Detailed Lesson Plan AP6

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 6

I. Layunin: Pagkatapos ng gawain, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. masuri ang mga pangyayari sa himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol;
b. maisagawa ang mga pangyayaring naganap noong himagsikan laban sa
kolonyalismong Espanyol;
c. maipamalas ang pagpapahalaga sa kapayapaan sa pamamagitan ng
pagkakaintindihan sa kapwa at sa sambayanan.

II. Paksang Aralin: Himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol


Pamantayan sa Pagkatuto: AP6PMK-Id-6
Sanggunian: K-12 Curriculum Guide
Araling Panlipunan 6 Teacher’s Guide

III. Pamamaraan
Teacher’s Activity Students’ Activity
A. Paghahandang Gawain
1. Pagbati
Magandang araw mga bata! Magandang araw din po titser.
Kumusta kayo ngayung araw? Mabuti naman po Titser.
Ako nga pala ang inyong guro na si
Angelee Fuentes at maaari niyo rin
Hello po titser Gellee
akong tawaging teacher Gelee
Mga bata may lumiban bas a inyong mga
Wala po titser.
kaklasi ngayong araw?
Mabuti naman kung gayun. Ikinagagalak
ko na kayong lahat ay narito.
Ngayon, bago natin sisimulan ang ating
talakayan ay nais ko munang mamulot
kayo ng mga basura na inyong makikita
sa sahig at itapon niyo ito sa wastong
tapunan, at pagkatapos at ayusin ninyo
ang inyong mga upuan at mga sarili
upang maging handa na sa klase. Opo titser
Maliwanag ba mga bata?

2. Balik Aral Ang ating tinalakay nuong nakaraang


Mga bata ano ang ating tinalakay nuong talakayan ay ang implikasyon ng
nakaraang talakayan? kawalan ng pagkakaisa sa
himagsikan/kilusan at pagbubuo ng
Pilipinas bilang isang bansa

Tama, kaya basis a inyong natutunan


nuong nakaraang talakayan, ano ng aba Ito ay nakapagpapahina ng samahan
ang implikasyon ng kawalan ng dulot ng pagkalusaw ng himagsikan
pagkakaisa? hanggang ito’y matalo.

Opo.
Magaling. Mahalaga ba ang pagkakaroon Kasi po, ang samahang magkaisa ay
ng pagkakaisa sa isang samahan? matibay sapagkat ang samahang
mayroong pagkakaisa ay kumukilos,
Bakit? nag iisip ng iisa, nagtutulong tulong
upang layunin ay makamit.

Magaling.

3.1 Pagganyak
Ngayon mga bata ay magkakaroon
ulit tayo ng gawain. Kaya hahatiin ko
kayo sa tatlong grupo, kaya naman
magbilang ng isa hangang tatlo.
Ngayon, ay oumunta na kayo sa
inyong grupo.
Ang inyong gagawin ay paunahan
kayo sa pag hanap sa mga salitang
Opo titser.
aking ipapakita. Bibigyan ko kayo ng
dalawang minute upang hanapin ang
mga salitang ito. At ang may
pinakamaraming nahanap na salita
ang siyang tatanghaling panalo.
Maliwanag ba mga bata?

Ang sumusunod na salita ay ang mga


salitang hahanapin sa kahon.

Kasunduan Katipunan
Labanan Pagkabigo
Pagpupulong Pugad Lawin
Sedula Sigaw Inaasahang sagot ng mga bata.
Katipunero Paglilitis
B. Panlinang na Gawain
1. Pagbibigay Pananaw
Nuong taong 1896 ay nagkaroon ng
pambansang paghihimagsik ng mga
Filipino laban sa kolonyalismong
Espanyol at sumiklab noon Agosto 1896. Ano ang mga nangyari noong
himagsikan laban sa kolonyalismong
Espanyol?
2. Pagbubuo ng Suliranin
Base sa sunabi ko, ano kayang tanong
ang mabubuo tungkol rito?
May isasagot kaba, ___________

Magaling

3. Pagbibigay Haka Magkakagulo po


Ngayon, basi sa katanungang nabuo ni
__________. Ano nga ba ang nangyari Marami po ang masasawi dahil sa
gulo
noong himagsikan laban sa
kolonyalismong Espanyol? May naisip
ba kayo? Ano ba ang unang tumatak sa
inyong isipan mula sa tanong na nabuo?

Magkakagulo? Okay magaling. Sino pa.

Pwede rin, possibli ngang marami ang


masasawi dahil sa kaguluhang
nagaganap.

Magaling mga bata.

4. Pagpaplano ng Paraan sa Pagkuha ng


Datos
Magbabasa po ng aklat.
Ngunit ang inyong mga sagot ay mula
lamang sa inyong mga haka-haka.
Kailangan pa nating tuklasin kung ano Maari din pong manood ng mga
nga ang tunay na mga nangyari nong bidyu tungkol sa kasaysayan
himagsikan laban sa Kolonyalismong particular na ang tungkol dito
Espanyol.
Paano kaya natin malalaman ang mga
nangyayari? May naisip ba kayo? Titser, manaliksik po sa internet

Magaling, marami nga tayong makukuha


sa pagbabasa ng aklat. Ano pa?

Magaling, marami ding impormasyong


makukuha sa panonood ng bidyo. Meron
pa ba?

Tama, sa pamamagitan din ng


pagsasaliksik sa internet ay marami
tayong makukuhang mahahalagang
impormasyon. Magaling mga bata.

5. Pagkalap ng Datos
Ngayon kung inyong mapapansin ay
mayroong tatlong istayong sa ating silid
aralan. Ang inyong gagawin ay mag-iikot
kayo sa mga istasyong iyan. Kaya sa
parehong grupo, lahat ay magtutungo o
magsisimula sa ang bawat grupo sa Opo
bilang ng istasyon na kapareho sa bilang
ng inyong grupo halimbawa ang unang
grupo ay magsisimula sa unang istasyon
at magtutungo lamang sa pangalawang
istasyon pagkatapos ng nakalaang oras.
Bawat grupo ay bibigyan ko ng tig-
tatatlong minuto bawat estasyon at
basahin ang mga impormasyong
nakalagay sa bawat istasyon. Maliwanag
ba mga bata?

Okay magaling, tapos ay bibigyan ko


kayo ulit ng tatlong minute upang pag
usapan ng bawat grupo ang mga
importanting mga impormasyong inyong
nalaman sa pag-iikot sa mga istasyon at
ilahad ninyo sa harapan ang inyong mga
natutunan. Subalit upang makaiwas sap
ag-uulit ng impormasyon ay iuulat Opo.
lamang ng unang grupo ang kanilang
natutunan sa unang istasyun, ang
pangalawang grupo naman sa pangalawa,
at ang pangatlong grupo sa pangatlo.
Ngunit making kayo ng mabuti sa bawat
paglalahad ng ibang grupo sapagkat
maaaring may mga impormasyon silang
natuklasan na maaari niyong nakaligtaan
upang kayo’y makasagut sa mga
katanungang pagkatapos. Naiintindihan
baa ko mga bata?
Mabuti.
 Unang Grupo: Sigaw sa Pugad Lawin
Ang Unang Sigaw sa Pugad Lawin ay
isang natatatanging pangyayari sa kasaysayan
ng Pilipinas na binubuo ng mahigit limandaang
Katipunero na sabay-sabay na pinunit ang
kani-kanilang sedula bilang pagpapatunay ng
kanilang tuluyang pagtiwalag sa pamumuno ng
mga Espanyol sa Pilipinas. Ito ay naganap
noong Agosto 23, 1896 sa pamumuno ni
Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan.
Noong Hulyo 5, 1896 nang matuklasan
ng pamahalaang Espanya ang samahang
Katipunan. Isang liham ang ipinadala ni
Tenyente Manuel Sityar, isang opisyal ng
Pasig, sa Gobernador Sibil ng Maynila upang
ipaabot ang kaniyang kaalaman sa samahang
kubling binubuo sa kabisera. Ayon sa kaniyang
balita, ang samahan ay buong-tapang na
nagsisiwalat ng mga kamalian ng pamahalaan
at ang puwersa nito ay umabot na maging sa
kalapit na sakop ng Maynila gaya ng
Mandaluyong at San Juan. Ayon rin kay Sityar,
may nalikom na laang-salapi ang samahan na
sapat upang matustusan ang mga kasapi ng
mga armas na kanilang gagamitin sa
napipintong pag-aaklas nila.
Dahil sa pagkatuklas ng Katipunan,
pinasabihan ni Andres Bonifacio ang iba't iba
pang pinuno ng samahan na isang pagtitipon
ang kanilang pasisinayaan sa Balintawak at
dito ay pag-uusapan kung ano ang
pinakamainam na hakbangin na kanilang
gagawin. Noong Agosto 19, kasama ang
kapatid na si Procopio, at ilang kasapi gaya
nina Emilio Jacinto, Teodoro Plata at Aguedo
del Rosario, ay tumulak si Andres Bonifacio sa
Balintawak at sinapit ito dakong madaling-
araw. Nang sumunod na araw naman ay
natunton ito ng grupo ni Pio Valenzuela.
Kinabukasan muli ay binago ni Bonifacio ang
kodigo ng Katipunan matapos mapag-alamang
nababatid na ito ng mga Espanyol. Matapos
magtipon ang may limandaang Katipunero, ay
binagtas nila ang Kangkong, Kalookan at dito
ay pinaunlakan silang patuluyin at pakainin ni
Apolonio Samson. Hapon ng Agosto 22 ay
tinungo naman nila ang Pugadlawin.
Agosto 23, 1896 nang marating nila
ang tahanan ni Juan A. Ramos, anak ng
kinikilalang “Ina ng Katipunan” na si
Melchora Aquino. Sa kabila ng pilit pagtanggi
ng kaniyang bayaw na si Teodoro Plata ay
sumang-ayon naman ang lahat na simulan na
ang pakikipaglaban. Sa utos ni Bonifacio,
sabay-sabay inilabas ng mga Katipunero ang
kanilang sedula at pinunit ito ng buong
pagmamalaki at katapangan. Dito
napagkasunduan na ang unang yugto ng
himagsikan ay gaganapin sa Agosto 29,
kabibilangan ng lahat ng kasapi ng Katipunan.

 Pangalawang Grupo: Kumbensyon sa


Tejeros
Noong 22 Marso 1897, nagkaroon ng
pagpupulong sa Tejeros, isang baryo sa San
Francisco de Malabon, Cavite, ang dalawang
paksiyon ng Katipunan sa lalawigan—
ang Magdíwang na pinamumunuan ni Mariano
Alvarez, tiyuhin ni Andres Bonifacio, at
ang Magdaló na pinan- gungunahan ni
Baldomero Aguinaldo, pinsan Heneral Emilio
Aguinaldo. Ito ang tinatawag
ngayong Kumben siyóng Tejéros (Te·hé·ros).
Layunin ng kumbensiyong ito na bumuo ng
mga plano at pagkilos upang palakasin ang
depensa sa Cavite.
Gayunman, sa halip na talakayin ang
nasabing dahilan ng pagpupulong, nagdesisyon
ang mga lider ng Katipunan sa naturang
probinsiya na magtatag ng bagong
rebolusyonaryong gobyerno kapalit ng
Katipunan at maghalal ng mga opisyal para
dito.
Tinutulan ni Bonifacio ang inisyatibang
ito at ipinuntong may konstitusyon at
gobyernong kasalukuyang umiiral—ito ay ang
Katipunan. Gayunman, nanaig ang kagustuhan
ng mga Kabitenyong Magdalo. Bagama’t
atubili, pinanguluhan ni Bonifacio ang
eleksiyon sa garantiyang igagalang ng
nakararami kung anuman ang maging resulta
nitó. Sa halalang ito lumabas sina Emilio
Aguinaldo bilang presidente; Mariano Trias,
bise-presidente; Artemio Ricarte, kapitan-
heneral; Emiliano Riego de Dios, direktor ng
digma; at si Andres Bonifacio, bilang direktor
ng interyor. Gaya ng pambabalewala sa
orihinal na adyenda ng kumbensiyon, ang
pagkakahalal kay Bonifacio ay inusisa ni
Daniel Tirona at sinabing tanging may pinag-
aralan lámang ang maaaring mag-okupa sa
nasabing posisyon. Bunga ng pambabastos na
ito, idineklara ni Bonifacio bilang tagapangulo
ng pagpupulong at supremo ng Katipunan na
walang bisà ang nasabing halalan.
Gayunman, buo na ang loob ng mga
Kabitenyong Magdalo at itinuloy ang
pagpapairal sa halalan sa Tejeros. Mabilisang
pinanumpa si Aguinaldo bilang bagong pinunò.
Pagkaraan, itinuring na hadlang si Bonifacio sa
bagong gobyernong rebolusyonaryo kayâ
ipinadakip bago makalabas ng Cavite, nilitis, at
hinatulan ng kamatayan.

 Pangatlong Grupo: Kasunduan sa Biak


na Bato
Ang Republika ng Biak-na-
Bato (Español: República de Biac-na-Bató),
opisyal na tinutukoy ng saligang batas nito
bilang ang Republik ng
Filipinas(Español: República de Filipinas) ay
ang kauna-unahang republikang naitatag
sa Pilipinas ng manghihimagsik na si Emilio
Aguinaldo at ang kanyang mga kapwa kasapi
sa Katipunan. Naitatag ang biak-na-bato noong
Nobyembre 1 1897 sa Maynila. Sa kabila ng
tagumpay nito gata ng pagkakatatag ng kauna-
unahang Saligang Batas ng Pilipinas, ang
republika ay nagtagal lamang ng ilang buwan.
Isang kasunduang pangkapayapaan ang
nilagdaan ni Aguinaldo (sa pagitan ng mga
Katipunero at sa Kastilang Gobernador Heneral
Fernando Primo de Rivera) ang nagtapos ng
republika at pinatapon si Emilio Aguinaldo
sa Hong Kong.
Ang saligang batas ng Republika ng Biak-
na-Bato ay isinulat ni Felix Ferrer at Isabelo
Artacho na kumopya sa Kubanong Saligang
Batas ng Jimaguayú na halos magkakamukha
ang mga salita. Ito ay nakapagbigay-daan sa
pagkakabuo ng Konsehong Supremo na
itinatag noong Nobyemre 2, 1897 na ang mga
kasunod ay mga namumuno ay hinalal:
Pangulo Emilio Aguinaldo
Ikalawang-pangulo Mariano Trías
Kalihim ng Antonio Montenegro
Banyagang
Kapakanan
Kalihim sa Emiliano Riego de
Pandirigma Dios
Kalihim sa Panloob Isabelo Artacho
Kalihim sa Baldomero
Pananalapi Aguinaldo

Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay ang


kasunduan sa gitna ng mga Pilipino at mga
Espanyol upang matigil ang Himagsikang
Pilipino noong 1896. Sa pamamagitan ni Pedro
Paterno, nilagdaan ni Gobernador-Heneral
Primo de Rivera ang Kasunduan sa Barangay
Biak-na-Bato, San Miguel, Bulacan.
Ang mga naging kahilingan sa
kasunduan ay ang mga sumusunod.
 Sina Emilio Aguinaldo ay tutungo sa ibang
bansa at doon maninirahan
Magbabayad ng halagang P800,000 ang
mga Rebulusyonaryong Espanol sa tatlong
bigayan:
 (a) P400,000 pagkaalis nila
Aguinaldo,
 (b) P200,000 kapag naisuko na ng
mga rebelde ang higit na 700 sandata,
 (c) P200,000 kapag ipinahayag ang
pangkalahatang amnestiya
 Magbabayad ng halagang P900,000 sa Opo.
mga pamilya ng mga Pilipinong hindi
sumama sa labanan ngunit napinsala.

Ngunit ang mga kasunduang ito ay hindi Mahigit labinlimang katipunero


naging matagumpay dahil sa paglabag ng
magkabilang panig. Tulad ng hindi pagsuko ng
ilang mga heneral na Pilipino ng kanilang Sedula, pinunit ang kani-kanilang
sandata at di pagbabayad ng mga Espanyol ng sedula bilang pagpapatunay ng
ipinangakong halaga para sa mga kanilang tuluyang pagtiwalag sa
rebolusyunaryo pamumuno ng mga Espanyol sa
Pilipinas

6. Pagtatalakay
Ngayon ay magkakaroon ulit tayo ng
Tenyente Manuel Sityar
gawain. Bawat grupo ay naka pwesto ng
pabilog sa kanikanilang upuan at sasagutan Agosto 23, 1896
ninyo ang mga katanungang ibibigay ko. Andres Bonifacio
Paunahan sa pagsagot kaya naman bawat Melchora Aguino
grupo ay mag-iisip ng gagawing ingay na
may kinalaman sa pagiging matapang na
mandirigma o sundalo. At ang ingay na Pinagsabihan ang ibang mga lider ng
inyong mabuo ang siyang gagamitin Katipunan na magkaroon ng isang
ninyong pang-ingay bilang hudayat na kayo pagtitipun sa Balintawak
ay sasagot maliwanag ba?
Magaling, ito na ang unang tanong, makinig Agosto 29, 1896
ng mabuti.
Marso 22, 1897
1. Sa pagbabasa ng sigaw sa pugad lawin,
ilang mga katipunero ang nakilahok sa Bumuo ng mga plano at pagkilos
kilusan? upang palakasin ang depensa
2. Ano ang sabay sabay na pinunit ng labin sa Cavite
limang katipunero at bakit nila ito
ginawa?
Ang pagbuo ng panibagong
rebolusyonaryong gobyerno

Dahil siyay itinuring na hadlang sa


bagong gobyernong rebolusyonaryo.
3. Sino ang nagpadala ng liham sa
Gobernador Sibil tungkol sa natuklasang
Pangkapayapaan
samahan?
4. Kailan naganap ang nasabing pagpupunit Upang matigil na ang Himagsikang
ng sedula ng mga katipunero? Pilipino noong 1896
5. Sino ang namuno sa Katipunan?
6. Sino ang ina ng Katipunan? Sapagkat ang magkabilang panig ay
7. Nang malamang natuklasan na ang lumabag sa kasunduan.
nasabing samahan, ano ang kauna
unahang ginawa ni Bonifacio?
Ang unang sigaw sa pugad lawin
8. Kailan napagkasunduang unang yugto ng kung saan isang samahan ang nabuo
himagsikan? Ang kumbensyon sa Tejeros kung
9. Kailan naganap ang pagpupulong sa saan naisilang ang bagong
Tejeros? rebulosyunarong gobyerno
Ang kasunduan sa biak na bato kung
10. Ano ang layunin ng nasabing
saan ay lumagda ang pinuno ng
pagpupulong?
samahan sa kasunduang
pangkapayapaan upang maitigil na
ang himagsikan.
11. Ano ang desisyong ginawa ng mga
leader ng Katipunan na tinutulan ni
Bonifacio?

12. Ano ang dahilan ng pagka dakip at Siguro dahil po sa hidwaang naganap
pagkitil sa buhay ni Bonifacio? sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga
namamahalang Espanyol.
13. Anong kasunduan ang nilagdaan ni
Aguinaldo sa pagitan ng mga Katipunero
at sa Kastilang Gobernador Heneral?
14. Bakit isinagawa ang kasunduan sa biak
na bato?

15. Sinasabing nabigo ang kasaunduang Opo dahil nga po ito’y


biak na bato, bakit? pangkapayapaan na siyang magtitigil
sa lahat ng kaguluhan.

7. Paglalahat
Ano ang tatlong nangyari nuong
Himagsikan 1896?

Hindi po
Kasi po hindi pinakinggan ng mga
Kabitenyong Magdalo ang rason ng
pagtutol ng kanilang Supremo na si
Bonifacio, at sa bagong opisyal sa
halalang naganap ay hindi nerespeto
ni Daniel Tirona ang nakuhang
posisyon ni Bonifacio at sa halip ay
Magaling. binastos niya pa ito. Hindi
C. Pangwakas na Gawain magandang tingnan na silay
1. Pagpapahalaga magkapwa Pilipino, na may iisang
Sa tingin ninyo, bakit nangyayari ang kahilingan at yun ay ang makamit
mga iyon? ang kalayaan ngunit paano nila
makukuha ito kung sila na mismo ay
may hidwaan sa isa’t isa at hindi
Magaling. At alam niyo ba na ang naging marunong umintindi ng kapwa.
ugat na nag udyok sa nasabing samahan Ipinaiiral nila ang kanilang galit at
ay mula noong mapabalita ang pagdakip layuning maghimagsik laban sa
at pagdestiyero ng ating Pambansang dayuhan dahil ng siguro sa kanilang
bayani na c Jose Rizal upang pabagsakin karahasan nguit bakit tila’y sila rin
ang gobyernong dayuhan. ay may tinatagong dahas sa kanilang
sarili laban sa kanilang kapwa.
Tama ba ang pagsang ayon ni Aguinaldo
sa nasabing kasunduan?

Magaling, at upang wala naring


sundalong Pilipino ang masasawi dulot
ng himagsikan.
Hindi po
Kasi po hindi naman magdudulot ng
Kung ating babalikan ang tungkol sa
mabuti ang pakikipag away, kung
pagpupulong sa Tejeros, tama ba ang may hidwaan mang mangyari ay
mga nagaganap dito? maaari naman itong maisaayos sa
Bakit? pamamagitan ng pakikipag usap ng
masinsinan at ipapairal ang
pagkakaintindihan

Opo

Tama, hindi nga maipagmamalaki ang


mga nangyayari doon sapagkat ito’y
magsisilbing bahid ng kahihiyan bilang
isang Pilipino.
Kaya sa panahon natin ngayon, kailangan
pa ba nating makipag-away upang
maipaglaban ang karapatan ng bawat isa?
Bakit?

Magaling.

2. Paglalapat
Ngayon ay magkakaroon kayo ng
pagsasadula. Isasadula ng unang grupo ang
tungkol sa Sigaw sa Pugad Lawin, ang
pangalawang grupo naman ang sa
Kumbensyun sa Tejeros at ang pangatlong
grupo ay ang tungkol sa kasunduan sa bato.
Maliwanag ba mga bata?

Kayo ay mamarkahan gamit ang mga


sumusunod na krayterya.
Nilalaman – 20%
Kaayusan – 15%
Kasanayan – 15%
50%

IV. Ebalwasyun
I. Ibigay sa ang wastong sagot sa sumusunod na katanungan?
1. Kailan nangyari ang Sigaw sa Pugad Lawin?
_____________________________________________________
2. Kailan natuklasan ng pamahalaang Espanya ang samahang Katipunan.
______________________________________________________
3. Bakit agad na nag-alok ng pagtitipon si Bonifacio sa Balintawak?
______________________________________________________
4. Ano-ano ang dalawang paksyon ng Katipunan sa lalawigan ng Cavite?
________________________________________________________
5. Ilan ang babayaran ng Rebulosyonaryong Espanyol kapag naisuko ng mga
rebelled and 700 sandata?
________________________________________________________
II. Ipaliwanag at panindigan mo ang sumusonod na mga katanungan.
1. Kung ikaw ay makikipaglaban para sa ating bayan, anong paraan ang iyong
gagamitin? Pakikipaglaban gamit ang lakas ng katawan o pakikipaglaban sa
mapayapang paraan? Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Naging makabuluhan ba ang mga pangyayari sa Kasunduan sa Biak-na-Bato sa


pagkakamit ng kasarinlan ng Pilipinas? Ipaliwanag ang iyong sagot.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

V. Kasunduan
Magsaliksik kung ano ang mga nai-ambag ni Andres Bonifacio, ang Katipunan at
Himagsikan 1896 sa pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa.

You might also like