ARALIN

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FIL 2 – Masining na Pagpapahayag

ALMA B. MANERA, Editor

KABANATA 1– Komposisyong Pangmasa

Nais mo bang lumikha ng komposisyon na madaling ihanda o isulat? O kaya ay


bumasa ng akda na madaling maunawaan ngunit makabuluhan? Komposisyong pangmasa
ang sagot sa layuning ito. Ang komposisyong pangmasa ay laan sa madla o masang
mambabasa. Ang komposisyong ito ay di-kahirapang ihanda dahil hindi naman
nangangailangan ng matatayog na pananalita tulad ng mga akdang pampanitikan at
pangangailangan ng mga kaisipang bunga ng pananaliksik. Popular ito sa karamihan
sapagkat sadyang inihanda para sa karaniwang mambabasa.

Simple ang pahayag gayundin ang mga salitang gamit kaya’t hindi maghahanap ang
babasa nito ng estilo ng pagiging malikhain sa larangan ng pagbuo ng komposisyong ito.
Maliban dito, karaniwang paksa at isyu ang tinatalakay sa komposisyong pangmasa. Kaya
kahit sinuman ay madaling makaugnay ng karanasan sa pagbabasa nito.

Sa araling ito, mailalahad at matatalakay ang sumusunod na paksa:

 Kahulugan ng komposisyong pangmasa


 Iba’t ibang uri ng komposisyong pangmasa
 Mga halimbawa ng komposisyong pangmasa

ARALIN: Komposisyong Pangmasa at ang mga Uri Nito


REXSON D. TAGUBA, LPT
Guro sa Filipino
FIL 2 – Masining na Pagpapahayag
ALMA B. MANERA, Editor

Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan sa mga mag-aaral na:

1.Natatalakay ang kahulugan at katangian ng komposisyong pangmasa.

2. Napag-iiba-iba ang mga uri ng komposisyong pangmasa.

3. Nakabubuo ng mga halimbawa ng komposisyong pangmasa.

KOMPOSISYONG PANGMASA

   Sa pinakamaikling pagpapakahulugan, ang komposisyong pangmasa ay isang sulatin na para sa masa. Isa
itong sulatin na ang kahulugan ay maaaring tuluyan o patula. Laman nito ang pang-araw-araw na karanasan ng
tao na nailahad sa payak at direktang pamamaraan.

KATANGIAN

   1. Karaniwan ang pananalitang gamit.

   2. Maikli.

   3. Tumatalakay sa karaniwang isyu o pangyayari.

   4. Kawili-wili.

MGA URI NG KOMPOSISYONG PANGMASA

1. PANAWAGAN O PATALASTAS PAMBAYAN. Ito ay mga paalaalang ipinaabot sa taong bayan na


maaaring magbigay ng tamang direksyon at magturo ng tamang kaalaman sa mga tao. Maaaring nakadikit sa
isang poste ng ilaw o na kapaskil sa dakong madaling makita ng mga tao.

HALIMBAWA:

Ano: PULONG

Saan: BULWAGAN NG BARANGAY

Kailan:NOBYEMBRE 26, 2020, 8: 00 n. u.

Sino:AMA at INA NG TAHANAHAN

Paksa: PLANONG FEEDING PROGRAM NG BARANGAY

2. PAALALA. Isang sulating nagpapaalala sa mga gawaing panlipunan.

REXSON D. TAGUBA, LPT


Guro sa Filipino
FIL 2 – Masining na Pagpapahayag
ALMA B. MANERA, Editor

HALIMBAWA:

Sa darating na ika-1 ng Nobyembre, 2020 ang Water Works ay maglilinis ng tubong daluyan ng tubig para sa
inumin. Pinaaalalahanan ang lahat na mag-imbak ng tubig bago pa dumating ang araw ng paglilinis.

3. ISLOGAN. Maikling pahayag hinggil sa tiyak na paksa o isyu na maaaring nakasulat sa anyong patula.
Karaniwang isa o dalawang linya lamang ito at binubuo ng mula dalawa hanggang sampung salita lamang. Sa
pagbuo nito, gumagamit ng mga salitang madaling maintindihan at may tugmaan.

HALIMBAWA:

Tapat Ko, Linis Ko!                                               Sa ikauunlad ng bayan,

                                                                              disiplina ang kailangan.

4. TUGMANG-DE-GULONG. Ito rin ay nakasulat na anyobg patula. May tugma at kadalasan ay binubuo ng


2 taludtod na nilalakipan ng mga larawang makatawag-pansin. Nakatutuwa ang diwa ngunitkung susuriin ay
sadyang nangyayari sa ating pang-araw-araw na karanasan. Kadalasang nakadikit ito sa mga sasakyan at
nagsisilbing pang-aliw sa mga pasahero lalo na kung hindi pa umuusad ang sasakyan.

HALIMBAWA:

Ang marunong magsukli,                                            Ang para ay sa tao,

maraming suki.                                                            ang sitsit ay sa aso.

5. PANALANGIN. Mga dasal na binibigkas o binabasa sa isang okasyon o pagtitipon. Ito'y panalanging mula
sa puso ng gumagawa. Sariling pananalita ang dasal. May pattern o balangkas ang dasal na sariling gawa.

6. KOMENTARYO. Ito ay maituturing na panunuligsa sa mga isyung nakaaapekto sa karamihan, maliit man o


malaki. May himig ito ng panawagan. Ginagawa ito para sa layuning pagbabago at kaunlaran. Direkta at walang
ligoy ang pananalitang ginagamit dito. ,Maingat ang pagkakasulat at maaaring magmungkahi ng solusyon sa
ikauunlad ng paksang pinag-uusapan. Ang editorya ay kasama sa ganitong uri.

7. DAYARI o TALAARAWAN.  Isa itong pansariling tala ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng isang
indibidwal. Sangkot dito ang mga karanasang emosyonal, sosyal, at espirituwal. Napakapersonal kaya hindi
sangkot ang anumang opinyon o kuro-kuro.

8. DYORNAL. Halos katulad ng dayari ang dyornal. Naiiba lamang ito dahil hindi lamang pansariling
karanasan sa buhay ang itinatala rito. Ang mga pangyayari sa labas ng bahay o sa kapaligiran ay maaaring
paksa ng isusulat sa dyornal. 

REXSON D. TAGUBA, LPT


Guro sa Filipino
FIL 2 – Masining na Pagpapahayag
ALMA B. MANERA, Editor

Halina’t Magsanay!! (Pagsasanay)

Pangalan _____________________________________

Taon at Seksyon ______________________________________

Guro ________________________________________________________

AWPUT PARA SA ARALIN

REXSON D. TAGUBA, LPT


Guro sa Filipino
FIL 2 – Masining na Pagpapahayag
ALMA B. MANERA, Editor

1. BOOKMARK. Bumuo ng islogan hinggil sa mahahalagang okasyon. Gumawa ng bookmark at ilagay


dito ang nabuong islogan.

2. TUGMANG DE-GULONG. Pumili ng kapares na kaklase. Bumuo ng sariling tugmang de-gulong.


Isulat isto at disenyuhan sa kalahating bahagi ng 8.5 x 11 (short size) bond paper. Maaari itong sulat-
kamay o computerized.

REXSON D. TAGUBA, LPT


Guro sa Filipino

You might also like