Kabanata II - Ikalawang Aralin

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Introduksyon

Ang pinakamapait na sitwasyon ng maralita ay hindi maitrato bilang tao


mula sa pagkaranas ng pang-aapi sa ating lipunan. Kung hindi ito
maigpawan, maaaring masadlak na lang sa hikahos na buhay dulot ng
kawalan ng disenteng pabahay at hanapbuhay. Tatalakayin at susuriin sa
araling ito ang isang akdang pampanitikang hinggil sa isa sa kahirapang
dinaranas ng ating bansa.

Mga Tiyak na Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakasusuri ang akdang pampanitikang tumatalakay sa isyu ng


kahirapan.
2. Nakagagawa ng concept map batay sa akdang binasa.

Akdang Pampanitikan

Iskwater
Ni Luis G. Asuncion
Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan

Mahigit isang dekada na kaming nakatira sa squatters’ area malapit sa Batasang


Pambansa sa may Commonwealth, Quezon City. Noon ang mga
bahay ay kakaunti pa lang at halos puro talahiban ang kapaligiran. Nang mga nagdaang
taon ay parang mga kabute na nagsisulputan ang mga bahay rito. Hindi lang basta
maliliit na bahay kundi mga naglalakihan na parang mansion.
Ilang beses na rin na nagbanta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay rito pero
hindi nagtatagumpay dahil na rin sa pakikipaglaban ng mga nakatira rito.
Pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo. Laban sa
pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan.
Pero sabi ko sa sarili ko ay mahihirapan na ang gobyerno na mapaalis na
ang mga tao kahit na ang iba ay gusto nang umalis tulad ko. Ang dahilan
kung bakit hindi kami makaalis ay dahil wala rin kaming maayos na
malilipatan. Nangako ang gobyerno na kapag nademolis kami ay may
nakahanda kaming malilipatang lupa sa parte ng Payatas. Pero ang iba
naman ay patuloy paring naghihintay.
Ang alam ko lang, ang iskwater ay ang lugar kung saan ang mga
mahihirap lamang ang naninirahan. Pero bakit ganun, nakikipagsiksikan ang
mga mayayaman pa sa kaibigan ko na nakatira sa Don Enrique Subdivision,
Quezon City.
Ang ilang sa mga kapitbahay naming ay napakalakas magsipagtugtog ng
kanilang mga component na animo‘y nagpapasikat sa mga tulad naming
mahihirap.
Minsan, nasilip ko ang loob ng isa sa mga kapitbahay naming dahil
nakabukas ang kanilang geyt at pinto. Nakita ko ang isang putting kotse na
hindi ko alam kung ano‘ng tatak pero ang alam ko lang napakamahal ng
ganoong klase ng sasakyan. At ang gamit nila sa loob ay napakarami. Ang
telebisyon nila ay higit pa sa apat na beses ang laki ng Tv naming 14 inches.
Ang karaoke ay dalawang beses ang laki sa karaokeng naming Hanabishi. At
higit na malakas ang dahil nakahiwalay pati ang dalawang naglalakihan
nitong speaker.
At kapag Pasko naman o Bagong Taon ay makikita mo lalo ang kanilang
pagiging galante. Sila pa rin ang pinakamalakas magpatugtog ng mga
pamaskong awitin. At ang kanilang mga handa ay isang buong litsong baboy
o baka at iba pang pagkain ng mga mayayaman.
Tuwing ang isa namang miyembro ng kanilang pamilya ang may kaarawan,
makikita mo na ang kanilang mga handa ay para sa isang pista ng nayon at
ang mga bisita ay halos lahat de-kotse.
Minsan nakita ko ang kapitbahay naming mayamang kolehiyala na tipo
ang itsura, kapag hindi mo kilala, ay di mo aakalain na nakatira sya sa isang
squatters‘ area. Matangkad, maganda, maputi, seksi, kaakit-akit lalo na ang
pananamit. Sa aking obserbasyon, iba-iba ang kanyang boypren tuwing
makikita ko siya sa labas. Hindi sya nagpapaligaw sa bahay nila dahil ang
sabi‘y nahihiya siya sa lugar na kinatitirikan ng malaki nilang bahay. Bakit ditto
pa sila nagpatayo
ng bahay?
Noong wala pang gaanong mga bahay ditto ay Malaya kaming
nakapaghahabulan sa mga talahiban ay nangangamba na madamay rito.
Kung may pera lang sana kami para makaalis na sa lugar na ito ay
matagal na naming ginawa. Sabi ko sa sarili na ipinanganak akong mahirap
ay mamamatay din yata akong mahirap.
Bakit ganun, ang mga mahihirap ay ‗di kalian man makakatira sa lugar ng
mga mayayaman. Pero ang mga mayayaman ay maaaring manirahan sa
lugar ng mga mahihirap ano mang oras nilang gastusin.

Buod ng Aralin
Ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamtan ng
nakakaranas nito ang mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-
araw. Malaki ang sanhi ng kahirapan at ang epekto nito sa kabataan na
nakakaranas ng kahirapan. nawawalan ng tiwala sa sarili, sa kapwa tao, at sa
gobyerno. Kung hindi ito maigpawan, maaaring masadlak na lang sa hikahos
na buhay dulot ng kawalan ng disenteng pabahay at hanapbuhay. Ito ang
mga dahilan kung bakit umiral ang mga People‘s Plan sa mga maralitang
komunidad para magkaroon ng matatawag na sariling tahanan at disenteng
tirahan.

Pagtataya
Gabay sa Pagsusuri
1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
2. Mayroon bang paksa na ‗di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay
ng halimbawa.
3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag
4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit?
Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto?
Ipaliwanag.
6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa
konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa
kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan?
Ipaliwanag.
Mungkahing Gawain
1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.

Mga Sanggunian

Aklat

Bernales, R., et al., (2020). Sosyedad at Literatura. Malabon City: Mutya


Publishing House.

Lalic, E., et al., (2004). Ang ating Panitikang Filipino. Bulacan: Trinitas
Publishing Inc.

Elektroniko

https://emersonmactal.wordpress.com/2016/10/17/kahirapan-sa-pilipinas/

https://www.facebook.com/notes/mmdm-leaders-online/isulong-ang-
lipunang- walang-iskwater/710153322529247/

You might also like