Mendez Aral Pan DLP

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

COMPOSTELA VALLEY STATE COLLEGE

Montevista Branch
Purok 4, San Jose, Montevista, Davao de Oro
School Year 2019-2020
MASUSING BANGHAY ARALIN PANLIPUNAN VI
First Quarter
March 11, 2021

I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng talakayan ang mga bata ay inaasahang:


1. Nakikilala ang mga pinunong katipunan.
2. Napapahalagahan ang mga layunin ng Katipunan.
3. Naipaliwanag kung bakit itinatag at ipinalaganap ang kilusang katipunan.
PAKSANG ARALIN:
A. Paksa: Ang Pagkakatatag at Paglaganap ng Katipunan
B. Sanggunian: Araling Panlipunan Pilipinas 6:Pinagpalang Bayang
Sinilangan
C. Kagamitan: Cartolina, Litrato, Manila Paper, Laptop
D. Kowd: AP6PMK-Ic-5
E. Pagpapahalaga: Pagiging Mulat sa mga Pangyayari sa Paligid

II. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A.
Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Diyos
Espiritu Santo. Amen.
manalangin.
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong Magandang umaga po Sir!
lahat mga bata!
3. Atendans
Sabihin ang “Narito po” kapag Opo.
tinawag ang iyong pangalan.
4. Paunang Gawain
Ngayon ay magkakaroon tayo ng
isang laro. Hahatiin ko kayo sa
tatlong pangkat. Ang gagawin
ninyo ay paunahan kayo sa
pagsagot. Hanapin ninyo ang
mga sumusunod na salita sa loob
ng puzzle box.
S K A A L R A R E S K S K A A L R A R E S K
K A P A R E N E S A I K A P A R E N E S A I
A T M U O N T B T T L A T M U O N T B T T L
A I L A W Q S O B T U A I L A W Q S O B T U
N P U L H E A L I T S N P U L H E A L I T S
I U U M I A R U T X A I U U M I A R U T X A
B N E W A Y N S U Y N B N E W A Y N S U Y N
Y E A R S A D Y A R S Y E A R S A D Y A R S
E R O P L A N O M E E E R O P L A N O M E E
S O R R O W S N E A T S O R R O W S N E A T

Samahan Katipunero
Puwersa Kaanib
Kilusan Rebolusyon

5. Balik-aral
(5.1) Ano ang ating tinalakay (5.1) Ang ating tinalakay kahapon ay
kahapon? tungkol sa Kontribusyon ng kilusang
propaganda sa pagpukaw ng
damdaming makabayan ng mga Pilipino.

(5.2) Ano-ano ang mga kontribusyon


(5.2) Ang mga kontribusyon ng kilusang
ng kilusang propaganda sa propaganda sa pagpukaw ng
pagpukaw ng damdaming damdaming Makabayan ng mga Pilipino
makabayan ng mga Pilipino? ay ang maipagtanggol ang anumang
pang-aabuso at pang-aapi lalo na ng
mga dayuhang Espanyol at ang
pagpapalakas ng loob ng mga Pilipino
upang makapagpahayag para
sakalayaan.
B.
Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
(1.1) Sino sa ba sa inyo ang (1.1) Kami Sir!
mahilig magbasa ng mga librong
patungkol sa mga bayani ng ating
bansa?

Magaling!
Ngayon, mayroon akong
ipapakitang mga larawan sa inyo.
Hulaan ninyo kung sino ang nasa
larawan.

(1.2) Ang nasa mga larawan ay sina


(1.2) Sino-sino ang mga nasa larawan? Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.

2. Pag-alis ng mga Sagabal

Ating tuklasin ang mga mahahalagang


salitang may kaugnayan sa ating aralin.

Katipunan - Ang Kataas-taasang,


Kagalang-galangang Katipunan
ng mga Anak ng Bayan o mas
kilala bilang Katipunan at KKK ay
isang lihim na samahan na itinatag
sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na
may layuning palayain ang bansa
sa ilalim na ng mga mananakop na
Espanyol.
Kartilya- ay mithiin at hangarin
ng katipunan
Cedula - ay isang uri ng
dokumento ng identipikasyon o
pagkakakilanlan, o pambuwis.
Martyr - Ang martir ay isang tao
na dumanas ng kahirapan dahil sa
pag-uusig at kamatayan dahil sa
pagtanggi upang talikuran, o
tanggapin, ang isang
pananampalataya o layunin, na
karaniwang panrelihiyon.

3. Presentasyon
Ngayon ay may ipapakita akong
maikling video tungkol sa pagkatatag at
paglaganap ng Katipunan.

4. Mga Pamantayan (4.1)


(4.1) Anu-ano nga ba ang dapat Umupo ng maayos.
gawin tuwing tayo ay Huwag pong mag-ingay.
nagkakaroon ng leksyon? Makinig po ng maayos.
Huwag pong makipag-usap sa katabi.
Magaling! (4.2) Opo sir!
(4.2) Maasahan ko ba yan sa inyo
mga bata?

5. Gawain

1. Panonood ng maikling video


tungkol sa Katipunan.

2. Pagtatalakay

(2.1) Tungkol saan ang video (2.1) tungkol sa pagtatag at paglaganap


presentation na napanood po ng Katipunan ma’am.
ninyo?

(2.2) Sino ang nagtatag ng


Katipunan? (2.2) Si Andres Bonifacio po ma’am.

(2.3) Ano ba ang naambag ng (2.3) Marami silang naambag sa ating


Katipunan sa ating bayan? bayan ma’am gaya ng pakikipaglaban
para sa ating Kalayaan.

(2.4) Gusto niyo bang malaman


kung sino-sino ang mga (2.4) Opo alam
taong bumuo ng Katipunan at
bakit ito natatag?
6. Pagsusuri

Tatalakayin natin ngayon ang


pagkatatag ng Katipunan at
kilalanin din natin ang mga taong
bumuo at nagtatag ng nito.

Matapos madakip si Rizal noong Hulyo


6,1892, inisip ng mga Pilipino na hindi
na nila makakamit ang hinihinging
pagbabago sa mapayapang paraan.
Para sa anila, ang tanging paraan na
Iamang upang mabago ang pamumuhay
ng mga Pilipino ay ang pagpapaalis ang
mga Espanyol sa pamamagitan ng
rebolusyon.

Dahil sa pagkabigo ng Kilusang


Propaganda at La Liga Filipina sa
kanilang mga layunin ay inisip ng
maraming Pilipinong hindi nila
makakamit ang kalayaan sa
pamamagitan ng mapayapang paraan.
Sa Pangunguna ni Andres Bonifacio ay
naitatag ang Katipunan o Kataas-taasan,
Kagalang-galangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan (KKK).

Kasama rin dito sina Deodato Arellano,


Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin
Diaz, at iba pa.

1.
Andres Bonifacio
Binansagang “Ama ng Katipunan”. Siya
ang nagtatag at lumaon naging
Supremo ng kilusang Katipunan.

2.
Si Emilio Jacinto, ang “Utak ng
Katipunan“, ay pinagkakatiwalaang
kaibigan ni Bonifacio. Tinagurian siyang
“Utak ng Kalayaan ng Katipunan”.
Isinulat niya ang "Kartilya ng Katipunan"
na nagsilbing gabay, mithiin at hangarin
ng katipunan.

3.

Si Arellano ang naihalal na unang


pangulo ng Kataastaasang Konsehong
Katipunan.

4.
Ladislao Diwa
Isa sa mga nagtatag ng Katipunan na
nakilala sa tawag na “Balite”. Siya ay
kabilang sa unang trianggulo kasama si
Andres Bonifacio at Teodoro Plata.
5.
Si Valentin Diaz ay isa sa mga tumulong
sa pagbuo ng mga batas ng lihim na
lipunan. Noong nabuo ang unang
kataastaasang konseho, siya ay nahalal
bilang tagapag-ingat-yaman.

Layunin ng KKK na pag - isahin ang mga


Pilipino na makamit ang Kalayaan ng
bansa sa pamamagitan ng isang
himagsikan laban sa mga Kastila Ang
mga sumapi sa samahan ay tinawag na
mga Katipunero.

Kalayaan•Ang opisyal na
pahayagan ng Katipunan.

Ang mga Katipunero o kasapi sa


Katipunan ay nagmula sa ibat ibang
sektor ng lipunan tulad ng mga
manggagawa, mga magsasaka, mga
kawani, mga guro, o mga negosyante.

Dumami ang kaanib ng samahan sa iba't


ibang bahagi ng Luzon. Ang mga kasapi
ng samahan ay gumamit ng iba‘t ibang
sagisag upang maproteksiyuhan ang
mga sarili laban sa mga guwardiya sibil.

May tatlong antas na kinabibilangan ang


mga kaanib ng Katipunan.
1. Bayani - Kilalang pinakamataas sa
samahan at may hudyat (password) na
Rizal.
2. Kawal (may hudyat na Gomburza) —
Tumutukoy sa isang kasapi o miyembro
ng panglupang kumponente 0 bahagi ng
sandatahang Iakas o puwersa.
3. Katipon (na may hudyat ng Anak ng
bayan) - Ay hirang na tagapagtaguyod
pandangal ng wikang Filipino.

Sigaw sa Pugad Lawin


Pagkatapos mabunyag ang lihim ng
Katipunan, tinipon ni Bonifacio ang mga
Katipunero sa Balintawak noong Agosto
23, 1896. Dito napagkasunduan na
simulan agad ang Rebolusyon.

Maraming Pilipino ang pinaghinalaang


kasapi ang hinuli at ikinulong.

Nagitla ang noo’y Gobernador Heneral


na si Ramon Blanco nang makitang
nagaalsa ang buong Katagalugan
kasama ang Kapampangan at Tarlac.
Kinabibilangan ito ng walong lalawigan:
Batangas, Cavite, Laguna, Maynila,
Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at
Pampanga. Ang mga lalawigang ito ang
bumubuo ng walong sinag ng araw sa
ating pambansang bandila.

Upang mapigil ang paglaganap ng


rebolusyon, inilagay ng mga Kastila ang
walong lalawigang ito sa ilalim ng batas
militar Ang “paghahasik ng lagim” na
ipinatupad ni Gobernor Heneral Ramon
Blanco ay hindi nagpahina ng loob ng
mga Pilipino. Bagkus pinalakas pa nito
ang pwersa ng rebolusyon. Sumali na
rin kalaunan sa pag-aaklas ang Bataan,
Zambales, Camarines Sur at Camarines
Norte. Ang rebolusyon ay nakarating
hangang Puerto Princesa sa Palawan at
lumaganap sa buong kapuluan.
7. Paghahalaw

(7.1) Mayroon ba kayong natutunan (7.1) Opo Sir!


tungkol sa pagtatag at
paglaganap ng Katipunan?
(7.2) Matapos madakip at pinatay si
(7.2) Bakit natatag ang Rizal, inisip ng mga Pilipino na hindi
Katipunan? na nila makakamit ang hinihinging
pagbabago sa mapayapang paraan.

(7.3) Ano ang layunin ng (7.3) pag-isahin ang mga


Katipunan? Pilipino na makamit ang Kalayaan ng
Bansa sa pamamagitan ng isang
himagsikan laban sa mga Kastila.
(7.4) Bakit mahalaga ang mga (7.4) Mahalaga ang mga layunin ng
layunin ng Katipunan? katipunan sapagkat nagbibigay ito ng
pag-aasa sa mga kapwa Pilipino na
makamtan ang minimithing Kalayaan.
8. Paglalapat
Hahatiin sa tatlong grupo ang
boung klase. Isulat at basahin sa
harapan ang gawain.

Isa-isahin ang mga kasapi o ang


bumuo ng katipunan at isalaysay
ang kanilang mga nagawa sa
kilusan.

III. Pagtataya
Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa mga sumusunod na katanungan. Isulat
ang sagot sa isang pirasong papel.

1. Siya ang kinikilalang “Utak ng Himagsikan”.


2. Ano ang ibig sabihin ng walong sinag ng araw sa ating pambansang
bandila.
3. Siya ang naging supremo ng kilusang Katipunan.
4. Siya ang naihalal na unang pangulo ng Kataastaasang Konsehong
Katipunan.
5. Kilala sa pangalang “Balite”.
IV. Takdang Aralin.
Panuto: Sagutin mo sa iyong kwaderno ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng pagpunit ng cedula ng mga katipunero?
2. Makatarungan bang daanin ng mga katipunero sa rebolusyon ang
kanilang paghahangad ng kalayaan?
3. Ano ang epekto sa mga Pilipino ng pagbaril kay Jose Rizal sa
Bagumbayan?

Inihanda ni:
MELCHIZEDEC S. MENDEZ BEED 4E
Pre-service Teacher

Iniwasto ni:
MICHAEL C. MORRE Jr. (For FS and Practicum)
Cooperating Teacher

__________________________ (For In-house Demonstration)


Subject Area

__________________________ (For In-house Demonstration)


Program Head

You might also like