Lesson Plan in Esp 4 4th Gradiing Day1-5week8 l8
Lesson Plan in Esp 4 4th Gradiing Day1-5week8 l8
Lesson Plan in Esp 4 4th Gradiing Day1-5week8 l8
(Kwarter 4)
Banghay Aralin sa ESP IV
I. Layunin
Napahahalagahan ang lahat ng mga likha ng Diyos tulad ng mga materyal na bagay
(halimbawa: pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas)
III. Pamamaraan
Alamin Natin
Basahin ang sanaysay.
Ikaw at Ako: Tagapangalaga ng Kalikasan
I. Layunin
Napahahalagahan ang lahat ng mga likha ng Diyos tulad ng mga materyal na bagay
(halimbawa: pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas)
III. Pamamaraan
Isagawa Natin
Gawain 1
Narito ang mga dahilan ng pagkasira ng ating likas na yaman o kalikasan. Isulat kung paanong nakasisira ang
mga ito sa ating kalikasan. Gawin ito sa iyong kuwaderno
(Kwarter 4)
Banghay Aralin sa ESP IV
I. Layunin
Napahahalagahan ang lahat ng mga likha ng Diyos tulad ng mga materyal na bagay
(halimbawa: pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas)
III. Pamamaraan
Isapuso Natin
A. Gumupit ng isang balita sa pahayagan tungkol sa pangaabuso ng tao sa likas na yaman o kalikasan. Gumawa
ng isang reaksiyon tungkol sa napiling sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
B. Gumawa ng isang patalastas o panawagan tungkol sa pangangalaga ng ating likas na yaman o kalikasan.
Maaaring ito ay sa pamamagitan ng sloganoposter.
Tandaan Natin
Ang likas na yaman ay kaloob ng Maykapal na dapat pangalagaan at paunlarin para mapakinabangan
ng tao. Ang maling paggamit nito ay maaaring humantong sa pagkasira, pagkawasak o pagkawala nito.
Pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng wastong pamamaraan upang ito’y mapaunlad at
mapakinabangan sa habang panahon.
Ang pangangalaga sa mga yamang likas ay dapat isaalang-alang ng bawat isa sa pang-araw-araw na
buhay. Bilang batang magaaral, nararapat lang na gamitin nang may wastong pag-iingat ang mga ito sa
tahanan, paaralan, at maging sa pamayanan.
(Kwarter 4)
I. Layunin
Napahahalagahan ang lahat ng mga likha ng Diyos tulad ng mga materyal na bagay
(halimbawa: pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas)
III. Pamamaraan
Isabuhay Natin
Pag-isipan ang tanong na ito: Paano ka makatutulong sa pangangalaga ng ating likas na yaman o kalikasan?
Pag-usapan ang inyong sagot sa inyong pangkat. Gumawa ng powerpoint presentationo dula-dulaan tungkol
sa napag-usapang sitwasyon
(Kwarter 4)
Banghay Aralin sa ESP IV
I. Layunin
Napahahalagahan ang lahat ng mga likha ng Diyos tulad ng mga materyal na bagay
(halimbawa: pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas)
III. Pamamaraan
Subukin Natin
A. Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang isinasaad sa pangungusap ay nagpapakita ng pangangalaga o
pagmamalasakit sa ating likas na yaman at ekis (x) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_____1. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming bakuran.
_____2. Itinatapon ko ang aming basura sa tabi ng ilog kung gabi.
_____3. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magtapon ng basura sa sahig ng aming silid-aralan.
_____4. Tumutulong ako sa pagsusunog ng mga basura sa likod ng aming bahay.
_____5. Pinaghihiwalay ko ang basurang nabubulok at di- nabubulok.
_____6. Itinatapon ko ang patay na hayop sa ilog.
_____7. Sumusuporta ako sa mga programa ng aming barangay tungkol sa pangangalaga ng likas na yaman o
kalikasan.
_____8. Winawalis ko ang dumi ng kanal sa tapat ng aming bahay upang maiwasan ang pagkabara ng
basura rito.
_____9. Nililinis ko ang daluyan ng tubig sa palikuran isang beses sa isang linggo.
_____10. Inaalagaan kong mabuti ang mga punongkahoy sa aming bakuran.