Yunit 4
Yunit 4
Yunit 4
PANIMULA
LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang mapalalim ang
pagpapahalaga sa malaking kontribusyon ng mga magnggagawa sa ating bansa.
Partikular na nilalayon ng aralin na:
GAWAIN
SOSYEDAD AT LITERATURA
CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN
KULTURAL EKONOMIKAL
HALAGA NG
MGA
MANGGAGAWA
SOSYAL GLOBAL
PAGPUPUNTOS
Lawak ng Talakay 20
Linaw ng Paglalahad ng Kaisipan 15
Masistemang daloy ng mga impormasyon 15
KABUUAN 50
SOSYEDAD AT LITERATURA
CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN
LINANGIN
Sa pagkakataong ito’y iyong basahin ang tulang pinamagatang “Ang Aklasan
na tahasang nagbunyag sa mga tunay na pangyayari tunay na pangyayari, sa buhay ng
mga mahihirap na manggagawa.
ANG AKLASAN
Ni Amado V. Hernandez
I.
Nangatigil
ang gawain
sa bukirin.
Nagpahiga
ang makina
sa pabrika.
Natiwangwang
ang daunga’t
pamilihan.
At sa madla
ay nagbanta
ang dalita.
Nanlupaypay
ang puhunan
at kalakal.
Nangsara
ang lahat na…
Welga! Welga!
SOSYEDAD AT LITERATURA
CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN
Bawat sipag,
bawat lakas
ay umaklas.
Diwang dungo’t
ulong yuko
itinayo.
Ang maliit
na ginahis
ay nagtindig.
Pagka’t bakit
di kakain
ang nagtanim?
Ang naglitson
ng malutong,
patay-gutom.
Ang nagbihis
sa makisig
walang damit.
Ang yumari
ng salapi’y
nanghihingi.
SOSYEDAD AT LITERATURA
CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN
Ang gumawa
ng dambana’y
hampas-lupa.
Ang bumungkal
niyang yaman,
nangungutang.
II.
Bakit? Bakit
laging lupig
ang matuwid?
Di nasunod
pati Dios
na nag-utos.
Di tinupad,
Binaligtad
pati batas.
Ah, kawawa
ang paggawa
at ang dukha.
Laging huli,
laging api,
laging bigti!
SOSYEDAD AT LITERATURA
CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN
May lunas bang
hihigit pa
sa sandata?
Ang aklasa’y
di tagumpay,
kung sa bagay.
Nalilibid
ng panganib,
dusa’t sakit.
Pagkat ito
ay simbuyong
sumusubo.
Pagka’t ningas
na nagliyab
at sumikab.
Pagbabangon
ng ginutom
ay inulol.
Himagsikan
ng nilinlang
at pinatay.
SOSYEDAD AT LITERATURA
CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN
Buong sumpa,
poot, luha,
ng paggawa.
Katapusan
ng kasama’t
pangangamkam.
At sa wakas,
bagong batas,
bagong palad!
III
Nguni’t habang may pasunod
na ang tao’y parang hayop,
samantalang may pasahod
na anaki’y isang limos,
habang yaong lalong subsob
at patay sa paglilingkod
ay siyang laging dayukdok,
habang pagpapabusabos
ang magpaupa ng pagod,
habang daming nanananghod,
sa pagkaing nabubulok
ng masakim at maramot,
habang laging namimintog
sa labis na pagkabusog
ang hindi nagpawis halos,
at habang may walang takot
SOSYEDAD AT LITERATURA
CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN
sa lipunan at Diyos,
at may batas na baluktot
na sa ila’y tagakupkop,
ang aklasan ay sisipot
at magsasabog ng poot,
ang aklasa’y walang lagot,
unos, apoy, kidlat, kulog,
mag-uusig, manghahamok
na parang talim ng gulok,
hihingi ng pagtutuos
hanggang lubusang matampok,
kilalani’t mabantayog
ang katwirang inaayop,
hanggang ganap na matubos
ang Paggawang bagong Hesus
na ipinako sa kurus.
ABSTRAKSYON
Atin ngayong suriin ang akdang Ang Aklasan sa pamamagitan ng pagbuo sa dialog box
at concept organizer.
Ikaw ba’y naniniwala na ang pag-aaklas ng mga manggagawa ang kasagutan sa kanilang
mga karaingan? Bakit?
SOSYEDAD AT LITERATURA
CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN
Simbolismo
Bakit inihambing ni Hernandez ang mga manggagawa kay Hesus
na nakapako sa krus? Ano ang sinasagisag ng krus sa mga
manggagawa?
Istruktura ng Tula
Dahilan ng Aklasan
Bakit kaya ganitong porma
ang ginamit ng awtor? TEMA
P
3. c
5.
PAGPUPUNTOS
Lawak ng Talakay 30
Katiyakan at Kawastuhan ng mga Sagot 30
Kaayusan ng Pagkakalahad ng mga Kaisipan 25
Linaw ng mga Ideya 15
KABUUAN 100
SOSYEDAD AT LITERATURA
CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN
APLIKASYON
Bumasa ng isang artikulo o balitang tumatalakay sa kasalukuyang kalagayan ng mga
manggagawa.Mula sa mga nakalap mong impormasyon, gumawa ka ng pasalitang
advocacy campaign (audio clip) kung paaano higit pang mapabubuti ang kanilang
kalagayan.
PAGPUPUNTOS
Nilalaman 30
Organisasyon ng mga Ideya 30
Kabuluhan 25
Pangkalahatang Bisa 15
KABUUAN 100
SANGGUNIAN
Ulit, P. et al. (2000) “Pagpapahalaga sa Panitikan ng Pilipinas” Komisyon ng Wikang Filipino
SOSYEDAD AT LITERATURA
CASTILLO, GEORGE P.