicolas si Helena sa palasyo. Ang payat at namumutla ang dalaga kaya nag-
alala ang binata. "Ayos ka lang ba mahal ko, bakit parang namumutla at namamayat ka?” tanong ng
binata. “Ayos lang ako. Wag kang mag-alala” iyon lang ang sagot ng dalaga sa kanya. Hindi sila
masiyado nakapagusap dahil nagpaalam agad ang dalaga na kailangan na niyang matulog.
pagkatapos nila mag-usap at pagkapasok ni Helena sa kanyang kwarto ay nilapitan ni Haring
Bernardo ang binata at kinausap ito. “Ako ay may ipagtatapat sa iyo, may sakit sa puso si Helena.
Ayaw niya sanang ipaalam ito sa iyo dahil ayaw niyang mag-alala at maawa ka sa kanya.” Wika ng
hari. Dahil sa pagkabigla ay hindi na nakapagsalita ang binata at ito ay napaluha na lang. Pagkatapos
siyang kausapin ng hari ay dumeretso si Nicolas sa simbahan at siya ay nagdasal “ Panginoon, nawa
po ay pagalingin Mo si Helena. Marami pa siyang mga pangarap sa buhay at kailangan ko pa po siya.
Pawiin Mo po sana ang kanyang karamdaman. Handa ko pong gawin ang lahat para lang tuparin Mo
po ang aking kahilingan. Maraming salamat po”. Araw araw niyang dinadasal ito.
Isang umaga habang si Nicolas ay nasa paaralan ay nabalitaan niya na paalis na sina Helena papunta
sa ibang bansa mamayang hapon. Dali-daling umalis ang binata patungo sa palasyo. Hindi na siya
pumasok para maabutan lang ang dalaga, ngunit, sa kasamaang palad hindi niya ito inabutan. Kung
napaaga ng tatlumpung segundo sana ang dating niya ay naabutan pa sana niya ang karwaheng
sinasakyan nina Helena. Napaluhod nalang siya sa harap ng palasyo at umiyak. Lagi na siyang tulala,
hindi na siya halos nakakapasok sa paaralan at lagi lang siyang nasa simbaha’t nagdarasal.
Pagkalipas ng dalawang linggo ay nakatanggap si Nicolas ng sulat galing kay Haring Bernardo. ( ang
laman ng sulat ay...) “ Kami ay umalis ng kaharian para ipagamot si Helena. Pinaoperahan namin
siya, naging matangumpay naman ang operasyon, ngunit hindi na ito kinaya ng kanyang katawan.
Hindi ko alam kung pano ito sasabihin, hindi na ako magpapaligoyligoy pa, si Helena ay wala na.
Kaninang umaga ay bumigay na ng tuluyan ang kanyang katawan, wala ng nagawa ang mga doktor.
Kami ay pabalik na diyan sa kaharian, pasensiya na sa masamang balita.” Pagkatapos mabasa ni
Nicolas ang sulat, umiyak ito at sumigaw “wwaahh!!! bakit Mo siya kinuha?!! Lahat naman ng gusto
mo ay ginawa ko!! Bakit ito pa ang isinukli Mo sa akin?!! walang tigil sa pag-iyak si Nicolas hanggang
sa sumapit na ang gabi. Siya ay nagpunta sa simbahan, lumuhod, at nagdasal “Panginoon, ako po ay
patawarin niyo sa mga hindi kaaya-ayang salitang nasabi ko kanina. Siguro po ay masyado lang po
akong nabigla sa nangyari” habang siya ay nagdarasal ay bigla siyang nakarinig ng “Kokak! kokak!”.
Paglingon niya, nakakita siya sa kanyang tabihan ng isang munting palaka na parang nakatinging sa
kanya. Bigla niyang naalala si Helena, napatigil siya sa kanyang pag-iyak at napangiti na lang ang
binata. Simula nung gabing iyon ay bumalik na ang sigla ni Nicolas at nagsimula na siyang
manilbihan sa Panginoon.
"Hindi ibibigay ng Panginoon sa iyo ang isang pagsubok kung hindi mo ito kaya, magtiwala at
maniwala ka lang sa Kanya."
Naging usap-usapan si Luwalhati sa Baryo Asisto dahil sa madalas niyang pagpunta sa gitna ng
dagat. Tuwing alas-kwatro kasi ng hapon ay naglalayag ito tangay ang lampara at munting
kuwaderno. Sa gitna ng dagat kasi nakakapag-isip ng malaya si Luwalhati, hindi lamang ito lubos na
maunawaan ng mga tao sa Baryo Asisto. Noong panahon ni Luwalhati ay hindi karaniwan ang
lungkot o pighati. Halos araw-araw ay ipinagdiriwang ng mga tao ang biyaya ng masaganang
pangingisda at ani. Sa pamumuno ni Apo Silverio, naging matiwasay at masaya ang pamumuhay ng
mga taga Baryo Asisto. Ang tanging emosyon na nananalaytay sa puso ng tao ay tuwa at ligaya, wala
nang iba.
May limang buwan na din ang nakalipas ng mamaalam ang kasintahan ni Luwalhati na si Ibarro.
Ang kanyang pagkamatay ay ikinagulat ng nakararami dahil ito ay nagpakalunod sa hindi malamang
dahilan. Pumunta na lamang ito papalayo sa baybaying dagat hanggang sa hindi na siya matanaw.
Naganap ito sa kasagsagan ng pagtulog ni Luwalhati. Sa kabila ng nangyari, nanatili pa ding masaya
ang mga tao doon, maging si Luwalhati. Magmula noon ay walang pinalampas na pagkakataon si
Luwalhati upang bisitahin ang dagat. Sa gitna ng dagat at binubuklat niya ang kuwadernong
nangungulubot ang mga pahina. Kahit mabigat sa loob ang nangyari ay mas maigting na pag-ibig at
hindi dalamhati ang naramdaman ni Luwalhati para sa kasintahan.
“Luwalhati! Magdidilim na, pumarini ka na at baka mahamogan ka diyan!” Sigaw ni Apo Silverio.
“Saglit na lamang po Apo!” Bago lamunin ng dilim ang kalangitan ay nagpasiya na si Luwalhating
bumalik sa bahay.
Sabay sa kabilugan ng buwan ay ang pista ni San Isidro. Bagamat katatapos pa lamang ng pista
noong isang araw ay hindi ito naging hadlang upang magdiwang ang mga taga Baryo Asisto sa pista
ni San Isidro. Lahat ng tahanan ay naghanda ng masaganang putahe maliban kina Apo Siverio.
“Itay, kayo po ang namumuno dito sa lugar, bakit po hindi tayo maghanda?” Tanong ni Luwalhati.
“Hindi pa panahon Luwalhati. Kailangang mawala muna iyang sakit mo bago kita maiharap sa tao.”
“Alam kong mahal mo ang binatilyo, subalit hindi tama ang ginagawa niya sa iyo!”
“Hindi iyan maaari sa pamamahay ko! Papaalisin ko iyang patay mong nobyo sa katawan mo!”
Nagsimula nang dumaloy ang tubig mula sa mata ni Luwalhati, pababa sa pisngi, hanggang sa
pumatak ito sa sahig. Hindi alam ng mag-ama na nakasilip pala mula sa bintanang anahaw ang
tsimosang si Ferri.
“Mga kabaryo!!! Ang anak ng Apo, may sakit! Pagmasdan ninyo! Dali!”
Hindi naglaon ay dinumog na ng halos buong Baryo ang bahay ni Apo. Hindi nagawang pigilin ng
matandang katawan ni Apo ang pagsalakay ng mahigit limampung katao. Pinalibutan ng mga tao si
Luwalhati at pinagmasdang mabuti.
“Pinaparusahan na tayo ng mga diyos! Kasalanan ito ng baliw mong nobyo Luwalhati!” Sigaw ng
matanda mula sa likuran.
“Hindi dapat siya nagpakamatay! Hindi na siya nahiya sa mga diyos natin! Walang utang na loob
iyang si Ibarro, wala!” Banat ni Mang Apet.
Ngayon ay lalong dumami ang tubig na dumadaloy mula sa mata ni Luwalhati. Napaatras ang mga
tao sa paligid niya maging ang amang si Apo. Pilit tinatakpan ni Luwalhati ang kaniyang tenga upang
hindi marinig ni Ibarro ang mga sinasabi ng mga tao.
“Huwag kang makinig Ibarro, hindi totoo ang mga sinasabi nila…” bulong ng kawawang dalaga sa
sarili
“Anong ibinubulong mo sa iyong sarili bata?! Nasisiraan ka na yata ng bait!”, sigaw ng isang ale.“Apo,
anong nangyayari sa anak mo?”
“Magsipagtigil kayong lahat! Mahal ko si Ibarro. Si Ibarro at ako ay iisa! Kaming dalawa ay
nagmamahalan! Wala akong sakit! Maniwala kayo!” depensa ng dalagang si Luwalhati na ngayo’y
hindi na mapigilan ang pagdaloy ng tubig mula sa mata. Unti-unti na ngang nanghina ang dalaga
hangga’t sa ito ay malagutan ng hininga sa harap ng madla. Nilapitan ni Apo ang bangkay ng anak at
niykap ito ng mahigpit.
“Ito marahil ang kabayaran ng pag-ibig ng aking anak sa isang patay. Tubig mula sa dagat ang
dumadaloy sa mata ng aking si Luwalhati. Si Ibarro, at ang aking anak ay naging isa noong araw na
siya’y magpaalam. Wagas ang kanilang pagmamahalan, hindi ito sumpa. Ito ay himala!”
Binuhat ni Apo ang bangkay ng anak at dinala ito papunta sa dagat. Pinagmasdan ng mga tao ang
pagdaloy din ng tubig mula sa mga mata ni Apo.
“Luwalhati! Luwalhati!” Sigaw ng ama habang papalalim ng palalim ang tubig sa dagat. Mas tumindi
ang pag-alon ng dagat pagsapit ng alas-kwatro ng hapon. Subalit hindi ito naging balakid kay Apo
Silverio sa paghatid sa kanyang anak sa huli nitong hantungan.
“Luwalha…..…Luwalhati……lu……hati…”
Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay bumalik na sa dati ang pag-alon ng dagat. Hanggang sa kasalukuyan
ay dala ng sanlibutan ang himala ng pag-iibigang Ibarro at Luwalhati.
Sa isang karaniwang bukid nanirahan ang mag-asawang Vilma at Tirso. Ang kanilang bahay ay
malapit sa dagat. Si Tirso ay mangingisda. Ang pangingisda ang pinagkakakitaan ngpamumuhay ng
mga taga roon.
Sa ikatlong taong pagsasama ng mag-asawa saka pa naglihi si Vilma. Sa kanyang paglilihi laging
gustong iulam sa pagkain ay isdang bangus. May mga araw na walang mahuling bangus si Tirso kaya
si Vilma’y nagtatampo at hindi na kakain. Siya ay iiyak nang iiyak.
Isang araw si Tirso ay pumunta sa dagat. Siya’y walang malamang gawin nang makarinig ng sigaw.
Makatatlong ulit na narinig niya ang kanyangpangalan. “Tumingin ka sa ibaba!” ang sabi ng tinig.
Tumungo si Tirso at nakita ang isang malaking isdang bangus, maganda at may korona.
“Ako’y nagmula sa kailaliman ng dagat. Ako ang hari ng kara-gatan. Baka ikaw ay may kailangan.
Ako’y handang tumulong sa iyo!”
Nagtapat si Tirso. “Ang aking asawa ay nagdadalang-tao. Lagi siyang humihingi sa akin ng isang
bangus. Wala akong ibigay. Wala akong mahuli sa dagat at wala ring mabili sa pamilihan.”
“Kita’y tutulungan. Linggo-linggo o kahit araw-araw kita’y bibigyan ng bangus sa isang kondisyon?”
Yamang walang ibang paraan sa pagkakaroon ng isdang bangus para sa kanyang asawa, siya’y
pumayag.
“Bukas magsisimula ang rasyon. Bibigyan kita ng isda.” Sila’y naghiwalay nakapuwa nasiyahan.
Nang sumunod na araw si Tirso ay nagpunta sa aplaya. Nakita niya ang mga isdang handa at
nakahanay sa buhanginan. Kinuha niya ang mga ito at iniuwi. Niluto ni Vilma ang mga isda at ang
mag-asawa’y nagsalo. Ganito ang pangyayari kahit na si Vilma ay nagsilang na ng sanggol.
Pinangalanan ang sanggol na Marita. Napakaganda ng bata! Mahal na mahal ng ama’t ina si Marita.
Ito’y maitim ang buhok, at mga mata’y kumikislap tulad ng sa manyika.
Ang tatlo ay naglalaro sa looban ng kanilang bahay subalit tikis na hindi pinapasyal sa
dalampasigan.
Ang bata ay lumaki at sa kanyang paglaki ay lalong nag-ibayo ang pagmamahal ng ama’t ina.
Dumating ang ikapitong taon ng bata. Ligalig na ligalig si Tirso. Hindi niya malaman kung paano
niya ipagtatapat ang kanyang ipinangako sa Haring Bangus.
“Vilma, may ipagtatapat ako sa iyo. Huwag kang magagalit. Sa halip ay ako’y payuhan mo kung ano
ang nararapat nating gawin -kung ano ang solusyon sa ating problema!”
“Natatandaan mo ba noong ikaw ay naglilihi? Noong gusto mong kumaing lagi ng isdang bangus?
Suysuy ka nang suysuy na manghuli ako sa dagat. Sa aking pag-uwi wala akong dala. Wala ring
mabili sa pamilihan. Tinulungan ako ng Hari ng mga Bangus. Siya raw araw-araw ay magbibigay sa
akin ng isdang rasyon. Dahil diyan kaya ako’y pinapangakong pagdating ng ating sanggol sa gulang
na pitong taon, ibibigay ko sa kanya si Marita!”
“Hindi maaari!” sabay tulo ng luha. Siya ay tangi nating kayamanan. Hindi ko matitiis na siya ay
mawalay! Sukdang aking ikamatay, ako’y tutol!”
Isang umaga si Tirso ay nagpunta sa aplaya. “Marangal na Hari ng mga isda, ayaw pumayag ng aking
asawa! Ipinakikiusap na sa halip na kunin mo si Marita, ikaw ay bibigyan namin ng diamanteng
singsing at anim na kalabaw!”
Nag-isip si Tirso. Pumasok sa kanyang loob na ang kanyang kausap ay isda lamang kaya hindi nito
kayang agawin o kunin si Marita kung ito’y malayo sa dagat o sa dalampasigan. Ipinasya niya na
hindi niya tutuparin ang kanyang pangako.
Galit na galit ang Haring Bangus. “Oras na ang batang iyan ay pumarito sa aplaya, siya’y aking
dudukutin!” naibulong sa sarili.
Mula noon ay hindi na nakita sina Tirso, Vilma at Marita sa bay-bay dagat.
Isang umaga, may dumating na batel sa dalampasigan. Ang mga tao sa baryo ay
naghalimbumbungan at nag-usyoso. Ang ilan sa kanila ay namili ng kung anu-anong gamit sa
bangkang nakadaong. Natanaw ni Marita ang mga taong umakyat-manaog sa sasakyan. Tumawag
ng pansin ni Marita ang matingkad na kulay ng sasakyan. Siya’y nagpunta roon. Iyon ang unang
pagkakataon ng gayong uri ng bangka sa daungan.
Nang dumating doon si Marita, nakapag-alisan na ang mga tao. Marahan siyang lumapit sa bangka.
Sa isang iglap siya ay sinakmal ng dambuhalang alon.
Siya’y nagpagibik at humingi ng tulong ngunit nang dumating ang saklolo ay huli na. Ang ina at ama,
kasama ang mga taganayon ay naghanap at ginalugad ang karagatan subalit nawalan ng saysay.
Tuwing sasapit ang orasyon matapos magdasal sina Vilma at Tirso, sila’y pupunta sa talukan ng alon
sa pagbabaka-sakaling makita si Marita. Lumakad ang mga buwan at mga taon subalit kahit anino
ay walang nakita ang mag-asawa.
Isang gabing maliwanag ang langit dahil sa kabilugan ng buwan, ang dalawang matanda ay
naganyak na magdalampasigan. Sila’y may namataang isang magandang babaeng mahaba ang
buhok. Ito’y lumalangoy. Ang kalahati ng kanyang katawan paitaas ay tao subalit sa pababa ay
walang paa. Ang pinakapaa ay puno ng kaliskis. Sa dulo ay palikpik. Ito ang unang sirena.
Maraming taon na ang nakaraan, may isang munting baranggay sa paanan ng isang bundok. Isang
maliit na kubo ang nakatayo sa itaas ng baranggay, sa tagiliran mismo ng bundok na balot ng
makapal na gubat. Duon nakatira ang isang matandang babae at ang kanyang apo, isang binatilyo.
Masipag ang lola. Hanap-buhay niya ang himayin ang mga buto mula sa bulak at gawing sinulid ang
bulak. Laging may buslo ng bulak sa tabi ang lola, at isang mahabang patpat na kidkiran (huso,
spindle) ng sinulid. Samang-palad, tamad ang binatilyong apo, ayaw tumulong sa lola at, araw-araw,
bumababa sa baranggay upang makipag-barkada at magsugal. Isang araw, umuwing mainit ang ulo
ng binatilyong apo dahil natalo sa sugal. Nagsisigaw siya nang makitang wala pang hapunan.
“Maghintay ka nang kaunti,” sagot ng lola habang abalang nagta-trabaho, “at minamadali kong
himayin itong bulak. Pagkatapos kong ipagbili ito, bibili ako ng pagkain natin.”
Lalong nagalit ang binatilyong apo. Pumulot siya ng mga bao ng niyog, gamit na panggatong sa apoy,
at hinagis sa lola. Nasaktan, nagalit din ang lola at gumanti. Hinampas niya ng hinampas ng kidkiran
ang binatilyong apo.
Kagila-gilalas! Biglang nagbago ang anyo ng apo - isang pangit na hayop na balot ng bulak na naging
balahibo, at kumabit ang kidkiran sa kanyang tumbong at naging buntot. Nang matuklasan ng
binatilyong apo na siya ay isang pangit na hayop na, kumarimot siya patakas sa baranggay.
Hinanap niya lahat ng kabarkada niya sa sugal at sinisi sa nangyari sa kanya. Pinaghahataw niya ng
kanyang buntot at isa-isang nagbago rin ang mga ito at naging hayop tulad niya - ang tinatawag
ngayong matsing o tsonggo (mono, monkey).
Nang makita ng mga taga-baranggay ang mga pangit, maingay at magulong mga hayop, itinaboy nila
ang mga ito at hindi na pinayagang pumasok uli sa baranggay. Mula nuon, sa gubat namuhay ang
mga matsing.
Noong unag panahon, ang mag-inang Mara at Karim ay naninirahan sa isang nayon malapit sa
gubat. Si Karim ay sampung taon gulang na at ito’y may kakaibang ugali. Sutil siya, matakaw,
maninira, mang-uumit, anumang bagay na kanyang mahawakan ay nasisira matapos butingtingin.
Kahit gaano karaming pagkain ang itago ng kanyang ina ay inuumit at inuubos niya. Si Karim ay
maharut, magulang at may katusuhan. Iniiwan siya ng mga bata. Madals makikita mo siyang nasa
taas ng puno na may kinakain na saging o mabulo.
Dahil sa nag-iisang anak, kahit anuman ang gawin ni Karim’y mahal pa siya ng ina ang katunayan si
Mara lang ang gumagawa sa loob ng bahay. Si Karim ay hindi niya inuutusan dahil maghapon siyang
wala. Naroon siya sa bakuran, kung di naman ay sa loob ng gubat at naglalambitin sa mga baging. Si
Karim ay kinamumuhian ng kanilang kanayon dahil puro kabuwisitan ang ginagawa niya. May
nagsasabing inubos daw ni Karim ang bunga ng kanilang saging. May nagsusumbong na kinagat
daw at kinalmot ni Karim ang kanyang anak.
Isang araw ay si Mara ay nagtungo sa kaingin upang humukay ng kamote. Bago siya umalis ay
pinagbilinan ang anak na magsaing ng kanilang pananghalian. “Huwag mong lalakasan ang apoy,
mahirap na ang masunugan.” Bilin ng ina. Pag-alis ng ina’y nagsaing na si Karim. Habang
binabantayan nang iniluluto, siya’y nakatulog. Nasunog ang kanin. Isang kapirasong gatong ang
natikwas at nalaglag sa sahig at ito’y nagliyab at nagsimulang masunog ang bahay. Nagising si Karim
at tumakbo patungo sa loob ng gubat. Hindi makapaniwala si Mara nang makita ang nangyari sa
bahay. Nagtungo siya sa gubat subalit talagang wala si Karim. Sa matinding galit ay naisumpa niya
ang anak.
“Karim, dahil sa kasamaan mo’y isinusumpa kita! Sanay maging isang hayop ka.” Samantala’y unti-
unting nagbago ang anyo ni Karim. Ang buong katawan niya’y tinubuan ng mababang balahibo. At
nagkaroon siya ng buntot. Pagkalipas ng ilang oras ay nagising si Mara at laking gulat niya ng makita
niyang isa nang unggoy si Karim. Nagsisi at napaluha siya subalit huli na ang lahat.
Noong unang panahon daw ay may isang mayamang Palaweno na kilala sa pagiging gahamang
usurero. Siya si Kablan na lagi nang gustong pagtubuan ang lahat ng kapitbahay na mangingisda sa
kanilang komunidad. Sa sobrang pagpapatubo sa perang ipinauutang, galit na galit ang mga
mangingisdang hindi makapalag sa kaswapangan ng kanilang kababayan.
Sapagkat baon sa hirap ang lahat, napipilitan silang maging sunud-sunuran sa napakatakaw na
mangangalakal. Tanging si Kablan ang may tindahan sa kanilang komunidad. Binabarat niya ang
mga paninda sa siyudad. Ipinagbibili niya ang mga ito na may mataas na patong sa mga pobreng
mangingisda. Hindi sila makaangal sa di makatarungang pagpapautang. Mahusay na mahusay
kumita ng pera si Kablan. Madali ka nitong bibigyan ng paninda kung may sarili kang bangkang
paghahanguan ng mga huling isda sa karagatan. Mas malaki ang bangka, mas malaki ang huli. Mas
malaki ang huli, mas marami rin ang panindang maipapautang sa iyo ng ngingisi-ngising
negosyante.
"Aba oo, yun lang pala," nakakunot-noong sagot ni Kablan. "Pero sa isang kondisyon, kailangang
bayaran mo. Pagkain ko katapat ng pera mo. Basta may tutubuin ako, lahat ay areglado. Kung wala
kang pera umalis ka na dyan at baka hindi ako makapagpigil sa iyo."
"Maawa kayo, ginoo. Hindi ninyo madadala sa hukay ang yaman ninyo."
"Aba makulit ang matandang ito! Lumayas ka rito! Doon ka sumisid sa dagat. Tiyak na may isda kang
mahuhuli! Sige, layas! Layas!" pinagtulakan ni Kablan ang kaawa-awang matanda na napasubsob sa
tarangkahan ng malaking bahay.
Sa tulong ng mga batang nagsilapit, ang matanda ay nakatindig. Napansin ng mga paslit ang
nagniningning na baston ng matanda. Nagpasama ang matanda sa bahay-bahay. Nagbabala ito na
may darating na lindol sa kapatagan at magbibitak-bitak daw ang lupa sa kapaligiran. Matapos
magbabala ay itinaas ng matanda ang baston.
Namangha ang lahat nang magdilim ang langit at gumuhit ang matalim na kidlat. Sa pagpanhik ng
matanda sa burol ay bumuhos ang malakas na ulan, at yumanig ang lupa.
Sa matinding takot ay nagsunuran ang mga mangingisda sa di nila nakikilalang matanda. Hindi
natinag si Kablan sa loob ng kanyang tindahan. Tuwang-tuwa pa siyang humalakhak. Nakikini-
kinita niya ang paghugos ng mga mangingisda. Tiyak daw na bibili sila ng mga paninda niya.
Naglalaro sa isip niya na ngayong napakalakas ng ulan lalo siyang magtataas ng presyo.
Ipapautang niya ang lahat ng pagkain at damit na bultu-bultong nakaimbak sa kanyang lalo pang
pinalaking bodega.
Sa muling pagtataas ng tungkod ng matanda, lalong dumagundong ang mga kulog at tumalim ang
mga kidlat. Tulad ng sinabi nito, ang ulan ay hindi na huminto pa. Sa itaas ng burol, tanaw na tanaw
ng lahat na nagdudumaling lumabas si Kablan sa tindahan. Nanginginig ito sa sobrang takot.
Papanhik din sana siya sa tuktok ng burol subalit naabot siya ng rumaragasang tubig-ulan na lalong
nagpalalim sa dagat-dagatan. Ang mahagway na katawan ni Kablan ay naging mahabang isda na
may matulis na nguso at matatalim na ngiping parang kakain kaninuman.
Nang balingan ng tingin ang matanda ay wala na ito sa kanyang kinatatayuan. Nawala itong parang
bula. Magmula noon nakilala na sa Palawan ang pating. Ito ay pinangalanang Hari ng Karagatan na
walang takot kaninuman. Laging kinatatakutan si Kablan sa pagiging usurero sa Palawan, ang pating
naman ay lagi ring kinasisindakan sa kabangisan.
Noong unang panahon may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna.
Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro samantalang ang nakababata naman ay si Perla na
pawang sumisibol na dalagita. Pagtitinda ng bulakalak ang kanilang ikinabubuhay. Magkaiba ang
ugali nila, si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit sa mga bulaklak at
amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay masipag at masinop sa kabuhayan. Likas na mabait si
Perla pasensiya na lamang ang kaniyang binibigay sa kapatid na si Amparo na ubod na tamad.
Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo na laging
nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din sumagot si Amparo “Anong gusto mo alilain ako at
busabusin, ako ang masusunod dahil ako ang nakakatanda.” Sabay nanaog at pumitas ng halaman sa
hardin at nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang niya ay
tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala pala sa kapatid ay sumunod si Perla at kitang-kita
niya nang mahulog siya sa ilog. Sumigaw ng malakas si Perla “Paro!Paro!, marami ang nakarinig at
tinulungan siya ngunit walang Amparo silang nakita.
Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang lumutang sa
knahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-dahang nawala ang hugis bulaklak nito at
unti-unting umusbong ang pakpak na may iba’t-ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at nakita ni
Perla ito na pumunta sa halamanan at nagpalipat lipat sa mga bulaklak. Kinutuban si Perla at
nasambit niya ang katagang “Paro! Paro…!
Simula noon, ang maganda at makulay na munting nilikha ay tinawag ng mga tao na PARUPARO.
Noong unang panahon, noong bata pa ang mundo ay nagkaroon ng malaking hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mababangis na hayop at ng mga ibon. Pinagtatalunan nila kung
sino ang mas may karapatang manirahan sa malago at mayamang kagubatan. Parehas na ayaw
magbigayan ang dalawang pangkat at pinipilit na sila ang mas nararapat kaysa sa isa. Dahil dito nag-
away-away ang mga mababangis na hayop at mga ibon. Naglabanan sila upang makita kung sino ang
tatagal at mananaig.
Patuloy ang labanan buong araw. Tumitigil lamang ito sa gabi upang makapagpahinga ang mga
hayop upang sa susunod na araw ang may lakas sila upang ipatuloy ang pakikipaglaban.
Ngunit may isang hayop ang hindi niya malaman kung saan siya papanig. Ito ay si Paniki. Palibhasa
hindi niya kasi malaman kung mahahanay ba siya na isang mabangis na hayop o di kaya’y ibon.
Ayaw niyang kumampi sa matatalo kung kaya’t ang ginawa niya ay nagmasid-masid muna ito sa di
kalayuan at pinanood ang nagaganap na labanan. Nang sumapit ang hapon at nakita niya na
lumalamang ang mga ibon laban sa mga mababangis na hayop ay dali-dali itong lumapit sa kampo
ng mga ibon at nakihalubilo.
Nakita ng mga ibon si Paniki at tinanong siya kung bakit siya asa kanilang kampo samantalang isa
naman daw siyang mabangis na hayop. Mabilis na pinabulaan ni Paniki na siya as isang mabangis na
hayop; siya raw ay isang ibon. Hindi nga ba’t meron din daw siyang mga pakpak tulad nila.
Nakumbinsi niya ang mga ibon at siya ay isinama sa kanilang pagdiriwang.
Kinabukasan ay ganoon ulit ang ginawa ni Paniki. Nanatili siya sa isang mataas na puno at
nagmasid-masid ulit muna ito at inantay kung sino ang mukhang nananalo. Dahil lumamang naman
sa pagkakataong iyon ang mga mababangis na hayop, sa kanila lumapit si Paniki.
Masayang nakihalubilo si Paniki sa mga mababangis na hayop. Ngunit tulad din ng mga ibon,
tinanong nila kung bakit siya nasa kanilang kampo samantalang isa siya sa mga kaaway.
Pinabulaanang muli ito ni Paniki. Isa daw siyang mabangis na hayop dahil tulad nila meron din
siyang matatalim na mga pangil. Ang mga ibon ay wala nga namang mga pangil tulad nila kaya
isinama din nila ito sa pagdiriwang.
Araw-araw ay ganoon nga ang ginawa ng tusong si Paniki. Natutuwa siya sa husay ng kanyang
naisip. Hayaan na lang daw na mapagod ang mga mababangis na hayop at ibon sa pakikipaglaban
basta sa kampo ng panalo siya sasama; hagikgik nito. Nanonood nga muna ito at saka lang bumaba
sa nananalong grupo.
Isang araw, napagod na ang mga diwata sa away ng mga mababangis na hayop at mga ibon.
Ipinatawag nila ang mga ito at pinagkasundo. Nagtalaga sila ng mga dibisyon kung saan
maninirahan ang bawat hayop. Sa wakas ay natapos din ang matagal na labanan.
Nagsisipag-uwian na ang mga mababangis na hayop at ibon sa kanikanilang itinalagang mga lugar
nang makita nila si Paniki. Dahil sa nakita nila at nalaman ang ginawa nitong pagpapalit-palit ng
panig sa nananalong kampo, wala sa mga ito ang may gustong kasama siya sa kanilang pangkat.
Pinagtabuyan ng mga mababangis na hayop at ng mga ibon ang kawawang si Paniki.
Simula noon ay hindi na nga nakikihalubilo si Paniki sa kahit anong hayop. Dahil sa hiya, tuwing
gabi na lamang ito mag-isang lumilipad upang humanap ng kanyang makakain.
Noong unang panahon, lima pa lamang ang tao sa mundo.Isa na dito ay ang batang si Lam-eng.
Kasama niya sa kanilang kahariang patag ang kaniyang Tiyo Samuel. Nandoon din ang dalawa nilang
alalay na sina Inas dilim at si Amir-ika sinag. Gabi-gabing nananaginip si Lam-eng tungkol sa isang
lalaking kamukhang kamukha niya na nakatira sa bundok. Dahil sa pagkabahala, tinanong niya ang
kaniyang Tiyo Samuel ukol dito.
Sinabi sa kaniya ng kanyang Tiyo Samuel na kambal silang ipinanganak ng kanilang inang
supremong bathala. Siya ay pinatira sa patag kasama ng ng kanyang tiyo at ang kaniyang kambal na
si Asuw-eng naman ay mag-isang iniwan sa bundok. Napatigil ang kaniyang tiyo sa pagkukuwento.
Naisip kasi nito na kung sakaling magkasama ang dalawang magkapatid, ay magsasama din ang
malalakas na kapangyarihan ng mga ito na maaring makapagpawala sa taglay na kapangyarihan ni
Tiyo Samuel. Kaya naman sinabi agad nito na napakabangis na taong may pakpak at dalawang
malalaking pangil si Asuw-eng.
Kaya umano ito inilagay sa bundok para doon kumuha ng mga karne ng hayop bilang pagkain. Mas
malakas din umano ito kay Lam-eng at maaari itong lapain sakaling lumapit si Lam-eng kay Asuw-
eng. Gayumpaman, nais pa ring makita ni Lam-eng ang kaniyang kapatid. Hindi siya pinayagan ng
kaniyang Tiyo Samuel kaya sinabi nito na uutusan na lang niya ang dalawang alalay na umakyat sa
bundok para makuha si Asuw-eng. Gagawin ito pagsikat ng araw kinabukasan.
Gabi bago ang araw ng pag-akyat sa bundok, pasikretong tinawag ni Tiyo Samuel si Amir-ika. Sa
kanilang pag-uusap, ibinigay ni Tiyo Samuel kay Amir-ika ang dalawang malalaking karayom.
Kailangan umanong itusok ang dalawang karayom sa leeg ni Inas bago pa sila makarating sa tuktok
ng bundok. Dagdag pa rito, kailangan ding sugat-sugatan si Inas na para bang nilapa ng isang
mabangis na hayop.
Umakyat na nga ang dalawang alalay sa bundok, at nangyari ang ayon sa plano. Bumaba si Amir-ika
na dala-dala ang bangkay ng kasamang si Inas. Sinabi nito kay Lam-eng na inatake sila ng isang
lalaking may pakpak at malalaking pangil. Buti na lang daw at nakatakbo siya ngunit si Inas ang
nabiktima. Natakot si Lam-eng sa nangyari at paniwalang-paniwala siya na halimaw nga ang
kanyang kapatid. Bumaba ang dalawang babaeng anghel na itinakdang magbibigay ng anak sa
magkapatid.
Ang isa ay pumunta sa bundok at ang isa kay Lam-eng. Nang magkaanak na si Lam-eng, binalaan
niya ang mga ito na huwag pupunta sa bundok dahil nandoon ang halimaw niyang kapatid na si
Asuw-eng. Nagpasalin-salin sa lahi ni Lam-eng ang kuwento tungkol kay Asuw-eng.
Unti-unti ding nabago ang tawag sa halimaw, mula sa Asuw-eng ay naging asuwang at ngayon nga ay
aswang. Nagkaroon din umano ito ng mga anak. Ang isa ay nahahati ang katawan na kung tawagin
ay manananggal at ang lalaking malaki't matikas na tinatawag na kapre, ang lalaking anak ni
Asuweng.
PABULA
Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon, ang uwak
ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”
Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula
sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso.
Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne.
Aral
Hindi lahat ng papuri ay totoo. Maaring ginagamit lamang ito ng iba para maisahan ka.
Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa kalabaw.
Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, “hindi ang isang tulad mo ang nais
kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko. Hindi tulad mong lampa na’t maliit
ay sobra pa ang kupad kumilos.”
Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. “Sobra kang mapang-api. Minamaliit mo
ang aking kakayahan. Dapat mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.
Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang
sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw.
“Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?” Pakutyang sambit ng
kalabaw.
Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at mabilis
tumakbo.
Subalit si pagong ay matalino. Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong. Pinapuwesto niya ang
mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok.
Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang makakalaban niya sa
karera.
“O, paano, di pa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng ating karera?” tanong ng kaiabaw.
“Okey, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng bundok na iyon
ay siyang panalo,” sabi ng pagong.
Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng kalabaw ang unang
bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na ang pagong na ang akala niya ay ang kanyang kalaban.
Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw hanggang sa ikalawang bundok. Ganon din ang kanyang
dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong doon. Galit na galit na nagpatuloy sa pagtakbo ang
kalabaw hanggang sa ikatlong bundok. Muli ay may isang pagong na naman doon, ganoon din sa
ikaapat at ikalimang bundok.
Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan niya ng
malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay ang kalabaw
ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa mahina at maliit na
pagong.
Aral
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-ahong
palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng
lobo.
“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling
na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya’y
niloko lamang ng lobo.
“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay tayo sa uhaw at
gutom dito,” ang sabi ng kambing.
“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano
nating gagawin iyon.”
“Papaano?”
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas. At kapag
nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing
para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong
manloloko kung walang kambing na magpapaloko.”
Aral
Maging matalino sa mga desisyong gagawin mo at huwag basta-basta maniniwala sa ibang tao lalo
na kung hindi mo pa siya lubusang kakilala.
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang
kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang
isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.
“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong
kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng
leksyon.
Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.
“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang
kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.
“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya
ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong bagay.
Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak.”
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh,
mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin
naman nito.
“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa tuktok ng mataas na bundok na
iyon,” wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya subalit hindi siya nagpahalata.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan.
Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal
ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw
ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang
mayabang na Agila.
Aral
Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa pampang ng Ilog Pasig. Siya ay
mabangis at ubod ng sakim. Sa kadahilanang ito, walang ibang hayop ang magkalakas ng loob na
siya’y lapitan.
Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan niyang mag-asawa
na. Pasigaw niyang sinabi,
Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo ang dumaan sa kanyang harapan.
Inulit banggitin ng pilyong buwaya ang kanyang kahilingan. Nakinig ng mabuti ang makiring pabo,
at sinumulang suriin ang anyo ng buwaya.
Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang buwaya. Sinabing muli ng pilyong buwaya ang
kanyang pag-aalok ng kasal nang buong pagpipitagan, gaya ng gawi ng isang mapagkunwari.
Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang magagandang diyamante at ang
magaspang na balat nito ay gawa sa perlas, kaya tinanggap niya ang alok nitong pagpapakasal.
Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig, upang sa gayon ay hindi daw
madumihan ng putik ang maganda nitong plumahe. Sinunod naman ng mangmang na ibon ang
kahilingan ng buwaya.
Ano sa palagay ninyo ang nangyari? Ginawang masarap na hapunan ng sakim na buwaya ang
kanyang bagong asawa.
Aral:
Iwasang maging alipin ng kayamanan. Ang pagiging mukhang pera ay parang lason sa katawan na
nakamamatay.
Mas mabuti pang makapangasawa ng mahirap kaysa taong mayaman na huwad ang kalooban.
Huwag manloko ng kapwa. Pakatandaan na kung ano ang iyong itinanim ay siya mo ring aanihin.
Kung nagtanim ka ng kasamaan sa iba, balang araw ay babalik rin sa iyo ang pangit na itinanim mo.
Maging matalino sa bawat desisyong iyong gagawin. Pag-isipan itong mabuti at ng makailang ulit
bago gumawa ng mga bagay na maari mong pagsisihan sa bandang huli.
Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan. Maging mapanuri at kilalaning maigi ang taong nais
pakasalan.
MAIKLING KWENTO
Regalo sa Guro
Nalulungkot si Ben. Nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya ang kanyang sagot ay, “kasi
po ang mga kamag-aral ko ay may papasko para sa aming guro. Ako lang po ang wala.”
Alam ng butihing ina na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil mahal nito ang kanyang guro. Sa
palagay naman niya, mauunawaan ng guro na sila’y dukha, at sa totoo lang, alam naman niyang
hindi naghihintay ang guro ng regalo kahit kanino.
“Halika anak, at may ikukuwento ako sa iyo. Kuwento ito ng manunulat na si Pablo Cuasay. Kapag
narinig mo ay malalaman mo rin ang dapat mong gawin.” At nagkuwento ang ina.
Dalawa na lamang araw at ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko. Sa paaralan ay may
punong-kahoy na pamasko na puno ng palamuti at mga ilaw. Ito’y puno ng mga alaalang laan ng
mga bata sa kanilang mga guro at kamag-aaral.
Ang lahat ay maligaya. Ang buong daigdig ay nadaramtan ng kaligayahan. Malapit nang isilang ang
Mananakop. Ang lahat ay may ngiti sa labi – may awit sa papawirin.
Ngunit may kaawa-awang nilalang na nalulungkot. Siya’y si Nestor. Bakit? Ang lahat niyang kamag-
aral ay may alaala sa pinakamamahal na guro subalit siya’y wala. Paanong di gayo’y si Nestor ay ulila
sa ama at ang ina ay maralita. Ang ina’y walang kaya upang isunod sa kagustuhan ng kanyang
bunsong anak.
“Inang,” ang hikayat ni Nestor, “Ako lamang ang walang alaala kay Bb. Mirasol. Ang lahat – sina Ador,
Florante, Ramon at Orlando – ang bawat isa sa kanila ay may pamasko sa aking guro. Ako ay bukod-
tanging wala.”
“Nestor,” ang butihing ina ay sumagot, “makinig ka. Alam ng iyong guro na tayo’y dukha. Siya’y di
naghihintay ng alaalang galing sa iyo. Huwag mong ikalungkot iyan. Talos kong si Bb. Mirasol ay
nakauunawa sa ating kalagayan.”
Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit hindi makatulog. Siya’y nag-iisip. Kung
mayroon lamang siyang pagkakakitaan, kahit kaunting salapi upang ibili ng kanyang papasko!
Katapusang araw na kinabukasan.
Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip. May gumuhit sa kanyang gunita. Mayroon siyang naisip na
maiaalay na alaala kay Bb. Mirasol. Ito kaya ay kasiya-siya? Magustuhan kaya ng kanyang guro?
Siya’y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa malamlam na ilawan ay isinulat sa
malinis na papel ang kanyang papasko. Pinagbuti niya ang kanyang pagsulat, ulit-ulit na binasa at
pagkatapos ay tiniklop at ipinaloob sa sobre. Sinarhan niya ito, ipinaloob sa isang aklat at nahigang
muli. Mayroon na siyang alaala. Anong tuwa niya! At nakatulog siya ng mahimbing.
Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa! Mayroon na siyang papasko! Ito kaya ay
mabuting alaala? Iyan lamang ang kanyang nakaya at galing sa kanyang puso. Nang dumating siya sa
silid-aralan ay kaydami nga ng batang nanonood sa Christmas tree. Buong-ingat na ibinitin ni
Nestor ang kanyang papasko sa guro.
Nakinig siya sa lahat ng bilang ng palatuntunan ngunit ang laging umuukilkil sa kanya ay ang tanong
na, “Maibigan kaya ni Bb. Mirasol ang aking alaala?”
Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay pamumudmod ni Santa Claus ng mga papasko. Sumasal
ang puso ni Nestor nang katapusa’y ibinigay ni Santa ang sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni
Bb. Mirasol ang kayang sulat. Tinitigan ang mga titik bago binuksan ang liham. Samantalang
binabasa ang liham, si Nestor ay nagmamasid.
Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral na nagpaalam kay Bb. Mirasol.
Ang kahuli-huliha’y si Nestor na tinawag ng guro. “Nestor, pumarito ka. Ako’y may sasabihin sa iyo.”
“Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Ako’y galak na galak pagkat iya’y
tagapagpakilala na ako’y minamahal ng aking mga tinuturuan. Sa pumpon ng mga alaala ay bukod at
tangi ang iyo na pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala ay di pangkaraniwan. Iya’y nagbigay sa
akin ng labis na kagalakan.”
Namangha si Nestor, di yata’t ang kanyang alaala ang pinakamahalaga sa lahat! Ito ang sabi ng
kanyang guro. “Salamat po, at maligayang pasko.” ang sabi ni Nestor bago siya umalis. Siya ay
tuwang-tuwa.
Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang binasa muli ang liham.
Inyo pong pakaasahang ako’y magpapakabuti. Susundin ko po ang inyong mga utos. Ako’y mag-aaral
ng leksyon tuwina. Pagpipilitan ko pong ako ay maging pangunahing mag-aaral sa inyong klase. Ito
pong pangakong ito ang papasko ko sa inyo.
Nagmamahal, Nestor”
“Ang ganda Nanay ng kuwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung ano ang dapat kong iregalo
kay Bb. Padilla.”
Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa ng anak. Habang tinatanaw
niya ang bata na naglalakad patungo sa paaralan, nagpapasalamat siya sa Maykapal sa pagkakaroon
ng isang mabait at maunawaing anak.
Aral:
Ang pagiging mabuting mag-aaral ang pinaka-mainan na regalong maari mong ibigay sa iyong guro.
Hindi mahalaga kahit gaano pa kamahal ang regalong ibibigay mo sa isang tao. Ang pinakamahalaga
ay bukal sa iyong puso ang pagbibigay mo ng regalong iyon sa taong tatanggap.
Matutong mangapa sa sitwasyon ng pamilya bago mag-isip ng mga bagay na pansarili o ibibigay sa
iba.
Karangalan sa mga magulang ang batang marunong sa buhay.
Ang Inapi
Isa sa walong magkakapatid si Rona na dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa kanyang tiyahin sa Metro
Manila. Labing-tatlong taong gulang lamang siya noon ngunit ipinasa na sa kanya ang halos lahat ng
mga gawaing bahay: paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba, pamamalantsa,
pamamalengke at kung anu-ano pa.
Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at senyorito mula nang
pumisan sa kanila si Rona. Ang panganay na si Evelyn, gayong dalawampung taong gulang na, ay
nagpapahilod pa ng kili-kili at likod tuwing maliligo. Pati sarili nitong underwear ay si Rona pa ang
naglalaba. Ang tatlong lalaki naman, maliban sa isa, ay gayon na lamang kung mag-utos, laging
pasigaw o pagalit. Kapag naglilinis ng sahig si Rona ay di man lamang mag-alis ng sapatos ang mga
pinsan kapag dumarating. Animo’y nang-iinis pa na dadaan sa harapan ng nakaluhod at nakayukong
si Rona na nagpapahid ng floor wax. Kadalasan ay pabalibag pang ihahagis ang pantalong de maong
kay Rona at pasigaw na “O, labhan mo ‘yan! Pag natuyo, plantsahin mo ha?!!
Bakasyon noon.
Halos araw-araw ay ganyan ang gawain ni Rona: linis, saing, laba, plantsa. Ang bibigat pa mandin ng
mga pantalong de maong ng mga pinsan. Ginawa siyang taga-laba ng mga ito.
Si Rona ay hindi itinuring na kamag-anak. Kapag may mga dumadalaw na kaibigan ang mga pinsan,
atsay o katulong ang pakilala sa kanya.
Sa hapag kainan, si Rona ang taga-silbi. Hindi siya isinasabay sa pagkain, laging huli, gayong mahaba
naman ang mesang kainan. Kung ano ang matira ay iyon lang ang makakain niya. Apat na beses sa
isang linggo ay tinapang isda ang ulam nila. Ulo lamang ng tinapa ang pwedeng kainin ni Rona. Iyon
ang laging itinitira sa kanya ng tiyahin.
Sa murang katawan ni Rona, ang hirap ng trabaho at salat na pagkain sa piling ng tiyahin ay hindi
niya inalintana. Siya ay alilang-kanin. Ang mahalaga’y patuloy siyang nakapag-aaral sa Pasig High
School. Lagi niyang nilalakad pauwi ang Pasig at Pateros na halos ay apat na kilometro ang layo.
Wala siyang pocket-money, walang snack, laging nagugutuman. Pagdating ng bahay, kahit pagod at
gutom, kailangan niya munang maghugas ng mga kaldero’t pinggan na nakatambak sa lababo bago
siya makakakain. Kadalasan, matutulog na lang siya ay pasigaw pa siyang uutusan ng mga pinsan.
Dalawang taon nahirahan at nanilbihan si Rona sa tiyahin. Nang makatapos ng high school ay
kinuha siya ng kapatid at dinala sa Cebu City. Nagpatuloy ng pag-aaral si Rona, naging academic
scholar at nagtapos ng edukasyon nang may karangalan – Magna cum laude. Muli siyang nag-aral
tatlong kurso ang natapos niya at naging Doctor of Education. Nakapag-asawa siya ng isang
abogado.
Ngayon ay isa nang matagumpay na educator at businesswoman si Rona. Isa na siyang milyonarya
at maligaya sa piling ng tatlong anak at mapagmahal na kabiyak.
Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay, at respetadong tao sa mataas na
lipunan? Ang mga pinsan nasa kanya ay nang-api ay walang natapos na pinag-aralan, ganoon pa rin
ang buhay hindi umasenso. Ang iba ay nakapag-asawa ng mga hirap din ang buhay.
Aral:
Maging matiyaga at sikaping makapagtapos ng pag-aaral anuman ang kalagayan sa buhay.
Ang taong masipag at nagsusumikap sa buhay ay may matagumpay na hinaharap.
Huwag gantihan ang gumagawa sa iyo ng hindi maganda. Ipagpasa-Diyos na lamang sila at
magpatuloy ka sa iyong buhay.
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng panunukso
nang magsimula na siyang mag-aral.
“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.
Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso sa kanya. Lumaki
siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na madasalin. Mayroon siyang
malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang kalagayan nang maluwag sa
loob niya.
Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog siya ng iba’t ibang instrumento.
Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog.
Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina ng pagtugtog ng piyano. At
natuklasan ni Mutya na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika. Maraming
mga guro sa musika ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging estudyante.
Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang piyanista. Nakarating na
siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga siya sa
palasyo ng hari ng Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na siya tinutukso ngayon. Hindi na
pinagtatawanan. Sa halip, siya ay hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang
pambihirang kakayahan sa pagtugtog.
Aral:
Anuman ang iyong kalagayan sa buhay, matutong manalig at tumawag sa Panginoon.
Huwag makinig sa negatibong sinasabi ng iba tungkol sa’yo. Huwag mo na lang pansinin ang pangit
na sinasabi nila, sa halip ay ipagpatuloy na linangin ang iyongb kakayahan upang makamit ang iyong
pangarap.
Ang bawat tao ay may angking kakayahan na kung pagsusumikapan ay maaring maging mahusay ka
sa larangang ito.
“Marahil,” sabi niya, “bibili ako ng manok sa aking kapitbahay at kapag ito’y nangitlog, ipagbibili ko
at ang perang mapagbibilihan ko ng itlog ay ibibili ko nang magandang damit na may laso. Baka
bumili rin ako ng isang pares ng sapatos. Pagkatapos ay pupunta ako sa Pistang Bayan at ang lahat
ng mga lalaki doon ay magtitinginan sa akin at ako’y susuyuin ngunit hindi ko sila papansinin at
iismiran ko pa sila.”
Nakalimutan niya na may bote ng gatas sa kanyang ulo, kaya’t paggalaw niya sa kanyang ulo, ang
mga bote ay nagsibagsak. Ang mga ito ay kumalat sa kapaligiran. Ang kanyang mga pangarap ay
nagsilaho kasabay ng mga bote ng gatas.
Lungkot na lungkot siyang umuwi at hindi niya malaman kung saan siya kukuha ng kakainin para sa
araw na iyon.
Aral:
Ituon ang pansin sa kung ano ang kasalukuyang ginagawa ng sa gayon ay magawa ito ng maayos.
Hindi masama ang mangarap ng mga magagandang bagay pero mas bigyan halagang at unahin kung
ano ang pinakakailangan.
Huwag magbilang ng sisiw kung hindi pa napipisa ang itlog.
Si Mariang Mapangarapin
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa’t
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali
man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip
at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi
naman nagalit si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan
niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si
Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng nag-iisang manliligaw niya.
Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-
aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa
hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang
pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nangitlog ang lahat na inahing manok
na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At
kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng
pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang
dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang
dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang
limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang
bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang
pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak
nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na
kanyang sunung-sunong.
Aral:
Hindi masama ang mangarap. Ngunit mas mabuti kung bigyang pansin ang kasalukuyan at mag-
pokus upang makamit ang pangarap na ninanais.
Huwag magbibilang ng sisiw hangga’t hindi pa napipisa ang itlog.
PARABULA
Ang parabulang “Ang Alibughang Anak” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas
kabanata 15 talata 11 hanggang 32 (Lucas 15:11-32).
Kaya naman hinati ng ama sa dalawa ang lahat ng kanyang yaman. Pagkalipas ng ilang araw ay
umalis na ang bunso at nagtungo sa malayong lupain dala ang lahat ng kanyang mana.
Nilustay niya ang lahat ng kanyang ari-arian. Nang magugol na niya ang lahat ng kanyang yaman ay
saka naman nagkaroon ng matinding taggutom sa lugar na kanyang pinuntahan.
Nakahanap siya ng trabaho bilang tagapag-pakain ng baboy. Sa sobrang gutom ay pati ang kaning-
baboy ay kanya na ring kinakain.
Nang makapag-isip-isip ang bunsong anak ay naalala niya na sa lugar ng kanyang ama ay maraming
upahang mga utusan. Ang mga iyon ay sagana sa tinapay samantalang siya ay mamamatay na dahil
sa gutom.
Naisip niyang bumalik sa kanyang ama kahit bilang utusan na lamang at siya’y hihingi umano ng
tawad.
Malayo pa’y natanawan na siya nito at naawa sa sinapit ng anak. Niyakap niya ang anak at hinagkan.
Sinabi ng bunsong anak, “Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako
karapat-dapat na tawaging anak mo.”
Gayunpaman ay tinawag ng ama ang kanyang mga utusan at sinabing, “Madali! Dalhin ninyo ang
pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang
kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo
ay kakain at magsaya. Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay
nawala at natagpuan.”
Pag-uwi galing sa bukirin ay narinig ng panganay na anak ang kasiyahan sa kanilang bahay.
Itinanong niya sa isa nilang alipin kung anong mayroon doon.
Anang alipin ay dumating na umano ang bunso niyang kapatid. Nagpapatay ng guya ang kanyang
ama dahil umuwing malusog at walang sakit ang kapatid niya.
Nang marinig ito ay nagalit ang panganay at ayaw pumasok ng sa kanilang bahay.
Tumugon ang ama at sinabing, “Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. Ang magsaya at
magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala
at natagpuan.”
Aral:
Nagagalak ang Diyos sa tuwing nagbabalik-loob ang mga anak Niya sa kanya. Maging
mapagpakumbaba, aminin ang mga kasalanan, at magbalik-loob sa Diyos.
Iwasan ang pagiging mainggitin. Ang nais ng Diyos ay matuwa ka sa tuwing may magandang
nagyayari ito man ay sa iyong kapwa o sa sariling kapatid dahil ang disenyo ng Diyos sa tao ay ang
magmahalan at hindi ang magsakitan.
Tunay nga na walang magulang na makatitiis sa anak. Gayundin naman, hindi kayang titiisin ng
Diyos ang mga anak niya.
Ang “Parabula ng Sampung Dalaga” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Mateo kabanata
25 talata 1 hanggang 13 (Mateo 25:1-13).
Mayroong sampung dalaga na lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Lahat sila ay may
dalang ilawan. Lima sa mga dalaga ay matatalino samantalang ang lima ay hangal.
Bagama’t may dala-dalang ilawan ang limang dalagang hangal, wala naman silang baon na langis na
reserba. Kabaligtaran naman ng limang dalagang matatalino dahil bukod sa kanilang ilawan na dala
ay mayroon pa silang baong langis.
Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya naman ang mga dalaga ay inantok at nakatulog sa
paghihintay.
Nang maghatinggabi na ay may sumigaw at sinabing, “Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na
kayo upang salubungin siya!”
Mabilis na bumangon ang sampung dalaga at agad na inayos ang kani-kanilang ilawan.
Napansin ng mga dalagang hangal na aandap-andap na kanilang ilawan kaya naman sila’y humingi
ng langis sa mga dalagang matatalino.
Ngunit pinayuhan ng mga matatalino na pumunta na lamang ang mga hangal sa tindahan upang
bumili ng langis dahil baka hindi magkasya sa kanilang lahat ang dala nilang langis.
Kaya naman agad na lumakad ang limang babaeng hangal upang bumili ng langis.
Di nagtagal ay dumating ang lalaking ikakasal at ang nasumpungan niyang limang dalaga ay kasama
niyang pumasok sa kasalan saka isinara ang pinto.
Pagkaraan ay dumating ang limang dalagang hangal at nakiusap ng, “Panginoon, panginoon,
papasukin po ninyo kami!”
Ngunit tumugon ang lalaking ikakasal at sinabing, “Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.”
Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang
oras.”
Aral:
Walang nakaaalam ng araw o ng oras sa pagbabalik ng Panginoon kaya naman dapat nating ugaliing
maging handa ng lahat ng pagkakataon.
Ang parabulang “Ang Mabuting Samaritano” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas
kabanata 10 talata 25 hanggang 37 (Lucas 10:25-37).
Isang araw ay may lumapit kay Jesus na isang eskriba na dalubhasa sa kautusan upang siya ay
subukin. Tinanong niya si Jesus ng, “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na
walang hanggan?”
Sumagot si Jesus at itinanong sa lalaki, “Ano ba ang nakasulat sa kautusan? Ano ba ang nababasa mo
roon?”
Anang eskriba ay ibigin ang Panginoong Diyos ng buong puso, kaluluwa at lakas. At ibigin ang
kapwa gaya ng sarili.
Tama umano ang sagot ng lalaki ayon kay Jesus. Gawin daw iyon at magkakamit siya ng buhay na
walang hanggan.
Ngunit upang hindi lumabas na kahiya-hiya ang lalaking dalubhasa sa kautusan ay nagtanong pa ulit
ito kay Jesus.
Isang araw ay may taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga
tulisan. Hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na.
May isang pari na napadaan sa lugar ngunit sa halip na tulungan ay lumihis siya ng daan at
nagpatuloy lamang sa paglalakad na parang walang nakita.
Ganun din ang ginawa ng isang Levita na nakakita sa bugbog saradong katawan ng lalaki.
Nagkataon namang napadaan ang isang lalaking Samaritano na naglalakbay at nang makita ang
lalaki ay agad niya itong tinulungan. Siya’y naawa dito, binuhusan at nilinis ang sugat saka
binendahan.
Pagkaraan ay isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang
maalagaan siya doon.
Bago umalis kinabukasan ay nag-iwan pa siya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng
bahay-panuluyan at nagbilin na alagaan niya muna ang lalaki at kung sakaling may magastos pa siya
na higit sa iniwan niyang pera ay babayaran na lamang niya ito sa kanyang muling pagbabalik.
Pagkatapos mailahad ni Jesus ang talinghaga ay nagtanong ito, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo
ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”
Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka’t gayon din ang gawin mo.”
Aral:
Ang nagmamahal sa Diyos ay nagmamahal din sa kapwa. Kaya naman maging mabuti sa iyong
kapwa sa lahat ng pagkakaton.
Isang araw ay lumapit kay Jesus ang mga taong makasalanan at mga maniningil ng buwis upang
makinig sa kanyang mga turo.
Nakita ito ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan kaya sila ay nagbulung-bulungan.
Nakikisama at nakikisalo daw umano si Jesus sa mga taong makasalanan.
Nang marinig ito ni Jesus ay kanyang ibinahagi ang talinghaga ng nawawalang tupa.
May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit nawala ang isa. Iniwan niya ang siyamnapu’t siyam
at hinanap ang nawalang isa.
Nang makita ang nawawalang tupa ay masaya niya itong pinasan saka umuwi.
Pagdating sa bahay ay inanyayahan niya ang kanyang kaibigan at mga kapitbahay at sinabing,
“Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!”
Makaraang ilahad ni Jesus ang talinghaga ay kanyang sinabi, “Magkakaroon ng higit na kagalakan sa
langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu’t siyam na
matuwid na di nangangailangang magsisi.”