Ano Ang Pandiwa

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ano ang Pandiwa ?

Mga salitang nagpapahayag ng kilos o galaw.

Ang mga pandiwa ay binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa.

- Ang salitang-ugat ay nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.


- Ang panlapi naman ay nagpapakilala ng iba’t ibang panauhan, kailanan , at tinig ng pandiwa.
- Isang salita o lupon ng mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw, pangyayari o katayuan.

Aspekto ng pandiwa

- Ang pandiwa ay may aspekto na nagpapakita ng kilos o pangyayari na naganap o kakatapos


pa lamang, sisimulang ganapin at magaganap pa lamang.

1. Perpektibo o Pagnagdaan

- Naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na, o kakatapos pa lamang. Ito ay kadalasang


nabubuo sa pamamagitan ng mga panlaping:

 nag / um / in / nan / ni / an / at / na

Mga halimbawa:

Nag-aaral, uminom, minahal, itinanan, nilamon, nakitaan, nakita

 Nagmahal, iniwan, nasaktan, uminom

2. Imperpektibo o Pangkasalukuyan

- Naglalarawan sa kilos o galaw na kasulukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwa nito sa


pamamagitan ng pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping katulad ng
perpektibo.

 nag / um / in / nan / ni / an / at / na

Halimbawa :

 naglalaba ( nag-la-laba )
 umiinom ( um-i-inom )
 nilalamon (ni-la-lamon )
 nakikita ( na-ki-kita )
 nakikitaan ( na-ki-kita-an )

3. Kontemplatibo o Panghinaharap
- naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan
ng pag-uulit lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping:

 mag- / ipag- / maka / haka-

Halimbawa:

 gagawa ( ga-gawa )
 maglalaba ( mag-la-laba )
 ipagluluto ( ipag-lu-luto )

Mga pandiwang Di-karaniwan

1. May kaltas -
Di- karaniwan ang pandiwa kung ang salita ay nawawalan ng titik o pantig.

Salitang-ugat Panlapi Karaniwang Di-karaniwang ayos


ayos ng Pandiwa ng Pandiwa

Buhos -an buhusan busan


higit ma- / -an mahigitan mahigtan
lagay -an lagayan lagyan
takip -an takipan takpan

2. Maylipat -

Karaniwan ang pandiwa kung ang isa o dalawang titik o pantig na nawawala.

Salitang-ugat Panlapi Karaniwang Di-karaniwang ayos


ayos ng Pandiwa ng Pandiwa

Tanim -an taniman tamnan


atip -an atipan aptan
silid -an silidan sidlan

3. Maypalit-
Napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa kaya ito ay nagiging di-karaniwan.
Salitang-ugat Panlapi Karaniwang Di-karaniwang ayos
ayos ng Pandiwa ng Pandiwa

Dinig ma- madinig marinig


dugtong ka- kadugtong karugtong
halik -an halikan hakan
bayad -an bayadan bayaran

4. Maysudlong -

Di- karaniwan ang pandiwa kung ang karaniwang anyo nito ay nadaragdagan ng isa o
dalawang hulapi.

Salitang-ugat Panlapi Karaniwang Di-karaniwang ayos


ayos ng Pandiwa ng Pandiwa

Antabay -an antabayan antabayanan


kuha -in kuhain kuhanin
mata -in makain matahin
buti pag- / -an pagbutian pagbutihan

Dalawang Uri ng Pandiwa

Mga pandiwang katawanin at palipat / Transitive verb

A. Palipat – Ito ang pandiwang nangangailangan pa ng tuwirang panlayon, upang mabuo


ang kaisipan na nais ipahayag sa pangungusap. Ang mga salitang ng, mga, may at kina
ang kadalasang tuwirang panlayon na ginagamit sa ganitong uri ng pandiwa.
B. Bagay na tumatanggap sa aksyon at ang sagot sa “(Pandiwa) ng ano?”

Hal.

1. Si Mang Jose ay nagtitinda ng taho.


Nagtitinda ng ano? Taho ( tuwirang layon )
 Dahil ang pandiwang “nagtitinda” ay may tuwirang layon, ito ay pandiwang
palipat.
2. Nagpadala ng damit at tsokolate ang ama ni abby mula sa Saudi Arabia.
 “nagpadala” – ang palipat na pandiwa
 “ng mga damit at tsokolate” – tinutukoy ng pandiwa sa pangungusap.

3. Papunta kina aling Sisa ang kolektor ng pautang.


 Papunta – ang palipat na pandiwa.
 Kina aling Sisa – tinutukoy ng pandiwa sa pangungusap.

C. Katawanin – direct object


Ang mga pandiwang ito ay nagpapahayag na ganap ng kilos na ginagawa ng simuno sa
pangungusap. Hindi na ito nangangailangan ng tuwirang panlayon.

Hal.
1. Si Mang Jose ay nagtitinda tuwing umaga
Nagtitinda ng ano? Hindi sinabi sa pangungusap.
 Dahil ang pandiwang “nagtitinda ay walang tuwirang layon, ito ay pandiwang
katawanin
2. Ang mag-anak ay nagdarasal sabay-sabay.
 nagdarasal – ang katawanin ng pandiwa
 Ang mag-anak – ang simuno sa pangungusap
3. Binura ni Eloisa ang nakasulat sa pisara.
 binura – ang katawanin ng pandiwa
 ni Eloisa – ang simuno sa pangungusap

Subukin :

Si Rey ay gumuhit ng isang larawan.

Si Rey ay gumuhit para sa kaniyang klase sa Arts.

 Alin ang pandiwa, ito ba ay palipat o katawanin?

Mga Panlaping Makadiwa

1. um – ( nagsasaad ng karaniwang kilos )


 umupo
2. mag – ( nagsasaad ng pagsasagawa ng kilos)
 mag-aral
4. mag – ( hindi sinusundan ng gitling, nagsasaad ito ng paulit-ulit na kilos)
 magsasalinsin
5. mag- ( nagsasaad ng angking Gawain o propesyon)
 magpresidente
6. mag….an / han ( naglalahad ng sabayang kilos)
7. magka – (nagsasaad ng pagkakaroon ng bagay o pagkakaganap ng kilos)
 magkapera, magkatrabaho
8. magma – (nagpapahiwatig ngpagpipilit o pagpapanggap)
 magmatipid, magmalinis

You might also like