Sdo Aurora-Epp4 Q4 Mod1 Entrepreneurship

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

4

EPP- IE
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Entrepreneurship
EPP IE- Baitang 4
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Entreprenuership
Unang Edisyon, 2021

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa pag-aaral ng ating mga mag-
aaral sa kanilang tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-
aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may
kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan nila ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman
ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinaaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas
ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo
ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Aurora


Tagapamanihala: Catalina P. Paez PhD CESO V
Katuwang na Tagapamanihala: Danilo M. Jacoba

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Floriza C. Son


Editor: Jonalyn O. Calado
Tagasuri: Paul Alvin F. Facelo
Tagaguhit: Josephine Q. Valenzuela
Tagalapat: Bijeyson M. Jallorina
Harold T. Tecson
Tagapamahala: Erleo T Villaros PhD
Esmeralda S. Escobar PhD
Estrella D. Neri
Milagros F. Bautista PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pangpaaralang Pansangay ng Aurora
Office Address:Sitio Hiwalayan, Brgy. San Luis, Aurora
Telefax:
E-mail Address:[email protected]
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang sa mga mag-


aaral ang mga sumusunod na mga kasanayan:

• natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng


entrepreneurship EPP4IE-Oa-1;
• natatalakay ang mga katangian ng isang entreprenuer
EPP4IE-Oa-2; at
• naiisa-isa ang ibat-ibang uri ng negosyo
EPP4IE-Ob-4.

Subukin

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod. Hanapin ang tamang


sagot sa loob ng kahon. Isulat ang letra na iyong napili sa sagutang
papel.

1. 2. 3.

4. 5. 6.

A. bumbero B. guro C. inhinyero


D. negosyante E. piloto F. pulis

1
Aralin

1 Entrepreneurship
Natutukoy mo ba kung ano-ano ang pinagkakakitaan ng mga
tao upang matugunan ang mga pangangailangan sa araw-araw?
Naranasan mo na bang maghanapbuhay tulad ng iyong mga
magulang? Sa modyul na ito ay malalaman mo ang isang uri ng
hanapbuhay na maaaring piliin ninuman.

Balikan

Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang paggawa ng


sariling produkto mula sa mga materyal na nasa paligid gamit ang
iyong pagiging malikhain at kasanayan sa iba’t ibang bagay.

Tuklasin

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng ng negosyo o


pagnenegosyo ang ipinakikita sa bawat larawan. Hanapin ang
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang letra ng iyong napili
sa sagutang papel.

1. 2.

2
3. 4.

5. 6.

A. Beauty Shop C. Snack House E. Sorbetero


B. Fish Vendor D. Sari-sari Store F. Vegetable Dealer

Suriin

Entrepreneurship

Ang taong sangkot sa negosyo ay tinatawag na may-ari o


entrepreneur. Kailangan sa isang negosyo ang may namamahala
na siya nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.
Mga halimbawa ng kan’yang pinamamahalaan:

Buy and Sell Computer Shop


3
Furniture Shop Motorcycle/Bicycle parts

Shoe Repair Ukay-Ukay

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga negosyong


nagpapakita ng iba’t ibang kakayahan at pamamaraan:

• nagtitinda ng isda

• gumagawa ng mga sirang sapatos

• nagtitinda ng sorbetes

• gumagawa ng mga muwebles

• nagkukumpuni ng mga sirang sasakyan

• bumibili at nagtitinda ng bakal at bote

1. Sa inyong lugar, may kakilala ka bang entrepreneurs? Sino-sino


ang mga ito?
2. Anong uri ng negosyo ang kanilang kinabibilangan?
Entrepreneurship ____ Ito ay ang kakayahan ng isang tao na
matutuhan ang pagnenegosyo at serbisyo.

4
Ang negosyo o business ay ang pagbuo ng isang produkto na
ibinebenta kapalit ang pera. Ito ay isang uri ng pinagmulan ng
pera. Ang serbisyo naman ay pagbibigay ng sariling kakayahan sa
trabaho. Ito ay nararapat na may personal touch na
nangangahulugang pagbibigay ng komportable at kasiya-siyang
paglilingkod.
Negosyo Serbisyo
Paglalako Manikurista
Buy and Sell Barbero
Panaderya Karpintero

Ang isang namamahala sa isang negosyo o entrepreneur ay


nararapat na magtaglay ng magagandang katangian at marunong
mangasiwa.
Mga Katangian ng Isang Entrepreneur

Matatag ang loob


May tiwala sa sarili
May kakayahan sa pagpaplano
Magaling gumawa ng desisyon
Masipag sa trabaho
Masigasig at marunong lumutas ng suliranin
Marunong mamahala at maunawain sa mga tao

Mga Gawain sa pangangasiwa ng isang Negosyo


Nililinis ang loob at labas ng tindahan at iba pang mga
kinakailangang linisin ditto.
Inaayos ang mga paninda ayon sa uri upang madaling makita at
makuha kapag may bumibili.
Tinitiyak na malinaw ang pagkakasulat ng presyo ng bawat
paninda.
Nilalagyan ng takip ang mga panindang pagkain.
Nagbibigay ng tamang sukli.
Tapat at magiliw sa pakikipag-usap sa mga mamimili.
Naipamamalas ang maayos na serbisyo.
5
May dalawang paraan para magkaroon ng sariling negosyo: .
1. Pagpoproduce o paggawa 2. Pagkakaloob ng serbisyo
ng isang produkto galing nang may kabayaran.
sa pinagkukunang
yaman.

Karagdagang Impormasyon:
Mayroon ding hindi permanente o ang naglalako ng paninda
sa iba’t ibang lugar.

Mayroon ding di-permanente Naglalako ng paninda sa ibat-


ibang lugar.

Mga Benepisyo sa Pagnenegosyo:


1. Nagkakaroon ng kita ang pamilya.
2. Nakatutulong sa iba’t ibang gastusin.
3. Napalalago nito ang pakikisalamuha sa ibang tao.
4. Napalalawak nito ang kaalaman at kasanayan
(knowledge and skills) sa gawaing pagnenegosyo.
5. Nakakamit ang oportunidad sa mas malaki at maunlad
na larangan ng pagnenegosyo.

6
Sa kabuoan, magkakaroon ng maayos at matagumpay na
negosyo kung isasaalang-alang ang sumusunod:
I. Halaga ng puhunan
II. Produktong ipagbibili
III. Lugar ng pagbebentahan
IV. Paraan ng pagbebenta
V. Ugaling dapat taglayin
Halimbawa:

Halaga ng puhunan Php 1,000.00

Produktong ipagbibili barbecue

Lugar na pagbebentahan harapan ng tirahan

Paraan ng pagbebenta tingian

Ugaling dapat taglayin magiliw, tapat, at malinis

Ang sumusunod ay mga katangian na dapat taglayin ng isang


entrepreneur:
• magalang sa mga mamimili
• hindi sumusuko sa panahon ng pagsubok
• walang kapaguran sa araw-araw na gawain
• isinasauli ang sobrang sukli
• naglalagay ng tamang presyo ng mga paninda
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng maaaring gawing
negosyo:
• ihaw-ihaw
• bananacue
• walis tingting
• haluhalo
• paghuhugas ng sasakyan (car wash)
Halimbawa ng negosyo: Ihaw-ihaw
Pamantayang
Bagay Produkto Halaga
Sukat
baboy barbecue per tuhog Php 5.00

7
manok isaw per tuhog Php 3.00
paa per tuhog Php 4.00
dugo per tuhog Php 4.00
leeg per tuhog Php 8.00

Pagyamanin
A.Panuto: Punan ng mga titik ang mga kahon upang mabuo ang
mga salita. Basahin ang mga clue upang maging gabay sa
pagsagot. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno.
Clues:
Pahalang 1. pagnenegosyo sa ibat-ibang kakayahan at
pamamaraan
Patuwid 2. pinagkakalooban ng kabayaran
3. naprodyus na bagay mula sa
pinagkukunang-yaman
4. nagtataglay ng magagandang katangian
para sa pamamahala
5. pinag-iimbakan ng mga produkto

1. e n r u h i
r e n
g
3. r 4. 2.
o r
s b

u y

o t o

5 g

8
B. Panuto: Isulat sa sagutang ang tsek (√) kung isinasaad ng
pahayag ang pinaiiral na alituntunin sa pagbebenta at ekis (X)
naman kung hindi.
1. Tama ang bilang ng itlog na ipinagbibili para sa isang dosena.
2. Hindi nagbabayad ng buwis sa ginagawang pagtitinda.
3. Ang mga karneng ibebenta ay dapat na malinis at sariwa.
4. Nararapat na walang sakit ang manok na ipinagbibili.
5. Nagbibigay ng presyo ayon sa itinakda ng batas.
C.Panuto: Isulat sa sagutang papel kung ano ang ibinibigay
ng sumusunod na mga tao negosyante.

Halimbawa:
Karpintero - gumagawa ng bahay

1. Panadero -
2. Bumbero -
3. Guro -
4. Sapatero -
5. Barbero -

Isaisip
Panuto: Tukuyin kung anong salita ang hinahanap sa bawat
patlang. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Sa araling ito ay natutuhan mo ang ibig sabihin ng


_____________. Ang ______________ ay ang kakayahan ng isang tao
na matutuhan ang pagnenegosyo at serbisyo. Ito ay nararapat na
may ________________________ na nangangahulugang pagbibigay
ng komportable at kasiya-siyang paglilingkod.

9
Isagawa
Panuto: Punan ang bakanteng kolum sa tapat ng gulay ang mga
detalye na kailangan sa pagsasaalang-alang ng maayos at
matagumpay na negosyo.Gawin mong basehan ang mga detalyeng
nakasulat sa ikalawang kolum at sulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
Hayop Gulay
Produktong ipagbibili Manok
Lugar na pagbebentahan Barangay/kapitbahay
Paraan ng pagbebenta Por piraso/por kilo
Ugaling dapat taglayin Masipag at matiyaga

Tayahin
A. Panuto: Piliin sa kahon ang tinutukoy ng
sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

Entrepreneur Katangian ng isang Entrepreneur


Entrepreneurship Serbisyo

1. Ito ay iba’t-ibang pamamaraan ng pagnenegosyo upang


makapaghanapbuhay.
2. Tumutukoy ito sa pagiging marunong sa pamamahala.
3. Tawag sa nakauunawa sa pangangailangan ng ibang tao.
4. May kasanayan at kaalaman sa produktong ipinagbibili.
5. Maingat at maayos sa pagtatala ng mga produkto.

10
B. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang
tamang sagot at isulat lamang ang titik nito sa iyong sagutang
papel.
1. Si Allen ay magtatayo ng simpleng negosyo, ano ang kanyang
kailangan upang magawa nya ito ng maayos?
a. gabay c. kasama
b. kakompitensiya d. kasosyo

2. Alin sa sumusunod ang nangangahulugang pagbibigay ng


komportable at kasiya-siyang paglilingkod?
a. katuwiran c. personal touch
b. lambing d. tono

3. Ano ang naibibigay ng iba’t ibang negosyo sa tao?


a. kaunlaran c. libangan
b. kayamanan d. lahat ng nabanggit

4. Alin sa sumusunod ang nakatutulong sa panahong ito ng


pandemya?
a. paglabas ng bahay
b. panonood ng telebisyon maghapon
c. paglalaro ng online games
d.pagtulong sa gawain ng pamilya

5. Sa isang batang katulad mo, ano ang maaari mong gawin upang
makatulong sa iyong mga magulang?
a. mag-aral na mabuti c. makipagchat
b. maglaro maghapon d. wala sa nabanggit

11
12
C. Pagyamanin B. Pagyamanin A. Pagyamanin
1.gumagawa ng 1. / 1. entrepreneurship
tinapay
2. X 2. serbisyo3. produkto
2.nag-aapula ng apoy
3. / 4. negosyante
3.nagtuturo sa mga
4. / 5. bodega
mag-aaral
4.gumagawa ng 5. /
sapatos
5.nagtitinda
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Cristobal, Guadalupe. C. AladinG. De Guzman, Loida L. Hilario,
Harriet O. Pontigon, Rebecca T. Watson, at Efigenia
P.Pangilinan, (2005). Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan, Workteks sa Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan para sa Ikaapat na Baitang. Manila: Rex
Bookstore
K to 12 Curriculum Guide EPP/TLE for Grade 4, 2013, Pasig City:
Department of Education.
K to 12 MELCs – EPP 4 Entrepreneur/ICT page – 399 EPP4IE -
d–8
Samadan, Eden F., Marlon L. Lalaguna, Marlon L. Laggui,
Marilou E. Marta, R. Benisano 2019. Kagamitan ng Guro sa
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan para sa Ikaapat
na Baitang. Philippines: FEP Printing Corporation.
Samadan, Eden F., Marlon L. Lalaguna, Marlon L. Laggui,
Marilou E. Marta, R. Benisano 2019. Kagamitan ng Mag- aaral
sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan para sa
Ikaapat na Baitang. Manila: Vival Group, Inc.

13

You might also like