Panulaang Pilipino M1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Fil.

9: Panulaang Filipino

MODYUL 1 : ANG TULA

Aralin 1: Katuturan ng tula at ang Sulyap sa Kasaysayan ng Tula sa


Pilipinas

I. Layunin:
 Nabibigyang kahulugan ang mga terminilohiya ayon sa pansariling opinion
 Naiuugnay ang dating kaalaman sa paksa
 Nabibigyang halaga ang gramatika sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan

II. Sanggunian:
 GRACIA, LAKANDUPIL, et. al. 2006. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cabanatuan City:
JMCY Publishing House
 SEBASTIAN, FEDERICO B. 1997. 5th revise edition. 2016. Pasimula sa Palasurian at Balangkas.
Quezon City: BedesPublishing House

III. Nilalaman ng Paksa:

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit


ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang
mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan
itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita

Katuturan ng tula batay sa iba’t ibang manunulat

 Ayon Kay Julian Cruz Balmaceda - “Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan,
ng kariktan, ng kadakilaan- ang tatlong bagay na magkakatipun-tipon sa isang kaisipan upang
mag-angkin ng karapatang matawag na tula.”

 Ayon kay Inigo Ed. Regalado - “Ang tula ay isang kagandahan, dula, katas, larawan at
kabuuan ng tanang kariktang nakikita sa silong ng alin mang langit”.

 Ayon kay Fernando Monleon - “Ang tula ay pangagagad, tula ng pangagagad ng isang pintor,
ng isang manlililok, at isang asang artista sa tanghalan.” Idinagdag din niya na “ang tula ay
higit na malawak kaysa sa alinman sa nga ibang gagad na mga tinig, kahit na
pagsamasamahin pa ang mga iyon.”

Sulyap sa Kaysaysayan ng Panulaan sa Pilipinas


I. Paunang Katanungan para sa pagtatalakay sa paksa.

Panuto: Sagutin ng buong katapan batay sa iyong sariling pananaw.

1. Naniniwala ka ba na ang kasaysayan at panitikan ay magkaugnay?

1 pahina
Fil. 9: Panulaang Filipino

2. Sa iyong palagay, bakit kailangang unawain ang mga tulang akda na umusbong sa panahong
naisulat ito?

3. Paano mapananatili at mapauunlad ang mga tulang minana pa sa ating mga ninuno ng
kasalukuyang panahon?

Ang Panulaan sa Panahon Bago Dumating ang mga Kastila

Isang iskolar ang nagsabing makikilala lamang niyang ganap ang kaniyang sarili dahil sa
kaniyang lumipas. Kung gayon, masasabi nating makatutulong para sa atin na makilala ang ating
lahing pinagmulan sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa ating panitikan na malinaw na salamin ng
ating kultura at kabihasnan . Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-
asa, hinaing, buhay, at hangarin ng mga Pilipino. Samakatuwid, panitikan ang nagsisilbing tulay
upang maabot ng nakalipas ang kasalukuyan, gayundin upang maipagpatuloy ng kasalukuyan ang
pagpapanatili at pag- unlad ng kultura at kabihasnan upang maisalin ito nang ganap sa susunod na
henerasyon. Ang inaasahang mga sagot sa mga tanong na nasa itaas ay mauunawaan mo sa pag-
aaral ng araling ito. Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa ilang
akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Inaasahan din na sa pamamagitan ng
mga gawain na iyong maisasakatuparan sa bawat aralin ay mapahahalagahan mo ang kultura,
tradisyon at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito.

Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa
taong 1521. Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga
magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat.na dumating. Ang mga unang tao na
dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta. Dahil dito ang sinaunang kabihasnan ay may sarili
nang sistema ng pagsulat at pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang
pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang mga
dayuhang taga-kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng
tatlong patinig at 14 na katinig.

 Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon


at balat ng mga punong-kahoy na ang gamit naman
sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy
din.
 Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga
sinaunang tao

Ang panitikang pasalita - ay may anyong panulaan, tuluyan,


at dula.

Ang panulaan ay binubuo ng mga:


 Bugtong
 Salawikain at kasabihan
 Tanaga
 Tulang pambata
 Bulong
 Awiting bayan
 Epiko

2 pahina
Fil. 9: Panulaang Filipino

 Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga
literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw pagkalipas ng
maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang
panitikan ay may iisang mensahe at layunin.

Ang Bugtong

Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga manlalaro.
Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan.

Ang Salawikain at Kasabihan

Ang salawikain at ang kasabihan ay nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-uunawa sa ating mga
ninuno. Ang salawikain ay nagbibigay aral at ang kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga pang-araw
araw na gawain.

Ang Tanaga

Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa


pagpapagunita sa mga kabataan. Ito ay may estrukturang apat na taludtod at pitong pantig sa iisang
saknong.

Ang Tulang Pambata

Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at
nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa.

Ang Bulong

Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito gaya ng mga lamang lupang
espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay humihingi ng ng pasintabi at paumanhin sa
mga ito upang hindi sila mapahamak sa mga masasamang pangyayari.

Halimbawa:
Tabi, tabi po, Ingkong
Makikiraan po lamang.
Bari-bari Apo
Umisbo lang ti tao. (Ilokano)

Ang Awiting-Bayan

Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga
paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ang mga
sumusunod ay mga halimbawa ng ibaìt ibang uri nito, isa ang talindaw. Ang talindaw ay awit sa
pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit sa
pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang
Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa
lansangan at marami pang iba.

Halimbawa:

Talindaw
Sagwan, tayoy sumagwan
Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang hangin
Baka tayo'y tanghaliin,
Pagsagwa'y pagbutihin.
Oyayi o Hele

3 pahina
Fil. 9: Panulaang Filipino

Matulog ka na, bunso,


Ang ina mo ay malayo
At hindi ka masundo,
May putik, may balaho.

Ang Epiko
Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagang
pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan.

PANAHON NG KASTILA
Ang mga paksa na maaari lamang talakayin sa panahon ito ay panrelihiyon, pangmoralidad, etika,
panlibangan, pangwika at panromansa.

Mga Naiambag ng Kastila sa Panulaang Filipino

A. TUGMA - ito ay huling salita sa tula na kung saan magkakasingtunog.

Halimbawa:
QUINTILLA
(Kastila ang baybay)
Umulan man sa bundoc
Houag sa dacong laot
Aba si casampaloc
Nanao nang dico loob
Ualang bauoanang comot
* Ito'y patungkol sa papanampalataya.

B. PASYON - isang naratibong tula na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo.


Halimbawa:
O Diyos sa kalangitan,
Hari ng Sangkatauhan,
Mabait, lubhang maalam,
At puno ng karunungan.

C. DALIT- ito ay gaya ng Pasyon ngunit ito'y nagsasaad ng buhay ng Birheng Maria.
Halimbawa:
Marikit na Rosa Mistika,
Oh Perla Sola!
Mahal na Ina ng Hesukristong sinasalita,
Ikaw po ang katamis tamisan sa tuwina,
Sa bayang may hapis,
Ikaw nga po ang ligaya.

D. AWIT at KORIDO - ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa.
Halimbawa:
Kung siya mong ibig na ako'y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata,
Isagi mo lamang sa puso mo Laura,
Ako,y minsan-minsang mapag-alala.
(Mula sa Florante at Laura)

PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN

4 pahina
Fil. 9: Panulaang Filipino

KILOSANG PROPAGANDA- isang kilusan na itinatatag sa Barcelona, Espanya noong 1872-1892. Dahil
sa pagbitay ng tatlong pari (GOMBURZA) naitatag ang kilosang ito. Ang kilusang Propaganda ay may
layunin na makamit ang kalayaan ng Pilipinas.

Mga Tulang Naisulat sa Panahon ng Propaganda at Himagsikan

1. PAHIMAKAS ni DR. JOSE RIZAL- ang huling tulang isinulat ni Dr. Rizal sa Fort Santiago.

2. SAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG PILIPINAS ni MARCELO H. DEL PILAR - hangad ng tula ang
paghingi sa mga reporma ngunit nagsasabi na ang Espanya ay napakahina upang magbigay ng
anumang tulong sa Pilipinas.

3. PAG IBIG SA TINUBUANG LUPA ni ANDRES BONIFACIO - para himukin ang mga Pilipino na maging
makabayan.

PANAHON NG AMERIKANO
May tatlong wikang ginamit sa panahon ng amerikano ito ay ang TAGALOG, KASTILA, at INGLES. Ang
paksa sa panahong ito ay PAGKAMAKABANSA, DEMOKRASYA, RELIHIHIYON, SOSYALISDAD at
POLITIKA.

AKLATANG BAYAN (1900 - 1921) - yumabong ng husto ang mga tula at nanaig ang teoryang
pampanitikan na ROMANTISISMO.

ILAW AT PANITIK (1922 - 1934) - sumikat ang LIWAYWAY magasin at dito nakalathala ang ibang mga
tula sa panahon ng amerikano.

ALEJANDRO G. ABADILLA - "PAGHIHIMAGSIK", pagsira sa tradiyunal na anyo ng tula na may sukat at


tugma. Nakilala ito bilang malayang anyo ng tula. Tinagurian din si "AGA" na Ama ng Malayang
Tulang Tagalog.

JOSE CORAZON DE JESUS - kilala sa panulat ngalan na "Huseng Batute", kampeon ng mga taong
mababa ang kalagayan sa pamayanan. Sinulat niya ang dalawang kilalang tula na "Bayan Ko" at
"Pamana".

PANAHON NG HAPON
Mas kilala sa tawag na GINTONG PANAHON ng Panitikang Pilipino. Inutos ng Heneral na wikang
FILIPINO ang gamitin ng mga makata sa pagsulat ng tula. Nakilala ang dalawang anyo ng tula ito ay
ang HAIKU at TANAGA.

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN


Ang mga manunulat ay malaya ng pumaksa ng mga pangyayaring panlipunan. Hindi na din maapoy at
mapanuligsa ang mga inakdang tula. Sa Liwayway at mga magasing pandalubhasaan nababasa ang
mga tula sa panahong ito.

ISLOGAN - isa sa mga bagay na laging maaalala sa panahong ito.

Halimbawa:

*Programang Pangkabuhayan

Magplano ng pamilya

5 pahina
Fil. 9: Panulaang Filipino

Nang buhay ay lumigaya

*Programang Pantao

Sa ikauunlad ng bayan,

Disiplina ang kailangan.

Ang pagsunod sa magulang

Tanda ng anak na magalang

SABAYANG PAGBIGKAS

-Galian sa Arte at Tula (GAT)

-Gawad Palanca

-Talaang Ginto

-Timpalak Literaryo

ANG TULA SA PANAHON NG INTERNET AT SOCIAL MEDIA


Ang mga tulang nasulat ay nagpapakita ng kalayaan sa pagpapahayag at maging sa paksa. Naranasan
na nila ang makilahok sa mga nagaganap sa paligid na naging dahilan upang maimpluwensyahan ang
kanilang mga tulang inakda. May tulang pagpuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa
pamahalaan at mga katiwaliang naganap sa lipunan.

Bibihira na ang paksa tungkol sa pag ibig ngunit unti unting nabubuhay ang paksa tungkol sa
kalikasan. Bihira na ang pagtula sa tanghalan. Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan ng pag
awit.

Mababatid na sumasabay ang panitikan sa modernisasiyon ng mundo—sa pabago-


bagong aspekto ng teknolohiya at internet. Ang modernisasiyon na ito ang nagluwal sa mga
makabagong anyo at pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo ng panitikan.
Nariyan ang lumalagong panitikan ng spoken word poetry sa bansa kung saan naging tanyag si
Juan Miguel Severo na pinamagatang “Prinsipe ng Hugot.” At nariyan din ang battle rap na
pinabantog ng FlipTop Battle League na itinuturing na makabagong anyo ng balagtasan. Ang
tula sa panahong ito ay nakulayan at tinangkilik ng mga kabataan “milinyal”. Ang kamalayan sa
isang bagay ay isang magandang indikasyon na

IV: Pagsasanay:

6 pahina

You might also like