BANTUGAN

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANTUGAN (Epiko ng Mindanao)

Si Bantugan ay isang prinsipe sa kaharian ng Bumbaran. Si prinsipeng bantugan


ay kapatid ng haring Madali na hari naman sa kaharian ng Bumbaran. Si
prinsipeng Bantugan ay kilala na makisig at sobrang matapang kaya marami ang
nagkakagusto na dalaga na siya ay maging asawa . Kaya madalas na mainggit ang
kanyang kapatid na si haring Madali kay prinsipe Bantugan . Nang dahil sa inggit ay
gumawa ng panibagong utos ang haring Madali na bawal kausapin si Prinsepe
Bantugan at kung sino man ang lumabag sa kautusang ito ay magkakaroon ng
parusa . Nang dahil sa panibagong utos ng haring Madali ay naging malungkot ang
prinsipeng Bantugan at ito ay nagkaroon ng malubhang sakit at ito ang naging
dahilan ng kanyang pagkamatay . Si prinsipeng Bantugan ay namatay sa pintuan
ng kaharian na nasa pagitan ng dalawang dagat . si haring Rito at ang kanyang
kapatid na babaeng si prinsesa Datimbang ay naguguluhan dahil hindi nila kilala
ang namatay na si prinsipeng Bantugan. Kaya ang mga ito ay tumawag sa mga
Pulo ng mga tagapayo habang tinitingnan ang namatay na si prinsipeng Bantugan .
May isang ibon ang pumasok at ang ibon na ito ay isang Loro at sinabe ng Loro na
ang namatay na yan ay si prinsipe bantugan na nagmula sa Bumbaran at agad
itong binalita ng loro sa haring Madali .

Nang mabalitaan ni haring Madali ang nangyare kay prinsipeng Bantugan siya ay
nalungkot at ito ay agad na pumunta sa langit upang bawiin ang kaluluwa ng
prinsipe . Habang dala ng hari ang kaluluwa ng prinsipe, dala naman ng prinsesa
Datimbang ang katawan ng prinsipe sa Bumbaran . Doon pinagsanib ang kaluluwa
at katawan ni prinsipe Bantugan . Dun muling nabuhay ang prinsipe Bantugan .
Dahil nabuhay muli ang prinsipe ay nagdiwang ang kaharian ng Bumbaran .

Nang mabalitaan ng kaharian ng Miskoyaw ang nangyari kay prinsipe Bantugan


nilosob agad nito ang kaharian ng Bumbaran . Lumaban si prinsipe Bantugan sa
mga lumusob sa kanilang kaharian ngunit dahil mahina pa siya dahil sa kakabuhay
nya lang . Siya ay nabihag at nahule ng mga lumusob sa kanilang kaharian at
dinala siya ng mga ito. Si prinsipe Bantugan ay ginapos, ngunit ng magbalik ang
kanyang lakas agad niya nilagot ang pagkakagapos sa kanya . Dun niya nilusob
ang kaharian ng Miskoyaw . Niligtas niya ang kanilang kaharian sa kamay ng
kaharian Miskoyaw at naligtas naman niya ng ligtas ang kanilang kaharian . Nang
maligtas niya ang kanilang kaharian, tinuloy nila ang kanilang pagdiriwang. dun na
nagsimula na mawala ang pagkaingit ni haring Madali sa kanyang kapatid na
prinsipeng Bantugan. at dahil sa nangyareng iyon dinalaw niya ang lahat ng
prinsesang kanyang kapitan at ito ay kanyang pinakakasalan at inuuwe sa kanilang

kaharian. Buong puso naman itong tinatangap ng haring Madali . Dun na


namuhay si Prinsipeng Bantugan ng mapayapa at maligaya

You might also like